Until The Night Came

By iamPenPen

32.8K 372 115

I-add po ito sa library niyo upang mabasa ang mga chapters na ipa-publish soon! More

Kabanata 3
Kayla_Paige's Diary
Chapter 1
Loner_Forever's Diary
Good News And Bad News
UPDATE

Kabanata 1

26.4K 245 101
By iamPenPen

note: hindi siya connected s reckless. nagkapareho lng pangalan. nakalimutan ko kcing nag eexit pa tong story sa account ko haha

Copyright (c) penmaster

"Mahal ko siya, pero hindi niya alam."

-Amy

Kabanata 1

Halong tuwa at lungkot ang aking nadarama habang nagi-impake ng aking mga gamit. Ito kasi ang araw na tutuloy ako sa bahay ng kaibigan kong si Cindy at ang araw na aalis si mommy. Susunod siya kay daddy sa States para matulungan niya si dad dahil nabalitaan niya ngang muntikan nang bumagsak ang business namin. Bago pa lamang si dad sa pagma-manage ng business hindi katulad ni mom na beterano na sa mga ganung gawain.

"Are you sure you're alright, 'nak?" Tanong ni mommy habang nakadungaw sa pintuan.

"Yes ma'." Mahina kong tugon. Marahil dahil sa lungkot na maiiwan muli ako. Pero wala akong magagawa, andiyan na ang lahat. Tama na rin ito kaysa mangyari ang ikakabagsak ng business naming pamilya.

"If you want to come with me, its ok." Wika ni mommy at tinulungan ako sa pag-impake.

Kung susunod ako sa States, mawawala lahat ng mga pinag-hirapan ko. I already enrolled sa university na papasukan ko. Nakapag exam na ako at kompleto ko na lahat ng mga requirement na kailangan ko. Hindi ko dapat balewalain lang iyon. Kung lilisanin ko ang bansang ito, back to zero uli ako. At isa pa, gusto ko matapos ang taong ito ng walang absents at hindi kompletong semesters. So I will take that as a no.

"No mom. Ayoko po. Ayos na po ako dito." Ani ko at napayuko.

Naramdaman kong niyakap ako ni mommy kaya agad ko rin naman itong tinugunan ng mas mahigpit. Mami-missed ko ang mga yakap na ganito tuwing gabi pati na rin yung mga comforting advices ni mommy sa tuwing dina-down ko ang aking sarili. Pero sadly, lahat ng iyon ay mawawala at magiging isa na lang magandang ala ala.

"Are you sure?" Tanong ni mommy at hiniwalay ang kaniyang sarili.

Tumango tango ako. "Yes mommy. Ayoko rin po kasing ma-home sick." Napayuko ako to avoid my mom's gaze. Sa tuwing nakikita ko kasi ang mga mata niyang kumikisap, para tuloy gusto ko nang sumunod sa kaniya sa states.

I know naman na maiintindihan ako ni mom. At alam ko rin na tanggap niya ang desisyon ko na magpaiwan na lamang. She trust my bestfriend so much kaya okey lang naman sa kaniya na doon ako mag-stay for two months habang wala siya.

"Sige na. Mali-late na ako sa flight 'nak." Napagtanto kong umiiyak na pala si mom nang tumingala ako sa kaniya. Naging crystal-like na tuloy ang aking mga mata. Mabilis akong mahawa sa tuwing may umiiyak, lalo na kung magulang ko ang nakikita kong lumuluha.

"I-ingat 'ma." Nanginginig ang bibig ko nang ako'y magsalita. Tumulo na rin kasi ang luha kong nagbabadya pa kanina.

Pinang tukod ko ang dalawa kong kamay upang tumayo sa sahig at kinuha ang maleta ni mama upang tulungan siya. My mom smiled at me at alam kong pilit lang iyon dahil alam kong malungkot siya sa desisyon niya.

Hinatid ko si mommy pababa ng hagdan at sa tapat ng gate. Pansamantala kaming tumigil doon at humugot ng lakas para tanggapin ang mangyayari.

Nilingon ako ni mama at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Anak, babalik din ako pagkaraan ng dalawang buwan. Sana, mapagbuti mo pa ang studies mo ha? Kahit wala ako, isipin mo na lang na nasa tabi mo ako at patuloy na sumusoporta."

Sunod sunod na pumatak ang aking luha. Buong akala ko, madaling tanggapin ang lahat. Yun pala, kapag nangyayari na, mahirap pala.

"I love you mom." Niyapos ko si mom. Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya dahil ito ang huling araw na gagawin 'to sa kaniya.

"Me too Amy. Me too." Hinalikan ako ni mommy sa noo. "Sige na. Mali-late na ako 'nak. Bye Amy." Kumaway si mommy palabas ng gate namin.

Napahawak ako sa aking bibig habang patuloy na umaagos ang aking luha kasabay ng pag-putok ng aking dibdib. Ang sakit pala tanggapin.

Kumaway ako kay mommy even though wala na siya sa aking paningin. Niyakap ko ang aking sarili at tinanggap ang nangyari.

Bumalik ako sa loob ng bahay upang kuhain ang aking bagahe. Ayokong magpasundo kay Cindy looking like this. Ako na lang ang pupuntang mag-isa sa kanila. Ayokong maka abala kung ano man ang ginagawa niya.

Humikhibi ako habang nasa loob ng taxi. Siguro dahil sa aftershocks ng ginawa kong pag-iyak kanina. Tahimik lamang ako buong biyahe at hindi rin naman nagtagal ay nakarating rin ako sa bahay nila Cindy.

'Diba dapat akong matuwa dahil andito ang crush kong si Enzo? Pero bakit ganun, parang hindi ko magawang ma-excite at matuwa man sa mangyayari ngayon.

Nasa tapat na ako ng gate nila. Nakaka tatlong doorbell na ako nang lumabas si Cindy sa kanilang bahay. Nakasuot siya ng simpleng shorts at sando pero maganda pa rin siyang tignan. Model kasi siya dati but immediately gave up dahil tutol ang kaniyang pamilya.

Pinag-buksan niya ako ng gate at sinalubong ng yakap. Agad siyang bumitaw at tinitigan ako sa mata. Nakita kong napakunot noo siya.

"Hala? Umiyak ka ba?" Tanong niya. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

I nodded at napayuko na lang. "Oo eh. Umalis na kasi si mommy."

Napahawak siya sa bibig niya. "Talaga? Napaaga ata ang alis ni Tita."

Tumango tango na lamang ako at ningitian siya. Masyadong nakakapagod ipaligawanag ang lahat sa kaniya. Pinatuloy niya ako sa loob ng bahay at agad na hinatid sa tutuluyan kong kwarto.

"Share na lang kaya tayo." Aniya at kumindat na tinuro ang kaniyang kwartong may dalawang kama.

"Sige na nga." Ngumuso akong umirap dito. Nakita ko kung pano kumislap ang mga ni Cindy nang pumayag ako.

Napangiti ako nang malaman kong ayos na pala ang bed sheets nito. Alam talaga ni Cindy na gustong gusto ko ang color purple.

"Kung may kailangan ka pa, sabihin mo lang kay Kuya Enzo." Kumindat si Cindy sa akin at kinilig. Alam niya na crush ko si Enzo since grade seven. At confident ako na hindi niya iyon sinabi dahil ang pagkakaalam ko, magaling magtago ng sikreto si Cindy.

"Baliw." Tugon ko at saka hinawi ang nakasagabal kong side bangs.

Lumabas na si Cindy sa kwarto dahil tinawag siya ni Enzo. May inutos ata. Kuya ni Cindy at seconds lang ang tanda nila, in short: kambal. Magkamukha naman sila pero chinito si Enzo habang bilog naman ang mata ni Cindy. Opposite rin sila pagdating sa ugali. Cindy is loud, at hyperactive habang si Enzo ay tahimik.

Enzo has a heart disease since birth. Nalaman ko iyon nung birthday ni Cindy. I noticed kasi na hindi siya mahilig sa mga physical activites. But then their mother told me na pinag bawalan nila si Enzo dahil maari siyang atakihin.

Kung bakit ko siya nagustahan ay isang tanong na hindi ako magsasawang sagutin. Ang misteryoso kasi niya, gwapo, gentleman, at higit sa lahat magaling kumanta. Lalo akong nai-inlove sa tuwing kumakanta siya. Hindi ko siya classmate last year pero naririnig ko ang boses niya tuwing uma-attend ako ng mini concert ng kanilang bandang 'The Shakers'. Kahit tinitilian siya ng mga babae sa campus, patuloy pa rin siya sa pagiging humble.

Pagkatapos ko iligpit ang mga gamit ko, lumabas ako ng kwarto upang hanapin si Cindy. Along the way, nakasalubong ko si Enzo. Naka sando siya at red na skinny jeans. Kitang kita tuloy ang curves ng kaniyang muscle. Damn, ang hot niya. Napawi tuloy ang lungkot ko nang nakita ko siya.

Ginulo niya ang buhok niyang brown at tinitigan ako diretso sa aking mata. Iniwasan ko ang tingin niya at napalunok na lamang.

"Looking for Cindy?" Tanong niya without any expression.

Agad akong napatingala. "Oo, oo. Asannabasiya?" Mabilis kong sabi dahil kinakabahan ako. Nagwawala na ang mga kulisap sa tiyan ko.

"Eh?" Tumaas ang kaliwa niyang kilay. "Andoon siya sa pool area. May kausap. Puntahan mo na lang." Aniya. He's still giving me that weird look. Nang makapasok na siya sa loob ng kwarto, sumulyap ako sa salamin na katabi ko. Oo nga, ang weird ng mukha ko. Sabog ang buhok ko at naka dikit ang ibang hibla sa noo at leeg ko dahil sa pawis na namuo. Halatang kinakabahan ako.

"Si Enzo lang yun Amy. Si Enzo." Sabi ko sa loob ng aking isip. Like the heck! Noon pa kami nagkikita at nag-uusap pero bakit ngayon lang ako kinakabahan? Minsan talaga, hindi ko na maintindihan ang aking mga pinag gagawa.

Bumaba ako sa hagdan at tumungo sa pool area. Tapos na makipag-usap si Cindy sa kabilang linya dahil nakita kong binaba niya ang phone niya.

"Uy Amy." She exclaimed asking me to come over.

Agad ko namang sinunod ang kaniyang gusto. Nang nasa tapat na niya ako, hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"A-ano ba yun?" Tanong ko.

Napakagat labi siyang tumugon. "Pwede bang humingi ng favor?"

Nagulat ako sa sinabi niya ngayon. Itong unang beses kasi nanghingi ng favor ang isang 'to. Lagi niya kasing pinapangunahan ang pride niya kaya ayaw niyang umasa sa ibang tao. Nakita ko ang paliko likong mata ni Cindy. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin marahil nahihiya dahil unang beses niya lamang ito ginawa.

"Oh see? Sabi ko sayo kakailanganin mo rin ang tulong ng iba eh." I playfully rolled my eyes at her. "Pero sige, ano ba yun?"

"Si Reana kasi, nagpapasama magpa-enroll. Hindi naman niya alam yung school na papasukan natin kaya nagpapasama." She paused. "Ang kaso, walang kasama si Enzo papuntang rehearsal ng banda niya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "D-dont t-tell me--"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "Oo, sasamahan mo siya papunta doon. Alam mo naman ang isang 'to. Pagniyaya makipag inuman at sa galaan, gora lang. Kaya gusto kong may ka-accompany siya. Malalagot kasi ako kay mommy kapag wala yang kasama si kuya."

Napakamot ako sa ulo ko. Nakakailang naman. Matanda na si Enzo at alam naman niya ang papuntang rehearsal, pero bakit pa kailangang may kasama? Ang OA lang ha. Pero in the name of love, oo. Sasama ako sa kaniya.

"Please? Diba crush mo naman si kuya? Pagkakataon mo na 'to para mapansin niya" Kumindat si Cindy at sinundot ang aking tagiliran.

"Oo na. Oo na. Pero hindi ko ito ginawa dahil crush ko siya. I did this for you dahil mahal kita." Inirapan ko siya kahit gusto ko naman talagang samahan ang kaniyang kuya.

"Sus, pakipot pa."

Pinaalam na ni Cindy sa kuya niya na ako ang sasama. Medyo nagkunot noo nanaman si Enzo pero pumayag naman. Nagalit din kasi siya dahil biglaan naman daw. Kaya eto, ang bigat ng aking dala. Isang body bag na puro t-shirts niya at mga pagkain at kung ano ano pa. Samantalang siya ay isang backpack lamang.

"Sure ka, hindi mabigat?" Tanong ni Enzo habang nasa loob kami ng car.

Tumango tango naman ako kaagad. "Oo. Carry lang." Nakakahiya naman kasing mag-inarte sa kaniya. Wala pa kaya kaming namumuong friendship saming dalawa. Acquaintance pa nga rin kami kahit matagal na kaming magkakilala.

"Um, okey." Aniya at isinaksak ang earphones sa magkabilaan niyang tainga.

Nakatuon lang ang pansin ko sa bintana ng kotse niya. Nakakatuwa kasing pagmasdan ang mga poste na dumadaan. Hindi ko alam kung bakit natutuwa na ako sa mga simpleng bagay.

Pagkarating namin sa building na pagre-rehearsal-an nila, agad kaming sinalubong ng kaniyang nga ka-grupo.

"Hey bro!" They said in chorus at nakipag high five kay Enzo. Guwapo silang pareho at may sari sariling styles pagdati sa mga pananamit at buhok. Siguro kaya sikat sa mga kababaihan ang mga 'to. Hindi ko naman akalain na ganito nga sila ka-guwapo. Hindi ko naman kasi sila nakikitang pakalat kalat sa campus. Sa tuwing nagco-concert sila sa school or malls, nasa malayo lamang ako na nanonood kaya hindi ko nakikita ang tatlong adonis na 'to.

"Guys, si Amy nga pala." Nagulat ako nang inintroduce ako ni Enzo sa kanilang tatlo. Sabay sabay silang nag-hi kaya nag hello rin ako.

"I'm Carlo." Inilahad ng lalaking chinito ang kamay niya. Agad ko rin naman itong tinanggap. Hindi niya agad tinanggal ang pagkakahawak at pinisil pisil pa ang aking kamay. Tinignan ko siya ng masakit kaya napabitaw siya. Maniac.

"I'm Troy." Pagpapakilala naman ng isang lalaki na chinito rin. Hindi katulad sa nauna, gentleman siya. Gwapo at maamo ang mukha.

Napatingin ako sa isang nanahimik lamang. Gwapo din siya at misteryoso tulad ni Enzo. Maputi siya at mapungay ang mata. Perpekto din ang kurba ng labi niya.

"Um, he's Adam. The ultimate bad boy and ice prince of the shakers." Natatawang introduction ni Carlo kay Adam.

"Tss." Rinig kong sabi ni Adam at umalis sa aming harapan at tumungo sa sulok kung saan nakapwesto ang mga drums.

"Girlfriend mo brad?" Tanong ni Carlo sabay turo sa akin.

"Loko! Hindi noh." Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Enzo nang tignan niya ako. Parang may ibig ipahiwatig ang titig na iyon. Para bang naiirita o ano.

Tumawa si Carlo at inakbayan ako. Nagulat naman ako at agad na tinanggal ang kamay niya nakalagay sa balikat ko.

"Single ka pa ba babe?" Kumindat si Carlo sa akin.

Inirapan ko na lamang siya at tumungo sa upuan na bakante. Pero bago ko pa magawa iyon, hinawakan uli ni Carlo ang kamay ko pabalik. "I like your lips." He paused. "Can I kissed them?"

Again, I rolled my eyes at her. Grabe lang ha. Parang kung umasta matagal na kami magkakilala.

"Tama na nga yan Carl." Saway ni Enzo at tinignan ng masakit si Carl.

"Yes boss!" Aniya at bumalik na sa entablado kung saan sila magre-rehears.

Nakatingin ako sa entablado habang tinititigan si Enzo na magstrums ng guitar. Nang mapasadahan ko ng tignin si Carl, nakita kong nakatitig pa rin siya sa akin habang kumakanta. Umiwas ako ng tingin at inilabas na lang ang aking iPhone to escape my boredom. Nakarating kaya si mama sa airport ligtas? Hay, sana naman maayos ang kalagayan niya. Speaking of that, sa Monday na pala ang pasukan. I hurriedly checked the calendar at napag alamang friday pa pala. I still have two days para maghanda and I am confident na magkaklase kami this year ni Enzo dahil parehas na kami ng mga class na papasukan.

Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin upang buksan ang retrica app. Siguro boredom ang nagdala kaya naisipan kong mag-selfie sa upuan. Mapanguso, mapadila, nagawa ko na kaya naisipan ko namang picturan sila habang nagpa-practice ng kanta.

I took five pictures at ni-review ang bawat isa. Laking gulat ko nang nakita kong naka wacky at iba iba ang post ni Carl sa bawat picture na akin kinuha. Napansin niya kaya ang mga exhibition ko sa upuan kanina? Damn, nakakahiya.

Hinilamos ko ang mukha ko gamit ang aking kamay at kinalimutan na lang ang mga iniisip kong mga bagay.

I decided to post my selfies sa facebook at nilagyan ng caption.

Here at rehearsal - with Enzo Pascual - feeling maganda :)

Nakangiti akong pinindot ang post button sa phone ko at pinost din ang mga pictures nila.

Here at rehearsal - with The Shakers - feeling special :-)

Para akong ewan habang nagta-type ng caption nang bigla akong nakatanggap ng friend request.

Carlo Rowel - Accept | Decline

Nagsalubong ang dalawa kong kilay nang makita ko ang profile. Si maniac nga. Mabilis kong pinindot ang decline at inilapag ang cellphone nang mag-break time na sila. I noticed na hawak hawak ni Carlo ang cellphone niya kanina pa marahil, naghihintay na i-accept ko ang friend request niya.

I handed the plastic bottle to Enzo dahil baka naubusan siya ng laway kakakanta sa entablado. Agad naman niya itong tinanggap at ininom.

"Thanks." Aniya pagkatapos uminom. "Paki kuha nga ako ng tuwalya Amy."

Tumungo naman ako sa bag niya at ikinuha siya ng tuwalya. Tinanggap naman niya ito at pinunasan ang sarili niya. Pagkabalik ko sa upuan, kinuha ko kaagad ang cellphone ko para ipag patuloy ang aking ginagawa.

Napansin kong may dalawang notif akong natanggap kaya mabilis ko itong tiningnan.

-Carlo Rowel likes your photo

-Carlo Rowel likes your photo

Hinayupak na yan! Hindi naman basta basta nala-like ang mga contents sa FB ko kapag hindi friend ah. Naka private pa nga yun sa mga hindi ko pa ina-add.

Napadpad ako sa profile niya at nakitang naka friend na ako sa kaniya. Napa face palm ako at agad na hinahap si Carlo.

"Troy, asan si Carlo?" Tanong ko kay Troy na nagpapalit ng damit.

"Andoon oh." Aniya at itinuro si Carlo na ngayon ay umiinom ng tubig. Mabilis ko siyang pinuntahan at binatukan kaya natapon ng bahagya ang iniinom niyang gatorade.

"What the F babe?" Nagulat siya at tinignan ang basa niyang t-shirt. Bumakat tuloy ang kaniyang chest mula doon.

"What the F mo mukha mo. Sino ka para paki alaman ang cellphone ko para lang i-accept ang friend request ko." Napahalukipkip ako habang pinapatay siya gamit ang titig ko.

"Chill lang babe. Wala namang masama eh." Saad niya at nagawa pang kumindat. I bit my lower lip trying to make myself calm. Wala ako sa posisyon para mag wala kaya hahayaan ko na lang siya.

Tumalikod ako para bumalik na sa aking inuupuan nang magsalita siya. "If you want a boyfriend, just talk to me okey?"

"Fuck you." I cussed and gave him an evil look. Sobrang yabang! Porket guwapo lang siya, pwede na siyang mang asar. Hindi lahat ng babae makukuha niya gamit ang charm niya.

"Ouch babe." He pouted at hinawakan ang kaniyang dibdib.

I rolled my eyes at him at naupo na lang sa tabi. Napansin kong nakaupo rin doon si Enzo habang seryosong nakatitig sa kawalan. Sinundan niya ako ng tingin habang papaupo ako sa upuan.

"Huwag mo na lang pansinin si Carlo. Ganiyan lang talaga yan. Walang magawa sa mundo." Seryosong sabi ni Enzo at tumayo.

"Masasanay rin ako." I faked a smile at napa crossed arms na lang silang pinanood na bumalik muli sa entablado. Ito na yung kakantahin nila ang kanta na parang actual performance na ng kanilang grupo.

Ini-record ko ang performance nila dahil hindi ko kailangan ma-missed out ang performance ng The Shakers. Syempre dahil ako ang pinag pala na mapanood silang up close at solong solo.

Buong performance nila, nakatitig lamang ako kay Enzo pero hindi mapigilang mapalingon ng mata ko kay Carlo na naka smirk lagi tuwing titingin ako. That smirking jerk is really getting into my nervs.

Doon ko napansin na magaling rin palang kumanta 'tong si Adam. Ang tahimik kasi at parang may sariling mundo. Mahusay rin naman si Carlo at Troy dahil nabigyan sila ng mahaba habang solo. At syempre ang pinaka magaling sa lahat ay walang iba kundi si Enzo dahil siya ang lead singer ng The Shakers.

Pumalakpak ako nang matapos silang mag-perform. Nag-bow naman si Carlo kahit hindi naman nag-bow ang iba niyang members. Tapos na ang rehearsal nila at finally makakauwi na rin ako.

"Saan lakad niyo?" Tanong ni Enzo sa kaniyang mga ka-grupo.

"Tatambay muna dito or doon sa PUB." Tugon ni Troy.

"Kayo? Saan lakad niyo?" Supladong tanong ni Carlo at inemphasize pa ang salitang 'niyo'.

"Sa bahay." Simpleng tugon ni Enzo at isinukbit na ang kaniyang bag. Isinukbit ko na rin ang kaniyang body bag.

"Live in kayo?" Tanong ni Carlo at halata namang ikanibigla niya.

"Nakiki sleepover lang." I said at hinila na si Enzo palabas.

"I trust you babe." Pabirong sabi ni Carlo kaya nagtawanan ang iba niyang ka-grupo. Seryoso namang nakatingin si Enzo sa kanilang tatlo.

"Drop it dudes." Ani Enzo at kinaladkad ako palabas ng kwarto.

Continue Reading

You'll Also Like

149K 2.7K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
6.8M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
252K 14K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.9M 37.7K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.