El Filibusterismo (Buod/Pahiw...

By parsafall

2.3M 5.9K 275

TULONG SA PAG-AARAL: -José Rizal -Kasaysayan -Mga tauhan -Buod ng mga kabanata -Pahiwatig ng bawat kabanata ... More

NOTE:
JOSÈ RIZAL
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
MGA TAUHAN
Kabanata 1: Sa Kubyerta
Kabanata 2: Sa ilalim ng Kubyerta
Kabanata 3: Ang mga Alamat
Kabanata 4: Kabesang Tales
Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Kabanata 6: Si Basilio
Kabanata 7: Si Simoun
Kabanata 8: Maligayang Pasko
Kabanata 9: Ang mga Pilato
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
Kabanata 11: Los Baños
Kabanata 12: Placido Penitente
Kabanata 13: Ang klase sa Pisika
Kabanata 14: Sa bahay ng mga Mag-aaral
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta
Kabanata 16: Ang kasawian ng isang Intsik
Kabanata 17: Ang perya sa Quiapo
Kabanata 18: Ang mga Kadayaan
Kabanata 19: Ang Mitsa
Kabanata 20: Ang Nagpapalagay
Kabanata 21: Mga Anyo ng Taga-Maynila
Kabanata 22: Ang Palabas
Kabanata 23: Isang Bangkay
Kabanata 24: Mga Pangarap
Kabanata 25: Tawanan at Iyakan
Kabanata 26: Mga Paskin
Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 28: Pagkatakot
Kabanata 29: Ang huling Pati-ukol kay Kapitan Tiago
Kabanata 30: Si Huli
Kabanata 31: Ang mataas na Kawani
Kabanata 32: Ang Ibinunga ng mga Paskin
Kabanata 33: Ang huling Matuwid
Kabanata 34: Ang kasal
Kabanata 35: Ang Pista
Kabanata 36: Mga Kagipitan ni Ben Zayb
Kabanata 38: Kasawian
Kabanata 39: Katapusan
MAGANDANG MAIDUDULOT NITO:
•Pagkakaiba ng NOLI sa EL FILI•
Mga babae sa mga obra ni Rizal
BUOD (Mula unang kabanata hanggang wakas)

Kabanata 37: Ang Hiwaga

29.3K 54 0
By parsafall


Kabanata XXXVII
Ang Hiwaga

-Buod-









Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita, ang mga pagbabangon at mga supot ng pulbura . Ito ang naging paksa ng usapan ng lahat - palihim nga lamang. Si Chikoy kasi, payat na platero. Ay nagdala ng hikaw para kay Paulita nang tinatanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mismo ang suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, sa likod ng mga upuan.

Ayon daw kay G. Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayon-isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito.

Naroon sa bahay ng mga platero si Isagani. Anang may-aring si Kapitan Loleng ay magtago si Isagani.

Ngumiti lamang si Isagani.

Nagpatuloy si Chikoy. Dumating daw ang mga sibil. Wala namang mapgbintangan. Si Don Timoteo lamang daw at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na iyon. Pinaalis daw ang lahat ng mga di kailangan sa imbestigasyon.

Naku, kung may isa man lang daw na nanigarilyo sa mga trabahador, sasabog ang buong daan ng Anlogue. Kung sumabog daw ang mga pulbura ang noong gabi.

Nangatakot ang mga babae. Naghulaan kung sino ang pinaghihinulaan. Mga prayle. Si Quiroga. Isang estudyante. Si Makaraig. At tumingin si Kapitan Toringgoy kay Isagani. Ani Chikoy: ayon sa ilang kawani, si Simoun. Nagtaka ang lahat.

Naalala ni Momoy, isang dumalo sa piging, ang pagalis ni Simoun sa bahay bago magsimula ang hapunan.

Si Simoun daw ay nawawala, patuloy ni Chikoy. Kasalukuyang ito’y pinaghahanap ng mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni Simoun na nagkakatawang-tao.

Naalala uli ni Momoy ang pagkakaagaw sa ilawan ni Simoun na nuo’y namamatayan ng ningas. Nagpayo’t dito sa silid ni Isagani.Nagpatuloy si Chikoy.Tinataya raw ng mga maykapangyarihan na ang ilawan ay siyang magpapasiklab sa pulbura.

Nahintakutang gayon na lamang si Momoy. Nguni’t nang makita ang kasintahang si Siensa na nakatingin sa kanya ay nagtapang-tapangang nagsabi: Masama ng ginawa ng magnanakaw. Mamatay sanang lahat! Nag-antanda sa takot ang lahat ng matanda at babae. Lumapit si Momoy kay Isagani.

Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya. Ani Isagani na mahiwang nakangiti. Kung nalaman lamang ng magnanakaw na iyon kung ano ang nilalayon .kung siya ana ay nakapag-isip-isip tiyak na di niya gagawin ang gayon. Pantayan man ng kahit ano . Hindi ako tatayo s kanyang kalagayan! 

Saka nagpaalam si Isagani. Ngunit upang hindi na bumalik pa sa kanyang amain.



•••



Mga Tanong at Sagot

1. Bakit pinapagtatago ng mga kasamahan si Isagani?

Tugon

May hinalang siya ang naglagay ng mga pulbura sa bahay ni Kapitan Tiyago upang paghigantihan si Juanito. Ito’y hindi totoo. Napatunayan ding si Simoun ang may kagagawan niyon.

2. Bakit hindi nailihim sa sambayanan ang kaguluhan sa bahay ni Don Timoteo at ang kaugnayan dito ni Simoun?

Tugon

May mga manggagawa, mga kawani sa pamahalaan, nangakakita’t nagakasaksi sa mga pangyayari sa gabi ng hapunan at nang magtanggalan na ng mga gamit sa piging. May pakpak ang balita; may tainga ang lupa.

3. Patunayan na si Isagani ang kumuha ng ilawan at nagtapon nito sa ilog.

Tugon

(a) Siya ang huling kausap ni Basilio na tanging nakababatid ng layunin ng ilawang iyon. Ang hindi niya naisisip ay ang layunin ni Simoun sa pagpapasabog sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang tanging nasa isip niya nuon ay si Paulita. Si Isagani ang pumasok sa bahay nang makaalis na si Basilio.

(b) Sa salita na rin niya na kung ang magnanakaw ay nakababatid lamang ng layunin ng pagsabog ng ilawang iyon o kung makapaglimi lamang ito ng bahagya . Hindi sana ginawa ng ginawa ng magnanakaw na iyon ang gayon! At sa salita niyang Pantayan man ako ng kahit ano ay di ako lalagay sa tayo ng magnanakaw! ay isang paghihiwalay niya sa katauhan ng lito at baliw sa pag-ibig na Isagani at ng Isaganing nagsisisi at nalason na ng poot at pait ng pagkabigo at paghihiganti. Sa katauhan niya ngayon, ang ibig sabihin ni Isagani, ay hindi niya gagawin ang kanyang gingawang pagkuha sa ilawang iyon.





•••








Pahiwatig ng kabanata:








-Totoo ang kasabihang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. Walang lihim na hindi nahahayag.

Continue Reading

You'll Also Like

628K 35.2K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
10K 81 12
Mga tulang tungkol sa nasaktan at sa buhay ng may akda. Patungkol sa Pag-ibig...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.3K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...