Dangerous Rose

By veryCLASSYfied

11.5K 619 266

She's been bullied, been hurt physically and emotionally. And worst, been raped by someone she loves. S... More

✖Dangerous Rose✖
dangerous chapter one
dangerous chapter three
dangerous chapter four
dangerous chapter five
dangerous chapter six
dangerous chapter seven
dangerous chapter eight
dangerous chapter nine
dangerous chapter ten
dangerous chapter eleven
dangerous chapter twelve
dangerous chapter thirteen
dangerous chapter fourteen
dangerous chapter fifteen
dangerous chapter sixteen
dangerous chapter seventeen

dangerous chapter two

814 54 14
By veryCLASSYfied


|Helpful Henry|

"W- what?" Mahinahong tanong nya kay Rose.

Nanatili ang takot nya na hindi na ito sumagot sa tanong niya. At isang malaking pagsisisi iyon para sakanya. Ang narinig nya lang na sinabi ni Rose ay 'I'm R---'. Gusto nyang malinawan. Sana lang ay magsalita ulit ito. Dahil para sakanya ay mahalaga ang bawat sasabihin ni Rose. Hindi nya alam kung bakit.

Matagal pa bago sumagot si Rose at umiwas na ito ng tingin sakanya. Siguro nga'y hindi na nito sasagutin ang tanong nya, pero patuloy pa rin syang umaasa, "w-what is it, again?" Tanong nya ulit kay Rose at itinaas ang mga kilay nya naghihintay sa sagot niya. Hiling niya lang ay hindi pa mag-go ang traffic light.

Nakita niyang dahan-dahang ibinukas ni Rose ang bibig nya. At inaabangan nya ang bawat sasabihin nito.

"I'm Rose." Sagot ng babae.

Napabuntong hininga sya sa narinig nya. Sinagot sya ni Rose. At ngayon ay alam nya na din ang pangalan nito. Napangiti sya sa babae na hindi nakatingin sakanya. Natutuwa lang sya na kinausap sya nito.

"Rose. What a beautiful name," ngumiti sya, "well," ibinaba nya ang isang kamay nya para makipag shake hands kay Rose, "I'm Henry." Pag papakilala nya.

Hindi agad pinansin ni Rose iyon. Pero ng sandali, ay dahan dahan syang lumingon at tumingin sa kamay ni Henry. Tinitigan nya iyon. At tumingin din sya sa mukha niya. Ngumiti naman si Henry kay Rose, hinihintay na makipag shake hands sakanya.

Pero iniwasan niya lang iyon. Iniwas nya ang tingin nya kay Henry at tumingin sa bintana sa gilid niya. Agad namang binawi ni Henry ang kamay nya at ipinatong sa manebela.

"It's fine. I know sooner or later you'd like to know me." Sabi nya habang nakatingin sa traffic light at nakangiti.

"Mysterious girl. I like that." Bulong niya. Sinigurado nya na hindi iyon maririnig ni Rose. Tinignan nya ulit si Rose at nakita niyang nakatingin lang ito sa bintana ng kotse nya. Walang kibo at sobrang tahimik.

Hanggang sa nag-go na ang ilaw ng traffic light at dumiretso na sya sa pag d-drive. Nanatiling tahimik sa loob ng kotse nya. Nahihiya din naman syang kausapin si Rose dahil mukhang wala pa ito sa mood. Kaya't hinyaan nya na lang.

Ilang minuto na ang nakalipas ay nakarating na sila sa bahay nya. Ipinark niya ang kotse niya sa garahe at pagkatapos noon ay itinanggal niya na ang seatbelt nya. Nakita nyang walang seatbelt na isinuot sa sarili si Rose.

"Bakit hindi ka nagsuot ng seatbelt, Rose?" Tanong nya.

Tumingin lang ito sakanya. Emotionless.

Parang walang balak itong sumagot kaya't sya na lang ang nag salita, "okay, it's fine. Just next time don't forget to wear seatbelts, huh?" Sabi nya at mabait na ngumiti kay Rose. Umiwas lang ito ng tingin sakanya.

Hinayaan nya nalang iyon at lumabas na ng kotse. Mabilis naman niyang ipinag buksan si Rose ng pintuan. Dahan dahan din namang bumaba si Rose sa kotse at inilalayan sya ni Henry dahil parang nanghihina sya.

Nang makalabas sa kotse ay tumitig si Rose sa paligid. Napangiti naman si Henry, "wanna go inside?" Aya nya. Tumingin si Rose sakanya,

"Let's go? Let's... clean you up. You look mess." Mahinahong sabi nya kay Rose.

Hot mess. Exactly what he wants to say. Pero ayaw nyang matakot ito sakanya kaya't isinara nya nalang ang maingay niyang bibig.

Hinawakan nya si Rose sa likod nito para alalayan. Pero nang matutumba ito ay agad nya itong hinawakan sa braso at ipinatong sa kanyang balikat at hinawakan ng mahigpit sa kamay. Medyo nahihiya sya dahil baka isipin ni Rose na hinihipuan nya ito. Pero nagulat sya ng hayaan ni Rose na hawakan sya nito. At humawak din si Rose sa likod ni Henry para mabalanse ang hawak nila sa isat isa.

Nagsimula na silang maglakad papasok sa loob ng bahay. Nang makapasok sila ay maingat na ipinaupo ni Henry si Rose sa sofa. Tahimik doon at siya lang at ang dalawang yaya niya ang kasama niya. Nang makita sila ng isa nyang matandang yaya na si Yaya Jean, ay agad itong lumapit na may pag aalala sa mukha,

"Oh, Henry. Sino sya?-" napatingin ito sa mga sugat at mukha ni Rose, "nako! Anong nangyari!? Bakit sya may mga sugat at pasa-" bago nya pa matapos ang sasabihin ay nagsalita na si Henry.

"Yaya Jean, will you please get the first aid kit? I need to clean her wounds before she got infected." Utos niya sa yaya.

"S-sige. Nakoo!" Mabilis namang naglakad si Yaya Jean para kunin ang first aid kit. Pagbalik nito ay may dala na rin syang towel at ekstrang damit,

"Ho, eto," iniabot nya iyon kay Henry, "palinisin mo muna sya ng katawan, Henry, bago mo tabunan ang mga sugat niya." Payo ni Yaya Jean.

Inilapag ni Henry ang mga ibinigay ni Yaya Jean sakanya at mabilis na inihatak si ang yaya nya ng medyo papalayo kay Rose. At bumulong ito,

"Ya Jean, b-but she can't talk right now. And I think, she has a trauma or something, I don't know. I just think something bad happened to her." Mahinang sabi ni Henry sakanyang yaya.

"P-pero saan mo ba sya nakuha o nakita? Hindi mo sya kilala, Henry! Baka mamaya magnanakaw yan o kung ano, baka nabibiktima ka lang sa kan--"

"No! let's just not talk about that right now! All I want you to do is help to clean herself up at the bathroom, understood?" Utos niya at patuloy na bumubulong sa isat isa. Tumitingin tingin naman sya kay Rose, na nananatili lang na nakaupo sa sofa.

"P-pero, Henry!"

"Yaya! Please? Just listen to me."

Napabuntong hininga na lamang ang yaya nya at pagkatapos nun ay bumalik na sila sa harap ni Rose. Wala pa rin itong emosyon.

"Um... Rose?" Tumabi sya kay Rose sa sofa, at sumunod naman si Rose ng tingin sakanya, "she's Yaya Jean," itinuro nya ang yaya, "and she's going to help you to clean yourself at the bathroom, okay? Just follow her and I swear... She's a kind person..." Ngumiti sya kay Rose, pero hindi ito tumingin kay yaya Jean.

Nakita ulit ni Henry ang dahan-dahang pagbukas ni Rose ng kanyang bibig at inaabangan nya ang bawat sasabihin nito.

"No." Shaking her head, "I want you to go with me." She simply said. Mahina at mahinhing sabi nya kay Henry. Napatulala lang si Henry sa sinabi nya. His mouth fell open. Pero nanatili lang nakatitg si Rose sa mga mata ni Henry.

Nagulat si Henry sa sinabi nya.

"B-but, darling..." Sumingit ang yaya ni Henry sa usapan nila, "lalaki sya eh, ako nalang ang sasama sayo. At hindi pwed-" pinigilan sya ni Henry sa pagsasalita ng tumingin so Rose sa kanyang yaya.

"No, Yaya." Tumingin na ulit si Rose kay Henry, "of course, Rose. Uhh... Ganito nalang, sasamahan kita pumunta doon sa bathroom... Pero kapag maliligo kana, doon nalang ako sa labas maghihintay ako sayo. Promise, hindi ako aalis, okay ba yon?" Sabi nya kay Rose at itinaas ang mga kilay nya hinihintay ang pagsang-ayon ni Rose sakanya.

Hindi nagtagal ay tumungo ito. Napangiti si Henry.

"Okay, then. Halika na?" Mahinahong aya nya at tumayo. Ibinaba nya din ang isa nyang kamay para ayain na si Rose na tumayo, ngunit nag aalala pa rin ang yaya nya para sakanya,

"Are you sure about this, Henry?"

"Yeah. I can handle this." Sagot niya at nakita nya na tumayo na si Rose kaya agad niya na itong inlalayan papatayo.

"Just please ready the guest room while she's taking a bath, okay?" Utos nya. Tumungo naman si Yaya Jean sakanya.

"Sige sige," lumapit ito para bumulong sa tainga nya,"mag ingat ka, anak. Nakooo-"

Inurong ni Henry ang tainga nya sa pag bulong ni Yaya Jean, "There's nothing to worry about, yaya. Rose is not dangerous."

Kinunot ni Yaya Jean ang noo nya kay Henry,

"Isn't she?" Bulong nya kay Henry.

Hindi nga ba?

Short pause,

Makikita na sa mukha ni Henry ang pagkapikon,

"Please yaya, stop overreacting." Iniwas nya nalang ang tingin nya dito at pinagbalingan si Rose na nakasandal parin sa hawak nya.

Naglakad na sila papuntang bathroom. Nanghihina pa din si Rose. Pagdating nila sa bathroom ay nagdesisyon nalang si Henry na pagliguin si Rose sa bathtub. Mukhang sang-ayon naman ito kaya't binuksan nya ang gripo ng bathtub.

Umupo muna silang dalawa sa gilid ng bathtub habang hinihintay itong mapuno. Tumitig si Henry kay Rose na nakatingin lang sa pagtulo ang tubig sa gripo. Tinignan nya ang mga sugat nito. Ang buhok, mahaba ang magulo. Ang kanyang white dress, na abot hanggang tuhod, may bakas ng dumi. At mayroong parte doon na may dugo. Tinitigan nya iyon ng mabuti. Ngunit nang mahalata sya ni Rose na nakatingin doon ay agad nyang hinawi iyon at tinakpan. Umiwas naman ng tingin si Henry doon.

Nagsimula nanaman syang magtanong sa isip ng mga misteryosong kilos at mayroon ang babae. Nang mamalayan nyang napuno na ang bathtub ng tubig. Agad nyang isinara ang gripo noon.

"Uh... Rose... Um... Maligo kana dito at hihintayin kita sa labas okay?" Tanong nya. Nang tumungo si Rose sakanya ay nginitian nya ito at tumayo na para maghintay kay Rose sa labas ng bathroom.

Ang design ng bathroom ay kulay puti. At ang bathtub naman ay kurtina lamang ang pantakip para sa maliligo doon. Transparent lang ang pinto kaya kapag tumingin ka sa loob ay kita mo ang anino ng naliligo sa loob ng bathtub.

Nakita nya na hinubad ni Rose ang dress nya at ipinatong iyon sa ibabaw ng kurtina. Kasabay nun ay ang underwear nya. Hindi maiwasang tumingin ni Henry doon. Sobrang ganda ng hugis ng katawan ni Rose. Kitang kita ang anino nito na nasisinag ng ilaw sa loob ng bathroom. Habang nakatayo at naghuhubad sya ay nandun lang si Henry sa labas ng pinto, naghihintay.

Nakita nya din na ipinatong ni Rose ang underwear nya sa ibabaw ng kurtina kasama ang damit nya. Titignan nya sana kung anong kulay iyon pero tinakpan agad ni Rose iyon gamit ang white dress nya. Pagkatapos naman ay humiga na sya sa bathtub at naglinis ng katawan.

Ipinatong ni Rose ang legs nya at patuloy na sinasabunan iyon. Hindi nya maiwasang Hindi mapatingin, sobrang sexy nya at ganda. Itinaas nya ang buhok nya at sinabunan iyon. Kinagat ni Henry ang mga labi niya at sinarhan ang mga mata nya ng mahigpit.

He groaned, "stop, Henry! You're being an asshole from what your doing!" Saway nya sa sarili. Hinaplos ang mukha nya gamit ang mga kamay at tumingin ulit kung patapos na si Rose.

Minuto ang nakalipas ay nakita nyang tumayo si Rose at nagbibihis na. Tumingin sya sa relo nya, it's already 8:55. Mga 5 minuto na syang naliligo. At nagbibihis palang ito. Umupo muna sya sa gilid ng pinto para hintayin si Rose na lumabas.

Pagkatapos ay narinig nyang bumukas ang sliding door. Agad nyang itinayo ang ulo nya at nakita nya si Rose...

Nakakulay puti na T-shirt na mahaba sakanya at umaabot hanggang hita. May design iyong rose sa gitna ng damit. At naka sleeping shorts sya. Kitang kita doon ang makininis pero napupuno ng sugat at pasa ang kanyang hita.

Napatulala si Henry sa kasexy-han nya. Sobrang puti ni Rose. At black na black ang buhok nya. Na umaabot hanggang sa baywang. At ang pagkapula ng pisngi ay hindi parin nawawala. Para syang nag blush on. At ang labi nya, hugis puso at sobrang kissable nito.

Napatitig mula hanggang paa, papuntang legs at mukha kay Rose si Henry ng lumabas ng bathroom si Rose.

So gorgeous.

His mind says.

Napalunok ng laway si Henry at kinagat ang kanyang labi.

"Wow. You look... Perfect." He complimented.

She remain silent. Umiwas lang ito ng tingin at iniatras ng isang beses ang kanyang paa papalayo kay Henry. Takot pa ito. Nagsisi si Henry na sinabi nya ito dahil mukhang may trauma pa din ito. Kaya nag isip agad sya ng ibang sasabihin.

"Hindi ka ba mag tha-thank you? Kasi... You know? Marami na rin akong naitulong sayo... Pero ok lang, alam ko namang-"

"Thank you." Simpleng sabi ni Rose.

Napatulala nanaman si Henry. Gusto nya ulit marinig ng paulit ulit ang boses ni Rose. Kung pwede lang na irecord ang boses nito at paulit ulit na i-play ay gagawin nya. Pero palaging hindi siya oriented kapag nagsasalita ito. Lumabas sa bibig ni Henry ang isang masayang ngiti.

"You're welcome, Rose." He said smiling at her. Pero hinayaan lang sya ni Rose na magsalita.

Rose. Kaya siguro yun ang pangalan nya dahil sa mapula niyang pisngi at mga labi. Bagay na bagay sakanya ang damit ko.

Bagay na bagay.

Bulong ng utak nya habang nakatitig sa damit at mukha ni Rose.

"Let's go? Ihahatid na kita sa guest room?" Aya nya at lumapit kay Rose at hinawakan ang likod nya, itinungo lang nito ang ulo nya. Napangiti lang sya dito at inihatid nya sa guest room.

Kung mas tatagal ay gusto makita ni Henry na ngumiti si Rose. Nasisigurado nya na mas maganda ito kapag nakangiti. Pero alam nyang imposible pa iyong mangyare sa ngayon dahil mukhang may problema pa ito. At sariwa pa ang pangyayari para sakanya. At gusto nya makatulong doon. Gusto nyang tulungan si Rose sa abot ng kanyang makakaya. Basta makita lang itong ngumiti o kaya'y maging masaya.

***

Hi Lovely Readers!

enjoying chapter 2? Please don't forget to vote. And don't be shy to comment your thoughts below! Your comments inspires me to do more!

Just keep swimming... Just keep reading...

dangerously love y'all,

Classy.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 236K 49
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
10.1M 638K 168
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
198K 15.4K 35
𝐕𝐈𝐇𝐀𝐀𝐍 ♡ 𝐑𝐔𝐇𝐀𝐍𝐈𝐊𝐀 Ruhanika, a quiet introvert with a passion for books and study. She thrives in the world of words, finding solace in...
5.2M 461K 96
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...