Pauline's P.O.V
Uwian na pero andito pa kami sa school. Kami na lang na Star Section ang naiwan dito sa school. Nagmeeting pa kasi kami sa upcoming event. Were still talking about the Overnight Camping. I wish buhay pa ako pag camping. Hayyy :"(
After namin mag-usap usap, umalis na ang mga classmates ko habang naiwan kami dito nina Nadine, Jane, Princess at Czarina. Si Jane may hinihintay daw. Si Nadine naman ayaw pang umuwi. Bakit kaya?
" Best, punta kami ng cr. Sama ka? " , tanong ni Princess and I shooked my head.
" Nope. Dito lang ako " , sabi ko at tumingin saakin si Nadine. Kakaibang tingin. Hindi ko mapaliwanag.
" Sige. Hintayin mo na lang kami. We'll be back in a minute " , sabi ni Czarina. Umalis na sila at naiwan ako dito kasama sina Jane at Nadine.
" Hi Jane. Hi Nadine " , I greeted them with a smile. This is the first time I talked to them. Kasi noon, hindi ko talaga kinakausap ang katulad nila kasi loner, nerd. Gusto ko silang makausap bago ako mamatay.
" H-huh? B-bakit mo kami kinakausap? " , na-shock nga sila. Kasi noon, palagi namin inaaway ang dalawang yan. Pero natauhan na kami ngayon. Hindi namin alam na may nasasaktan pala kami. Gusto kong humingi ng tawad hindi lang sa kanilang dalawa kundi sa lahat.
" Gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat lahat ng ginawa ko sa inyo. Sana mapatawad ninyo ako " , sabi ko at nagtinginan silang dalawa. Nagulat sila sa sinabi ko. Siguro, hindi pa rin sila makapaniwala. Pero after ilang segundo, lumapit saakin sila Jane at Nadine at niyakap ako. Now I feel great.
" Pinapatawad ka na namin " , sabi nilang dalawa. Para talaga silang magkapatid. Palagi silang magkasama at mabait nga sila. Ang sarap pakinggan ang sinabi nila saakin. Masaya ako na pinatawad na ako nila Jane at Nadine. Bukas na bukas, sa lahat mismo, hihingi na ako ng tawad. Ayokong kapag namatay ako, may nagkikimkim ng galit saakin.
" Nasaan pala si Bea? " , tanong ko. Gusto ko ng humingi ng tawad sa kanya. Mas marami ang naging kasalanan ko sa kanya.
" Nasa clinic yun. Binabantayan si Alice " , sabi ni Nadine. True bestfriends nga sila. Whatever what happens, palagi silang andyan para sa isat isa. For worse or for better.
" Ow okie. " , I said and I tooked out my phone and its 5:45 in the evening. Nagpaalam na pala ako kay mama na kila Princess muna ako matutulog at pumayag naman siya. Hayyy madilim na ang paligid. Tanging ilaw na lang ng phone ko ang nagsisilbing ilaw dito sa room. Madilim na kaya lumabas na kaming tatlo.
" Nasaan na kaya yung dalawang yun? Um..... Jane? Nadine? Pupuntahan ko muna sila ha? Ang tagal kasi nila " , sabi ko.
" Ah sige. Aalis na pala ako Pauline at Nadine! Hindi naman dumating yung sundo ko. Uwi na ako baka sigawan na naman ako ni mama. Bye Pauline. Bye Nadine! " , sabi ni Jane at nagpaalam na din kami sa kanya.
" O, ikaw? Akala ko pupuntahan mo sina Princess at Czarina " , sabi ni Nadine na nasa katabi ko ngayon. Ayokong umalis muna. Ayokong iwan si Nadine magisa dito. Kawawa naman.
" Mag-isa ka kasi. Ayaw kitang iwan. Baka mamaya multuhin ka dito hehe~ " sabi ko at tumawa. Tumawa din siya at tumingin saakin.
" Ako takot? No way! I'm not afraid of the dark and ghosts. Mas takot pa ako sa killer hehe. Sige na sundan mo na sila. Ayos lang ako dito " , sabi ni Nadine. Hindi ko na nga sila pupuntahan. Kawawa naman si Nadine pag naiwan dito. And perhaps, babalik na yung dalawang yun.
" Hindi. Dito lang ako. Baka may mangyari sayo dito " , sabi ko at ngumiti siya saakin.
" Hindi. Ayos nga lang. Sige na pumunta ka na doon. Sundan mo na sina Princess at Czarina " , sabi ni Nadine.
" Sige na nga. Dont worry. Babalik lang ako kaagad kasama sila. " , sabi ko at umalis na.
Naglalakad lakad ako nang biglang may narining akong kaluskos. " S-sino yan? " , tanong ko pero wala namang sumagot. Patuloy ang paglakad ko sa may madilim at mahabang hallway nang bigla akong may narinig na kaluskos ulit!
Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan ko at tumaas ang mga balahibo ko. Ang dilim naman dito. Walang kailaw ilaw. Ginamit ko muna ang flashlight ng phone ko at nagpatuloy sa paglakad.
" Pauline.......... "
*_*
*_0
0_*
0_0
S-sino yun?
" Pauline............ " , isang malamig na babaeng boses ang narinig ko. Parang kilala ko ang boses na yan.
" S-sino ka?! M-magpakita ka! " , I shouted at the top of my lungs. Kung saan saan ko na itinutok ang flashlight ko para makita kung sino siya pero wala akong nakikitang tao.
Bigla na lang ako may naramdaman na papalapit saakin sa likod. Tatalikod na sana ako pero nahuli na ako. May nakita akong parang kuminang. K-kutsilyo!
" Subukan mo lang sumigaw! Ididiin ko itong kutsilyo! " , sabi niya sa may likod ko. Hindi ko pa nakikita kung sino siya. Pero parang nakikilala ko ang boses niya. Nakatutok sa leeg ko ang kutsilyo at hindi na ako umimik para hindi niya idiin ang kutsilyo.
Pumunta na siya sa harap ko at nagulat ako sa nakita ko. I cant believe this! S-siya?! Siya ang killer?! WTH naman! Bakit niya to ginagawa?! I trusted her!
" Hmmm......... pano kaya kita papatayin? Siguro mas maganda kung paunti unti mong mararanasan ang sakit " , sabi niya at humalakhak ng malakas. Nakakairita ang tawa niya. Isa siyang demonyo!
Right now, I still cant believe this! Hindi ako makaalis sa tinatayuan ko. I wanna run and hide but I'm scared. Baka mahuli niya lang ako. Nakapatay na nga siya ng isang dosena. Pano pa kaya ako na mahina at matatakutin?
" Oh mukha atang natatakot ka Pauline. Dont worry, maganda ang mapupuntahan mo. Kita kits na lang tayo sa empyerno! " , sabi niya at humalakhak pa ng malakas.
" Itigil mo na to! Please! Huwag mo akong patayin! I trusted you. Tapos ganito ka pala? " , sabi ko.
" Wala kang alam! " , sigaw niya.
" Huwag mo muna akong patayin. Hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanilang lahat. Bigyan mo muna ako ng oras para humingi ng tawad sa kanila. Please " , pakikiusap ko.
I almost kneeled at her. Tumingin siya saakin at nginitian ako. " Okay fine. Pero kapag nalaman ko na sinabi mo kung sino ako, PAPATAYIN KO ANG MAGULANG MO! Tandaan mo yan! " , sabi niya. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Hinding hindi ko sasabihin sa kanila na nakita ko ang killer. Ayokong mamatay sina mama at papa.
" Now get out! Kapag nalaman ko lang na sinabi mo kung sino ako, you'll know what will happen " , sabi niya at umalis na siya. Naiwan ako ditong naka nganga.
Tumakbo ako pabalik sa room namin at nakita ko si Princess at Czarina. " Oh my gosh best! Where have you been? " , tanong ni Princess. Natandaan ko ang sinabi ng killer " kapag nalaman ko na sinabi mo kung sino ako, PAPATAYIN KO ANG MAGULANG MO! Tandaan mo yan! " . Hindi ko sa kanila pwedeng sabihin.
" A-ah p-pumunta ako sa faculty room " , sabi ko. Kailangan kong magsinunggaling. I dont wanna lose my mom and dad. Baka kapag sinabi ko, mawala na sila in just one blink.
" Ah okay. Lets go home " , sabi ni Princess at umalis na kami nila Czarina at Princess.
The killer is not one of my suspects. Pinagkatiwalaan ko siya tapos ganito ang gagawin niya saamin?! Playing innocent. Yan ang ginagawa niya kaya hindi siya mapagkamalan na killer. Ako, I got shocked when I saw her. Akala ko inosente siya. Isa lang masasabi ko, hindi si Bea ang killer.
~~~