The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

62: Just a kiss goodnight.

2.8M 66.2K 37.1K
By blue_maiden

CHARLES

Nasaan na ba ako? Puro puti 'yong nakita ko sa paligid. Huwag mong sabihing patay na ako? Pucha, akala ko ba, matagal mamatay 'yong masamang damo? Ang huling pagkakatanda ko, may sungay pa ako. Tsaka isa pa, kung puti lahat ng nakikita ko, malamang, langit nga 'yon. Pero hindi ako qualified sa langit, e.

"Hoy, Charles!"

Taena, sakit sa tenga ng boses na 'yon, ah! Si Kamatayan na ba 'yon? Baka sinusundo na ako roon. Bigla tuloy akong kinilabutan. Teka, pati ba ang patay, kinikilabutan pa rin?

"Huwag kang magtulug-tulugan diyan, ugok!"

Napansin ko lang, nakapikit pala ako. Akala ko, dilat ang mga mata ko, kaya pala puro puti lang ang nakita ko. Unti-unti kong binuksan 'yong mga mata ko, 'yong maganda kong mga mata. Pagkadilat ko, nakita ko si Sirena. Galing pala sa Amazona 'yong boses na 'yon. Nasa ospital lang pala ako. Sabagay puro puti naman talaga ang makikita sa ospital, 'di ba? Akala ko talaga, patay na ako. Sayang 'yong lahi ko kapag nangyari 'yon.

"See? Sabi sa inyo, e. Matagal mamatay ang masamang damo." Tatlo silang nasa paligid ng kama ko. Si Sirena, si Troy tsaka si Marky.

"Tanda, okay ka na ba? Pinag-alala mo kami, ah."

Umupo ako sa kama ko. Ouch! Sumakit bigla 'yong ulo ko tsaka 'yong buong katawan ko. Ano ba kasing nangyari? Inalala ko 'yong huling nangyari bago ako nawalan ng malay.

Nasa tambayan ako tapos may nag-text sa 'kin na nasa warehouse daw ng school si Candice. Nag-alala ako kaya pumunta ako ro'n tapos may limang lalaki na pa lang nag-aabang sa 'kin. Pinagtulungan ako no'ng mga gago. Ang daya nga nila, may mga tubo pa silang dala. Malakas ako pero hindi ako si Superman, hindi ako si Jeydon. Taena, kahit si Superman nga, may kahinaan, e. Ako pa kaya?

"Nahuli n'yo ba yong may gawa sa 'kin nito?"

Tiningnan ko 'yong dalawa pero hindi nila ako sinagot. Napatingin si Troy kay Serina. Nandoon nga pala yong babaeng 'yon.

"Sirena, pwede mo ba akong ibili ng pagkain sa labas? Gutom na ako, e."

"Aba, may utusan ka, ha? Pasalamat ka, baldado ka. Makikipag-away pa kasi, hindi naman kaya 'yong sarili! Hay, ewan ko ba! Kahit kailan, ang bad boy mo!" Umalis siya sa kwarto ko na nagdadabog pa rin. Ang dami pang arte ng babaeng 'yon, bibili rin naman. Mga babae naman talaga, napakaraming arte.

"Noong nakita ka niya kaninang walang malay, sobrang nag-aalala 'yong mukha niya."

'Sus, nag-aalala raw? Wala 'yon sa bokabolaryo niya. Ang laki pa ng ngiti sa 'kin ni Troy, malisyoso.

"Change topic! Sino ang gumawa sa 'kin nito?"

"Nakita namin 'to sa sahig do'n sa warehouse." Inabot ni Troy sa 'kin 'yong papel. Ilang minuto ko ring tinitigan 'yong nakasulat do'n. Red Dragon. Isang tao lang 'yong alam kong gumamit ng Red Dragon, si Jeydon. Hindi kaya 'yong bagong leader ng Phoenix 'yong nagsulat no'n? Siya nga lang 'yong pwedeng gumawa no'n. Red Dragon 'yong pinangalan ng Phoenix kay Jeydon, sa leader namin. Malamang Red Dragon din ang tawag ng Phoenix sa bagong leader nila.

"Alam kong alam mo na rin kung ano 'yong nasa isip namin."

"Alam na ba ni Jeydon 'to? Teka, sinabi n'yo na ba 'yong nangyari sa 'kin kay Mama at kay Candice?"

Lintek, patay ako kay Mama. Sisigawan na naman ako no'n tapos si Manang pa, pagsasabihan na naman ako no'n. Pambihira talaga!

"Hindi pa namin sinasabi sa kanila. Kay Serina pa lang namin pinaalam. Gusto mo bang sabihin sa kanila?"

"Huwag! Huwag na huwag n'yong sasabihin!" Kinuha ko agad 'yong phone ko, nag-text agad ako kay Mama na hindi ako makakauwi. Kahit anong palusot na lang ang ginawa ko. Mas mabuti nang hindi nila alam 'yong nangyari sa 'kin. "Marky, tingin ko, kailangan na natin 'tong sabihin kay Jaydee?"

Pareho naming tiningnan ni Troy si Marky, naghihintay ng sagot niya.

"Tama, ako nang bahalang magsabi sa kanya. Mabuti pa, magpagaling ka riyan." Binuksan ko 'yong TV. Medyo masakit pa rin 'yong katawan ko pero mukhang kaya ko naman nang lumabas sa ospital bukas. May laban pa kami ng basketball, paano na lang 'yong fans ko? May naalala tuloy ako bigla.

"Troy, iabot mo nga sa 'kin 'yong salamin!" Sana mali 'yong nasa isip ko.

"Wala namang pinagbago Charles, e." Pagkaabot pa lang niya ng salamin, tiningnan ko na agad 'yong mukha ko.

"Pucha! Ang nakapakagwapo kong mukha!"

Tiningnan ko nang masama si Troy. Ito ba 'yong walang pinagbago? Hindi 'to pwede! Anong nangyari sa mukha ko? Puro pasa na. Ang layo-layo na sa napakagwapo kong mukha. Pagbabayaran talaga ng mga 'yon ang ginawa nila sa 'kin! Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti sa kanila. Wala silang karapatang sirain 'yong mukha ko. Paano ako haharap bukas nito sa game namin?

Biglang bumukas nang malakas 'yong pinto.

"Ang layo-layo ko pa lang, dinig na dinig ko na 'yong boses mo! Anong problema mo, Charles?!"

Hindi ko siya pinansin, busy ako sa mukha ko. Noong lumapit siya sa kama ko, kinuha ko agad 'yong pagkaing dala niya.

"Problema ko? 'Yong mukha ko!" Tumawa siya nang malakas, napatingin tuloy kaming tatlo sa kanya.

"Ngayon mo lang ba na-realize na pangit ka? Nakakatawa ka talaga." Hinawakan pa niya 'yong tiyan niya sa sobrang tawa niya. Simula pa lang talaga, alam ko nang takas siya sa mental, e.

"Iwan na nga namin kayo." Lumapit sa 'kin si Marky tsaka si Troy. "Sige, una na kami, Tanda."

"Ano? Huwag n'yo akong iwan sa baliw na babaeng 'to!"

Ngumisi lang silang dalawa sa 'kin. Alam mo na ang iniisip ng dalawang 'yon, e! Malilintikan talaga silang dalawa sa 'kin kapag nakalabas na ako roon.

"Bye, Charles!" Dumiretso sila sa pintuan tapos lumabas sila agad na tawa nang tawa.

"Huwag n'yo akong iwan sa Amazonang 'to!"

Binatukan niya ako. See? Amazona talaga.

"Ikaw, huwag ka nang mag-inarte riyan. Aalagaan na nga kita, e. Arte mo pa?"

"Sino ba kasing may sabing alagaan mo pa ako? Kaya ko naman, e."

Binatukan na naman niya ako, pisikalan talaga ang gusto niya, e.

"Ouch, ang sakit no'n, ah!"

Umupo siya sa tabi ko, nagbalat siya ng mansanas. Sasaktan niya ako tapos pinagbabalat niya ako ng mansanas? Anong trip ng babaeng 'yon?

"'Yan naman ang gusto mo, 'di ba? Sakit ng katawan? Hindi ka pa rin nagbabago."

"Nagbago na ako, ah!"

Nilagay niya 'yong mansanas sa plato sa harap ko, kinain ko na lang. Sa tingin niya sa 'kin parang hindi siya naniniwalang nagbago na ako.

"Saan banda ka nagbago?"

O! Tingnan mo na. "Mas gwapo na ako ngayon, mas macho tsaka mas attractive. Isa pa, wala na akong gusto sa 'yo."

Sana hindi ko na lang sinabi 'yon. Hindi na ulit kami nag-usap ni Serina. Pakiramdam ko, ang hirap huminga, sobrang awkward. Kada magsasalita ako, iiwas siya ng tingin sa 'kin kaya ang ending, hindi na lang ako nagsalita. Hindi ko maintindihan kung anong mali sa sinabi ko. Hindi naman ako seryoso ro'n sa huli kong sinabi pero ano bang pakialam niya? Buti na lang, after ten years, nagsalita na rin siya, kundi mas sumakit lang ang ulo ko.

"Matulog ka na." Tumayo siya palayo sa kama ko. Kumuha siya ng unan tapos umupo siya sa may mahabang sofa.

"Umuwi ka na."

Hindi siya tumingin sa 'kin, humiga siya sa sofa tapos tumalikod siya. Anong trip na naman nitong Sirenang 'to? "Pst, huy! Sabi ko, umuwi ka na!"

"Huwag ka ngang maingay diyan! Babantayan kita. Matulog ka na kung ayaw mong upakan pa kita riyan."

Magsasalita pa sana ako kaso pinigilan na naman niya ako. Bahala nga siya, lakas ng trip niya.

Sinubukan kong matulog pero kahit anong pilit ko, wala, e, gising pa rin ako. Sinong lalaki ba 'yong makakatulog sa ganoong sitwasyon? Dalawa lang kayo ng taong gusto mo sa isang kwarto. Nakatalikod sa 'kin si Serina, nakahiga siya sa sofa katabi ng kama ko. Hindi mo malaman kung nag-aalala ba siya sa 'kin o hindi. Mapapaisip ka, e. Bakit naman niya ako sasamahan sa ospital, e, pwede naman siyang umalis na lang. Sino ba ako sa buhay niya? Wala naman akong halaga sa kanya, 'di ba?

Nakapatay na 'yong ilaw sa kwarto kaya ilaw na lang ng buwan 'yong nagbigay ng liwanag sa kwarto. Maya-maya, napaharap sa 'kin si Serina. Muntik na akong matumba sa kama ko. Nakatingin kasi ako sa likod niya kaya noong humarap siya, akala ko, mahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Nanginginig siya sa sobrang lamig, ang nipis kasi ng kumot niya, e. Hindi ko napigilan 'yong sarili ko, tumayo ako sa kama ko kahit medyo masakit pa 'yong katawan ko. Lumapit ako sa sofa, kinumutan ko siya. Nag-Indian sit ako sa harap ng sofa para makita ko nang maayos 'yong mukha ni Serina.

Maganda pa rin siya katulad ng dati. Kapag gising siya, akala mo, tigre pero kapag ganoong tulog siya, para siyang pusang maamo. Napatingin ako sa labi niya. Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Lalo yatang bumilis 'yong tibok ng puso ko noong bumukas 'yong mga mata niya. Taena! Akala ko naman tulog siya! Akala ko noong una, magwawala siya pero tiningnan niya lang ako sa mata ko. Hinila niya 'yong kwelyo ko, inilapit niya ako sa kanya tapos hinalikan niya ako.

Tangina, nagdedeliryo na yata ako.

Si Serina, hinahalikan ako? Ano 'to, panaginip? Kaso lahat ng tanong sa isip ko, unti-unting nawala. Isa lang 'yong nasa isip ko, si Serina. 'Yong babaeng una kong minahal, 'yong babaeng unang nagpaiyak sa 'kin. 'Yong babaeng kahit ilang beses na akong sinaktan, ginugusto ko pa rin, minamahal ko pa rin.

Lalayo na sana ako kay Serina pero hinila lang niya ako papalapit sa kanya. Hinawakan niya 'yong likod ng leeg ko, lalo lang naging deep 'yong kiss namin. Feeling ko, nag-init na ako kaya nilayo ko na agad 'yong sarili ko sa kanya. Noong nakalayo na ako, nakatingin siya sa 'kin tapos nakangiti siya.

"Ngayon, sabihin mo sa 'king hindi mo ako gusto."

Hindi ako nakapagsalita. Tumayo ako tsaka ako tumalikod sa kanya. Hindi ko alam 'yong sasabihin ko, 'yong gagawin ko. Kung may katapat man ako sa mundong 'to, siya 'yon. Siya lang 'yong babaeng nagpapatikom ng bibig ko. Siya lang 'yong babaeng kaya akong asarin tsaka barahin. Siya lang 'yong nag-iisang babaeng minahal ko nang ganoon, ng isang bad boy na katulad ko.

"Ano na namang trip mo, ha?"

Lumapit siya sa 'kin. "Gusto mo pa rin ba ako?"

Hindi ako makasagot. Taena, natameme na naman ako. Ano bang sasabihin ko?

"Umuwi ka na ngang babae ka."

Humarap siya sa 'kin, nakatingin siya sa mga mata ko at mukhang seryoso siya. "Sagutin mo ako, gusto mo pa rin ba ako?"

Huwag kang aamin, Charles, sasaktan ka lang ulit niya. Huwag na huwag kang aamin.

"Hindi kita gusto, Serina... kasi mahal kita."

Taena! Gusto kong bugbugin 'yong sarili ko. Ayoko ngang aminin sa kanyang mahal ko siya, kahit sa sarili ko, ayokong aminin 'yon. Kaso ang hirap palang magsinungaling sa sarili mo.

Natakot ako sa sasabihin niya sa 'kin kaya tumalikod ulit ako sa kanya. Humarap ako sa bintana, kitang-kita 'yong buwan mula roon. Bilog na bilog 'yon, naalala ko tuloy 'yong nangyari four years ago. Ganoon din 'yong buwan noon.

Inaya ko si Serina sa park noon. Sabi nila, romantic daw kapag magtatapat ka sa isang babae kapag ganoon 'yong moon.

"Anong gagawin natin dito?"

"May sasabihin ako, makinig ka." Shit! Parang kinabahan ako bigla. Taena naman, ganoon pala kapag magtatapat ka sa babaeng gusto mo.

Matagal ko nang kilala si Serina, bata pa lang kaming dalawa. Magkasundo kami sa lahat ng bagay pero siya rin 'yong katapat ko. Wala akong kinakatakutan maliban sa kanya.

"Dalian mo! Manonood pa tayo ng movie sa inyo, 'di ba?"

"Serina, gusto kita."

Nakatingin lang siya sa 'kin, parang nagulat siya. Sabi niya, bilisan ko, e. Tapos ngayon magugulat siya. Akala ko, may sasabihin na siya pero tumawa lang siya.

"Anong trip 'yan, ha?!"

"Seryoso ako. Gusto kita!"

"Iba na lang, huwag ako." Tumalikod siya sa 'kin tapos nagsimula na siyang maglakad palayo. Hinabol ko agad siya.

"Serina, gusto kita. Seryoso ako, gustung-gusto kita! Tingin ko nga, mahal na kita, e!"

Hindi siya tumingin sa 'kin. "Charles, sorry, but I don't feel the same way."

'Yon ang unang beses na nasaktan ako at umiyak ako dahil sa isang babae. Lumaki akong bad boy. Cutting classes, yosi, inom ng alak, puro basag-ulo tsaka puro laro. Aaminin kong puro ako babae, puro ako chicks. Kaso simula nang dumating si Serina sa buhay ko, natutunan kong magseryoso. Natutunan kong magmahal.

Nabalik ako sa ulirat nang bigla na lang akong niyakap ni Serina sa likod ko. Niyakap niya ako nang mahigpit. Hinawakan ko 'yong kamay niya.

"Noong gabing nagtapat ka, natakot lang ako noon. Natakot akong mahalin ka kasi ayokong masaktan."

"Anong sinasabi mo?" Hindi ko ma-gets kung anong ibig niyang sabihin.

"Charles, mahal din kita."

Hinarap ko siya sa 'kin. "Ulitin mo nga 'yong sinabi mo. Mahal mo ako?" Hindi talaga ako makapaniwala. Totoo ba talaga 'to? Hindi naman 'to panaginip, e kasi ramdam ko pa rin 'yong sakit sa katawan ko.

"Bingi ka? Mahal nga kita!"

Ngumiti ako sa kanya, katulad no'ng ngiti ni Candice na ngiting abot hanggang langit.

"Sabihin mo ring mahal mo ako! Dali!"

Ngumiti ako sa kanya, hindi ko siya sinagot. Imbes na magsalita ako, hinila ko siya papalapit sa 'kin tsaka ko siya hinalikan. Nakahawak 'yong kamay niya sa likod ko, gano'n din ako. Yes, it was a deep passionate kiss, but I knew it was full of love. A love that we kept to ourselves for four years. Ngayong nasa akin na si Serina, wala na kong plano pang pakawalan siya.

It's the best kiss I ever had.

Continue Reading

You'll Also Like

53.4K 3K 15
Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute in her mission to locate Ludovic Luciano...
32.5K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
68K 885 47
Would you like to risk all of you for your love one sake? "I am willing to risk everything than to miss the good thing" -Mandy 'Till death do us p...
261K 17.8K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...