I'm Not Your Sasaeng Fan (Kai...

By AkoyIsangPagong

145K 4.7K 573

{EXO Fanfiction-COMPLETED} Sino ang pipiliin niya? Ang taong mahal niya o ang matagal nang pinapangarap niya... More

I'm Not Your Sasaeng Fan
'Sasaeng Fan' DEFINITION.
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13 (Part 2)
Chapter 14
Group.
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
a.
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Special POVs
Luhan & Jessie's Side Story
KAISTAL
Bringing back KaiStal cos why not?

Chapter 1

7.6K 232 27
By AkoyIsangPagong

Kung ikaw akusahan ka na magnanakaw ka, diba magagalit ka? Lalo na kung hindi totoo. Pero mas nakakinis para sa akin ‘yung tawagin nila akong ‘SASAENG FAN’. Dahil unang-una, hindi nga nila ako FAN. Nakakagigil.

"Eonnie! Nasaan na ‘yung watch?" Eto pa isang nakaka-gigil. Itong kambal ko. Masasapak ko siya ng wala sa oras. Pero ‘wag na, diba sabi nila ‘pag masaktan daw ang kambal mo, masasaktan din yung kakambal niya? Kaya ‘wag nalang baka masaktan din ako.

"Wala na sa akin!" Sigaw ko habang nakaub-ob ang mukha ko sa desk ko.  Sa narinig niya, alam kong nanggigigil na rin ang kakambal ko. Diba? Quits na kami.

"Ano!? Nasaan na? Pinaghirapan ko kayang kunin ‘yun tapos wala na!? Binenta mo noh?" Diyan siya magaling eh, ang mambintang tsk. "Wag mo ‘kong pinagbibintangan." Sagot ko ng naka tingin na sakanya.

"Ha! Ako nga kanina pinagbintangan mong magnanakaw!" Sabat pa niya.

"Ang ingay niyo! Mag-kambal nga talaga kayo." Sabi ng isa sa mga kaklase ko. Totoo nga, kambal kami pero magkaibang magkaiba kami. Sa music palang, IBA NA.

"Tssssk umalis ka nga dito Jessie, wala na sa ‘kin yung watch kinuha na nung idol mo -_-" simpleng sagot ko lang. Alam ko sa sagot na ‘yan, maraming magpapanic, maraming magugulat, maraming magtatanong. Maraming hindi maniniwala. Kaya in alam ko na ang mangyayari in 3… 2… 1..

"Ano!? Kinausap ka ng EXO?" gulat na gulat na tanong ni Jessie na sinabayan naman ng isa sa mga kaklase ko. "Oh my! So totoo nga?"

"NAKAUSAP MO ANG EXO?" Naglapitan ang mga kaklase kong babae at sabay sabay akong tinanong. Nakausap mo ang EXO? Anong pinagusapan niyo? Maguusap ba kayo ulit? Kailan kayo nagusap? Saan? Anong oras? Papaano? Binomba nila ako ng mga katanungan. Feeling ko tuloy artista na ako’t iniinterview sa Ellen.

"Utang na loob! Tigilan niyo nga kaka-exo!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at padabog na papalabas na sana kaso mayroong  sumira ng napadramatic exit ko.

Nadulas ako.

At may sumalo sa akin.

Yung janitor.

"S-salamat po.”  Disappointed na sabi ko. Akala ko kasi parang yung sa ibang storya lang na si Crush ang makakasalo sa akin o ‘di kaya si bad boy type na magiging ka-love team ng bida. Pfsh. ‘Di pala.

"Oy sasaeng fan!"  Tumingin ako sa bawat gilid ko at sa harap ko, ako lang naman ang tao. Nasa canteen ako at bibili sana ng coke, pampa wala lang ng galit. Para ma refresh naman ang katawan at utak ko.

“Sasaeng!”

Lumingon ako. Ay sinong ‘di nagiisip? AKO.

"Kamusta ka sasaeng fan? Nakuha mo na ba yung ibang gamit namin?" Napa tingin ako sakanya ng sobrang nakaka bwisit. Akala ko eto yung lalaking kayumanggi’t matipuno ang katawan, yung tall dark and handsome pero hindi. Yung lalaking malaki ang boses pala.

 "Sino ka ba?" Natanong ko nalang. Mukha namang mas friendly ‘to kesa dun kay tall dark and handsome kaya baka mas mabuting siya nalang ang makausap ko at makapag explain ako.

"Weh? ‘Di mo ko kilala? Ako si Chanyeol! P-A-R-K C-H-A-N-Y-E-O-L." O---kay. Park Chanyeol, ang happy virus.

"Excuse me, bibili ako." Hindi na ako nakipagusap pa sakanya dahil ayoko. “Excuse me?” pagulit ko nang hindi pa rin siya tumatabi sa pila.

"Hindi ka ba susunod sa akin? Andun sa tambayan lahat ng exo ngayon." Pumikit muna ako ng matagal at kinuha ang power ng lahat ng superhero at nagrecharge ng utak dahil sumosobra na sila, kailangan na nilang marinig ang matirik kong boses.

"ALAM MO ANG FEELER NIYONG EXO KAYO! Hindi niyo nga ako sasaeng fan! IM NOT YOUR SASAENG FAN! HOW MANY TIMES DO I NEED TO REPEAT IT?" Gusto ko na talagang sapukin ang mukha niya. Mabuti nalang at nagdatingan ang ibang kamiyembro niya at napigilan ako.

"Oy oy oy Sasaeng! Anong gagawin mo?" Pumagitna sa amin ni Chanyeol si Baekhyun.

"Sasapakin ako, oh!" Parang batang nagsumbong si Chanyeol sakanya.

Anim lang sila ngayon kaya nararamdaman kong may iba pang magdadatingan. Kumuha ako ng lakas ng loob.. tumalikod at handa nang tumakbo nang sa kabilang side ko ay may lima namang nagdatingan.  

Oh God. Help me! Para nila akong i-gagang rape sa paglapit nila sa akin. Labing walo sila, isa lang ako. May kasalanan ako—I mean ang kambal ko kaya may posibilidad na nanggigigil na sila sa akin. Kung sana si Jessie nalang ang nandito. Dahil siya mismo, magpapa-rape sa mga ‘to, pero ako NOOO NO WAY.

"Hayaan niyo na ‘yan, may practice pa tayo." Para akong nabunutan ng tinik ng may pumigil sakanila. Sino naman kaya ang prince charming na ‘to?

"Kai talaga!! Panira ka ng moment, eh!" naiinis na sigaw ni Chanyeol. Napatingin ako doon sa lalaking tinawag niyang Kai na tinawag ko namang prince charming. Nagkamali ako. Hindi pala siya prince charming.

Tinignan ako ni Kai mula ulo hanggang paa. Walang emosyon ang mukha niya pero makikita mo ang kagustuhan na niyang tumawa. Nakakainsulto. "Wag niyo nang pag aksaya ng panahon yan. tss, wala kayong taste." He smirked. My middle finger salutes you, sir! Grr. Naiiis ako. Ang sarap niyang jombagin kaso nga ang katawan at sayang naman kung mawawalan tayo ng isang tall and dark handsome na lalaki.

Binigyan ko nalang siya ng isang maala-diyosang irap. Hindi na rin niya ako kinibo at tinulak-tulak na ang mga kagrupo niya na isa-isa nang umexit.

"Bye Sasaeng! See you around!" tinapik ako sa balikat ng isa sa kanila, si Bacon

"Pst stalker, bye." Sabi naman ng isang akala kong hindi nagsasalita, si Tao.

"Uy ingat ah!" Masiglang sabi ng leader nila, si Suho.

May tumapik na naman sa balikat ko, "Bye sasaeng, im Luhan by the way." At ngumiti pa siya sa akin. Sa isang dosenang ‘to, siya lang ang ngumiti ng ganoon sa akin. Kahit papaano ay hindi naman pala ganoong katama ang paghusga ko sakanila. ‘I’m Luhan by the way’ Nagpakilala siya sa akin ibig sabhin, naniniwala siyang hindi nga ako sasaeng fan?  

Natauhan na lang ako nang mabangga ako ng isa sa kanila, "Oy Luhan teka lang! Mag ba-bubble tea pa tayo ah!" Sinamaan ako ng tingin ng lalaking may makulay ang buhok, si Sehun.

Naka-alis na ang lahat-lahat pero ang isa sakanila ay natira pa rin dito. Si abs boy este, si tall dark and handsome. Si Kai. "Ikaw ba? ‘Di ka pa ba aalis?" Prangka kong tanong sakanya.

Hindi naman siya sumagot at lumapit sa akin.. lumapit nang lumapit... nang lumapit.. nang lumapit... hanggang sa magkalapit na talaga kami. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at...

Unti-onti.. unti-onti siyang bumagsak sa akin.

“What the! Manyak!” Pilit kong inangat ang mukha niya pero laking gulat ko nang naka-sara ang mga mata niya. At pagkahawak ko sa mukha niya ay naramdaman kong ang init init niya. Nasapo ko nalang ang mukha ko. So ngayon responsibilidad ko pa siya?

Kinaya kong dalhin siya sa malapit na table. Sa totoo lang, gusto ko na siyang kaladkarin. Diyos ko! Kung hindi lang siya gwapo.

Inupo ko siya sa may sandalang upuan at tumingin tingin sa paligid ko.

Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan.

Napa ‘Yes!’ na lamang ako dahil walang tao. Dahan-dahan akong lumayo... Oo! Yes! Correct! Iiwan ko siya diyan! Makikita naman siya ng mga tindera at tagalinis eh, sila na ang magdala sakanya sa clinic! ‘Di naman siguro malala ang kalagayan niya at hindi siya mamamatay diyan.

Naka limang hakbang na ako papalayo sakanya nang marinig ko ang pag ubo niya, *cough* *cough* kaya naman napalingon ako sakanya at kasabay nito ay ang pagdalawa ni konsensya sa akin.

"Wag mo siyang iwan..." Bulong ni puting konsensya

"Hayaan mo na yan!" Sabi naman ni itim na konsensya. Siya yata ang kalaban ni konsensya. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa labasan ng canteen at sa direksyon kung nasa si Kai. Ugh! Wala na akong choice kundi ang sundin si puting konsensya dahil nakita kong may isang janitor na nakakita sa akin. Nilapitan ko siya at pilit na ginising. "Uy, di kita kayang buhatin. Gumising ka naman aalalayan nalang kita papuntang clinic." Bulong ko lang sakanya. Pero ni hindi siya gumalaw. Is this the end of me?

"Uy"

"Uy"

Hindi pa rin siya sumagot.

"Oy Kai.." inalog-alog ko na ang mukha niya.

"Hmm" At sa wakas. Medyo nagkamalay na siya kaya naman nadala ko na siya sa clinic.

"Doon  nalang sa Room 401" Sabi nung nurse sa akin. At mukha ngang hindi na siya gulat nang makita niyang si Kai ang bitbit ko at ang sabi pa nga niya, "Siya nanaman."  Pero ako! Ako ang nagulat dahil anong ibig sabihin niya? Ako ang magdadala sa lalaking ‘to doon?

"P-Po? Ako pa ang magdadala sakanya? Ang bigat niya po!" Pagmamaka-awa ko sa nurse pero ako daw ang nakakita sakanya kaya ako daw ang gagawa ng lahat. Maging responsable daw ako. Napakamot nalang ako ng ulo, anong klase ng pagiging responsable ang hindi pumasok sa klase dahil nandito sa clinic?

Pero this is life, this is buhay. Wala na akong nagawa pa at pumunta na ng Room 401. Akmang ibabagsak ko na sana siya sa kama pero sa sobrang  bigat niya, kusa na KAMING bumagsak parehas sa kama. Romantic? Kilabutan! Masakit!

Kasi malaki siyang tao at nasa ibabaw ko siya. At hindi ako makahinga. Para akong nalulunod ngayon sa sitwasyon ko.

"Jusmariya mga batang ‘to! Kaya ba kayo andito sa clinic?" Agad naman akong nagpanic at nag adrenaline rush at nagawa kong tumayo.

"Nurse naman! Ayan na nga oh dinala ko na! Wag niyo nang isipin yang mga ganyang bagay, paki gamot nalang po. Late na ako sa klase ko eh."

"Sorry naman hija, akala ko ano na ginagawa niyo eh. Ay ito pala oh, baka sa'yo to or diyan kay Kai, pagpasok niyo nakita kong nalaglag eh." May inabot siyang isang infinity necklace na meron ako. Laking pagtataka ko nga, hindi ko naman yun sinuot ngayong araw kasi ipapalinis ko dapat pero ewan, baka nadala ko.

"Ay akin po ‘yan, salamat." At tsaka na ako lumabas ng Clinic.

Halos 30 minutes din akong late. At tama nga pagdating ko sa harap ng classroom, tahimik na tahimik dahil si Mr. Lee ang teacher namin ngayon, yung matandang history teacher na sobrang boring mag turo at medyo may pagka bingi na. Kaya sila tahimik dahil lahat sila tulog. Pero pagpasok ko naman sabay-sabay silang napa angat ang ulo at kung anu-ano ang pinagtatanong sa akin.

"San ka galing?"

"Kinausap ka ba nila ulit?"

"Hinahanap ka ni Kyungsoo  dito kanina lang ah, wala pa daw si Kai."

Napa-irap nalang ako sakanila. EXO nanaman. Nothing new. Natigil nalang sila nang maka rinig na si Mr. Lee, isang himala. "Am I hearing someone talking? Huh? Please go out of the room, whoever you are." Bingi man kasi siya, matalas naman ang mata niyan sa mga dumadaldal. Ayos lang ang matulog ang dumaldal lang talaga ang hindi.

Kaya ‘yon, wala silang choice kundi makinig kasi sabi niya may long test daw siyang ibibigay bukas. Eh yun pa naman ang kinakatakot namin, ang test niya! Kapag bagsak ka kasi, wala ka na, bagsak ka talaga.

Tinignan ko yung watch ko, ngek. SIRA. Tumingin muna ako kay Mr. Lee at sakto, naka talikod siya kaya naman onti-onti akong tumalikod para tignan ang orasan ng classroom namin.

"MS. JUNG, PLEASE GET OUT OF THE ROOM NOW, I know excited  ka na mag recess *ehem* *ehem* para makita at masundan mo ang mga iniidolo mo but you're being disrespectful. Im sorry pero get out of the room. NOW."

Nakatitig lang ako sakanya. Sus! ang dami pang sinabi ni sir. Kanina ko pa gustong lumabas kaya ngayong siya na ang nagpapalabas, go lang ng go! Lalabas talaga ako—pero  sa kagandahang palad nga naman. Nag ring ang bell saktong pagtayo ko at narinig ang pag tunog ng speaker, it means may announcement.

"Goodmorning students, teachers and staffs. Teachers, please leave your class for awhile and proceed to the faculty room. Students, BE-HAVE, its your free time but BE-HAVE. Staffs, faculty din. Thank You." at kasabay nga niyan ay ang pag tilian ng mga students.

"WOOOOOH! Yes! It means walang long test bukas! Di pa tapos discussion eh!"

"FREEEEE TIME!!!"

"Kainan na! Sino may pagkain diyan?"

TSK. Kakasabi lang na behave eh (parang elementary lang diba?). Tsaka ano naman kaya yung urgent meeting na yun? Para saan naman kaya ‘yun? Itong school talaga namin ang arte arte ang daming pasabog. Ay, hindi ko nga pala nababanggit kung saan ako nagaaral diba?

Nagaaral ako sa Pop University. P.U for short. Ang korni noh? Ewan ko ba bakit ganyan. Basta ang alam ko lang kasi, isang musical school ‘to. At dahil isang Koreano ang nagpapatakbo ng school na ‘to, marami rin ang nakatuklas na mga KPOP fans ditto. Kaya nga mga K-Pop fans ang kasama ko, dahil isa naman talaga tong Korean School na naging International School na dahil iba't ibang lahi na ang pumapasok. Iba't ibang lahi ng kpop fans. Nag eenroll lang naman sila dito kasi nandito mga grupong gustong gusto nila. Kagaya na nga lang ng EXO. Ako? Bakit ako napunta dito? Simple lang. Kung nasaan kasi ang kambal ko, kailangan nandun din ako. -___- Kami kasi ng kambal ko, ibang-iba. Siya ang nakakatanggap ng VIP treatment sa magulang ko dahil siya ang may kailangan nun. Ako kasi, matalino naman ako, kaya ko namang gawin ang mga bagay-bagay. Si Jessie, isip bata pa ‘yan. ‘Di nga ako makapaniwala na kakambal ko siya at parehas lang kami ng edad. Mas mukha man siyang matanda, mas maisip bata naman siya.

"JANEEEEEEEEEEY!!!" Napatakip ako ng tenga ."HEH! Manahimik ka please. I need space to breathe, to think! To relax! OKAY?" Nakasisigurado kasi ako kung ano na naman ang magiging bukambibig niya sa akin.

"Tsk! Sungit naman, kambal ba kita? Ba’t ako hindi masungit?"

"Ewan ko sayo, bumalik ka na sa classroom mo." Sabi ko sakanya habang inaayos ang gamit ko. Nilagay ko ang mga notebook ko sa loob ng bag at itatago ko na din yung infinity necklace ko na nalaglag ko sa clinic kanina.

"Oh my! TEKA!" Nagulat ako nang biglang hablutin ni Jessie yung necklace sa kamay ko at kita kong manghang-mangha siya.

"Ano nanaman?"

"Kay Kai ‘to ah!" Sigaw niya kaya naman nagtipon-tipon nanaman ‘yung mga dapat na papalabas na kaklase ko sa harap ko. Sila kasi yung tipong maka-rinig lang ng isang tungkol sa EXO, lalapit kaagad kilala man nila or hindi. Ka-close man nila or hindi.

"Kay Kai yan! Kay Kai!"

"Oo nga! Kay Kai yan!"

"Yiie ikaw ah! Sabi na nga ba exo fan ka talaga at sasaeng fan ka talaga nila!"

Anong YIE sa pagiging isang sasaeng fan? Pwedeng paki-paliwanag?

"Manahimik kayo pwede? AKIN TO! A-K-I-N!" Tumayo na ako at papalabas na sana ng classroom para pumunta sa garden para maglibang pero as usual, may panira nanaman ng dramatic exit ko.

"Oy sasaeng fan!" Nakita kong nakasandal sa may pintuan ng classroom namin si Kai at tila hinihintay at inaabangan ako. Hindi ko siya pinansin at ipipihit na sana ang door knob ng pinto, pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pilit na iniharap ako sakanya

Magkaharap lang kami. Nakatingin siya sa mga mata ko. Nakatingin lang din ako sakanya. Alam niyo yung kuryente? Present siya ngayon sa tinginan namin. Naramdaman ko nalang na paonti-onti siyang lumapit sakin. Lumapit ng lumapit ang mukha niya sa akin.... hanggang sa, SOBRANG LAPIT NA TALAGA. I dont know why pero ayaw mag function ng katawan at utak ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. At hindi din ako makapag isip ng maayos.

Is he hypnotizing me!? Is he going to kiss me? WHAT? Bakit ko iniisip ‘yun?

Lumapit pa siya, nararamdaman ko na nga ang hangin sa bawat paghinga niya.

Hanggang sa...

"Kukunin ko lang yung necklace ko." A smirk formed on his lips at nagkalayo na ang mukha namin. He gave me a one last smirk at inangat ang infinity necklace na nasa kamay na niya. Napahawak naman ako sa leeg ko.

Napamura nalang ako ng pabulong.

Pero napa-isip ako... akin ‘yun eh. Kumaripas ako ng takbo at naabutan ko siya kasama si Luhan at Sehun. "Hi Janey!" bati ni Luhan sa akin pero hindi ko na siya nagawang pansinin dahil sa sobrang hingal at kinalabit si Kai sa balikat.

"Oy, Kai. Akin na ‘yang necklace ko"

"Dati watch ko, ngayon naman necklace?" For the nth time, nag smirk nanaman siya. Umiwas ako ng tingin. Kuryente—again.

"AKIN ‘YAN. MAY GANYAN AKO."  Taas noo kong sabi sakanya.

Tinaasan niya ako ng kilay, "Paano kung mapatunayan kong hindi talaga sayo ‘to?" ewan ko ha pero bigla akong kinabahan. Unang una, hindi rin kasi ako sigurado kung ‘yan nga ba talaga ‘yung akin pero kasi parehas na parehas ng sa akin eh. At tsaka napaka meant to be naman naming kung parehas kami? Kaya nga akin ‘yan. AKIN.

"Then let’s have a deal." I challenged habang naka crossed arms pa, kahit na kinakabahan na ako.

"Okay.... aamin ka, IN PUBLIC, THAT... You..." Tumigil muna siya at binigyan muna ako ng nakakalokong ngiti.  "...are my sasaeng fan."  Pagtatapos niya sa sinabi niya ay tumalikod na siya.

"Deal is a deal....., sasaeng fan."  humarap siya sa akin ulit at nag wink pa.

He then left me.. speechless.. and nervous.

 Vote & Comment hehe.

Edited: 5:11 AM April 13, 2014

Continue Reading

You'll Also Like

26.1K 1.4K 49
Paano kung may magkagusto sayo? Hindi lang isa. Hindi din dalawa. At mas lalong hindi tatlo. Kundi PITO!! Haba ng hair no? Ano kaya ang gagawin ng bi...
117K 2.6K 6
Hi there guys! Nagsulat ako ng story. Sana magustuhan niyo this is not a true story guys. Isip isip ko lang po sana po mag vote kayo para di ako tama...
13K 878 48
Walang naniniwala sa 'time machine' siguro ang iba, kasama sa iba nayon si isabelle mariano. isabelle lost her family from a fire, naniniwala si isab...
11.8K 931 24
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴