So It's You After All(COMPLET...

Por Athenamie_since2015

641K 16K 2.9K

Matagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE... Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
THANK YOU NOTES FROM ALTRIX
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
~~PASASALAMAT ni ALEX at TRIXIE~~

E-P-I-L-O-G-U-E

14.6K 290 238
Por Athenamie_since2015




Makalipas ang ilang linggo matapos maihatid sa huling hantungan si Alex naging malungkot na ang buong mansyon. Maging ang mga bata halos hindi na marunong ngumiti. Lalong lalo na ang asawa nitong si Trixie na hanggang ngayon nilalabanan pa rin nito ang kanyang karamdaman.

Nasa hapag kainan ang lahat at naghahapunan ng magsalita ang kanilang Lola Belle. Pilit niyang pinapasaya ang lahat kahit na imposibleng maibalik ang kasiyahan ng lahat gayung nawalan sila ng isang minamahal sa buhay.

"Alam niyo hindi lang kayo ang nawalan." simula ng kanilang Lola Belle.

"Ako din nawalan. Nawala na ang lahat sa akin, ang lolo niyo at ang inyong great grandma. Sumunod ang mommy Alex niyo. Pero kahit nawala silang lahat alam ko meron silang iniwan sa akin." tinignan niya isa isa ang mga kasama sa dining table. "Andiyan pa kayo. Kayo na lang ang meron ako. Magkasama pa tayo. Sigurado ako na matutuwa sila na makita tayong magkasama at pinagpatuloy ang mga buhay natin. Yung mommy Alex niyo gusto niyo bang bumangon yun at umuwi dito para pagsabihan kayong lahat?" pananakot niya sa mga kasama. Iiling iling naman ang ilan sa mga bata. "See ayaw niyo kaya hala kain na." at tahimik nilang pinagsaluhan ang masasarap na pagkain sa kanilang mesa.

Pagkatapos kumain kanya kanya na silang pasok sa loob ng kanilang kwarto. Habang naiwan sa sala ang mag byenan at seryosong nag-uusap.

"Ma, ngayong wala na si Alex, natatakot ako na any moment from now ako na naman ang susunod. It's just a matter of when. Natatakot ako at the same time naaawa sa mga bata. Kung bakit kasi nagkaron pa ako ng cancer na ito. Nakakapagod na din ma." naluluhang sambit ni Trixie sa byenan.

"Anak, wag kang panghinaan ng loob. Mas malakas pa rin ang kakayahan ng taimtim na dasal. Walang makakatalo doon. Mas naniniwala pa rin ako sa kakayahan ng poong maykapal basta ba malakas ang pananalig mo sa kanya. Huwag kang makalimot anak. Huwag mong isipin ang iyong karamdaman, siguro kaya tayo binigyan ng ganito kabigat na suliranin para timbangin kung gaano kalaki at kung meron pa bang natirang pananalig sa ating mga puso. Alam ko hindi ganun kadali ang lumimot lalong lalo na sa pagmamahal mo sa aking anak. Iha, nawalan ako ng anak, walang makakahigit sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Alam ko na alam mo iyan dahil may tatlong anak ka na. Nahihirapan din ako, pero alam ko may dahilan ang lahat ng ito. Pinapasa diyos ko na lang ang lahat ng pangyayari. Balang araw, makakasama ko din sila pero sa ngayon, gusto kong mabuhay para sayo, para sa mga apo ko. Kaya ako nandito dahil sa inyo. Huwag ka sanang bulagin ng sakit na meron ka diyan sa puso mo." ang madamdaming wika ng ina ni Alex na ngayon ay napapaluha na rin. Lumapit naman dito si Trixie at inakap ito.

"Ma, sorry po. Sobrang nasasaktan lang po ako sa mga pangyayari. Parang kilan lang na kasama natin si Alex,ngayon araw araw na hindi ko na masisilayan ang kanyang mga ngiti. (sob)Huhuhu. Araw araw na hindi ko mararamdaman ang init ng kanyang mga yakap. Gabi gabi na hindi ko siya makatabi sa pagtulog ko. Nakakamiss yung everyday ko nasisilayan yung mga ngiti niya, halakhak kapag nakikipaglaro sa mga bata. Yung panlalambing niya. Ma sobrang miss na miss ko na si Alex. Kaya hirap na hirap akong kalimutan siya.Huhuhu!" muli na namang umagos ang mga luha sa mga mata nito dahil sa pag uusap nila ng kanyang ina.

"Anak, dito... dito mo matatagpuan ang asawa mo. Dahil diyan mo siya binuo. Diyan mo siya nilagay at iningatan." turo nito sa dibdib ni Trixie. "My daughter has a big place inside your heart. Diyan mo lang siya matatagpuan araw araw. At alam ko kung nasaan man ang anak ko, sigurado ako na masaya siya dahil sa naging meaningful ang mga huling araw niya dito sa mundo. You grant her dreams. Kung pwede nga lang sanang hilingin na panaginip lang ang lahat eh. Pero wala at nangyari na ang lahat. Ang gagawin na lang natin ay ang maging matatag sa anumang darating pa na pagsubok sa ating buhay. Hawak kamay natin itong haharapin. Andito pa ako, ang parents mo, kapatid, mga malalapit na kaibigan na maaasahan mo at mas lalong andiyan pa ang mga anak niyo." pilit na pinapakalma ni Mrs. Rogers ang manugang. Napayakap naman si Trixie sa ina ni Alex.

"Mommy, thank you po. Napakabuti niyo po sa akin. Salamat po sa pagmamahal niyo at paggabay sa amin at sa mga anak namin ni Alex. Napakaswerte ko po na kayo ang naging byenan ko at naging ina ni Alex. Mommy, maraming salamat po. Salamat at muli niyong pinaalala sa akin ang kahalagahan ng buhay. Mabuti na lang po na parati kayong andiyan para sa pamilya namin." naluluhang turan ni Trixie. Hinagod hagod naman ni Mommy Belle ang likod ng naghihinagpis na manugang.

Makalipas ang ilang sandaling madamdaming pag uusap pumasok na rin sila sa kani-kanilang silid. Halos ayaw naman pumasok ni Trixie sa kanilang kwarto dahil puro alaala ni Alex ang nakikita niya. Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong silid. Sa kama (mga utak niyo ha syempre diyan sila natutulog) sa love seat, sa walk in closet, sa washroom, sa sahig. Lahat lahat yata sa kwartong ito puro masasayang alaala ang nakikita niya. Isang masayahing Alexandra, masungit na asawa kapag may topak, nagdadrama kapag di nakuha ang gusto etc. Napapaiyak na natatawa ito sa kanyang mga naiisip. Minsan kasi lumalabas ang pagiging childish ni Alex.

Inakap nito ang sarili dahil sa biglang paglamig ng hangin. Palinga linga ito sa loob ng silid. Nakaramdam naman ng kaba si Trixie. Kaya nagtapang tapangan itong nagsalita.

"Ay baby ha, alam ko namimiss mo na ako. At alam mo din na sobrang miss na kita pero please baby wag ka namang ganyan na manakot ha please. Alex naman eeeh." nanginginig na sabi nito habang nililibot ang buong paningin sa buong silid na waring may hinahanap. Ng walang ano ano may tumunog na music kaya napahiyaw ito.

"AAAaahhhh @##@#$$#@$$!! !!!! Aleeeexxxxx!!! Wag naman ganyan! Nananakot ka eh!>" habang yakap nito ang sarili at nagtago sa kumot. Pero ang mata nasa lugar kung saan nakalagay ang kanyang minipad. Lingid sa kaalaman ni Trixie nagalaw ito ng kanyang anak at napindot ang auto play with timer. Ang hangin na naramdaman niya, hindi masyadong naisara all the way ng katulong ang bintana na nagmumula sa kanyang washroom. (A/N WALANG MULTO)

Maririnig sa background ang isa sa mga favorite song ni Alexandra noong ito ay nabubuhay pa.

(A/N the title of this song is 'Do You Dream Of Me' by Michael Smith)

Dreams, within the still of night

On wings of hope take flight, inside of me, oh

There, upon some distant shore

We want for nothing more than what will be

And you and I, here we are

I wonder as we come this far

If I could only read your mind

Tell me the answer I would find

Do you dream of me?

And when you're smiling in your sleep

Beyond the promises we keep

Do you dream of me?

Love has found a magic space

A deep and hidden place where time stands still

Now I hold you in my arms

You know you hold my heart and always will

And you and I, here we are

And it's a wonder that we've come this far

And after all that we've been through

You've leaned on me, I've leaned on you

Do you dream of me?

And when you're smiling in your sleep

Beyond the promises we keep

Do you dream of me?

Bumangon si Trixie at dahan dahang lumapit sa minipad para siguraduhin ang nasabing kanta. Ng makita nito ang title nanlaki ang mga mata niya at napaluha. Ito kasi ang madalas na pinapatugtog ni Alex noong nabubuhay pa ito. Naglaglagan ang mga luhang kanina pa pinipigilan at nakalimutan na rin niya ang takot sa dibdib dahil napalitan na ito ng matinding kalungkutan dahil sa biglaang pagkawala ng taong pinakamamahal. Then she pressed the next song, at halos madurog ang puso niya dahil sa mga music na naka save sa minipad ng asawa.

(Somewhere, Somehow title of the song)

Standing in our silence

I hear my heart beating

And if only I could choose

I'd stay here with you

But hold me till the train is leaving

Somewhere down the line

After you've gone from sight

Our love will be the same

And, whispering your name,

I'll cling to you with all my might

Let me dream of you

But it's true

And wake me up when this is over

Love will be there when this is over and

Somewhere far beyond today

I will find a way to find you

And somehow thru the lonely nights

I will leave a light in the dark

Let it lead you to my heart

There's a love inside us

Deep down inside

That goes without saying

Don't say a word

But I'll tell you just the same

And that love will fan the flame

And that flame will warm the heart that's waiting

You are mine and I'll wait for you my love

You are mine it may take some time

Even if it takes a lifetime

Tell me you'll wait...

Napangiti ito ng mapakla kasunod ng pagpunas ng kanyang mga luha. Hindi na niya pinatapos pa ang nasabing kanta dahil nagsipag unahan ng magpatakan ang mga luha sa kanyang mga mata.

Padausdos na naupo sa gilid ng side table at patuloy lang ito sa pagluha. Nakatitig sa picture ng asawa at muli itong kinausap na para lang itong nasa kanyang tabi.

"Babyyyy, miss na miss na kita (sob) hindi mo lang alam kung gaano kahirap para sa akin ang isipin na wala ka na sa akin. Pilit kong tinatanggap sa sarili ko na hindi na kita makikita at makakasama every day. Na hindi na kita mayayakap sa pagtulog ko. Huhuhu! Babbbyyy mahal na mahal kita alam mo yan. Hindi yan mawawala sa puso ko kahit kilan. Walang sinuman ang pwedeng pumalit sa pwesto mo. At yang pagmamahal ko sayo ang siyang babaunin ko sa aking paglisan sa mundong ibabaw. Babyyy magkikita na din tayo very soon. Just wait for me okay. Hintayin mo ako baby, please hintayin mo ako. Huhuhu. At naku naman alex baka kung sino sino na ang nilalandi mo diyan ha. Don't you dare dahil lagot ka sa akin. Masyado ka pa namang babae ka. Sana naman iniwan mo yang agimat mo dito sa lupa. (sob) Miss na miss na kita Baby. I missed you so much." Then she kissed and hugged the picture of her wife at napapikit.

Nagising ito na akap akap pa rin ang larawan ng misis. Nagtataka pa ito ng mapansing wala pala siya sa kama. Nakatulog na pala ito sa kakaiyak. Tiningnan ang relong pambisig, alas singko na ng madaling araw. Kailangan niya nang ihanda ang mga kasuotan ng mga anak papasok sa school. Bago ito bumaba humarap muna ito sa salamin at kitang kita niya ang pamumugto ng mga mata. Napangiti ito ng mapakla. She removed the wig she was wearing and she was a bit surprised when she noticed something. May tumutubong bagong buhok. She took her hair brush and start brushing her hair and she bit her lower lip dahil totoo nga may mga bagong tubong buhok.

After niyang masigurong okay na siya lumabas, dire-diretso na ito sa kusina. She found two of their kasambahay busy preparing their breakfast.

"Manang ako na po ang maghahanda ng baon ng mga bata." Medyo may kasiglahan ito habang inaayos niya ang tatlong lunches.

"Mam napansin ko po na medyo bumabalik na sa dati ang kulay niyo po. Dati maputla po kayo. Pero noong isang araw na nakita ko po kayo na sinumpong ng pananakit ng tiyan, parang nakikita ko sa inyo ang nangyari sa pinsan ko dati doon sa aming probinsya." Napaupo si Trixie sa bakanteng upuan at nakikinig sa sinasabi ng nasabing kasambahay. "Dinala po nila ang pinsan ko sa hospital at ang sabi ng doctor kailangan siyang maoperahan. Natakot ang pinsan ko kaya nagpatingin sa albularyo ayun nakulam daw po. Makalipas ang ilang araw unti unting gumaling ang pinsan ko. Kaya ayun po naisip ko na baka ganun po ang nangyari sa inyo Maam."

Dahil sa pagiging non believer ni Trixie sa kulam kulam na iyan, tumango lang ito at ipinagsawalang bahala.

"Maraming hospital na kaming pinuntahan, maraming espesyalista na ang sumuri at iisa ang kanilang findings. Kaya hindi ko alam. Ganun na nga siguro ang kapalaran ko." mapaklang sagot sa kasamang si Karen.

Kaya pinagpatuloy niya ang pag aayos ng mga lunches ngunit biglang sumagi sa isipan nito ang salitang 'what if'. She sighed and just shrugged. Naiisip niya sino naman ang gagawa nun sa kanya. Wala naman siyang nakaaway or nakasamaan ng loob. She already fixed the gap between her and Andre's family. She's welcome to visit them anytime. Dinadala niya doon si Xandre kapag weekend or kapag bakasyon to meet his other relatives on his dad side. Matapos niyang gawin ang lunches umakyat itong muli sa kanyang kwarto at naligo.

Nasa table na ang lahat ng ito'y bumaba. She kissed the kids cheeks at naupo sa kanyang pwesto. Nilingon niya ang upuan kung saan nakapwesto parati si Alex. Napansin din ito ng mga kasama niya kaya para maiwasan ang malungkot na umaga tumikhim ang ina ni Alex.

"Eherm! Who wants to join on a travel this coming long weekend?" biglang nag iba ang atmosphere ng paligid. Naging excited ang mga bata. "Would you like to go somewhere?"

"Yes Lola!" chorus ng dalawang batang babae na wari'y kinikiliti.

"What about you Xandre? Do you have something in mind?" tanong ng matanda sa apo na lalaki.

"Hmmm I don't have any plans actually. I'll go wherever they want to." Saka nginitian ang mga kapatid.

"What about... Zambales? I heard may magandang lugar daw doon." Suggestion ng matanda. Biglang sumabat ang kaninang kausap ni Trixie na kasambahay.

"Mam, maganda po ang lugar na yan. Diyan po ako lumaki. Hehehe. Maraming magagandang tanawin." Nahihiya niyang turan. Tatango tango naman ang ina ni Alex.

"Well naisip ko, tumawag kasi sa akin ang isang kaibigan ko and meron silang vacation house and available ito this weekend kasi aalis sila papuntang Paris. Kaya naisip ko na doon tayo pupunta kasi meron silang fish pond, plantation of tropical fruits and may swimming pool. For sure mag eenjoy tayong lahat doon. Are you guys interested?"while sipping her coffee and waits for the kids response.

"Count me in for that trip Lola." Masayang sambit ni Xandre. "Lola can I invite two of my friends?"

"Of course you can hijo. Make sure papayag ang parents nila ha."

"Sama din ako." Si Brooke.

"Me too. I'm so excited na for the trip Lola." Si Kirsten. Napatingin silang lahat sa tahimik na si Trixie. Nakuha naman ng dalaga ang mga tingin ng mga kasama. She smiled at them and says...

"Okay, okay. Zambales it is. Kayo talaga. Sige Ma pakisabi po sa friend niyo na tayo ang mag rent ng place nila  this weekend. I guess we all need this." Turan ni Trixie.

"Tama ka hija. We all need to unwind. Lalo ka na. Kailangan mo makalanghap ng fresh air. Kaya nga ikaw ang naisip ko noong mabanggit ito sa akin ng aking amega. Sige after ng breakfast kakausapin ko siya." Sagot ng byenan. Kaya pinagpatuloy nila ang kanilang agahan habang masayang nagkukwentuhan, pinag uusapan ang mga gagawin nila sa Zambales at kung saang tourist spot sila unang pupunta at pansamantalang nakalimutan ang mga pinagdaanang masasakit na karansan.

SA IBAYONG BUNDOK NG PITONGBAYOG (chos)

Walang kapagurang dinadasalan ng matanda ang isang bulto ng katawan na hanggang ngayon wala pa ring ginawa kundi ang matulog lang ng matulog. Nagamot na rin ang sugat nito at unti unti na rin itong nagkaron ng kulay. Kung noong makita ito halos wala ng dugo sa kaputian ngayon masisilayan na ang mala rosy cheek nito at ang mga labi bumalik na sa normal na kulay ngunit parati pa rin itong natutulog.

Kaya naman nag aalala na ang matanda dahil baka mamatay na ito sa gutom kaya wala siyang tigil sa pagdarasal ng taimtim.

Kilala sa kanilang lugar ang matandang buong buhay na yata nanggamot ng mga napasukan ng masamang ispiritu, mga na-kulam, na dewende at iba pang kababalaghang pangyayari na di kayang ipaliwanag ng siyensya.

Dahil na rin siguro sa paniniwala at pagtityiga ng matanda sa pagdadasal sa naturang tao, maya-maya pay gumalaw ang mga kamay neto sabay bukas ng kanyang mga mata.

"Nasaan ako? Anong nangyari? Bakit ang dilim? May tao ba diyan? Please magsalita po kayo kung sino man ang nandiyan.." Pagsusumamo ng dalaga.

"Ineng mag-hunusdili ka muna, wag ka munang tumayo hindi mo pa kaya." at sinindihan ng matanda ang dala dalang kandila.

"Hmmm... Where Am I? What place is this?" nagtatakang tanong ng babae. Saka nilibot ang buong paningin sa isang maliit na silid. Wala siyang makita maliban sa isang maliit na cabinet at baul.

"Ineng, ano ang sabi mo? Huwag mo akong kausapin ng ganyan kasi hindi ako nakakaintindi." Pakiusap ng matanda.

"Na-nasaan po ako? Anong lugar po ito at bakit ako nandito? A-anong nangyari?" ilan sa mga katanungang lumabas sa bibig ng isang estrangherong babae.

"Ang mabuti pa ineng kumain ka muna dahil ilang araw kang tulog at walang laman ang iyong tiyan. Ikukuha kita ng maiinom at makakain mo. Mas mabuti na yung magkalaman ang iyong tiyan ng bumalik agad ang iyong lakas. Sandali lang." saka umalis ang matanda papuntang kusina upang kumuha ng makakain. Samantalang naiwan ang babaeng hawak ang sintido at noon a waring nag iisip ng malalim. Wala siyang mahagilap na sagot sa kanyang mga katanungan. Pansamantalang nakalimot ito. Pinilit nitong bumangon at isinandal ang kalahati ng katawan sa may kalumaang baul. Maya lamang bumalik ang matanda dala ang isang plato na may kanin, pritong isda at bowl na may mainit na sabaw. Natatakam naman ang nasabing babae kaya agad niya itong sinunggaban. Kitang kita sa mukha nito ang matinding gutom dahil para itong hinahabol o kaya takot maagawan dahil sa sunod sunod na pagsubo. After a few minutes, everything is clean.Kulang na lang pati plato isubo niya. Kahit pusa mahihiyang makihingi ng kanyang tira. She even let out a not so loud burp. Medyo nahihiya naman ang dalaga dahil sa naging gawi nito.

"Naku Ineng hindi mo kailangan magmdali kasi walang aagaw niyan sayo." Turan ng matanda. Medyo napahiya naman ang babae kaya humingi ito ng paumanhin.

"Pasensiya na po. Ramdam ko po kasi talaga ang matinding uhaw at gutom." Medyo nagkaron na ito ng kunting sigla habang nakikipag usap. Hinayaan na muna ito ng matanda na makapagpahinga at bumalik ang dating lakas at sigla ng katawan maging ang kaniyang isipan.

**************************

Sumapit ang araw ng bakasyon, bumiyahe na ang buong mag anak papuntang Zambales. Excited ang lahat maliban kay Trixie. Nangungulila pa rin ito sa namayapang asawa. Habang nasa daan naalala niya ang sinabi ng kanilang kasambahay. Kaya kinausap niya ito sa cellphone dahil nasa kabilang sasakyan ito.

To Karen

"Karen, magaling bang manggamot yung sinasabi mong matanda?"

From Karen

"Opo Mam. Simula bata po ako siya na po ang naalala kong nanggagamot sa lugar namin."

To Karen

"Do you think she's still alive? Gusto kong subukan. Malapit lang kaya siya sa pupuntahan natin?"

From Karen

"Itatanong ko po muna sa amin Mam."

To Karen

"Thank you Karen."

From Karen

"Walang ano man po Mam"

Pagkatapos ng palitan ng messages, muli niyang ibinalik ang atensyon sa pagtanaw sa bawat madadaanan. Nag eenjoy sa magagandang tanawin. Ngunit muling nalungkot ng maalala ang yumaong asawa. Mas maeenjoy niya ang bakasyon na ito kapag kasama nila si Alex. Hindi niya namalayang nagsipatakan na ang mga luha nito hanggang sa makatulugan ang pag iyak. She was awaken by a gentle touched on her face. It was her youngest daughter Brooke tying to wake her up.

"Mommmyyy, we're here na. Look mommy it's nice in here! Come on Mom let's get out of here na mommy." hila sa kanyang braso ng bunso nitong si Brooke

"Okay baby. Go ahead and I'll follow. Don't forget your stuff toy." Paalala niya sa anak na nagmamadaling lumabas ng sasakyan. Agad naman nito dinampot ang may kalumaang stuff toy at mabilis na tumakbo papasok ng bahay samantalang naiwan ang inang nagmamasid sa buong paligid. 

Naglakad lakad muna si Trixie habang inienjoy ang sariwang hangin. Hanggang sa makaramdam ng gutom kaya sumunod na rin itong pumasok sa loob ng bahay. Kumpleto na rin ito sa kagamitan. Nadatnan niya ang lahat na masayang pinag sasaluhan ang kanilang dalang baon. They packed honey garlic chicken bbq, spaghetti, sandwiches,juices and different kinds of sliced fruits.

After nilang kumain, napansin ni Trixie na empty ang kanilang pantry so she decided na pumunta sa nearby store. Niyaya niya si Karen na siyang may alam sa lugar para mamili. So Karen suggested na sa bayan na pumunta at tamang tama naman na market day kaya maraming mapagpipilian. Pagdating doon, sobrang dami ng tao.

"Karen safe ba ang mamili sa palengke na yun?" tanong nito sa kasama. Tatawa tawa naman si Karen sa tanong ng amo. Napansin naman ito ni Trixie kaya biglang bawi niya sa kanyang sinabi.

"Hindi naman sa nag iinarte ako. Alam kong alam mo ang story ko. Pero simula ng magkaron ako ng pamilya lalong lalo na ng mga anak, ewan siguro instinct lang mga mga ina na they want the best for their kids. Mommy's knows best ika nga. Okay lang kung ako pero when it comes to my kids gusto ko yung organic."

"Yes mam, safe po ang mamili doon. Ayan na nga po oh. Madami pang mga parokyano galing ibang bayan. Yang mga nagtitinda dito galing pa yan sa malalayong bundok para lang magbenta ng kanilang produkto. Mga gulay at prutas naman mostly ang dinadala nila dito or mga alagang hayop." Kwento ni Karen sa amo.

"O sige tara na para makauwi tayo agad at makapag luto." Kaya nagmamadaling umibis ang dalawa habang naiwan naman sa sasakyan ang kanilang driver. Makalipas ang ilang sandali, may mga bitbit na silang mga bags ng kanilang pinamili. Pabalik balik naman sa sasakyan si Karen upang ihatid ang ilang mabibigat na dala. Nag eenjoy naman si Trixie sa pamimili dahil sa mura lang ito at fresh na fresh pa. Nakikisiksik na rin ito sa mga tao. Naalala niyang naging buhay nya rin ito noong sa batangas pa siya nakatira kasama ng mga pamilyang kumupkop sa kanya.

Hanggang sa may bumangga sa kanyang likuran kaya agad niya itong nilingon. Halos manginig ang buong kalamnan niya sa kanyang nakita. Nanlamig ang buong katawan maging ang sa kasuloksulukan nito. Maging ang pagtawag sa kanya ni Karen hindi man lang niya ito narinig.

"Mam Trixie naihatid ko na po lahat sa sasakyan, meron pa po ba kayong gustong bilhin o kaya puntahan?" nagtataka naman si Karen sa nasabing amo dahil nakatanaw lang ito sa malayo at hindi nagsasalita. Kaya bigla itong kinabahan. Tinapik niya ang balikat nito to get her attention.

"Ka-Karen ikaw pala. Uhm, kanina ka pa ba diyan?" palipat lipat ang tingin niya kay Karen at sa mga nag uumpukang tao. Halos mabali ang leeg nito sa kakahanap at kakatingala na ipinagtataka ng kasama.

"Mam sino po ang hinahanap niyo?" saka tumulong na din ito sa amo na waring may hinahanap din sa paligid.

"Ewan ko Karen pero... pero imposibleng siya ang nakita ko." Seryosong sagot sa kasama.

"Nakita? Sino po ang nakita niyo Ate?" nagtatakang tanong ni Karen maging siya humahaba din ang leeg sa kakatingin sa mga taong lakad dito lakad doon.

"Parang si... Si Al...si Alex." Nauutal niyang sagot.

Napayakap naman sa kanyang sarili ang kasama.

"Ateee, wag naman po kayong manakot. Pa-paanong mapunta dito si Ate? At saka... naku mam umuwi na po tayo. Kaya siguro andito si Mam Alex kasi binabantayan niya tayo. Baka baka merong mga halang ang bituka na kanina pa nakatingin sa atin. Kaya to the rescue si Mam Alex." Mahabang litanya ng kasama na tinanguan naman ni Trixie.

Siguro nga it was just Alexandra's soul tying to protect them from anyone. Trixie let out a sighed at matamlay na bumalik sa sasakyan.Bago ito sumakay ng sasakyan, nilingon pa niya ang lugar kung saan sila nagkabanggaan. Laglag ang balikat na pumasok ng sasakyan dahil hindi na niya nakita pang muli ang nasabing nilalang.

*****************************

Samantala, masayang masaya naman ang babae habang nililigpit ang mga natirang gulay. May mga bigas na sila at mga isda na maiuuwi. Kasama niya ang matandang babae at nagsimula na silang maglakad pabalik sa bundok. Sumakay ang dalawa ng jeep, pagkababa meron nang nakaabang na kuliglig na siyang sinasakyan nila papasok sa looban. Mahirap kasi itong pasukin ng regular vehicle. Kaya ito ang nagsilbing transportation ng mga tao na nakatira malapit na sa kabundukan.

Pagdating ng dalawa, tulong tulong sila sa paghahanda ng kanilang hapunan. After a while, masaya na nilang pinagsaluhan ang nilutong sinigang ng matanda at nakapag dessert pa sila. Dito na nagtanong ng kung ano ano ang dalaga sa matanda.

"Lola, paano niyo po ako nadala dito? Paano niyo po ako natagpuan?" nasa muka nito ang pagtataka. Tumayo ang matanda saka tiningnan ito sa mga mata.

"Wala ka ba talagang maalala?" tanong sa kaharap at sumagot ito ng isang tipid na pag iling. Niligpit na ng matanda ang kanilang pinagkainan. Naiwan naman sa mesa ang kasamang nakahawak sa noo. Pagbalik ng matanda may bitbit na ito sabay hagis sa kasama.

"AAAAAAAHHHHHHHHHH!!!! Snakeeeee!! Snake!!!! Fvck! Fvck! Dammnnn it!!! Why did you do that huh!!??" nakapatong na ito sa ibabaw ng mesa at takot na takot.

Halos mawalan naman ng hininga ang tatawa tawang matanda sa nakitang reaction ng kasama.

"HAHAHAHAHA! (Coughing sound insert) Ano may naalala ka na sa mga pangyayari?" nakaupo na ito sa silya at panay pa rin ang tawa kahit na parang hindi na babalik ang hininga nito dahil sa kakaubo at kakatawa.

"Could you take that snake away from here!Gosshh you almost killed me! And where on earth did you hide that monster? Instead of getting dog as your pet why did you chose to have snake instead. Don't you know that it's too dangerous?" nasa itaas pa rin ito ng mesa dahil nasa baba lang ang malaking sawa at may balak pa atang umakyat sa mesa. Napapatingin naman ang babae sa ceiling, naghahanap ng masasabitan.

"Ineng hindi ko lahat naintindihan ang mga sinasabe mo. Teka at ilalabas ko lang itong si Phukiemo." Saka binuhat ang may kabigatang boa at dinala kung saan man ito tinatago ng matanda. Naiwan namang nandidiri, nakangiwi at kinikilabutan ang dalaga. Sabay pagpag ng damit nito na may naiwang mga dahon na nanggaling sa ahas. Bumaba na ito mula sa ibabaw ng mesa at panay silip sa ilalim ng lamesa na parang may hinahanap. Pagbalik ng matanda umupo ito sa harap niya at pilit siyang pinakwento. Napakurap ng ilang beses ang dalaga at ngayon handang handa na ito sa mga naalala.

"Ang huling naalala ko, pabalik na ako sa aking sasakyan ng may humablot sa akin. Pilit akong nanlaban. Babangon na sana ako ng may biglang pumukpok sa akin. Kahit nasaktan ako ng labis pinilit kung kinaya ang sakit. Pinasakay niya ako at inutusang magmaneho, hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya ang ginawa ko, nagdrive ako pabalik sa bahay. Yun ang nasa isip ko dahil gated ang lugar namin at may mga guard na pwede kong hingan ng tulong. Mabilis ang pagpapatakbo ko that time dahil sa takot ko sa taong kasama ko. Then sabi niya siya na daw ang magmaneho kaya nagpalit kami ng pwesto. Pinahubad niya sa akin ang suot ko at pinasuot sa akin ang suot niya. Nasa loob na kami ng sasakyan ng biglang nag ring ang phone ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko pero ng maalala ko na baka ang asawa ko ang tumatawag bigla ko itong sinagot at doon na kami nag agawan. At ang huling naalala ko tumilapon ako palabas ng sasakyan. Hindi ko alam kung sinipa niya ako or what basta yun ang naalala ko. Nang muli akong nagising, nakapagtataka kasi nasa hospital ako at meron pa akong nakikita, nakausap ko yata ang daddy ko at ang lola ko. Hindi ko sigurado kung panaginip ang lahat ng yun. Pinilit nila akong sumama sa kanila pero pilit akong tumatanggi at sinabi ko na kailangan pa ako ng pamilya ko. Wala akong nakitang katawan ko sa hospital. Pero nagtataka ako dahil nakita kong nag iiyakan ang mga family ko sa maling katawan. That's not me. Gusto kong sabihin sa kanila na hindi ako yun. Nakita ko rin na parang umuwi ako sa bahay, nakapiling ang mga anak ko. Hindi ko alam parang ang haba ng nilakbay ko. Kahit ang misis ko nakita ko rin na umiiyak, nalulungkot."

"Malamang humiwalay pansamantala ang iyong kaluluwa sa katawan mo. Yung iba nakakabalik pa at ang iba hindi na talaga. Teka misis mo? Iha, baka nagkakamali ka sa pagkwento mo. Mukha ka namang babae." Alex just rolled her eyes. Lumabas na naman ang pagkamaldita nito. Napansin naman ng matanda ang pag iba ng mood ng kausap. "Okay hala sige tapusin mo muna ang kwento mo ng maintindihan ko lahat."

"Bago ako umalis ng hospital, sinundan ko ang katawan ng babaeng sira ang mukha at may part na nasunog. Hindi ako maaaring magkamali, siya ang huling babaeng nakausap ko ng minsang nagpakalayo ako sa asawa ko dahil sa nalaman kong may taning na ang buhay niya. Siya ang babaeng labis ang inggit sa misis ko dahil sa hindi pagpili ng lalaki sa kanya. Mahal na mahal niya ang lalaki ngunit mas mahal nito ang misis ko. Hindi ako maaring magkamali siya yun." Kwento ng dalaga.

"Inggit, galit, at sama ng loob. Hindi kaya may ginawa siya sa asawa mo? Hindi kaya siya ang dahilan ng sakit na nararamdaman ng misis mo ngayon?"

"Ano po ang ibig niyong sabihin Lola Luningning?"

"Baka nakulam ang misis mo."

"Kulam? Pero ang sabi ng doctor cancer ang findings nila. Nakarating na nga po kami ng ibang bansa pero pareho po ang result ng lahat ng test."

"Haynaku, sa edad kong ito hindi pa ako ni minsan nagkamali sa panggagamot ko. Naniniwala ka ba sa kakayahan kong magpagaling ng isang nakulam at naniniwala ka ba doon?" seryosong tanong ng matanda sa kausap na sinagot nito ng isang pag iling. Bumuntong hininga ang matanda. "Pwes kailangan natin makita ang asawa mo para malaman ko kung nakulam nga ito at kung anong klaseng pangkukulam ang ginamit nito sa kanya. Sana lang hindi pa huli ang lahat."

"Sige po bukas na bukas din po babalik ako sa Manila para iharap sayo ang asawa ko Lola." Nasa mata na nito ang sigla at saya na muling makita ang kabiyak.

"O sya. Magpahinga na tayo at maaga tayong pupunta ng bayan." Sabay na tumayo ang dalawa at naghanda upang makapagpahinga na.

*************

Nakahiga na si Trixie kasama ang dalawang anak na babae nang maalala ang kaninang nasaksihan niya sa palengke.Hindi siya maaring magkamali sa kanyang nakita. Sigurado siyang si Alex ang babaeng yun na may pasan pasan na nakalagay sa sako. Pero paanong nangyari yun? Minumulto ba siya ng yumaong asawa? Nasa kalagitnaan siya ng pag iisip at nasa dibdib nito ang kanyang cellphone ng bigla itong mag vibrate.

"AAAHHHH!" sabay takip ng kanyang bibig na baka magising ang dalawang bata. Ang yaya pala ng kanyang anak na si Karen ang nag text.

From Karen

Ate, nagtext sa akin ang kapatid ko andun pa din daw po si Lola Ining.

To Karen

Sige, magpasama tayo doon ha. Malayo ba yun?

From Karen

Medyo may kalayuan ate. Malayo layo din ang lalakarin. Hindi pwede yung sasakyan nyo doon. Pero meron pong kuliglig na sinasakyan ang mga taong nakatira malapit na sa bundok.

To Karen

Ah okay. Sige kahit malayong lalakarin ko gagawin ko. Sige na tulog ka na. Goodnight Karen.

From Karen

Gudnyt Te

Pagkatapos nilang mag usap sa text, Trixie kissed her two daughter's cheek and went to sleep.

KINAUMAGAHAN maaga pa lang abalang abala na ang dalawang kasambahay sa paghahanda ng kanilang almusal katulong nila ang ina ni Alex. Sumunod na din an gang humihikab pang si Trixie sa kusina.

Trix POV

Kagabi pa talaga ako naguguluhan. Ewan ko if kailangan ko itong banggitin kay Mommy Belle but anyway, theres no harm in trying naman. I was on my way to the kitchen when I heard the banging of the pots and pans, cupboards and chopping board and knives. Grabe lang, fiesta? I was giggling while looking at them. Teka bakit parang andaming lulutuin. Hmm, let's join the crowd.

"Good morning Ma, goodmorning manang, hello Karen." Bati ko sa kanilang lahat sabay halik sa pisngi ng byenan ko.

"Good morning anak, did you sleep good last night?" she asked me. I smiled and nod while I was making my morning coffee that was newly brewed. Hmm. That smell I'd love to have in the morning to make me alive. Ewan ko ba bakit masyado akong naaddict sa amoy ng kape. Okay, I sat down sa may bar stoll paharap sa byenan ko. This is it.

"Ma, do you uhm... how can I say this..." I paused for a second at saka nag aalangang napatingin sa ina ni Alex na nakatingin din sa akin. "Ah Ma, gusto ko lang sanang itanong if naniniwala po kayo sa kulam?" she's somewhat a bit surprised to my question. Maybe...

"Bakit mo naman yan natanong anak? At sino ang nakulam?" she took an empty mug and pour some coffee, well I guess hindi pa siya nakapagcoffee. While she's preparing her coffee, I grabbed some muffins then asked my mother in law to go outside. We chose to have our coffee at the porch. I let out a sighed then I told her about what Karen have had told me the other night about Kulam. Then I shared it to my byenan.

"What do you think Ma? There are some days I felt so alive, and some days I thought I'm gonna die."

"Well wala namang mawawala kung subukan natin ang bagay na yan. And tama naman na andito na tayo at mas malapit. I forgot to tell you, paparating ang two families. Blake and Courtney's families wants to join us here. Any minute they'll be here na. So pwede na kayong magpunta doon mamaya kung saan man ang manggagamot na iyan nakatira."

"Thank you Ma for all the support. Hay naku kagabi pa ako hindi mapakali kasi I don't know if pagtatawanan niyo po ako about this Kulam thingy. Kaya hindi ko sinabi sa inyo kaagad."

"Hey iisang pamilya tayo dito hija. Whatever your decisions andiyan lang ako sa likod mo nakaalalay." She smiled and sipped her coffee. Maya lang nakarinig na kami ng preno ng sasakyan. Nagkatinginan kami then I heard her say... "I think it's them." Blake and Courtney just arrived. Tamang tama may kasama akong aakyat ng bundok. We both got up upang salubungin ang bagong dating.

"Hello Tita, hello babe." That's Courtney. Hila hila ang kanyang anak. Hmm where the hell is Nikki? Naku baka nagdrama na naman itong dalawa. Then Blake and Chloe kasama din si Blaine. Ang ganda ng batang ito.

"Hello everybody. Glad you all made it." Bati ni mommy sa mga bagong dating. I hugged them one by one. Saka we guided them on their respective rooms. Mabuti na lang very spacious ang bahay na ito.

"How are you babe?" sabay akbay ni Court sa akin.  I gave her my sweet smile and leaned my head on her shoulder then says.

"Mabuting mabuti. Tara breakfast muna tayo."

Kaya sabay sabay na kaming kumain kasama ng mga anak ko din, kwento dito, kwento doon. Tawanan at masayang pinagsaluhan ang inihandang almusal nina Karen at Manang. After ng breakfast nasa pool na ang mga bata kasama ng mommy Belle kami namang apat naiwan sa kitchen at naiopen ko sa kanila ang tungkol sa pagpapatingin sa albularyo. Then lumipat kaming apat  sa likurang bahagi ng bahay, naupo sa may rest house sa ilalim ng punong mangga habang pinapanood ang mga batang masayang naglalaro sa pool. Si Blake at Chloe nasa may duyan na akala mo newly weds. Hay naku namiss ko tuloy ang misis kong si Alex. Kaya naikwento ko sa kanila ang nakita ko sa palengke.

"Are you sure si babe ang nakita mo?" si Courtney.

"Maybe it was just Alex's soul trying to watched and protect you from any harm. Knowing you just went to a crowded place without her." It was Blake. I just nod to what he says. Oo nga Alex doesn't want me to go to unfamiliar places lalo na pag mag-isa lang ako.

"Pero come to think of it babe, What if lang ha, What if it was really Alex and yung na-ilibing natin ay ibang tao diba? sunog kasi yung mukha nung nakita natin tapos diba deretcho libing na yun di na nag pa DNA at autopsy kasi were so sure that time at saka yung damit na suot nito nag match naman sa huling beses nating pagkakita sa kanya." Si Courtney habang sapo ang noo sa pag-iisip.

Napa-isip naman ako dun sa sinabi niya, paano nga kaya? Pero imposible naman talaga, parang sumasakit ata yung utak ko sa kakaisip.

Ngunit sa kabila nun may mumunting pag-asa akong naapuhap sa kaloob-looban ng aking katawan.

"Hey Court don't give Trix a false hope, it's not helping okay? Yaan niyo, I will recommend to Auntie to have an autopsy pagbalik natin dun sa Manila nang magka-peace of mind tayo, sa ngayon isipin na muna natin yung pag-papagamot ni Trixie malay natin diba? I'm not a believer too but wala namang mawawala kung susubukan natin diba?" Si Blake.

"Salamat talaga sa suporta guys. Maaasahan talaga kayo kahit kailan."

Bigla silang nagulat ng may sumabad sa kanilang kwentuhan.

"Hep! Hep! Hindi pwedeng sila lang ang magbibigay ng support sayo, dapat kami din." sigaw ni Charm kasunod ang misis na si Megan, ang dalawang anak nila at si Nikki na agad inakap ang aswang si Courtney.

"Charmmmmminnggggg!!!" Trixie exclaimed and gave them a hugged. Masayang nagsipagkwentuhan ang grupo saka nagligpit ng mga gagamitin papunta sa isang barangay.

Maya-maya pay gumayak na sila para puntahan ang nasabing manggagamot, maaga silang umalis dahil medyo may kalayuan yung pupuntahan nila. Isinama nila yung katulong nilang si Karen dahil yun lang ang may alam kung saan ang tirahan neto.

Habang lulan sila ng Van si Trix naman ay abala sa pag-iisip tungkol doon sa taong nakabangga niya kahapon sa palengke. Maraming tanong at haka-haka ang gusto niyang mabigyan ng kasagutan. Nagbalik ang kanyang ulirat ng marahang tinapik siya ng kanyang Mommy Belle at tinanong kung ayos lang ba ito. Tumango lamang siya at pilit ngiti ang sinagot niya. Nang maalala niya na papunta nga pala sila sa manggagamot, sa di malamang dahilan ay bigla siyang na excite at the same time kinakabahan. Pakiramdam niya may magandang mangyayari sa kanya ngayong araw. Sana nga lang tama siya... Sana...

*********************

SA BUNDOK NG PITONGBAYOG

Abalang abala ang dalaga sa pagdidilig ng mga pananim ng dumating ang matandang masayang nakangiti. Nilapitan ang dalagang tagaktak ang pawis habang bitbit ang isang timbang tubig.

"Baleleng!!! Baleleng!!! Tama na muna yang pag didilig mo. Halika dito may dala akong kakanin na nabili ko sa may talipapa. Masarap ito dali tikman mo." masayang sambit ng matanda sa kasama. Bigla namang ibinaba ang timba at tumigil sa trabaho. Nakangiting lumapit Ito sa matanda at inabot ang dala nitong pagkain saka sunod sunod ang pagsubo dito. Makikita sa Mga mata nito ang galak at sigla.

"Hmmm, ang sarap nito Lola Luningning. Sa totoo po ngayon lang po ako nakatikim ng ganito." Ngumunguyang sambit nito. "Bakit ngayon ko lang ito nakita?" habang sinusuri ang hawak hawak na pagkain at inaamoy.

"Ineng, kahit matanda na ako, sa unang kita ko pa lang sayo alam ko na anak mayaman ka. Kaya hindi na ako magtataka kung ngayon mo lang iyan natikman. Sige na kainin mo na iyan at ako'y mangangalap ng mga gagamitin ko mamaya."

"Ano po ang hahanapin mo lola?" takang tanong sa matanda then she took the last bite while staring at the old woman.

"Yung mga dahon dahon na kailangan ko sa panggagamot. May mga bisita tayong darating na gustong magpagamot dahil nakulam daw ito. Tamang tama, linggo ngayon at kabilugan ng buwan. Swak na swak sa aking gagawing orasyon. Kaya Ineng pwede bang ipagpaliban muna natin ang para sa asawa mo, bukas ka nalang lumuwas ng maynila at kailangan ko ngayon ng makakatulong." Saka iniwan ang nagtatakang dalaga at nagkibit balikat na lamang ito. Isinuot muli ang kanyang sombrero at ipinagpatuloy ang kanyang gawaing pagdidilig.

Samantala...

Medyo papadilim na ng marating ng grupo ang nasabing bayan. Pinagtitinginan din sila ng mga tao doon dahil inakalang mga artista ang dumating. Kaway dito kaway doon naman si Charms at Nikki.

"Teka, anong sasakyan natin?" Charms asked. Nikki and Courtney just shrugged. Then sumulpot sa likuran si Karen.

"Don't worry mga ate, meron tayong sasakyan. Naghire po ako ng dalawang sasakyan. Sigurado ate Nikki never kapang nakasakay dito pero unique sa lahat ng dinadrive mo." Tatawa tawang wika ni Karen hanggang sa may marinig silang paparating na ingay. Ang dalawang kuliglig. Nagkatinginan naman silang lahat.

(A/N e.g ng kuliglig sa media)

"ITO???? Karen sure ka na makarating tayo kung saan man ang bahay ng manggagamot na iyon? Baka pagdating sa gitna eh magtutulak tayo!! No way!! Over my sexy and gorgeous body!!" si Nikki na sinusuri ang bawat parts ng kuliglig. "Kuya, kaya mo bang isakay ang kalahati sa amin?" si Nikki ulit.

"Opo Ma'am!" proud na sagot ng lalaki na tatawa tawa sabay kamot sa ulo. Para naman itong nahihiya.

"Come on guys lets go it's getting late." Si Blake saka inalalayan ang misis na si Chloe. Kasunod si Tita Belle at Trixie. Maririnig naman ang mga bulungan ng mga tao sa paligid.

"Gwapo ng guy. Sayang may asawa na siya." kilig na turan ng mga babae.

"Ang gaganda talaga nila at ang tatangkad..." sagot naman ng ilan sa kanila.

Biglang umakyat si Nikki at hinila din ang misis.

"Oh my gosh this is soooo coolllll!!!!Baby picture tayo!" excited na turan ni Nikki. Knowing that she drove so many different kinds of sporty cars at bago ito sa kanyang mga mata. Selfie dito selfie doon na akala mo mga model.

Makalipas ang ilang sandali nagsimula nang umusad ang kuliglig. Kumaway naman ang grupo sa mga taong nakikiusyuso sa paligid. Namangha silang lahat sa ganda ng kapaligiran, sariwang hangin at ang berdeng kulay ng rice field. Hanggang sa mapadaan sila sa taniman ng sugar cane. Tumigil sila sandali at kumuha saka pinaghahatian ng dalawang grupo.

Halos hindi nakaramdam ng inip ang bawat isa. Katunayan tuwang tuwa pa sila sa mga nasasaksihan sa bagong karanasan. May mga back pack din silang dala na parang pupunta sa camping. Tatawa tawa lang si Karen sa mga pinag gagawa ng mga kaibigan ng kanyang amo. Alam niyang hindi pa nila ito nararanasan. Maging siya nakikisali na rin sa kanilang mga selfie pictures habang tahimik lang si Trixie at masayang pinagmamasdan ang kapaligiran.

Makalipas ang ilang sandali, narating na nila ang maliit na tahanan ng matanda. Napapalibutan ito ng mga iba't ibang klase ng orchids at ito agad ang unang napansin ng ina ni Alex. Sinasamyo ang bawat makitang mga bulaklak. Sa likuran naman, makikita ang mga malalagong pananim kagaya ng petchay, cucumber, talong, long string beans/sitaw, may sili, may kamatis, okra and other's green vegetables. Hangang hanga sila sa ganda ng paligid.

"Guys look at these flowers. Aren't they pretty?" ang ina ni Alex. Nagsilapitan naman ang ila sa kanila. Ang gaganda kasi ng pagkakabloom nito. Nasa harapan na sila ng bahay ng matanda at palinga linga dahil sa napakalinis ng paligid. Tuwang tuwa naman sila ng makakita ng inahing manok kasama ang mga sisiw nito. Hanggang sa may tumahol na aso.

"Ssshhuuu! Bruno sshhhuuu!! Mabuti naman at nakarating na kayo dito sa aming lugar. Aba'y paano niyo ba nalaman na nanggagamot ako?" takang tanong ng matanda. "Katunayan, wala naman akong fesbuk?" biro ng matanda. Sumabad naman si Karen mula sa likuran.

"Lola ako po. Anak po ako ni Lito Bala diyan po sa may kalye maingay. Sa kanila po ako nagtatrabaho." Turo niya sa among si Trixie.

"Ay sus, Karen ikaw na ba yan? Aba eh nung huling makita kita uhugin ka pa." nagtawanan naman ang mga kasamahan ng dalagita. Napapangiwi naman si Karen dahil sa sinabi ng matanda. Bigla naman itong inakap ni Trixie at hinagod hagod ang likuran ngunit kahit siya nakikitawa na rin.

"Lola talaga." Nahihiyang sagot ni Karen na nakanguso na.

"Sino sa inyo ang magpapagamot?" tanong nito ulit. Saka sabay sabay nilang tinuro si Trixie. "Sige tamang tama at kabilugan ng buwan ngayon. Pero maghintay muna tayo ng ilang sandali bago simulan ang orasyon. Hinahanda na rin namin ni Baleleng ang mga gagamitin ko. Magsiupo muna kayong lahat at sigurado akong pagod kayo sa byahe. Gusto niyo ba ng maiinom?" ngunit mabilis pa sa alas kwatro na umiling ang lahat. Nasa mukha ng lahat ang pagdududa. Iiling iling naman ang matanda, she knew takot ang mga ito sa kanya.

Lingid sa kaalaman ng lahat, may isang pares ng mata ang kanina pa nakamasid sa kanila. Punong puno ito ng pananabik, sigla at tuwa ng masilayanang muli ang mukha ng taong matagal na niyang pinanabikan. Sunod sunod na pumatak ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Gustong gusto na niyang yakapin ang lahat lalong lalo na ang misis at ang ina. Biglang pumasok ang matanda.

"Baleleng! Sino ang sinisilip mo diyan?"  saka nakisilip na rin ito. "Dyaskeng bata ka! May asawa ka na sabi mo tapos naglalaway ka diyan sa mga bisita natin? Sabagay ang gaganda nga nila Ineng. Teka, panget ba ang misis mo at pinagpapantasyahan mo ang ilan sa mga babae diyan?" sunod sunod na tanong ng matanda. Laglag balikat naman ang kausap habang nakayuko.

"Lola, kasi... kasi kilala ko sila... kilalang kilala."

"Anong kilala? Pakiayos nga yang pananalita mo."

"Ang isa po sa kanila ay ang misis ko. Siya po ang sinasabi ko sa inyong may cancer."

Nanlaki naman ang mga mata ng matandang kausap na akala mo kayang kaya niyang lumunok ng isang tao.Saka nag sign of cross.

"Diyos na mahabagin! Ang tadhana nga naman kung magtrabaho. Ay ano pang sinisilip mo diyan? Lumabas ka at yakapin mo silang lahat." Taboy nito sa kanya.

"Lola hindi ganun kadali. Teka may naisip ako." Saka sinabi sa matanda ang kung anuman ang kanyang naisip na plano. Tatango tango naman ang matanda sa sinabi ng dalaga.

Dumating ang oras ng panggagamot. Lahat tapos na rin kumain ng baon nilang sandwiches and snacks. Tuwang tuwa sila habang nagpapahinga. Malamig ang simoy ng hangin, yun nga lang nag eenjoy ang mga mosquito. Spray dito spray doon. Napapaubo na ang ila sa kanila dahil halos ipaligo na ni Charm and Nikki ang baon na sprayer panlaban sa lamok.

Lumabas na si Lola bitbit ang kanyang mga gagamitin. She explained to them the procedure. Tatango tango naman silang lahat.

(A/N this is what Lola Luningning is trying to tell them. ~ the trick is to dance the macarena with much gusto in the center of a circle formed by your relatives and close friends, who should be clapping relentlessly as you perform. this must be done on any sunday night when there is a full moon. as you gyrate your hips wildly you must also be singing falsetto the macarena song at the top of your voice.

at the end of the routine you need to execute a flawless double-axel jump with a perfect landing while whistling the dixie tune, after which you need to curtsy four times. this exercise is guaranteed to not only neutralize the spell, it will even reverse it such that the evildoer who placed the hex will develop temporary loss of hearing and a severe toothache for at least two days.)

At dahil kailangan ng macarena song, naghagilap sila sa kanilang mga cellphone. Tadaaaa!!! Perfect! Meron silang Macarena song. They asked Trixie to practice that double-axel jump, at ang sayaw nito.

"Babe ganito daw dapat." At nag jump si Courtney but lost her balance and tadaaa!!!! Nagka sprain ito. Now she's limping kaya napagsabihan ng misis. Nag alala naman ang lahat maging ang isang pares ng Mga mata na nasa likod ng acacia.

"Babe kasi eh, you don't need to over do it. Yung jump mo kanina parang ikaw ang gagamutin." Pananabon ni Trixie. Courtney just rolled her eyes. Bumalik na si Trixie sa gitna at nag papractice ng kanyang sayaw. Nakikipractice na rin si Charms at Chloe.Maging ang ina ni Alex nakikisabay na rin at nakikikimbot. Natatawa silang lahat sa kanilang ginagawa. They had no choice but to execute the procedure, otherwise the spell will be worsen and it may lead to early death of Trixie. That's what the old woman has been said to them na ikinatakot nilang lahat.

"Karen, sigurado ka na gagaling si Trixie dito?" whispered Blake na parang duda sa mga pinagsasabi ng matanda.

"Kuya magtiwala lang kayo sa kakayahan ni Lola." Pabulong na sagot nito at nag thumbs up pa. Nagsimula nang gumawa ng apoy si lola sa may kalayuan.  Gumawa din siya sa gitna kung saan sasayaw si Trixie. Dahil mano mano ang ginawa ni Lola, makapal na usok ang nabuo muna. Kaya halos maubusan na ito ng hininga sa kakaubo.

(Insert coughing sound of an old woman while walking away from the firepit.) Sa tabi ng firepit ay ang malaking puno ng acacia tree.

(A/N e.g ng firepit sa media) 

"Handa ka na ba Ineng? Kasi kabilugan na ng buwan kaya magsisimula na tayo." Hawak hawak ang may kalumaang libro at ang latin na nakasulat. Nasa gitna na ng circle si Trixie habang nakapalibot naman ang mga kasamahan nito sa kanya. She's only waiting for the old woman's signal. Tumango ang matanda senyales na magsisimula na sila ng nasabing orasyon. Nagsimula na ang Macarena song. Nagsimula na rin itong sumayaw. At first medyo hesitant pa siya sa kanyang pinaggagawa ngunit ng maalalang kailangan maperfect niya ang lahat, she gave all her best. At dahil magaling ito sa sayawan talong talo ang ibang kabataan, who would have thought that she's a mother of three? Aba, ang galing ng kimbot.

When I dance they call me Macarena

And the boys they say que soy buena

They all want me, they can't have me

So they all come and dance beside me

Move with me, chat with me

And if I could I'd take you home with me

Dale a tu cuerpo alegria Macarena

Que tu cuerpo es pa' darle alegria y cosa buena

Dale a tu cuerpo alegria, Macarena

Heeeeey Macarena

AAAhAA!

Halos mapunit naman ang bibig ng isang pares ng mga mata habang nakakubli sa likod ng acacia. She loves watching her wife danced gracefully inside the circle while the rest were clapping at her as she performs. Alexandra bit her lower lip dahil sa kanyang nasasaksihan. Gustong gusto na niyang sugurin ang asawang bigay todo sa pagsayaw.

Now don't you worry about my boyfriend

The boy who's name is Vitorino

I don't want him, couldn't stand him

He was no good so I

Now come on, what was I suppose to do

He was out of town and his two friends were so fine

Dale a tu cuerpo alegria Macarena

Que tu cuerpo es pa' darle alegria y cosa buena

Dale a tu cuerpo alegria, Macarena

Heeeeey Macarena

AAAhAA!

After niyang kumanta she then executed a flawless double-axel jump while whistling the dixie tune. She even landed perfectly kaya pinalakpakan siya ng lahat.Then she did the curtsy for four times. Napapangiti naman sa kanya ang matandang manggagamot. Pagkatapos lumapit ito sa kanyang ginawang firepit at muling nagdasal habang naiwan ang lahat na nakamasid lang sa kanyang pinag gagawa. Dahil napagod si Trixie sa kanyang performance, naupo ito sa may bench close to where the acacia tree is. Palingon lingon ito dahil she felt something like someone is watching her. Nakaramdam ito ng takot kaya lumipat ito ng pwesto at umupo kung saan nakaupo ang karamihan. Patuloy naman sa kanyang orasyon ang matanda. Nang makatapos sa kanyang ginagawa, hinarap nito ang dalaga.

"Malakas ang bisa ng kulam na ginamit sayo. Pero ang pinakasadya nito ay ang unti unti kang pahirapan hanggang sa sumuko ka. Sa ngayon, wala na ang bisa nun. Malakas ang iyong pananalig sa iyong puso at sa mga taong nakapaligid sayo. Iha, maraming dahilan kung bakit kailangan mo pang manatili sa mundong ito. Maniwala ka, magtatagal ka pa at magkaron ng wagas na kaligayahan kasama ng taong pinakamamahal mo." Lahat ng sinabi ng matanda narinig ng lahat. May laman ang kanyang sinasabi na maging si Trixie man ay nahihiwagaan. Nanatili lang itong nakatitig sa nakangiting matanda. Sandaling nagpaalam ang nasabing manggagamot sa lahat at pumasok sa loob ng bahay. Naiwan namang palaisipan sa lahat ang kanyang mga sinabi.

"What is she trying to tell you anak?" asked mommy Belle. Trixie blinked her eyes twice and said...

"I have no clue ma. Pero may gusto siyang ipahiwatig. Kung anuman yun, gusto kong alamin."

"Babe, bakit sinabi niya na magkaroon ka ng wagas na kaligayahan kasama ng taong pinakamamahal mo? We all know here that it was my bitchy beasty ang super love mo. Eh nasa 7 ft below the ground na iyon eh. Ano na lang kaya ang naiwan sa besty ko?" Kunot noong turan ni Courtney na sinang ayunan naman ng lahat. Pero nakatikim naman ng batok mula kay Charms na pinandelatan niya naman. Tanging buntong hininga lang ang isinagot ni Trixie sa lahat habang nakatanaw sa pintuan ng bahay.

"Kanina pa ako actually kinakabahan. Parang may something na mangyayari. I don't know but I felt something unusual since we left the house. Then kanina diyan sa may bench na iyan, I was sitting there alone, ewan parang may mga matang nakatingin." Si Trixie. The rest of them felt scared. Kaya nagpalinga linga sa paligid. Mas lalo silang natakot when the dog barked behind the bushes at napaalolong.  Napayakap naman ang ilan sa kanila sa kani-kanilang mga partners.

"Nanaykopooooo!!!" sambit ni Karen sabay lapit kay Trixie. Inakbayan naman ito ni Trixie.

"Shhhh... wag kang matakot okay. Madami tayo dito oh." She then nodded pero hindi inaalis ang mga mata sa madilim na bahagi ng kakahuyan.

Sa loob ng bahay ng matanda

"Nakahanda ka na ba sa iyong gagawin? Hay naku na bata ka. Pwede ka namang sumulpot na lamang doon. O di kaya buhatin mo si phukiemo(snake) at isama mon a din si Lady gaga(dog)."

"Lola, handang handa na po ako." Nakangiti nitong sagot.

"O siya, maiwan na kita at baka magtataka pa ang mga iyon dahil natagalan ako. Mga ilang araw lang gagaling na ang misis mo. Binalikan ang taong may gawa nito. Ang karma nga naman kung magtrabaho walang pinipiling lugar. Hihintayin ka namin sa labas Ineng. Magpakita ka na. Huwag mo nang pahirapan pa ang iyong saloobin maging ang damdamin ng iyong asawa at mga mahal sa buhay. Panahon na upang maging masaya ka at ipagpatuloy ang panibagong buhay na ibinigay sa inyo ng nasa itaas. Nawa'y magsilbing aral ito para sa lahat. Na walang maidudulot na maganda ang magtanim ng galit sa kapwa." Saka tinanguan ang nasabing dalaga at iniwan ito upang kausapin ang mga taong naghihintay sa kanya sa labas.

Pagdating sa labas, nakipagkwentuhan na ito sa mga panauhin ng biglang lumakas ang usok. It produced a very thick smoke na halos di makita ang puno ng acacia. Lahat naka focus lamang sa nasabing firepit ng biglang may dumaan na babaeng nakaputi at nagkubli sa puno ng acacia.

"Sh1ttttt!!!!!" screamed by Nikki. Sabay takip sa bibig nito. Napayakap na rin si Courtney sa misis. Makikita moa ng lahat na nakayakap sa kanilang mga partners while Trixie remained in her position. Halos ayaw na niyang kumurap.

"Babbyyyy, to-totoo ba yung na-nakita natin?" nanginginig na tanong ni Megan sa asawang si Charms.

"I don't know babyko. Kahit ako, It was my first time seeing a white lady." She whispered to her wife Megan.

"A-Anak, o-o-kay ka lang ba?"pabulong din ang tanong ni Mommy Belle sa manugang na tango lang ang sagot nito sa kanya.

Makalipas ang ilang segundo, tumikhim ang matandang babae at nagsabi.

"Ang dami pa talagang pakulo." Wika nito. Her voice is way enough para marinig ng taong nasa likod ng acacia. Napatingin naman sa kanya ang lahat. Lola Luningning just smiled at them and shook her head. Nagsimula na naman silang magkwentuhan ng biglang parang may nagsalita. Nagkatinginan silang lahat at natahimik sandali. Meron na naman silang narinig na mga kaluskos sa paligid. This time napayakap na si Trixie sa byenan at kumapit sa braso ni Karen when she heard a very familiar voice.

"Babyyyyy..." voice coming from acacia tree.

Napatingin si Trixie sa kanilang lahat. Her heart beats so fast. Hindi takot ang kanyang nararamdaman kundi pananabik na makita ang taong nagmamay-ari ng nasabing boses. Her mother in law is now shaking kaya she checked on her.

"Ma, are you okay po?"

"A-atakehin na yata ako sa puso anak. For my whole existence, ngayon lang ako nakakita ng ganung bagay. Diyos ko!! Nanayo ang balahibo ko. Ba-bakit boses ni Alex ang naririnig ko?" nasa ganung pag-uusap sila ng may nagsalita ulit.

"Babbyyy,baby come closer please..." nanlaki ang mga mata ni Trixie na napapatingin sa ina at sa pinagmulan ng boses. She covered her mouth and tried so hard to control her emotions. This time mas lalong clear ang boses. Kilalang kilala niya ang boses nito lalo na kapag naglalambing. But she was betrayed by her own feelings. Tears fall from her eyes. Parang gripo na patuloy lang sa pagpatak. Napahikbi na ito kaya dinaluhan na ito ng inang si Mommy Belle. Naawa naman ang lahat sa kanya lalong lalo na si Courtney.

"Hoy babae! Kung matapang ka sige lumabas ka diyan sa pinagtataguan mo!! Hindi yung daanin mo kami sa pananakot mo!! I dare you bitchy babe! Show yourself now!!!" nanggigigil na sigaw ni Courtney.

Naging tahimik ang buong magdamag at tanging ingay ng palaka at some wild animals ang tanging maririnig habang hinihintay ang paglabas ng nasabing boses. Lahat sila naghihintay kung lalabas nga sa kanyang pinagtataguan ang nagmamay-ari ng boses. Maya maya lang...

Isang bulto ng katawan ang maaninag ang nakatayo sa gilid ng puno. Nakasuot ng putting damit ngunit hindi masyadong makita ang mukha dahil sa makapal na usok na nagmumula sa firepit. You can hear them gasping while staring at the human figure. Nanatili lang itong nakatayo habang ang tanging suot nito ang makikitang gumagalaw dulot ng hangin. Hindi nagtagal naglakad ito ng ilang hakbang at ganun na lamang ang kanilang pagkagulat ng mapagsino ang taong nakatayo sa kanilang harapan.

It was indeed their very own ALEXANDRA!!!

ALEX POV

"AAAhhhhhh!!!! Si Ate Alexxxx!!!!" sigaw ni Karen sabay akap sa kung kanino man ang malapitan nito. Lahat sila napaatras ng makita ako. Mukha ba talaga akong multo? Sabagay, ito kasing suot ko para talaga akong white lady. Naku sana buhay pa talaga ang may-ari nito. Ayoko pa sanang magpakita pero what's the point. Ayoko nang pahirapan ang pamilya ko and besides sobrang miss na miss ko na silang lahat. This time I was looking at my wife and she's absolutely in shocked. Risen from the dead lang kasi ang peg ko. Pasimple kong inamoy ang sarili ko. Hmmmm, mabango pa rin naman ako ah. I mean amoy usok pala ako. Tama na nga. Kakausapin ko muna si wifey ko.

"Hey baby don't you miss me?" I asked her. Nakatitig lang siya sa akin. Yeah I know ang ganda ko pa rin. Psshhh!!

"Because you know what, I miss you every seconds. You're always in my thoughts. Araw man o gabi hindi ka kahit kilan nawala sa isipan ko. Wala akong ibang hinangad kundi ang muli kang makasama. Babyyyy..." at this point napaiyak na ako. Naiyak ako dahil hindi ko akalain na muli akong mabigyan ng pagkakataon na makasamang muli ang mga taong naging bahagi ng aking paglalakbay. Mga taong nagtiwala sa akin at gumabay.

"Come give your other half a warm hug. Baby ang lamig kasi. And I miss being in your arms. Pakiramdam ko kasi I am safe sa piling mo." Patuloy lang ang pagluha ko. Nakita ko din na umiiyak ang asawa ko. Well maybe naisip niyang ghost talaga ako kaya hindi siya lumalapit sa akin o hindi na niya ako mahal? Hindi na ba niya ako mahal???

"Baby, I am alive. Huhuhu. And I am so sorry kung hindi ako nagising kaagad."nanlaki ang mga mata ng mga nakarinig sa sinabi ko. Maging ang misis ko nagulat din. Nakita ko din na umiiyak na silang lahat pero yun nga wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Kahit ang baby ko naging speechless na rin. Yumuko ako ng wala akong makuhang salita mula sa kanya. I turned around and I was about to walk away when she called my name.

"Alexx huhuhu...babyyyyy..." narinig ko ang kanyang paghikbi. Para namang sinaksak ang puso ko ng marinig ko ang asawa kong umiiyak.

"(sobs) Are you going to leave me again???" sunod sunod nang nagsipatakan ang kanyang mga luha. No way na iiwan ko siyang muli. NEVER!!! Kaya hindi na ako nag aksaya pa ng segundo, inilang hakbang ko ang kanyang kinatatayuan at inakap ang misis ko ng ubod ng higpit na para bang wala ng bukas. Na kahit sino hindi na kami pwedeng paghiwalayin pang muli.

Kapwa na kami umiiyak habang nasa bisig ng isa't isa. Habang masayang nakamasid ang mga kaibigan namin at ang mommy ko. Lahat ng mga naroon kapwa napapaluha hindi dahil sa nakikitang kalungkutan kundi kasiyahan na sa huling pagkakataon nabigyan kami ng panibagong buhay. Buhay na siyang iingatan namin hanggang sa mawala na kami sa mundo ng tuluyan. Buong gabi wala akong ginawa kundi ang magkwento sa kanila ng buong pangyayari. Pati si Lola Luningning nalagay din sa hotseat. Ang maliit na tahanan napuno ng halakhakan, biruan at asaran. Lahat kami nanabik sa panibagong buhay na aming tatahakin. Sobrang saya na makasama ko silang lahat muli. At higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa panginoon dahil binigyan niya kami ng pagkakataon na maging masaya, bigyang halaga at gawing makabuluhan ang buhay na muli niyang pinahiram sa amin. Malamang wala na itong kasunod pa dahil hindi naman kami kagaya ng pusa na may siyam na buhay. Dahil sa pangyayari na ito marami akong natutunan. "Life is really simple but we insist on making it complicated...The most important thing is to enjoy our life---be happy... its all that matters."

Kinabukasan nag iisip na kami kung paano sabihin sa mga bata ang tungkol sa akin. Syempre matatakot ang mga iyon at magtataka. Wait, nakalimutan kong sabihin. Natulog nga pala kaming lahat sa labas kasi itong mga asungot na ito kompleto sa gadgets  kapag camping ang pag uusapan. Kanya kanya  kami ng put up ng tent at ang nangyari, nagkaroon ng biglaang honeymoon. Sorryy hindi ko pwede sabihin kaya ssshhhhhh na lang kayo. Basta nakabuo kami ng gabing yun. Lols!!!

Ang saya saya ng buong magdamag namin. Nagpaalam na ako kay Lola dahil sabik na akong makapiling ang mga anak ko. Nakakalungkot lang na iiwan ko siya agad pero nangako naman ako na dadalaw dalaw na lang ako at this time kasama na ang buong angkan ko. Ayaw niya naman iwan ang kanyang mga pananim. Ayaw niyang iwan si Lady gaga, phukiemo at si bruno.

Gabi na ng marating ng grupo ang bahay. Dahil pare parehong walang mga tulog, halos wala na silang mga lakas pang magsikilos. Nang marinig ng mga bata ang pagdating ng sasakyan, masaya ang mga itong nagsitakbuhan papalabas. Tama naman na maliwanag ang gabi dahil sa sinag na dala ng buwan. Hindi nila napansin ang taong nasa likuran ni Trixie. Masayang tumatakbo ang bunsong si Brooke papunta sa ina sanang si Trixie ng may makita itong familiar na tao sa likod ng ina. Kaya napatigil ito sandali at nanatiling nakatitig sa bulto ng katawan. Bigla din dumating ang naghahabulang sina Blaine at Kirsten, kasama ang mga anak ni Charms. Hila hila din ni Xandre ang anak na lalaki nina Courtney kasama ang mga kaibigan niya ng mapahinto din ito.

Nagkatinginan ang magkapatid. Sila na lang ang naiwan sa gitna dahil nagsipuntahan na ang mga kalaro sa kani-kanilang mga magulang. Nagkatinginan din sina Alex at Trixie. Dahan dahan namang nagtago sa likod ni Xandre ang bunsong si Brooke ngunit paminsan minsang sinisilip ang nakangiting si Alex.  Then they slowly walked closer to where their parents are waiting.

Napaluhod si Alex para makapantay ang mga anak. She's in tears. Brooke and Kirs touched her face in slowmotion dahil natatakot ang mga ito sa kanya dahil sa inakalang multo ang kanilang nakikita. But when they saw their Mom in tears doon nila napatunayan na buhay nga ito. Kaya hindi na nagpatumpik tumpik pa si Alex, kaagad na inakap ang tatlong mga anak. Kanya kanyang punas naman ng mga mata ang mga nasa paligid dahil sa nakikitang tanawin. Nakisali na rin si Trixie sa yakapan ng kanyang pamilya.Halos hindi naman mapaghiwalay si Alex at ang mga anak ng araw na iyon. Madaming katanungan ang ipinukol sa kanya ng kanyang tatlong anghel. Pagkatapos ng madamdaming revelations, binuhos nila ang kanilang mga huling sandali sa paglilibot sa nasabing lugar, they visited so many tourist spot.

Pagkabalik nila ng Maynila, nilakad kaagad ni Alex ang taong nakalibing. Pina autopsy at pina DNA. Makalipas ang ilang buwan, nakatanggap si Alex ng balita na ang taong nakalibing ay ang taong nakausap niya noong araw na nag walk out ito dahil sa masamang balita. Gayunpaman, wala na rin silang magagawa kundi ipaalam sa pamilya ang kanyang sinapit. Gaya ng pangako ni Alex sa kanyang Lola Luningning, bumalik ang buong mag anak sa lugar kung saan ito pansamantalang tumira at namuhay ng simple. Ngunit makalipas lang ang ilang linggo, pumanaw na ito. Sinagot lahat ni Alex ang gastusin para sa pagpapalibing sa matanda. At nagbigay ng kunting halaga para sa mga kamag anakan ng matandang nag aruga sa kanya noong ito ay nasa bingit ng kamatayan.

******************************

Lumipas ang maraming taon sa buhay ng mag asawang Alex at Trixie, naging tahimik at walang kasing saya ang kanilang pagsasama. Nagkaron ng mabubuting mga anak. Kapit bisig  sila sa pag gabay at pagpapalaki sa kanilang apat na supling. Tama kayo sa inyong narinig, ginapang si Alex. This time si Trixie na ang may gusto na magkaron ng isa pang anak. Tuwang tuwa naman ako este si Alexandra ng pumayag na si Trixie na magkaron ng panibagong baby. Alex wanted a boy but they were blessed with a beautiful and healthy babygirl and they named her as Hershey Rae Rogers.

Mabuti naman that time na available pa ang dating donor nila with Brooke kaya nagpursige si Alex na the same donor lang ang kanilang kukunin. Alex even agreed to bear the fourth child. Lambingin ba naman ng bonggang bongga ng asawang si Trixie. Kasama na doon ang lambingan sa gabi na gustong gusto ng inyong lingkod este ni Alexandra. After nine months of pregnancy, Alex delivered a beautiful baby girl. Tuwang tuwa naman ito dahil for the first time, naging ina ito. She was in tears when she saw and held her new born baby. Lahat sila excited sa pagdating ng bagong kasapi ng pamilya. Sa ngayon, wala nang mahihiling pa ang mag asawa. Xandre is now the CEO of RTC. Bilang panganay at nag iisang lalaki, siya ang naatasang magpatuloy ng kanilang family company. Ang mga babae may kanya kanya ng propesyon sa buhay.



PRINCETON UNIVERSITY NEW JERSEY USA

Tumulak patungong USA ang buong mag anak upang dumalo sa pagtatapos ni Kirsten. Masayang masaya at proud na proud ang mag asawa dahil sa na kamit na tagumpay ng kanilang pangalawang anak. She graduated with flying colours at di mabilang bilang na mga awards. Pinili ni Kirsten na dito mag aral dahil dito rin nag aaral ang nag iisang anak nina Blake at Chloe si Blaine na naging bestfriend ni Kirsten mas bata lang ito ng ilang taon sa kanya. Ito kasi ang tanging hiling ni Blaine sa mga magulang ang makapag aral sa ibang bansa at sa Princeton university at dahil gusto rin makasama ang bestfriend na si Kirsten.

They were now in a fancy restaurant to celebrate Kirsten's graduation. Kumpleto ang mag anak. Masayang masaya ang bawat isa. Very close sa isa't isa. Ganun sila pinalaki ng dalawang mommies. Hindi naman ito naging problema sa kanila being raised by two women. Tanggap na nila ang lahat. Katunayan nga sumunod sa yapak ng parents ang kanilang bunso na si Hershey. Inlove with an alien. Nasa mahabang table na sila ng magsalita ang inang si Trixie na may papunas punas pa ng luha. (Arte talaga, walk out queen din kapag tinopak)

"Baby, congratulations! My goshhhh!!! anak.... you made us so very proud..." Ang naluluhang wika ng inang si Trixie. Habang yakap yakap ang kanyang pangalawang babae."Eherm anak, huwag ka munang mag asawa ha. You know mommy is not ready to become a Lola." She pouted. Natawa naman ang lahat sa kanilang ina.

"Mom, I just graduated." She was laughing to what her mom is saying.

"And please mommy I'm no longer a baby kaya. Besides puro babies na ang makakaharap ko palagi. Hahaha! Dapat si Kuya ang sinasabihan niyo niyan Ma. Kuya, Blaine is really pretty now. Just to let you know." She winked at her brother at naki high five sa dalawang kapatid. Tatawa tawa lamang ang kanilang mommies. Xandre just smiled at his sister and shook his head.

"Mommy, nagiging OA na po kayo." Sabad naman ni Brooke. "Ate congratulations. Wow, such a genius. Hehehe." Nakangiting turan ni Brooke. A famous model and fashion designer based in New York. She followed her Mom Alex footstep. Dito na rin siya nag-aaral.

"Naku mahal mahiya ka sa mga anak natin." Sinimangutan naman ito ni Trixie. "At saka mahal, hayaan mong mag asawa na iyang isang dalaga natin. Ayaw mo bang maka laro ang mga future grand kids natin? Kaya iha bigyan mo kami ng madaming apo. Kaya lang bakit wala ka pang pinapakilala sa amin na boyfriend? Hmmm, Don't be so secretive anak ah. At saka kapag may boyfriend ka na pakitanong mo kung kaya kang bigyan ng limang anak." Sabay halakhak. Hinampas naman ito ng misis.

"Ma!!! Wala pa sa isip ko ang mag boyfriend kaya. Si Kuya muna oh. Siya muna ang magbibigay sa inyo ng apo." Reklamo ni Kirs.

"Kirs congrats. Job well done. But mommy ganda Kirs just graduated, and wala din siyang pinapakilala pa sa atin. Ayoko naman magkaron ng brother in law na hinila niya lang sa kalye. Gusto ko galing sa matinong pamilya ang magiging boyfriend niya." Si Xandre. Siya na ngayon ang CEO ng RTC. Hinahangaan ng mga kababaihan dahil sa taglay na kagwapuhan. Kinikilig ang mga employees nito kapag makita na itong naglalakad sa lobby. "And hey, Blaine is like a sister to me Kirs. Ikaw talaga. Actually, im not yet ready to settle down. Our company needs me. Kung paano ito iningatan nila mommy ganun din ang gagawin kong pag iingat. Ako ang panganay and the only son here, I am here to protect all my love ones especially the women right in front of me. Because you guys are my strength and my wealth." Madamdaming pahayag ni Xandre. "Kaya kayong tatlo ha, wala munang mag-asawa hanggat hindi pa ako nakapag asawa." Nakangiti nitong pahayag na may kasamang pagbabanta.

"Kuya kilan kaya mangyayari yun? Ang suplado mo sa mga employees mo halos hindi ka daw ngumingiti. Hehehe. Peace Kuya." Pang aasar naman ng kanilang bunsong si Hershey. Bigla itong natahimik ng bigyan ito ng nakakamatay na tingin ni Xandre.

" No more allowance." Tipid na sambit ng Kuya nito. Umingos naman si Hershey.

"Mommyyyy si Kuya oh." Turo sa kapatid na lalaki. To the rescue naman ang two sisters nito.

"Sige baby girl sagot ko ang allowance mo. Basta kwento ka if may dinedeyt si Kuya ha." Si Brooke.

"Dagdagan ko allowance mo baby." Si Kirsten sabay kindat sa bunso.

"Ughhh!! Ang mean niyo sa Kuya niyo haa." Tampu-tampuhang wika ni Xandre sa kanyang mga kapatid. Tumayo naman ang tatlong babae at inakap ang kanilang Kuya Xandre. At dahil natutuwang tingnan ng mag asawa ang kanilang apat na mga anak nakisali na din ang mga ito. Kaya ang nangyari nag group hug silang lahat. Napapatingin din sa kanilang ang mga nasa kabilang table at the same time natutuwa sa kanilang pagiging close sa bawat isa.

*******

Nasa labas ng bahay ang mag asawa kasama ang mga makukulit na tsikiting at tahimik na nakikinig sa kwento ng dalawang grannies.

"Ang kwento sa akin ng Lola Luningning, she found me on the grassy side of the road lifeless. Nakalagpas na daw sila pero pinabalik niya ang driver ng trysikel dahil sigurado daw siyang tao ang kanyang nakita. Pagkababa nila nakita nila akong naka dapa sa lupa at duguan. Natakot sila dahil inakalang patay na ako. Pero nang mahawakan niya ang aking pulsuhan doon niya napansin ang mahinang pagpintig nito. Kaya dali dali nila akong isinakay sa trysikel at dinala sa kanilang lugar. Madaling araw na daw iyon at siya ay papauwi na galing sa pagpapagamot din.

Makalipas daw ang ilang araw na walang kapaguran niya akong inalagaan, nagising ako at nagtataka dahil hindi ko alam kung saang lugar ba ako naroon. Pilit niya akong pinakwento pero wala akong maalala. Kaya alam niyo ang ginawa ng inyong Lola Luningning, lumabas ng bahay habang ako naiwan sa mesa at pilit iniisip ang pangyayari. Nasa matinding pag iisip ako ng siyay bumalik. Tinanong ako if I remember something pero umiling ako at ang sumunod na nangyari, hinagis niya sa akin ang malaking snake at bumagsak sa lap ko kaya I screamed and screamed."

"Eeeeiiii!!! Snake, I don't like snake." Anas ng batang babaeng idad 3.

"Granny how big the snake is?" curious na tanong ng batang lalaking idad 7. Tatawa tawa naman si Alex habang nagkukuwento sa kanyang mga apo habang nakamasid lang ang asawa nitong ngingiti ngiti habang kandong ang bagong silang na baby girl.

Magsasalita pa sana si Granny Alex ng may sumigaw at pinutol ang kanilang kwentuhan.

"Hey guys let's give grannies a break. It's time for the cake. Who wants cake?!!" It was the voice of Xandre.

"Meeee!!" screamed the little girl.

"I love chocolate cake!" the young boy exclaimed.

Kaya lumipat ang lahat sa maliit na sala ng bahay na tinitirhan ng mag asawang Alex at Trixie. Brooke and Kirsten built a house for their mommies near the lake. May kasama din silang caregivers during the day and night.

"Happy Anniversary mommy Alex and mommy Trixie!!" chorus na pagbati ng kanilang apat na anak na pareho nang mga professional together with their partners at binigyan ng halik sa pisngi ang mga ina. Tuwang tuwa naman ang mga mag-asawa na sa kabila ng kanilang idad makikita pa rin ang taglay nitong kagandahan noong kabataan pa nila.

"Happy anniversary gran!" bati ng kanilang gwapong apo na nagmana naman sa ama nitong si Xandre ngunit hindi inaalis ang mga mata sa napakasarap na cake at natatakam pa.

"Thank you mga anak at sa aming mga apo." Nakatawang wika ni Trixie sa mga anak at tatlong apo. Binalingan ang asawang kanina pa inaattack ang icing. "Mahal huwag kang matakaw blow the candle muna dahil kami nagugutom na rin."

"Bakit ako magboblow ng candle hindi naman ito birthday." Sagot ng makulit na Alex sa asawa. "Anong bakulaw pinagsasabi mo riyan?"

"Ang sabi ko matakaw! BINGI!!! O sige sabay na tayo mag blow ng cake dahil gusto ng kumain ng mga apo natin." Nagsimula na naman silang dalawa ng pagiging makulit kaya umeksina na ang mga anak na babae.

"Ma, blow na daw po!" may kalakasang sabi ni Kirsten. Tumango naman si Alex.

"Happy Happy Anniversary Mommies/ grannies!!!!" greetings ng lahat. Then Trixie and Alex blew the cake. And what a surprise there's a flying dentures as well. Pagkablow kasi ng candle ng dalawang matanda sa kasamaang palad sumama din ang denture ng Lola Alex. Kaya nagtawanan ang lahat maging ang mga bata. Then Alex gave Trixie a peck on her lips. Napatakip naman sa mata ang dalawang maliliit na ikinatawa ng magulang at mga Tita's. Then nag group hug silang lahat. Saka pinagsaluhan ang tsokolate flavour na cake.

Matapos ang kanilang masaya at delicious dessert pumunta na silang lahat sa may patio upang panoorin ang paglubog ng araw. Magkahawak kamay ang dalawang matanda habang nakaupo sa kanilang paboritong upuan-ang rocking chair.

Family life is full of major and minor crises -- the ups and downs of health, success and failure in career, marriage, and divorce -- and all kinds of characters. It is tied to places and events and histories. With all of these felt details, life etches itself into memory and personality. It's difficult to imagine anything more nourishing to the soul. For Rogers Family, you can really tell how strong their faith for each other. How they give respect to each other. Also, in their family life, love is the oil that eases friction, the cement that binds them closer together, and the music that brings harmony to their hearts.

fin...

Continuar a ler

Também vai Gostar

53.7K 1.4K 21
GxG STORY... (SHORT STORY)
12K 464 26
COMPLETED "I won't promise you anything. Just let me love you and i will show you how sincere i am." #𝒈𝒙𝒈 🏳️‍🌈🏳️‍🌈🏳️‍🌈
263K 5.1K 55
Magbestfriend ang mga magulang namin, we grew up together na pati second name pareho kayo kasi akala nila pareho kayong ''kikay". Harren Keith De Fer...