Mga babae sa mga obra ni Rizal

8.3K 19 1
                                    

Mga Babae sa mga Obra ni Rizal

Ni Ruth Acero at Leo Leonardo

Maria Clara 

          Kung ang pag-uusapan ay ang mga kababaihang karakter na likha ni Rizal, natural lang na magsimula ito kay Maria Clara. Bilang pangunahing babaeng karakter sa Noli Me Tangere, ang pagsusuri sa pagkatao ni Maria Clara, sa pamamagitan ng pagtingin sa mga naging reaksyon niya sa iba't ibang pangyayari sa kwento at kung bakit gayon ang ginawang pagsulat ni Rizal, ay makapagbibigay sa atin ng ideya sa kung ano ang pananaw ni Rizal sa mga kababaihan. Sa panimula ng pagsusuring ito una nating titignan ang pagkatao ni Maria Clara noong kaniyang pagkabata na maari nating makita sa kaniyang mga kwento kay Ibarra. Di tulad ng karaniwang bata na may llikas na kakulitan at pagkapilyo, si Maria Clara kahit pa noong sya ay bata pa lamang ay makikitaan na ng mga katangian ng mga nakatatandang mga babae tulad ng pagiging mahinhin, reponsable at maalalahanin. Sa isang kwento niya kay Ibarra nabanggit na sa kaniyang pagpalo sa kamay nito tuwing ito ay gagawa ng kapilyuhan, ay pinipilit niyang hinaan ang pagpalo dahil naawa siya rito. Ang ganitong pagiisip ay hindi karaniwan sa mga bata at kadalasan ay mamalo ang mga ito ng malakas nagpapatunay lamang ito na kahit pa sa ganoon kaagang edad ay malaki na ang impluwesiya ng kaniyang kapaligiran kay Maria Clara, na noong mga panahong iyon ay pinaghaharian ng relihiyon at ng mga makalumang prinsipyo, na nagpapatibay lamang sa paglalarawan ni Rizal kay Maria Clara, na marahil ay kumakatawan sa isang grupo ng Pilipinong kababaihan noong mga panahon, bilang isang submissive na karakter. Hanggang sa pagtanda ni Maria Clara dala niya ang ganitong mga katangian. Ang kaniyang pagiging isang perpektong halimbawa ng isang babaeng lubos na naniniwala at nagsasanay ng mga itinuturo ng kaniyang pamilya at simbahan ay malinaw pa ring nakikita hanggang sa kaniyang pagtanda. Ngunit hindi naman naging ganito kasimple at kababaw ang naging paglalarawan ni Rizal kay Maria Clara. Minsan ay may mga pagkakataong hahangaan mo ang karakter na ito at minsan naman ay iyong kaiinisan o kaya naman ay kaaawaan. Isa sa iyong hahangaan kay Maria Clara ay ang lubos at busilak niyang pagmamahal kay Ibarra. Ngunit dala na rin ng pagmamahal na ito ay ang malungkot na tadhanang kanilang haharapin. Kung ating susuriin ang mga dahilan ni Maria Clara sa pagputol niya sa relasyon nila ni Ibarra sa pananaw ng kasalukuyang panahon masasabi nating ito ay walang kabuluhan ngunit kailangan nating unawain na ang nais ipalabas ni Rizal rito ay ang kaniyang pagpuna sa kahinaan ng mga kababaihang Pilipino na kaniyang nakikita noong mga panahong iyon. Ang pagpili ni Maria Clara sa pagtatanggol sa kaniyang mga magulang at sa kanilang prinsipyo ay maaring tignan bilang isang kahanga hangang pagpapakita ng paguuna sa kapwa bago sa sarili, ngunit ito rin ay maaring tignan bilang isang pagpuna ni Rizal sa bulag na pagsunod ng mga Pilipino sa mga prinsipyo at paniniwalang naghahari noon. 

          Sa paglalagom si Maria Clara ay isang imahe ng Pilipinong kababaihan na puno ng magagandang katangian na naging biktima ng kaniyang kinalakhang panahon. Sa karaketer na ito ay makikita ang maraming pagpupuri ni Rizal sa mga kababihan ngunit kaakibat din nito ay ang maraming pagpuna sa mga ito. 

Huli 

          Kung ang Noli Me Tangere ay may Maria Clara, ang El Filibusterismo ay may Huli. Ang dalawang ito ay ang mga pangunahing babaeng karakter sa dalawang nobela na iyon ni Rizal, ngunit bakit para bang ang karamihan ng atensyon ay napunta kay Maria Clara. Sa pagsulat ni Rizal kay Maria Clara lubusan at malinaw niyang nilarawan ang mga katangian nito, ngunit sa lagay ni Huli wala tayong makukuhang diretsong paglalarawan sa kanya at ang ideya natin sa karakter na ito ay nanggagaling lamang sa mangilan-ngilang mga linya ng diyalogo ng mga karakter. Kung paghahambingin, ang dalawa ay parehas na nilarawang maganda ngunit sa magkaibang paraan. Si Maria Clara bilang isang sopistikadong babae na may mataas na katayuan sa buhay at si Huli naman ay isang simple, at mapagkumbabang larawan ng kagandahan. Kung ito lamang ang ating pagbabasehan hindi ba't si Huli ang mas may nakakahangang pagkatao, ngunit bakit si Maria Clara ang naging wari ay huwarang babae para sa mga Pilipino. Nakakatuwang isipin na kahit sa mundo ng literatura ay mayroon pa ring hindi nabibigyan ng nararapat. Parehas na naging biktima ng kanilang kapaligiran sina Maria Clara at Huli, parehas sila na ang buhay ay napapamunuan ng relihiyon at iba pang mga paniniwala, ngunit ang pagharap ng dalawa sa mga problemang kanilang hinarap ay magkaiba. Habang ang isa ay nagpadala sa mga hamon ng buhay at minabuting tanggapin na lang ang mga ito, ang isa naman ay matapang na nilabanan ito sa lahat ng kaniyang makakaya. Sa kwento makikita natin na sa halos lahat ng pagkakataon ay inuuna ni Huli ang kapakanan ng kaniyang mga mahal sa buhay bago ang kanya na talaga namang nakakahanga. Marahil makikita natin dito ang pagbibigay ng importansya ni Rizal sa pagkakaroon ng tapang ng mga babae. Maaring may pinagbasehan si Rizal para sa karakter na ito o marahil ay nagbibigay lamang sya ng isang uri ng babaeng Pilipino, kung ano pa man makikita natin dito na kahit na nagbibigay ng mataas na pagtingin si Rizal sa mga kababaihan ay lagi pa rin itong may kaakibat na pagpuna. Para sa panghuli, nabuhay ang karakter na si Huli bilang isang simple at puno ng tapang na babae na hanggang sa kamatayan ay kaniyang dala. 

•Donya Consolacion 

          Isinulat ni Rizal ang karakter na si Donya Consolacion, na isa sa mga karakter na naghaharian sa San Diego bilang asawa ng alferez, upang maipakita ang masamang kalagayan ng estado na kung saan ang isang masamang tao na katulad ni Donya Consolacion ay binibigyang galang at kinakatakutan. Inilarawan ni Rizal ang karakter na ito sa pinakamasamang paraan at ng may poot. Kabaliktaran ng maamo niyang pangalan, ang pagkakalarawan sa kanya ni Rizal ay punong puno ng kapangitan mula sa panlabas na anyo hanggang sa mga paguugali. Kitang kita na sa pagsulat ni Rizal kay Donya Consolacion na sya ay galit sa lipunang kinakatawan nito. Marahil ay sinadyang lubusang papangitin ni Rizal ang karakter na ito, hanggang sa punto na hindi na ito makakatotohanan, upang malinaw na maiparating sa mga mambabasa ang kabuktutan ng mga ganitong tao at magkaroon ng lakas ng loob na lumaban. Ngunit kahit na sa napakasamang karakter na ito ay binigyan pa rin tayo ni Rizal ng isang sulyap sa kung ano ang tingin niya sa mga babae. Naniniwala si Rizal na ang babae kahit pa anong sama ay may malambot at malambing na bahagi ng pagkatao, para kay Donya Consolacion ito ay naipakita ng napakinggan nito ang kundiman ni Sisa na nagpaalala sa kanya ng nakaraan kung saan ang puso niya ay hindi pa ganoon kaiitim. Ngunit marahil ay naniniwala rin si Rizal na kung ang babae ay nabaling sa kasamaan, ang mga ito ay maaring maging isang demonyo na mas masahol kaysa sa mga lalaki. Mangilan-ngilang pagkakataon din na naipakita ang pagiging mas mabait ng alferez kaysa sa kaniyang asawa. Sa pagbibigay ng ganitong karakter naipakita ni Rizal kung papaano naibaba sa ganitong lebel ng lipunang Espanyol ang mga kababaihan ng Pilipinas. Ang hangad ni Rizal ay maipakita kung gaano naging kapangit ang ilang kababaihang Pilipino upang mula roon ay muling makabangon at makapagbago sa ikabubuti. 

•Sisa

          Ang pangalawa na pinakaimporante sa nobela ni Rizal na El Filibusterismo at Noli Me Tangere ay si Sisa. Siya ay kilala bilang nagmamahal na Ina sa kaniyang dalawang anak. Kinalaunan siya ay nasiraan ng bait dahil sa pagmamahal na ito nang mawalay sa kanya si Crispin at Basilio. Hindi nagtagal ay ikinamatay rin niya ang paghahanap sa kanila. Ano kaya ang iniisip ni Rizal sa pagpasok sa eksena ni Sisa?

          Marahil ay nasa isipan ni Rizal ang kaniyang sariling ina na si Teodora Alonzo, isang"unusually gifted mother" ayon kay Austin Craig. Sa pagpapakilala kay Sisa, ipinakita ni Rizal ang karaniwang inang Pilipino na makikita natin sa iba't ibang sulatin, maging sa araw araw nating buhay. Ang pagiging mapagtimpi, maaalalahanin, maunawain at mapagmahal ni Sisa ay makikita sa libulibong tahanan sa ating bansa. 

Pepay 

          Si Pepay ay isang mananayaw na kilalang kilala bilang espesyal na kaibigan ni Don Custodio. Kinailangan kausapin ng mga estudyanteng Pilipino si Don Custodio para sa kanilang petisyon na magkaroon ng Academiya ng Castilian, at dalawang paraan lang ang mayroon sila. Una ay sa pamamagitan ni Senyor Pasta at ikalawa ay sa pamamagitan ni Pepay. Nang sila ay mabigo kay Senyor Pasta, nilapitan na nila si Pepay na tuwang-tuwa sa atensyon na kaniyang nakukuha dahil sa kaniyang pagkakaibigan kay Don Custodio. 

          Ang pagpapakilala ni Rizal kay Pepay ay mababaw lamang. Hindi ganun kalaki ang parte na kaniyang ginampanan ngunit kung ano man ang kaniyang parte ay nagampanan niya yun ng ayos. Si Pepay ay masiyahin at punung-puno ng katatawanan pero hindi siya maituturing na matalino at karespe-respetong babae pero sa harap ni Don Custodio, siya ay isang mahinhin at isang tunay na dalagang Filipina. Inabuso ni Pepay ang kabaitan at ang pagkahaling sa kanya ni Don Custodio sa pamamagitan ng paghingi ng mga regalo at kahilingang mahirap tuparin. Sa kinalaunan, hindi din naapruba ang akademiya dahil ayon kay Don Custodio ay huli na ang kahilingan ni Pepay. 

          Nagsama si Rizal ng isang karakter tulad ni Pepay upang ipakita na ang mga makapangyarihang tao ay mayroong kahinaan at paminsan-minsan ay nagwawagi ito. 

Cabesang Andang 

          Si Cabesang Andang ay ang lola ng mga maiingay na bata sa kalsada. Kilala siya bilang maalalahanin at mapagmahal na lola. Ang pamumuhay niya ng simple ang siyang naging dahilan kung bakit mas interesante siya kumpara sa kaniyang mapagmataas na mga kapitbahay. Siya ang ina ni Placido Penitente, ordinaryo man ang kaniyang itsura, busilak ang kaniyang kalooban. Kilala siya bilang isang ina na handang gawin ang lahat para sa kaniyang anak. 

         Makikitang mahal ni Rizal ang katauhang si Cabesang Andang at inilarawan niya siya katulad ng paglalarawan niya sa ibang nanay ng kaniyang mga sinulat na lubusang nagmamahal sa kanilang mga anak. Si Cabesang Andang ay punung-puno ng pasensiya at simpatya. Nabuhay siya sa kaniyang anak at para sa kaniyang anak. 

•••

El Filibusterismo (Buod/Pahiwatig ng Bawat Kabanata)Where stories live. Discover now