The Relationship Code

By iDangs

15.9M 503K 163K

(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butt... More

The Relationship Code
Prologue
Chapter 1: Make her happy
Chapter 2: Mars and Venus
Chapter 3: Okay
Chapter 4: Say You Like Me
Chapter 5: More than enough
Chapter 6: Trouble
Chapter 7: Harana
Chapter 8: Monthsary
Chapter 9: White lies
Chapter 10: Surprise
Chapter 11: Charm
Chapter 12: Birthday
Chapter 13: Emergency
Chapter 14: Charity
Chapter 15: Pride
Chapter 16: Stress reliever
Chapter 17: Guess who
Chapter 18: Playing the field
Chapter 19: By chance
Chapter 20: GNO
Chapter 21: 5
Chapter 22: Focus
Chapter 23: Christmas Gift
Chapter 25: Taken...
Chapter 26: Talk with the kids
Chapter 27: Triple kill
Chapter 28: Out of love or out of guilt
Chapter 29: Varsity team
Chapter 30: Drinking session
Chapter 31: Confrontation
Chapter 32: Girl talk
Chapter 33: Two reasons
Chapter 34: Confrontation
Chapter 35: Raffle
Chapter 36: Ex and present
Chapter 37: Mess I made
Chapter 38: Just like the old days
Chapter 39: Heart to heart talk
Chapter 40: Calm before the storm
Chapter 41: Post-graduate plans
Chapter 42: Decision
Chapter 43: Jealous
Chapter 44: ...
Chapter 45: Love letter
Chapter 46: Déjà vu
Chapter 47: Wonderwall
Chapter 48: For keeps
Chapter 49: Hello real life
Chapter 50: Reunion
Chapter 51: Group hug
Epilogue
Third Generation and Other Stories

Chapter 24: Untitled

232K 8.7K 4K
By iDangs


Nate's Point of View


Sobrang bilis lang lumipas ng araw. Parang nagmamadali. Naisip ko nga baka naghahabulan ang araw at ang buwan. Kaya lang kahit naman anong gawin nila hindi sila magtatagpo. And that, my friends, is the saddest story of all time. Mas malungkot pa kaysa sa Romeo and Juliet at Titanic. Hindi naman sa nanonood ako ng mga gano'ng palabas. Sadyang pinilit lang ako ni Pipes na samahan siya sa panonood. At bilang mabait na bestfriend, pumayag na lang ako.


"Nate!" Speaking of... "Are you ready? Pwede na tayong umalis?" Sumaludo ako kay Pipes at naglakad na palabas ng bahay. "Uhh, I think you forgot something, Nate."

"Ano?" Naguguluhan kong tanong.

"'Yung regalo namin. Nakalimutan mong dalhin. Or... don't tell me wala ka talagang binili?"

"Ah, oo nga. Nasa kwarto ko pa. Sunod ako sa inyo." Buti na lang pinaalala niya. Kung sakali baka naiwan ko pa 'to.


Naisip namin na i-move ang pasko para sa barkada namin. Sa halip na December 25, December 26 kami magcecelebrate. 25 pa rin naman sa ibang parte ng mundo kaya pasok pa rin 'yon. Kaya kahit nagkita kita kami noong mismong pasko (bukod kay Tammy na kasama ang pamilya niya at kay Guevarra na hindi pa rin nagpaparamdam) hindi ko pa rin binigay sa kanila ang mga regalo nila. Naka-save 'to para sa sarili naming Christmas party ngayon. At kung sakaling hindi dumating si Pipes at pinaalala 'to, wala akong mabibigay na mga regalo. Kung nangyari 'yon, babawi na lang ako sa mga kwento. At charisma.

Inilagay ko sa likod ng sasakyan ko ang mga regalo. Nandoon na rin ang kay Pipes. Pagkatapos ay dinaanan namin si Tammy sa kanila.


"Why do I feel like I'm third-wheeling here?"


Nagkatinginan kami ni Tammy. Nakaupo kasi siya sa shotgun seat habang nasa likod si Pipes. Kadalasan nasa shotgun seat siya pero kapag kasama si Tammy, siya na ang kusang umuupo sa likod.

Nang tingnan ko siya sa rear view mirror ay napailing na lang ako, "Why do I feel like you don't really care? Sitting pretty ka diyan." Hindi ko na rin napagilan ang mapa-english. Hindi nga ako masyadong nag-eenglish kasi baka bumilib lalo sila sa akin kaya lang... wala eh.

Nakataas pa ang dalawa niyang paa at ibinaba niya ang sandalan. Preskong presko, ha.


"May balita ka na, Piper?" tanong sa kaniya ni Tammy. Si Guevarra malamang ang tinutukoy niya.

"I'll tell you two a secret," sabi niya kaya napatingin na naman ako sa kaniya mula sa rear view mirror. "He texted me yesterday and greeted me a merry Christmas. Sabi niya huwag daw akong mag-alala sa kaniya at kung nagbabalak daw akong hanapin siya, huwag na lang daw. Basta he's safe. I tried calling him pero wala na. He's gone. Again. Just. Like. That."


Nagkatinginan kami ni Tammy at parehas naming hindi alam kung ano ang sasabihin kay Pipes o kung dapat bang may sabihin. Buong byahe namin ay naging tahimik na matapos marinig ang kwento ni Pipes. Kapag talaga nakita ko 'yang si Guevarra malalagot 'yan sa akin. Pinapahirapan niya masyado ang bestfriend ko.

Nang makarating kami sa No Name ay binigyan kami ni Pipes ng tingin na nagsasabing huwag na lang muna magsalita sa iba tungkol sa pagcontact sa kaniya ni Guevarra. Kaya tumango kami ni Tammy.


"Hi, guys!" sigaw ni Pipes at lumapit kay Warren, Hails at Russel sa isang table.


Nagkatinginan na naman kami ni Tammy, "Hindi ko alam kung matatakot o maaamaze ako sa bilis ng pagpapapalit niya ng mood."

Inilingan ko si Tammy, "Malungkot pa rin 'yan. Magaling lang siyang magpanggap na okay siya kahit hindi naman talaga. Namaster na niya 'yan noong highschool pa tayo."


"Alam mo, sobrang swerte ni Piper kasi may bestfriend siya na sobrang nakakakilala sa kaniya at laging nandiyan para sa kaniya."

"In love ka na sa akin niyan?" biro ko sa kaniya kaya tinaasan niya ako ng kilay. "Okay, sige. Crush na lang. Crush mo na ako niyan?"

"Crush naman na talaga kita noon pa. Kaya nga hinayaan ko na manligaw ka."


Para akong nag-freeze dahil sa sinabi niya. Ngayon lang niya inamin na crush niya ako. Sa tinagal tagal kong nanliligaw sa kaniya, ngayon lang niya sinabi 'yon. Ito na ata ang Christmas present niya para sa akin. The best gift na 'to!

Nagwawala na 'yung puso ko. Kaunti na lang baka malalaglag na talaga 'to. Literal na laglag. Pero unfair! Siya isang gano'n lang nagwawala na ang puso ko. Samantalang ako nakailang daan na punchline na sa kaniya pero hindi ko pa rin siya makitang kinikilig. Dapat talaga magpatulong na ako next time kila Papa at mga tito ko kung paano ang tamang pagpapakilig.


"Nate! Diyan ka na lang ba?! Tatayo ka lang ba diyan buong gabi?!"


Napailing ako nang marinig ang sigaw ni Warren. Para akong hinila pabalik sa katotohanan. Para nga pala akong tanga na nakatayo mag-isa dito. Ito namang si Tammy, pagkatapos akong pakiligin bigla akong iiwan at uupo kasama nila. Pero okay lang 'yan, Nate. Crush ka naman niya. Crush ka niya, Nate! Tumatalab charms mo! Wohooo!

Hindi rin nagtagal at nagsimula na kaming magpalitan ng mga regalo. Hindi ko sila tinipid ngayong pasko na 'to kaya mukhang tuwang tuwa sila sa mga regalo na binigay ko. Syempre natuwa rin naman ako sa mga binigay nila. Pero mas natuwa pa rin ako sa pag-amin ni Tammy.


"Thank you dito. Siguro torture para sa 'yo ang magpuntang bookstore, ano?" biro sa akin ni Tammy.


Inipit ko 'yung sulat ko para sa kaniya sa pagitan ng pages ng libro. Hindi ko rin sinabi na nakalagay 'yon doon o na gumawa ako ng sulat para sa kaniya. Mas okay kasi na surprise. Baka sakaling kiligin na talaga siya. Sana naman!


Nauwi na rin kami sa pagparty. Minsan lang naman namin gawin 'to at nagcecelebrate naman kami kaya oks lang. Umiinom sila pero ako hindi masyado. Ihahatid ko pa 'tong si Tammy sa kanila. Hindi ako pwedeng uminom ng marami.

Turo ata sa akin ni Papa na huwag uminom kung magdradrive at lalo na kung may ipagmamaneho ako. Kaya ayan, sinusunod ko siya. Ang galing ko talaga. Ang bait kong anak. Sobrang masunurin. Kaya proud na proud sila sa akin eh. Ako pa!


"Hindi ka iinom?" tanong ko kay Russel.

"Uminom na ako kanina."

"May balak ka lang ihatid, ano?"


Binatukan niya ako ng paglakas lakas. Pakiramdam ko lumabas ang mata ko. Pero syempre, OA lang naman ako. Napayuko lang talaga ako ng kaunti.


"Umiinom kasi si Warren. Delikado na kaya ako na lang maghahatid sa kanilang lahat." Magbuhat naman kasi nang dumating ang second sem, bantay sarado na si Warren kay Hails. Daig pa ni Hails ang mga prof sa pagkastrikto. Kapag siya naging prof, hindi ko ieenroll ang magiging anak ko sa school na pagtratrabahuhan niya. "At saka para may oras din kayo ni Tamara na kayo lang. Alam ko namang pabor sa 'yo 'tong gagawin ko."


Oo naman. Pero syempre hindi ko ipapahalata.

Ilang oras pa ang nagdaan mga bagsak na ang mga kasama namin pwera kay Hails. Hindi naman kasi sobrang dami ang ininom niya pero halata sa mukha niya na pagod na siya. Si Warren naman nakasandal na sa balikat ni Hails. Si Pipes ay nakadukdok ang mukha sa lamesa habang si Tammy ay mukhang tulog na.

Nagkatinginan kami ni Russel at sabay tumayo at nag-unat.

Pumalakpak ako kaya medyo gumalaw sila pero hindi naman ako tiningnan. Mga 'to talaga. Paano na lang kung wala silang mababait na kaibigan na maghahatid sa kanila? Anong gagawin nila? Dito sila matutulog sa No Name?


"Tara na! Uwian na!"


Kinuha na ni Hails ang gamit niya pero hindi pa rin siya masyadong makagalaw dahil kay Warren, "Help." Lumapit ako sa kanila at inilagay ang kamay ni Warren sa balikat ko. Lumapit din si Russel at inalalayan din si Warren.


"Pakibantayan muna 'yang dalawa."


Kinuha ni Russel ang susi sa bulsa ni Warren at isinakay na. Binalikan din namin 'yung tatlo. Kinuha na ni Hails ang gamit ni Pipes at Tammy.


"Susi ng kotse mo? Ilalagay ko na gamit ni Tammy." Initsya ko naman sa kaniya ang susi ko kaya lumabas na siya ng No Name.


Nilapitan namin ang dalawa at ginising. Natinag naman si Pipes kaya lang napansin kong parang basa ang mata niya. Huwag niyang sabihin na umiyak siya?


"May masakit ba sa 'yo?" tanong ko sa kaniya.

"Meron. Masakit..." seryosong sagot niya sa akin. Pagkatapos ay bigla na lang siyang ngumiti. "'yung ulo ko."

"Pipes."

"Hatid mo na si Tammy, Nate. It's late na. Sakit sa ulo lang 'to. Mabilis mawala." Magsasalita pa sana ako nang ituro niya si Russel, "Did you drink kanina?"

"Konting konti lang."

"Good. Give me a ride. Nawala na si Warren."


Tiningnan ako ni Russel at tumango, "Don't worry."


***

Nang makarating kami kila Tammy, bagsak na bagsak pa rin siya. Napabuntong hininga na lang ako at bumaba ng sasakyan at saka binuksan ang pintuan sa side ni Tammy.

Next time dapat dito hindi umiinom. Lalo na kapag hindi kami o ang pamilya ang kasama niya.


"Tammy. Nandito na tayo."

"Hmm?"

"Nandito na tayo sa inyo."


Dumilat siya pero wala pang 5 segundo bagsak na naman. Nako. Kung hindi lang siya cute at kung hindi lang siya si Tammy kinaladkad ko na 'to palabas.


"Bubuhatin na lang ulit kita, ha?" Ayan, nagpaalam ako. Baka kapag nalaman niya kinabukasan na binuhat ko siya bigla na lang ako sapakin nito.


Naglalakad ako papunta sa kanila habang buhat buhat siya at nag-iisip ng sasabihin sa magulang niya. Syempre wala akong balak magsinungaling kasi baka masira pa ang pangalan ko sa kanila kaya dapat maganda ang pagkakapaliwanag ko para hindi mapagalitan 'tong si Tammy.


"Sa susunod kasi dahan dahan sa pag-inom. Baka sumakit pa ulo mo niyan bukas."

"Hmmm."


Kakatok na sana ako nang bigla na lang siyang bumungisngis. "Gising ka ba, Tammy? Nangtritrip ka lang ata eh." Tumawa na naman siya at bumaba na mula sa pagkakakarga ko. "Ayos ka lang ba?"


"Mmm-hmm," tango niya sa akin.

"Para namang – "

"Thank you." Nanliit ang mata ko at tiningnan mabuti kung ayos na ba talaga siya. Mukha naman. Medyo nangangalumata nga lang pero...

"Ako na magpapaliwanag sa parents mo para hindi ka mapagalitan. Baka kasi – "

".... you."

"Ha?"

"I love you."


Nanlaki ang mata ko at parang hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya.


"S..seryoso ka ba?!" Baka nagkamali lang ako ng dinig. Pero tumango siya! Tumango siya! "Nadaan ka na sa charms ko?!"


Bumungisngis na naman siya at may bonus pang pisil sa pisngi ko. Sobra sobrang Christmas gift na talaga 'to!


"Ibig sabihin ba... tayo... na?"


Tulad kanina ay tumango na naman siya. Nanlaki na naman ang mata ko at muntikan na akong sumigaw pero bago ko gawin 'yon ay bumukas na ang pinto nila at sumilip na ang nanay ni Tammy.


"Kaya pala may narinig akong ingay. Nandiyan na pala kayo." Tumingin siya kay Tammy at inamoy, "Uminom ka, ano? Hay, Tamara. Sige na. Matulog ka na." Pagkatapos ay tumingin naman siya sa akin. "Gusto mo bang pumasok muna at magkape?"


Oo, syempre gusto ko. Para mas matagal kaming magkasama ni Tammy. Kaya lang late na at mukhang kakagising lang ni tita. May hiya pa naman ako.


"Hindi na po. Hinatid ko lang si Tammy."

"Baka nakainom ka, Nate. Tapos magdradrive ka."

"Konti lang po, tita. At kanina pa po 'yon. Ayos na po ako."

"Sige. Mag-ingat ka pag-uwi mo, ha."

"Opo."


Tiningnan ko pa ulit si Tammy pero mukhang antok na antok na siya kaya hindi na ako nagsalita.

Tumatakbo akong bumalik sa sasakyan ko at nang masiguro kong nakasarado na ang lahat ng pinto at bintana, hindi ko na napigilan ang sumigaw. Sinagot na ako ni Tammy!!!


***

Relationship Code No. 16: Be honest with your feelings.

Continue Reading

You'll Also Like

27.3K 939 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
4.6M 60K 20
haveyouseenthisgirlstories.com - That Girl 1: Eh paano kung isa kang babaero at isang araw may babaeng sumulpot sa buhay mo at sinabing ikaw ang boy...
7.7M 28.6K 7
Synopsis: Shaylie is a typical fifteen-year-old girl from a religious family. Terrence, on the other hand, is not your average boy. To Shaylie, Terre...
2.2K 31 4
Baguio Series #6 [on indefinite hiatus] Aira Karen Romualdo hated her life for having a very strict family, so when her brother, Giovanni, has alread...