The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

63: Misunderstanding

3.6M 66.8K 40.7K
By blue_maiden

CANDICE

Nagising ako sa pag-ring ng cellphone ko.

Sobrang antok na antok pa ako. Binuksan ko 'yong mga mata ko tapos tiningnan ko 'yong orasan. Alas-kwatro ng umaga?! Sino bang abnormal 'yong tatawag sa 'kin ng ganoong oras? Napabangon agad ako sa kama ko, isang tao lang 'yong kilala kong gano'n! Isang abnormal na pusang robot. Inabot ko agad 'yong cellphone ko sa may bedside table. Tama nga, si Jeydon nga 'yong tumatawag.

"Yah! What took you so long?" Hindi uso sa kanya 'yong hello, e, 'no?

"Ang aga-aga pa po kaya! Tulog pa ako, e."

"Gusto ko kasi, boses ko 'yong unang maririnig mo pagkagising mo. Sorry, baby." Waaah! Ang aga-aga, ang cheesy niya pero napangiti naman ako ro'n.

"Okay lang. E, bakit ang aga mo magising, Pusa?" Nakahiga pa rin ako sa kama ko, ang sarap sarap pang matulog, bakit kaya gising na agad si Jeydon?

"Tumingin ka sa bintana mo."

Tumayo ako sa kama ko. Huwag niyang sabihing nasa tapat siya ng bahay namin, ah. Binuksan ko 'yong kurtina ng bintana ko tapos napatingin ako sa labas. Aigoo! Nandoon nga siya. Bakit nasa tapat siya ng bahay namin ng alas-kwatro ng umaga?!

"Good morning, baby."

"Anong ginagawa mo riyan?"

"May practice kami ng basketball, sabi kasi ni Coach mas magandang makapag-practice kami nang wala si Tanda. Kaya dumaan muna ako rito para makita ka."

Hindi maglalaro si Kuya Charles mamaya? So ibig sabihin kaya no'n, tama 'yong hinala kong nakipag-away siya? "Nasaan si Kuya Charles?"

Hindi agad nakasagot si Jeydon.

"Nakipag-away siya kahapon, 'no?"

"Kilala mo naman 'yon, e. Basta, huwag ka nang mag-alala ro'n. Masamong damo 'yon, e."

"Nag-aalala rin sa kanya si Mama, e. Samahan mo ako mamaya sa kanya, kakausapin ko siya." Nag-okay sign siya sa 'kin. "Matulog ka na ulit, baby."

"Okay. Good luck sa practice n'yo. Uhm... I love you." Kahit sa malayo, kita kong nag-evil grin siya sa 'kin. Ano kaya ang nasa isip niya? Nag-blush ba ako noong nag-I love you ako?

"Kiss ko?"

'Yon pala 'yon, e. Pasaway talaga. Nag-flying kiss ako sa kanya tapos umarte siyang sinalo niya 'yong kiss ko. Hindi ko tuloy napigilang tumawa.

"Thanks for completing my day, baby. I love you." Kahit nasa malayo siya, alam kong kitang-kita niya 'yong ngiti sa mukha ko. Bakit kapag siya 'yong nagsasabi ng "I love you," may kakaiba akong nararamdaman?

"Pumunta ka na sa practice n'yo, masyado mo na akong pinapakilig dito, e."

Tumawa siya nang mahina. "Go to sleep now." Ibinaba niya na 'yong call.

Tumalikod ako. Papunta na sana ako sa kama ko kaso bumalik ulit ako sa tapat ng bintana. Nando'n pa rin si Jeydon, nakangiti siya sa 'kin. Nag-flying kiss siya sa 'kin tapos tumawag ulit siya.

"Miss me already?"

"Gusto lang ulit kitang makita para pagtulog ko, ikaw ulit 'yong kasama ko."

"I'll be there, okay? Sleep now." Bossy talaga ng boyfriend kong 'yon. Okay, his wish is my command!

Pagbalik ko sa kama ko, parang nawala lahat ng antok ko. Nakatingin lang ako sa kisame, iniisip si Jeydon.

Makita ko pa lang siya, sumasaya na ako nang walang dahilan. Sa mga simpleng bagay lang, napapangiti na niya ko. Lagi niyang ipinaparamdam sa 'kin na mahal niya ako. Tuwing sinasabi niyang mahal niya ako, ang sarap sa pakiramdam.

Ang swerte ko pala talaga dahil may boyfriend akong isang Jeydon Lopez.

Pinilit kong matulog ulit para hindi ako antukin mamaya sa klase pero nawala na talaga 'yong antok ko, e. Nag-decide na lang akong mag-jogging muna, tutal, maaga pa naman. Naligo agad ako tsaka ako nagbihis ng shirt tsaka ng jogging pants. Gusto ko sanang manood ng practice nila Pusa kaso baka makaistorbo naman ako ro'n.

Pagkababa ko ng kwarto, nasa baba na sina Mama at Yaya. Nagulat silang dalawa kasi ang aga ko raw nagising. Sabi ko na lang na hindi na ako inaantok. Kumain lang ako nang kaunti tapos umalis na ako ng bahay.

"Good morning, world!" Inunat ko 'yong kamay ko. Feel na feel kong mag-jogging noong araw na 'yon. Grabe pala 'yong nagagawa ng flying kiss ni Jeydon. Naging hyper ako masyado, haha!

Nag-jog ako sa subdivision namin habang nakikinig ako sa iPod. Habang tumatakbo ako, biglang may kumalabit sa 'kin. Paglingon ko, nakita ko si Lucas.

"Good morning, Noona." Mukhang pawis na pawis na rin siya. Kanina pa siguro siya tumatakbo.

"Anong ginagawa mo rito, Lucas?" Dito kaya siya nakatira sa subdivision namin?

"Napadaan lang. Mas maganda kasing mag-jogging dito sa subdivision n'yo kesa roon sa 'min. Akalain mo nga naman 'yon, nakita pa kita."

"Oo nga, e. Hindi ka na pumunta sa bahay noong isang araw. Gusto ka pa namang makita ni Mama."

"Okay lang ba kung ngayon na ako pumunta sa bahay n'yo?" Nakangiti siya sa 'kin tapos napakamot siya sa ulo niya habang nakayuko siya. Ang cute niya talaga, para siyang batang nahihiya.

"Tara, gutom na rin ako, e."

Bumalik kami sa bahay. Tawa ako nang tawa habang napagkwentuhan namin 'yong mga nangyari sa 'min dati sa Korea. Noong nasa Korea kami, puro kami kalokohan dati ni Lucas. Ang sarap kasing mag-bike tsaka gumala roon after school, hindi katulad dito. Saglit lang kaming nag-usap bago nakarating sa bahay pero parang ang dami na naming napag-usapan.

Pagdating namin sa bahay, tuwang-tuwa si Mama noong nakita niya si Lucas. Matagal nang kilala ni Mama si Lucas. Kapag dumadalaw kasi silang dalawa ni Kuya sa Korea dati, palagi nilang nakikita si Lucas. Best friend ko kasi dati si Lucas noong nasa Korea kami.

Pinakain kami nina Mama ng breakfast. Habang nag-uusap sila sa kusina, naligo lang ako, nagbihis tapos lumabas na kami ni Lucas ng bahay. Ang dami kasing tanong nina Mama at Yaya, nakakahiya tuloy sa kanya.

"Nasaan pala si Charles?"

Natigilan ako sa tanong niya, bigla ko ulit naalala si Kuya. Nasaan na nga kaya 'yong unggoy na 'yon?

"Hindi ko alam, e. Hindi umuwi kagabi."

"Hindi ba alam nina Jeydon kung nasaan siya?" Mukhang nag-alala siya para kay Kuya. Ang lakas tuloy ng kutob kong nakipagbasag-ulo na naman 'yong magaling kong kuya.

"Alam ni Jeydon kung nasaan siya pero hindi niya sa 'kin sinabi. Bakit?"

"May gusto lang kasi akong sabihin sa kanya. Hayaan mo na. For sure, makikita ko rin siya one of these days."

Waaa, umatake na naman ang pagka-curious ko. "Ano 'yon?"

Tumawa siya tapos ginulo niya 'yong buhok ko. "Boy talk 'yon. Sige na, pumasok ka na. May pupuntahan pa ako, e. Bye, Noona!"

"Okay, ingat ka. Kita na lang ulit tayo!" Nagpaalam na agad siya sa 'kin tapos naglakad na ako palabas ng subdivision namin. Saan kaya 'yon pupunta? Tsaka ano kaya 'yong sasabihin niya kay Kuya? Haha, umiral na naman ang pagkatsismosa ko.

Parang ang laki na ng pinagbago ni Lucas simula noong huli ko siyang nakita. Mas nag-mature na siya although minsan, para pa rin siyang bata. Hindi lang dahil sa hitsura niya, pati sa kilos niya. Kahit mas matanda siya sa 'kin, mas bata siyang kumilos tsaka mag-isip dati. Kaya nga Noona ang tawag niya sa 'kin kasi para niya akong ate noong nasa Korea kami. Kaso ibang-iba na siya. Ang laki na ng katawan niya, ang macho-macho na ng dating niya pati boses niya. Feeling ko tuloy, ibang tao na siya.

"Noona Candice!"

Akala ko, bumalik si Lucas pero paglingon ko, si Jayshin 'yong nakita ko.

"Noona! Is it true? Kayo na ni Hyong?!"

"Ha? Uhm, ano... oo, kami na."

Nanlaki 'yong mga mata niya sa sinabi ko. May binulong siyang Korean pero hindi ko narinig.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Nakita kita kaninang kasama si Shawn, lalapit na sana ako kaso nakawala sa kamay ko si Princess kaya hinanap ko muna siya. Pinakuha ko kay Baron tsaka kita hinabol." Kaya pala siya hingal na hingal, e. Pero bakit naman niya ako hahabulin? Para akong nabunutan ng tinik na hindi niya dala 'yong pusa ni Jeydon.

"Bakit mo ba ako hinahabol? Tingnan mo, hinihingal ka na." Kawawa naman si Jayshin, mukhang ang layo pa ng tinakbo niya para lang mahabol ako.

"Hyong told me na ihatid ka sa school n'yo. Baka raw kasi may umaligid sa 'yo habang wala siya. Crazy guy."

Sa sandaling 'yon, napangiti ako. Ang dami talagang alam ng pusang 'yon!

"Baliw talaga 'yong kuya mo, e, 'no?" Baliw pero ang sweet ng ginawa ni Pusa. Minsan talaga, kahit OA siyang magselos, nakakatuwa pa rin.

"He's crazy for you."

Hindi ako nakapagsalita. Para akong tanga kasi nag-blush na lang ako bigla. Candice, please contain yourself, nakakahiya ka. Nasa harap ka pa naman ng kapatid ng boyfriend mo.

"Noona, you're blushing!" Ayan, nahalata ka tuloy agad. Tawa siya nang tawa. Hala, pagtawanan daw ba ako? Huhu, ang sama mo, Jayshin!

"Hindi, 'no?! Makeup lang 'yan. Sige na, nandito na tayo sa school." Nakakahiya naman talaga, o. Tapos tawa pa siya nang tawa kaso medyo naging seryoso siya bigla.

"Noona, please don't go near Shawn."

"Ha? Bakit? Pero kaibigan ko siya." Ano kayang nasa isip ni Jayshin? Mukha na talaga siyang seryoso, e.

"Jayshin!"

Napalingon kaming dalawa ro'n sa sumigaw. Nakita namin sina Jeydon tsaka 'yong buong basketball team.

"Hyong! What's your problem?"

Lumapit agad sa 'kin si Jeydon tapos inilayo niya ako sa kapatid niya. Hala, abnormal talaga.

"Sabi ko, ihatid mo lang si Candice pero hindi ko sinabing kausapin mo nang matagal 'yong baby girl ko." Tumahimik ang lahat.

"Baby girl?!" Lahat sila, 'yon ang sinabi. Kasi naman si Pusa, kailangan pa talagang ipagsigawan 'yong baby girl, e.

"Bakit, may angal? Tara na nga, baby girl!" Hinawakan niya 'yong kamay ko tapos hinila niya ako papasok ng school. Lumingon ako sa likod at tiningnan ko si Jayshin.

"Thanks, Jayshin!"

Nagtawanan lang sila roon sa labas. Para naman kasing ewan 'yong boyfriend ko, e. Lakas ng topak. Ipapahatid niya ako sa kapatid niya tapos ayaw niyang mag-usap kami. 'Di ba, ang lakas ng topak? Ewan ko ba kung bakit ko siya naging boyfriend.

"Doon kami maglalaro sa Gillands High School. Mag-cheer ka sa 'kin, ha?"

Nag-pout ako. Ilang segundo pa lang, lumapit na agad sa mukha ko si Jeydon. Muntik na niya akong mahalikan. Buti na lang, napalayo ako tapos tumawa siya. Pasaway talaga, ang dami-daming estudyante, e.

"Pasaway ka talagang pusa ka! Ang dami daming tao, hahalikan mo ako?"

Nag-grin siya sa 'kin tapos hinila niya ako sa dulo ng corridor.

"Anong gagawin natin dito?"

Lalo lang siyang nag-grin sa 'kin, evil grin. "Ayan, wala nang tao. Pwede na ba kitang i-kiss?"

Wala nga talagang tao, kasi nasa dulo na kami. Lumapit siya sa 'kin tapos napasandal naman ako sa pader. Sobrang lapit niya sa 'kin tapos nakatitig pa siya sa mga mata ko. Namula agad 'yong pisngi ko, sobrang init talaga. Marami na kaming kiss pero nararamdaman ko pa rin 'yong pakiramdam na parang first time pa lang kaming magki-kiss. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko.

"Haha! You're cute when you're like that, baby." Akala ko, hahalikan na niya ako pero tumingin lang ulit siya sa 'kin habang nakangiti siya.

"When I'm what?"

"When you're tense, it's like I'm kissing you for the first time again." Bakit alam niya? Gano'n ba ako kahalata? Huhu. E, nakaka-tense naman talaga kapag isang Jeydon Lopez ang hahalik sa 'yo, e.

"Ikaw kasi, e." Hindi ako makatingin sa kanya. Feeling ko, nagba-blush pa rin ako. Pinisil niya bigla 'yong cheeks ko.

"Huwag ka kasing nagpo-pout, nate-tempt akong halikan ka, e." Tumawa ulit siya tapos hinila na niya ako papunta sa room ko. Nakaka-tempt ba kapag gano'n? Parang hindi naman, e.

Habang papunta kami sa room, naka-matanglawin na naman ang schoolmates namin. Matagal na kaya kaming naglalakad ni Jeydon sa school na magkawak ng kamay pero akala mo, first time nila kaming nakitang ganoon. Minsan, sinusubukan kong alisin 'yong kamay ko sa kamay ni Jeydon kasi ang sama na ng tingin nila sa 'min. Ay, mali. Sa 'kin lang pala. Kaso tuwing aalisin ko 'yong kamay ko sa kamay ni Jeydon, lalo lang niyang hinihigpitan 'yong hawak niya sa kamay ko.

"Sumabay ka na lang kina Margot mamaya, maaga kaming pupunta ro'n sa kabilang school, e."

"Okay, paano pala si Kuya Charles? Nasaan siya?"

"You'll see him later. Dont worry." Medyo nabunutan na ako ng tinik. Naku, makita ko lang siyang may pasa, humanda siya.

"Galingan mo mamaya, ha?"

"Oo naman. And don't break your promise, okay? I'll be looking for it later."

At anong promise naman 'yon? Hala, dapat isipin ko kung ano 'yon baka magalit siya kapag hindi ko naalala.

"Psh, the banner."

"Ah! Oo, alam ko naman 'yon! Hehe. Oo, promise." Buti na lang nabanggit niya, hindi ko kasi naalala, e. Huhu, ang bad ko.

"Okay, see you later."

Bago niya ako papasukin sa room ko, hinila niya ako papalapit sa kanya tapos niyakap niya ako bigla. Siyempre nagulat ako, niyakap lang naman niya ako sa harap ng buong Section One.

"Huy, Pusa! Bakit mo ako niyayakap? Ang daming tao." Nakayakap talaga siya sa 'kin, e, sa tapat ng room ng Section One tapos pati mga dumadaan sa corridor, nakatingin sa 'min.

"I just want to show them how much I love you."

Hinarap niya ako, kinindatan niya ako tapos umalis na siya. Baliw talaga siya! Huhu, nahiya tuloy akong pumasok sa loob ng room. Buti na lang, nakita ako ni Margot kaya sumabay ako sa kanyang pumasok sa loob. Umupo agad ako sa likod na upuan, diretso nga lang ako, e. 'Yong classmates namin, nagbulungan tapos biglang tumingin sa 'kin. May iba, parang kinilig pa. 'Yong Powerpuff Girls naman, tahimik lang do'n sa dulo, nakakapanibago tuloy.

"Ang sweet naman ni Jeydon." Ang laki ng ngiti sa 'kin ni Margot. Oo na, sweet na si Jeydon.

"Oo nga, e. Lagi na lang akong pinapakilig." Napatingin siya sa may bintana. Ano kaya ang iniisip niya?

"Masarap talagang magmahal ang bad boy."

Mukhang may pinanghuhugutan siya ro'n, ah. Siguro sweet din sa kanya si Ginno. Dalawang taon na sila ni Ginno. Magtatagal din kaya kami ni Jeydon kagaya nina Ginno at Margot? Hindi ko alam at hindi ko sigurado pero sana nga, kami na talaga. Mahal ko pa lang si Jeydon, hindi ko pa siya mahal na mahal pero kuntento na ako sa kanya.

Sobrang lumutang 'yong utak ko dahil kay Jeydon buong lecture kaya hindi ko namalayang lunch na pala.

"Candice, gusto mo ba, sabay na lang tayo mamaya papunta sa Gillands High School?"

"Okay. Sige, tamang-tama wala akong kasabay, e."

"Okay, sige. Mabuti pa, punta na tayong canteen, baka nando'n na si Tiffany."

Patayo na ako sa upuan nang biglang nag-beep 'yong cellphone ko.

From: Doraemon<3

Kumain ka nang marami. Ichi-cheer mo pa ako mamaya. :P

Naalala ko tuloy 'yong banner para kay Jeydon. Gagawa pa ba talaga ako no'n? Huhu, nakakahiya naman tapos sa ibang school pa sila maglalaro. Kaso dapat gawin ko 'yon, dapat maging supportive girlfriend ako para kay Jeydon. Isa pa, promise ko 'yon sa kanya, e. Ayaw ko namang sirain 'yong pangako ko sa kanya, matampuhin pa naman 'yon.

Habang papunta kami sa canteen, dinaanan ko 'yong locker ko. May extra cartolina kasi ako ro'n kaya kinuha ko. Pagdating namin sa canteen, nando'n na si Tiffany, busy sa phone niya.

"Hello, Tiffany! Sino 'yang ka-text mo?" Nagulat siya noong nakita niya kami. Bigla niyang tinago 'yong cellphone na hawak niya. Aha! May tinatago siya.

"Margot, akin na!" Binabawi ni Tiffany 'yong phone niya; inagaw kasi agad ni Margot 'yong phone ni Tiffany.

"Candice, o! Basahin mo kung sino 'yong ka-text niya." Hinagis niya sa 'kin 'yong cellphone ni Tiffany. Buti na lang, nasalo ko. Tiningnan ko 'yong message niya.

From: Boo<3

Punta tayo mamaya sa sushi house after ng game namin. Punta ka, ha? Cheer mo ako? Haha.

Sino naman si Boo? Huwag mong sabihing...

"Si Troy ba 'tong ka-text mo, Tiffany?"

Parang nataranta siya bigla. Haha! Confirmed. "Wala lang 'yan, Candice."

Hindi siya makatingin sa 'kin. Lumapit naman sa 'kin si Margot para makita rin niya.

"Ayie! Love life kung love life."

Hindi namin napigilang matuwa para kay Tiffany. Alam naman namin kung gaano niya kagusto si Troy at mukhang in good terms sila. Nakalimutan ko na nga si Ate Jaycee, e. Paano na pala sila ni Troy? Hays, sana lang, huwag masaktan si Tiffany pati si Troy. Sa kwento naman ni Tiffany about sa mga date nila ni Troy, mukha namang masayang-masaya sila. Sa totoo lang, mas gusto kong magkatuluyan 'yong dalawa kong best friends.

Habang kumakain kami, ginawa ko na 'yong banner ko para kay Jeydon. Nilagyan ko ng glitters tapos nag-drawing pa ako ng Doraemon sa baba. Sana naman magustuhan niya 'yon.

Go, JEYDON! <3

Simple lang 'yon pero nag-effort pa ako sa lettering at sa design. Tapos 'yong Doraemon na drawing ko, ang ayos-ayos. Sana makita niya 'yon sa game. Wala na akong pakialam sa mga tao roon. Ang mahalaga naman, makita ni Jeydon 'yong effort ko tsaka matuwa siya sa ginawa ko. Excited na tuloy ako para mamaya.

"Ikaw na ang supportive girlfriend!"

"Gusto ko lang bumawi kay Jeydon. Okay ba?"

Nagkatinginan sila ni Margot tapos tumawa sila. Hala, pinagti-trip-an nila ako, ah.

"Alam mo, baka akalain nila mamaya, ikaw 'yong presidente ng fans club ni Jeydon."

"Ako naman talaga ang number one fan niya, e."

"Dapat pala, gumawa rin ako para kay Ginno! Hindi na lang ako papasok sa next subject. See you later, girls!" Tumakbo si Margot paalis do'n, pupunta yata ng locker niya. Seryoso talaga siya, ha? At least, dalawa kami mamayang mukhang super fan girl.

"Hay, naku. Buti pa kayo, may boyfriend na ichi-cheer mamaya."

"E, si Troy? Sabi niya, i-cheer mo siya."

Biglang namula si Tiffany sa sinabi ko. "Hindi ko naman siya boyfriend, e. Pero don't worry, kasi may nagawa na akong banner para sa kanya kahapon pa, maliit nga lang." Hindi naman siya prepared niyan, ha?

"Ewan ko sa inyong dalawa ni Troy. Ang complicated n'yo."

Noong nag-bell, bumalik na kami ni Tiffany sa room namin. Nilagay ko muna sa locker ko 'yong banner na ginawa ko.

Mabilis lang tumakbo 'yong oras. After ng math class, pumunta na ako ng Section Eleven. Pagdating ko ro'n, seryoso silang nag-uusap-usap. Hindi nga nila napansing nando'n ako, e.

"Panigurado, lalabas mamaya 'yong leader ng Phoenix. Kailangan, handa tayo."

Ano naman 'yong Phoenix?

"Kasali si Brandon sa Phoenix kaya manonood din 'yong mga iba mamaya."

Siya 'yong kaaway ni Kuya Charles, ah, 'yong nang-away sa 'kin dati.

"Kung magkaka-rumble man mamaya, handa na ako, dapat hindi tayo matalo. Wala naman 'yang Phoenix na 'yan sa 'ting Badburn. Lalo na at si Jeydon 'yong leader natin."

"Rumble? Phoenix? Badburn? Si Jeydon 'yong leader?"

Lahat sila ay napatingin sa 'kin. Nagulat silang lahat na akala mo, multo ako sa harap nila. Hindi sila makatingin sa 'kin. Halata mong may tinatago sila, e.

"Wala bang magsasabi sa 'kin kung ano 'yong mga narinig ko?"

"Ah, kasi, Candice..." Binatukan ni Mir si Carl.

"Wala 'yon, Candice." Hindi pa rin sila makatingin sa 'kin.

Naiinis na ako, anong akala nila sa 'kin, tanga para isiping wala lang 'yon?

"Carl, sabihin mo sa 'kin kung ano 'yon."

Napatingin silang lahat kay Carl. "Huwag n'yo akong pagtaguan. Involved dito 'yong boyfriend ko kaya please naman."

"Kasi ano—"

"Candice, ayaw sabihin ni Jeydon sa 'yo 'yong tugkol do'n. Magagalit sa 'min si Jeydon kapag sinabi namin sa 'yo. Mas maganda kung si Jeydon 'yong magsabi sa 'yo."

Gusto ko pa sanang magsalita pero na-realize kong tama si Mir. Kung may magsasabi man sa 'kin, dapat si Jeydon 'yon.

Dumating na si Sir Jason kaya bumalik na ako sa upuan ko sa likod. Wala sina Jeydon, Troy, Ginno at Six. Nasa Gillands High na sila para sa laban mamaya. Hindi ko napigilang makaramdam ng inis.

Bakit wala akong alam tungkol sa Phoenix na 'yon tsaka sa Badburn na sinasabi nila? Girlfriend ako ni Jeydon kaya may karapatan naman siguro akong malaman, 'di ba? Bakit kailangan niyang maglihim sa 'kin? Bakit ayaw niyang ipaalam sa 'kin 'yong tungkol do'n? Wala ba siyang tiwala sa 'kin? Hays, sobrang daming tanong sa isip ko. Feeling ko, parang balewala lang ako sa kanya. Kung tungkol man 'yon sa mga gang, maiintindihan ko naman, e, pero sana sabihin niya sa 'kin. Ang hirap kayang magmukhang tanga at walang kaalam-alam.

Noong last subject na, parang wala na akong ganang pumunta sa game. Sobrang laking impact noong nalaman kong naglihim siya sa 'kin. All along, hindi niya 'yon sinasabi sa 'kin? Sa iba ko pa narinig 'yong tungkol do'n.

Noong nag-bell na tuloy ng uwian, parang hindi ako masaya.

"Anong problema mo?" Papunta kami ni Margot sa locker ko para kunin 'yong banner na ginawa ko.

"Margot, may nabanggit ba sa 'yo si Ginno about sa Badburn?"

"Oo, 'yon ang grupo nila ng Section Eleven. Bakit hindi ba sa 'yo nasabi ni Jeydon? Siya 'yong leader do'n, ah."

Ouch naman, nagmukha na naman akong tanga, strike two. Buti pa si Ginno, sinabi kay Margot.

"Oo, alam ko 'yon. Akala ko kasi nagbibiro lang si Jeydon... hehe." Sige, magpanggap ka lang, Candice, para hindi ka magmukhang ewan.

Pagkakuha ko sa banner, pumunta agad kami sa gate ng school. Nakita namin si Tiffany, nakapang-cheering siya na outfit.

"Candice, una na kayo roon. Sabay-sabay kasi kami ng cheering team na pumunta ro'n. Kita na lang tayo mamaya, ha?"

"Sige, see you!"

Naglakad lang kami ni Margot papunta sa Gillands. Medyo malayo 'yon pero wala naman kaming kotse. Nandoon din pala mamaya 'yong cheering team. Naisip ko bigla si Stacey, ano kayang mangyayari kapag nagkita kami? Baka mamaya, kalbuhin niya ako lalo na kapag nakita niya 'yong banner na ginawa ko para kay Jeydon.

"Nasaan na tayo, Margot? Kanina pa tayo naglalakad pero wala pa rin tayo. For sure, nag-start na 'yong game." Tiningnan niya 'yong phone niya.

"Mali pala tayo ng nilikuan kanina, sorry. Basta diretsuhin mo lang 'to, Candice."

Ako lang? "Saan ka pupunta?"

"May kailangan pa pala akong puntahan. Nag-text kasi sa 'kin si Ginno ngayon lang, may pinapabili siya sa 'kin. Mauna ka na ro'n para may upuan tayo, ha?"

"Okay, sige. Mag-text ka na lang sa 'kin."

Tiningnan ko 'yong cellphone ko pero wala namang text si Jeydon. Buti pa si Ginno, nagawang makapag-text kay Margot. Ano kayang ginagawa ni Pusa? Gano'n ba siya ka-busy? Ano ba 'yan? Parang nagiging bitter na ako masyado.

Sinunod ko lang 'yong sinabi ni Margot, dire-diretso lang ako. Habang naglalakad ako, may narinig akong ingay. Pagkalingon ko roon sa isang eskinita, may mga estudyanteng pinapalibutan 'yong isang lalaki. Nakahiga na 'yong lalaki sa sahig tapos binubugbog pa rin nila. Anong gagawin ko? Kawawa naman 'yong lalaki. Nag-decide na lang akong humingi ng tulong kaso nakita nila ako.

"Hoy, diyan ka lang!"

Sa sobrang takot ko, hindi ako nakagalaw.

"Magsusumbong ka pa, ha?"

Ang lalaki ng katawan nila, mukhang mga gangster. Oh, no! Patay ako nito. Ang sama pa naman ng tingin nila sa 'kin tapos ang dami nila. Pinalibutan lang nila ako, hindi tuloy ako nakatakas.

"Maganda pala 'to, mga brad, pwede na."

Para akong nanigas do'n. Anong gagawin nila sa 'kin? Kinabahan na ako.

"Oo nga. Chicks 'to, brad. Ayos 'to."

Hinawakan ako no'ng isang lalaki.

"Bitawan n'yo ako!" Ang higpit ng hawak niya sa 'kin.

"E, paano kung ayoko, ha?" Nakakatakot 'yong lalaking 'yon. Halata mong may balak siyang masama.

"Isusumbog kita sa boyfriend ko!" Nagtawanan silang lahat. "Isusumbong ko kayo kay Jeydon!"

Natigilan sila noong binanggit ko 'yong pangalan ni Jeydon.

"Ikaw pala 'yong girlfriend niya? Sige, isumbong mo! Bakit, nandito ba siya?" Nagtawanan na naman sila. Huhu, naiyak na ako.

"Bitawan n'yo siya!"

Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko na si Jeydon 'yon. Dumating siya para iligtas ako, katulad ng palagi niyang ginagawa. Kaso noong nakalapit na 'yong nagsalita, mali pala ako. Hindi pala siya si Jeydon kundi si Lucas.

"Buhay ka pala, Shawn?" Siya pala 'yong binugbog nila kanina, hindi ko nakita kasi nakatalikod siya sa 'kin.

"Gago! Matagal mamatay ang masamang damo." Lumapit siya sa 'min, puro na pasa 'yong mukha niya. Naawa tuloy ako sa kanya.

"Huwag kang makialam dito!"

Bigla niyang sinuntok 'yong lalaking may hawak sa 'kin. Napaatras siya tsaka nabitawan niya ako. Hinila ako ni Lucas papunta sa likod niya. Lumapit sa 'min 'yong kasama no'ng lalaking humawak sa 'kin. Kahit marami silang umatake kay Lucas, naiwasan naman niyang lahat 'yon. Sinuntok niya 'yong unang sumugod sa kanya, sinipa naman niya 'yong sumunod. Maya-maya lang, nakatumba na silang lahat sa sahig. Ang galing makipaglaban ni Lucas. Hinila niya agad ako paalis do'n.

"Okay ka lang, Noona?"

"Oo, salamat pala. Kaso ikaw, ang dami mong pasa, o!"

Muntik na siyang matumba kaya inalalayan ko siya. Buti na lang, napadaan kami sa isang park kaya pinaupo ko muna siya ro'n.

"Gago talaga 'yong mga 'yon. Hindi lang 'yon ang aabutin nila sa 'kin kung nasaktan ka nila." Mukhang seryoso siya, galit kasi siya, e.

"Hindi naman ako 'yong nasaktan nila, e. Ikaw kaya. Gusto mo bang pumunta tayo sa bahay para gamutin 'yan?"

Ngumiti lang siya sa 'kin at tumingin sa langit. "Alam mo bang pangarap ko 'to." Nagtaka akong nakatingin sa kanya, anong ibig niyang sabihin?

"Pangarap mong mabugbog?!" Natawa tuloy siya sa sinabi ko.

"Pangarap kong iligtas ka, kapag nasa panganib ka." Hindi ako nakapag-react sa sinabi ni Lucas. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya.

"Baliw ka talaga, Lucas, tingnan mo tuloy ang nangyari sa 'yo. Lalong dumami 'yong pasa sa mukha mo."

"Naalala mo ba dati? Ikaw 'yong palaging nagtatanggol sa 'kin kapag binu-bully ako sa school? Sabi ko sa sarili ko, isang araw, maipagtatanggol din kita."

Napatingin ako sa langit, naalala ko nga 'yong mga panahong 'yon. Palagi ko siyang pinagtatanggol sa mga salbaheng classmate namin dati sa Korea. Mataba pa kasi siya dati kaya palagi siyang inaasar ng classmates namin. Ang laki na talaga ng pinagbago niya, kayang-kaya na niya 'yong sarili niya. Hindi na rin siya 'yong matabang batang nakilala ko dati. Ang ganda na ng katawan niya tsaka for sure, maraming babae 'yong magkakagusto sa kanya. Oo nga pala, 'yong mukha niyang puro pasa!

Kinuha ko 'yong panyo sa bag ko at pinunasan ko 'yong mukha niya.

"Noona, I'm fine." Hinawakan niya 'yong kamay ko.

Nagulat ako kaya inalis ko agad 'yong kamay ko.

"Haha! Sorry..."

"Sino ba 'yong mga 'yon, Lucas? Bakit ka nila binugbog?" Parang nag-isip pa siya kung sasabihin niya sa 'kin o hindi.

"Members sila ng Phoenix, ng bagong Phoenix."

Narinig ko na naman 'yong Phoenix na 'yon. Hindi na ako mapakali kaya nagtanong na ako kay Lucas.

"Lucas, anong meron kay Jeydon at sa Phoenix?"

Nagulat siya sa tanong ko. For sure, magmumukha na naman akong tanga kasi wala akong alam. Pero wala akong pakialam kasi kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang meron sa Phoenix.

"I shouldn't be the one telling you this, Noona." Hindi siya tumingin sa 'kin.

"Please, Lucas. Ayoko nang magmukhang tanga sa lahat! Kaya sabihin mo na sa 'kin."

"Grupo namin dati 'yong Phoenix. Si Jeydon 'yong leader noon. After nilang mag-break ni Kim, binuwag niya 'yong grupo. Ngayon, may bago nang Phoenix, at binabalikan nila 'yong mga dating member ng Phoenix."

Medyo malinaw na sa 'kin ang lahat. Nainis na naman ako noong narinig ko 'yong pangalan ni Kim.

"E, ano naman 'yong Badburn?"

"Yon 'yong bagong grupong ginawa nina Jeydon. Sa pagkakaalam ko, siya rin 'yong leader nila."

Naintindihan ko na pero may isa pa akong hindi maintindihan.

"Bakit niya binuwag 'yong Phoenix pagkatapos nilang mag-break ni Kim?"

Halatang nag-alangan pa si Lucas.

"Tell me."

"Kasali si Kim sa Phoenix, kaya noong nag-break sila, hindi kaya ni Jeydon na makita si Kim tsaka ako, because he saw us kissing. Kaya mas pinili niyang buwagin 'yong Phoenix. He loved Kim so much kaya mas ginusto niyang buwagin 'yong grupo, makalayo lang sa kanya."

"Hindi man lang niya sinabi sa 'kin 'yon." Lalo lang tuloy akong nainis. Marami pa sana akong tanong kay Lucas pero sa sobrang inis ko, hindi na lang ako nagtanong.

"Noona, I understand him. Hindi mo na dapat nalaman 'tong mga 'to. You should understand him, he's your boyfriend."

"'Yon nga, e! Boyfriend ko siya! Girlfriend niya ako pero naglilihim siya sa 'kin! Anong akala niya, na hindi ko maiintindihan 'yon?" Pakiramdam ko, nag-init na ako sa galit.

"Noona, calm down."

Nilagay ko sa mukha ko 'yong kamay ko. Naiyak ako sa inis, hindi ko maintindihan si Jeydon. Ayoko sa lahat 'yong may tinatago sa 'kin at alam niya 'yon. 'Di ba, dapat sinabi niya sa'kin 'yong mga 'yon? Ano bang akala niya, hindi ko maiintindihan kapag nalaman kong may gang siya? Kay Kim naman, sinabi niya; kasali pa nga siya ro'n, e. Naiinis talaga ako lalo na kapag naririnig ko 'yong pangalan ni Kim. Kung gaano minahal ni Jeydon no'n si Kim. Pakiramdam ko, walang-wala 'yong relasyon namin sa relasyong meron sila dati ni Kim.

Maya-maya, niyakap ako ni Lucas.

"Noona, don't cry, please."

Lalo lang akong naiyak, ganoon pala kapag sobrang nainis ka, mapapaiyak ka na lang. Halong inis at selos na yata 'yong naramdaman ko. Ang OA ko ba para maramdaman 'yon? Hays...

"So hindi ka pumunta sa game namin dahil kasama mo si Lucas? Wow, ha?"

Pagkaangat ko ng ulo ko, nakita ko sina Jeydon, Troy tsaka si Marky. Galit na galit si Jeydon at nakatingin lang siya sa 'kin.

"Jeydon, mali ang iniisip mo." Pinunasan ko 'yong luha ko, tumayo ako para harapin siya.

"Anong mali sa nakikita ko? Alam mo bang natalo kami sa game? Sa sobrang kakaisip ko sa 'yo pinatalo ko 'yong team tapos makikita lang kitang kalandian si Lucas dito sa park?!"

Gusto ko siyang sampalin sa sinabi niya pero pinigilan ko 'yong sarili ko. Hinawakan ako ni Lucas, hinila niya ako papunta sa likod para maharap niya si Jeydon.

"Huwag mong tawaging malandi si Candice. Wala kang alam sa nangyari, Jeydon."

"Ano, Shawn? Aagawin mo na naman ang girlfriend ko, ha?! Hobby mo na ba talagang manulot, ha?"

Nakita ko 'yong kamay ni Lucas na nagpipigil.

"Jeydon, tama na! Walang kasalanan dito si Lucas. Wala kaming ginagawang masama."

"Magkayakap kayo tapos sasabihin mong wala kayong ginagawang masama?! Huwag n'yo nga akong gawing tanga! Maglalandian na lang kayo, 'yong lantaran pa?!"

Bigla na lang sinuntok ni Lucas si Jeydon. Susuntukin din sana ni Jeydon si Lucas pero naawat siya nina Troy.

"Alam mo, wala kang kwentang boyfriend! You don't deserve Candice!"

Hindi makapagsalita si Jeydon. Nakatingin lang siya sa 'kin tapos bigla siyang tumawa.

"At sino 'yong deserve niya? Ikaw, Shawn? Haha! E di, magsama kayo!"

Inalis niya 'yong kamay nina Troy sa braso niya. Tiningnan niya ulit ako bago siya umalis. Naiwan naman do'n sina Troy at Marky.

"Sundan n'yo na si Jeydon," sabi ko.

Umalis naman silang dalawa, susundan din sana ni Lucas si Jeydon pero pinigilan ko siya.

"Huwag na, Lucas. Wala kang kasalanan dito."

"Kailangan niyang malaman 'yong totoo. Mali siya ng iniisip, e!" Pinunasan ko 'yong luha sa mga mata ko pero hindi pa rin tumigil ang pagtulo ng mga 'yon.

"Huwag na. Hayaan mo na siya..."

Naglakad ako palayo sa kanya. Hindi ko pa rin napigilang umiyak. Sakto namang umulan, parang alam ng langit na umiiyak ako. Wala na akong pakialam kung mabasa ako. Basta ang alam ko lang, nasasaktan ako.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 62 12
"🌄 Welcome toHAEDODI,- where each sunrise breathes life into a limited-face claim graphic shop featuring 정우 Jungwoo, 밈주 Minju, and 리노 Lee Know. Embr...
329K 7K 84
It's not all about FAME, It's all about SACRIFICES and UNCONDITIONAL LOVE. 💕
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
145K 4.7K 35
{EXO Fanfiction-COMPLETED} Sino ang pipiliin niya? Ang taong mahal niya o ang matagal nang pinapangarap niya? Started: August 25, 2013 Finished: Ap...