His Indecent Proposal: Lander...

By JFstories

24.5M 714K 290K

She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her lif... More

Prologue
HIS INDECENT PROPOSAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
The Final Chapter
EPILOGUE

Chapter 12

621K 17.5K 5.4K
By JFstories


NAKAHIGA siya sa ibabaw ng malumot na batuhan. May dugo sa gilid ng ulo niya, may galos ang mga braso at mga gasgas sa mukha. Hindi man ganoon kalalim ang binagsakan niya ay mukhang hindi maganda ang lagay ni Apple.


"Help..." Bumuka ang namumutla niyang mga labi.


Umiling ako.


"Please help... help me..."


Hindi ko siya maintindihan pero isa lang ang alam ko, ayaw ko siyang lapitan. Umangat ang isang kamay ni Apple. Naghalo ang dugo at luha sa buong mukha niya.


"Dito ka lang." Wika ko. "Dito ka lang para di ka na makita ni Just Lander! Dito ka lang para ako na ulit ang papansinin niya at ako na ulit ang papakasalan niya! Dito ka lang!"


Nanlaki ang mga mata niya nang magsimula na akong umatras. "Please... don't leave... me... here..."


Tumalikod na ako at umakyat paakyat sa binabaan kong pitak ng mga lupang may mga damo. Iiwan ko siya. Iiwan ko si Apple kasi walang makakakita sa kanya ron sa ibaba. Hindi na siya makikita ni Just Lander don. Doon na lang siya. Hindi na siya makakatayo ron. Doon na lang siya palagi.


Nanginginig ang buong katawan at nagluluha ang mga mata ko. Alam kong hindi tama ang ginawa ko, pero gusto kong gawin ito. Kahit natatakot ako, gagawin ko. Dahil ayaw ko na maging asawa siya ni Just Lander!


Nang lingunin ko si Apple sa bangin ay hindi na siya gumagalaw. Hindi na rin nakadilat ang mga mata niya.


...


"SAAN ka ba nanggaling na bata ka?!" salubong sa akin ni Lola Peach.


Nang bumalik ako sa mansiyon ay nagkakagulo na ang lahat ng mga tao roon. Marami sa mga guwardiya ang paikot-ikot at mukhang kabado. At bukas na bukas din ang malaking pintuan ng mansiyon na hindi naman madalas na mangyari.


"Bakit maputik ang mga paa mo?!"


Nakatayo ako sa harapan ni lola, puro putik nga ang mga paa ko dahil sa pag-ahon ko mula sa bangin ng tingnan ko si Apple doon. Naglakad na lang din ako pabalik at di na dinala ang kotse. Iniwan ko iyon sa tabi ng bangin para hindi makita ni Just Lander, para di niya maisip na binangga ko si Apple.


"Halika nga rine ng malinisan ka!" hinawakan ako ni lola Peach sa balikat at saka iginaya paakyat sa matayog na hagdanan ng mansion. "Kanina ka pa pinapahanap ni Ser dahil nagsumbong ang mga guwardiya na umalis ka! Bakit ka lumabas ng gate?! Sumabay ka pa sa pagkawala ni Ma'am Apple!"


Pero bago pa kami makahakbang sa unang baitang ng hagdan ay natigilan na kami. Nasa tuktok kasi niyon si Just Lander. Nakatingin siya sa amin ni lola habang nakakunot ang noo, sa itsura niya ay mukhang galit na naman siya.


"Jack." Bigkas niya sa pangalan ko habang nagtatagis ang kanyang mga ngipin.


"Ay, Ser! Papapaliguin ko lang si Jack kasi ang dungis niya! Ewan ko ba sa batang ire at kung saan nakarateng!"


"Just Lander..."


"Lord L."


Sabay-sabay kaming napatingin sa malaking pinto ng mansion. Ang nagsalita ay isang malaking lalaki na nakakulay itim. May mga kasama itong malalaki ring lalaki na parehas ang kulay sa suot nito.


"Where is she?" Nakasimangot na sabi ni Just Lander sa mga lalaki.


Hindi na niya nahintay na sumagot ang mga ito. Bumaba na siya ng hagdan at saka sumama sa mga lalaki. Pero bago sila umalis ay tumingin pa ulit sa akin si Just Lander. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot sa klase ng pagtingin niya sa akin.


May pumaradang sasakyan sa labas ng mansiyon. Mula roon ay bumaba ang isang babae, tingin ko ay kasing-tanda ni Lola Peach. Pero mas makinis at marami itong kumikinang na nakasabit sa katawan. Ang buhok nito ay nakataas at ang suot ay napakasikip na damit na kulay dugo, kakulay ng damit ang makinang ring bibig.


"Where is Rechelle?!" sigaw ng babae sa mga guwardiya.


"Nasaan daw si Rechelle," bulong ni Lola sa tabi ko.


'Rechelle'? Iyon ang tunay na pangalan ni Apple! Namutla ako. Hinahanap ng babaeng bagong dating si Apple! Baka malaman niya ang ginawa ko!


"Jack, okay ka lang?" Kalabit sa akin ni Lola Peach. "Namumutla ka!"


"Lola..." Nangilid ang mga luha ko.


Nanlaki ang mga mata ni lola Peach, parang may bigla siyang naisip. "Diyos ko! Anong nagawa mong linsyak na bata ka?!"


"Lola..." humikbi ako.


Kumalampag ang malaking gate ng mansion. Mula ron ay pumasok ang malalaking lalaking nakakulay itim. Kasunod nila si Just Lander na may buhat-buhat na isang babaeng walang malay. Napalunok ako kasabay ng panginginig ng buong katawan ko.


Sa mga braso ni Just Lander ay naroon si Apple! Ang duguang katawan ni Apple!


Nakabalik na siya! At natagpuan niya si Apple!


"Oh my goodness!" Tili ng babaeng makinang. "What the hell happened to her?!"


Hinila na ako ni Lola Peach papasok sa loob ng mansion. Halos kaladkarin niya ako patungo sa kuwarto ko.


"Lola..." takot na takot ako. Malamang magagalit sa akin si Just Lander kapag nalaman niya ang totoo.


"Wag ka ng magsalita. Alam ko na." Seryoso ang mukha ni lola at hindi siya ngumingiti.


"Lola..."


"Ito na lang ang sagutin mo. Bakit mo ginawa iyon?!"


Humikbi ako. "G-gusto ko kasing mawala siya. Para ako na ulit ang papansinin ni Just Lander. Para ako na lang ang kakausapin niya. Para ako na ulit ang papakasalan ni Just Lander."


"Dios mio!" Natapik niya ang noo.


"Lola... ayaw ko na maging asawa niya si Apple. Kasi kapag naging mag-asawa sila, hindi na ako papansinin lalo ni Just Lander. Si Apple na ang may ari sa kanya. Di ba, ganon iyon, Lola? Ayaw ko po mangyari iyon." Umiiyak na paliwanag ko.


Tinampal ako sa braso ni lola Peach. "Pero hindi mo pa rin dapat ginawa iyon! Paano kung mamatay si Ma'am Apple?"


"Lola..."


"Hindi ka mamamatay tao." Mariin niyang sabi. Matalim ang mga tingin sa akin. Nakakunot ang noo at parang hindi si lola. Parang iba siyang tao. Ngayon ko palang nakitang ganito si lola Peach.


Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin patungo sa aparador ng mga damit na ipinabili ni Just Lander. Binuksan niya iyon at inilabas ang mga nakahanger na bestida.


Humarap siya sa akin at saka hinila pahubad sa katawan ko ang suot ko. Ipinunas niya iyon sa buong katawan ko pati sa putik sa aking binti at mga paa. Binasa niya pa ng laway niya ang dulo ng tela ng nahubad kong damit para pantanggal ng natuyong putik sa balat ko.


"Lola, ano pong ginagawa niyo?"


"Pinapaganda ka." Seryoso pa rin ang mukha niya.


"Po?"


"Isuot mo ito." Abot niya sa akin sa napili niyang bestida.


Nang isuot ko iyon ay halos di na ako makahinga. Halos lumuwa na rin ang dibdib ko sa sobrang baba ng damit, pati ang mga hita ko ay halos nakalabas na sa sobrang iksi naman ng laylayan. "Lola masyado pong masikip?"


Hindi niya ako pinansin. "Ayusin mo ang buhok mo."


Nilagyan din ako ni Lola Peach ng lipstick.


"Lola, wala pa po akong panty." Kasi pinahubad niya rin sa akin ang panty ko kanina.


"Hindi ka magpa-panty."


Hinila niya pa pababa ang bestida para mas makita ang matambok kong dibdib.


"'Pag dumating si Ser, ngumiti ka agad. 'Tapos galaw-galaw ka, patalbugin mo ang dede mo, naiintindihan mo ba ako?"


"Opo."


"Ngumiti ka lang. Dapat maakit siya sa'yo. Kumindat ka, ipikit mo ang isang mata mo, 'tapos kagat-kagatin mo ang mga labi mo."


"Lola..."


"Iyon lang ang paraan para hindi ka niya parusahan."


Nang tingnan ko ang mga mata ni lola Peach ay parang nakakita rin ako ng takot at pagkabalisa.


"Galingan mo," utos niya pa ulit sa nanginginig na boses. "Galing mo, pakiusap ko sa 'yo, galingan mo."

Nakakapanibago ang nakikita kong takot kay Lola Peach. Sanay kasi ako na palagi siyang matapang at masaya, ngayon ay hindi siya mapakali sa takot. Tagaktak ang pawis sa kanyang noo.


"Tandaan mo, kahit masakit, wag kang aangal. Naiintindihan mo ba?"


"Opo, Lola..." takot na rin na sambit ko.


"Kailangan hindi siya magalit..." bulong niya na halos sa sarili niya na lang. "Hindi siya dapat magalit. Iba siya kapag nagagalit kaya hindi dapat..."


"Lola..."


"Tayo na sa labas."


"Lola, ganito po ba?" ipinikit ko ang isang mata ko saka ako nagkagat-labi.


Tumango si lola. "Oo. Ilabas-labas mo rin ang dila mo. Sipsipin mo ang labi mo para mas hot ka!"


Nang bumukas ang pinto sa dulo ng daang kinatatayuan namin ay napahinto si Lola Peach sa pagpapayo sa akin. Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa aking braso.


"Where is she?!" Dumadagundong sa bawat sulok ng mansion ang matigas na boses ni Just Lander.


Nakatayo siya sa unahan ng mga lalaking nakakulay itim. Kahit malayo sa kinaroroonan namin ay hindi maikakaila ang mabigat na dating ng lalaki. Nanlilisik ang mga mata niya at mukha siyang papatay.


Parang mawawasak ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Natatakot ako. Natatakot ako kay Just Lander.


Nang madako ang tingin niya sa akin ay ginawa ko nga ang utos ni lola. Ngumiti ako. Hindi ko lang alam kung anong itsura ng ngiti ang nagawa ko. Pakiramdam ko kasi ay mas gusto kong umiyak ngayon kesa ngumiti.


Nagtatagis ang mga ngipin niya at nakakuyom ang mga kamay habang papalapit sa amin. Kasunod niya pa rin ang mga lalaking nakaitim.


Pinilit kong ipako ang tingin sa mga mata niya. Kinagat ko ang labi ko at saka gumalaw-galaw para tumalbog ang mga dede ko. Ito raw ang paraan para hindi ako maparushan.


Lalong nangunot ang noo ni Just Lander.


Mukhang hindi umubra ang plano ni lola. Inilabas ko naman ngayon ang dila ko. Nilaway-lawayan ko ang ibaba kong labi saka siya kinindatan.


Pero mukhang lalong nagalit si Just Lander. Bumilis ang mga hakbang niya patungo sa akin.


Kailangan ko pang umisip ng ibang paraan. Ayaw kong maparusahan.


Huminga ako nang malalim saka ako tumalon. Nagtatalon ako sa harapan niya para mas magpatalbog-talbog ang dede ko. Nakita kong natigilan si Just Lander.


"Epektib yata, hija." Bulong ni lola sakin. "Kendeng-kendeng ka naman."


"Opo," bulong ko rin kay lola.


Ang ginawa ko ay salitang pagkendeng at pagtalon. Hindi lang dede ko ngayon ang umaalog, pati na rin ang mga hita, balakang at puwetan ko. Habang ginagawa ko iyon ay kumikindat ako saka dumidila.


Pati ang mga lalaking nakasunod kay Just Lander ay natigilan.


Pero saglit lang ay muling tumalim ang mga mata niya. "What the hell do you think you're doing?" Mabangis na salita niya. Hindi ko maintindihan pero alam kong galit na galit siya.


Napahinto ako sa ginagawa ko. "J-Just Lander, sori..."


Ang bughaw niyang mga mata ay nagpapahiwatig sa akin na bigo ako. Na hindi niya ako kayang patawarin.


Nagpatuloy siya sa paglapit sa akin. Madilim ang mukha at magkadikit na ngayon ang kanyang mga labi. Gusto ko siyang abutin. Gusto kong hawakan ang kamay niya at humingi ng tawad sa ginawa ko pero parang wala akong lakas. Kinakabahan ako sa nakikitang galit sa mga mata niya.


"Magdasal ka na mabuhay si Apple, dahil kung hindi, ikaw ang papatayin ko."


"Just Lander..." umiiyak na sambit ko.


Muli siyang nagsalita. Sa pagtaas ng ulo ko ay nakita kong nakatingin na siya sa mga tauhan niya. "Dalhin sa basement ang babaeng iyan."


Wala ng nagawa si Lola Peach nang hawakan ako ng malalaking lalaking nakakulay itim. Kung ano man ang basement na sinasabi ni Just Lander ay malakas ang pakiramdam ko na matatagal ako roon. O baka nga hindi na ako makalabas pa dahil sa nagawa kong kasalanan sa babaeng sana ay mapapangasawa niya. 


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

1M 29.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
496K 36K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
45M 758K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...