Hot Stuff (Completed)

By AliehsAugust

869K 3.3K 41

Loving someone means.. You are willing to do anything and everything. Kahit pa hindi niya masuklian ay ayos l... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 4

19.4K 402 2
By AliehsAugust

Hapon na, at wala pa rin akong balak tumayo sa kama. Nakatulala lamang ako sa kisame at panay ang buntong hininga. Mabuti nalang at saturday night namin ginawa ang 'Operation: Make Aldrich Fall For Gladys' kung hindi ay malamang hindi ako nakapasok sa school. Sa sobrang sakit ng katawan ko pati na rin ang pagitan ng aking mga hita.

Gabi na ako lumabas ng aking kwarto, naabutan ko pa ang mga kaibigan kong nagkakasiyahan sa kitchen.

"Nandito na pala ang ating Sleeping Beauty!!" malakas ang boses na sabi ni Chu.

"Bigyan ninyo ng upuan para makapagkwento na sa atin si Gladys!" excited na sabi ni Quel.

Naglakad na ako palapit sa fridge at kumuha ng tubig, habang umiinom ako ay panay na rin ang tanong nila sa akin. Pagkatapos kong makainom, humarap na ako sa kanila. Ayokong magsinungaling sa mga kaibigan ko.

Huminga ako ng malalim bago sila tinitigan isa isa. Si Sam lang pala ang wala dito sa bahay.

"I did it, we did it.." para pa rin silang mga bata na nakatanghod sa akin at inaantay ang susunod kong sasabihin. "..but not with Aldrich. I gave my self to a total stranger.." I bit my lower lip.

"Hi-hindi si Aldrich??" napabuga ng iniinom niyang alak si Nhessa.

"No." umiling pa ako.

"E, sino? Sino ang naka-one night stand mo?" naghahyperventilate na tanong ni Chu.

"Pa-paanong nangyari iyon??" laglag pangang tanong ni Adith. "I'm very sure that's Aldrich Buenconsejo's house?!"

"Shit!" ani Quel. Napatutop pa siya sa kanyang bibig.

"I don't know.. but it wasn't Aldrich." napapikit ako ng mga mata.

"How about his face? Hindi mo ba nakilala?? Anong hitsura? Gwapo ba? Yummy ba o lugi ka?!" napapangiwing tanong ni Quel.

"Hi-hindi ko masyadong nakita. Whe-when I found out that he's not Aldrich, I slipped away.." I lied. I can't tell them na pinsan siya ni Aldrich. Coz I wasn't even sure kung real name ba niya talaga iyong sinabi niya sa akin.

Nanahimik sila, hindi ko alam kung anong mga nasa isip nila ngayon. Basta ako kakalimutan ko na ang lahat, ililibing ko na sa limot ang lahat. Naupo ako sa bakanteng upuan at kumuha ng beer, gusto kong magpakalasing.

Inaantok akong napatingin sa stage, mabuti na lamang talaga next day ay graduation na. Nakakaantok rin ang maghintay na matawag ang pangalan mo, tapos practice lang naman pala. At mabuti nalang talaga ito na ang huling araw ng practice namin, halos buong linggo na puro practice lang ang ginagawa namin sa school.

Higit isang linggo na rin ang lumipas nang magpunta ako sa apartment ni Aldrich, pero walang araw at gabi na hindi ko naalala ang mukha ng lalakeng iyon. Wala mang nakakaalam sa totoong nangyari at identity ng lalakeng iyon maliban sakin, madalas pa rin akong makaramdam ng kaba sa tuwing nakikita ko si Aldrich. Kung noon, kaba iyon sa pagpapabilis niya sa tibok ng aking puso dahil mahal ko siya.. Ngayon, napapatibok pa rin naman niya ang tibok ng puso ko, pero dahil na iyon sa takot. Sa takot na baka nakasunod sa kanya ang pinsan niyang iyon.

After what happened, I did my research.. I researched about him.
Hinanap ko pa siya sa facebook account ni Aldrich, mabuti nalang at friends kami. Halos magmukha na akong stalker noong mga panahon na iyon. And what he said to me about his name was true.

He is the only son of Mr. Lander Buenconsejo & Mrs. Nina Isabel Buenconsejo, first cousin of Aldrich Buenconsejo. Xabart Hinder Buenconsejo, is a notorious playboy. Ang lalakeng iyon ay parang damit lang kung magpalit palit ng mga babae niya. At sa dami ng mga babae niya, malamang hindi na niya ako matandaan. Swerte ko iyon dahil wala na rin naman akong balak pang makipagkita sa kanya, at malas lang dahil sa dinami dami ng lalake.. bakit sa kanya pa?? Ibinigay ko lang ang sarili ko sa isang walang kwentang lalake! He's not worthy.

He studied at St. Anderson University, one of the prestigious school in the Philippines. Kaya naman pala never ko pa siyang nakitang kasama ni Aldrich dito sa school at matanda rin siya sa akin ng tatlong taon.

Napapalakpak nalang ako nang marinig ang palakpakan ng mga katabi ko. Tapos na pala ang practice namin, napalingon ako sa gawi ni Aldrich.. Ganon pa rin siya, gwapo, nakangisi at nakikipagbiruan sa mga kasama niya. Nanlaki ang mga mata ko nang minsang paglingon niya sa gawi ko, ang mukha ng Xabart na iyon ang aking nakita. Leche! Kailan pa sila naging magkahawig ng manyak na lalaking iyon. I thanked God that he did use protection when we did it, baka kung ano pang sakit meron ang lalakeng iyon at mahawaan ako.

I shivered with the thought.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa mga kaibigan ko. Si Quel ang unang bumungad sakin.

"Saan tayo?" tanong niya.

"Sa bahay nalang daw tayo." sagot ko.

Isa isa na silang nagdatingan kaya naman agad na kaming nagpunta sa parking lot para makaalis. Sa Cotton Hills nila napiling mag-inom para naman daw makapag-over looking pa sila, mas masarap daw ang mag-inuman sa rooftop. Ang balak kasi namin, sa apartment kami magpaparty pagkatapos ng graduation. Parang farewell party na rin namin, dahil after three years.. iiwan na namin ang bahay na iyon na naging tahanan namin ng ilang taon.

Medyo hindi pa rin talaga developed ang Antipolo, wala pang masyadong mga malls pero may mga under construction naman. Kaya nga masama ang loob ni Hannah nang dito lang sila ni Brix sa Antipolo pinag-aral ni mom.

Nakangising mukha ni Brix ang agad na sumalubong sa amin.

"Nakaayos na ang lahat sa rooftop ate Gladys!" masaya niyang sabi at sumulyap kay Sam.

"Hi Sam!" bati niya dito.

"Hello Brix!" ngisi sa kanya ni Sam pabalik.

Ang kapatid kong ito kasi, may malaking pagkakagusto sa kaibigan kong si Sam. Pero ayaw naman sa kanya ni Sam, dahil parang pinatulan na lang daw niya ang kapatid niya kapag naging sila ni Brix. Bata ng dalawang taon sa amin si Brix. Kaya ayon.. bigo agad sa unang babaeng nagustuhan niya.

"Mga bata, huwag masyadong iinom, iyong tama lang dapat. Para naman walang makaisip sa inyong matulog sa rooftop." paalala ni mom.

"Tita naman! Noong nakaraang taon pa iyon nangyari naaalala nyo pa rin??" natatawang sagot ni Chu.

Siya kasi iyong nagpakalasing noon at nakatulog sa malamig na rooftop, matapos siyang iwanan ng first boyfriend niya for 6 years. High school boyfriend pa niya yata iyon. Nakabuntis daw ng iba kaya nakipaghiwalay sa kanya.

"Don't worry tita, inlove na yan ngayon kaya naman hindi na yan magpapakalasing!" ngising sagot ni Nhessa.

"Basta kapag natapos na kayo, dumiretso na agad ng tulog sa kwarto. Walang maliligo sa pool at napakalamig ngayon dito kahit pa summer na." paalala ni mom.

"Yes tita!!" they answered in unison.

Pagkatapos naming kumain, diretso rooftop na kami. Maayos na nga ang mga mesa at upuan, naroon na rin ang mga alak na iinumin namin. Kung magkukulang, ang iba't ibang klase ng jelly ang pwede ipalit. Si Brix ang gumawa ng jelly shot na iinumin namin.

Nagsimula na kaming maupo, nandyan na naman ang topic ng mga papasukan nilang company.

"Sa Quezon City ako magtatrabaho." ani Sam.

"I thought, you don't want to work?" kunot noong tanong ko.

"Yes, but sayang yung recommendation ng kaibigan ni tatay." kibit balikat niyang sagot.

"Ganon ba, lahat pala tayo may mga trabahong naghihintay?" nakataas kilay kong tanong.

"Oh yeah!" sagot nila Chu at Adith.

"Yes, ganon na nga." ngisi ni Nhessa.

"I have work already, after my Ojt. They hired me immediately." ani Quel.

"Alright, let's make a toast for a celebration!! Para sa pagiging mga working girls natin soon.." ngiti at taas ko ng baso. "Para sa ating mga career woman! Cheers!" nagtunugan ang mga baso namin ng magtama ito, kasabay ng hiyawan nilang lahat.

Napangiti pa ako habang nakatingin sa mga ateq. Parang kailan lang.. kakakilala ko palang sa kanila, but now gagraduate na kami at malapit ng magkahiwa hiwalay para harapin ang totoong buhay.

"Sam, huwag kang umiyak ngayon, ireserve mo yan sa graduation day!!" natatawang sabi ni Adith.

"Kahit na ba.. malapit na tayong magkahiwa hiwalay, kaya naiiyak ako!" aniya at nagpahid pa ng mga luha niya.

"Hayaan ninyo ng umiyak si Sam, para wala na siyang iiyak sa graduation. Alam nyo naman yan, iyakin!" asar sa kanya ni Quel.

"I'm the queen of the world!!" malakas na sigaw ni Nhessa, habang nakadipa at nakatayo sa gilid ng rooftop.

"Yes, ikaw talaga ang pinuno namin!" halakhak ni Chu.

Tumayo rin ako para makisigaw. "Gagraduate na ako!! Hindi na kita makikita Aldrich! Makakalimutan na rin kita.. soon!!" ayon talaga ang pangako ko sa sarili ko, kalilimutan ko si Aldrich at makakalimutan ko rin ang pinsan niya.

"May hugot ateq?" ngiti ni Adith. Ngumisi lang ako sa kanya.

"Hindi na rin ako ang Eye Liner Queen, I promise that!" sigaw muli ni Nhessa.

Napahalakhak ako, kahit ang ibang mga ateq ay napatawa na rin. Ayon ang moment na walang dalang pen si Nhessa at pinatayo siya ng professor namin, eye liner ba naman kasi ang ipinangsagot niya sa quiz namin.

"Mayroon na akong forever! And I love him so much!!" sigaw naman ni Chu.

"Makikilala ko rin ang prince charming ko soon!!" sigaw naman ni Sam.

"Magpapawax na ako palagi ng legs para mas lalong mabaliw sakin si Patrick!!" sigaw rin ni Quel.

"Sasagutin ko na ang hummy ko sa graduation day!!" sigaw ni Adith na nagpalingon sa aming lahat.

"Sasagutin mo na?" nakangusong tanong ni Quel.

"Y-yes?" sagot patanong ni Adith.

"Ang bilis naman?" si Chu.

"Talaga?" magkahawak kamay pang tanong ni Sam.

"Yes, sasagutin ko na siya. Baka kasi hindi na kami magkita ng madalas, dahil pareho na kami magiging busy." ani Adith.

"Congrats in advance!!" bati ko sa kanya.

"Thanks Gladys!" aniya.

Binati na rin siya ng mga kaibigan namin at nagpatuloy na kami sa pag-inom. Mukhang marami talaga kaming reason na magsaya ng mga kaibigan ko. Bukod sa pagkakaroon naming lahat ng trabaho, mukha rin silang mga masasaya sa buhay.

Continue Reading

You'll Also Like

767K 19.5K 43
Parang gumuho ang mundo ni Gavril nang mawala ang lahat sa kanya. Buhay pa siya pero pakiramdam niya ay matagal na siyang patay. Akala niya ay babaun...
1.6M 16.8K 27
Sandra Valencia - the hottest celebrity of her generation meets Major Dave Saavedra - the most elite and universal soldier yet the most arrogant and...
2M 28.9K 64
(Mature Content ) Lindsay Lagdameo was a thirty-four year old widow. Sabi niya sa sarili niya, wala na siyang balak pang bumuo ng pamilya. Tatlong...
232K 3.8K 29
#BaezSeries4 Isa lang ang motibo ni Zia Delos Santos kay Aidan Jose Baez at iyon ay paibigin at saktan ito dahil sinaktan nito ang best friend niya p...