My First Love

By TheQueenJRose

188K 4K 82

Pride Series #1 My first GxG Romance Novel. --- When will you realize that you already fell for that WRONG pe... More

My First Love
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
Last Chapter
Epilogue
Announcement

12

4.1K 106 0
By TheQueenJRose

Chapter 12





"Anong balak nyong dalawa?"




Nagtinginan lang kami ni Georgina. Dahil sa totoo lang wala pa naman kaming balak..



"Uy, ano na? Hindi ba talaga kayo magsasalita?"



Huminga sya ng malalim at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa aking mga hita.



"Balak? Plano? Marami ako nyan.. At kasama si Niña Denisse doon."




Marahas akong lumingon sa kanya, nakangiti ito pero nababakas ko ang kaseryosohan nito. Natahimik rin ang mga kaibigan namin.



Kumawala ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko. "G, I'm.. I--"



"Ssh. Alam kong bago sayo 'to.. Na natatakot--"




"Hindi 'yon dahil doon."





Hinawakan nya ulit ang kamay ko at tumayo sa harap ko. "Tell me,"






"Kiethly.. Paano kami ni Kiethly? Anong gagawin ko?"





Mas lalo silang tumahimik ngayon. Nabitawan rin ni Georgina ang kamay ko kaya napatitig ako sa mga mata nya.






"Hindi ko pa kasi alam.. Hindi ko alam kung saan magsisimula at kung paano. I don't want to hurt him or break him either."





"At ako?"






"George naman.." ewan ko pero nahihirapan ako. Hindi nga madali 'to.




She sighed. "I'm not gonna make you choose. I'll let you decide and whatever it is.. then susuportahan ko."



Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Kiethly habang sya ay nagkukwento. Hindi ko alam pero ayoko syang pakinggan ngayon,



"Are you even listening? You are spacing out again. What's wrong?"



"I don't know, Kiethly. I am sorry.." I sighed. "May gusto sana akong sabihin--"




"You know what? I think you're just tired. Tara, may pupuntahan tayo."




Nakangiti ito habang tumatayo. Napakunot ako ng noo dahil hindi ako pwedeng mag-ditch ng class ngayon!




"Kiethly, kasi may pasok pa ako--"




"Please, Denisse?"




Lumunok muna ako bago tumango sakanya. Pinagbuksan nya ako ng pinto sa kanyang sasakyan..





"You can sleep while we're still on our way,"



"I don't want to be rude.."



"No, it's okay.. Really. And I know you are tired. Sige na, close your eyes now."



Kailangan ko nga sigurong magpahinga muna. Para paggising ko magkalakas na ako ng loob na sabihin kay Kiethly lahat. And my heart just keep on pounding.



Napamulat ako ng mga mata ko ng maramdaman kong tumigil na ang sasakyan. Sumulyap ako sa oras ng phone ko. Isang oras din ang binyahe namin at ng itinulog ko.




"We're here."



Napangiti naman ako. Nasa paanan kami ng bundok ngayon. Pinagbuksan nya ako at inalalayan bumaba. Refreshing ang hangin kaya napapikit pa ako.




"You liked it?"



"Yeah! Oo naman! Ang ganda dito.."




Naglakad sya kaya sumunod ako. Papunta kami ng mga benches at tables na naroon. Napangiti na naman ako dahil hindi lang kami ang naroroon.. May mga bata ring naglalaro dito.



"You missed this, don't you?"



"Yes. Sa Cali kasi kung hindi shopping or clubbing ang inaaya sakin ng mga kaibigan ko, nasa bahay lang ako at nagpapahinga. Nakakasawa rin ang beaches don.. Nakakasunog ng balat kaya hindi ko talaga gustong lumalabas."



"Then I'm glad na dinala kita rito.." nahawa ako sa pagngiti nya. Sure, he has a special place in my heart.



"And I'm glad that it was you who took me here."


Nagkwentuhan pa kami ng nagpaalam syang may kukunin sa kotse. Pagbalik nya may hawak na itong supot, box and roses.

"Keithly.." hindi ko alam ang sasabihin ko. Naka-ngiti lang ako hanggang sa mailapag nya ang supot sa harap ako pati ang box.


"For you," tinanggap ko ang iniabot nyang mga rosas sa akin.


It would be better kung tulips ang mga ito...



"I know what you're thinking. I'm sorry. Iisa lang kasi iyong nadaanan kong shop habang natutulog ka and walang deliveries ng tulips."



"Ano ba! Okay lang. Choosy pa ba ako? By the way, thank you, Kiethly. Hindi ko man lang namalayan na nagstop over tayo." tumawa kaming pareho.



"And since wala akong kakuntsaba isurprise ka. Pumikit ka na lang muna.." ipinakita nya iyong box ng cake kaya tumawa ako at tumango.



"No peeking.."



Narinig ko ang pagsindi nito ng lighter.. "Okay open your eyes now."



And when I opened my eyes.. He started singing a 'Happy Birthday' song.



"Oh my! Thanks, Kiethly!"



"Sige na. Make a wish.."



I closed my eyes and made wish. Na sana hindi ko pagsisihan lahat ng magiging desisyon ko.. Na sana makayanan kong panindigan lahat ng gagawin ko. I opened my eyes and blew the candle.



"Ayan! Happy 19th birthday, Denisse."



"Thank you!" ibinaba ko ang hawak kong mga rosas atsaka sya niyakap. "I'm so happy that you found me.. So happy to have someone like you."



"Pinaaga ko na yung surprise ko sayo kasi alam ko namang hindi talaga kita pwedeng makasama bukas. Alam kong miss na miss ka ng nga kaibigan mo."



"Kiethly.. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko but--"



"Ssh. We're here to celebrate your birthday together."



Inilabas nya ang mga take-out na pagkain at inumin sa supot. Kumain kaming dalawa.. Iyong mga batang naglalaro sa malapit ay binigyan din namin.





Nasa harap kami ng gate ngayon at hawak ko iyong box ng cake at roses.



"Salamat talaga, Kiethly.."



"Kanina ka pa. Baka maubusan ka na nyan.." magsasalita pa sana ako ng may kunin sya sa bulsa nya. Dito na nag-umpisang tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa kaba. Hindi naman siguro singsing yan, di ba? Baka earrings lang!



But who am I fooling? Pagbukas nya at tumambad sa akin ang isang magandang singsing.



"Kiethly.."



"Ssh. Please, please, hayaan mo muna ako."



Kahit kinakabahan man ako ay tumango na lamang ako.



"This means nothing, okay? Don't freak out." mahina syang tumawa. "This is my gift for you, sa ilang taong birthday mo na wala ako.. Eleven birthdays mo ang namiss ko, pati ang debut mo. I want to give you a ring. Matagal na.. It's not like I'm proposing or something but I want you to wear this para maalala mo na hinanap kita. Na minahal kita, Denisse. I'm not pressuring you, okay? I just want to give you this."



Kinuha nya ang left hand ko at saka isinoot doon ang singsing. And it was perfect! It fits! Pero umiling ako.



"Pero hindi ko matatang--"



"Please, Denisse. Kung ano man maging desisyon mo.. Okay lang. Kung may iba at sya ang pipiliin mo, I'll accept my defeat but I won't stop loving you from afar. But if luckily it's me you want to be with, then I'll be happy enough. Just please wear that.. If it's not me, then make it our friendship symbol."


Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at di ko maiwasang maiyak. Bakit parang nararamdaman ko na may alam sya? Pero imposible naman.



Pinahid nya ang luha sa mga mata ko. "Don't cry. I'll be always right here for you, alright?"



Tumango ako. "Good night, then. Mauuna na ako.."



"Good night, Kiethly. Thank you."



"Happy birthday." then he leaned so I automatically closed my eyes then I felt his lips to mine. It was just a soft and swift kiss.



When I opened my eyes. I saw him smiling.. Hindi ko alam pero I see pain in his eyes.



"Good bye, Denisse. I love you.."

Continue Reading

You'll Also Like

307K 7.5K 56
[[BOOK 1]] "Perfect. That's how the world feels when I'm with you" It's been a long time since Raine experienced how it feels like to love and to be...
16.9K 817 35
Happy Shipping lang po ito. This story is about JelRi /JelRhys and KuLay. May kanya kanyang moment yung mga nabanggit kong ship so, tiis lang. hahaha...
415K 13K 39
"Nerd man ako sa paningin nila, but they don't know me very well." -GLAIZA Maybe I judge her before, but then I was wrong.. How can I fall for her ju...
284K 13.3K 46
Siya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente n...