The Relationship Code

De iDangs

15.9M 503K 163K

(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butt... Mai multe

The Relationship Code
Prologue
Chapter 1: Make her happy
Chapter 2: Mars and Venus
Chapter 3: Okay
Chapter 4: Say You Like Me
Chapter 5: More than enough
Chapter 6: Trouble
Chapter 7: Harana
Chapter 8: Monthsary
Chapter 9: White lies
Chapter 10: Surprise
Chapter 11: Charm
Chapter 12: Birthday
Chapter 13: Emergency
Chapter 14: Charity
Chapter 15: Pride
Chapter 16: Stress reliever
Chapter 17: Guess who
Chapter 18: Playing the field
Chapter 19: By chance
Chapter 20: GNO
Chapter 21: 5
Chapter 22: Focus
Chapter 23: Christmas Gift
Chapter 24: Untitled
Chapter 26: Talk with the kids
Chapter 27: Triple kill
Chapter 28: Out of love or out of guilt
Chapter 29: Varsity team
Chapter 30: Drinking session
Chapter 31: Confrontation
Chapter 32: Girl talk
Chapter 33: Two reasons
Chapter 34: Confrontation
Chapter 35: Raffle
Chapter 36: Ex and present
Chapter 37: Mess I made
Chapter 38: Just like the old days
Chapter 39: Heart to heart talk
Chapter 40: Calm before the storm
Chapter 41: Post-graduate plans
Chapter 42: Decision
Chapter 43: Jealous
Chapter 44: ...
Chapter 45: Love letter
Chapter 46: Déjà vu
Chapter 47: Wonderwall
Chapter 48: For keeps
Chapter 49: Hello real life
Chapter 50: Reunion
Chapter 51: Group hug
Epilogue
Third Generation and Other Stories

Chapter 25: Taken...

228K 9K 5.1K
De iDangs



Nate's Point of View


Nagising ako nang maramdaman kong may tumatalon sa kama ko. Medyo hindi ko pa makita ng maayos kung ano bang nangyayari kaya nang may mag-landing sa tiyan ko na kung ano, daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig.

Nagtawanan ang mga pinsan kong maliliit nang bigla akong mapabangon at mga nagmamadaling tumakbo palabas ng kwarto ko. Paano ba nakapasok ang mga 'yon dito? Hindi ko ba nilock ang pinto?

Kainis naman o. Nagising ako agad. Ang ganda ganda pa naman ng panaginip ko.

Hinatid ko raw si Tammy sa kanila tapos sinagot na raw niya ako. Sa panaginip man lang sagutin niya ako. Kaya lang bigla raw lumabas 'yung nanay niya kaya – teka...


Nate! Gising! Nangyari talaga 'yon kagabi! Sinagot ka talaga ni Tammy! Gwapo mo kasi!


Lumaki ang ngiti ko at nagtatalon talon ako sa kama ko.


"Wohoooo!"

"Anong trip mo?" Napahinto ako sa pagtalon nang magsalita si Russel na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko. "Pinapatawag ka na nila Tito Ice. Nasa baba na sila papa pati sila Tita Ashley. Ikaw na lang – "


Hindi ko na siya pinatapos sa pagsalita. Tumalon na ako pababa ng kama at lumapit sa kaniya saka siya hinalikan sa pisngi, "Good morning, pinsan!" bati ko at nagtatakbo palabas ng kwarto.


"Siraulo ka, Nate! Kadiri ka! Ni hindi ka pa nagtoo-toothbrush!!"


Bago pa ako makababa ay nagmamadali ulit akong bumalik sa kwarto nang hindi pinapansin si Russel. Kinuha ko ang phone na nasa kama ko at napangiti nang malaki nang makitang may message galing kay Tammy.

Kilig! Yiii!


Thank you sa paghatid kagabi. Sorry sa abala.


Sus! Ito namang si Tammy para pang others. Girlfriend ko kaya siya kaya ayos lang. Kasi nga girlfriend ko siya. Kaya ayos lang. Kasi girlfriend ko siya.

Nate, magtigil ka! Paulit-ulit. Oo na, girlfriend mo siya. Girlfriend mo!

Girlfriend. Ayan, kinikilig na naman ako.


Ayos lang. Lakas mo kaya sa akin. Nagkahangover ka ba?


Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa pagsigaw ni mama sa baba kaya nagmamadali ulit akong tumakbo papunta sa kanila.

Binati ko ang mga kamag-anak ko at kapag hindi nagbabasa o nagrereply sa text ni Tammy ay nakikipag-usap ako sa kanila. Mukha namang napansin nila 'yon kaya inagaw ni Tito Ry ang phone ko at itinago.


"Hindi maalis ang tingin sa phone."

"Binata na talaga 'tong si Nate," biro pa ni Tita Ashley. Ilang taon na nga akong nangliligaw eh. Malamang binata na ako. Si Tita Ashley talaga o.


***

"Nakakainis. Kung makangiti akala mo kung anong maganda ang nangyari," irap sa akin ni Pipes.


Nakatambay kaming dalawa ngayon sa clubhouse. Hindi ko pa nga pala nakwekwento sa kaniya na sinagot na ako ni Tammy kagabi.


"Masaya talaga."

"What happened?"


Lumapit ako sa kaniya at bumulong, "Kami na ni Tammy."

Natawa si Pipes at umiling, "You wish." Nang hindi ako sumagot ay tumingin siya sa akin at nanliit ang mata, "Ohmygod. For real?"

Hindi ulit ako sumagot kaya bigla na lang siyang tumili at nagtatatalon. Kung anu-ano na ang sinabi niya. Hindi ko na masundan. Mukhang mas masaya pa siya kaysa sa akin pero syempre hindi pwedeng mangyari 'yon kasi ako na ang pinakamasaya.


*** 

Ilang araw na ang nagdaan pero parang wala namang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Tammy. Sabi ko na nga ba magiging ganito eh. Nakasanayan na kasi niya na ganito kami kaya kahit kami na, hindi pa rin siya masyadong expressive. Ni hindi pa nga siya ulit nagsasabi ng I love you sa akin. Nahihiya rin naman ako kaya hindi ko rin masabi.

Pambihira lang. Ang tagal kong nagmamagwapo sa kaniya pero ngayon kung kailan kami na saka ako titiklop at hindi makapagsabi ng I love you. Napakainam nga naman.


Habang naglalakad kami papunta sa kakainan namin, pasimple kong hinawakan ang kamay niya.

Sa una ay idinikit ko lang ang kamay ko sa kaniya. Tapos 'yung pinky finger ko ay hinawakan ang palad niya hanggang sa sumunod na ang iba. Kinikilig ako bwisit!

Kaya lang nabali ang kilig ko nang bigla niyang ilayo ang kamay niya sa akin at saka ako tiningnan na halatang nagtataka, "Anong ginagawa mo?" Nakikipag holding hands kaya lang hindi natuloy.

Hindi ko siya sinagot at nginitian lang. Malamang nahihiya pa siya. Hindi pa siya sanay. Sige, huwag muna ngayon. Hahayaan ko na lang na mas maging kumportable na siya sa title namin. Hindi ko na muna hahawakan ang kamay niya ngayon.

Bukas na lang.

Kaya lang nang subukan ko ulit hawakan ang kamay niya kinabukasan ay inilayo niya ulit 'yon sa akin. Ginawa ko ulit 'yon kinabukasan. Paulit-ulit. Natapos na ang Christmas vacation ay hindi ko pa rin nagagawang makipag holding hands sa kaniya.

Kapag nagpapakasweet ako ay parang naiilang din siya. Wala pa rin palitan ng I love you's. Hindi kaya panaginip lang talaga ang nangyari noong sinagot niya ako? Hindi talaga nangyari. Kaya lang hindi eh! Totoo 'yon! Naramdaman ko totoo 'yon.

Kaya lang... parang may mali.


Napaaga ang pasok ko kaya tumambay ako sa isang fastfood at iniisip ang mga nangyayari sa amin ni Tammy.


"Lalim ng iniisip, ha?" Napatingin ako sa babaeng nasa tapat ng lamesa ko – lamesa ng may ari ng fastfood na 'to na inuupuan ko pala. Hindi ko 'to inaangkin. Pero sino ba 'to? "Uhh. We met already."


Nakakunot pa rin ang noo ko at napatingin siya sa paligid, "Uhm, sa bookstore? Naghahanap ka ng regalo para kay Tamara? Ako 'yung kaklase niya." Pamilyar. Hindi ko nga lang maalala. Pero kaklase naman siya ni Tammy kaya okay na.


"Hi," bati ko sa kaniya?

"Pwedeng maki-share ng table? Wala na kasing vacant."


Tiningnan tingnan ko ang paligid at wala na nga siyang mauupuan kaya tumango na lang ako. Siguro napaaga rin siya ng pasok kasi mamaya pa ang simula ng klase nila Tammy. Kawawa naman kung sa sahig siya kakain.

Papasok na kaya si Tammy? Baka nasa jeep na 'yon ngayon? Itext ko kaya siya tapos lagyan ko sa dulo ng I love you. Kaya lang ang pangit naman na hindi ko naman nasasabi sa kaniya sa personal 'yon tapos biglang sasabihin ko 'yon sa text. Pero parang mas pangit kung hindi ko talaga sabihin 'yon sa kaniya maski sa text. Hay, nako.


"Hindi naman sa nakikialam, ha? Pero... ano bang problema?"

"Wala naman."


Tinaasan niya ako ng kilay at nagkibit-balikat, "Okay. Sabi mo eh. Paalala ko lang, kapag kinikimkim mo 'yan, lalabas 'yan sa kung saan." Aba! Parang nagamit ko na 'yung linyang 'yon dati ha?

Kung sabagay, ayos lang naman na sabihin ko sa kaniya. Kaklase naman siya ni Tammy. At saka minsan maayos na rin manghingi ng opinyon mula sa taong hindi ka naman masyadong kilala.

Ikwinento ko sa kaniya ang sitwasyon ko at kung paano ako nanligaw kay Tammy sa maraming taon. Ang normal na tao, magugulat kapag nalaman na kakagraduate pa lang namin ng highschool nangliligaw na ako at hindi pa rin ako sinasagot o binabasted. Pero siya mukhang hindi naman nagulat at wala man lang karea-reaksyon kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkwento hanggang sa gabing hinatid ko siya sa kanila kasi lasing siya.


"So... never niyo pa napag-usapan 'yung tungkol sa pagsagot niya sa 'yo? Never pa kayo nag-I love you-han sa isa't isa? Never pa kayo nagkaroon ng interaction na parang sa normal na mag-boyfreind-girlfriend?" Sige lang. Idiin pa niya.

"Never."


Tumango tango siya at binuksan ang bibig para magsalita pero isinara rin ulit. Dalawang beses nangyari 'yon. Dahil doon, pakiramdam ko nag-iisip siya kung itutuloy niya pa ang sasabihin niya o hindi na kasi baka masaktan o maoffend ako. Hindi ko alam kung magugustuhan ko ang maririnig ko pero mas ayos na ang marinig ko ang gusto niyang sabihin kahit mukhang hindi naman maganda.


"Sabihin mo na."


Nagulat siya sa sinabi ko. Huminga siya ng malalim at mabilis nagsalita, "Naisip mo ba na nasabi lang niya 'yon kasi lasing siya at hindi na niya naaalala na sinagot ka niya?"

Para akong binagsakan ng langit at lupa nang marinig ang sinabi niya.

Nakalimutan ni Tammy na sinagot niya ako kasi lasing siya? Kalokohan. Kapag lasing ka hindi mo nakakalimutan ang mga sinabi o ginawa mo. Sabi sabi lang 'yon pero hindi naman totoo. Sumasakit lang ang ulo mo kapag umiiom ka. Hindi ka nagkakaroon ng amnesia.


"Pero kilala mo naman si Tamara. Hindi siya masyadong expressive. Baka nahihiya lang. Hintayin mo na lang na makapag-adjust siya." Maghihintay na naman. Pinanganak ba ako para maghintay? Hobby ko na ata 'yon. Minsan nakakapagod na rin. "Or better kung kausapin mo siya tungkol diyan sa issues mo. Para naman alam niya ang iniisip mo."

"Mukhang kailangan nga naming mag-usap. Salamat..."

"Tanya."

"Salamat, Tanya."


***

Matapos ng klase ni Tammy ay hinatid ko siya pauwi sa kanila. Buong byahe namin hindi ako masyadong makapag-concentrate. Gusto ko na siyang kumprontahin kaya lang paano kung hindi nga niya naaalalang sinagot niya ako? Masakit 'yon.


"Ayos ka lang ba, Nate?" kalabit niya sa akin kaya tumango naman ako. "Parang hindi."

"Ayos lang, Tammy."

"Hindi talaga eh," sasagot pa lang sana ulit ako nang ituloy niya ang sinasabi niya. "Uhh, kanina pa kasi tayo lumagpas sa bahay namin."


Dahan dahan akong nag-preno at umatras. Hindi ko na napansin na nakalagpas na pala.


"Anong problema?" tanong niya nang huminto ako sa tapat nila.


Okay. Ito na. Wala nang atrasan 'to. Kailangan ko na talagang sabihin. "Wala. Tara na, hatid na kita papasok sa inyo."

Pinangliitan niya ako ng mata at umiling, "Ayan na lang naman kami. Ayos na. Thank you sa paghatid. Ingat ka pag-uwi." Inayos na niya ang gamit niya at lalabas na ng sasakyan nang makakuha na ako ng lakas ng loob.


"Good night. I love you."


Napahinto siya at dahan dahang tumingin sa akin. "A...ano?"


"Ang sabi ko... Good night. I love you." Halata sa mukha niya na nagpapanic siya. Dahil doon, nakaramdam na ako ng takot. Nandito na rin naman, ididiretsyo ko na. "Okay lang naman sabihin ko 'yon 'di ba? Girlfriend naman kita."

"Girlfriend?!"

"Oo. Sinagot mo ako noong hinatid kita matapos ng Christmas party natin nila Pipes."


Napahawak siya sa gilid ng noo niya at pumikit na parang inaalala ang mga nangyari noong gabing sinagot niya ako. Siya pilit may inaalala. Ako, nag-aalala na.

Bigla niyang pinalo ang noo niya, "Ohmygod. Ohmygod. Lasing ako noon."


"Alam ko. Pero di ba kapag lasing ka mas lumalakas ang loob mo at sinasabi mo ang mga bagay na hindi mo magawang sabihin kapag nasa katinuan ka."

"Hindi ko alam ang ginagawa ko noong panahong 'yon. Hindi ko alam ang sinasabi ko."


Napahigpit ang kapit ko sa steering wheel. "Hindi ba?" Umiling siya kaya napapikit ako. "You didn't mean it when you said yes?"

Pagdilat ko ay tiningnan ko siya. Nakasandal na siya at umiling na naman. "Alam mo naman 'di ba na priority ko ang pamilya at pag-aaral ko kaya hindi kita sinasagot? Ayokong maguluhan. Ayoko ng distractions kasi nakafocus ako sa – "


"Distraction?" Nanlaki ang mata niya nang ulitin ko ang mga salitang 'yon. Distraction. I'm a distraction. "Ano ngayon ang gusto mong mangyari?"


Hindi siya agad nakasagot. Malamang nag-iisip kung ano ang gagawin niya.


"Pwede bang bumalik na lang tayo sa dati? Isipin mo na lang – "

"Isipin na hindi mo ako sinagot – na panaginip lang ang nangyari noon?" Tumango siya at napangiti na lang ako.


Bullshit. This is bullsht. Ano 'yon? Ano ngayon kami? Mag-ex? O nanliligaw pa rin ako sa kaniya? Mas maayos pa kung sinabi na lang niya na basted ako eh. Kaysa ganito. Sinagot ako sabay binawi. Para lang akong inalok ng pagkain at kung kailan kakainin ko na 'yon saka babawiin. Patikim.


"Sige."

"Nate."

"Ayos na. At para makapag-focus ka talaga sa priorities mo, titigilan na kita. Para wala ng distraction."

"Nate. Huwag ka naman – "

"Sige na. Pumasok ka na sa inyo."

"Nate. Please."

"Sige na, Tamara."


Nang sabihin ko ang pangalan niya ay napahinto siya. Sandali muna siyang sumandal at saka bumaba. Tangina. Nakakaloko. Ayoko na. Nakakapagod na.


***

Relationship Code No. 17: Don't take him for granted.

Continuă lectura

O să-ți placă și

18.6M 560K 67
Jasper Yu, the drummer of the band Endless Miracle and the known playboy of the group got the taste of his own medicine when he fell in love with Ais...
35.3M 1.1M 69
Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin a...
164K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...