For Hire: A Damn Good Kisser...

beeyotch által

42.8M 904K 171K

After being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlis... Több

For Hire: A Damn Good Kisser
1st Chapter
2nd Chapter
3rd Chapter
4th Chapter
5th Chapter
6th Chapter
7th Chapter
8th Chapter
9th Chapter
10th Chapter
11th Chapter
12th Chapter
13th Chapter
14th Chapter
15th Chapter
16th Chapter
17th Chapter
18th Chapter
19th Chapter
20th Chapter
21st Chapter
22nd Chapter
23rd Chapter
24th Chapter
25th Chapter
26th Chapter
27th Chapter
28th Chapter
29th Chapter
31st Chapter
32nd Chapter
33rd Chapter
34th Chapter
35th Chapter
36th Chapter
37th Chapter
38th Chapter
39th Chapter
Special Chapter: Sara-Dave :">
40th Chapter
41st Chapter
42nd Chapter
43rd Chapter
44th Chapter
45th Chapter
46th Chapter
47th Chapter
48th Chapter
49th Chapter
50th Chapter
Epilogue
Anouncement!

30th Chapter

639K 13.9K 2.9K
beeyotch által

Chapter 30

Napaka mysterious talaga ni Cyriel. Kahit ilang beses ko na siyang nakakasama, hindi ko pa rin alam kung sino siya. Naguguluhan na nga ako kung sino yung babaeng nagugustuhan niya. Ayaw pa kasing sabihin sa akin. May pa bugtong bugtong pa siya. If I know, ako lang naman yun. Ang feeling ko naman.

Nandito na ako ngayon sa unit para magluto ng baked mac para kay Andy. Naalala ko na naman na lutuin ko na lahat, huwag lang yung baked mac. Ang weird talaga nila.

Mahirap pala talagang magluto. Nakailang try na ako pero puro palapak. May mali kaya dito sa cooking book?

1st try: Over cooked yung pasta 

2nd try: Nasunog yung sauce 

3rd try: Walang lasa

4th try: SUCCESS!

Ang hirap ng pinagdaanan ko para lang mailuto 'tong baked mac na 'to. Sana naman ma appreciate ni Andy 'to. Sabi nga nila, "the best way to a man's heart is through his stomach." Sana naman marinig ko na yung 3 words, 8 letters.

To: Andy

Punta ka sa unit ko. Asap

From: Andy

Bakit? Sex tayo? Sige, hintayin mo ako. Maghubad ka na

To: Andy

LUL! In your dreams. Tara na dito. Asap

Luko luko talaga si Andy. Hanggang sa text dinadala yung kamanyakan. Teka-- di ba galit ako sa kanya? Bakit parang hindi na ako galit? Tss. Dahil ba sa hormones?

"Oh, bakit naka damit ka pa?" tanong niya nang pagbuksan ko siya ng pinto.

"Manyak ka talaga. Alam mo namang salubungin kita ng nakahubad ako? Ano ka, sinuswerte?"

"Sus, huhubarin ko din naman yan mamaya eh," he said, grinning.

"Talaga lang ha?"

"Oo ba. Teka, bakit mo ba talaga ako pinapunta dito?"

"May surprise ako sa'yo."

"Ano naman yun? Talagang kailangan mo pa akong papuntahin dito."

"Syempre. Oh," sabi ko at saka binigyan ko siya ng pang blind fold

"Ano gagawin ko dito?"

"Malamang pantatakip mo sa mata mo di ba?"

"Alam ko. Bakit nga di ba?"

"Paano matatawag na surprise kung nakita mo na. Common sense naman di ba?"

"Oo na. Pag ako hindi na surprise... sex na tayo?"

"Hahaha. Oo na lang, Andy."

Ayun, tinalian ko na nga siya. Aba, dapat lang na surprise siya sa ginawa ko. First time ko yatang ginawa 'to. Ni mama ko nga hindi ko pinagluluto eh. Ngayon ko lang na realize na swerte pa la ako at may pera ako pang take out sa restaurants, kung hindi, malamang matagal na akong namatay sa gutom dito sa loob ng unit ko.

Nandito na kami. Nag effort talaga ako para pagandahin yung ambiance ng unit ko. With matching scented candles pa. Saan ka pa diba?

"Tatanggalin ko na ha?"

"Oo. Pa suspense ka pa eh."

"Ito na nga di ba?" I said and then helped him remove the blind fold. "Surprise!"

Mukhang gulat na gulat si Andy kasi hindi siya agad nakapagsalita.

"Andy? Hoy. Andy?"

"Si-sino nagluto niyan?"

"Ako. Na surprise ka ano? Fyi, pinaghirapan ko yan," I proudly said. 

"Salamat. Pero, pwede bang umorder na lang tayo ng pizza?"

"Pizza? Bakit? Hindi mo ba nagustuhan yung niluto ko? Masarap yan."

"Allergic ako diyan eh."

"Allergic? Kailan ka pa naging allergic sa favorite food mo?"

"Ano kasi--"

"Ano ba kasi? Bakit ayaw mong kainin yung niluto ko? Wala namang lason diyan eh!"

"Hindi naman sa ganun--"

"Eh ano nga kasi? Hindi naman kasi ako manghuhula para hulaan kung bakit ayaw mong kainin yung niluto ko di ba?"

"Umorder na lang kasi tayo eh!"

"Bakit kasi tayo oorder eh may pagkain naman dito. Isa pa, pinaghirapan kong lutuin yan!"

"Fine! Kakainin ko na. Matahimik ka lang!"

Umupo na siya at kinain yung niluto ko. Halata namang napipilitan lang siya eh. Sinusubo lang niya ng sinusubo sa bibig niya yung baked mac. Hindi naman kasi ganito yung iniisip kong mangyayari eh. Ang naisip ko, magugustuhan niya yung niluto ko tapos sasabihin na niya yung magic words... Pero bakit ganito yung nangyayari? Dapat nakinig talaga ako sa sinabi ni Dave at Cyriel... Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako. Napansin ni Andy kaya natigil siya sa pagkain Bakit ka umiiyak? Then pinunasan niya yung luha ko

"Ikaw kasi eh--"

"Ako? Bakit ako? Kinain ko naman yung niluto mo ah."

"Kinain mo nga, para namang napipilitan ka lang. Pinaghirapan ko kayang lutuin yun."

"Sorry na..." Then niyakap niya ako.

"Bakit kasi hindi mo nagustuhan? Sabi nila, favorite mo yun eh..." I said between my sobs.

"Favorite ko nga yun... dati."

"Dati? Bakit hindi mo na yun favorite ngayon?"

"Basta. Wag na nga natin yung pag usapan."

"Ikwento mo sa'kin?"

"Sa tamang panahon..."

Pinili kong huwag na lang siyang tanungin tunkgol dun. Mukhang may tinatago siya na ayaw niyang pag usapan. Sana dumating yung time na makapag open up siya sa akin. Paano kami magkakaroon ng deeper understanding kung sa mga ganitong bagay pa lang naglilihim na siya sa akin di ba?

"Ano na ang gagawin natin? Ayaw mo namang kumain."

"Movie marathon na lang tayo."

"Ano ang papanoorin natin? Wala naman akong dvd dito."

"Meron ako. Kukunin ko lang sa compartment. May pop corn ka ba?"

"Wala eh."

"Ano ba namang klaseng unit 'to?"

"Pasensya naman kasi di ba? Hindi naman ako mahilig manood ng movie para magkaroon ng pop corn dito."

"Oo na. Bibili na lang ako. Hintayin mo ako."

Umalis na nga siya. Nilinis ko na lang yung lamesa. Hindi naman nakain yung niluto ko.

Matapos ang ilang sandali...

"Anong dvd yung dala mo?"

May inabot siya sa akin na parang plastic

"Yan lang pala yung dala kong dvd eh."

Binuksan ko yung binigay niya..

"Ano 'to?"

"Dvd."

"Alam ko. Pero bakit ganito?"

"Ano namang masama diyan?"

"Wala sanang masama kaya lang, Sex is Zero? Ano ba naman yan? Bakit puro may sex ang title?"

"Ano namang masama diyan? Educational yan."

"Educational sa mga manyak na kagaya mo. Huwag na nga tayong manood."

"Sayang naman. Madami ka pa namang matututunan diyan."

"Thanks but no thanks. Masaya na ako sa alam ko."

"Bahala ka. Napanood ko na rin naman yan eh. Ikaw lang naman ang inaalala ko."

"Salamat sa pag aaalala."

"Oh, ano na ang gagawin natin? Maghahalikan?"

"Ano ba naman. For once, pwede bang mag usap lang tayo?"

"Okay. Ikaw ang bahala. Ano naman ang pag uusapan natin?"

"Ikaw. Tungkol sa'yo."

"Anong tungkol sa akin?"

"Saan ka nakatira. Anong pangalan ng nanay at tatay mo. May kapatid ka ba? Ilan sila at anong pangalan nila. Ano ang favorite song mo, band, number and the likes..."

"Ano 'to? Slam book?"

"Bahala ka kung ano ang iisipin mo. Basta sagutin mo na lang yung tanong ko."

"Ang sungit naman. O sige na nga. Nakatira ako sa bahay, ang nanay at tatay ko ay si Mr. and Mrs. Guzman. May kapatid ako, isa. Ang favorite song ko, basta may melody. Yung band, basta may vocalist at number, basta part siya ng integer."

Langya. Ang galing niyang sumagot sa tanong.

"Salamat. Ang dami kong nalaman tungkol sa 'yo."

"Walang anuman."

"Bakit ka ba ganyan?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Parang hindi mo sineseryoso lahat ng sinasabi ko."

"Akala mo lang.. Pero ang totoo, seryoso ako sa iyo."

He said that while looking in my eyes."

"Andy..."

"Hmm?"

"Lahat ba ng naging customer mo ganito mong tratuhin?"

"Hindi... Ikaw lang. Special ka."

"Talaga?"

"Oo naman. Sige na. Uuwi na ako."

"Teka. Maaga pa ah?"

"Baka kung ano lang ang masabi ko eh. Bukas na lang?"

At umalis na agad siya... 

Olvasás folytatása

You'll Also Like

64.9M 1.3M 73
Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker an...
34K 1K 14
This book is all about JARED and his LOVELY GIRL story, as well as ZELLINE and her MYSTERIOUS GUY story entitled SECOND LOVE: ABMMN1 Side Story. Cop...
28.5M 853K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
79.1M 1.5M 60
"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!" Ito si Alys Perez, may pagka-loner, maingay, madalas bagsak ang grades sa klase...