chapter 39: TRUTH
Steph POV:
"ano friend masaya ka ba?" tanong sakin ni kylie na nandito sa bahay namin ngayon, kasi sabado ngayon kaya wala kaming klase, kahit naman ngayong sabado di ako pinapatahimik nitong magaling kong kaibigan
"oo naman nanalo ako eh" sabi ko tapos kagat ng burger na dala nya
"wooosshhuu, hindi yun yung tinatanong ko, ang tinatanong ko is yung masaya ka dahil sumikat ang sterence" naibuga ko naman yung burger dahil sa sinabi ni kylie
"*ubo* *ubo* ano bang pinagsasasabi mo dyan kylie sipain kita dyan makita mo" inirapan nya lang ako at kinain nya na yung burger nya
pssshh papansin nga naman oh, parang tanga eto lang ang kaibigan ko ang pinagpapasyensahan ko dahil nag-iisa lang syang kaibigan kong tunay, sarap sanang hambalusin kaya lang pag ginawa ko yun mamawalan ako ng best friend ayoko namang mangyari yun noh!
"may pupuntahan ka ba mamaya??" tanong nya habang ngumunguya, may pupuntahan nga ba ako, ah oo sasamahan ko nga pala si kaith
"ah oo meron, bakit mo natanong??" sagot ko sa kanya at kumain ulit ako ng burger
"aayain sana kita sige sa susunod na lang" parang na disappoint sya ah
"saan ka naman pupunta?" sabi ko sa kanya
"ahh sa mall lang naman" nak ng totong akala ko kung saan naman, kung makapag drama akala mo importante kung saan kami pupunta, pigilan nyo ko kakabugin ko tong kylie na to
"TSE!! EWAN KO SAYO!!" sigaw ko sa kanya at pumunta na akong kwarto, umalis na lang ako baka kasi mapatay ko yun pag nagtagal pa ako dun at kasama sya
2:00 nga pala kami aalis ni kaith 1:30 na pala, buti naligo na ako kaninang pagkatapos ng lunch mga 1:00 akong naligo
pumunta ako sa tapat ng cabinet ko bumungad sakin yung dress na binigay ni kaith, yun na nga lang ang isuot ko, wala naman akong matinong damit
nagpalit na ako ng damit at nagsuklay, at kung ano-ano pang ka-ek-ekan na nilalagay sa katawan mukha at kahit saan pa yan, pagpasensyahan na ganito lahat kaming mga babae right girls?? haha
bumaba na ako, wala naman na si kylie, at nandito naman ang kuya ko nakaupo na sa sofa, baka nagkita sila ni kylie at ito namang si kylieng bitter eh nabwisit at lumayas nalang haha! sanay na ako sakanilang dalawa, misan nga naisip ko kung magbabati pa yung dalawang yun, sana oo
"oh! pate san kapupunta??" tanong nya at kumain ng chips, dala para sakin yan ni kylie ah!
"sa impyerno sama ka?? saka kuya bakit mo kinakain yung chips na binigay sakin ni kylie??" sabi ko sakanya at inagaw yung chips
"hoy steph ah! tinaanong kita ng maayos saka sasagot ka ng katarantaduhan, saka amina nga yan, parang humihingi lang ehh" saka inagaw nya ulit yung chips sakin
"TSE!! sayo na nga yan isaksak mo sa baga mo, aalis na ako" saka takbo ng mabilis, baka kasi kung ano-ano lang masabi ko sakanya na katarantaduhan eh!
anong oras na kaya??.. tumingin ako sa relo ko malapit ng mag 2:00. nagsuklay muna ako at nagpunas ng pawis, nakakapagod kayang tumakbo saka nagulo din yung buhok kaya ayos ayos din pag may time, hindi naman kasi ako na katulad ng dati pabaya sa sarili kasi ngayon dalaga na ako natagalan lang ng konti hahahaha
bigla namang may humintong kotse at bumusina pa, binaba nya yung bintana tinted kasi kaya di ko makita kung sino, nang nakababa na yung bintana, si kaith na pala akala ko naman ung sino
"hey! steph let's go" tumango nalang ako at pumasok na sa kotse at tumabi na kay kaith
"kaith diba? yung kotse mo sira bakit? kanino to"
"mine" proud nyang sagot
"eh meron ka naman na pala na bago eh! bakit papagawa mo payung isang kotse mo" sabi ko sakanya ngumiti naman sya
"that car has a value" napatahimik naman ako sa sinabi nya
"ganon ba? sorry! bakit may value" napabuntong hininga sya at halata mo na nalulungkot sya
"because it has given me my mommy" nagtataka naman ako bakit may halaga eh pwede din namang ulit na bigyan sya ng mommy nya "and she's dead" napatahimik naman ako sa sinabi nya
"diba? sabi mo sa mga body guard mo may mommy ka pa?" naguguluhan lang talaga ako hindi ako chismosa
"that's my grandmother" ah mommy lang yung tawag nya
"i'm sorry" sabi ko
"it's okay" saka pinaandar na nya yung kotse
mga 20 min din bago kami makarating dito sa pagawaan ng kotse akala ko nga hindi to pagawaan eh! ang linis kaya tapos parang mall lang kaya lang walang 2nd floor pero parang ganun na din parang pangmayaman lang eh!
lumingon lingon naman ako sa paligid, at nakita ko naman yung kotse ni rude boy yung nabangga at pinapabayaran sakin, nandito parin pa pala yun
"hey steph come here!!" napatingin naman ako kay kaith na ngayo'y nasa tapat na ng kotse nyang ginagawa
lumapit naman ako agad, ayokong ma beastmode nanaman to noh! nakakatakot parang si rude boy din eh, bumubuga ng apoy hahahaha
patingin tingin ako sa kotse ni ude boy, gawa naman na sya eh! bakit ayaw pang kunin ni rude boy, may topak talaga yung lalaking yun, ang sarap batukan haha! joke di naman ako ganun noh!
"wait steph i'll go to cashier" tumango nalang ako sa kanya at umalis naman na sya
tumingin nanaman ako sa kotse ni rude boy, ewan ko kung bakit lagi akong napapatingin dun kasi parang may mali eh! di ko alam kung ano
may lumapit naman sa kotse na yun at pinunasan yung kotse, nahihiwagahan talaga ako eh! kaya lumapit na ako, napatingin naman yung lalaki na nagpupunas ng kotse ni rude boy
"ano pong kailangan nyo ma'am" bungad sakin nung lalaki
"aahhmm! kilala nyo po ba yung may ari nitong kotse na 'to??" tanong ko sa kanya
"ah opo kay sir lourence po ito, bakit po ba??" so ito nga yung kotse nya
"gaano ba kalala yung tama nitong kotse na to" ewan ko kung bakit na tanong ko sakanya yun, basta kusang lumabas sa bibig ko yun
"hindi naman po ganun kalala, konti lang po yung tama nito" biglang bumilis yung tibok ng puso ko ewan ko kung bakit pero bigla na lang bumilis
"magkano po yung nagastos niya dito" napangiti yung lalaki ano to sira ulo lang?
"hindi nya po 'to binayaran dahil sa kanila po itong pagawaan nito pero po kung binayaran nya mga 500 pesos lang po or 1,000 lang" nanikip yung dibdib ko sa sinabi nya, gusto ko pa sanang magsalita kaya lang parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa nininikip yung dibdib ko
tumakbo na lang ako, niloko nya ako bakit? 10,000 pala huh? sinong niloko nya, patay ka sakin ngayon rude boy
may bigla akong naramdaman sa pisnge ko parang basa, hindi naman umuulan ah!, kinapa ko yung pisngi ko, psshh umiiyak pala ako,
slave ako for 5 months kung ano-ano yung ginawa sakin ni rude boy, ipinahiya inutus-utusan, mababa yung tingin nya sakin dahil ba nerd lang ako dati kay ginaganito nya ako
iniwan ko si kaith dahil hindi ko na kaya 'tong nararamdaman ko
nagaabang ako ng taxi, oo mag ta-taxi ako ngayon may pera ako eh! saka para mabilis akong makapunta dun sa bahay ni rude boy
pero sa kasamaang palad walang masyadong dumadaan ngayon, bakit ba ang malas ko bakit ba? umiyak nanaman ako dahil masakit na, kung sinabi nyang ganun lang yung halaga nun edi sana binayaran ko na hindi yung gagawin nya akong slave dahil lang dun
umupo ao sa gilid ng kalsada dahil nanghihina na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko, may bigla namang kotse na huminto sa harap ko, bumaba yung may ari, si miggy pala
"bakit nakaupo ka dyan??" tanong nya at itinayo ako "san ka pupunta hahatid na kita!" sabi nya at ipinasok ako sa loob ng kotse nya, sa passenger sit
"kila rude boy" napatingin naman sya sakin
"bakit anong gagawin mo dun??" tanong nya at pinaandar na yung kotse
"tuturuan lang sya ng leksyon saka wag ka ngang nag iisip ng kung ano-ano" tumango nalang sya at mas binilisan pa yung pag dra-drive
mga 10 minutes nandito na kami, di na ako makapag hintay bumaba na ako agad at pinindot ng pinindot ang door bell bakit ba kasi?? galit nga ako eh galit, ano bang pake nyo
bumungad naman sakin ang maid nila "ano pong kailangan nyo ma'am??" tanong nung maid pero pumasok na ako agad at hindi o na sya sinagot
nasa may hallway na ako ng bahay nya pero nagkita kami ni ate loraine lumapit sya sakin at ngumiti
"anong ginagawa mo dito steph??" tanong nya
"pinuntahan ko dito si rude boy asan sya??"
"nasa kwarto nya" sabi nya at itinuro yung karto ni rude boy
"salamat ate loraine" saka umalis na ako
wala ng katok katok at binuksan ko na agad yung pinto, naka upo naman saya sa sofa at nanonood ng TV at... at.. naka topless O__O
Lourence POV:
biglang bumukas yung pinto, si ate talaga hindi marunong kumatok, nabigla ako dahil hindi si ate ang nakita kong nasa may pinto at si nerdy girl ang nakita ko, bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko lagi naman eh makita ko lang sya bigla bigla nalang yang bibilis
pero bakit ganon yung aura nya parang hindi masaya at parang pakiramdam ko may mawawala at may mangyayaring masama
lumapit sya sakin at bigla nalang syang umiyak, bakit? sya umiiyak, gusto ko syang tanungin ng maayos kaya lang...
"hoy nerdy girl anong drama yan??" imbis na sagutin nya ako, sinampal nya ako. may naramdaman akong takot dahil dun
"WAG KA NGANG MAGKUNWARI NA WALA KANG ALAM" sigaw nya sakin "BAKIT MO KO NILOKO??" mas nabigla ako sa tanong nya
"di kita maintindihan" di ko naman talaga sya maintindihan
"HINDI MAINTINDIHAN SIGE IPAPAINTINDI KO SAYO, BAKIT MO KO NILOKO, BAKIT SABI MO YUNG UTANG KO SAYO AY 10,000 PERO NALAMAN KO NA 500 OR 1,000 LANG ANG HALAGA NG UTANG KO SAYO" nalaman na nya
"hindi ko sinasadaya yun nerdy girl" tinulak nya ako
"WAG MO NGA AKONG MA NERDY NERDY GIRL DYAN, DI SINASADYA ANO YUN JOKE HA??" hindi ako nakapagsalita "SUMAGOT KA LOURENCE" nabigla ako sa pagtawag nya sakin ng lourence, ngayon lang 'to
"i'm sorry, i'm sorry" inilibot nya yung mata nya sa buong kwarto o, tumigil naman sya sa pagikot ng mata nya at kinuha nya ang isang papel dun sa table ko, yung contract pala yun namin
"PESTE KA!!! AYOKO NA SAYO GET OUT OF MY LIFE" sabi nya habang pinupunit yung kontrata namin
"nerdy girl patawarin mo naman ako oh" pero di nya ako sinagot at umalis na sya
ginawa ko lang naman yun dahil gusto ko lang syang pagtripan noon, pero sasabihin ko din naman sana kaya lang nahulog ako sakanya, at di ko masabi sabi dahil baka masaktan sya at magalit sakin, pero kahit di ko pala sinabi nasaktan at nagalit din sya sakin
"SH*T" sigaw ko at sinipa ang sofa "AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!" sigaw ko pa at hinagis o lahat ng bagay sa lamesa ko
wala na sya, napaalis na nya ako sa buhay nya, wala na akong magagawa dun dahil, sya na ang nagsabi, pero di ako titigil na mahalin sya, kahit wala na ako sa buhay nya, mamahalin at mamahalin ko pa rin sya kahit na magalit pa sya sakin, at kahit magkalalaki na sa buhay nya hindi na maaalis ang pagmamahal ko sa kanya, ang corny ko talaga, sakanya lang naman ako ganito eh!
sana mapatawad nya ako....
"I LOVE YOU STEPH!! <3" bulong ko at napaluha ako
+++++chapter end+++++
a/n:
aarrgghh! LQ?? hahaha <//3 sana magbati sila
kabwiset naman kasi nung mama sa pagawaan char hahaha
please vote and comment guys lab ya!!!!!!!!!!!