Hot Stuff (Completed)

By AliehsAugust

869K 3.3K 41

Loving someone means.. You are willing to do anything and everything. Kahit pa hindi niya masuklian ay ayos l... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 2

20.7K 376 2
By AliehsAugust

"Anong meron ate at napauwi ka? May pasok ka pa bukas hindi ba?" tanong ni Hannah nang makita ako sa bahay.

"Parang ayaw mo na nandito ako sa bahay?" taas kilay kong tanong saka uminom sa aking black coffee.

"Of course not ate!" napatingin siya sa iniinom kong kape. "Black coffee? Depressed ka?"

"Where's Brix?" hindi ko siya sinagot. Napatingin ako sa aking relo, malapit ng mag-alas otso. "At ikaw, bakit kadarating mo lang?"

"Ate naman, isang taon lang ang tanda mo sakin. Ikaw nga nakabukod na ng bahay!? Tapos ako sa na-late lang ng uwi, kung makapagtanong ka parang inumaga na ako sa labas?!" nakanguso niyang sagot.

"Hey Hannah, hindi ako nakabukod. Marami kami sa bahay, it's like I live in a dorm something like that."

"Kahit na ate! Duh!" ingos niya sabay ikot ng mga mata. "Malapit ka nang magkaroon ng sarili mong condo!"

Silang dalawa kasi ni Brix dito lang rin sa Antipolo nag-aaral ng college. Ako lang talaga ang nag-aral sa Manila.

"Hannah! Ano na naman yan? Minsan na nga lang umuwi dito ang ate mo ganyan ka pa. At ang condo na iyon ay graduation gift ng tita Claire mo." ani mom. Narinig na naman niya siguro ang walang kamatayang hinaing ni Hannah.

"Hannah, graduation gift sakin yon ni tita Claire. Kapag graduating kana rin, pwede ka namang humingi non sa kanila ni mom." paliwanag ko rin.

"I know, I know! E, next year pa ako gagraduate!" she pouted.

Napailing nalang ako sa sagot ni Hannah. Pwede naman siyang humingi kina mom ng condo na gusto niya, once na makagraduate na siya. Iyon kasi ang rules nila mom at tita, like sa cars.. brand new cars ang gift nila sa aming magkakapatid noong mag eighteenth na kaming tatlo. At isang condo unit naman, once na makatapos na kami ng college.

"Hello there sisters!" bati ni Brix pagkakita sa amin. "Mom, nalate ako sa pag-uwi may project pa kasi kaming tinapos." humalik siya kay mom.

"It's okay. Kumain kana Brix, tapos na kaming kumain, nauna na kami ng mga ate mo." ani mom at bumaling sa akin. "Dito kaba matutulog?"

"Yes mom! Bukas po ako ng umaga aalis." tumayo na ako sa couch at nagpaalam sa kanilang tatlo.

Dala ko pa rin ang tasa ng aking black coffee. Kapag stressed kasi ako ay ito ang madalas kong inumin, black coffee without sugar or cream.. ayoko ng iba pang kape.

Habang nakahiga, naisip ko si Aldrich. Halos three years ko na rin siyang hinahabol habol pero hindi niya talaga ako binibigyang pansin. Noong second year palang kami ay nasubukan ko na siyang padalhan ng mga love letters, kahit hindi na uso ang snail mail. I even confessed my feelings for him through that letters, pero deadma lang siya. Noong third year naman kami, nagkaroon siya ng girlfriend na talagang ipinagluksa ko at ng aking mga kaibigan. Then I planned to destroy his relationship with that girl, and boom! Nasira ko nga. I threatened the girl na paaalisin ko siya dito sa school, I even bullied the poor girl.

Ang masama lang, nalaman iyon ni Aldrich, nagsumbong ang mga kaibigan ng babaeng iyon sa kanya. Kaya for the first of my life.. he talked to me, pinansin niya ako. Pero para lang pala sabihin sa akin, na wala akong maaasahan sa kanya. I cried a lot that day, pakiramdam ko para niya akong pisikal na sinaktan. Parang dinurog niya ang puso ko noong mga panahon na iyon.

But everything changed this year, nagbago ang lahat nang minsan niya akong ipinagtanggol sa grupo ng mga babaeng nagtangkang gumanti sakin. After that incident, palagi na niya akong kinakamusta. Kaya naman nagkaroon na ako ng pagkakataon na mapalapit sa kanya, my hopes up! Pero agad rin iyong bumagsak nang ayain ko siya sa ball at tanggihan niya ako. Narinig ko pa sa mga kaibigan niya at mga taong malapit sa kanya, na ayaw daw ni Aldrich sa mga babaeng spoiled brat, maarte, nakikipag away at higit sa lahat.. nambubully.

I've been trying to change for him, para lang magustuhan niya ako. Kaya sinusubukan kong maging nice. So far, this march iyong hipon palang na iyon ang nakakaramdam ng katamisan ko. It's because march two palang ngayon, at malapit na nga ang aming graduation day.

"Were you considering Nhessa's plan?" tanong ni Sam. Dinaanan ko kasi siya para isabay sa pagpasok sa school.

"I don't know.. I love Aldrich, willing akong gawin ang lahat para sa kanya. But I'm not sure about this one, medyo kinakabahan kasi ako." I honestly said.

"You know what, Gladys. If you already made your decision.. think about it again, but if you're not sure.. just forget it. Seriously, marami pang iba diyan baka hindi lang talaga siya ang nakalaan para sayo." sumulyap pa siya sakin ng sabihin iyon.

Hindi na ako sumagot. No! I know Aldrich is my destiny, siya ang para sa akin.. hindi pa nga lang niya alam iyon. But I'll make sure na mamahalin niya rin ako bago pa kami magkahiwa hiwalay ngayong college.

"Aldrich wait!" tawag ko sa kanya nang makita ko siyang dumaan kasama ang mga kaibigan niya.

Nakita kong huminto siya at napatingin sakin. I think the moment na napatingin siya sakin ay nag-umpisa ng magpalpitate ang puso ko. Aldrich effects!

Huminga muna ako nang malalim bago ngumiti at naglakad palapit sa kanya. "Ahm.. I-ibibigay ko lang sana to!" iniabot ko sa kanya ang isang paper bag ng Sumaka. Ito ang pinag sama samang suman, mangga at kasoy.

Tinanggap niya iyon. Mabuti naman at hindi niya tinanggihan tulad noon.

"Thanks Gladys." ngumiti siya sakin.

Shit! Ang gwapo talaga ng mahal ko! Hindi naman ito ang unang beses na tumanggap siya ng pagkain galing sakin, at hindi rin naman ito ang unang beses na ngumiti siya sakin. Pero leche talaga! Ang gwapo ng mahal ko! Nakaka-inlove lalo!

"I'll go ahead! Salamat ulit dito." paalam niya at saka bumaling sa mga kaibigan niya.

Nakita ko pang inaasar asar siya ng mga kaibigan niya at napapailing lang na ibinigay niya sa mga ito ang bag na pasalubong ko. Napanguso ako, sana naman tikman niya kahit konti lang.

Pumasok na ako ng classroom namin at saka nakinig sa professor, nakita ko lang naman kasi siyang dumaan sa labas ng classroom namin.

"Believe me Gladys! Kapag nagawa mo itong plano ko, may chance na kayo ni Aldrich!" proud with assurance pa na sabi ni Nhessa.

I nodded at her, kailangan ko na talaga itong gawin. He left me no choice. Last two weeks nalang ng pasok namin. At wala pa ring progress ang panunuyo ko kay Aldrich. Ilang araw nalang at hindi ko na siya makikita ng tuluyan!

"What if.. hindi niya magustuhan? Or worse magalit siya sakin?" kinakabahan kong tanong.

"Naduduwag ka na ba Gladys?" nakangising tanong sa akin ni Quel.

"Over my beautiful and gorgeous body!" I flipped my hair.

"So gagawin mo talaga?" segunda naman ni Sam.

"Of course gagawin ko yon. Ito na ang last year natin sa college, at pagkatapos ng dalawang linggo hindi na kami magkikita pa ni Aldrich." pumangalumbaba pa ako.

Nandito kami sa bahay na inuupahan namin at pinagpaplanuhan ang gagawin ko mamayang gabi.

"Adith ilabas na ang plano!!" pumalakpak pa si Nhessa

"Chill mga ateq. Nagmamadali lang??" si Chu.

Hindi namin pinansin si Chu, nakatuon ang pansin naming lahat sa inilabas na papel ni Adith.

"So here's the plan.." nakinig akong mabuti sa mga iniexplain ni Adith at Quel. Sila lang naman ang nakaisip ng madugong plano na ito. A one hell of a bloody plan.

"Nagawa na namin ang lahat ng part namin. Ikaw na master Nhessa ang mag-exlpain ng iba pa para sa 'Operation: Make Aldrich Fall For Gladys' " nakangising sabi ni Quel.

"Alright! Basta sundin mo lang ang lahat ng sinabi nila Adith at Quel, makakapasok ka ng maayos sa apartment ni Aldrich. Kompleto detalye naman lahat ng iyon." ani Nhessa.

"What if mapagkamalan siyang akyat bahay gang?" problemadong tanong ni Sam.

"Sa ganda niyang yan? Akyat bahay gang? Mag-isa lang siyang papasok, ano kaba?! Look out lang tayo sa labas." sagot ni Chu.

"Sigurado ba kayong walang ibang tao sa apartment na iyon? Baka naman may room mate siya?" napalunok pa ako.

"Wala siyang kasama sa apartment niya. At kung meron man hindi yung nag-oovernight or sleep over tulad ng mga girls." seryosong sagot ni Adith.

"Here's your babydoll para naman mas mabaliw siya sayo!" ibinigay sakin ni Quel ang isang nightie.

Nakita ko ang isang color red na manipis na tela at parang wala ng maitatago pa sa aking katawan kung isusuot ko man iyon.

"Akala ko ba mag-i-strip si Gladys?" kunot noong tanong ni Chu.

"As if hubad siyang bababa ng sasakyan natin?! My gosh naman Chu!!" umiikot ang mga matang sabi ni Nhessa.

"Actually, kapag iyan ang isinuot ko para na rin akong nakahubad!!" napalakas kong sabi.

"Tiis ganda te. Sabi nga ni Adith, kung hindi ka maghuhubad walang mangyayari!!" ngisi ni Quel.

"Hoy wala akong sinabing ganon!" apila ni Adith.

"Meron!!" sabay sabay naming sagot.

Meron naman talaga, noong ini-explain niya sakin ang mga gagawin ko kapag nakapasok na ako sa kwarto ni Aldrich. Umangal kasi ako sa sinabi niyang kailangan kong maghubad? Wala nga daw mangyayari kung hindi ako maghuhubad.

"E di meron!" irap niya.

"Gladys Marie Catamisan? Ano na? Hindi ka pa iinom? Huwag mong dasalan yan! Yes, makakatulong yang alak pero nasa performance mo pa rin iyon!" halakhak ni Chu habang nilalaro ang lemon.

"Hey Chu, stop pressuring her! Baka maduwag na yang si Gladys!" si Quel.

"Wag ka nalang kayang tumuloy Gladys, baka kasi mapagkamalan kang-"

Pinutol nilang lahat ang sasabihin pa ni Sam. Siya lang talaga ang hindi sang ayon sa plano namin, pero hindi naman siya sobrang kontra. Mahina kasi ang loob ni Sam sa kahit anong bagay, kaya no wonder hindi niya kayang mabuhay ng hindi kasama ang mga magulang niya.

"Okay! Kaya ko to!" I said before gulping my tequila. Siguro naman mas mapapalakas nito ang aking loob.

Nang mauubos ko na ang isang bote pinatigil na nila ako para daw makaligo na, malapit na palang mag-alas dose ng hating gabi. Kahit sa body wash, shampoo at mouth wash ay may personal touch pa iyon ni Nhessa.

"Sexy mo talaga ateq." nakangiting sabi ni Sam.

Napangiwi ako, kalalabas ko lang ng banyo at suot ang damit na ibinigay ni Quel. Paanong hindi ako magmumukhang sexy'ng tingnan. Backless ito o halter, maliit ang strap at sobrang low cut sa neck. Napakanipis pa ng pula nitong tela at napaka iksi.

"Ang swerte ni Aldrich! Kahit ipabidding ka namin sa Underground, kikita kami ng millions sayo." palatak ni Quel. "-Ouch, anong masama sa sinabi ko?" tanong ni Quel kay Adith nang batukan siya nito.

"Para kang taga syndicate kong makapagsalita diyan! Si Gladys lang yan! Natural na mahubog ang katawan! Kaya nga nagtataka ako kay Aldrich kung bakit ayaw niya kay Gladys?!" napahawak pa siya sa baba niya na parang nag-iisip.

"Salamat sa pagpapalakas ng loob mga ateq. I really need this! Hooh!" I breathed in and out.

"What friends are for?" ngiti ni Chu.

"Basta, don't forget everything we've told you. At magiging sucess ang lahat, who knows ma-inlove pa siya sayo after this!? At magkakaroon na kayo ng happily ever after!" masayang sabi ni Nhessa.

Hindi na ako umaasa pa na ma-inlove siya sakin. Basta magawa ko lang ito ng maayos at maibigay ko sa kanya ang aking sarili ay ayos na ako doon. Ganoon ko siya kamahal, I couldn't ask for more.

"Ubusin mo na yan para makapasok kana.." ani Chu.

"Pagkapehin kaya muna natin si Gladys? Para mabawasan yung spirit ng alak?" nag-aalalang sabi ni Sam.

"No! Ayon nga ang purpose ng alak?!" mabilis na sagot ni Quel.

"Drink all of that, then we'll proceed to our next plan!" si Nhessa.

"I can do this! Don't worry about me Sam!" ngiti ko sa kanya.

May pag-aalala pa rin siya pero nakangiti na siya sakin. "Para sa happily ever after mo! I'll cheer for you! Kaya go Gladys! Go, go go Gladys!"

"Maghihintay kami sayo sa convenience store na nadaanan natin kanina. Hindi kami pwede dito maghintay, baka mapagkamalan pa kami ng mga nagroroving." napaikot pa sa labas ng sasakyan ang paningin ni Adith. "Malapit lang naman iyon dito, natatandaan mo naman diba?" I nodded at her.

"Wish you luck ateq!" humalik at yumakap pa sakin si Sam.

"Good luck Gladys!!" sabay sabay nilang sabi bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan.

Pagkalabas ko palang, naramdaman ko na ang lamig ng pangmadaling araw na hangin. Nabuksan ko agad ang gate ng dahan dahan. Tumakbo na ako papuntang apartment ni Aldrich.

Continue Reading

You'll Also Like

43.8K 375 7
Sweetness & Possession Series # 13 : He's twenty five and she's eighteen. They got one night stand. Russel Anthony Ho, a wild and the black sheep of...
768K 19.5K 43
Parang gumuho ang mundo ni Gavril nang mawala ang lahat sa kanya. Buhay pa siya pero pakiramdam niya ay matagal na siyang patay. Akala niya ay babaun...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...