Akin Ka [Published under Sizz...

By asherinakenza

21.9M 253K 17.5K

Matagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. M... More

Akin Ka [Fin]
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Finale
Epilogue
Special Update #1
Special Update #2
Special Update #3
Special Update #4
Special Update #5
Special Update #6
Special Update #7

Chapter 3

421K 5.6K 309
By asherinakenza

Chapter 3

KEI'S P.O.V

Pagkagising ko wala na siya sa tabi ko, pero rinig na rinig ko yung tawanan nila sa baba. Pumasok muna ako sa CR ng kwarto para maghilamos at magtooth brush. Sinuklay ko na rin ang buhok ko bago ako bumaba.

"Hahaha! Eh kakaiba ka rin palang bata ka!" tuwang tuwang sigaw ni Mama habang hinahampas ang braso ni Kyle.

"Hindi naman, Ma!" sagot ni Kyle at talagang pinanindigan na niyang Mama ang tawag niya sa Mama ko?

Napalingon silang lahat sa pwesto ko.

"Oh anak, gising ka na pala! Kumain ka na sa kusina. Napapasarap ang kwentuhan namin nitong boyfriend mo," masayang sabi ni Mama.

Nginitian naman ako ni Kyle. Hindi ko siya matignan nang diretso dahil sa nangyari kagabi. Yung mga sinabi niya sa akin at tumatak sa isip ko yung paghalik niya sa leeg ko, pakiramdam ko hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung halik niya.

Tumayo si Mama at Kyle.

"Halika na, kakain na," sabi ni Mama sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papuntang kusina. Sumunod naman si Kyle sa amin.

Hinila ni Kyle yung upuan at maingat akong pinaupo. Si Mama naman pinaghain pa ako kahit kaya ko naman. Ganyan kasi si Mama tuwing umuuwi ako dito. Nakakalungkot lang dahil babalik na kami ng Manila mamaya at may trabaho na naman ako.

"May hika pala dati 'yang boyfriend mo!" sigaw ni Mama habang sumasandok ng kanin.

Umupo naman sa harapan ko si Kyle at nakatingin lang siya sa akin. Humarap na si Mama at inilapag ang kanin at ulam sa mesa.

"Kanina kasi sinumpong si Robi ng hika niya, alam ni Kyle ang gagawin. Ang sabi pa niya kaya raw nawala ang hika niya dahil sinanay niya ang katawan niya ng ehersisyo araw-araw. Aaba kanina nga nag-jogging siya diyan sa labas, pinagtitinginan siya ng mga dalagita. Sumigaw nga ako, ang sabi ko asawa mo yan!" Napapikit ako sa sinabi ni Mama. Kahapon lamang ay boyfriend ko daw si Kyle? Ngayon naman ay asawa na?

"MA!" suway ko kay Mama.

"Bakit ba? Ang lalandi ng mga kababaihan jan kanina, o siya maiwan ko nga muna kayo jan may aayusin lang ako sa likod ng bahay," paalam ni Mama. Kumain na lang ako ng hindi tinitignan si Kyle, pero ramdam kong nakatuon yung mga mata niya sa akin.

Magkakasunod na subo ng pagkain ang ginawa ko pero napaubo ako nang may maramdaman akong gumagapan sa binti ko. Agad akong uminom ng tubig. Tinignan ko siya at ngiting-ngiti naman siya sa akin. Alam kong paa niya yung gumagapang sa binti ko!

"Ano ba, Kyle? Kumakain ako!" bulyaw ko sa kanya.

"Bakit hindi mo ako matignan ng diretso?" May halo na naman ng pang-aasar ang boses ni Kyle.

"Wala ka na dun!" Pag iwas ko saka tumungo na ulit ako at kumain, pero naramdaman ko na naman yung paa niya sa binti ko. Hindi ko na sana papansinin 'yon pero nagulat ako ng umabot sa taas ng hita ko ang paa niya.

Maliit lang pati ang mesang kinakainan ko ngayon dito sa kusina, hindi katulad dun sa mismong dining area namin mahaba ang lamesa.

Tinignan ko siya ng masama. Nakatingin lang siya sa akin at sobrang seryoso ng mukha niya. Pero yung mga mata niya nang-aasar. Yung para bang sinasabi ng mga mata niya na hindi siya mapipigilan sa ginagawa niya.

"I-isa Kyle..."

Halos ibulong ko na lang 'yon dahil dahan-dahan niya na namang ibinaba ang paa niya sa binti ko. Pakiramdam ko nag-iinit yung mukha ko sa ginagawa niya.

Ibinato ko sa kanya ang hawak kong kutsara pero mabilis naman niyang naiwasan 'yon.

"Damn you, Kyle!" sigaw ko at sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko.

Tumayo siya.

"Admit it, naaakit ka na sa akin Kei. Mahirap 'yan, pinipigilan mo pa," nakangising sabi niya. Naiwan akong nakanganga dahil d'on.

Pagkatapos kong kumain lumabas na ako ng bahay. Naabutan kong naglalaro ng unggoy ungguyan sa baraha si Chel at Apple sa sahig ng terrace ng bahay namin kasama si Kyle.

"Kei! Sali ka sa amin!" anyaya ni Apple. Iiling na sana ako pero hinila nila kaagad ang kamay ko at pinaupo ako sa tabi ni Kyle.

"Okay, ganito kasi ang laro namin kanina pa. Kung sinong matatalo susundin niya ang gusto nung huling talo," nakangiting paliwanag ni Chel.

"Huh? Eh sino na bang talo?" nakakunot-noong tanong ko.

"Ako!" excited na sabi ni Kyle. Nagtawanan sila Chel dahil sobrang taas ng energy nito. Kinindatan naman niya yung dalawang pinsan ko. Sa lahat yata nang natalo siya ang masaya.

"Kaya dapat magpatalo ka. Maganda yung gusto kong mangyari," nakangiting sabi niya sa akin.

"Kailan ba naging maganda ang mga plano mo ha Kyle?" inis na tanong ko. Pero hinaplos niya lang ang buhok ko at mabilis na pinisil ang ilong ko.

Nagsimula nang ibalasa ni Chel ang baraha at binigyan niya kami isa-isa. Sigawan nang sigawan sila Apple tuwing magbubunutan. Si Kyle naman kampanteng-kampante sa baraha niya.

"Yay! Wala na akong baraha!" sigaw ni Chel pagkatapos itapon ang huling pares ng baraha.

Maya-maya lang maging si Apple wala na ring baraha. This can't be, please Lord papanalunin niyo ako! Humarap ako kay Kyle at pilit kong itinatago ang baraha ko sa kanya. Bumunot siya at napakunot ang noo niya.

"Tsk!" iritadong sabi niya. Napangiti ako dahil d'on. Mukhang mananalo na ako.

Nung ako na ang bubunot sa kanya bigla niyang inilagay sa likuran niya ang baraha. Dalawa na lang 'yon at isa na lang ang baraha ko. Kailangan kong manalo dito!

"Hoy! H'wag kang madaya!" sigaw ko.

"Hindi ako nandadaya. Sinisigurado ko lang na ako ang mananalo dito," nakangiting sabi niya saka maingat na iniharap sa akin ang baraha niya.

"Siguraduhin mong mananalo ka Kei, dahil kapag ako ang nanalo wala kang choice kundi ang sundin ako,'' nakangiting sabi niya. Inirapan ko lang siya.

Shit! Kinakabahan ako! Nagmini-mini muna ako bago ako bumunot at—

UTANG NA LOOB! Bakit hindi pareho? Tumawa ng malakas si Kyle. Bubunot na sana siya pero ginaya ko ang ginawa niya kanina. Naghahagikhikan naman ang dalawang pinsan ko.

"Bunot na!" sigaw ko. Ipinikit ko ang isang mata ko habang dahan-dahan bumubunot si Kyle. Hindi ito yung nabunot niya kanina sa akin.

"Wohoo!!!" sigaw ni Kyle at nakipag-apir siya kay Chel.

"Panalo ka?" hindi makapaniwalang tanong nila Apple.

Sobrang lapad ng ngiti ni Kyle at parang mapupunit ang labi niya sa sobrang saya.

"Oh dali Kyle! Sabihin mo na kay Kei ang gusto mo!" nakangiting sabi ni Chel. Bakit ba kinakabahan ako?

Tinignan akong mabuti ni Kyle, at halos mapalunok na naman ako dahil sa titig niya sa akin. No, hindi siya sa mata ko nakatingin kundi sa labi ko.

"Kiss me," bulong ni Kyle at halos magtayuan ang balahibo ko dahil d'on.

Nanlaki ang mata ko. Ang daming pwedeng hilingin, bakit yun pa?

Tumayo ako at akmang aalis pero mabilis niyang nahila ang braso ko at napadapa na naman ako sa dibdib niya. Magkapantay ang mukha naming dalawa at magkadikit ang ilong namin. Titig na titig siya sa mata ko yung para bang gusto akong lamunin ng mga mata niya. Yung dibdib niya sobrang ingay, samantalang ako punong-puno ng kaba.

"Isa lang, Kei."

May halo na naman ng pang aasar ang boses niya. Pilit ko siyang itinutulak pero mas lalo akong napapadikit sa kanya.

"Yiee!" Narinig kong pang-aasar nila Apple.

Wala na akong ibang choice kundi gawin ang nararapat. Ipinikit ko ang mata ko at...

"Ahhh!!!" Halos magkasabay na sigaw namin. Kahit sobrang sakit ng ulo ko pilit akong tumayo sa pagkakadapa sa kanya.

"Ah shit!" mura ni Kyle habang hawak-hawak ang noo niya. Nakahawak din ako sa noo ko.

"Ang sakit, Kei! Teka nasaktan ka rin ba?!" tanong niya, pero imbis na sagutin ko siya tinakbuhan ko siya.

Mabilis kong itinulak ang gate ng bahay namin at ni-lock 'yon saka nanakbo sa labas. Pero paglingon ko nakasunod na silang tatlo sa akin. Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo.

"KEI! H'WAG KANG MADAYA! ISANG HALIK LANG NAMAN!" sigaw ni Kyle habang hinahabol ako. Napansin kong ang dami nang nakatingin sa amin. Shit, bakit kailangan niyang sumigaw?

"KEI!" Narinig kong sigaw ni Apple at Chel.

"Isang halik lang! Takte Kei, h'wag kang tumakbo baka madapa ka!" sigaw ulit ni Kyle.

Naramdaman kong pabagal nang pabagal ang pagbtakbo ko dahil sa pagod. At napasigaw ako nang hablutin niya ang braso ko saka mabilis niyang ipinulupot ang dalawang braso niya sa bewang ko. Hingal na hingal kaming pareho dahil sa pagtakbo at kasabay pa n'on ang sobrang kaba ko dahil sa pagkakahawak niya sa sa akin.

"H'wag ka ngang madamot! H'wag mong ipagdamot sa akin yang laway mo! Matuto kang magshare!"

At napasinghap ako nang angkinin ng mainit niyang labi ang labi ko. Narinig ko ang malakas na sigawan sa paligid, pero unti-unting nawawala yung sigawan na 'yon dahil parang pakiramdam ko lumulutang ako.

Gusto ko siyang itulak pero nanghihina ako. Pakiramdam ko babagsak na ang tuhod ko dahil sa ginagawa niyang halik sa akin. Hindi ko rin maipaliwanag yung mga kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Oo nga, hindi ito ang unang beses na mahalikan ako ng isang lalaki, pero parang bago lahat ng pakiramdam na 'to. Hindi ko na rin namalayan na sinusundan ko na rin ang paggalaw ng mainit niyang labi. Napahawak ako sa laylayan ng T-shirt niya nang bitawan niya ang bewang ko para ikulong ng dalawang palad niya ang magkabilang pisngi ko. Dun ko naramdaman na mas lalo niyang pinalalim ang halik sa akin. Nakakabaliw, nakakaadik, nakakahingal, lahat na nang 'nakaka'—

Napapitlag ako nang biglang may bumusinang tricycle sa mula sa likuran ni Kyle. Parang natauhan ako sa ginagawa namin. Nag-init ang pisngi ko nang makita kong sentro kami ng atensyon ng lahat ng tao rito.

"Shit!" bulalas ko. Narinig ko namang tumawa lang si Kyle. Pinunasan ko ang labi ko at pinaghahampas ko ang dibdib niya.

Pero imbis na masaktan siya tuwang-tuwa pa siya. Mabilis niyang hinuli ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya. Ayan na naman yung abs niya! Nararamdaman ko na naman ang mga ito kahit na naka-T-shirt siya!

At sa pangalawang pagkakataon napanganga na naman ako sa sinabi niya.

"Sabi ko naman sayo eh, mahirap pigilan yang damdaming gustong kumawala!"

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 163 37
Lions Series No. 5 : ZANDER LOU [ Book 1 ]
1.8M 7.3K 5
Duke Xyrus Dela Marcel Dela Marcel Series: Duke's Possession by Diyosangwriter Book Cover: CookieMallows (Current) Book Cover: Krunchey (old one)
4.6M 99.2K 53
Book 1 of Chasing The Bad Girl I want to cry I want to scream I want to tell you mostly I hate that I'm afraid of everything I hate that you're the o...
924K 14K 35
Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Please do grab a copy! Paki-tag po ako sa...