His Determined Wife

By IamSuiGeneris

1M 9.9K 898

"I will always love you Kiel. No matter how you down grade and push me away to your life, I'll still be here... More

His Determined Wife
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five

Chapter Eight

33.8K 286 27
By IamSuiGeneris

CHAPTER EIGHT

Note: Scene po ito bago ang pagpunta nila Jelaena sa Tagaytay but in Jen's POV po tayo. Parang flashback lang po ito so don't expect too much. Ako na po ang nagsasabi na boring ang chapter na ito at puro narration lang.

----------------

Jen's POV

Mga past nine nasiguro ng matapos kong ayusin ang mga gamit kong dadalhin for tomorrow. Ewan ko nga ba at mas mukhang mag-aabroad pa ako at hindi magbabakasyon lang three days sa dami ng dala ko!

Pagkatapos kong mag-ayos ay nagshower na ako at nagbihis ng pantulog. Pero bago ako magpahinga ay iti-next ko na muna si Jelaena kung tuloy bang sasama siya o hindi pero wala akong narecieved na reply man lang galing sa kanya. Hinayaan ko nalang dahil alam ko namang tatawag naman yun if ever na sasabay siya sakin pagpunta doon.

"Aishh! ang ingay naman!" Sabi ko habang habang pabaling baling sa kama ko habang patuloy pa rin na tumutunog ang alarm clock ko. Inaantok pa ako pero 3:00 am na pala kaya bumangon na rin ako. Kelangan ko ng maghanda para maaga akong makaalis at para hindi ako maipit sa trapik mamaya. Maliligo na sana ako ng maalala kong icheck ang cp ko. Nakita kong may text galing kay Laena.

From: Laena

Jen sasabay ako. 4 am alis natin di ba? Pasundo nalang ako sa tapat ng subdivision namin. Thank you.

Recieved:

02:03:15 am

Ang aga niya namang nagtxt sakin. Napaisip tuloy ako. Ano ba yung si Jelaena sobrang excited lang at hindi makatulog? First time pupunta sa Tagaytay? Feeling magfie-field trip? Haha. Mukha akong ewan dahil sa mga pinagsasabi ko. Pagkatapos kong magreply sa kanya ay naligo na ako.

Quarter to 4 pa lang ay nasa tapat na ako ng subdivision nila. Nagulat ako dahil nandun na rin si Jelaena at nag-aabang sakin. Magpapa-misa at magsasayaw na sana ako dahil first time in history na maunahan ako ni Laena sa mga usapan naming lakad ng may mapansin akong kakaiba sa kanya. Nakita ko siyang nakatingin sa malayo at malungkot. Pinagmasdan ko siyang mabuti dahil baka mali lang ako ng nakita pero hindi ako nagkamali. Napatingin siya sa kotse kong padating ng kumaway ito at biglang ngumiti ng pilit.

Base sa ikinikilos at itsura niya, alam ko na agad. May hindi magandang nangyari na naman siguro sa kanila ng asawa niya. Napailing nalang ako. Alam kong malungkot si Jelaena pero hindi ko nalang isinatinig ang gusto kong sabihin. Baka mag-drama nalang kami dito at hindi na makatuloy pa sa pupuntahan naming kung uusisain ko pa siya.

"Good Morning!" nakangiti niya pa ring bati sakin pagpasok niya sa kotse ko ngumiti lang ako ng pilit sa kanya. Nakangiti ang labi niya pero kitang kita ko naman sa mga mata niya ang lungkot. Pano ko nalaman? Simple lang dahil ibinuking na siya ng mga mata niyang hindi marunong magtago ng nararamdaman at magkaibigan na kami simula pa nung high school kami kaya kabisado ko na siya.

At alam kong may problema. Tinitigan ko pa siya ng ilang sandali pero hindi naman siya nagsalita kaya pinaandar ko nalang ang kotse ko. Habang nasa biyahe ay tahimik lang siya at walang imik. Nakakapanibago talaga dahil likas si Jelaena na madaldal at masayahin.

"Hubby. ." Hubby? napatingin ako kay Laena. Nakatulog na pala ito at nananaginip siguro. "Mahal na mahal kita Kiel. . Please. ." sabi pa nito ng may isang luha ang kumawala sa mata nito. Sabi ko na nga ba at may problema na naman siya. At tama ang hinala ko na may kinalaman na naman ang magaling niyang asawa dito.

'Kawawa naman ang kaibigan ko. Ang sarap mong katayin Kiel Jacob!' isip ko.

Hindi ko alam kung bakit nagpapakatanga pa rin siya sa kanya hanggang ngayon. Kahit na sobrang nasasaktan na siya ay tinutuloy pa rin niya ang pakikisama dito. Minsan nga naiinis na rin ako kay Jelaena dahil sobrang tanga niya. Damsel in distress palagi ang peg at tema. Ganun ba talaga kapag umibig? Kahit na paulit ulit na siyang sinasaktan hayun pa rin siya at pilit iniintindi ang lahat. O si Jelaena lang talaga ang ganun kasi alam ko namang hindi ako ganun? Kung ayaw na ng isa, okay fine. Iiyak mo lang ng ilang araw pero pagkatapos nun okay na. Hindi kagaya nitong isang to, pang MMK. Ang gulo ng lovelife ng kaibigan ko. Pati ako nalilito na rin sa kanila. Pwede bang iuntog ang ulo nitong kaibigan ko ng matauhan siya? Kung pwede lang sana.

Ilan taon na ba siyang ganyan kay Kiel? Almost a year? Simula ng maging mag-asawa sila? Hindi eh. Simula pa nung high school kami nagpapakatanga na siya sa Kiel Jacob Del Rosario na yan na akala mo naman kung sino. Sa dami ng mangliligaw ni Jelaena noon na may sinabi rin naman ay hindi ko talaga lubos maisip kung bakit mas pinili pa niya yung lalaking snob at pokerface na yun. At 'take note' si Laena pa mismo ang nanligaw dito. Iniisip ko talaga noon na may sayad na talaga si Jelaena dahil sa lahat ng magugustuhan ay yung lalaki na yun na seryoso sa buhay at hindi marunong tumawa. Kahit na madalas nagmumukha na siyang tanga sa kakasunod dito ay ayos lang sa kanya. Naaalala ko na napapailing nalang ako sa tuwing naalala ko ang kagagahan niya. Hindi ko alam kung ano ba talagang nakita nito sa lalaking iyon. Well, aaminin ko naman gwapo, matalino at mayaman yang walang pusong Kiel na yan pero kahit na! Ang sungit kaya ng isang iyon. Pero syempre dahil kaibigan ko pa rin siya. Iniintindi at sinasakyan ko nalang lahat ng trip niya.

Akala ko talaga titigil at mawawalan na ng pag-asa si Laena kay Jacob pero nagulat pa ako ng si Kiel mismo ang magsabi na siya na daw ang magpapatuloy ng panliligaw kay Jelaena. At dahil sobrang inlove na ang lola niyong si Jelaena ay hindi na rin niya hinayaan pang manligaw si Kiel at sinagot na rin niya ito ng araw na iyon. Nung una hindi ko talaga siya gusto para sa kaibigan ko pero nakita ko namang mabait naman pala at gentleman si Kiel. Marunong rin naman pala siyang ngumiti at maalalahanin din kaya boto na rin ako sa kanya. Ramdam ko naman kasi na mahal niya rin ang kaibigan ko. Masaya ako na makita ang kaibigan ko na sobrang saya kaya naman ayos na rin sakin si Kiel para sa kanya kahit na minsan inaatake ito ng pagiging masungit nito.

Yung akala kong tuloy tuloy na happy ever after ng kaibigan ay biglang nagbago nung nag-2nd year college na kami. Walang sabi sabi kasi ay biglang umalis si Jelaena. Nagpunta daw ito sa America. Wala akong ideya kung bakit siya umalis dahil wala naman siyang nababanggit sakin. Nagulat nalang din akong bigla sa desisyon nito. Naisip ko rin ng mga panahong iyon kung my kinalaman kaya ang palagi kong nakikitang lungkot sa kanya bago ito umalis? Pero ang sabi naman niya ay wala lang daw iyon pero bakit siya umalis?

Nang tanungin ko naman si Kiel tungkol dito dahil alam kong my alam siya ay nagalit lang ito sa akin dahil kasabwat daw ako nito sa panloloko sa kanya ni Jelaena. Nasabi niya sa aking nagpunta daw si Jelaena sa America kasama ang isa sa kaibigan din naming si Vincent na manliligaw din dito noon. Nagulat ako sa nalaman ko, paanong sasama si Jelaena kay Vincent eh siya ang mahal na mahal ng kaibigan ko? Hindi siya naniwala sa mga sinabi ko at bigla nalang umalis. Alam kong may mas malamim pang dahilan si Jelaena at hindi iyon dahil kay Vincent. Kilala ko ang kaibigan ko kaya alam hindi talaga iyon ang dahilan niya. Hindi niya basta basta iiwan ang taong mahal niya kung wala siyang matinding dahilan.

Dahil sa naguguluhan pa rin ako sa nalaman ko ay sa mismong parents niya ako nagtanong kung bakit ay bigla bigla na lamang itong lumabas ng ibang bansa pero wala naman akong nakuhang sagot sa kanila. Mabuti pa daw ay kay Jelaena na mismo ako nagtanong. Sinabi din ng parents niya na tatawag ito sa kanya. Nagalit ako kay Jelaena noon dahil naturingan akong bestfriend niya ay wala akong kaalam alam sa mga nangyayari pero hindi rin naman nagtagal iyon. Bestfriend at kapatid na ang turing ko sa kanya kaya hindi ko siya natiis.

Linggo linggo ay tumatawag siya sakin para kumustahin kami dito. Kapag tinatanong ko kung ano ba talagang nangyayari sa kanila ay wala naman siyang maisagot sakin. Palagi niya lang tinatanong sakin kung ano ang kalagayan ni Kiel at kung gaano niya ito kamahal. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya tungkol kay Kiel ng panahong iyon. Wala naman akong masabi at maipayo sa kanya dahil hindi ko alam ang buong kwento. Hindi ko masabi sa kanya ang tungkol kay Kiel, na bumalik na ito sa pagiging Mr. Pokerface nito palagi at ang madalas na nitong kasama si Cass. Alam ko kasing masasaktan siya pero hindi ko rin naman masisi si Kiel dahil alam akong galit siya sa pang-iiwan ng kaibigan ko sa kanya.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sakin kung bakit umalis si Jelaena noon. Wala siyang nababanggit kung bakit niya napagdesisyonang umalis. Hindi ko na rin inungkat dahil sa tuwing doon napupunta ang topic namin ay naiiyak nalang bigla ito. Akala ko nga noon ay doon na sa Amerika siya titira pero umuwi siya last year kasama ang isang blue na invitation card sa kasal nila ni Kiel. Nagulat ako dahil ang alam ko ay may relasyon na sina Kiel at Cass ng panahong iyon kaya nagtaka ako. Bakas ang saya kay Jelaena at nasabi rin nitong nakapag-usap naman silang dalawa kaya napanatag na rin ako. Siguro nga at nagkabalikan ang dalawa at narealized ni Kiel na mahal pa rin nito si Laena kaya nga ngayon ay magpapakasal na ang dalawa. Masaya ako para kay Jelaena dahil alam kong makakasamana niya si Kiel.

Ang taong sobra niyang minahal kesa sa sarili niya.

Ang kasal na akala ko ay magiging daan para sumaya ulit sila ay ang naging dahilan at nagdala pa mismo ng sakit sa kaibigan ko. Jelaena is so kind, thoughtful, caring and sweet. She's also a good friend, classmate, sister and a loving daughter but how come life is too cruel to her? She don't deserve any of this.

--------

After almost two hours ng pagda-drive ay nakarating na din kami.

"Laena, nandito na tayo." Yugyog ko sa kanya. Hay grabe naman itong babaeng ito. Tulog mantika. Tulugan daw ba ang beauty ko habang nasa biyahe?

"Bat ganyan itsura mo?" takang tanong niya sa akin.

"Pano tinulugan mo naman ako. Grabe nagmukha akong driver mo ha. Napanis pa laway ko sayo." Nakapout kong sabi. Sa ganda kong ito ginawa lang akong driver ng babaeng ito? At talagang tinulugan lang ako. Kung hindi ko lang talaga alam na may problema ito baka kanina ko pa natalakan ito. Ako na nagger.

"Sorry na Jen, napuyat kasi ako eh. Hindi ako nakatulog kagabi."

"Halata nga Laena, tingnan mo kaya iyang nagkakapalang eyebugs mo. Obvious pa na umiyak ka lang buong gabi." Seryosong sabi ko sa kanya. Napayuko naman siya. Hindi siya makatingin ng diretso sa mata dahil alam niyang tama ang hinala ko.

"Tell me, something wrong happen? Si Kiel na naman ba?" sabi ko. Tumunghay na siya sakin at ngumiti lang.

"Tara na." Yaya niya sakin. Napabuntong hininga naman ako.

"I'm okey Jen. It's just a simple fight huwag na muna nating pag-usapan pa yun. Lagi naman kaming ganun di ba? No big deal." ngumiti siya sakin pero alam ko namang pilit lang iyon. Bakit ba kailangan niya pang magpanggap na masaya sa harap ko eh nababasa ko naman siya agad dahil sa kilos niya? DahiI ayaw niya akong mag-alala? Napailing nalang ako. Kahit hindi naman siya magsalita ay talagang mag-aalala pa rin ako sa kanya. Napabuntong hininga nalang ako.

I just nod and hug her for comfort. The way she look at me kanina ay hindi pa niya kayang sabihin ang mga nangyari kaya pinabayaan ko na muna. Maybe she need more time to think and I understand that. Alam ko namang alam niya na nandito ako palagi sa tabi niya sa tuwing kailangan niya ng kaibigan. Hindi ko siya pipilitin kung ayaw niyang sabihin pero handa naman akong makinig sa oras na kailangan niya ng paghihingahan ng lahat ng problema niya.

-------------------

Pagkatapos naming mag-ayos ni Jelaena para sa party ay agad na kaming pumunta sa venue. Napangiti ako ng makita kong ngumiti na si Jelaena ng makita ang lugar and this time sigurado kong genuine na iyon dahil umabot sa mata niya ang tuwa. Masaya ako dahil at least kahit papaano ay nabaling sa iba ang lungkot niya.

Nandito na kami ngayon sa party at masayang nakikipagkwentuhan sa mga dati naming kaibigan. Nausyoso pa yung pagpapakatanga ko dati kay Sir Luke, pero anyways wala na yun. Habang nagku-kwentuhan ay tinanong si Jelaena ng mga dati naming kaklase tungkol sa nangyari noon sa pagpunta niya sa Amerika. Nakita kong bigla ay parang bumalik sa mata ni Jelaena ang lungkot kaya balak ko na sanang pigilan siya sa pagsasalita at ibahin nalang ang usapan nila ng bigla ay may sumingit.

"She went to States with somebody else. Sumama siya sa ibang lalaki at nakipaglandian habang yung boyfriend that time pinabayaan niya lang dito mag-isa. Right Jelaena?" Napatingin kaming lahat sa sumingit sa usapan. Si Cassandra pala. May nakakalokong ngiti sa mukha niya. Ayy nako! Nakakapang-init talaga siya ng ulo!

"Can I sit here?" sabi ni Cass sabay umupo na sa bakanteng upuang katabi ni Laena. Wow ang kapal ng mukha at dito pa talaga umupo ha. Wala ata sa bukabularyo ng babaeng ito ang hiya. Hindi ba ito tinatablan noon at umupo pa talaga sa tabi ni Laena?

"Nagtanong ka pa kung uupo ka rin naman pala. Bitch!" asar na sabi ko. Mang-asar pa talaga siya at hindi na talaga ako magdadalawang isip na sabunutan siya sa harap ng mga kaklase namin.

"Thank you." pang-asar na sabi ni Cass. Tumingin siya sakin at inirapan ako. Napataas naman ang kilay ko sa ginawa niya. Naghahamon ata ng away itong babaeng ito eh! Ilalabas ko talaga dito ang pagiging war-freak ko dito!

Lalapit na sana ako at balak ko ng paduguin ang mukha niya ng pigilan ako ni Laena. "What? Nakakainis na kasi yang ugali ng babaeng yan eh! Nag-iinit ulo ko!" Umiling lang siya sa akin.

"Hayaan mo nalang siya. Huwag mo ng patulan baka magkagulo pa dito." sabi niya. Bakit ba ang bait ni Jelaena? Baka kung ako talaga ang nasa kalagayan niya ngayon kanina ko pa naubos ang buhok ng bruahng ito. Kinalma ko muna ang sarilo at pinigil ang inis ko.

"Bakit ba siya nandito at dito pa talaga nakiupo? Ang dameng upuan dun oh." Pagpaparinig kong sabi kay Cass.

"Oh common Jen, para namang hindi tayo naging magkakaibigan noon. We're friends right?" nakangiti niyang sabi samin.

"That was a million years ago Cassandra. Nung wala pang nakakaimbeto ng plastic sa mundo!" inis na sabi ko. Friends? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya? In her dreams!

"Oh by the way, I'm sorry kung na-late ako ha. My mga tinapos pa kasi akong designs for my upcoming fashion show." May pagmamalaking sabi ni Cass. Eh di siya na ang sikat na designer! Baka ipakain ko pa sa kanya yun eh. Ang sama ko ba? Ganun talaga kapag masama din ang kaharap mo.

"It's okay Cassandra atleast you've come. Tamang tama lang dahil kakasimula pa lang naman." Kausap ni Diane kay Cass. Sobrang naiinis talaga ako kapag nakikita ko siya dahil alam ko wala naman siyang mabuting sasabihin kay Laena. At alam kong siya ang dahilan kung bakit ngayon ay nasasaktan ang kaibigan namin. Wala bang konsensiya ang babaeng yan?

"Jen sayaw tayo." Yaya nila sakin pero tumanggi ako. Wala na rin akong ganang sumayaw pa lalo na at makakasama pa namin si Cass. Naiinis lang ako. Baka kung hindi ako makapagpigil i-cass-cass (ikaskas) ko pa yang mukha niya sa ance floor. Okay aaminin ko, ang corny nung sinabi ko.

Nang bumalik sila sa upuan ay inirapan ko lang si Cass at pagkatapos ay itinuon ko na ulit ang sarili ko sa pagbabasa ng mga unread messages ko.

"Oo nga pala, Cass do you have a boyfriend? Parang wala kasi akong balita sa lovelife mo." Napatigil ako sa pagkalikot ng cellphone ko ng marinig ko ang tanong ng mga kaklase namin kay Cass. Nguniti ito sa mga kaklase naming at mabilis na sumagot.

"Yes, I do have." Abot tengang ngiti niya sa amin. Naningkit ang mga mata kong napatingin sa kanya. Tumingin rin siya sakin at ngumiti ng nakakaloko. Bakit parang may iba sa ngiti niya. Parang may laman at hindi ko ata gusto iyon.

"Oh Jelaena saan ka pupunta?" Tanong nila kay Jelaena. Doon ko lang napansin na nakatayo nap ala si Laena.

"Medyo pagod na kasi ako eh. Gusto ko na sanang magpahinga na." Sabi niya sa amin. Nakakuyom ang mga kamay nito.

"Ganoon ba? Sige mauna ka na sa kwarto mo ng makapagpahinga ka na. Mukhang mamaya pa yata to matatapos dahil hyper pa ang iba nating mga kakaklase eh." Tumango nalang siya. Kita ko sa mata niya ang pagkalito kaya hinawakan ko siya. Alam kong naapektuhan siya sa mga pinagsasasabi ngayon ni Cass dito. Nag-aalala na ako sa kanya lalo pa ngayon na alam kong nakakadagdag pa si Cass sa lahat ng pinagdadaanan niya.

Ano bang problema ng babaeng ito at ayaw nalang niyang tumigil o kaya umalis nalang dito? Bakit ba siya ganyan? Tatayo na rin sana ako para samahan siya paalis sa lugar na ito pero pinigilan niya ako.

"So who's the lucky guy?" tanong pa ulit ng kaklase namin.

"Actually batchmate din natin siya. He's handsome, smart, rich, CEO ng one of the best known industrial company here and abroad, sweet, caring and most of all he LOVES me so much." Sabi ni Cass. Napakunot ako ng noo. Sa way niya ng pagkaka-describe niya doon sa lalaki ay alam kong iisang tao lang ang nasa utak nito.

"You all know Jacob Del Rosario right? He's my current boyfriend." Dagdag pa nito habang nakatingin pa rin ng diretso kay Laena. Hindi pa pala ito nakakalayo at nakatulalang nakalingon ito kay Cass. Nakangiti lang si Cass na parang ipinapamukha pa nito ang lahat kay Laena. Patakbong umalis si Laena sa venue na umiiyak.

Agad akong lumapit kay Cass at mahigpit na hinawakan ang braso nito. Kinaladkad ko siya sa isang gilid ng lugar para hindi na rin kami makaagaw ng pansin sa iba pang naroroon.

"Get your filthy hands off me! Bakit nanghihila ka? Anong bang problema mo ha?" tanong niya sakin. Pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak ko pero mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Sinigurado kong babakat ang kamay ko sa braso niya sa sobrang higpit nun.

"Go to hell! You're a devil Cassandra Ruiz!" galit na sabi ko sa kanya. Kung pwede lang talagang pumatay ng tao ay kanina ko pa siya naibaon sa lupa.

"My pleasure dear." Nakangiti niyang bulong sakin. Sa sobrang inis ko dahil sa ugali niya at sa ginawa niya kay Laena ay hindi ko na napigilan pa ang pagdapo ng isa ko pang kamay sa pisngi niya.

"That is for causing pain to my friend!" Marahas niyang tinanggal ang pagkakahawak ko kaya naman bahagya akong napaatras. Yung kaninang nakakalokong ngiti niya ay napalitan ng galit. Akmang sasampalin niya din ako pero agad kong nahawakan ang kamay niya. Para saan pa at martial arts lesson ko nung high school kung magpapasampal lang ako sa bruhildang ito. Pinaningkitan ko siya ng mata pero isang pagak na tawa lang ang isinukli niya.

"She deserves all the pain. At hindi ako titigil hangga't nakikita kong hindi pa siya nawawasak sa sobrang sakit. I'll be her stabbing pain and worst nightmare."

********************************************************************************

Sui Generis' Note:

Pagpasensyahan niyo na muna yan kasi nga naubos talaga lahat ng brain cells ko nitong mga nakaraang araw. Paulet-ulet lang yung mga scene noh? Unli po kasi ako! Thanks you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

291K 15.8K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.4M 32.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...