MAYBE IT WILL

By ccaamzz

93K 2.6K 589

More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Three
FOUR
FIVE
SIX
Author's Note
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
A FAN'S NOTE
FOURTEEN
FIFTEEN
AUTHOR'S NOTE
SIXTEEN (REVISED)
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
DLSU VS ADMU
TWENTY-TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
O-O-T
TWENTY-FIVE
TWENTY-SIX
TWENTY-SEVEN
TWENTY-EIGHT
THIRTY
THIRTY-ONE
THIRTY-TWO
THIRTY-THREE
THIRTY-FOUR
O-O-T
THIRTY-FIVE
THIRTY-SIX
THIRTY-SEVEN
THIRTY-EIGHT
THIRTY-NINE
FORTY
FORTY (TRUE NA-PRAMIS)
FORTY-ONE
FORTY - TWO

TWENTY-NINE

1.8K 52 11
By ccaamzz

RAD'S POV

"What? Hindi pa kayo nag-uusap ni Lolo?" Pasigaw kong sabi sa kanya.

Andito kami ngayon sa fastfood chain sa loob ng mall malapit sa training school. Nagkayayaan para mamili ng isusuot namin para sa birthday party ni General Gonzaga bukas.
Pagdating ng grupo dito ay nagkanya-kanya na din kami ng buhay.

Well, except dito sa taong kasama kong wala atang plano sa buhay -.-

Napakamot naman siya ng batok..

"Shhh ka lang.. pinagtitinginan na tayo eh.. Queenie naman." Sabi niya habang nakapout.

"Queenie queenie ka jan.. wala akong pakialam sa sasabihin nila. Jovs naman, can't you give the old man a chance to even explain?" Aburido ko ng sabi.

Kung ganyan ang pinapakita niya ngayon, malamang sa malamang, wala siyang balak pumunta bukas.

"Tsk.. eh I'm just getting myself more time to think what to say." Sabi niya pero sa kamay lang niya ang tingin.

Pero naging seryoso na siya.

"Hey, look at me.." sabi ko at naglean palapit sa kanya. Magkatapat lang yung upuan namin at napapagitnaan kami ng center table.

Bumuntong hininga naman siya bago niya ako tuluyang tinignan.

"What really is the matter Jovs?" Tanong ko sa malumanay na boses.

"Lolo... and me.. we're fine. We talked last week... but..

He invited my parents."
Mahinang sabi ni Jovs sa akin.

Napahigpit naman ako sa basong hawak ko.

"I didn't want to come because I know they're gonna be there. And I'm sure they'll gonna use that opportunity to ... to.... "

Napalunok nalang siya dahil hindi na niya matuloy-tuloy pa ang sasabihin niya.

Natahimik naman ako.

Nasaksihan ko kung paano itrato si Jovs ng mga magulang niya.

And pati ako, hindi ko na gugustuhin pang makita pa ulit un.

Pero kelangan niyang pumunta.

"But Jovs.."

"Chel.. it's not that I'm worried na makikita ko ulit sila. What I'm worried about is kung ano ang magiging resulta ng pagkikita namin.. and I'm sure, it'll be a disaster. And ayokong masira ang araw ni Lolo ng dahil sa akin."

At yumuko na siya.

Everytime na nag uusap kami about her family parang nauupos lahat ng confidence at tiwala niya sa sarili niya.

"That's the point Jovs. You're not gonna be there because of them. You have to go for the  General. Kasi once na hindi ka pumunta, I'm sure malulungkot un. And diba, un naman yung ayaw mong mangyari sa araw niya?." Tanong ko naman sa kanya ng nakangiti.

Tinitigan niya lang ako.

Tapos bigalng naningkit yung mata niya.

"What?" Tanong ko naman.

"Lola talked to you about this, didn't she?" Sabi niya at mas lalo pang inilapit yung mukha sa akin para tignan ako sa mata.

Agad naman akong nag iwas.

"H-hindi a-ah!" Sabi ko.

Shitt.. nauutal na ako..

Wag sanang mabuko..

"Bakit naman ako kakausapin ni Lola about dito?" Tanong kong hindi pa rin tumutingin sa kanya.

"Kasi.. as far as I remembered.. siya palang yung nakakausap ko tungkol sa plan ko sa birthday ni Lolo eh. And she's actually pretty persistent that I should go."

Sabi niya.

"And??? Anong kinalaman ko dun?" Tingin ko naman sa kanya.

"And... she knows na ikaw lang ang taong may kakayanan para ipareconsider sa akin lahat ng desisyon ko. Am I right, Chel?" Tanong niya sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.

"Uy! Hindi ah! Hindi pa nga kami nag uusap mula nung sunday eh.. one week ago na un!"

Natahimik siya kaya iniangat ko na ang tingin ko sa kanya pero nakatitig lang pala siya sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.

"You know what, Chel?" Sabi niya at naglean ulit. 

"W-what??" Sabi ko sa kanya kaya napatawa siya ng bahagya.

"Trip neto! Uy Gonzaga! Umayos ka nga!" Sabi ko at itinulak yung mukha niya palayo sa akin.

"Hahaha! You know what?" Sabi niya at naglean ulit.

"You're a terrible liar." Sabi niya at sumandal na sa upuan niya habang nakatitig pa rin sa akin.

"I know na magkasabwat kayo ni lola. And I know na kaya ka nagpapacute ngayon kasi gusto niyo baguhin yung balak kong hindi pagpunta diba?"

Sabi niya sabay taas baba ng kilay.

Napasimangot naman ako.

"Hindi ah." Sabi ko nalang.

"And I say, tama si Lola. You can be very persuasive sometimes." Sabi niya ng nakangiti na.

"Sasama ka na????" Tanong ko na biglang nabuhayan ng loob.

"In one condition.." sabi niya at itinaas pa ung hintuturo.
"Kiss mo muna ako."
sabi niya at nagpout na.

Nilakumos ko naman yung tissue paper ko at ibinato sa mukha niya.

"Bahala ka sa buhay mo Gonzaga." Sabi ko at kinuha na yung bag ko sabay tayo at naglakad.

"Huuyyy huyy Chel.. Cge na, sasama na ako..
Tekaa! San ka pupunta!??"
Sabi niya at akmng tatayo na sana.

"Sa comfort room?? Bakit? Sasamahan mo pa ako?" Lingon ko naman sa kanya.

"Ay.. heheh. Cge na.. okay lang ako dito.. kala ko, magwwalk out ka na naman." Sabi niya.

"Ano?" Tanong ko naman at sinamaan ko siya ng tingin.

"Nothing significant, Commander!" Sabi naman niya at sumaludo pa.

Napairap nalang ako sa kanya.

"Hintayin mo nalang ako tapos alis na tayo." Sabi ko sa kanya bago ako dumiretso ng CR.

Pagpasok ko, napangiti nalang ako sa sarili ko.

Successful.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Lola.

"Hello po, Lola.. success."
Sabi ko ng sagutin niya yung tawag ko.

"Hahhahaha. Opo opo. Sure po.. cge po. See you tomorrow po!"

At binaba ko na ang tawag.

Nagretouch lang ako saglit at lumabas na.

Kaso paglabas ko.
Napanganga nalang ako.

"Isa pa poo!"

"Ako din po, Ate Jovs! Grabe ang papi niyo po!"

"Uyy dun ka nga! Tapos ka na! Ako naman!"

"Crush na crush ko po kayooo!"

"Wahhhh! Si Ate Jovelynn!"

"Wait lang guys.. isa isa lang.. aray.. aray.. sandali lang. Wait lang po.. ouchh.." -Jovs

Nagising naman ako dahil dun sa sinabi niya.

Agad akong nagsuot ng cap at dumiretso sa security ng resto..

"Kuya kuya! May pinagkakaguluhan po dun! Mukhang hindi na po niya macontrol yung mg tao." Sabi ko sa isang guard at agad naman siyang tumalima.

Ilang saglit pa'y nakita ko ng lumabas yung mga babaeng pinagkakaguluhan si Jovs kanina.

Nung nakita kong wala na sila ay binalikan ko na si Jovs at halos humagalpak ako ng tawa sa nakita ko.

Kunot na kunot yung mukha niya habang ang gulo ng buhok.
May mga lipstick marks din siya sa mukha.

"Oh? Anong nangyari sayo? Mukha kang narape ah." Sabi ko sa kanyang nagpipigil ng tawa.

Lalo naman siyang napasimangot.

"Ba't kasi ang tagal mo sa cr...." sabi niya na parang nagmamaktol na bata.

Ang cutee.

Natatawa ako.

"Tapos tatawanan mo pa ako. Ang sakit na nga.." sabi niya sabay tingin sa braso niya na may mga kalmot at hinahaplos din niya yung batok niyang namumula din.

"Tsk. Tara na nga." Sabi ko at medyo naaawa na ako sa kanya.. at medyo naiinis na ako sa mga haliparot na mga babaeng yun ah. Konti nalang, gahasain na ang Jov jovs ko..

"Teka teka. Tara sa CR.. you look wasted." Sabi ko at napasimangot na siya.

Pagpasok namin sa CR, naglabas ako ng wipes at pinagpupunas yung mukha niyang puno ng lipstick.

"Aray.. buburahin mo na ata tong mukha ko." Sabi niya ng nakabusangot.

"Eh kasi.. bakit ka pumapayag na abusuhin ka ng ganyan kalala." Sabi ko at pinagpatuloy yung pagpupunas ko sa mukha niya.

"I can't say no.. fan sila ng team. Ayoko naman na tanggihan sila kasi bka masira yung impression nila sa team diba? Madamay pa lahat." Sabi niya at hinahaplos pa rin yung sa may side ng batok niya.

"You can still no kasi sumusobra na sila oh." Sabi ko ng makita ko na pati pala yung hinahaplos niya sa may batok niya, may kalmot din.

Hindi na siya kumibo kaya hinaplos ko lang yung pisngi niya at ngumiti.

"Isipin mo din sarili mo sometimes ha?" Sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi at hinatak na palabas ng CR.

"Teka Chel, san tayo papunta? Dun ang department store oh." Sabi niya sabay turo sa kabilang direction.

"Sa watson's. Gamutin muna natin yan bago tayo tumuloy." Sabi ko habang hila-hila siya.

"Okay na ako---"

"Hep hep hep. Stop.. wag ka ng umangal dahil pag umangal ka, ako ang susugod sa mga babae mo kanina." Sabi ko na nakapagpakunot naman ng noo niya.

"They're not MY girls." Sabi niya.

"Ha-ha-ha." Sabi ko naman kaya napailing nalang niya habang bumibili ako ng band-aids.

Bigla naman siyang lumapit sa akin. And when I say malapit, yung tipong naaamoy ko na yung pabango niya plus yung hininga niya.

"You know you're my only one girl." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko bago ako hinalikan sa noo.
"Ang bossy mo po." Sabi niya at kinuha na yung pinamili ko at nagpunta sa counter.

"Tara sa CR." Hatak ko ulit sa kanya nang matapos na kaming magbayad.

Habang pinapahiran ko ng anti-septic yung mga kalmot niya, alam kong nakatitig lang siya sa akin.

Kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa paglagay ng band-aid sa mga sugat niya.

"Buti mababaw lang.. sa susunod, sabihin mo sa mga babae mo, mag nail cutter muna bago ka lapitan ha?" Sabi ko sa kanya.

"Stop saying that! Ang pangit pakinggan." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang alin?" Pag mama-ang maangan kong sabi sa kanya.

"Yung 'babae mo' .. di ko type na marinig galing sayo.. it's like you're accusing me of cheating on you." Sabi niya at tumingin sa malayo.

Napangiti naman ako.

"Haha.. you know I'm just kidding Jovs. Patingin nung nasa batok mo." Sabi ko at tinip naman niya yung ulo niya para makita ko yung sugat niya doon. Hinawakan naman niya ako sa bewang.

Pero nung lumapit ako......
Naamoy ko yung pabango niya.
Nakikita ko yung batok niyang makinis.

Whooo.. ba't parang uminit??

Ang bango niya.

Inaamoy-amoy ko lang siya sa may batok niya.

Hindi ko alam ang pumasok sa ulo ko nung bigla ko siyang hinalikan dun.

Bigla naman akong natauhan.

>.<

What just happened.

Shiit. Nakakahiya.

"What are you doing, Chel?" Sabi niya sabay tulak sa may bewang ko para lumayo ako ng bahagya sa kanya at makita niya yung mukha kong kulay kamatis na hinog na..

"Uhmmm.. ano.." nauutal kong sabi.

Nakakahiya.. >.<

"Ano?" Sabi niya ng nakangiti at unti unting inilalapit yung mukha niya sa akin.

"Heh! Tumigil ka nga! Kinikiss ko lang para mabilis gumaling yung kalmot mo dun!" Bawi ko naman at hinawakan yung ulo niya at iniwas sa mukha ko at para na din makita ko yung sugat niya sa batok.

Dahan dahan kong dinadampian ng anti-septic yung sugat niya. Nang matapos ako ay nilagyan na ng band aid para di mairritate kapag nadikit sa damit niya.

"Wala na ba?" Sabi ko.

"Dito.. may mahapdi pa dito.." sabi niya at binalingan ko naman siya habang nakaturo sa lips niya.

"Kiss mo din para gumaling na agad." Sabi niya habang nagpapacute.

Pssh.. ang kapal magpacute.. ang laking tao..

Pero in fairness...

Ang cuteee niyaa.  >.<

Pero syempre hindi ko pinapahalata.

"Akin na.. " sabi ko at ngumiti naman siya ng todo at nagpout.

"Wait lang..." sabi ko at dinampian yung nguso niya ng bulak na may alcohol.

"Pwe! Pwe! Pfff.. yuck!" Sabi niya habang pinupunasan niya yung nguso niya.

"HAHAHAHAHAHAHAH! yan.. gagaling na." Maluha-luha kong sabi sa kanya.

"Tsk.. ang bully mo!" Sabi niya sa akin at umirap.

Napatawa lang ako.

Ngayon ko lang siya nakitang umirap.

"Hahahahahaaha! Ang cute mo!" Sabi ko sabay smack sa lips niya at iniwan ko na siya sa CR na tulaley.

Hahahahaha. Natulala na si Bionic Gwapa..

_____________________________________

ALY'S POV

"Ly! Bagal bagal naman eh! Dun pa tayo eh!" Sigaw sa akin ni Den.

"Wait lang Den. Grabe lang. Hindi pa ba to okay? Andami na ah. Isang araw lang naman yung birthday ni General eh parang magpaparty ka na ng limang araw sa dami neto." Reklamo ko.

Okay na sanang magsawa siyang magshopping kung tutulungan naman sana niya akong magbuhat ng pinamili NIYA. Huhuhu

"Isa pang reklamo Aly." Sabi niya sa nagbabantng boses.

Syempre.. tiklop na naman ako.

"Hindi ka ba bibili ng sayo?" Tanong niya ng makahabol ako.

"Tapos na." Sabi ko at kumapit naman siya sa braso ko.

Ever since the 'mountain' moment thing, our relationship had been casual.

No one ever spoke about that day anymore.

We promised to each other to forget it.

And sa tingin ko, yun naman yung ginagawa ni Den.

And syempre nakalimutan ko na din yun.

Pero kilala niyo nman ako.

Syempre joke lang yun.

Yung moment na yun pa rin ang huling iniisip ko bago matulog sa gabi.

Ang ang moment pa rin na yun ang una kong gustong maalala unang-una paggising ko sa umaga.

Pasensya na Den, umaasa pa rin ako.

Pero ang pinagkaiba noon, ngayon, tanggap ko ng wala na talaga. ..

"Nasan yung binili mo?" Tanong niya at tinignan yung mga hawak ko.

"To oh.." taas ko sa paper bag ng vans.

"Yan lang?" Tanong niya na medyo napatigil.

"Oo.. madami pa naman akong damit dun ah." Sabi ko.

"Tsk. Ang kuripot mo talaga. Tara na nga dun!" Sabi niya at bumalik kami sa pinanggalingan namin kanina.

"Bakit na naman tayo babalik dooonnnnn..." pagmamaktol ko na talaga.

"Ibibili  ka ng damit."

Nakakapikon na. >.<

Ang sakit na ng katawan ko ah.

"Den... wag na.. uupo nalang ako at magpapahinga sa bench kesa ibili mo ako ng damit dun." Sabi ko at nilapag muna saglit yung mga bitbit ko.

"Hmmn. Bahala ka na nga!" Pagsusungit na din niya sa akin at nagmartsa na palayo.

"Aaaaahhhh!" Napapasabunot nalang ako sa sarili ko.

____________________________________

DEN'S POV

Urrggg.. kanina pa siya.

Kaninang umaga pa siya ang moody moody. 

Bahala siya sa buhay niya.

"Ate Den???.. "

Napalingon naman ako sa nagtanong.

"Yes??"

"Pwede po papicture? Grabe! Fan na fan niyo po ako! Ang galing po ninyo at ng army!" Sabi niya.

Napangiti naman ako.

"Yeah, sure." Sabi ko naman pero alam ko, pag pinayagan ko to, madami ng susunod.

After kaming magpapicture, napansin ko ng naiipon yung mga tao.. nakikilala na siguro ako.

At yan na nga.
Medyo nagkakatulakan na.

"Sandali lang po.. wala pong tulakan." Sabi ko sakaling kumalma sila.

Pero nagtutulakan pa rin..

"Aray po.. wait lang po Ate.. isa isa lang po.. wait.." nakikipag gitgitan na.

Medyo napayuko naman ako ng may makaapak sa pinky toe ko....

Aray....

Naiiyak na ako..

Pero nagtutulakan pa rin sila..

Hanggang ng....

"Excuse mee..."

Biglang napatigil naman yung iba..

"Padaan po... excuse... excuse..."
Si Aly..

"Teka teka.... OHHH MYYY GOODDD! SI VALDEZ!!!!"

ang lagay.. siya naman ang pinagkaguluhan.

"Wait lang po.." sabi niya.

"Excuse me po."

Bigla akong nahimasmasan nung may humila sa braso ko.

Pag angat ko ng tingin..

Nakita ko si Aly na nakangiti sa akin.

Nakaramdam ko ng relief.

"Ate Alyyyy! Papicture po please.!"
"Ate Alyyyyy!"

Ang gulo pa rin ng paligid namin at dahil kaming dalawa na  ang andun, mas lalo pang nagkagulo.

Bigla naman akong iniyuko ni Aly at niyakap para maprotektehan sa mga nagkakagulo ng fans.

I lost count kung ilang beses siyang muntikan ng madapa o masubsob dahil sa tulakan.

Hindi ko alam kung gano katagal akong nakayakap lang kay Aly habang nakayuko.

"Hey.. hey.." biglang may humihila sa akin para makatayo ng maayos pero nakapikit pa rin ako at nakakapit ng mahigpit kay Aly.

"Hey.. okay na Den. It's okay." Sabi niya at hinahaplos haplos na yung buhok ko.

Kaya napatayo na din ako.

Nung humiwalay ako sa kanya, napansin kong ibinaba niya yung sleeves ng jacket niya.

Napansin naman niyang nakatingin ako sa kanya kaya napangiti siya.

"Wait." Sabi niya at binalikan yung ibinaba niyang pinamili namin.

Dahil sa nangyari, may guard na nag escort sa amin hanggang sa makarating na kami sa reserved van sa may parking lot ng mall.

Nahihiya ako kay Aly.
Kasalanan ko to eh.
Tapos nagalit pa ako sa kanya.

Nakokonsensiya na din ako.

"Uhmm Aly." Sabi ko bago namin maabot yung van.

"Hmmmn?" Lingon niya sa akin.

"Sorry." Sabi ko at yumuko.

"Para san?" Silip niya sa mukha ko.

"Kanina.. yung iniwan kita .. tapos nagkagulo pa." Sabi ko.

Inilipat naman niya sa kabilang kamay lahat ng pinamili namin at inakbayan ako gamit yung kabilang kamay niya.

Napatingin naman ako sa kamay niyang nakagrip sa balikat ko.

I know this is just a friendly gesture to her pero pagkatapos ng lahat ng nangyari nung araw na yun, parang ang hirap na isipin na walang ibang nakahalong feelings sa mga ginagawa niya sa akin.

And how I wish, meron pa nga..

Ayysshhh. 
Ano ba tong iniisip ko!??
Ayoko na.  Sobra na kaming nahihirapan.
Time to move on.

"Ano ba! Okay lang yun noh? Pero sa susunod, dapat wala ng ganito ha?" Sabi niya at inakay na ako papasok ng van.

Pero pagpasok namin.....

"Oh! Panalooo akoo! Gonzaquis ang nahuli!" Sabi ni Ella habang nagcecelebrate na mag isa.

"Huh?" Pagtataka ko naman.

"Ate Den.. pinagpupustahan nila kayo.. sino daw mahuhuli makakabalik dito sa van.. pasimuno ni bulinggit!" Sabi naman ni Jaja.

"Tong bulinggit talaga na to.. " tatawa-tawang sabi ni Aly at umupo na kami.

"Ara! May alcohol or kahit anong anti septic ka jan?" Tanong ni Aly kaya napalingon ako sa kanya.

"Aissh.. wala Ly eh.. hindi ko dala ung kit ko." Sabi ni Ara.

"Ikaw Kimmy?"

"Wala din.. hintayin mo nalang sina Ate Jovy, bka meron siya." Sabi ni Kim at bumalik na sa pagkakayakap kay Mela.

"May alcohol ako dito Ly.. bakit? Aanhin mo yung anti-septic?" Tanong ko sa kanya.

"Ah.. eh.. pahingi nalang ng konti." Sabi niya at kinalkal na yung bag ko.

Nung nakita na niya...
Medyo tumalikod siya sa akin at itinaas ulit yung sleeves ng jacket niya at nag umpisa ng magpahid ng alcohol.

Pero syempre.. di ako papalupig kaya hinila ko yung balikat niya at bahagyang tumayo kaya nakita ko yung tinatago niya.

Punong-puno yung braso niya ng kalmot.

Though wala namang dumudugo, may mga scratch marks pa rin.

"Naharass kayo kanina.??" Tanong ni Kim na nakatingin na din pala sa kamay ni Aly.

"Tsk tsk.. antagal kasi sa loob." Sabi naman ni Ara.

"Ouchh.. hapdi niyan, Ly??" Pang-aasar naman na sabi ni Jaja.

"Medyo nagkagulo lang kanina pero okay na. . Masyado lang kasi kong pogi." Sabi niya..

Bigla namang nabilaukan si Jaja.

"Ano yun Ly?" Si Ella habang hawak pa rin yung lalamunan niya. .

"Heh! Ikaw bulinggit ka ah! Babawi talaga ako sayo.. wait ka lang.." sabi naman ni Aly.

Kasalanan ko na naman kung bakit nagkasugat-sugat si Aly eh..

Tapos ako pa yung galit kanina.

Sobra na yung guilt kaya medyo tumahimik nalang ako sa tabi niya.

"Okay ka lang Den?" Tanong niya sa akin..

Bigla naman akong nakabalik sa hwisyo ko.

Tumango naman ako at ngumiti ng tipid.

Magtatanong pa sana siya ng biglang bumukas yung pinto ng van.

"Ouchh..!! Arah aray aray! Chel.. Aw aw! Oo na po!!! Ouuuuchhh!" Sigaw naman ni Ate Jovs ng buksan nila yung pintuan ng van.

Nakahawak si Ate Chel sa isang tenga ni Ate Jovs. Hindi naman makapalag si ate Jovs dahil punong puno rin ng shopping bags yung dalawang kamay niya.

"Di na po uulit." Sabi ni Ate Jovs na namumula na yung tenga nung bitawan ni Ate Chel.

Napansin ko din yung mga band aids niya sa braso.

Hindi lang kami.. sabi ng isip ko.

"Tsk tsk.. punung puno ka na nga ng kalmot, may balak ka pa ulit magpaharass!" Sigaw ni Ate Chel kay ate Jovs.

"Eh sila naman yung lumapit eh.. alangan namang itaboy ko sila." Sabi niya pagkababa niya sa shopping bags.

Hinahaplos haplos naman ni Jovs yung mga braso niya.

Andami din niyang kalmot.

Parang naupos naman yung galit ni Ate Chel nung makita ulit yung mga sugat ni Ate Jovs.

"Tsk.. halika na nga, sorry na...!" Sabi niya at hinawakan yung pisngi ni Ate Jovs na may kalmot din..

Nasa labas pa rin sila ng van kaya sila ang focus ng lahat ng tao na nasa loob.

"Nice.. landian na live!" Sabi naman ni Ella at prenteng umupo at sumandal kay Jaja habang nakatingin kina Ate Jovs.

"Eto talaga! Inggit ka lang eh!" Bulong ko naman sa kanya.

Pero sinimangutan lang ako kaya napatawa nalang ako. .

Bigla ko naman hinila si Aly palabas ng van..

"Oh..oh.. Den.. bakit.." sabi niya ng makalabas kami.

"Gamutin din natin yang mga yan!" Sabi ko at hinablot ko yung mga braso niya.

"Nice! Landian squared!" Sabi na naman ni Ella kaya napabato na si Ate Chel ng hawak niyang bulak na may alcohol kay Ella.

Tinawanan lang namin sila.. bull's eye sa mukha. Hahaha

"Kayo din?" Tanong ni Ate Chel sa amin.

Tumango naman ako.

"Pero si Aly lang yung may ganto." Sabi ko at ipinakita yung mga kalmot.

Napatingin naman ako sa braso ni  Ate Jovs.
May mga band aids na sa magkabilang braso niya.
Tapos may kalmot pa sa pisngi tsaka batok.

Ang lala nung sa kanya.

"Ate Jovy.. nakipagsabunutan ka ba?" Sabi ni Aly at humagalpak na ng tawa.

"Makapagsalita ka, parang hindi ka mukhang narape ah." Ganti naman ni Ate Jovy sa kanya.

Nagtatawanan lang kami hanggang sa napagdesisyunan na naming umuwi.

_____________________________________

JOVS' POV

"Guys! Aly! Jovy! Tara na.. malalate na tayo! Labas na."
Katok ni Ate Tina sa kwarto namin.

"Opo! Pababa na po!" Sigaw naman ni Aly at narinig namin na sa kabilng kwarto nman kumatok si Ate Tina.

"Okay na kaya to Ate?" Tanong sa akin ni Aly.

Nakapants lang siya and long sleeves polo tapos nakavans na shoes.

Nagthumbs up naman ako.

Nakasuot naman ako ng black pants, white converse, white t-shirt tapos navy blue tuxedo coat na nakafold yung sleeves hanggang before elbow.

"Papi natin Ate Jovy ah. Mukhang pumuporma na." Sabi sa akin ni Aly.

"Hehhehe.. mahirap ng magmukhang pangit." Sabi ko naman at tumawa naman siya.

"Tara! Baba na tayo." Sabi niya.

Pagkababa namin andun na ang BaRa, FaTunay, Ate Aby, Ate Jheck, Ate Tina, EllaJa,  at ate Angge.

Yung dalawa nalang pala ang kulang.

"Naks! Gaganda niyo naman po!" Sabi ni Aly..

"Papy din ninyo ah.. in fairness .."  sabi naman ni Tyang kaya napatawa nalang kami.

"Haay... kahit kelan talga.. yung dalawa ang laging nahuhuli. Gutom na ako.." reklamo na naman ni Ella. .

Napatingin naman ako kay Ella na nakabusangot na.. tinawanan lang namin siya 

"Anong sabi mo Ella?" Sabi ni Chel na pababa na ng hagdanan.

And I think, my jaw literally dropped..
_____________________________________

A/N

Holllla!

Soooo.. comment naman kayo guysss!
Baka sakaling mainspire ako at mag update ulit ako later!!

Next few chapters will be intense na...
kaya.. keep on voting everybodyyyyy!

Sana naman may nagbabasa din ng author's note ... echapwera eh 😭😭😭😭

Continue Reading

You'll Also Like

110K 2.9K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
6.7K 474 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and accomplished doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her aloof attitude e...
1.2M 23.8K 56
just for fun
4.4K 122 14
DISCLAIMER: 📌 In this captivating GL story I've woven, the names, characters, places and events are all born from my boundless imagination or brough...