The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

66: Troy's Birthday

2.9M 67K 46.9K
By blue_maiden

TROY

"Happy birthday, Troy." Kinuha ko 'yong regalong bigay sa 'kin ni Abby. Akala ko, kasama niya si Tiffany pero hindi. Siguro si Stacey 'yong kasama niya.

"Looking for someone?"

"Ah wala, sige pasok ka na, Abby. Thanks dito, ah."

Ngumiti siya sa 'kin tapos pumasok na siya sa loob. Dumating naman si Ginno tsaka si Six.

"Bro, happy beerday!" sabi no'ng dalawa. Mga adik talaga sa alak 'yong mga 'yon.

"Salamat! Mamaya, bro, inuman tayo. Pasok muna kayo sa loob, may party pa kasi na hinanda sina Mom para sa 'kin, e."

"Sige, bro." Pumasok sila sa loob pagkaabot ng regalo nila sa 'kin.

Balak ko lang sana sa bar lang kami mag-celebrate ng birthday ko. Hindi naman kasi ako sanay sa mga sosyaling party. Club at house party lang 'yong trip ko. Kaso sina Mom and Dad, gusto ng bongga 'yong party na ibibigay nila sa 'kin. Chance kasi nila 'yon para makahanap ng business partners. Mostly kasi business-minded 'yong mga magulang ng mga kaibigan ko. Kaunti nga lang 'yong invited na friends ko talaga. Puro sina Mom kasi 'yong pumili ng mga bisita. Takte nga, e. Feeling ko, hindi ako makakapag-enjoy do'n. Basta pumunta 'yong tatlong ugok, si Candice tsaka si Tiffany, okay na ako. Buti na lang, napa-reserve ko 'yong isang bar namin kaya mamaya, doon kami. Ang boring kasi kung doon lang ako sa hotel mag-celebrate.

"Bro, happy birthday! Ang tanda mo na!" Gago talaga si Charles. Sino bang mas matanda sa 'min? Tsaka napaka-baby face ko kaya.

"Hoy, Tanda, pagbaliktarin man natin ang mundo, mas matanda ka pa rin sa 'kin!"

Tumawa nang malakas si Serina. Aba, magkasama sila at mukhang may kakaibang aura 'yong dalawang 'yon. May nangyari kayang romantic sa kanila noong iniwan namin sila ni Marky sa ospital? Haha, maasar nga siya mamaya about do'n.

"Ugok, mas gwapo pa rin ako sa 'yo!"

Bigla namang lumapit sa 'min si Candice. Naka-smile agad siya sa 'kin noong nakita niya ako. Ang sama ng tingin niya kay Charles.

"Hoy, Kuya, mas gwapo sa 'yo si Troy! Pagbigyan mo na, birthday naman, e." Tumawa siya tapos may inabot siya sa 'king maliit na box. Wow, may regalo pa talaga siya sa 'kin, ah. Na-excite tuloy akong buksan 'yon. "Happy birthday, best friend."

"Thanks! Nasaan pala si Jeydon?"

Tiningnan niya 'yong cellphone niya. "Papunta na raw sila rito." Medyo hindi pa mapakali si Candice noong sinabi niyang "sila." Kasama kaya ni Jeydon si Jaycee? Hindi ko naman siya invited, e. Baka si Jayshin lang 'yong kasama niya. "Uy, si Marky, nandito na rin pala."

Nilingon namin si Marky, may dala-dala siyang susi sa kamay niya tapos ibinato niya 'yon sa 'kin. Ang gago lang ng lalaking 'yon. Paano kapag natamaan 'yong napaka-cute and handsome face ko? Tsk, baka hindi na ako magustuhan ni Tiffany.

"Regalo ko sa 'yo, galing pang ibang bansa 'yan." Tiningnan ko 'yong sabitan ng susi. Takte, akala ko Ferarri ang ibibigay ni gago, Porsche pala.

"Hindi mo man lang nilagay sa box, wala ka talagang kwenta." Nilagay ko sa bulsa ko 'yong susi. Sabagay, maganda ang taste ni Marky sa mga kotse kaya for sure, magugustuhan ko rin 'yon.

"Thank you, ah." Ang sarcastic ng pagkakasabi niya. Haha, gago talaga. Sinilip ko sina Mom, tinawag nila ako.

"Sige, guys. Do'n muna ako sa parents ko. May naka-reserve nang table para sa inyo ro'n."

Pagpunta ko kina Mom and Dad, may ipinakilala agad sila sa 'king business partner namin sa LA. Ngumiti lang ako sa kanila, alam ko namang ako 'yong magmamana ng business namin pero ayoko pang magseryoso dahil nag-e-enjoy pa ako sa buhay ko. Young, wild, and free pa ako, e.

Maya-maya, nakita ko na si Jeydon kasama 'yong mommy niya. Makakahinga na sana ako nang maluwag pero nakita ko sina Jayshin at Jaycee sa likod nila. Hindi tuloy ako mapakali. Bakit pa siya sumama? Gusto niya ba talagang sirain 'yong birthday ko?

"Happy birthday, Troy! You're a grown-up man now, look at you." Hinawakan ni Tita Janice 'yong braso ko.

"Thank you, Tita, thank you for coming tonight." Nagbeso lang kaming dalawa tapos inabot niya sa 'kin ang regalo niya.

"Thanks, Janice, for coming. I think marami tayong pag-uusapan about sa business. Tara, let's go inside." Nagtawanan silang dalawa tapos sinamahan ni Mom si Tita Janice sa loob. Hinarap naman ako ni Dad.

"Wait for the Chuas, okay?" Nag-nod lang ako tapos sinundan niya sina Mom. Humarap ako kina Jeydon.

"Happy birthday, Hyong! Nandiyan na ba si Candice Noona?"

Nanlisik agad ang mga mata ni Jeydon kay Jayshin. Ang lakas talaga ng topak, pati kapatid niya, pinagseselosan niya.

"Hoy, Jayshin. Baka dumikit-dikit ka na naman kay Candice. Humanda ka lang talaga sa 'kin! Kay Mommy ka lang dumikit dahil hindi ka belong sa 'min."

Tinawanan lang siya ni Jayshin. "E, kung ayoko?" Tumakbo siya sa loob.

"Aish! That kid." Napakamot-ulo na lang si Jeydon sa kapatid niya. Kahit kailan talaga, 'yong leader namin, mas isip-bata pa kesa sa kapatid niya, e. "Happy birthday, p're. Tanda mo na, ah."

"'Lol! Baby face pa rin ako!"

Tinaasan niya ako ng kilay. Anong problema nila? Totoo naman, ah. Baby face pa rin naman ako.

"Libreng mangarap, haha! Sige puntahan ko na si Candice, baka miss na ako no'n, e." Pumasok na rin siya sa loob. Miss daw, e, parang araw-araw naman silang nagkikita. Adik lang.

"Happy birthday."

Tiningnan ko lang siya. Hindi ko alam kung paano ko na siya papakisamahan. After all that she had said, she had the guts to show up there and pretend that nothing had happened? "I know you're mad—"

"Thank you. Huwag mo nang isipin 'yon. Naka-move on na ako." Tiningnan ko lang siya sa mata. May bitterness sa boses ko pero totoo lahat ng sinabi ko. Oo, naka-move on na ako sa kanya. Hindi ko ikakailang may parte pa rin siya sa puso ko. Hindi naman siguro mawawala 'yon kasi first love ko siya. Pero tanggap ko nang hindi na magiging kami. 'Yon naman ang sign na naka-move on ka na talaga, 'di ba? Kapag hindi ka na umaasang magiging kayo pa ulit.

"Good to know. Well, I'll go inside." May lungkot sa boses ni Jaycee. Siguro, kung ako pa rin 'yong dating Troy, hindi ko hahayaang malungkot siya nang ganoon. Kung ako pa rin 'yong dating Troy, magmamakaawa pa rin ako sa kanya na balikan ako. Kaso hindi na ako 'yon, ibang Troy Mendoza na ako.

Hinintay ko 'yong mga Chua. Kanina ko pa tine-text si Tiffany pero hindi siya nag-reply. Maya-maya, dumating na rin sila but to my disappointment, wala si Tiffany.

"Happy birthday, Troy," bati sa 'kin ni Mrs. Chua.

"Thank you po, please come inside. My parents are waiting for you." Sinamahan ni Mr. Chua 'yong asawa niya papaasok. Naiwan naman si Stacey kasama ko. Sa totoo lang, ayoko siyang pumunta kasi nandoon sina Jeydon at Candice pero sina Mom kasi 'yong nag-invite sa buong family nila.

"Don't worry, hindi ako manggugulo. Alam kong nandiyan silang dalawa." Mukha namang nabasa na niya 'yong nasa isip ko.

"Better not."

Ngumiti siya sa 'kin. Hindi ko alam pero mukha naman siyang sincere sa mga sinabi niya. Tiningnan ko kung dadating si Tiffany, baka kasi may ginawa lang saglit sa labas ng hotel, pero wala.

"I know you're looking for my sister, but I think she's not coming." Bago pa ako nakapagtanong, nagsalita ulit siya. "Lately, there's something bothering her, and I know it has something to do with the both of you. Troy, if you're just going to hurt her, itigil mo na. Hindi lang halata pero mahal ko 'yong kapatid kong 'yon." Ngumiti siya sa 'kin, a weak smile, tsaka siya pumasok sa loob. Anong ibig niyang sabihing kung sasaktan ko lang si Tiffany? Wala naman akong balak saktan 'yong kapatid niya. Wala akong balak saktan 'yong babaeng gusto ko. Oo, gusto ko na si Tiffany.

Sinilip ko 'yong entrance one last time pero wala pa rin siya. Hindi na ba talaga siya darating? Alam naman niyang importante sa 'kin 'yong araw na 'yon, e. May nagawa kaya ako kaya hindi siya pumunta? Ang daming tanong sa isip ko.

"Son, come on. Your guests are waiting for you inside." Sumama na lang ako kay Mom sa loob.

Talagang pinaghandaan nila 'yong party na 'yon. Ang elegante ng hotel na pinili nila, puro rin kasi mga taga high society 'yong dumalo. Ano kaya 'yong surprise nina Mom at Dad sa 'kin? Huwag nilang sabihing may engagement din ako bigla. Taena, magwo-walk out talaga ako.

Ang haba ng speech nila. Sa huli, pinaakyat din nila ako sa stage.

"Kasabay ng 18th birthday ni Troy, we're proud to announce na..." Takte, ayan na 'yong announcement na 'yan. Huwag lang talaga about sa engagement 'yan. "...our clubs and bars are now opening in Macau. We're proud to say that our business is getting stronger and bigger. So son, please prepare yourself."

Nabunutan naman ako ng tinik do'n. 'Yon lang naman pala ang announcement nila pero taena naman, parang nalalapit na 'yong panahong kailangan kong magseryoso.

Nagpalakpakan 'yong mga bisita namin. Nag-bow lang ako sa kanila tapos bumalik na ako sa table namin.

"Guys, mamaya, diretso na tayo sa club ko. Naka-reserve na 'yon sa 'tin."

Tuwang-tuwa sina Ginno at Six, mga gago talaga.

"Troy..."

Gulat na gulat sina Charles at Marky sa nakita nila sa likod ko. Akala mo, nakakita ng multo. Tiningnan ko si Jeydon, muntik na niyang maibuga 'yong iniinom niya. Ano bang meron?

"Hi, Oppa! I missed you."

Muntik nang lumuwa 'yong mga mata ko sa nakita ko. Niyakap niya ako bigla. Taena talaga, para akong magkaka-heart attack. Iyon ba ang surprise nina Mom at Dad sa 'kin? Hindi magandang surprise 'yon, takte talaga.

"Wae? Don't you miss me?"

"Anong ginagawa mo rito?!" tanong ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. Oh, no. Wrong move, Troy, baka magalit 'yong witch. Nagtaka naman si Candice sa 'kin. Pambihira naman kasi, bakit dumating 'yong babaeng 'yon.

"It seems like you don't miss your little sister, huh?" Nakapamewang siya, ang sama-sama pa rin ng tingin niya sa 'kin. Tumawa naman 'yong tatlo, mga ugok talaga.

"Little sister?" Narinig kong bumulong si Candice. Hindi pa nga pala niya kilala 'yong Amazona at baliw kong little sister.

"Tammy, I just thought hindi ka pa babalik galing Korea."

"Well, papalagpasin ko ba 'yong birthday ng pinakamamahal kong kuya?" Sobrang lapad ng ngiti niya sa 'kin. Napatingin si Tammy kay Jeydon. Hala, patay! Kasama niya nga pala si Jayshin. Naku, patay kang bata ka. Lumapit siya kay Jeydon.

"Jeydon Oppa, where's Jayshin? I heard nandito na siya sa Pilipinas?"

May kung anong kalokohan ang pumasok sa isip ng mokong na 'yon. Kitang-kita sa ngiti niya, e. Tinawag ni Jeydon si Jayshin na galing sa buffet.

Nilingon namin siya, muntik na niyang mabitawan 'yong dala-dala niyang baso. Nanlaki agad 'yong mga mata niya. Ang saya-saya naman ng little sister ko, lumapit agad siya kay Jayshin. Hindi ko pa ba nasasabing patay na patay si Tammy kay Jayshin noon pa? Obsessed na yata siya sa little brother ni Jeydon, e.

"Jayshin-ssi, na-miss kita. Bakit hindi mo sinasagot 'yong mga tawag ko? Don't you miss me?" Kapit na kapit siya kay Jayshin. Tuwang-tuwa naman si Jeydon. Inisip niya sigurong dahil dumating na si Tammy, hindi na guguluhin ni Jayshin si Candice. Haha, ang gago lang talaga.

"Yuck, Tammy! Lumayo ka sa 'kin!" Inalis agad niya 'yong kamay ng kapatid ko tapos lumapit siya kay Candice. "Noona, help me!"

Ang sama bigla ng tingin ni Tammy kay Candice. Naku, baka pati kay Candice magalit 'yong babaeng 'yon. Pagseselosan pa niya 'yan. Baliw pa naman 'yong kapatid ko tsaka pro-Kim 'yon, e.

"Who's she?"

"Ah, ako nga pala si Candice," sagot naman ni Candice. Oh, no.

"I'm not talking to you."

Nagulat si Candice sa sinabi ni Tammy. Aish, nakakahiya siya, inaway pati si Candice. Hindi pa kasi kilala ni Candice 'yong kapatid ko.

"Sorry." Natahimik tuloy si Candice.

Ang sama naman ng tingin ni Serina kay Tammy. "Troy, mukhang maldita 'yong kapatid mo."

Lumapit ako kay Tammy tapos inilayo ko siya kina Candice. Sinamaan ko siya ng tingin. "Sorry, guys."

"Wae? I'm not talking to her, and yet she answered me. Was I wrong?"

Mukhang nagpigil si Serina ng galit niya, pinigilan lang din siya ni Charles. Si Candice naman, nakayuko lang. Pambihira talaga si Tammy, malilintikan siya sa 'kin, e. Tumayo naman si Jeydon sa upuan niya.

"Tammy, can you be nice to her? She's my girlfriend." Aba, knight in shining armor.

"Girlfriend? How about Ate Kim?"

Lahat kami, natahimik. Wala talaga sa ayos ang kapatid ko. Minsan, hindi ko alam kung masaya ba talaga ako ka na naging sister ko siya, e.

"Troy, mabuti pa, pumunta na tayo sa bar mo," pagbabasag ni Marky ng katahimikan.

Whew! Thanks, Marky, for saving me. "Yeah, mabuti pa nga."

Bago kami pumunta sa bar na katabi lang naman ng hotel, kinausap ko muna ng masinsinan si Tammy.

"Tammy, pwede bang mag-behave ka? Tsaka alam kong maldita ka pero huwag mong awayin si Candice. Best friend ko siya."

"See? Pinagmumukha pa niya akong maldita sa 'yo, Kuya. E, sa pakialamera siya, e. I don't like her."

Hinawakan ko 'yong braso niya. Tiningnan ko siya sa mata nang seryoso. "I don't care if you don't like her. You will be nice to her, understand?"

"No! I don't like her, period." Inalis niya 'yong kamay ko sa braso niya tapos nag-walk out na siya.

Pambihira naman talaga, o! Kahit kailan talaga, sakit siya sa ulo. Paano kaya sila nagkasundo ni Kim? Sabagay, may pagkakatulad sila ng ugali, e. Sina Mom naman kasi pinauwi pa si Tammy, e, mukhang hindi pa rin naman nagtatanda 'yong batang 'yon. Bratinela pa rin, e, aish.

Bumalik na ko sa bar, puro R & B yong pinili kong song. Pagpasok ko pa lang, ang sarap na sa tenga ng music, ang sarap sumabay sa beat. "Empire State of Mind" 'yong pinatugtog no'ng DJ. Siya 'yong pinakagusto kong DJ sa lahat ng mga DJs namin.

"Bro, ayos 'to. Ang dami mong chicks dito. Ang sarap pa ng mga alak mo!" Walang-hiya si Six, party na party na.

"Enjoy lang kayo, bro!" Aba, hindi ko na pala kailangang sabihan 'yong mga 'yon.

Si Marky, nando'n na sa dance floor kasayaw si Abby. Si Ginno naman, nando'n na rin sa gitna kasayaw si Amber. Pasaway talaga porke't wala si Margot, e. Si Charles tsaka si Serina, nasa gitna na rin ng dance floor, sumasayaw. Si Stacey, nasa gilid, umiinom. Buti, hindi talaga nanggulo si Stacey, neutral lang siya. Hindi ko pinapasok sa loob sina Jayshin tsaka Tammy dahil masyado pa silang underage. Tinanaw ko si Six, bumaba na rin pala siya sa dance floor. Sina Candice naman at Jeydon, nakaupo pa rin sa taas. Mukhang naapektuhan talaga si Candice kay Tammy.

"Candice, okay ka lang?"

Nagulat ako kasi ngumiti siya sa 'kin.

"Oo, may hinihintay lang ako." Ano naman kaya 'yon?

Maya-maya pinatugtog 'yong "My Boo" ni Usher. Tumayo bigla si Candice hila-hila si Jeydon.

"'Yan ang hinihintay ko! Tara, baby, sayaw tayo!" tapos bumaba na sila. Naghihintay lang pala ng magandang kanta 'yong dalawang 'yon.

Pinagmasdan ko sila, sinabayan nila ng kanta 'yong music habang sumasayaw. Mukhang enjoy nga sila.

Umupo ako tapos naglagay ako ng brandy sa baso ko. 'Yong kanta, may naalala ako. Uminom ako ng alak. Ang saya nila pero bakit parang ako, hindi masaya? Birthday na birthday ko parang malungkot ako. Parang may kulang kasi, e. Wala kasi siya.

Sinandal ko 'yong ulo ko sa sofa. Sinabayan nila sa baba 'yong kanta. Sinabayan ko na lang din sila.

Boo... nasaan ka na ba? Kung kailan ako magtatapat ng nararamdaman ko para sa 'yo tsaka ka naman wala.

Biglang nag-beep 'yong phone ko.

Unknown:

Can we talk? Meet me outside.

Kinabahan ako, hindi ko maintidihan 'yong naramdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Siya na kaya 'yan?

Tumakbo ako palabas ng bar, hinanap ko siya sa labas. Inikot ko 'yong buong bar. Nakita ko siya sa likod ng bar, nakatalikod sa 'kin.

"Tiffany?" Lumapit ako sa kanya pero pagharap niya sa 'kin, hindi siya si Tiffany.

Si Jaycee.

"Troy..." Umiiyak siya.

"Jaycee, ikaw ba 'yong nag-text? Ano 'to?"

Hindi niya ako sinagot, niyakap niya lang ako. Nagulat ako sa ginawa niya. Anong kalokohan 'to?

"Troy, mahal pa rin kita... Troy, I still love you."

Nilayo ko agad si Jaycee sa 'kin. Anong pinagsasabi niya? Mahal pa rin niya ko? Hindi ko siya maintindihan.

"Troy, hindi ako buntis. It was just a false alarm. Doon ko na-realize na ikaw pala talaga 'yong mahal ko, so I've decided to file an annulment for you."

Ganu'n-gano'n na lang 'yon? Porke't hindi siya buntis, babalik siya sa 'kin at makikipag-ayos? At ano 'yong makikipaghiwalay na siya sa asawa niya? Tangina naman, e, bakit ngayon lang? Sobrang tagal kong hinintay 'yong araw na 'yon dati, e.

"Troy, 'di ba, ito naman talaga ang plano natin? Kapag nag-18 ka na, tsaka natin sasabihin sa kanila? Ito na 'yon, e. Aren't you happy?"

"Jaycee, bakit ngayon pa?"

"Why? Don't tell me it's too late."

Hindi ko siya sinagot. Nalito ako, taena naman, o. Hindi ko alam 'yong gagawin ko, hindi ko alam 'yong sasabihin ko. Lumapit sa 'kin si Jaycee tapos hinalikan niya ako. Sa gulat ko, nakatayo lang ako ro'n. Iba na 'yong pakiramdam ko noong hinalikan ko siya. Wala na 'yong spark na meron kami dati, wala na.

Binitawan niya ako, umiiyak pa rin siya. Ayoko siyang makitang umiiyak, kahit na sabihing hindi ko na siya mahal. Napatingin naman ako sa likod niya, nakita ko si Tiffany.

"Tiffany..."

Noong nakita niya akong nakatingin sa kanya, tumalikod siya tsaka siya umalis. Hahabulin ko na sana siya pero piniglan ako ni Jaycee.

"Siya ba 'yong dahilan kung bakit nahuli na ako?"

"Oo, siya nga, Jaycee."

"Do you love her?"

Natigilan ako sa tanong niya. Nag-isip ako pero 'yong puso ko na 'yong sumagot sa tanong na 'yon.

"Yes, I do love her."

Ngumiti sa 'kin si Jaycee tsaka niya binitawan 'yong kamay ko. Alam kong naintindihan niya ako. Hinabol ko na si Tiffany.

Binilisan ko 'yong pagtakbo ko. Gusto ko siyang makausap, gusto kong sabihin 'yong nararamdaman ko para sa kanya.

Sapat na 'yong dalawang linggo para magustuhan ko si Tiffany, para mahalin ko siya. Kapag kasama ko siya, ibang saya 'yong nararamdaman ko. Gusto ko siyang makasama araw-araw, oras-oras. Ibang-iba siya sa lahat, siya lang 'yong nakakapagpangiti at nakakapagpasaya sa 'kin nang sobra na kahit si Jaycee, hindi nagawa 'yon.

Nakita ko siyang naglalakad, hinabol ko siya. Pinigilan ko siya at hinarap ko sa 'kin.

"Tiffany, bakit hindi ka pumunta? Hinihintay kita, e."

Blangko 'yong mukha niya, nakatingin lang siya sa 'kin. May problema ba siya?

"Kailangan pa ba ako ro'n?" Hindi siya makatingin sa 'kin, parang iwas na iwas siya.

"Oo naman. Importante ka sa 'kin kaya dapat nando'n ka."

Tumawa siya nang mahina. "Troy, hindi na ako kailangan do'n. Tsaka congrats pala." Nakangiti siya sa 'kin. Hindi ko siya maintindihan, bakit siya nag-congrats sa 'kin? Ano bang nangyayari?

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Narinig ko lahat ng pinag-usapan n'yo ni Jaycee. Malaya na siya, Troy. Maghihiwalay na sila ng asawa niya kaya pwedeng-pwede na kayo. Masaya nga ako para sa inyo, e."

"Stop it! Ano bang pinagsasabi mo?! I don't care anymore about Jaycee!"

Nagulat siya sa reaksyon ko. Wala na akong pakialam kahit pinagtinginan kami ng mga taong dumaan.

"Troy, alam mo ba kung anong sinasabi mo? Ito naman 'yong gusto mo, 'di ba? Siya naman 'yong gusto mo, 'yong mahal mo."

"Oo, pero dati 'yon. Kasi, Tiffany..."

Hinawakan ko 'yong braso niya. Tiningnan ko siya sa mata niya, nakatingin lang din siya sa 'kin. Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Feeling ko, sasabog na 'yon kapag hindi ko pa nasabi sa kanya.

"Tiffany, ikaw na 'yong gusto ko. Tiffany, ikaw na 'yong mahal ko."

Tahimik lang kaming dalawa. 'Yong ingay ng mga sasakyan tsaka ng mga taong dumadaan lang 'yong naririnig ko. Hindi ko mabasa 'yong iniisip niya, kung ano man 'yon, kinabahan ako.

"Troy, please, huwag mo na akong paasahin. Huwag mo na akong saktan pa. Hayaan mo na akong kalimutan ka."

Tinanggal niya 'yong kamay ko sa braso niya. Tumalikod siya sa 'kin tsaka siya naglakad palayo. Hinabol ko siya at pinigilan ko siyang makalayo.

"Tiffany, mahal kita! Mahal kita!"

"Tama na, Troy, tama na."

Tumalikod na naman siya sa 'kin, naglakad ulit siya palayo sa 'kin. Mag-isip ka ng gagawin, Troy. Matinik ka sa chicks, 'di ba? Wala kang kwenta kung 'yong taong mahal mo, mawawala na lang nang ganyan.

Pumunta ako sa gitna ng kalsada, umupo ako roon. "Kung mawawala ka sa 'kin, mas mabuti pang mawala na lang din ako."

Nilingon ako ni Tiffany tapos nagulat siya sa ginawa ko. Taena, natakot din akong masagasaan bigla, pero buti, wala pa namang dumadaang kotse.

"Troy, umalis ka nga riyan!"

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap!"

"Stupid! Kinakausap na kaya kita!"

Oo nga pala, 'no? Shit, may naaninag akong kotse pero hindi, galit pa rin siya, e.

"Ibig kong sabihin, hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nagkakaayos!"

Lumapit siya sa 'kin, hinila niya ako patayo. "Tumayo ka na riyan! May kotse nang parating!" Hindi nga siya nagbibiro, may kotse talagang parating. Kaso sayang ang effort ko, dapat magkaayos muna kami.

"Sabihin mo munang mahal mo ako!"

"Troy, tumayo ka na!"

Shit, kinakabahan na ako. Ang lapit na talaga no'ng kotse sa 'min. Ang tagal naman kasi ni Tiffany. "Sabihin mo na!"

"Oo na, mahal na kita!"

Tinulak ko siya sa gilid ng kalsada kasi dumating na talaga 'yong kotse. Saktong-sakto lang 'yong pagkakatulak ko sa kanya, e.

"Hoy, kung magpapakamatay kayo, do'n kayo sa tulay!" sigaw sa 'min no'ng driver.

Nakahiga kaming dalawa ni Tiffany, nasa taas niya ako. Tumawa lang kaming dalawa sa reaksyon ni kuyang driver.

"Kailangan pala, mamatay muna ako, gano'n?" Nakatingin ako sa mga mata niya.

"Baliw ka talaga! Kung anu-anong pinaggagawa mo! Paano kung nasagasaan ka nga talaga ro'n?"

Ngumiti ako sa kanya. "Bakit, iiyakan mo ba ako?"

"Ha? Oo... oo naman..." Nakahiga pa rin kami sa gilid ng kalsada. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"E, bakit ka naman iiyak, ha?"

"Tinatanong pa ba 'yon? Malamang, kasi mahal kita!"

Ang lapad ng ngiti ko sa kanya. Namula naman siya. Itinayo ko na siya pero hindi ko pa rin siya binitawan. Nakahawak ako sa bewang niya.

"Mahal mo ako? Pwedeng pakiulit? Hindi ko narinig." Inasar-asar ko pa siya.

Huminga siya nang malalim tsaka siya sumigaw. "Mahal kita! Mahal kita, Troy Mendoza!"

Feeling ko naka-jackpot ako sa lotto sa saya ko. Hinawakan ko 'yong mukha niya. I knew that moment was perfect. Unti-unti kong inilapit sa kanya ang mukha ko, then I kissed her. Noong parang mawawalan na kami ng hininga dahil sa kiss namin, bumitaw na ako tapos tiningnan ko siya.

"I love you, Tiffany."

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
26K 475 2
(ON HOLD) Rui Leviciano has a high IQ of 150, a remarkable feat that has been observed ever since he was a child. But his depression caused him to sk...
53K 3K 15
Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute in her mission to locate Ludovic Luciano...