The Relationship Code

By iDangs

15.9M 503K 163K

(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butt... More

The Relationship Code
Prologue
Chapter 1: Make her happy
Chapter 2: Mars and Venus
Chapter 3: Okay
Chapter 4: Say You Like Me
Chapter 5: More than enough
Chapter 6: Trouble
Chapter 7: Harana
Chapter 8: Monthsary
Chapter 9: White lies
Chapter 10: Surprise
Chapter 11: Charm
Chapter 12: Birthday
Chapter 13: Emergency
Chapter 14: Charity
Chapter 15: Pride
Chapter 16: Stress reliever
Chapter 17: Guess who
Chapter 18: Playing the field
Chapter 19: By chance
Chapter 20: GNO
Chapter 21: 5
Chapter 23: Christmas Gift
Chapter 24: Untitled
Chapter 25: Taken...
Chapter 26: Talk with the kids
Chapter 27: Triple kill
Chapter 28: Out of love or out of guilt
Chapter 29: Varsity team
Chapter 30: Drinking session
Chapter 31: Confrontation
Chapter 32: Girl talk
Chapter 33: Two reasons
Chapter 34: Confrontation
Chapter 35: Raffle
Chapter 36: Ex and present
Chapter 37: Mess I made
Chapter 38: Just like the old days
Chapter 39: Heart to heart talk
Chapter 40: Calm before the storm
Chapter 41: Post-graduate plans
Chapter 42: Decision
Chapter 43: Jealous
Chapter 44: ...
Chapter 45: Love letter
Chapter 46: Déjà vu
Chapter 47: Wonderwall
Chapter 48: For keeps
Chapter 49: Hello real life
Chapter 50: Reunion
Chapter 51: Group hug
Epilogue
Third Generation and Other Stories

Chapter 22: Focus

218K 8.3K 2.4K
By iDangs


Hailey's Point of View


"Uhh... ano. Kasi... Baka ano..."


Hindi ko na pinakinggan kung ano man ang gustong sabihin ni Nate. Tumayo ako at sa ginawa kong 'yon ay halos malaglag na siya sa upuan niya.

Nag-iinit ang ulo ko. Ilang beses ko nang sinabihan si Warren na mag-aral. Hindi ko siya pinigilan sa gusto niyang gawin. Maglaro siya kung gusto niyang maglaro basta huwag lang niyang pabayaan ang pag-aaral niya. Pero ano ang nangyari? Nauwi sa puro laro. Hindi na nag-aral. Bakit nag-enrol enrol pa siya? Ugh.


"Daldal," dinig kong sabi ni Tamara kay Nate nang magpunta ako sa sala para kuhanin ang phone ko.

"Okay na rin na nalaman niya. Huwag lang niyang sasabihin kay Warren na sa akin niya nalaman."

"Mas okay pa rin kung kay Warren niya mismo narinig. Hindi sa kung sino man na hindi magawang pigilan ang bibig."

"Naks. Rhyming, ha."

"O, tapos?"


I tried calling Warren but his phone just keeps on ringing. One. Sinubukan ko ulit pero tulad ng kanina ay hindi niya sinasagot. Two. Busy sa paglalaro. Tinawagan ko ulit pero wala na naman. Three. Hindi na naman maistorbo.

Bumalik ako sa dining pero ngayon ay dala ko na ang phone ko.


"Did you call him?" tanong ni Piper.


Tumango ako at itinaas ang phone ko, "Not answering. Busy malamang. Sobrang naiirita ako sa kaniya ngayon."


"Kumalma ka lang kapag nag-usap kayo," sabi ni Russel.


Kung anu-ano pa ang sinasabi nilang apat. Huwag daw ako makipag-usap ng mainit ang ulo ko at baka may masabi ako na kung ano. Kumalma lang daw ako. Chill. Relax. Kaya lang nag-iinit talaga ang ulo ko kay Warren ngayon kaya wala ng panahon para kumalma.

Maiintindihan ko pa kung sinabi niya agad sa akin 'to. Kaya lang ilang araw na lumipas magbuhat nang makuha namin ang grades pero wala siyang sinabi. Hindi ko tinanong ang grades niya kasi ang akala ko sasabihin naman niya kapag nagkaroon ng problema. Kaya lang sa iba ko pa pala malalaman. Kung hindi pa nadulas si Nate mananatili pala akong walang kaalam alam.


"Hailey, phone mo," tango ni Tamara sa phone ko.


Napairap ako nang makita ang pangalan ni Warren sa screen. Bago pa siya bumalik sa paglalaro niya ay sinagot ko na ang tawag.


"Three missed calls in three minutes? Ganiyan mo na ba ako ka-miss?" Nagawa pa niyang magbiro.

"You have to come here," inis na sagot ko.

"Hey, may problema ba?"

"Pumunta ka dito. Now."


Natahimik ang nasa kabilang linya. Ilang segundo pa nang magsalita ulit siya, "Uh oh. Nate," dinig ko pang bulong niya. So, now, he's blaming Nate?


"Now," final na sabi ko at inend ang tawag.


Nang ilapag ko ulit ang phone ko sa lamesa ay napansin ko ang apat na nakatingin sa akin pero nang tingnan ko sila ay nag-iba sila ng mga tingin at nagkunyari pang sinasamid si Nate.


"Parang ang ganda tingnan ng paglubog ng araw. Tara, guys, tingnan natin. Parang ang cool," aya ni Nate.

"Right! Magical," dagdag pa ni Piper


Nagtayuan sila at talagang sinakyan ang trip ng dalawang mag-bestfriend. Kung hindi lang mainit ang ulo ko matatawa pa ako. Kaya lang... wala eh.


"Hailey, gusto mong sumama sa amin?"

"I'll stay here. Thanks anyway, Tamara."


Nang makaalis na sila Nate, tuloy tuloy ang pag-ring ng phone ko. Puro si Warren. Nagdra-drive siya tapos hawak niya phone niya? Wow.

I was amazed nang dumating agad si Warren. It took him 15 minutes para makarating sa amin. Ang bilis, ha. Dapat yata lagi akong nagagalit para magmadali siya palagi.


The moment na buksan ko ang pinto at makita niya ako ay napangiti siya. 'Yung nahihiyang ngiti o ngiti na natatakot kasi alam niyang may ginawa siyang hindi maganda. Alin lang sa dalawang 'yon ang ibig sabihin ng ngiti niya.

Hindi ko na siya pinapasok sa loob. Sa may terrace na lang kami umupo. Neither of us talking. Hinihintay ko lang na magpaliwanag siya pero hinihintay din ata niya na magsalita ako. Kung maghihintayan lang kaming dalawa, walang mangyayari.


So I decided to speak, "Kamusta grades?"

Agad siyang napatingin sa akin dahil sa tinanong ko. Napabuntong hininga siya at hinawakan ang batok niya, "Mukhang nalaman mo na." Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy lang siya. "Plano ko naman talagang sabihin sa 'yo. Kaya lang – "


"Kaya lang busy ka sa paglalaro mo."


Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko, "No," he sighed. "Humahanap lang ako ng tyempo. Kasi alam kong magagalit ka. Kasi nga ilang beses mo na ako sinabihan mag-aral pero hindi naman ako sumusunod at inuuna ko ang paglalaro ko."


"Of course magagalit ako. You don't take education seriously. Lagi kitang sinasabihan. Tinigilan kita kasi baka makulitan ka na sa akin at narealize kong tama sila na huwag ka masyadong kontrolin since binata ka. Pero hindi ko naman akalain na aabot sa pagbagsak."


Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Ganito lang naman ang reaksyon ko kasi gusto ko ang best para sa kaniya. Because I love him and he's my boyfriend and bestfriend. Kung hindi naman siya mahalaga wala akong pakialam sa kaniya. Kaya ngayon na nangingialam ako, ibig sabihin no'n, nag-aalala lang ako. Sana naman maintindihan niya 'yon.

Napabuntong hininga ako at sumandal, "Alam na ba ng parents mo na bumagsak ka?"


"Not yet."

"May plano ka bang sabihin sa kanila? O baka gusto mong malaman na lang nila ng kusa?"

"Sasabihin ko."

"Sana naman natuto ka na this time, Warren. Sa susunod hangga't maaari mag-aral ka. Wala namang pumipigil sa 'yo na maglaro. Pero balansehin mo naman."

"Okay," mahina niyang sagot. "Susubukan ko."


Ayan na naman kami sa "susubukan ko." Hay.


***

Warren's Point of View


"Dude, maniwala ka. Hindi ko naman sinasadyang sabihin. Malay ko ba na hindi niya alam. Wala ka naman kasing sinabi na itago ko muna kay Hailey."


Hindi pa man din tuluyang nakakapasok ng kwarto ko ay nagpapaliwanag na si Nate. Wala naman akong sinasabi sa kaniya. Hindi ko naman siya sinisisi.


"Tsk. OA naman."

"Anong nangyari?" tanong niya at humiga pa sa kama ko.


Ibinaba ko ang controller ng nilalaro ko at inikot ang silya ko para harapin si Nate, "Ayon, nagalit. Pinagsabihan ako sa kalagahan ng pag-aaral at sabihin ko raw kila mama na bumagsak ako."


"Sinabi mo naman ba?"

"Oo. Kanina habang kumakain. Pinagsabihan lang nila ako saglit pero hindi naman nagalit."

"Nasa harap lang kayo ng hapag kainan kaya hindi 'yon nagalit. Mababastos kasi ang pagkain."


Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sumandal, "Ewan ko ba. Kung 'yung magulang ko ganoon lang ang reaksyon pero bakit si Hailey sobra naman ata?"

Nagulat ako nang may mag-landing na unan sa mukha ko. Pesteng Nate 'to.


"Girlfriend mo 'yon. Nag-aalala lang 'yon sa 'yo."

"But her reaction is too much. Kung makita mo lang, Nate. Napakamahinahon niya pero... ewan ko ba."

"Girlfriend mo siya kaya malamang ganoon reaksyon niya."

"Exactly. She's my girlfriend. Hindi ko siya nanay at lalong lalo na hindi ko siya prof."


Mahal ko si Hailey. Sobra. Kaya lang minsan hindi ko siya maintindihan. Minsan maliit na bagay pinapalaki niya. Kaya namang daanin sa maayos at mahinahon na usapan kaya lang... tsk. Hindi ko na alam.


"Bakit hindi mo sabihin sa kaniya 'yan?"

"Hindi ko nga rin alam. Dati naman lahat ng nararamdaman ko sinasabi ko sa kaniya pero ngayon kapag may problema, wala. Susunod na lang ako sa gusto niya. Mahal ko eh."

"Ang gulo niyong dalawa. Mas ayos pa ata noong mag-bestfriend pa lang kayo. Maghiwalay na lang kaya kayong dalawa tapos bumalik na lang kayo sa pagiging magbestfriend?"

"Tangina mo. Gago," mura ko sa kaniya at binalibag pabalik ang unan.


Natawa naman siya sa reaksyon ko at nagsalita ng kung anu-ano.

Siraulo talaga 'tong si Nate. Kahit na ba biro 'yon hindi ko pa rin maisip na maghihiwalay kami ni Hailey.


***

Ilang linggo ang lumipas pero parang walang namang nagbago. Nagagawa ko pa rin maglaro. Nakakapaglakwatsya pa rin ako. Kapag magkasama at lumalabas kami ni Hailey parang wala namang nagbago. Ganoon pa rin kami.

At dahil doon, parang kinabahan ako. Ito na ata ang tinatawag nilang calm before the storm.

Nakatambay kami ni Hailey sa kanila. Nilulubos na namin ang huling araw ng sembreak. Panibagong sem na naman kami bukas.

Naglabas si Hailey ng notebook at inilapag sa lamesa. "So, here's your sched," turo niya sa nakasulat sa isang page ng notebook niya. Sa ginawa niyang 'yon, medyo nakakaramdam na ako ng hindi maganda. "Since kinuha mo 'yung ibang subjects na binagsak mo, medyo sumikip ang sched mo. Isa na lang ang free day mo. Ganito, sa six days na may pasok ka, magfocus ka sa pag-aaral mo. Kapag vacant, huwag kang sumama sa mga barkada mo at maglaro. Kapag sumama ka, magtutuloy tuloy ka na sa pag-cut ng klase. Kung gusto mo maglaro ka after ng class mo, only if maaga ang uwian mo."

Halos mapanganga na lang ako sa mga kondisyon niya. "Hailey, that's too much."

Napahinto siya pagsalita at saka ako tiningnan, "It's not, Warren. May days ka para sa mga paglalaro mo. Pwede kang maglaro kapag maaga ang uwian mo. Pwede kang maglaro kapag free day. Ang luwag na nga no'n eh. It's not too much."


"It is, Hailey! Hindi naman ako ikaw na makakayang umikot ang buong araw sa pag-aaral. Varsity ako, Hailey. May mga pagkakataon na kailangan kong i-ditch ang klase ko lalo na kapag may game." Halata sa mukha niya na balak niyang kumontra pero nagpatuloy ako. "Kung gusto mong manigurado, tanungin mo ang daddy mo. Varsity din siya noon 'di ba?"


Nagbuntong hininga siya, "Fine. Sa basketball lang hindi counted ang terms. May free day ka naman and may time ka after school para gawin kung ano man ang gusto mo. All I want you to do is to focus on your studies at huwag na ulit bumagsak or magkaroon ng INC. Utang na loob, huwag mo na suwayin 'yon. That's all I'm asking."

But I'm not you. It's not that easy. Gusto kong sabihin sa kaniya 'yon kaya lang syempre hindi ko naman kaya. Kaya tumango na lang ako sa kaniya, "Okay."


***

Relationship Code No. 14: You have to give up some things in order to save your relationship and make your lover happy.


Continue Reading

You'll Also Like

227K 14.8K 74
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
35.5M 725K 39
Timi is used to having all the boys wrapped around her little fingers. Sanay na sanay na siyang nakukuha ang atensyon ng mga 'to. After all, she's bo...
6.9M 103K 24
Ang She Died po ay ini-adapt bilang isang manga or comics, available po ang She Died manga sa bookstores nationwide. 150 pesos po ang Volume 1, tagal...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.