Icarus

By binibininghannah

258K 3.6K 444

Para sa lahat ng bigo. Para sa lahat ng nagmahal ng taong hindi sila nagawang mahalin pabalik. Para sa lahat... More

Icarus
Icarus
Icarus - One
Icarus - One
Icarus - One
Icarus - Two
Icarus - Two
Icarus - Two
Icarus - Three
Icarus - Three
Icarus - Three
Icarus - Four
Icarus - Four
THANK YOU!
Icarus - Five
Icarus - Six
Icarus - Six
Icarus - Seven
Icarus - Eight
Icarus - Eight
Icarus - Eight
Icarus - Nine
Icarus
Marami pong Salamat!
WHY?

Icarus - Seven

6K 107 16
By binibininghannah

Day 7

Matapos naming “sabay-sabay” na makapananghalian, naiwang nag-iisa si Jam sa kwarto ko dahil kinailangang umalis saglit nila Papa, Mommy at Daddy. Walang tigil si Jam sa’kin ng pagke-kwento. Hindi naman ako nakakasagot pero tuloy-tuloy lang s’ya, parang ‘di napapagod.

Hindi pa daw s’ya naghahanap ng damit na masusuot para sa graduation n’ya.

Hindi pa rin daw s’ya naghahanap ng sapatos.

At parang hindi daw s’ya nae-excite kahit graduation na n’ya.

“Mas iniisip kasi kita e. Gising ka na kasi --- ay, wait.“ Naputol ang pagsasalita n’ya dahil may kumatok sa aking kwarto. Kasabay ng pagtayo n’ya ay ang pagbukas naman ng pintuan. Amoy pa lang, parang alam ko na kung sinong dumating.

“Hi Janella.”

“Franz…”

“Ano, pare?” sabay tapik ng aking bisita sa braso ko. “Hina mo ‘tol, kotse lang ‘yon, coma ka na d’yan?! Uy, Janella, dito ka na.” Naramdaman ko ngang umalis si Jam sa tabi ko.

“Hindi, dito na lang ako.”

“Baka ikamatay ni Migs paglayo mo sa tabi n’ya.” Nagsisimula nang mangulit si Franz. Ayan na naman ang nakakainis n’yang tawa.

“Sige na,” tatawa-tawa rin si Jam, “para masolo mo s’ya.” Natatawa na lang ako sa isip ko.

“Ay, kadiri ‘yon Janella ha.” Naghalo ang mga halakhak nila. Siguro ay naupo si Jam sa couch.

“Hay nako Migs. Kung sabihin ko kayang liligawan ko si Jam ‘pag ‘di ka nagising? ‘Di kaya magmadali kang bumangon na d’yan, masapak lang ako?” Parang gusto ko na ngang magising mapatahimik lang ‘yong bibig ni Franz. Allergic ako sa tawa nito. “Ikaw kasi Janella e…”

“Ha?” sagot n’ya.

“Binusted mo e. Wawa naman ang Migs.”

FRANZ!

Gusto ko s’yang sawayin!

“Uy, high-tech tong makinang ‘to Migs ah.” Kinakalabit-kalabit n’ya pa ‘ko sa balikat.

 “I’m sorry…” kahit mahina ay narinig ko ang bulong ni Jam. Parang wala namang narinig si Franz.

“Heartbeat mo ‘to ‘di ba? E ang daya pala nito, bakit walang Jam na nagre-register dito sa monitor e s’ya lang naman tinitibok ng puso mo? Yihi!” sabay pilit pa ‘kong kiniliti sa tagiliran. Baliw talaga ‘to. “Tsaka bakit ganito tunog nito? Dapat ano ‘to e… Jam. Jam. Jam.” Pilit n’yang sinsabayan ang tunog na naririnig n’ya. Tanging maliit na tawa lang ang narinig ko kay Jam. “At bakit walang matinong status dito? Broken ‘to e. Broken!” Sabay tapik naman sa may kaliwang dibdib ko.

“Franz!!”

“Oh, relax. Mahina lang ‘yon Janella, upo ka na ulit. Sanay na ‘yang si Migs no.” Naramdaman kong umalis na si Franz sa tabi ko. “Kanina ka pa ba dito?” Siguro’y tinabihan n’ya si Jam sa kinauupuan nito.

“Oo, umaga pa.”

“Baka naman ‘di ka na natutulog dahil sinisisi mo sarili mo ha? Joke lang ‘yong kanina, wala ka namang kasalanan. Bwisit ‘yong driver na ‘yon e, s’ya kaya ma-coma.”

“Hindi kaya…”

“Hala! Maiinis si Migs n’yan kung ‘yan iniisip mo. ‘Wag ka nga. Alam mo, nag-iinarte lang ‘yan. Mamukat mo mamaya gising na ‘yan.”

“Nag-iinarte talaga?”

“Oo. Takot lang n’yan na ligawan kita. Ang tinik ko pa naman ako sa babae!” Sinagot ng halakhak ni Jam ang birong ‘yon ni Franz.

Gumagaan ang pakiramdam ko sa tawang naririnig ko mula kay Jam. Mula nang mapunta ako rito ay puro paghikbi nalamang n’ya ang lagi kong naririnig. Araw-araw.

“Joke lang. Pinapatawa lang kita para ma-inspire si Migs. Yihi! Migs, ano okay ba? Sigurado ako, mula nang mahiga yan d’yan, hindi ka na tumawa e. Tama ba?”

“E kasi…”

“Gigising din ‘yan. Don’t worry, chicken curry!”

Naghahalo na naman ang mga tawa nila sa kwarto. Na-miss kong marinig na tumatawa si Jam.

“Things would be better, peanut butter.” Nagpahabol pa. Mabuti na lamang at dumating si Franz. Naiimagine ko pa ‘yong posibleng itsura ni n’ya habang dini-deliver ang corny n’yang punchline.

Napakabilis pa namang patawanin ni Jam.

Ah! Gusto ko na ulit s’yang makita.

 

11:11pm

Kanina, tulog sila Dad, Mama and Papa, pero ako, nasa tabi lang ni Migs. Dinadaldal ko s’ya ng dinadaldal kahit hindi ko alam kung tulog ba s’ya o gising at nakikinig.

Hawak ko ang kanang kamay n’ya. Pinapakiramdaman ko kasi.

At halos makatulog na rin ako ng mga oras na ‘yon, konti na lang siguro ay tuluyan nang pipikit ang mata ko nang bigla kong naramdaman na gumalaw ang index finger ni Migs! Dagli akong napatingin sa mga mata n’ya.

“Migs?” Naiiyak na agad ako. Gumalaw ulit ang daliri n’ya. “Migs!” ‘Lord, thank You!’ naiisip-isip ko. “Ma, Pa. Dad! Gising kayo dali!” Inaabangan ko pa rin talaga ang pagmulat ng mga mata n’ya.

“Gising na ba s’ya?” asked Mama.

“Gising na, baby?” sabi naman ni Daddy.

“Miguel, anak?” bulalas naman ni Papa.

 

Sabay-sabay silang lumapit sa kama ni Migs. Unti-unti nang gumagalaw ang mga mga mata n’ya. Parang dinadahan-dahan pa ang pagsilip sa mundong panandalian n’yang iniwan para matulog ng matagal.

 

“J-Jam?”

“MIGS!” niyakap ko s’ya. God answers prayers, that’s always for sure. Sobrang saya ko talaga! “I’ll call a nurse.” Umalis ako sa side n’ya at narinig kong kinakausap s’ya ng mga magulang namin. Hindi talaga ko makapaniwala pero nagising na nga s’ya! Walang tigil ang pagluha ko mula nang makabalik na muli ako sa kwarto.

“Migs, thank you! Thank you.” Sa wakas kasi ay nagawa n’ya ng tuluyan ng magising. Napaka-pinagpala ng araw na ito.

LORD! Salamat po talaga! Sabi ko na e, when one believes in You, everything would be possible. Sabi ko na e! Sabi ko na nga po ba talaga hindi N’yo kami bibiguin sa panalangin naming para kay Migs! Thank You po talaga. First, You kept Him alive after the accident. Then THIS. THIS LORD! Thank you!!! :))))

Totoo po ‘yon, Lord. Salamat po talaga ng marami.

Nang magising talaga ko no’ng gabing ‘yon, hindi ko alam pero automatic na hinanap na ng mga mata ko si Jam. Bago kasi ‘yon ay hindi ko ramdam noon na nandoon s’ya sa tabi ko. Nang makita ko ang malaki n’yang ngiting sumalubong sa akin; ang maluha-luha n’yang mga matang punong-puno ng pasasalamat, pakiramdam ko ay ayos na ako. Dahil alam ko, hindi ko na ulit maririnig ang mga iyak n’ya dahil nandito ako.

Hindi na muna ako tumira sa ikalawang bahay ko. Sabi ni Mommy sa bahay na daw muna ako. Kaya ang aking sweet na si Jam, gabi-gabi ako binibisita.

“Gwapo mo Migs ngayon a!”

“Sus! Itsura kong ‘to? May benda, may---”

“Oo!” Tatawa-tawa pa s’ya.

“Na-miss ko talaga ‘yang kakulitan mo.”

“Lalo na ‘ko!”

“’Wag na tayo mag-aaway ulit.”

“Tsk. ‘Di na nga pinag-uusapan, binabanggit mo pa. Oo, hindi na. Kaya Migs, sorry talaga ha.”

“Alam mo bang naligo na ko sa sorry mo no’ng tulog ako?”

“E kasi…”

“You don’t have to be sorry, okay?” Tanging tango at ngiti lamang ang isinagot n’ya. “And about that… Jam, sorry.”

“Hayaan na natin ‘yon.”

“’Di ka ba talaga galit?”

“Migs! Ano ka ba…”

“Ayoko kasing nagagalit ka sa’kin e. Sorry talaga…”

“Again, hayaan nan natin ‘yon, ha?”

Ngumiti ako. “Yes, Jam.”

Malaya ko na nga talaga s’yang natatawag na Jam. Wala na ‘kong reklamong naririnig mula sa kanya.

Mabilis naman akong naka-recover. Napakapinagpala ko at nabuhay pa talaga ‘ko. Maiintindihan naman siguro ako nang nakabangga sa’kin kung kinailangang hayaan ng pamilya ko na pagbayaran n’ya ang naging pagkukulang n’ya. Tama nga ako; lasing ang nagmamaneho ng kotseng para bang gusto ko ring pasalamatan. Kapag naiisip ko, isang blessing in disguise ata na naaksidente ako.

Ilang araw mula nang nakalabas ako ay naghanda ng pre-graduation party ang mga taga-Madison’s para kay Jam. Sa branch na malapit sa school namin ito ginanap.

“Happy graduation Jam!”

“Congratulations!”

Ang mga ‘yan ang pambati ng mga empleyado ng dalawang branches ng Madison’s.

“Thank you!” Maluhaluha –--na naman!--- ang iyaking prinsesa. “Salamat sa inyo!”

“Mahal ka namin, Jam!” sagot ng mga kaibigan n’ya.

Naging masaya ang party. “Sobra!” ika nga ni Jam. Dahil naging masaya naman talaga.

Kahit ako, namiss ko rin ito. At higit sa lahat, namiss ko s’ya. Hindi dahil sa mga panahong magkaaway kami, pati hindi rin dahil sa panahong natutulog lang ako. Namiss ko ito --- s’ya; Si Jam. ’Yong masayahing Jam. ‘Yong hindi malungkutin.

Ngayon mas alam ko na.

Mas alam ko na kung bakit may mga bagay na kahit pilitin mo, paniwalaan at ipanalangin ay hindi pa rin nangyayari. Kung bakit may pagkakataong hindi agad ibinibigay satin ang ipinagdadasal natin. Mas alam ko na rin kung bakit may pagkakataong hindi nagiging parte ng plano N’ya kung anumang hinihiling natin.

Bakit? Dahil higit na alam ng Diyos kung kailan dapat mangyari ang isang bagay. Dahil higit na alam ng Diyos kung anong makakabuti sa’tin.

Kung nadaan ko sa pilit ang paggising ko at nagising nga ako; kung sinagot N’ya agad ang panalangin kong magising na agad, aabot ba sa punto na mangangako sa’kin si Jam na ibabalik n’ya na ng tuluyan ang dating s’ya? Kung hindi ba nangako si Jam ng katulad ng ganon, aabot pa ba s’ya sa puntong magiging si Jam na nga s’ya ulit? Walang nakakaalam.

Si Lord talaga, unimaginable ang mga pamamaraan sa pagsagot ng mga panalangin. Kung kailangan lang pala naming mag-away ni Jam kapag nalaman n’yang mahal ko s’ya kaya naman maggagala ako sa kalsada kahit gabi na at kahit ‘di ko naman talaga gawain ‘yon dahil sa ilang araw na kaming ‘di nag-iimikan kaya naman maaksidente ako at mako-comatose kaya mangangako si Jam na babalik na s’ya sa tunay na s’ya magising lang ako, e di sana, noon pa ‘ko umamin! Kung hinintay ko ba ang graduation n’ya, ganto pa rin ang mangyayari? Kung hindi ba ko inunahan ng tadhana, ganito pa rin ang mangyayari?

Hindi natin alam kung ano bang pwedeng mangyari satin sakaling maganap o hindi ang isang bagay sa buhay natin. Pero dahil lagi namang nasusunod ang plano ng Diyos, masasabi na lang natin sa huli na talagang walang makakapantay sa kanyang kagustuhan. Na mas higit pa rin sa ating kahilingan ang plano N’ya para sa atin. Ito ang nagbibigay satin ng kasiguraduhan na sa huli, sadyang maisasaayos ang lahat. At oo, talagang masasabi mo na lahat ng bagay ay hindi mangyayari kung walang dahilan. At kahit na hindi mo na naiintindihan ang mga bagay, nararapat na sumunod ka lang at maniwala dahil magiging maayos rin ang lahat…in His time. Not in our time.

Sa una, aakalain lagi natin na para bang wala namang pinatutunguhan ang mga kung anu-anong di kaaya-aya na pangyayari. That we’d thought none of those make sense. Pero sa huli, malalalaman na lang natin na lahat ay nasa tama lang. That everything is working all together for our own good. Sinong mag-aakala no’n? That even the smallest mess you see will turn out to be something important that could help you fix a bigger mess. Akala ko pinangunahan ako ng tadhana dahil sa pagkakabuko agad ng nararamdaman ko para sa kanya; akalain ko ba namang magiging simula pala ‘yon ng pagsagot ng Diyos sa pangalangin kong maging bumalik na ulit si Jam, at mawala na si Janella? The best po talaga Kayo, Lord. Ibang klase!

At dumating na ang araw na pinakaabangan namin, ang graduation day n’ya. Masasabi kong gumraduate si Jam ng may flying colors. Gabi na ng matapos ang ceremony, at nagdiwang kami hindi sa bahay kundi sa palasyo n’ya.  Lahat halos ng kakilala n’ya ay nandoon. Halos sumabog ata ang palasyo sa saya ng lahat ng dumalo sa malaking pagsasalo! Mula ata ng mawala si Hiro, ito na ang pinakamalaking pagdiriwang --- at pinakamasaya --- na binuo ni Jam.

Handa na kaya s’yang kalimutan ang kanyang nakaraan?

“I’m so proud of you, Jammybaby!”

Humagikhik s’ya sa kanyang narinig. “Thank you, Migsydaddy!”

Oh, how I missed our real old endearment.

Bilang regalo ay binigyan ko s’ya ng isang bagong planner. “Para sa panibagong yugto ng buhay mo,” sabi ko sa kanya. Nagagalak akong isipin na sana isang araw, hindi na maging kakaiba ang mga markang nasa kalendaryo ng planner na ito.

Ngayon na lang talaga kami nakapag-celebrate ng katulad nito. Akala ko hindi na darating ang ganitong klaseng panahon sa amin.

“Migs, ang saya ‘no!”

Tumawa ako sa pag-iisip na may batang kumakausap sa’kin. Parang hindi magte-twenty one sa Mayo. “Oo, at dahil lahat ‘to sa’yo.”

“Sa inyo!” Niyakap n’ya ako ng mahigpit na ikinagulat ko naman.

“J-Jam…” nasambit ko ng marinig ko na naman ang mga hikbi n’ya.

“I just missed being this happy…”

Hinawakan ko ang dalawang pisngi n’ya. “Ikaw talaga! See? It’s a choice.”

“Yeah. How come you never go wrong?”

“Akala mo lang ‘yon no.”

“Thank you Migs, ha.”

"Sus…”

“You’re one of the most wonderful people that made me go through everything.”

Ngumiti ako at halos maluha na rin. Knowing how much the person you love the most appreciates you is just so…priceless. “And you’re the most wonderful person in my life.”

“Migs…”

I hugged her tight and didn’t help but to say “I love you, Jam.”

I felt her hugging me back. “I love you too, best friend…” sagot n’ya. Halos tumulo na ang mga luha ko sa narinig ko.

Sana dumating na ‘yong araw na kapag sinabi n’yang mahal n’ya ri ako, wala nang hint na pang-best friend lang ang pagmamahal na ‘yon.

Diretsong I love you too, Migs lang.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 162 10
Simula walong taon gulang si Ash, wala siyang maalala kahit isang beses na hindi siya natakot. Hindi na rin niya maalala kung kailan siya huling natu...
73.6K 2.7K 40
the second book of Switched #KaRa #TeamPakwan
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...