Transparent

By superjelly

21.2K 638 50

"The best things are those that are not seen." More

Transparent
Canon
Lost Melody
Stacatto
The Last Song
Author's Note

Sonata of Two

1.5K 86 8
By superjelly

"J-jojo?" tawag ko sa pangalan niya. Matagal-tagal na rin simula noong huli kong nabigkas ang pangalan niyang iyan. Matagal-tagal na rin simula noong may isang tao akong tinawag sa kanyang pangalan.

Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. "Ako nga," sambit niya pagkatapos ay tumalon at bumaba mula sa see-saw. Mababa lang naman ang see-saw na iyon.. pero paano siya nakatalon ng ganun? Papalapit na siya sa akin kaya agad akong tumayo mula sa kinauupuan at umurong papalayo sa kanya 

Ramdam ko ang takot at gulat sa loob ko. "I-ikaw ba talaga si Jojo..? Pero..."

"Pero patay na ako." tinapos niya ang sasabihin ko. "Oo, patay na ako Yannie... pero nandito pa rin ako sa mundong ito. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi ko rin alam kung bakit hindi pa umaakyat ang kaluluwa ko sa itaas. Siguro wala na ngang buhay pagkatapos ng kamatayan... at mas lalo ko pang pinagtataka ay kung bakit mo ako nakikita."

Hindi ako makapagsalita. Pumikit-pikit pa ako pero pagkabukas ko naman ng mga mata ko, nandoon pa rin siya sa harapan ko. Isang... isang multo? Pero sa mga pelikula lamang nangyayari iyon. At madalas sa pelikula, sa gabi sila nagpapakita hindi hapon na matindi yung sikat ng araw. Naniniwala akong may mga kaluluwa ang mga tao... pero ang isang kaluluwa na nanatili pa sa mundong ibabaw pagkatapos niyang pumanaw?

Imposible. Napakaimposible.

"Hindi ka totoo. Hindi ka totoo. Siguro masyado na akong depressed kaya nagkakaroon ako ng hallucinations.. tama, tama. Effect ito ng sobrang kalungkutan. Utak ko ang nagpo-project nitong kaluluwang nasa harap ko.. kaylangan ko lang siguro talaga ng kaibigan? Imaginary friend... not bad.. pero... pero..." napahawak ako sa buhok ko. Mukhang mababaliw na ako sa kakaisip.

Hindi ko na lang namalayan na nandoon na siya sa harap ko. Napasigaw tuloy ako at nahulog sa lapag. 

Ang multong ito naman na sa harap ko, walang tigil sa kakatawa. "Nakakatawa ka naman Yannie. Para kang nababaliw na... kahit papaano, hindi ka pa rin pala nagbabago. Baliw ka pa rin, Yannie."

Tumayo ako at hinarap siya. Tama... isa nga siyang produkto mula sa isipan ko. Yun lamang ang naiisip ko na katanggap-tanggap eh. "Hindi ako baliw... pero nagha-hallucinate ako... eh... baliw pala ako. Pero, pero.. .ka-kase.. kase kasalanan ko ba na sobrang nade-depress na ako diba?" 

Kahit papaano nawala na ang takot sa akin. Hindi makakaila na imahinasyon ko lamang ang Jojo na nasa harap ko. Siguro dapat akong magambala na nagsisimula na akong magkaron ng mga hallucinations, pero... bakit parang masaya pa ako? 

Masaya ako kase may makakasama ako... may makakausap ako maliban sa anino o repleksyon ko sa salamin. Maliban kay Mama. Maliban sa pusa sa may kalye sa may basurahan.

Umupo muli ako sa may swing. Napatingin ako sa kanya. Mukha talaga siyang totoo... para siyang tunay na tao. Ang galing naman ng utak ko. Siguro kung nagkita pa kami ni Jojo nung malalaki na kami, malamang ganitong-ganito ang itsura niya.

Lumapit na naman siya sa akin at naupo sa katabing swing. Tinignan niya ako sa aking mga mata. "Bakit ka naman nadedepress, Yannie?"

Napaisip ako. Kathang-isip ko lang naman siya diba... isang imaginary friend. Siguro walang masama kung bubuksan ko ang sarili ko sa kanya, dahil kung tutuusin, para na rin naman akong nakikipag-usap lang sa sarili ko.

"Hindi ko rin alam. Gusto ko sanang malaman kung bakit... pero kahit anong pilit kong pagtatanong sa sarili, wala akong mahanap na kasagutan. Hindi ako sigurado kung bakit nga ba... basta alam ko lang, malungkot ako. Sobrang lungkot... I feel so empty."

Hindi siya nagsalita, kaya nagpatuloy ako. "Dati naman Jojo hindi ako ganito diba? Masayahin ako kahit mahiyain. Tumatawa. Ngumingiti. May pagka-madaldal nga ako eh.. pero bakit ganun Jojo? Iba na ako ngayon. Hindi na ako yung Yannie na kababata mo. Pakiramdam ko nga iba ako sa kanya eh... kung sana nga lang panghabang-buhay na lamang akong bata. Para sa ganun, panghabang-buhay na lang din akong masaya."

Nararamdaman ko na may mga namumuong mga luha sa mga mata ko. Pero ngayon... ayoko itong pigilan. Ayokong punasan ito... at gusto ko lang na tuluyan na itong mahulog mula sa mga mata ko na puno ng kawalan, umagos sa aking mga pisngi. Gusto kong umiyak ng umiyak hanggang sa maubos na lahat ng luha ko.

"Gusto ko namang bumalik sa dati Jojo eh... pero kapag sinusubukan ko naman, parang walang kwenta lang din. Sinusubukan kong makipag-kaibigan sa iba dahil gusto ko talaga magkaron ng isang kaibigan. Pero... pero hindi ko siguro talaga talent yun Jojo. Lagi kasi akong nabibigo dun. Naiisip ko tuloy na baka meant to be na mag-isa ako."

"Hindi ka meant to be na mag-isa!" sabi niya naman sa akin. Napatingin ako sa kanya at doon ko naramdaman iyon: ang unang pagpatak ng aking luha. "Yannie, hindi ka pang-habang buhay na mag-iisa... at saka pa, diba ang saya natin kanina nung naglalaro tayo? Tumatawa tayo diba? At ngayon, nakikipag-daldalan ka sa akin. Kaya Yannie, kung tutuusin, ikaw pa rin yung Yannie na kababata ko. Yung Yannie na best friend ko."

Napatingin ako sa tsinelas ko. Kasing-kulay ito ng langit. 

Sunod sunod na ang pagpatak ng mga luha ko. Patuloy ito sa pag-agos. Iyak ako ng iyak. Sa sobrang pag-iyak ko nga ay ang ingay ko na, pero wala akong pakialam. Wala namang nakakakita o nakakarinig sa akin...

Maliban sa kaibigan kong si Jojo. Pero hindi naman siya totoo.

Pagkatapos kong umiyak ay pinunasan ko ang aking mga pisngi gamit ang aking mga palad. Ayokong umuwi ng bahay at makita ni Mama na ganito ang itsura ko. Huminga ako ng malalim at nagsimula nang paandarin ang swing.

"Alam mo Jojo, kahit hindi ka totoo, nagpapasalamat pa rin ako dahil nagkaron ako ng makakausap. Kahit papaano... hindi ko nararamdamang mag-isa ako. Kahit literally, oo."

Binigyan niya ako ng ngiti. "Yannie, hindi ka naman talaga nag-iisa.. palagi kang may kasama. Palaging may nanunood sa'yo, palaging may sumusubaybay sa araw-araw ng buhay mo. Palagi lang siyang nandyan kahit hindi mo siya nakikita."

Lumaki ang mga mata ko. "May stalker ako...?"

Natahimik si Jojo. Pagkatapos noon ay tumawa siya ng malakas. "Hindi, Yannie. Siguro sa ngayon hindi mo pa siya lubusang nakikilala... hindi mo pa siya nakikita. Pero alam ko, naniniwala akong malapit na rin 'yun."

"Ang weird mo naman." sagot ko sa kanya at huminto sa pagsi-swing. "Jojo, lulubayan mo na ba ako? Sana 'wag ka munang mawala. Sana dumito ka lang muna. Gusto ko kasi ang pakiramdam na ito, yung may nakakausap ako at nakakasama... yung may kaibigan ako."

Ngumiti siya sa akin. "Pero may kaibigan ka naman ah? Si Tita." 

"Si Mama? Pero... hindi ko alam. Mabait si Mama, pero minsan kasi pakiramdam ko pabigat lang ako sa kanya lalo na't siya ang naghahanap-buhay sa amin."

"Mabigat ka talaga Yannie," sabi niya naman.

Natawa naman ako. "Hindi kaya ako mabigat."

"Haha, sabi ko nga magaan ka eh. Pero alam mo Yannie, sana 'wag kang susuko. Sana 'wag kang magsasawa... sana 'wag kang bibitaw. Kase sa totoo lang, yung laging nanunood sa'yo, may maganda siyang plano sa buhay mo. Sana maghintay ka pa. Sana 'wag mong ipagpalit ang isang panandaliang nararamdaman sa isang permanenteng desisyon."

Sa isipan ko, namuo ang mga imahe nung mga oras sa tuwing mag-isa lang ako sa kwarto ko. Nandoon ako palagi sa kama ko, nakatingin sa sulok. Pagkatapos ay tatayo ako, mapapatingin sa salamin. Pagkatapos ay may kukunin ako sa drawer ko. Isang bagay na nagpapagaan ng kalooban ko, isang bagay na dahilan kung bakit kahit papaano ay nakakagalaw pa ako. Yung bagay na alam kong hindi dapat gawin, pero may choice pa ba ako?

Alam yun ni Jojo. Syempre alam niya... galing siya mismo sa utak ko eh.

Umiling ako. "Pasensya ka na at nagagawa ko 'yung mga bagay na iyon..." hindi ko alam pero nahihiya ako. Nahihiya ako na may nakakaalam na iba maliban sa akin. Pero naisip ko ulit, technically parte ko lang din naman si Jojo diba? Kaya hindi yun counted.

"At sana Yannie, 'wag kang mapagod na magising kahit gaano pa karami ang bangungot mo sa gabi... dahil malay mo, paggising mo sa umaga, tanging matatamis at masasayang mga bagay na ang bubungad sa'yo. Sana Yannie tandaan mo 'yun."

Sa tono ng pananalita niya, alam kong nagpapaalam na siya.

Masyadong mabilis. Ayoko pa siyang umalis... gusto kong manatili siya sa tabi ko. Tumutulo na naman ang mga luha ko. Tulo lang ito ng tulo. Umiwas ako ng tingin kay Jojo at napatitig na lamang ulit sa mga paa ko. Ayokong makita niya akong umiiyak.

Naramdaman ko ang ihip ng hangin sa aking leeg. Pinahiran ko ang aking pisngi para alisin ang mga natitirang luha.

At pagka-angat ko sa aking ulo, wala na si Jojo sa tabi ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 198 18
Si Carrie Vergara ay isa sa mga normal na estudyante ng McKinley High. She is a high achiever, introvert, and somehow has a sense of humor. Lahat ng...
759K 1.3K 2
And in the middle of my chaos, there was you. Montezerio #1 cover by xxsoteria
2.9K 981 43
COMPLETED (03.31.23) Wing Montoya always believed in the power of reflection: give what you want to receive. Yet, despite her best efforts, love elud...
475K 30K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...