Just A Mistake ✔

Por eleelee-

360K 7.2K 419

Shanadeia Beatrix Dela Vega just a simple girl who fell in love with her guy best friend Onyx Hyron Levigne... Más

Just A Mistake
Mistake 1
Mistake 2
Mistake 3
Mistake 4
Mistake 5
Mistake 6
Mistake 7
Mistake 8
Mistake 9
Mistake 10
Mistake 11
Mistake 12
Mistake 13
Mistake 14
Mistake 15
Mistake 16
Mistake 17
Mistake 18
Mistake 19
Mistake 20
Mistake 22
Mistake 23
Mistake 24
Mistake 25
Epilogue
Untold Mistake 1
Untold Mistake 2
Untold Mistake 3
Untold Mistake 4
Untold Mistake 5

Mistake 21

9.6K 209 2
Por eleelee-


"Ma! Ma! Mama!" Agad akong naalerto ng marinig ko ang malakas na sigaw ng anak ko mula sa salas. Patakbo akong lumabas ng kwarto saka pinuntahan siya.

"Be,bakit? Hala! Napaano ka? May masakit ba? Ano bang ginagawa mo? Anak naman magsalita ka! Nasaan yung masakit?" Sunud-sunod na tanong ko habang tinitignan ang buong katawan niya kung may sugat ba na malaki. Kung may dugo bang lumalabas pero natigil lang ako sa pagtingin na ginagawa ko sa kanya when I heard his soft giggles.

Naguguluhang tinignan ko siya habang siya naman ay tuwang-tuwa na animo'y nakakuha ng mamahaling laruan sa isang palaro.

"Mama! W-wala pong w-wounds Hendrix!" Aniya habang patuloy sa paghagikgik na para bang may nakakatuwa sa ginawa niyang pagsigaw.

"What? Wala kang wounds?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Dahan-dahan naman siyang tumango habang nakangiti parin. Yung ngiting wala na siyang mata. Dahil sa kasingkitan niya sabayan pa ng pagngiti niya kaya mas lalong hindi na nakita ang mga mata niya.

"Opo! Opo!" Maligalig na sagot niya. Ako nama'y napaupo na lamang sa lapag habang nakalagay ang kanang kamay sa aking noo. My goodness! Kanino ba nagmana ng kalokohan itong anak ko't parang hindi ata nauubusan ng maiisip na kalokohan.

"Naman anak! Tinakot mo si Mama. Akala ko kung na paano ka na." Punong pag-aalalang saad ko habang nakatingin sa kanya.

Humagikgik lamang ulit siya saka lumapit sa akin at kumandong saka ako pinaulan ng maraming halik sa mukha na siyang ikinangiti ko.

"W-wag na mad Mama. S-sorry po." Hinging paumanhin niya saka ngumisi.

Nawala ang masayang ngiti ko ng makita ko nanaman ang pamilyar na ngising iyon. Kailan ko ba makakalimutan lahat ng detalyeng meron siya? Ilang taon na ang lumipas pero hindi parin mawala sa isip ko lahat ng ala-ala na kasama siya.

Paano ko nga naman ba makakalimutan ang taong halos bumuo ng buhay at pangarap ko pero siya ring gumuho nito? Paano ko makakalimutan yung taong matagal kong isinama sa lahat ng pangarap ko? Kahit ilang taon man ata ang lumipas ay hindi ko na magagawa iyon.

Makita ko lamang ang anak ko'y hindi ko na magawa pang ibaon sa limot ang lahat. Nang una kong masilayan si Hendrix ay hindi ko maiwasang maluha. Hindi lamang dahil sa kasiyahan kung hindi parin sa panghihinayang naramdaman ko sa buong pagkato ko noon.

Nanghinayang ako na umalis ako. Nanghinayang ako sa ilang taong pinagsamahan namin na nabali-wala dahil sa isang pagkakamali. Nanghinayang sa lahat ng nangyari sa buhay naming dalawa.

I admit,I still love him pero hindi ko na alam kung sapat pa ba ang dahilang mahal ko siya para bumalik ako sa kanya. Ni hindi ko na nga alam kung makakaya niya pa akong tanggapin sa kabila ng nangyari. I know I should be mad at him dahil kung hindi sa kanya ay hindi sana ako mako-confine ng ilang araw sa hospital noon.

Alam kong dapat ko siyang kamuhian dahil muntik ng mawala sa akin ang anak ko. Ang nag-iisang Hendrix ng buhay ko. But still,hindi ko kayang magtanim ng galit sa taong naging dahilan kung bakit narito sa buhay ko si Hendrix. Hindi ko kayang magtanim ng galit sa taong naging dahilan kung paanong naging matatag ako.

"Mama,you okay?" Napangiti akong muli ng marinig ko ang boses niya. Marahan kong hinaplos ang mukha niya saka hinagkan siya sa noo.

"Mama is okay baby Hendrix." Nakangiting saad ko saka muling pinagmasdan ang mukha niya.

Gusto kong magtampo dahil sa syam na buwan kong pagdadala sa kanya ay wala man lamang siyang nakuha sa akin maliban ata sa mga mata ko. Lahat nakuha niya sa ama niya. Nakakatampo dahil ako yung naghirap pero iyon lang ang nakuha niya sa akin. Pero hindi naman na mahalaga iyon. Ang mahalaga ay maayos ko siyang nailabas noon.

"Be,alam mo namang mahal na mahal ka ni Mama diba?" Tanong ko sa kanya. Marahan naman siyang tumango saka ngumising muli.

Wala na. Nang dahil sa ngisi nya'y mas lalo akong nahihirapan sa lahat ng desisyon ko. Hindi ko na kung anong dapat kong gawin.

I know darating ang panahon na isa-isa na siyang magtatanong kung bakit wala siyang Papa katulad na lamang ng pagtatanong niya sa akin nung isang araw. Alam kong kahit na ganitong masaya siyang kasama ko ay hindi pa rin mawawala sa isip niya yung mga katanungang kinatatakutan kong sagutin.

Hindi ko alam kung saan ba ako natatakot. Sa katotohanan bang hindi ko maibibigay ang Pamilyang gusto niya o ang hindi ko siya maipakilala sa tunay niyang ama o ang mawala siya sa tabi ko? Hindi ko na alam. Baka nga lahat ng iyon ay kinatatakutan kong mangyari.

Buong buhay ko wala akong hinangad kundi ang buo at masayang pamilya. I know I had it before pero iba ito ngayon. Nahihirapan akong magdesisyon dahil hindi na lamang ito tungkol sa akin. Kundi sa buhay na dapat magkaroon ang anak ko.

"Be,sorry kung hindi pa kaya ni Mama na makita mo siya ah? Natatakot lang kasi ang Mama na mawala ang baby Hendrix sa kanya. Mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal." Makahulugang saad ko saka niyakap siya. Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang dalawang kamay niyang yumakap din pabalik sa akin.

"M-mahal din ni Hendrix si Mama po." Napangiti ako kasabay ng pagtulo ng luha ko ng marinig ko iyon kasabay ng pagbabalik ng mga ala-ala ng makausap ko siya noong araw na iyon.

Pauwi na sana ako matapos kong manggaling sa isang grocery store dahil naisip kong magbake ng cupackes for Hendrix since nahihilig siya sa matatamis nitong mga nakaraang araw. Ayoko sana siyang masyadong pinapakain ng matatamis dahil masama sa health niya dahil puro sugar. Buti na nga lamang ay marunong siyang makinig talaga.

Hindi ko naman siya pinalaking spoiled. Ayoko ng ganoong bata. Mas nagiging pasaway kasi kapag nai-spoiled sa isang bagay. Kaya minsanan ko lang siyang pakainin ng matatamis. Ewan ko ba sa batang iyon,hindi ko naman maalalang sa matatamis ko iyon ipinaglihi.

Habang nag-aabang ng masasakyang taxi ay nakaramdaman ako ng tubig mula sa itaas. Isa-isa hanggang sa dumami na ito. Naman! Ngayon pa umulan!

Sumilong ako sa isang waiting area habang naniningin ng Taxi na masasakyan pero ilang minuto na ata ang lumilipas ay wala parin. Bakit kung kailan mo kailangan ng masasakyan ay saka walang magsasakay sa iyo? Hay nako. Mga tao nga naman ngayon. Kahihirap kausap.

Habang naghihinaty ay may isang itim na sasakyan ang huminto sa harapan ko. Akala ko sundo iyon ng isang babaeng di kalayuan sa akin pero halos manginig ang buong katawan ko nang makita ko kung sino ang taong lumabas doon.

"O-onyx.." I blurted his name out of nowhere. Mas lalo akong nakaramdam ng kakaiba ng makita ko ang tingin niyang iyon.

Damn. Tatlong taon kong hindi nakita ang mga matang iyon. Ilang taon kong tanging sa panaginip at isipin ko lamang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Tatlong taon na ang lumipas pero hindi parin nawawala iyong epekto niya sa akin sa tuwing makikita ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Yung titig na para bang walang ibang sinasabi kung hindi ang pagmamahal niya para sa akin.

Parang gusto kong matawa dahil sa naisip kong iyon. Damn. Mahal? Mahal nga bang talaga? Hindi ba't ako lang naman itong tunay na nagmamahal sa aming dalawa? Kahit na sinabi noong mahal niya ako hindi ko parin magawang mapaniwalaan siya ng buong-buo. I just couldn't.

"Beatrix!" He called me when I suddenly walk out on him without even saying a word.

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang? Tangina naman! Ilang taon akong umasa na mahahanap niya ako dahil alam ko namang kaya niyang gawin iyon pero bakit ngayon lang?! Gustong-gusto kong magtago at layuan siyang muli pero hindi ko na alam kung saan pa ako dapat pumunta.

Kahit malamig ang hangin at kahit na sobra na akong nanginginig-sa hindi ko malamang dahilan. Dahil ba sa ulan o dahil sa katotohanang nandito na siya at nahanap niya na ako.

Napahinto ako sa paglalakad ng maramadaman ko ang isang kamay na pumigil sa akin mula sa paglakad.

"Damn it! Gusto mo bang magkasakit?!" Tila inis inis na saad niya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Should I be happy dahil nag-aalala siya sa akin? I don't know.

"B-bitaw.." Nanginginig na sambit ko saka pinilit na tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero mas lalo ko na lamang naramdaman ang paghigpit nito.

"Damn it! Three years Beatrix! Tatlong taon kang nawala tapos iyan lang ang masasabi mo sa akin?! Bitaw?! Putangina! No! I won't let you go this time! Hinayaan kitang mawala ng tatlong taon! Akala mo ba ganon kadaling makita ka mula sa malayo?! No! Kaya ngayong hawak na kita saka mo pa sasabihing bitawan na naman kita?! That will never gonna happen again Beatrix. Never." I was stunned for his sudden outburst.

A-anong ibig niyang sabihin? Ano bang gusto niyang iparating? Na ngayong nakita niya na ako hindi niya na ako muling papakawalan? At saka akong sinasabi niya? Was he always behind us all this time? Sa tatlong taong pamumuhay ko kasama si Hendrix sa dagat nandoon din siya?

P-paano? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko naramdaman?

"W-what are you talking about?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngumisi lamang siya saka ako hinapit sa bewang.

Para akong napaso ng magdikit ng mabuti ang mga balat namin. Para akong hinihika dahil sa hirap ko sa paghinga. Naninikip ang dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Para kaming tanga sa gitna ng kalsada habang umuulan dahil sa posisyon naming dalawa. Ito iyon. Ganitong-ganito ang senaryo ng marealize kong mahal ko siya. Bakit bumabalik sa dati ang lahat? Para bang isang pelikula na muling pinaulit dahil sa kagustuhan ng karamihan.

Mas lalong nanikip ang dibdib ko dahil inilapit niya ng husto ang mukha niya sa akin. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang labi niya sa gilid ng tenga ko.

"I found you,I'll cage you with me forever. I will never ever gonna let you go this time Beatrix. Not ever." He whispered that gives shiver on me down to my spines.

"Mama!" Muli akong napabalik sa reyalidad ng marinig ko ang malakas na pagtawag sa akin ng anak ko.

"Why baby?" Takang tanong ko. Nakanguso kasi siya to the point na konti na lamang ay maabot na ng labi niya ang ilong niya.

"I'm hungry na po Mama." Aniya saka ngumusong muli. Napatawa na lamang ako saka ginulo ang buhok niya sabay paulan ng halik sa buong mukha niya na siyang ikinatawa niya ng malakas.

"Aysus! Kailan ba hindi nagutom ang baby Hendrix ko? Ha? Ha?" Tukso ko saka patuloy na pinagsusundot siya sa tagiliran. Tawa naman siya ng tawa dahil sa mayroon siyang kiliti sa magkabilang bewang.

"Aacckk! M-mama s-stop na po!" Aniya habang patuloy na tumatawa dahil sa kiliti ko. Nang mapansin kong medyo nahihirapan na siyang huminga dahil sa kakatawa ay tinigilan ko na. Naku baka kung ano pang mangyari sa anak ko.

"Hmm! Lika na nga baby Hendrix. Kakain na ang baby ni Mama. Nakuu! Ang takaw naman baby ko oh! Kakain niya lang kanina eh." Panunukso ko. Nakita ko namang muli siyang ngumuso kaya napatawa na lamang ako. Nako ang hilig ngumuso ng batang makulit.

"Mama naman ih!" He whimpered. Natawa nalang ako saka siya binuhat at dinala sa kusina.

Pinaghanda ko naman na siya ng pagkain saka pinakain. Paminsan-minsa'y sinusubuan ko siya pero mas madalas na siya na lamang ang kumakain mag-isa.

Nakakatuwa dahil ang bata-bata niya pa pero hindi na ganoon kadependent sa akin sa mga ganitong malilit na bagay. Katulad na lamang kapag magbibihis na siya pagkatapos niyang maligo. Magsasabi siyang kaya niya ng magbihis mag-isa kaya hinahayaan ko na lamang pero pag nakikita kong mali ang way ng pagsusuot niya ng damit ay sasabihan ko siya saka siya kusang gagalaw para ayusin iyon.

Katulad na lamang nung isang araw. Matapos ko siyang paliguan ay may nagtawag sa akin sa labas kaya iniwanan ko muna siyang nagbibihis mag-isa dahil gusto niya daw kaya hinayaan ko na lamang. Nang matapos akong makipag-usap kay Jerica ay saka ko siya binalikan. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil nakita ko ba namang nakasuot ang brief niya sa may ulo niya. Napailing na lamang ako noon saka ako na ang nagbihis sa kanya.

"Be,kain ng kain ah." Saad ko saka dinagdagan ng gulay yung pinggan niya. Tumango lamang siya habang nakangiti. This is the other reson kung bakit tuwang-tuwa ako na siya ang naging anak ko. Hindi siya mapili sa pagkain. Kapag papakainin ko siya ng gulay ay tatanggapin niya saka uubusing lahat. Di siya katulad ng ibang bata na ayaw kumain ng gulay.

Nagtatakang napatunghay ako ng marinig ko ang ilang katok mula sa pintuan. Sino naman ang pupunta rito ng ganitong oras? Malabong si Jerica ito dahil alam ko'y nasa Manila ito ngayon. O baka nakabalik na siya?

"Be,tignan lang ni Mama kung sino yung nakatok neh?" Pamamaalm ko sa kanya. Marahan lamang siyang tumango habang ang atensyon ay sa pagkain parin. Napailing na lamang ako dahil doon. Jusko ang anak ko basta pagkain ang kaharap hindi na makakausap pa ng matino.

Naglakad na akong papuntang pintuan saka binuksan iyon na sana'y hindi ko na lamang pala ginawa dahil sa taong bumungad sa harapan ko.

Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalamang nandito kami? Damn. May iba pa ba siyang kasama? Anong kailangan niya? Gustung-gusto kong itanong lahat ng iyon sa kanya pero hindi ko na magawa. All I could do was to say...

"Evana.."

- - -

Seguir leyendo

También te gustarán

27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
13.7K 210 19
Nagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mah...
268K 7.2K 54
2021 Wattys Awards Shortlist Ruthless Billionaire Series 2: "I've searched for freedom... but I found you instead." The undying desire for freedom dr...
68.4K 3.1K 37
The Torillo and Di Marco family have a dispute even before Trevelyan and Xerxes existed. Now after unfortunately ending their friendship years ago, T...