Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 22

2.3K 87 12
By winglessbee


Hindi na ko nagsalita at umalis na lang ng sasakyan. Wala nang modo kung wala ng modo pero nandidiri ako sa mga sinasabi niya.

I like you? Yuck!

"Where have you been? Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Papa pagkapasok ko ng bahay.

"Pumunta kaming Tagaytay" sagot ko at hindi ko na siya hinintay magsalita at pumunta na ko sa kwarto ko.

Agad kong kinuha ang garapon na may lamang ibat ibang kulay ng mga panda. Eto siguro yung ibig sabihin nung text. Kinuha ko yung red at binasa ang nakasulat.

'Like no one'

Kumunot agad ang noo ko. Anong ibig sabihin nito?

Kukuha sana ulit ako ng panibago ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Kikay!" sigaw ni Cone at biglang tumalon sa kama ko at humilata. "Atlast! Hello bed! I miss you!"

"Hoy! Umalis ka nga dyan!" Lumapit ako sa kama at hinampas si Cone ng unan. Hindi siya natinag at tumawa pa ang walanghiya.

"Ang sarap humiga dito sa kama mo, nakakawala ng pagod" sabi ng hampaslupang apa habang niyayakap ang
unan ko.

"Hindi ka aalis o--" napatigil ako sa pagsasalita ng hilahin niya ako at mapadapa ako sa kama ko.

"Mahiga ka na lang, dami mo pang sinasabi" sabi niya habang tumatawa.

Kingina.

Naupo ako at sinamaan ko siya ng tingin.

"5 minutes" pumikit siya at tinakpan ng braso ang mga mata.

I took a deep breath bago ko kinuha ang cellphone ko at sinimulan ang timer. Sumandal ako sa headboard. Inaantok na ko pero pinigilan ko dahil papalayasin ko pa ang hampaslupang apa sa tabi ko.

Muntik na kong makatulog kung hindi ko lang naramdaman ang paggalaw ng kama. Dinilat ko ang mata ko at nilingon ang gilid ko kung saan nakahiga si Cone.

"Hoy Apa" tawag ko.

Hindi siya sumagot. Niyugyog ko ang balikat niya pero wala pa rin. Tatakluban ko na sana siya ng unan ng mapansin ko ang kwintas niya, parang pamilyar. Lumapit ako at tinignan kong mabuti. Tryst. Pauso. Bagong pangalan? Ang panget! Bibitawan ko na sana yung kwintas ng bigla niyang hawakan ang wrist ko.

"What are you doing?" tanong niya ng nakakunot noong tumingin sakin.

"Tinignan ko lang to. Tss. Kung ano man ang iniisip mo, tigilan mo na, nasasayang ang function ng utak mo"

Ngumisi siya. Binitawan niya ang kamay ko at naupo ng maayos. "Concerned ka na sa utak ko?"

"Asa ka pa. Umalis ka na nga" tinulak ko siya ng mahina.

Tumatawa siyang bumaba ng kama at lumabas. Baliw na talaga yun. Tss.

**

"Good morning Kikay!"

Napatigil ako sa paglalakad ng makita kong nagluluto si Cone.

"Good morning Pamela" napatingin naman ako sa dining table at nakita ko ng nakaupo doon si LWB.

"Si Papa?" tanong ko.

"Umalis na si Papa, may pupuntahan daw at gagabihin daw siya mamaya. Sit down Pam, matatapos na to" sabi ni Apa.

Naupo ako sa tapat ni LWB. Tinignan ko siya ng masama pero nginitian niya lang ako.

"Tss"

Napapikit na lang ako. Ang aga manira ng araw ng mga to. Bakit ba kasi alam nila ang bahay ko. Kinginang yan.

"Here. Kain na. Mamamatay ka ulit sa sarap." Sabi ng hampaslupang apa at ang walanghiya, kumindat pa. Kingina! Kinilabutan ako!

"Tigilan mo yang pagkindat kindat na yan apa ka. Kinikilabutan ako sayo!" sabi ko habang pinapatay ko na siya sa isip ko.

"Haha. Baka naiinlove ka na sakin? Hindi ako napatol sa maton Kikay"

"Gusto mong saksakin ko yang mata mo ng tinidor?"

"Joke lang! Hindi ka na mabiro" ngumisi siya bago sumandal sa silyang inuupuan niya. "Stop acting like that Kikay, nandito ang suitor mo, baka maturn off siya sayo sige ka, mawawala yung nag-iisang chance na magkaboyfriend ka" iiling iling pang sabi saka ako nginitian ulit.

"It's cute" singit naman ni LWB.

Nawala ang ngisi ni Cone at tinitigan si LWB "Cute ha"

Hindi na sumagot si LWB at nagkibit balikat lang.

Kinalma ko ang sarili ko. Promise. Kapag ang dalawang to nagsimula ulit magsalita ingungudngod ko tong pagkain sa mga bibig nila. Kinginang buhay to.

"I really want to be your driver, pero alam kong hindi kita mapipilit na sumakay sa kotse ko kaya susunod na lang ako sayo" sabi ni LWB pagpunta namin sa garage.

Hindi ako umimik at tahimik lang akong sumakay sa kotse ko. Kumatok sa bintana ng kotse ko si Cone. Kunot noo ko namang tong binaba. Ano na naman kayang binabalak nito?

"What?" tanong ko.

"Sungit. Meron ka ba ngayon?"

"Ano?!" tanong ko. At siguradong sigurado akong mapula na ang mukha ko. Kinginang apa yan!

He chuckled "Chill. Hindi ako papasok ngayon. Ingat ka sa pagdadrive Kikay" sabi nito saka imatras at kumaway.

Sinara ko agad ang bintana mg kotse ko at mabilis na pinaandar palabas ng bahay. Sinayang niya ang minuto ko. Paki ko ba kung hindi siya papasok ngayon? Tss.

"Pam!" sigaw ni Yanna.

"O? Nakamove on ka na?" tanong ko habang tuluy tuloy lang sa paglalakad.

"Tss. Ang pagmumove on hindi kaya ng overnight! Anyways, let's forget about him. It's his loss naman e not mine."

Napailing na lang ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ko naging best friend to e. Matino naman ako.

"Tumawag sakin si Tita Honey. Pupunta daw sila dito and guess what?" tumigil siya at hinawakan ang braso ko. "Guess what?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"You're so kj! Say what!"

Kingina.

"What?" bored na tanong ko.

Ngimiti siya "Susunduin nila tayo for lunch kasama si Troy"

"Troy?"

"Yung bunso nila"

"Okay. O tapos?"

"Tsk. I hate you! Aren't you excited?"

"Anong nakakaexcite dun? As if mamimeet ko na ang future in laws ko"

"Imposibleng mameet mo ang parents ng inlaws mo Pam. Tatanda ka kayang dalaga"

Kingina.

Hindi na ko umimik at tumuloy na lang sa paglalakad. Hindi ko na din pinansin si Yanna na kausap naman ngayon si LWB. Naupo ako sa upuan ko, sumandal at pumikit. Ang daming asungot. Ang daming sakit sa ulo.

Natapos ang morning classes namin, dumaretso kami ni Yanna sa carpark at pupuntang mall. Nagtext saw kasi ang Tita Honey niya na doon na lang magkita since malapit lang naman sa school.

"Pam!" Sinalubong kami ng Tita Honey ni Yanna sa may carpark.

"Tita, Tito, bakit dito kayo naghintay?" tanong ni Britanny.

"Kakarating lang namin. Pam, this is my husband Great. Hubs, siya yung kinukwento ko sayo na friend ni Yanna and Trystan."

Kilala niya si Cone?

Tumingin ako sa Tito ni Yanna, nginitian naman niya ko "Nice to meet you"

Ngumiti din ako. Hindi ko mapigilang sulyapan ang tito ni Yanna dahil kamukha siya ni Cone.

"Im so happy to know na may kaibigan si Trystan na iba pa bukod kay Raven. Naku yung batang yon, napakasuplado manang mana sa ama niya" sabi ni Tita Honey sabay kapit sa braso ni Tito Great.

"At least we're both handsome" tapos ngumisi si Tito Great yung katulad ng ngisi ni Cone na ngising aso.

"Anak niyo si Apa?!" hindi ko mapigilang tanong ng marealized ko ang sinabi ni Tito Great.

"Apa? Really? Apa ang tawag mo kay Trystan? Hindi ba siya nagagalit?" tanong ni Tita Honey.

Umiling ako. Nakita kong medyo nagulat si Tita Honey tapos ngumiti ng malawak. Hindi ko maimagine na sa kanya nanggaling si Cone. Para lang silang magkapatid.

"Tita, where's Troy?" tanong ni Yanna.

"Kasama ni Trystan. Ayaw humiwalay sa kuya niya"

Natapos kaming kumain. Ang daming tanong ni Tita Honey tungkol sa trato sakin ni Apa. Tinanong ko siya kung saan pinaglihi si Cone dahil sa sobrang kulit pero hindi niya sinagot at tinawanan lang ako. =_=

Mag-ina nga sila.

Samantalang tahimik lang si Tito Great, sumasagot lang kapag tinatanong. Sana sa kanya na lang pala nagmana si Cone. Tss.

"Thanks po sa lunch" sabi ko.

"Thank you din. Sorry sa kakulitan ng anak ko ha, i can't believe it, mana pala talaga siya sa Daddy niya"

"Ha? Pano po nagmana?"

Pero hindi na niya ko pinansin at sumunod na lang ang tingin niya sa dumaang waiter sa gilid namin.

"You want that?" tanong ni tito Great.

Tumango si Tita Honey. Umorder si Tito Great ng banana crepe.

"Eat" tinapat ni Tita Honey yung kutsara sa bibig ni Tito Great.

Kumunot ang noo ni Tito Great pero sinubo naman yung pagkain. Paulit ulit hanggang sa makakalahati na ang crepe.

"I thought you want that? Bakit sakin mo pinapakain?" tanong ni Tito Great.

"Eto lang ang gusto ko" turo ni Tita Honey sa cherry.

Weird. Sana sinabi na lang niya na cherry lang ang gusto niya.

"Baby.." sabi ni Tito Great.

I averted my gaze. Baby? Eeww. Hindi ako sanay makasaksi ng ganito.

"We should go home" sabi ni Tito Great. Nagtataka namang tumingin si Tita Honey. "I want twins" bulong ni Tito Great pero narinig ko dahil matalas talaga ang pandinig ko. Kingina. Gusto kong masuka. Kinikilabutan ako.

Sinipa ko ang binti ni Yanna sa ilalim ng table, sinamaan niya ko ng tingin at gumanti din ng sipa.

"Balik na tayo sa school" sabi ko.

Pero ang loka, hindi ako pinansin at pinanood lang ang dalawang lovers sa harap namin na nagsusubuan pa rin.

**

Nakahinga ako ng maluwag ng makababa ako ng kotse at makatungtong sa tapat ng pinto ng bahay namin. Gusto ko nang magkulong sa kwarto ko dahil nastress ako ng sobra sa school. Si Yanna hindi ako tinantanan sa pagyugyog sakin at walang tigil sa pagsabing sana katulad ng Tito Great niya ang mapangasawa niya. Tss. Tapos may LWB pang sumingit at nakiseat sa buong afternoon classes namin. Kinginang buhay yan..

Pagbukas ko ng pinto, may batang biglang sumulpot at nagtago sa likuran ko.

"Hey kiddo!" sigaw ni Cone. "O, Kikay! Buti naman nandito ka na" nginitian niya ko.

Kinunotan ko siya ng noo. "Anong ginagawa mo na naman dito?"

"I need your help"

***★***

A/N:

Sa hindi nakakakilala kay Honey at Great. Sila po yung character sa My Devil Husband. :)

Continue Reading

You'll Also Like

460K 8.2K 44
Leigh Alegre chose to run away. Pinili niyang iwan ang taong nagbigay sa kanya ng pagkakataong sumaya't magmahal. Pinili niyang pakawalan ito dahil a...
357K 12.5K 37
When men cheat, they cheat for sex. But when a woman cheats, it's something more. Because unlike men, women cheat for love, and affection. (Published...
41.7K 2.4K 40
World Trip Series 4 Kiersten applied as an intern in a company based in London. She dreamed to live like how royals in the country would live like. A...
786K 18K 43
| COMPLETED | 15 June 2017 - 19 February 2020 | Stonehearts Series #6 | Pearl Alicia Alexandrite Bautista, born 21st of June, is known as the person...