Akin Ka [Published under Sizz...

By asherinakenza

21.9M 253K 17.5K

Matagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. M... More

Akin Ka [Fin]
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Finale
Epilogue
Special Update #1
Special Update #2
Special Update #3
Special Update #4
Special Update #5
Special Update #6
Special Update #7

Chapter 6

380K 4.6K 251
By asherinakenza

Chapter 6

KEI'S P.O.V

Napatakip ako ng bibig nang suntukin ni Tom si Kyle sa mismong harapan ko. Narinig ko namang ngumisi si Kyle at pinunasan ang dugo sa bibig niya. Lumapit muna sa akin si Kyle at pinahawakan ang bag ko sa akin sabay inilayo ako sa kanilang dalawa.

"Saglit lang, tuturuan ko lang ng leksyon 'tong gago na 'to," matigas na sabi ni Kyle. Hinila ko ang braso niya para pigilan siya pero marahas niyang tinabig ang kamay ko at inambangan ng suntok si Tom.

Naulit pa at nagpalitan silang dalawa ng suntok hanggang sa puro dugo na yung mukha nila.

"SHIT! TAMA NA!" inis na sigaw ko na nagpatigil sa kanilang dalawa. Hindi ko gusto na may nag-aaway nang dahil sa akin.

"Sinasabi ko na nga ba, isa kang sagabal sa buhay namin ni Kei," hingal na sambit ni Tom na nagpangisi kay Kyle.

"Sa ating dalawa, ikaw ang sagabal," pagbawi ni Kyle. "Wala ka pa man din sa buhay namin, alam ko na sa akin na siya."

Magsasalita na sana si Tom pero pumagitna na ako sa kanilang dalawa.

"Pwede ba? Tumigil na kayo! Hindi ako natutuwa sa ginagawa niyo. Tom, alam naman nating dalawa umpisa pa lang na walang patutunguhan ang panliligaw mo sa akin. I like you, pero bilang isang kaibigan lang," sambit ko na nagpabagsak sa balikat ni Tom. Narinig ko ang pasimpleng tawa ni Kyle kaya naman humarap ako sa kanya.

Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha kahit na may dugo iyon ay napakakisig pa rin niya. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.

"At ikaw naman, Kyle, tigilan mo na ang kaka-angkin mo sa akin. Maging ang paghalik-halik mo sa akin na walang pahintulot ko ay itigil mo na. Walang sino man ang nagmamay-ari sa akin! Hindi ako isang bagay na kahit anong oras pu-pwede mong angkinin! Kaya huwag na huwag ka nang lalapit sa akin," bulyaw ko na nagpa-angat sa labi niya.

"Kei..." Malambing na tawag niya sa akin. Inilingan ko siya at napahawak ako sa sintido ko dahil medyo nahihilo na ako sa mga nangyayari.

"Ihahatid na kita," offer ni Tom.

Umiling ako. "Simula ngayon, walang maghahatid sa akin. Kaya ko ang sarili ko," pagtatapos ko at naglakad na patungo sa parking ng mga taxi.

Kinabukasan hindi ako pumasok sa trabaho. Panay ang tawag sa akin ni Tom pero hindi ko sinasagot 'yon. Nagkulong lang ako sa kwarto ko at nanood ng TV. Natigilan ako nang magtext si Tom. Tutal naman text lang 'yon kinuha ko ang cellphone at binasa 'yon.

*

[Pumasok ka kapag okay ka na, h'wag ka lang magresign.]

*

Wala naman akong balak mag-resign. Saan ako kukuha ng panggastos kapag nag-resign ako? Ang hirap kaya maghanap ng trabaho, saka isa pa, ayoko nang umasa kela Mama. Nakakahiya. Mag-24 years old na ako. Sinabi ko lang kay Tom na magre-resign ako para naman matakot siya. Alam ko kasing hindi siya papayag na mag-resign ako.

Tumayo na ako at tiniklop ang kumot. Pumunta na ako sa kitchen para sana magluto pero pagkabukas ko ng ref wala akong stocks.

"Kung sinuswerte ka nga naman," bulong ko sa sarili. Biglang nahagip ng mata ko yung caldereta na dinala ni Kyle kahapon ng madaling araw. Itinalpak ko yung pinto ng ref saka umupo sa may lamesa. Tinignan ko ang cellphone ko. Ni isang text mula sa kanya wala. Bakit ba ako naghihintay ng text niya? Samantalang nilinaw ko sa kanya na huwag niya akong basta basta angkinin.

Tumayo na ako. Kesa isipin ko pa siya ay naisipan ko na lang na mag-grocery. Ngunit pagkalabas ko ng unit ay siyang labas din ni Kyle. Sandali pa kaming nagkatinginan pero mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Dinig ko ang paghakbang niya patungo sa elevator at hindi ko maiwasan ang paghinga ng malalim dahil naaamoy ko ang mabango niyang katawan.

"Hello?" Dinig kong aniya doon sa kausap niya sa cellphone.

Nakatayo na kaming pareho ngayon sa tapat ng elevator. Parang bumalik kami sa dati. Yung time na hindi niya pa napupulot yung wallet ko, parang simpleng magkapitbahay lang kami. Bumukas na yung elevator. Nauna siyang pumasok. Naninigas ako sa kinatatayuan ko.

"Wait a minute, Tine..." sabi niya sa kausap sa phone. "Sasabay ka ba? Kasi kung hindi isasara ko na, nagmamadali ako," malamig na sabi niya. Parang hindi siya yung Kyle na nangungulit sa akin. Ibang-iba yung boses niya. Lumunok muna ako.

"Ah, oo."

Yun lang ang naisagot ko at sumakay na rin ako ng elevator. Sa parking lot din ang punta niya. Feeling ko ang lamig ng paligid ko. May kausap pa rin siya sa phone niya, hindi ko na maintindihan kung anong sinasabi niya sa kausap niya, dahil parang nakatuon lang ang atensyon ko sa katotohanan na kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng elevator at para kaming hindi magkakilala.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator nagmadali akong lumabas pero napatigil na naman ako ng marinig ko ang boses niya.

"Don't think too much, ako na ang bahala, alright?" Nasa boses niya ang pag-aalala.

Bakit ba pakiramdam ko nahihirapan akong huminga? Ginusto ko naman 'to, 'di ba? Ang iwasan niya ako at heto na nga nagsisimula na iyon dahil para akong hangin na nilagpasan lang ng sasakyan niya.

Para akong bato na naglakad papunta sa sasakyan ko. Nanginginig pa ang kamay ko habang isinasaksak ang susi.

"Damn!" sigaw ko at pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Naiinis ako. Hindi pwedeng nagkagusto na ako sa kanya kahit pa dalawang taon na kaming magkakilala.

"8,157 pesos po lahat, Ma'am," sabi ng kahera sa akin. Dudukot na sana ako ng pera sa wallet ko pero napahinto ako nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya.

"A-ano? Magkano?" usisa ko.

"8,157 pesos po, Ma'am."

Nanlaki ang mata ko. Eight thousand? Napatingin ako sa push cart at halos masapo ko ang noo ko nang mapansin kong punong-puno iyon. Mag-isa lang ako sa condo unit kaya naman walang sense na mamili ako ng marami.

Gusto ko sanang ibalik ang ibang laman ng push cart pero pinagtitinginan na ako ng mga taong nakapila sa cashier. Labag sa kalooban ko nang ilabas ko ang aking credit card dahil ginagamit ko lang ito kapag bibilhan ko sila Mama ng gamit sa Laguna. Lutang na lutang ako dahil hindi maalis sa isip ko si Kyle.

Nagpatulong ako sa isang employee ng mall para ilagay sa compartment ng kotse yung mga plastic bags. Binilang ko ang mga 'yon at halos masapo ko ang noo ko nang malamang sampung plastic ang mga 'yon. Paano ko 'to ngayon iaakyat sa unit ko?

Pagkalabas ko ng parking lot, doon ko lang narealize na sobrang tagal ko na pa lang naggo-grocery dahil madilim na. Tinignan ko ang wrist watch ko at napakagat ako sa labi ko nang makita kong mag-aalas otso na ng gabi.

Mga nine na rin siguro ako nakarating sa building ng condo dahil medyo traffic sa dinaanan ko. Pagbaba ko ng kotse, nakita ko si Tom na nakatayo sa may sasakyan niya.

"Sabi ko na nga ba wala ka sa taas. Wala kasi yung sasakyan mo," aniya at medyo naiilang pa siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi mapalagay na tanong ko sa kanya habang isa-isa kong ibinababa ang mga pinamili ko. Sinubukan niya akong tulungan pero tinanggihan ko iyon.

"Kaya ko na," malamig na sambit ko.

Ngunit parang wala siyang nadinig dahil kinuha niya ang lahat ng plastic bags at naglakad patungo sa loob ng building. Mabilis ko siyang sinundan.

"Tom, ano ba?" naiinis na bulyaw ko sa kanya. Bigla siyang naglakad pabalik patungo sa akin.

"Ah ano, sira yata yung elevator," nababahalang sabi niya. Kinunutan ko siya ng noo dahil kahit kalian ay hindi nasisira ang elevator dito dahil alaga iyon sa maintenance.

Itinulak ko siya at naglakad ako patungo sa elevator, pero napahinto ako. Parang tumigil din sa pagpintig yung puso ko nang makita kong may kahalikan si Kyle sa tapat ng elevator. Hawak niya sa bewang ang babae at hindi pa siya nakuntento itinulak niya sa pader ang babae at isinandal ito doon.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sumigaw ako nang bumukas ang elevator.

"TOM! Hindi naman sira yung elevator! Buong buo nga eh!"

Halos mabasag ang boses ko sa pagsigaw dahilan para mapahinto sila Kyle sa ginagawa nila. Mabilis silang naghiwalay sa pagkakayakap sa isa't isa. Kaagad namang bumaba ang tingin ni Kyle doon sa mga plastic bags na dala ni Tom. Lumunok siya saka nag-iwas ng tingin sa akin.

"Ah! Oo nga! Akala ko kasi sira! Halika na! Para maakyat na natin 'tong pinamili natin." Mabilis kaming sumakay ni Tom sa elevator. Pipindutin na sana niya iyon pero pinigilan ko siya.

"Hi-hindi ba kayo sasabay? Nagmamadali kasi kami."

Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Tom ngayong naglalaban ang mga mata namin ni Kyle. Matatag ang pagkakatitig niya sa akin pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagkakahawak niya sa kamay ng babaeng kahalikan niya kanina.

"Sasabay, nagmamadali rin kasi kami. Hindi na nga makapaghintay," seryosong ani ni Kyle saka magkahawak kamay silang sumakay ng elevator.

Nanaig ang katahimikan sa loob ng elevator pero kahit ganoon ay dinig ko ang mahinang hagikhik ng babae.

"Kyle, ano ba? Nakikiliti ako," malambing na sambit ng babae. Napatingin ako doon sa kamay ni Kyle na ngayon ay humahaplos-haplos sa bewang nung babae.

Parang ang bagal-bagal ng elevator. Parang sinasadya nitong ipakita sa akin kung ano yung ginusto kong mangyari!

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator mabilis akong lumabas at halos magkandamali-mali ako ng pagpindot ng code ng pinto ko.

"Mukhang nagkakamali ka ng unit na binubuksan, Ms. Gonzales."

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Kyle. Nag-angat ako ng tingin sa pintuan at napakagat ako sa aking labi nang makita kong hindi nga ito ang unit ko, sa kanya ito.

Hindi ko alam kung paano ako aalis ngayon dito dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.

"Pasensya ka na pre, excited lang sa dinner namin 'tong girlfriend ko," kaagad na sambit ni Tom saka lumapit siya sa akin upang hawakan ang aking kamay.

Nagtaas ako ng tingin kay Kyle na ngayon ay tiim ang bagang ang pagtitig sa akin. "Girlfriend," sambit niya.

Tumango-tango siya saka naglakad palapit sa pinto ng unit niya na hindi inaalis ang pagtitig sa akin.

"Alright, enjoy your dinner with your boyfriend, Kei. Come in, Tine," aniya saka marahan na siyang pumasok doon sa unit niya kasama ang tinawag niyang Tine.

Hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko dahil sa paninikip ngayon ng dibdib ko.

Continue Reading

You'll Also Like

307K 5.4K 56
Na-fall ka na ba sa BESTFRIEND mo?
54.9K 1K 35
"WARNING!!PLAGIARISM IS A CRIME!!! This story may contain grammatical errors, typos, misspelled words, and other non-adjacent errors. It may also con...
924K 14K 35
Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Please do grab a copy! Paki-tag po ako sa...
6.5M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...