If I Fall Chapter 13: Not My Cup of Tea
(Barbs' POV)
You're The One That I Want Chapter XX
Masyadong natuliro si Leiza sa mga nangyayari ngayon sa kanya. Well, what happened nga ba? It all started so quick na maging sya, hindi namalayan na may nagbago.
After that infamous sampal during Filipino time, things between her and Denn changed. Hindi nya masabi na for the better or for the worst ba yung "change" na yun. Ang alam lang nya, may nagbago. Period.
Alin nagbago? First, he's not being an ass anymore. Sure, nangungulit pa rin sya pero hindi na yung in-your-face na pang-asar. Parang nagising ang epal sa binigay nyang chukpakpuk na sampal. Second, madalas na syang hindi pinapansin. Mamamansin lang sya pag mang-aasar which is 4 times a week lang. She's wondering, anong nangyari sa epal at first kiss stealer na si Denn Estrella? Natauhan na ba to?
Nasagot yung first question nya that afternoon, bago sya umuwi. She decided not to join Bee and Jean after class. Tinatamad kasi syang gumala. Instead, dumaan muna sya sa park para mag-isip. This is so.. confusing for her. Define confusing naman kasi :|
Tatambay sana sya sa may swing nang may mapansin syang figure na nakaupo sa may slide. Weird, kasi dun nya gustong umupo! Naunahan pa sya. Wa- May nakita syang something mula dun sa taong nakaupo. ID lace? Wow. So schoolmate nya to. Great.
Aalis na sana sya nang di nya napansin na may plastic cup sa dadaanan nya. Ayun, naapakan nya.
*crrraaaaaaaaaaack!*
"Sino yan?"
Juskopolord. Si Denn pala yung nakapo sa slide? :/
Bumaba si Denn sa slide para tignan kung sino yun. There he saw Leiza, na nakatalikod sa kanya.
"Nice. Ba't ka nandito, Sisa?" Ever since sinampal sya ni Leiza, Sisa na ang tinawag nya dito. May pagkabaliw-baliw kasi ang babae para sa kanya. Weird much nga.
Humarap sa kanya si Leiza. "Napadaan lang. Kaso nakaupo ka na sa slide, dyan dapat ako tatambay eh."
"Ayan, tambay na. Di na ko uupo."
Dun lang napansin ni Leiza ang pasa sa may panga ni Denn. "Oh my gosh! Ano yan? What happened?" Unconsciously syang lumapit dito para punasan yun putok na labi ni Denn.
Di naman nakagalaw si Denn. He's kinda amused and touched; si Leiza, biglang nag-alala? Panalo, nakakatawa. Pinabayaan lang nya itong punasan yung may labi nya. "Aray! Dahan-dahan naman!"
"Oh crap," natauhan na si Leiza sa ginawa nya. Ansaveeeeh? Why did she do that?
"Wow. Mabait ka rin pala, kahit masakit kang manampal."
--------------------------------
Napatigil ako sa pagsusulat ng update ko. Kanina pa kasi ako binibwiset nitong katabi kong Tuko! Pano ba naman, nakabantay sya hanggang sa pagsusulat ko!
Hinuli ko sya sa aktong nakatitig sya sakin at sa notebook ko. "Gusto bang makita kung anong itsura ng G-Tec sa mata ng tao? Try natin sayo if you want," bulong ko sa kanya. Ngumiti muna sya bago bumalik sa pakikinig kay Ms. DV. Medyo boring ang lesson namin ngayon sa English: magbabasa na naman ng kwento. Haynako, nabasa ko na to sa bahay, ayaw ko na ulitin.
Until now hindi ako makarecover sa sinabi sakin ni Tuko nung Friday. Actually, tama naman sya sa pinagsasabi nya. Dati ko pa hinahanap yung kulang sa story ko, tapos sya pa tong nag-point out sakin. Etong epal na nangbablackmail. The fudge.
Buong weekend akong nagstrategize about sa flow ng story ko. Di ko na nga inatupag yung IP namin sa Physics eh! Hmm. Teka na-lost ako bigla. Kainis kasi tong si Tuko! Nasa kalagitnaan nako ng sinusula-
I felt someone grabbed my right hand and raised it up.
"Ma'am, si Barbs daw po willing," narinig kong sinabi ng epal kong katabi.
Napatingin ako sa kanya then kay Ms. DV, na nakangiti na sakin. "Well thank you Barbs! Dito ko na lang iiwan yung exam papers ha. Paki-checkan na lang. So, goodbye class!"
HAAAAAAAAAAAAAAAA?! Ano raw? Anyare?
"What was that all about!?" sigaw ko kay Tuko. Nakatingin na samin ang buong klase.
He looked at me strangely. "Ah yun ba? Di ba gusto mong magcheck ng exam papers ng 3rd year? Ayan, request granted!"
LECHE NAMAN OH! LAKAS TALAGA NG TRIP NITO SA BUHAY!!! SARAP SAPUKIN ANG WALAH -____-
-----
BREAK TIME
(Chester's POV)
Next week na ang akwe, pero wala pa rin kaming kakantahin nina Rocky. Grabe, nakakadalawang jamming na kami ng Rogue (Sorry, what a lame band name!) kaso wala pa rin talagang mapili eh.
"Bakit hindi na lang yung DJ's Got Us Falling In Love tugtugin natin? Ayos naman yun ah!" suggestion ko kay Rocky habang naglalakad kami paalis ng locker area.
Napakagat labi sya, sign na super nag-iisip sya kung ano ba talaga. "Hmmm. Okay lang.. kaso hindi keribels ng boses ko."
Ako: Sus! Nakaya mo kaya nung last jam natin!
R: Yun yon.. kaso.. Ano ba! Other song choice please?
A: Hm. Ayaw mo rin naman ng Justin Bieber cover..
R: Please suggest feasible songs, okay? *rolls eyes*
A: Sorry ha! Ano pa kaya... Rolling in the Deep!
R: Good choice! Sige, we have one na. 2 to go!
A: Ikaw naman mag-isip aba!
R: Nako Ches, kung ako ang mag-iisip, pihadong aayawan ni SC President yun. That @ss.
A: Nag-alala ka pa kay Wes! Alam mo namang you got him wrapped around your finger.. *pinaikot-ikot ko pa yung daliri ko*
R: *hampas sakin* Shut up! That's not true!
A: HAH. Actually, don't tell him I told you this, pero sabi nya konting pilit mo lang sa kanya, bibigay na raw sya. Dead serious.
R: You're kidding, right? That guy's an @ss. He's not even qualified to be called a man at least.
A: OH. I SEE. Kaya pala ang daming kinikilig sa inyo sa SC Office. I know better ;)
R: *hampas ulit* ANO BA CHESTER SISON. Kung makaasar to parang...
A: Ano?
R: Never changed, Ches. Torpe as ever!
A: HINDI AKO TORPE!!!
R: And then why aren't you making any moves? Ye know, Moves Like Jagger?
A: HAH. Funny, Rocky. Hindi ako torpe, I'm not into girls at this moment.
R: *nanlaki yung mata* OH MY GOD ARE Y-
A: Not what you think! What I'm trying to say here is.. I don't want to be involved right now.
R: Oh. The whole college thing?
A: Yeah. Corny man, pero studies first. No big deal.
R: *sighs* Ano ba yan, you seem to really like her talaga.
A: Who are you talking about?
R: Uh. The girl?
A: Sinong babae?
R: You know who I'm talking about! Grabe ka. You've been with her for like forever!
A: I am not Edward Cullen or a vampire, Rachel. Don't use that forever crap to me.
R: OKAY FINE! Matagal na kayong magkakilala! Ba't ayaw mo pa?
A: It's just.. I don't know.. I'm not ready for a relationship. Like really.
R: Fine! Whatever you say, Jose. Pero.. if ever i-pursue mo sya, I'm totally with you! Bagay kayo, promise.
A: Naaah. She's better off to some other guy. Almost nerds like me? Naaah.
R: Bahala ka.. sayang yun. So back to our topic! Other songs?
Conversations like this really makes me feel uncomfortable. Bakit ba sila biglang naging interested sa lovelife ko? :/
-----
BEFORE HONORS
(BARBS' POV)
AFTER KO MAGCHECK NG 56 exam papers (papers=6 pages, back to back. Mostly essays.), nandito naman ako sa Herald HQ para ma-edit ng articles. Ganito kasi yung system na pinopose ng ever magaling naming EIC: writer-section editor-Assoc Ed (that's me!)-writer-section editor-EIC. Oh diba? Leche tong si Tuko, baling ipakain sa buwaya!!!!
I'm currently editing Klang's article about the new policies ng Charleston nang dumating si Tuko.
"Wow, editing. Hindi ka pa ba nagsasawa sa red ballpen?" he said with a hint of sarcasm. Pumunta sya dun sa desk nya.
"Hah. Thank you so much for that. At this point nahihilo nako."
"You're very welcome, nota-"
"SHUT THE HELL UP!"
Natawa na naman sya sa sudden outburst ko. "Eto naman, hindi na mabiro!"
"Well hindi sya funny, okay. Scumbag."
Hindi na sya gumanti pa sa sinabi ko. Buti naman!! Epal to. Nagcheck lang sya ng mga article na for approval nya. Ako naman tapos na i-edit yung article ni Klang. May Honors pa kami kaya I need to dash na.
Me: *nag-aayos ng gamit* Ditching Honors?
Tuko: Nope. Tara, sabay na tayo.
Me: Wow, friendly.
Tuko: Wow, creepy.
True enough, sabay nga kaming naglakad papunta sa Honors, na nasa kabilang building pa. Hindi pa naman kami late, feel ko mauunahan pa namin si Lean.
So while walking..
T: Kelan mo ipopost yung update mo? :)
Me: Don't smile, please. You scare me.
T: Really? *smiles*
Me: Jombagin kita dyan e.
T: *humagalpak sa tawa* Grabe, jombag? Panalo ka.
Me: I can really do that right now.
T: Sige, nandyan lang naman si Panot sa tabi-tabi. Goodluck with that.
Me: Mamaya ako mag-uupdate.
T: Like really?
Me: Ang arte mo, alam mo yun?
T: Nagsalita. Notanotherfa-
Hinampas ko sa kanya yung bitbit kong paperbag na may laman na exam papers. Aba, masakit yan ha!
T: WHAT'S YOUR PROBLEM?
Me: NAGSALITA!!! IKAW ANG PROBLEMA KO GAGI!!!!
T: I'm helping you here!
Me: Apparently sir, I DO NOT NEED YOUR HELP!
Tapos.. sumulpot si Tatin from nowhere. Joke, galing sya sa office ni Mrs. Yap. E padaan kami dun. She stared at us for a moment, then gumora na sa paglalakad. Habang nagaganap yun, napatigil kami ni Tuko. That awkward moment nga naman!
Nang makalayo na si Tatin, nagpa-haaaay na lang si Tuko.
"Ayan," sabi nya na parang nang-aasar. "Pwede mong ilagay yan sa story mo. For Denn and Leiza."
Inangyan! Kung di lang kailangan ni Ms. DV tong exam papers kanina ko pa to binato kay Tuko.
---
HONORS
(Vivien's POV)
Nakakatuwa talaga tong mga activity ni Sir Lean sa Honors. Today, pinagawa nya kami ng description about sa seatmate namin. Be creative raw. Define creative naman silang mga kaklase ko! I really enjoy Sir's exercises. Kahit mukhang walang kwenta para sa iba, mas nafifeel ko yung creativity pag ganun ang approach.
He dismissed us 20 minutes earlier than usual. Baka may kailangan na namang gawin si Sir for his MA? Well what do I know? :)
Barbs: Haaaay salamat! Maaga na ring makakauwi!!
Rocky: Hey, gusto mo bang sumama? Jam kami ngayon! :>
Barbs: Pass muna ako. May tatapusin pa kasi ako e.
Rocky: Ano ba yan, walang manunuod samin :((
Me: Ayaw nyo nun, para surprise!
Chester: May point si Viv pero.. Wes, hindi ka ba talaga pwede? Para matignan mo naman kung okay tugtog namin.
Rocky: Ches, I think you're asking the wrong person.
Wes: *rolls eyes* Hah. Nandito lang ako, Rachel.
R: I know. Sarcasm?
Wes; Pfsht. Gusto ko sana pero may gagawin pa ako e. Besides.. that's not my cup of tea.
R: *medyo nahurt ata* Lika na nga Ches! Kating-kati nako tumugtog!!!
Ayun, hinigit na ni Rocky si Chester palabas ng room. Si Wes sumunod, kaso sa ibang direksyon dumaan. Si Barb- ay. Sina Barbs at Cyrus, ayun nasa may pintuan. Mukhang may pinag-aawayan.
Eh teka! Sinong kasabay kong umuwi? As usual, ako na lang mag-isa.
"Vivien!"
*lingon*
"Sir Lean?'
Aba, grabe tong si Sir! Humahangos pa papunta sakin! Teka, akala ko umuwi na to?
"H..h.. T@ngina napagod ako dun ah!" natigilan sya nung narealize nyang nagmura sya. "Naku sorry! Stressed lang ako."
I laughed. "Okay lang po. Sanay na sanay na ang dalawa kong tenga kay Barbs. Kunwari "Good Afternoon" na lang ang narinig ko."
"Nga pala! Eto oh," inabot nya sakin yung isang libro.. Wait.. Wow! Eleven Minutes ni Paulo Coelho to ah!!
"Para san po 'to Sir?"
"Nakita ko kasi yung UPCAT form mo," medyo nahihiya nyang sabi. "Hoy aksidente lang naman yun ah! Akala ko kung anong exam na yung hawak ko. And I saw na Comparative Literature yung first choice mo. Hmmm. Pati I noticed that you love to read books so here."
"For incentive?"
"Err no. You see, at some point may pagkakapareho ang Com Lit sa Creative Writing. And I can say that you really like Com Lit, kahit palagi kang nagbabasa ng Physics textbook nyo." Di ko napigilang tumawa dun! Kaasar! "Anyway, back to my point. Uhh. Let's just say I want to somehow train you. Well not train per se, but.. to give you an overview about Com Lit. By lending you some books."
"So ang bottomline, I have to make writings about the books you'll lend me?"
"Exactly!" We both grinned at the same time. "Yun lang ay kung okay lang sayo. Busy na kasi kayo masyado, tapos demanding pa ang Honors ko kaya.."
"I'll do this, Sir. No worries! Actually, magpapatulong din sana ako kay Ma'am April this year kaso.. ayun nga. You replaced her."
"Parang ayaw mo ata ako dito ah!" sabi nya, medyo defensive.
"Di naman po yun ang ibig kong sabihin! Basta. I'm thankful about this, Sir."
"Welcome! I'll give you one and a half week to finish that and pass the essay. Okay ba?"
"Sure Sir!"
Ewan. May feeling ako na magiging masaya tong thing na'to :P
----
You're The One That I Want (cont..)
Matapos ang ilang minuto ng pag-aaway, ayan naayos din sina Leiza at Denn. Bumili si Leiza ng yelo sa tindahan para sa pasa ni Denn. Ni hindi man lang nagthank you ang epal! Pero at least, walang umalis sa kanilang dalawa sa slide. Parehas silang nakaupo dun ngayon.
"Ano bang nangyari dyan?" tanong ni Leiza. Hindi nya ata keri na mapanis ang laway nya dun.
"Napaaway lang," tipid na sagot ni Denn na halatang badtrip.
"Taga St. Martins?"
Tinitigan ni Denn tong kausap nya. Wow, not bad. Kahit binalahura nya to nung summer, himalang mabait pa rin sa kanya ito. "Ano ka, taga-The Buzz?"
"Wala lang. Gusto ko lang mag-thank you dun sa nanuntok dyan sa panga mo. At sasabihan ko na next time tuluyan ka na," seryosong sabi ni Leiza. At dun natawa si Denn nang bongga. "BAKIT NA NAMAN HA!"
"Alam mo, kahit naiirita ako sa'yo, nakakatuwa ka pa rin. Ewan, di ko alam kung kelan pa naging synonymous ang irita sa tuwa. Siguro sayo lang."
"Hilo ka pa siguro noh?"
"Baliw. Pero g@go yung taga St. Martins na yun. Epal!!!
"Baka naman ikaw tong nang-"
"EH BA'T KA BA NANGINGIALAM? Tsss. Ewan. Ayos na sana, nangbadtrip ka na naman. Salamat na lang dyan sa yelo mo," galit na sigaw nito. Hinagis nya yung yelo sa may playhouse at umalis na.
Di alam ni Leiza kung anong nagawa nya. At ang drama! Nagsasalita pa sya ah! Umuwi na rin sya para matanggal ang inis. Pagdating nya sa bahay, naabutan nya yung lola nya sa sala.
"Lola! Napadalaw po kayo!" masayang sabi nito. Umupo sya sa tabi ng lola at nagmano.
"Eh naku, wala akong magawa sa kabilang bahay kaya pumunta muna ako dito. Dapat pala nagpasundo na lang ako sa nanay mo, muntik nakong madisgrasya kanina e!"
"Bakit po? Anong nangyari?"
"Naku, dun sa may Jollibee kanina.. mga isang oras na ata yun. Tatawid na sana ako nung nasagi ako. Ayun, medyo nadapa ako. Ni hindi man lang nagsorry. Tapos may nagtayo sakin, tinawag yung sumagi sakin para magsorry. Basta nagkasuntukan sila. Kawawa nga yung mabait na bata e, nasuntok sa panga! Ayaw pa magpadala sa clinic...."
Hindi na tinapos ni Leiza yung kwento ng lola nya. Nagpaalam ito agad at pumunta sa kwarto nya para tawagan si Denn.
END
-----------
(Barbs' POV)
SHET SHET SHET SHET SHET KINAKABAHAN AKONG I-CLICK YUNG SAVE AND PUBLISH BUTTON DITO SHET LANG.
Okay na kaya to? Nagets ko kaya yung sinabi sakin ni Tuko nung Friday? Pinag-isipan ko naman tong mabuti ah! Jusme di ko na to keri! Magsusuicide na lang ako sa Wattpad. Pag di to maganda i-hohold ko to. At di na babalikan.
*click Save and Publish*
SHET WAG NA NGA!!! MAMAYA KO NA BABALIKAN TONG WATTPAD!!! Maglalaro muna ako ng The Sims sa FB. Pampatanggal kaba.
*after 20 minutes*
SISILIPIN KO NA NGA!!!!
*silip*
Wow ha. In fairness, may 31 live alerts ako. Puro "voted You're The One That I Want Chapter XX!" 'Tay tayo dyan! Basahin ko muna yung comments.
- Mabait naman pala si Denn eh! Tinulungan pa yung lola ni Leiza :">>
- Yan Leiza! Don't judge the book by its cover!
- GORA LANG MISS AUTHOR!! WOOOO!!!
But one comment caught my eye.
Nerdy Savvy: Hmm. Okay naman, but not that great. May kulang e! Substance, I guess? Nice try, Miss Author!
ABA. KILALA KO ANG READERS KO. Bagong reader? Matignan nga ang profile.
*stalk stalk stalk*
AY LECHE!!! KAKAGAWA LANG NYA NG ACCOUNT KAHAPON!!!! Sino to?!?!?
I-pPM ko na sana tong Nerdy Savvy nato kaso naunahan ako.
Nerdy Savvy: Hi miss :)
notanotherfairytale: Hello! Thanks sa pagcomment sa latest chapter! :D
Nerdy Savvy: Ba't mas mabait ka online? Ang weird lang. =)))
nothanotherfairytale: Ha?
Nerdy Savvy: I said, di ka nakakatakot kausapin online. Though naiimagine ko na ang facial expression mo ngayon.
notanotherfairytale: Sino ka?
Nerdy Savvy: Hulaan mo :">
notanotherfairytale: YUNG EPAL KONG KAKLASE!!!!!!!!!
Nerdy Savvy: Galing naman ni Miss Author, nakilala agad ako. Cyrus to.
HOLY CRAP ON A CRACKER. PATI BA NAMAN DITO SA WATTPAD SINUNDAN NYA KO!!!!!!!
(A/N: 3 weeks with no update! Sorry guys! Medyo nadistract kasi ako nina Kevin at Jersey kaya di ko na to nagawa. HAHAHHA! Don't worry, 2 chapters this week! :D)