Its All About One Man

By RaldsBox

388K 916 92

Book 2 of AMA, ANAK AT AKO Unexpected Hottest Lustful Sinful Love Sex More

Its All About One Man
Book 2
Chapter 1
Chapter 3

Chapter 2

10.3K 177 15
By RaldsBox

Weekend ngayon wala naman masyado ginagawa sa kumpanya.

Nagpaalam ako kay Daddy na di muna ako papasok dahil gusto kong magkaroon ng quality time kay Alonzo.

Gusto ko magpunta kami sa Mall. Matagal din namin di nagagawa ito.

Ayokong maranasan niya ang naranasan ko dati.

"Alonzo wake up!" ang gising ko sakanya

"Hhmmm.... later" ang sabi nito

"Alonzo i want to talk to you. Wake up"

"Dad please mamaya nalang masakit ulo ko" ang sabi niya sa akin.

Meron siyang hang over. Gusto kong malaman bat siyang uminom at sino kasama niya at saan siya nagpunta.

Di din nagtagal ay tumayo na ito pero dinadaing niya na masakit ang ulo niya.

Nagpunta kami sa kusina doon kumuha ako ng ice pack at inilagay sa ulo niya.

Nakahain na din ang pagkain sa lamesa. Habang kumakain kami ay kinakausap ko siya.

"So tell me saan ka nagpunta kagabi?" ang sabi ko sakanya.

"Sa bahay nila Geo" ang sabi nito

Kilala ko si Geo isa sa mga kaibigan niya. Di ko personally kilala si Geo dahil isang beses ko palang nakita ang barkada ng anak ko.

"Ano pa?" ang tanong ko sakanya.

"Yun nagkayayaan maginuman. Hinatid ako ni Hans dito and that it" ang sabi nito.

"Wag ng mauulit yun. Naiintindihan mo ba ako?" ang seryosong tanong ko sakanya.

Tumango lang siya at pinagpatuloy niya ang pagkain. Sinabi ko din sa kanya na lalabas kami at pupunta sa mall pumayag naman ito.

Pinainom ko na din gamot para mabilis itong maalis ang hang over nito.

Habang hinihintay kong matapos magbihis si Alonzo ay napangiti nalang ako ng maalala na ni minsan ay di nagawa ni Daddy sa akin itong ginagawa ko sa anak kong si Alonzo.

"B-bakit???!!!!!" ang sigaw ko sakanya.

Alam kong nagulat siya sa pag sigaw ko sakanya. Kakauwi ko lang namin galing sa hospital. Sumasakit pa ang hiwa ko sa braso pero mas masakit ng malaman ko na may relasyon sila ni Jordan.

Di ko alam kung ano ba ang mas nasasaktan ako. Na malaman na may relasyon sila o may mahal ng iba si Jordan?

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin! Bakit ka pumatol kay Jordan na bestfriend ko pero hindi yun ang masaklam isa siyang Callboy!!!" ang sigaw ko sakanya isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.

"I-im s-sorry Albie!" ang sabi nito akmang lalapit siya sa akin.

"Wag kang lalapit sa akin!!! Nakakadiri ka! Sarili kong ama pumatol sa isang lalaking bayaran!!!!" ang galit na galit kong sabi sakanya.

"Albie pakinggan muna ako" ang pakiusap nito.

"S-sige papakinggan kita" ang sabi ko sakanya.

Nagsimula siyang magkwento. Habang sinasabi niya kung paano silang nagkakilala ni Jordan ay parang akong pinagsasaksak sa puso. Sobrang sakit di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nandidiri ako sakanila. Galit na galit ako kay Jordan.

All this time magkakilala na pala sila ni Daddy.

All this time may nangyayaring nakakadiri sa kanila.

All this time na nahuhulog ako sakanya. May mahal na pala siyang iba. Hindi lang basta iba kundi ang Ama ko pa ang mahal niya.

Ilang araw ako nagmukmok sa kuwarto ko. Wala akong ganang kumain. Daig ko pa ang nabaliw sa mga nalaman kong katotohanan.

"Albie puwede bang magusap tayo?" ang pakiusap ni Daddy sa akin.

"Usap? Para saan pa ba? "

"Magsimula tayong muli! Aalis tayo ng bansa."

"Yun ba ang naisip mong solusyon?"

"Please Albie malaki ang kasalanan ko sayo lalo na ang pagkukulang ko bilang ama sayo. Gusto kong bumawi sayo."

"Parang huli na yata bumawi ka sa akin. Nawasak mo na ako" ang sabi ko sakanya di ko na napigilan na umiyak.

Wala na akong nagawa kundi umiyak nalang. Wala na akong magagawa nangyari na lahat.

"M-masakit kasi. Sobrang sakit pati sarili ko ay sinisisi ko sa pagiging tanga. Alam mo bang matatanggap ko pa siguro kung babae pokpok ang pinatulan mo pero hindi!" ang sabi ko sakanya.

"Albie"

"Dad alam mo bang muntikan na din may mangyari sa amin ni Jordan!"

Nakita kong nabigla siya sa sinabi ko.

"Oo muntikan na! Salamat nalang sayo naunahan mo ako pumunta sa bahay nila! Pero sige payag ako umalis. Pero yung hinihingi mong kapatarawan di ko pa maibibigay sayo yun" ang sabi ko sakanya.

"Dad!"

"Oh tapos ka na pala" ang gulat kong sabi sakanya. Di ko namalayan na nakatulog pala ako.

"Kanina pa k-kung pagod ka dad puwede naman bukas tayo lumabas" ang sabi ni Alonzo.

"Hindi Im ok. Tsaka gusto ko din makabonding ang anak ko." ang ngiting sabi ko sakanya.

Napagmasadan ko si Alonzo ang bilis talaga ng panahon ngayon matangkad na siya at di mo talaga aakalain na 13 years old pa lang siya dahil malaking bulas talaga siya.

Nagpapasalamat talaga ako na dumating siya sa buhay ko.

"Dad pansin ko simula dumating tayo sa Pilipinas laging trabaho ka nalang. Wala ka bang kaibigan dito?" ang tanong nito sa akin na ikinagulat ko.

Kaibigan marami akong kaibigan sila Gabby at Kyto........ si J-jordan

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Wala lang ako nga pinayagan mo akong makita yung dati kong kaibigan sa pilipinas. Pero ikaw wala pa akong nakitang kaibigan mo" ang sabi nito.

Sa pagkakaalam ko wala na sa bansa sila Gabby at Kyto.

Si Sarah naman alam kong sa New York siya ngayon.

Sayang ang relasyon namin ni Sarah.

Ako na ang nakipaghiwalay sa kanya dahil kung papatagalin ko pa ang pagsasama namin ay mas lalo ko lang siyang masasaktan.

Nakarating kami sa mall maaga pa naman kaya wala pa masyadong tao. Mabuti na din yun para di masyado crowded.

"So anong gusto mong panuorin?" ang tanong ko kanya.
"Maya na tayo manuod Dad kain muna tayo" ang sabi niya sa akin na ikinangiti ko.

Kahit mahilig siyang kumain ay alaga naman niya ang katawan niya. Minsan nakikita ko siyang jogging sa labas ng bahay kasama si Hans. Mabuti na din yun para maging healthy siya at gumanda ang katawan niya.

Ako nga tagal ko na di nagpupunta sa Gym.

"Dad sa Rald's Box tayo kumain" ang masayang sabi nito.

May branch na din pala sila dito. Lagi din kami dito kumakain. Minsan ay take out.

Pareho kaming nagorder ng Tuna Carbonara at Blueberry Cheesecake.

"Ang gwapo nila. Magkapatid ba sila?"

"Hindi kasi narinig kong tinawag noong mas mukhang bata yung isa na Dad. Mag ama siguro."

"Kung ganyan ba naman ang magiging mag ama ko ako na siguro ang pinakaswerteng babae sa World rather universe."

"Gaga ka talaga! Pero gwapo nila noh!" 

"Dad naririnig mo ba ang naririnig ko" ang pigil na tawa ni Alonzo

Oo naririnig ko ang dalawang babaeng sa kanilang table.

Nakaka overwhelmed ang sinasabi nila sa amin.

"Wag mo na silang pansinin kumain nalang tayo. Siguradong marami ng nakapila sa sinehan"

"Ok"

Natapos kaming kumain at nagpunta na kami sa ticket booth.

Batman v Superman ang panoorin namin.

Mahaba ang pila kaya pumila muna kami para makapasok sa sinehan.

"Dad imagine magsasama sila Batman at Superman sa isang movie. Siguradong maganda to!" ang excited niyang sabi sa akin.

"Excited na din ako mapanood ito. Wait lang Alonzo pupunta lang ako sa Cr." ang sabi ko sakanya.

Naparami yata ang inom ko ng ice tea.

"Oh!! Sorry!"

Parang nakaapak ako ng isang salamin. Pagtingin ko ay isang eye glasses. Nabasag ang dalawang lens nito.

Kinuha ko ito at binigay sa may ari.

"Jordan"

Continue Reading

You'll Also Like

33.9K 648 26
Clay Verdera is an actor while Isla Aurora Randal is just a typical person. Makabagong panahon ngunit makalumang paniniwala pa rin ang nananalaytay...
102K 4.4K 37
What if the one courting the girl you like turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture student didn'...
663K 17.3K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...