548 Heartbeats

By peachxvision

3.8M 64.1K 39.5K

There's no such thing as a number of heartbeats. As long as your heart knows what forever means . . . It's p... More

Preface
Chapter 1: Mr. Heart
Chapter 2: Under My Umbrella
Chapter 3: Song of His Heart
Chapter 4: Wishes
Chapter 5: Fall to Pieces
Chapter 6: Roses Are White
Chapter 7: Stars and Dances
Chapter 8: Distance and Darkness
Chapter 9: On My Own
Chapter 10: My Fall, His Fall
Chapter 11: Santan with Six Petals
Chapter 12: The Beginning
Chapter 13: Best Friends and Secrets
Chapter 14: The Moment of Truth
Chapter 15: Destiny Meets Destiny
Chapter 16: His Heartbeat
Chapter 17: First Times
Chapter 18: Complicated
Chapter 19: The Saddest Day of My Life
Chapter 20: The Bridge Is Falling Down . . . Almost
Chapter 21: My First Attempt
Chapter 22: First Step: Be Calm
Chapter 23: Try Harder
Chapter 24: Last Step: Be Hers
Chapter 25: They Are and They Will Be
Chapter 26: I Need an Umbrella
Chapter 27: Their Happy Days and My Happy Ending
Chapter 28: Teardrops on My Guitar
Chapter 29: More Cries, Less Smiles
Chapter 30: Make Me Forget Who He Was
Chapter 31: Closed
Chapter 32: The Songs Speak
Chapter 33: This Is How We Go
Chapter 34: Numbness
Chapter 35: Wounded and Healed
Chapter 36: My Ferris Wheel
Chapter 37: Lips of an Angel
Chapter 38: My Heart
Chapter 39: Heart for Christmas
Chapter 40: Weird
Chapter 41: Secrets and Revelations
Chapter 42: War of the Worlds
Chapter 43: His Thoughts
Chapter 44: Apologies
Chapter 45: A Bit of Jealousy
Chapter 46: The Day of Our Birth
Chapter 47: Night Knight
Chapter 48: Don't Go
Chapter 49: Lips Stick
Chapter 50: 143 < 548
Chapter 51: When the Night Seems to End
Chapter 52: A Toast to Goodbye
Chapter 53: Not Really Moving On
Self-Published: 548 Heartbeats Anniversary Edition

Chapter 54: The 548th Heartbeat

2.6M 24.8K 26.9K
By peachxvision

Pumunta kaming mall ni Marj para maghanap ng damit na maisusuot. Ano nga ba dapat ang damit sa grand ball? Semiformal daw, basta daw dress. Kailangan ko bumili ng bestida dahil wala ng laman ang closet kundi pambahay, casual clothes, at teacher uniform.

"My gaaad!" sigaw ni Marj. "Excited na 'ko makita yung mga dati nating ka-batch! Wow! Lahat ng kinontak ko, makakapunta. Ikaw, may nakontak ka ba?"

"Wala," sagot ko. "Wala akong panahon sa mga ganyan. Gumagawa ako ng mga lesson plan."

"Mukhang ang daming nahatak ni Chris na ka-batch natin," komento ni Marj, talagang iniwasan yung kakasabi ko lang. "Sa ibang batch kaya may makakapunta?"

"Siguro naman."

"Hindi ka ba nakikibalita sa faculty? Anong sabi nina Sir Mogul?"

"Meron naman daw."

"Mars, halata yung pagkawala ng interes mo rito, ano?"

Tumango ako na parang "Pa'no mo nalaman?" Alam ko namang iniiwasan lang niya banggitin si Kyle, e. No'ng pag-alis niya kasi, sinabi ko kina Marj at Chris na ayoko na munang marinig ang pangalan niya at ayoko na ring maalala yung mga alaala niya. Kaya kung puwede lang, magkunwari silang hindi nila nakilala si Kyle, kahit man lang sa harap ko.

"Ito, o!" sabi ni Marj habang hawak-hawak ang isang tube dress. "Ang cute!"

"Ano ba 'yan. Nagdamit ka pa. Puwede namang nagtuwalya ka na lang," biro ko.

"Sexy pa rin naman ako, ha?" Tapos tumingin siya sa salamin at natawa bago niya binalik yung bestida. "Palibhasa, ikaw, di ka kasi kumakain kaya ayan⁠-ang payat mo na."

"Grabe ka naman. Hindi kaagad kumakain? Puwedeng stressed in life lang?"

Pero namulot na naman siya ng bestida na parang binalewala yung komento ko. "Ito, bagay sa 'yo."

Nakabili ako ng isang pink na bestida. Ipapartner ko na lang 'to sa isa sa mga sandals ko sa bahay para tipid at hahaluan na lang ng kung anong burloloy meron ako. Magpapaayos pa ba 'ko? Sus, wag na, isip-isip ko. Bakit pa ako mag-aayos? Para sa'n pa?

Habang inaayos ko yung mga gagamitin ko, napatitig ako kay Spark. Nasa kama ko pa rin siya, alagang-alaga. Siguro at some point, nakalimutan kong si Kyle nga pala ang nagbigay sa 'kin nito, tipong nasanay na ako na nasa kuwarto ko siya araw-araw at talagang na-o-obliga akong linisin kapag nakikita kong madumi na.

"Bakit nga ba hanggang ngayon, e, inaalagaan pa rin kita?" tanong ko sa walang kamalay-malay na teddy bear. "Sana pina-abort ka na lang niya."

Madalas ko 'yon nasasabi kay Spark. Pero ayan, nakatitig pa rin siya sa 'kin na may kumikintab na mata na parang wala akong sinabing masakit.

"Gusto mo dalhin kita do'n para naman may kasama ako? Kaso pag dinala kita do'n, baka pagkaguluhan ka lang."

Um-oo ka na lang Spark, isip-isip ko.

"Yung tatay mo kasi, iniwan tayo. Wag ka mag-alala, okey? Bata pa naman ako. Alam kong may makikita pa 'ko. Sa grand ball, sigurado akong meron pang mga single do'n. Makakakita rin ako ng daddy mo. Hindi naman ako mauubusan ng isda, e. May hawak naman akong pamingwit," komento ko. At nang napagtanto ko na ang ewan lang ng huli kong sinabi, natawa ako. "Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Makapaghanda na⁠ nga-"

Biglang nagring ang cell phone ko. Sumagot ako ng "Hello?" pero walang sumasagot pabalik. Ilang beses ako nagsalita, pero wala talaga. Tiningnan ko yung phone kung may kausap pa ako, at meron pa naman. May naririnig din akong mga ingay at boses sa likod, kaya alam kong may tao sa kabilang linya.

"Bakit ka tumawag kung hindi ka rin naman pala sasagot?" inis kong sabi. Baka naman napindot lang tapos hindi alam ng caller na may kausap na pala siya? naisip ko.

Ibababa ko na sana ng nakarinig ako ng kanta, tipong parang nilapit talaga yung source ng tunog sa cell phone. Nang nakinig ako nang maigi, nalaman kong iyon yung bridge ng "A Twist in My Story" ng Secondhand Serenade.

Pero, sino naman ang magpaparinig sa 'kin n'on?

"H-hello?" pangungulit ko. "Sino po ba sila?"

Pero wala pa ring sumagot. Ewan ko . . . biglang lumakas yung tibok ng puso ko, parang bigla akong kinabahan. Gusto kong sabihin⁠-itanong kung siya yung nasa kabilang linya.

Huminga ako nang malalim bago ko banggitin ang pangalan niya: "Kyle?"

Pero bago pa man din makasagot yung kung sino mang nasa kabilang linya, biglang nawala yung linya. Kaya nang biglang nagring ulit ang telepono, dali-dali kong sinagot. "Hello?" tanong ko, medyo malakas yung boses, parang may paninindigan.

"Xei?" tanong ni Marj. "Bakit gano'n yung pag-hello mo?"

"I-ikaw pala, Marj."

"Bakit, may in-e-expect ka bang iba? Tsaka bakit busy? May kausap ka sa telepono kanina?"

"Wala," sagot ko. "May nanloko lang. Nangtrip. Bakit ka napatawag?"

"Ready ka na?"

"H-ha?!" Napatayo agad ako. "Ano ba, Marj! Para naman kasing sampung kilometro yung layo ko sa school."

"Fine. Papunta na kami ni Chris diyan."

Naligo na 'ko at nagbihis kaagad. Inisip ko pa kung magme-makeup ako, pero pagtingin ko sa salamin, nakuntento naman ako sa itsura ko. Mas okay na akong simple. Okey na akong ako. Siguro espesyal na hikaw na lang.

Kinuha ko yung jewelry box ng mga hikaw na ibinigay na sa 'kin ni Mama. Nandito yung mga magagara, tipong yung mga tunay na gold kaya bihira kong gamitin. Bigla kong nakita yung singsing na bigay niya sa 'kin no'ng seventeenth birthday ko. Tinanggal ko na siya sa kamay ko nang two years na siyang walang paramdam. Matagal na rin no'ng huli ko 'tong sinuot, at nagulat ako na hindi ko pa pala 'to nawawala o natatapon.

"O ano, anong tinitingin-tingin mo diyan?" sabi ko do'n sa singsing. "Akala mo isusuot kita?"

At ewan ko ba kung anong sumapi sa 'kin. Kinuha ko yung singsing at sinuot ko.

"I hate you," bulong ko sa singsing. "Huling beses na isusuot kita. Iaalay na kita sa balete tree, baka sakaling may makakita sa 'yo at pagpalain din ang love life tulad ko."

Napatulala ako, napangiti nang naalala yung mga moment namin no'ng high school at napabuntonghininga naman no'ng naalala ko yung mga huling araw namin bilang kami. Siguro nakailang girlfriend na 'yon sa Canada. Samanatalang ako, patuloy na hinahanap ang pag-ibig dito sa Pilipinas pagkatapos niyang mawala.

***

Sabay-sabay kaming tatlo na pumunta sa grand ball. Ang dami kong nakita na ibang batch at mga ka-batch ko. Wow, ang tanda na talaga ng pioneer batch, yung iba may mga anak na.

Pero sa dami ng tao na nakita ko, alam ko namang wala do'n yung taong matagal na umalis sa buhay ko pero parang kahit kailan ay hindi na umalis sa puso ko, parang doon na nanirahan.

Tiningnan ko ang langit. Bilog na bilog ang buwan. Sana nga nanatili na lang yung mga mata ko sa buwan dahil pagsulyap ko sa quadrangle, puro magka-holding hands ang nasa paligid, parehong masaya at nagtititigan, o kaya isang buong pamilyang naguusap-usap.

May program: mga pa-games sa bata, pa-raffle ng appliances, pa-award ng "Tito and Tita of the Night" at iba pa. Siyempre, nangingiti ako, pero hindi ko maiwasan maramdaman na wala ako sa lugar na gustong kalagyan ng puso ko.

Narinig ko yung emcee na sinabing, "O, lahat ng mga magsing-irog diyan, pumunta na rito sa gitna."

Nakita kong niyaya ni Chris si Marj. Nagsitayuan na rin yung mga mag-boyfriend-girlfriend at yung mga mag-asawa. Hindi naman mahalaga kung parehong alumni ng school. Kahit isa lang, okey na.

Habang nangyayari 'tong lahat, tumayo ako at naglakad papunta sa lugar na pinagbawalan ko ang sarili kong pumunta⁠-ang likuran ng dorm. Kahit teacher ako sa school na 'to sa loob ng ilang taon, hindi ako dumadaan dahil ayoko. Takot siguro akong harapin yung katotohanan na doon nangyari ang mga pinakamasasayang parte ng buhay ko pero mabilis din natapos. Hindi talaga para sa 'kin ang salitang nostalgia.

Nakita ko si Alnilam habang papalakad ako. Natatandaan ko tuloy yung gabi na tinuro ko 'yon sa kanya.

"Totoo ka ba, Xei?" sabi ko sa sarili ko habang naglalakad. Ikaw rin naman ang nagbibigay ng dahilan para matandaan siya. Tigil-tigilan mo na, okey?" Hinawakan ko yung singsing at pinipilit ito tanggalin habang bumibilis ang mga yapak ko papunta sa destinasyon ko, pero parang biglang sumikip.

Nag-umpisa na yung instrumental nang makarating ako. Alam ko yung kanta⁠-"A Twist in My Story" ng Secondhand Serenade. Ito rin pala yung kantang narinig ko sa telepono kanina, ano?. Wow, grabe namang coincidence 'to.

Kahit pala dito sa likod ng dorm naririnig ko pa rin yung music. Pero kanta naman 'yan ng mga taong napagtanto na handa na silang talikuran ang mundo para sa minamahal nila, e. Halata namang hindi 'yan para sa 'kin. Kung puwede lang maging bingi, bulag, at manhid . . .

Nagbuntong hininga ako. Dito ko na iiwan lahat. Dito ko na huling iiiyak lahat, sabi ko sa isip ko.

Nag-umpisa ang unang verse ng kanta. Umupo ako at nag-umpisang alalahanin lahat ng nangyari sa aming dalawa na nanirahan na sa puso ko. At sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, bigla akong may naramdaman sa loob ko⁠-isang pamilyar na pakiramdam.

Dugdug. Dugdug.

Nagulat ako sa naramdaman ko at napatingin sa paligid. Epekto ba 'to ng pag-alala? O dahil nandito ako sa lugar kung sa'n kami laging nagkikita noon?

Natigil lahat ng mga tanong ko nang may nakita akong anino sa malayo.

Dugdug. Dugdug.

Unti-unting lumalakas yung tibok ng puso ko, kasabay sa koro ng kanta. Walang magawa ang mga paa ko kundi tumayo.

Wala namang magawa ang utak ko kundi ang isipin na sana, tama ang hinala ko.

At wala ring magawa ang puso ko kundi ang tumibok nang sobrang lakas⁠-sobrang lakas na pakiramdam ko, maririnig na ng taong unti-unting lumilinaw kung sino.

Lumalapit ang taong di ko inaashang dumating⁠-o baka talagang sa loob-loob ko, inaasahan at umaasang ako darating siya.

Dugdug. Dugdug.

Lumalakas ang pagtibok ng puso ko nang sa wakas ay nasa harap ko na siya, mga sampung hakbang ang layo.

Dugdug. Dugdug.

Pakiramdam ko nabuhay akong muli nang nakita ko siya.

Dugdug. Dugdug.

Lumakas yung hangin. Para bang nananaginip lang ako. Pero . . . hindi. Alam kong hindi ito panaginip. Siya⁠ . . . siya nga⁠-si Kyle.

Tinitigan ko siya nang sobrang tagal at napatulala lang ako sa presensiya niya. Siya rin, nakatitig lang sa 'kin.

Di ako makapaniwala.

Bale wala ang palakas na palakas na violin, gitara, pati yung paghampas sa bass drum sa tibok ng puso ko nang nakita ko siyang lumalapit unti-unti. Maski yung hangin parang binubuhos ang buong lakas para lang itulak kaming dalawa palapit sa isa't isa.

Gusto kong tumakbo, pero bakit? Tatakbo papunta saan? Papalayo sa isang taong wala akong hinangad kundi ang lumapit at bumalik sa 'kin?

Matapos ang mahabang mga taon, heto na. Ang pinakamamahal ko, ang minahal ko, ang minamahal ko, at ang mamahalin ko . . . nasa harap ko na.

Hinawakan niya yung mga kamay ko, pero hindi pa rin niya tinigil ang pagtitig sa 'kin. Do'n ko nakita yung pananabik na makita siya, yung pananabik niya na makita ako.

Oo, marahil, wala ngang silbi ang mundo sa 'kin kung di ko siya nakilala. Siya lang naman ang pinangarap ko mula no'ng umpisa pa lang.

At siguro nga, nagtagumpay ang hangin sa misyon nito.

Walang nagsalita sa 'min. Bastang kusa na lang na pumatak ang mga luha, na umikot ang mga braso ko sa leeg niya at ang kanya naman sa bewang ko, at na nagdikit ang mga labi namin nang walang alinlanlangan. Yung mga labi niya . . . parang biglang nagbigay ng hangin para makahinga ako sa nakakapagod na paghihintay.

Sa loob ng ilang taon, pinahirapan niya ako. Pero sa isang araw lang, napatawad ko siya . . . at napatibok niya ulit yung puso ko.

Natapos ang kanta, at humiwalay na rin yung labi niya sa labi ko. Gusto ko sampalin yung sarili ko dahil baka ilusyon ko lang 'to at kailangan kong gumising.

"Xei," pagbanggit niya sa pangalan ko. Langit ko ang marinig ang boses niya . . . ulit. "I'm sorry."

Gusto ko sabihin lahat. Gusto ko ibuhos lahat ng galit ko sa kanya. Gusto ko humagulgol sa kanya at iharap sa kanya lahat ng pagdurusa ko no'ng wala siya. Pero anong ginawa ko? Yinakap ko lang siya nang sobrang higpit, yung alam kong hindi na siya makakawala.

"Akala ko makakalimutan kita pag hindi ako nagparamdam sa 'yo sa mga taong wala ka sa tabi ko. Pero hindi . . . sa lahat ng ginagawa ko, ang iniisip ko kung magugustuhan mo kaya 'to, kung ano kaya ang reaksiyon mo kapag ginawa ko 'to, kung kumusta ka na, kung kumain ka ba," sabi niya sa pagitan ng mga paghikbi ko. "Sa loob ng ilang taon, ikaw pa rin ang mahal ko at wala ng iba."

"Pero bakit hindi ka man lang nagparamdam sa 'kin?" tanong ko. "Ang tagal kitang hinintay, alam mo 'yon? Kahit hindi ko alam kung babalik ka. Kahit hindi ko alam kung may hinihintay nga ba ako."

"Kasi nga ayokong makulong ka sa 'kin. Akala ko nga pagdating ko rito, may mahal ka ng iba."

"Alam mong impusible 'yon, Kyle."

"Sa haba ng taon? Hindi ko naman 'yon malalaman."

"Pero ngayon alam mo na," sagot ko sa kanya.

"Akala ko nga . . . pusible. Kaya no'ng tumawag sa 'kin si Chris⁠-"

"Tumatawag sa 'yo si Chris?"

"Oo. Mula no'ng umalis ako. Lagi kitang kinakamusta. Pero sinasabi ko sa kanya na huwag sabihin sa 'yo."

"Ang unfair mo!" sigaw ko habang umiiyak. Pinagsususuntok ko siya sa dibdib. "Bakit, si Chris pinapatawag mo pero ako⁠-"

"Wag ka na umiyak," bulong niya habang pinupunasan niya yung luha ko. "Sinabi nga pala niya sa 'kin na pinormahan ka daw ni Mark. Akala ko nga senyales na 'yon para pakawalan na kita."

"Wag mo na sabihin 'yan. Naging kami lang naman dahil⁠-"

"Dahil sa 'kin? Dahil nakikita mo ko sa kanya?"

"Talagang sinumbong sa 'yo ni Chris lahat," komento ko. "Pero kung alam mo lang na⁠-"

"Oo, alam ko rin. Alam kong ginawa mo lahat ng makakaya mo para pakawalan ako. May nagsabi sa 'kin."

"Si Chris?"

"Hindi," sagot niya. "Si Mr. Heart."

Dugdug. Dugdug.

"Hanggang ngayon, corny ka pa rin," sabi ko.

"Hanggang ngayon, mahal pa rin kita."

Dugdug. Dugdug.

Ngumiti na lang kaming dalawa. Tinitigan niya 'ko at tinitigan ko rin siya. Ang saya sa pakiramdam. Nawala yung galit at lungkot na naipon ng ilang taon. Sa isang araw lang, nawala na ang lahat.

"Sinubukan ko rin, Xei, na magmahal ng iba. Pero iba ka, e. Pakiramdam ko, nabitin ako sa kuwento natin. Gusto ko sanang ituloy dahil alam kong di pa 'to tapos."

"Nabitin? Di tapos?" tanong ko. "Kapag hindi ka na bitin? Paano, aalis ka ulit . . . at tuluyan na matatapos 'to?"

Ngumiti siya. "Lahat naman ng kuwento, kailangan ng ending, di ba?" tanong niya. "Pero may ilang kuwento na hindi sapat ang isang libro. May book two, may book three. E . . . tayo? Ilang libro ang aabutin natin?"

"Limit ng . . . love over Xei and Kyle as it approaches to positive infinity?" biro ko.

Hinaplos niya yung mukha ko at nilagay yung mga naligaw na hibla ng buhok sa likod ng tenga ko. "Aalis ulit ako," sabi niya, halos bulong.

Natahimik ako sa sinabi niya. Ibig ba sabihin, maghihintay na naman ako ng-

"Iyon ay kung . . . ang sagot mo sa 'kin ay hindi."

"A-anong sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. Pero nang lumuhod siya at nilabas mula sa bulsa niya ang isang itim na lalagyan ng singsing, tuluyan na akong naiyak.

At ang nasa loob ng lalagyan? Isang heart-shaped diamond ring.

Dugdug. Dugdug.

Ngumiti si Kyle sa 'kin. "Puwede bang payagan mo akong mahalin ka ulit . . . at ligawan ka habambuhay, Xei?" tanong niya. "Puwede bang . . . maging tayo na habambuhay?"

Dugdug. Dugdug.

E, ano ba naman ang sagot ko, di ba? Dalawa lang naman ang choice ko: oo at . . . oo na oo.

***

At ano pa nga ba?

Matapos ng isang taon, kinasal kami. Tuwang-tuwa yung mga magulang namin. Pagkatapos ng kasal, bumalik na ulit sina Tito at Tita sa Canada, pero si Kyle, nanatili na.

Tuwang-tuwa siya nang nakita niya si Spark na malinis pa rin. Kaya bumili kami ng "baby girl" habang wala pa raw yung mga talagang baby namin at pinangalanan naming Twinkle. Siya naman yung pinakamaliit na teddy bear na makikita rin sa Blue Magic.

Pero pangako, babalitaan ko kayo kapag may mga totoong baby na kami.

Yakap-yakap ako, binulong sa 'kin ni Kyle ang tatlong numerong nagpabaliw sa 'kin noon at hanggang ngayon: 548. At saka niya ako pinabayaan para tapusin ang huling kabanata sa kuwentong ilang taon din ang inabot bago ko maisulat.

Alam ko naman na lahat ng tao ay may kanya-kanyang kuwento. May mga "happy beginnings" at "sad endings."

Pero yung amin, kakaiba.

Because ours is a story that started with a heartbeat . . .

And ended with a heartbeat.

Dugdug. Dugdug.

***

My heartbeat keeps me alive.

Your heartbeat lets me know I'm alive.

Our heartbeats give me the reason to live.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 24.2K 35
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
1.7M 74.2K 38
FLORENCE and LAURY by SHINICHILAAAABS Genre: Teen fiction/romance 10262018 11212018
11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...
5.9K 268 11
Angel is always fond of the idea of love. Pangarap niya ang magkaroon ng bonggang love life. Muntik ng matupad ang dream love story niya nang ma-crus...