Shana's POV
Maaga akong pumasok dahil may gagawin pa akong importante iyon ay ang masilayan ang kanyang mala-anghel na mukha. Jiro, ano bang nakita ko sayo at para bang patay na patay ako sayo? Dahil ba sa chinito ka? Hindi ko maexplain itong nararamdaman ko. Basta ang alam ko ay Crush na kita.
Wala namang masama sa Crush diba? Crush lang naman eh it means hinahangaan. So, ibig sabihin ba nito ay naging Crush ko siya dahil Chinito siya? At bagay sa kanya yung singkit niyang mata?
Siguro? Basta, hindi mabubuo yung araw ko kapag hindi ko siya nakita.
Nang makarating ako sa school ay tumambay ako sa may gate para makita siya kapag papasok na. Sa kamalas-malasan ko nga naman ay biglang dumating si Krissa na mukhang masaya na. Nagkaayos na siguro sila ni Kean kaya ganito yung babaeng ito ngayon.
"Uy best? Anong ginagawa mo rito? May hinihintay ka?" Tanong ni Krissa pagkalapit niya sa akin.
Parang hindi pa siya sigurado kung bestfriend niya ako o ako itong bestfriend niya na nakatayo sa harapan ng gate.
"Ah eh, ikaw kasi yung hinihintay ko wala kasi akong magawa sa room tinatamad ako kaya hinintay na lang kita rito." Sabi ko, kahit hindi talaga siya yung hinihintay ko.
Mukhang papalpak yung plano ko dahil kay Krissa, hindi ko makikita ngayon si Jiro :( No choice kasi eh maghihinala ito.
"Eh kung gayon ay ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Halika na? Oh may hinihintay kang iba?" Sabi niya, na may halong pagbibiro
Naku, kung anu-ano kasi iniisip ko ayan tuloy at naghihinala na siya. Anong palusot yung sasabihin ko?
"W-wala ah *pautal kong sabi* , ikaw utak mo kung anu-ano naiisip. Tara na nga!" Sabi ko na medyo naiinis. Syempre, arte lang yun haha.
Kaya naglakad na kami papasok sa loob. Habang naglalakad ay naiisip ko na naman siya. Siya na lang ba lagi ang laman ng utak ko?
"Wait, nagblush-on ka? *sabay turo sa may pisnge*" habang patuloy pa ring naglalakad.
Hindi naman ako naglalagay nun ah? Bakit naman ako magkakablush-on?
"Hindi ah, hindi ako nagmemake-up kapag papasok lang sa school." Sabi ko habang patuloy na naglalakad.
"Eh? Ano tawag diyan? Kusang namumula? Wait, kinikilig ka? Wahhh! Hinihintay mo kanina yung crush mo noh?" Pangungulit niya
No way, kapag nalaman niyang may crush na ako ay tiyak na kukulitin niya ako kung ano pangalan nun. Hindi siya makukuntento hanggat hindi niya ito nakikita ng harapan. Ano sasabihin ko sa kanya?
"Ewan ko sayo, mainit kasi yung panahon." Sabi niya ko para bang nagtitimpi dahil ko alam ang sasabihin ko eh.
"Ok!"
Mabuti naman at tumigil na siya, tiyak na mag-iimbestiga ito kaya hindi dapat ako magpahuli sa kanya.
Nang makarating kami sa classroom namin ay umupo ako sa may bandang likod para hindi maabala. 30 minutes pa kasi bago magsimula yung klase namin kaya napagdesisyunan kong magpatugtog na lang. Headet, plug in!
Pakiplay po yung song sa gilid entitled BABY BLUE EYES by ROCKET TO THE MOON, this song was suggested by my classmate.
----------------------->
Nasira tuloy yung umaga ko dahil hindi ko siya nakita pero masaya naman ako dahil nagkaayos na si Kean at Krissa, pero gusto ko talaga siyang makita habang hindi pa nagiistart yung klase. Ang alam ko ay classmate siya ni Kean, kung yayain ko kaya si Krissa sa building nila Kean? Huwag na lang, tatanungin ako nun ng kung anu-ano.
Sa kaiisip ko ay napatingin ako sa may bintana at eksaktong dumaan siya. Napatitig tuloy ako sa kanya at tumingin din siya sa akin at kinindatan at nginitian niya ako.
"Crush mo yung dumaan noh?"
"Oo eh, cute niya noh?" Sabi ko habang kinikilig.
"Huli ka shana! Ano pangalan nun? Cute ni Kuya, chinito pala yung mo ah."
Naku lagot! Si Krissa pala yung katabi ko. No choice, nasabi ko na eh kailangan ko ng umamin sa kanya.
"Oo na aamin na. Crush ko siya at siya yung hinihintay ko kanina sa may gate. Jiro ang name niya classmate ni Kean." Sabi ko at humarap sa kanya.
"Aba, ang dami mo yatang alam sa kanya. Stalker lang ang peg?" Sabi niya
"Stalker agad? Hindi ba pwedeng Admirer man lang?"
"Ok, gusto mo siyang makita mamaya?"
"Oo gusto ko eh paano naman?"
"Ikaw na nagsabi, kaklase ni Kean kaya punta tayo sa room nila."
"Oh sige sige!"
Tapos dumating na yung prof namin. Excited na akong makita siya.
*************
Elmo's Note:
Susulitin ko na ito hanggang kayang mag-update.
Good deeds don't make a Christian, but a Christian does good deeds.