MAFIA 1: The Swag Girl (Compl...

By YourMyCookieHeart

1.2M 27.6K 821

Jakielynn Rose siya ang babaeng pa astig-astig.Troublemaker. Walang magawa sa buhay. At trip lang niyang magi... More

Prologue
TSG#1
TSG#2
TSG#3
TSG#4
TSG#4 Part 2
TSG#5
TSG#6
TSG#7
TSG#8
TSG#9
TSG#10
TSG#11
TSG#12
TSG#13
TSG#14
TSG#15
TSG#16
TSG#17
TSG#18
TSG#19
TSG#20
TSG#21
TSG#22
TSG#23
TSG#24
TSG#25
TSG#26
TSG#27
TSG#28
TSG#29
TSG#30
TSG#31
TSG#32
TSG#33
TSG#34
TSG#35
TSG#37
TSG#38
TSG#39
TSG#40
TSG#41
TSG#42
TSG#43
TSG#44
TSG#45
TSG#46
TSG#47
TSG#48
TSG#49
TSG#50
TSG#51
TSG#52
TSG#53
Last Chapter
Epilogue
Authors' Note
IMPORTANT, READ!
G R A Z I E !

TSG#36

12.1K 314 7
By YourMyCookieHeart

Chapter 36

NAKAYAKAP parin ako kay hilaw habang nakapikit ang mga mata. Pilit na inaalala kung saan ko ba narinig ang boses ng batang iyon.

Nabalik ako sa sarili ko ng mapagtanto kong nakayakap ako sa kanya.  Mabilis akong lumayo sa kanya at napatuwid ng tayo. Tangana!  Para akong tanga nito! Bakit nga ako nakayakap sa kaya?

Napaka-awkward nito.

Tumikhim ako. "uuhmm.. " tinignan ko siya ng may pagkailang. Pero napakunot-noo ako ng makita ang kaliwang braso nito.

Marahas kong inabot ang coat nito at hinubad. Napasinghap na lang ako nang makitang napakaraming dugo ang kumalat sa kaliwang braso nito pababa.

"What the?!" Bulong ko na maririnig din nya. Hahawakan ko na sana ang braso niya nang pigilan niyang akong mahawakan ang braso niya dahilan para masama ko siyang binalingan ng tingin.

"Don't, I'm fine.." anito na parang wala lang sa kanya. Sabagay immune sa siguro siya sa mga bagay na ito. Anak ng kalabaw lang!! Pero para sa akin hindi siya okay.. Paano kong mamanatay na lang siya bigla diyan tapos ako pa ang sisisihin edi nganga ako? Baliw ba itong lalakeng ito?

"Anong it's-fine-it's-fine ka diyan kung batukan kaya kita?  Tignan mo nga yang kaliwang braso mo kung makalabas ang dugo parang wala ng bukas?  Yan ba ang it's fine?" sarkastikong pagsesermon ko sa kanya.  Aba! Wag niyang lokohin ang lelang niya. "Kung gusto mong magpakamatay mag-isa ka, wag mo akong idamay sa kabaliwan mo!" ani ko.

"tss... " yun ang ang sinabi nya sa napakataas na speech ko. Lumapit siya ng ilang metro sa akin at aabutin sana ang mukha ko ng mapigilan ko siya.

"Anong ginagawa mo?" kunot-noo kong tanong sa kanya habang nakahawak sa kamay nito. Pero ang gagu tinampal ang kamay ko at nagpatuloy sa ginagawa niya.

Inilapit niya ng konti yung mukha niya sa mukha ko at pinapahiran yung dulo ang labi ko ng may bakas na dugo dahil sa pakipagbakbakan ko kanina sa kung sino mang yung bobong babae na yun na kapatid ni Em.

Bigla ko nalang naalala ang pinagsamahan namin ni Em noon. Simula pagkabata hanggang ngayon tinuring ko siyang parang kapatid kahit may pagkabaliw din ang isang iyon. Kahit na binubully ko siya minsan mahal ko parin ang bruhang iyon. Pero ang hindi ko lang matanggap ay yung hindi pagsabi sa akin na may nakakatanda siyang kapatid at pata ma-inform naman ako. Yan tuloy na-shakira ako sa nalaman ko. At doon rin sa sinabi niya tungkol sa tiwala.

"What are you thinking, Rose.?" naputol ang iniisip ko ng biglang magsalita si Drexel na ngayon ang mariin akong tinitigan habang nasa gilid ng labi ko ang hinlalaki niya. Hindi ko pala namalayan na malalim na ang iniisip ko.

Hinawi ko ang kamay niya sa mukha ko "Plano ko kung pa'no ka katayin.. " sagot ko. 

"I'm not joking here, Rose" seryosong sabi nito sa akin at mariin parin akong tinitigan. Pinantayan ko naman ang pagtitig niya sa akin.

"Hindi rin ako nagbibiro" aniko at nakacross-arms. Tinaasan ko ito ng kilay.

"tsk..." Bigla nalang niya akong hinigit at ipinagpatuloy niya ang pagpunas sa ilang sugat sa mukha dahilan para mapa-aray ako sa sakit.

"Shit! Ano ba! Dahan-dahan naman!" sabay tampal ko sa kamay niya pero hindi ito natinag. Ang tigas din ng mukha nito. Kaya ako na ang sumuko dahil hindi rin siya titigil. Tsk!

Napakalapit ng mukha niya sa akin. At hindi ko alam kung anong nangyayare sa puso ko kung bakit napabilis ng tibok nito. Parang galing ako sa marathon ng mga baliw na zombie dahil sa bilis ng tibok nito.

Napakalapit lang ng distansiya namin dahilan para mas malapitan ko pang makita ang sugat nito sa kaliwang braso. Dahil nababasa ang boung katawan nito dahilan para mas kumalat pa ang dugo nito sa puting long sleeve niya.

"Fuck!!" Daing niya nang mahawakan ko ang kaliwang braso nito. Pinukulan niya ako ng masamang tingin pero wala akong pake. Gawin kong fishball yang mata niya't makikita niya.

Aalisin ko na sana ang long sleeve nito ng bigla-bigla ulit sumabog na napakalakas na sa tansya ko malayo ito sa kinalalagyan namin pero sa lakas ng impack nito ay abot rito sa kinatatayuan namin dahilan para yumanig ang boung cruise ship. Sabay kaming napamura ni hilaw.

"Shit. We have to leave this place..."sabi niya sabay higit sa kamay ko.

Agad niyang binuksan ng marahas ang pinto gamit ang paa nito.

"Shit!" Aniya. And I gasps.

Anak ng nanay mo naman oh!

Jayson's POV


NAKAPAMEWANG ako habang hinihintay sina Jakie na makarating dito sa Upper deck. Pero ilang minuto na wala parin sila. Umaangal at natataranta na ang mga kasamahan ko rito kung nasaan na sila.


Napabaling ang tingin ko sa nagiisang tao na hindi man lang natataranta. At ang walang hiya nakapag yosi pa sa gitna ng mga taong nagp-panic. Siningkitan ko siya ng mata at nilapitan.

"Hoy!!" Sabi sabay batok sa kanya. Nailuwa niya tuloy ang yosi.

Pinukulan niya ako ng masamang tingin. "The heck?!?" Singhal niya sa akin.

Nagkibit-balikat ako. "Come on dude, alam kong nag-aalala ka...hindi sa nagy-yosi ka diyan"

"Hindi ako nagaalala..."tipid na sagot nito. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Weeh? Di nga?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya at nilibot ang paningin ko sa paligid. Papatungo sa life boat ang mga tao. Sinasalba ang mga sarili sa papalubog na barko. Mga taong ganid at uhaw sa kapangyarihan. Siguro, tama lang sa kanila ang nangyaring ito para mabawasan naman ang masasama sa mundo. Masama na kung masama, yun talaga ang gusto ko.

Nang hindi ko pa rin marinig ang sagot ni Kevin humarap ako sa kanya na ngayon ay may malalim na iniisip.

Kevin's POV

NAG-AALALA?. Hindi lang pag-aalala ang meron ako ngayon. Parang gusto kong pumatay ng tao mailigtas lang si Jakie. Pero wala akong magawa. Lumaki akong duwag. Pero ng mangyare yun 13 years ago pinangako ko sa sarili ko na magiging matapang ako at mahanap ang kapatid kong matagal ng nawawala.

Ngayong nahanap ko na siya. Tangina lang hindi ko pa rin magawang iligtas ang kapatid ko.

13 year's ago...

"Mum! Si Kevin oh!!" Galit na sigaw ni Jakie na abot hanggang kapit-bahay namin ang sigaw niya. Nagmamadali itong bumaba sa staircase.

Habang ako naman ay prenteng sumusunod sa kanya na ngiti sa labi. Ang sarap talagang pikonin ng kapatid ko.

"What is it, sweetie?" Bungad ni Mum na katabi si Dad.

"He said I'm not pretty!!" May pagmamaktol sa sumbong nito. Tumingin si Mum sa gawi ko at sinagutan ko lang siya ng kibit-balikat.

Ngumiti si mum. "Ofcoarse sweetie, you're pretty.."

"No, She's not" singit ko.

"Tignan mo! Tignan mo! Mum! Hindi daw ako maganda,  ikaw kaya pumili ng dress na ito! Tapos sasabihan noya ako na hindi maganda? Batukan ko kaya at mataohan?" Natawa naman si Mum at Dad.

"Your twin was teasing you sweetheart, Birthday na Birthday nag-aasaran pa kayo" sagot naman ni dad.

Nag pout ako pati rin si Jakie. "No!!" We said in unison. Nagkatinginan pa kami ni jakie.

"Nagpapaganda lang yan kasi may suitor siya!" Dugtong ko. Ang bata-bata pa ng kapatid ko may nangliligaw pa sa kanya. Kung makikita ko lang kung sino yun humanda siya sa sakin. But I'm not brave enough like my sister.

Nanlaking mata niya akong tinitigan at binalingan ng tingin ang mga magulang namin na ngayon ay nanlaki rin ang mga mata. What like I expected.

"No! That's not true! Drexel just my friend!" Pagpapaliwanag nito. Tinitigan lang siya nila mum habang napapailing.

Nang makarating na kami sa venue kung saan ihe-held ang birthday party namin ay namangha agad ang katabi ko sa nakikita sa paligid. It was green and blue motif. Green for my sister and blue for me. Dapat bukas pa isi-celebrate ang kaarawan ko pero isinabay nalang nila mum.

Yeah, We're twins but in different bornday. It's kinda wierd but thats the truth I don't know what's that called.

Hindi naman nagtagal ay nagsimula narin ang kasiyahan. I'm not into this but pinipilit ko para sa kapatid ko kahit ang sikip na nitong sout kong costume na superman yung nasa harap ang brief niya. tsk. Pinagtatawanan pa naman ako ni Jakie nito. Kapag hindi ko sinout ito ay babatukan niya ako.

Ang kaninang kasiyahan ngayon ay napalitan na ng iyakan at pagsabog. Napakaingay. May mga taong naka itim na pinagbabaril ang mga bisita.

Kinakabahan at natatakot sa mangyare. Isa lang ang kinakakatakot ko. Inilibot ko ang paningin ko sa boung paligid at hinahanap ang nagiisang tao.

Napahinto ako sa paghahanap ng makita ko siya sa hindi kalayuan. Parang may hinahanap rin siya. Kahit malayo ako sa pwesto niya kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot. Tumitingkad na mata dahil sa mga luhang patuloy na umaagos.

Lalapitan ko na sana siya ng mapahinto ako sa pwesto ko at manigas. Sa likod nito may lalakeng nakaitim parehas sa mga taong nandito. Bigla nalang siyang tinakpan ng kung anong tela sa buong mukha nito. At bigla nalang siyang dinala sa kung saan.

Hindi ko alam kung anung nangyare sa akin gusto kong isigaw ang pangalan niya pero hindi ko magawa. All I know is...na dapat ay sigaw ay bulong na lamang...

"J-jakie..."

Nabalik ako sa realidad ng sumabog ulit ang pangalawa sa panghuling bomba na ginawa ko. Malakas ito na nakakapagpayanig sa boung cruise ship. Fuck this!! Kailangan na naming makaalis dito.

"You have to leave that place, now!" Sigaw ni Jun mula sa earpiece. "5 munites!" Dugtong niya.

"5 minutes...." ulit ko dahilan para mapatngin sila gawi ko. Seryoso ko silang tinitigan. Itinapon ko ang sigarilyo sa may paanan ko at tinapakan ito. "Let's go..." sabi ko habang tumatalikod.

"Pero paano sila Jakie?!." Tanong sa akin ni Nanami na may pag-aalala sa boses nito.

Napabuntong hininga ako at napatigil sa paglalakad. "Matalino ni Drexel, at may tiwala ako sa kanya" Makahulugang ani ko habang hindi tumitingin sa kaya.

Dapat lang. Kung may mangyarring masama kay Jakie pupugutan ko siya ng ulo. May limang minuto sila para makalabas at inaasahan kong mailigtas ni Drexel si Jakie na hindi ko magawa noon.

Jakie's POV

Paglabas pa lang namin ay malakas na apoy agad ang bumugad sa amin. Boung paligid ay tinutupok na ng apoy. Ni kahit ang sprinkler hindi na mapakikinabangan.


Mabilis kong tinakpan ang ilong ant bibig ko gamit ang siko para hindi ko malanghap ang usok. Ganun din si hilaw. Lumilinga-linga ako, naghahanap ng madadaan na hindi pa natutupok ng apoy. Pero ni kahit konti wala man lang akong makita.

"We don't have any choices..." napabaling ako ng tingin kay hilaw at napakunot-noo. Seryoso niya akong pinatiyigan. Mas humigpit ang hawak ng kamay niya sa akin dahilan para mapatingin ako rito.

Napahigit ako ng hininga ng bigla ulit niya akong hinigit papasok ulit sa kwartong pinasukan namin kanina. Ano bang gagawin niya rito?

Nagpalinga-linga siya na parang may hinahanap. "Ano bang gagawin mo rito at pumason ulit tayo rito? Magpapakamatay? Hoy! Wag mo kong idamay sa kabaliwan ng utak mo!" Singhal ko sa kanya habang siya naman ay busy sa kung anung gingawa. Baliw ba ito? Kailangan ko na bang umalis dahil may kasama akong baliw pa sa mga baliw?

Sinusundan ko lang siya ng tingin habang nakakunot ang noo ko. Napahinto siya sa side table ng kama.  Inalis niya ang natumbag lampshade at walang pagdadalawang isip ay hinagis niya ang mini-table sa glasswall ng kwarto para mapahiyaw at mapayuko ako at baka matamaan ako ng bubog nito.

Ang ingay ng glass wall lang  ang natatanging ingay at ang sakit sa tenga.

Nang maramdaman ko ang lamig ng hangin ay doon na ako napatingala at mabungaran ang mga titig ni Drexel sa akin. Parang may sinasabi ito sa akin na hindi ko maintindihan. Napatingin ulit ako sa glass wall na wala na ang salamin nito at malakas na hangin tumatama sa balat ko. Napaka liwanag ng buwan at maaliwas nito tignan. Tumitingkad ito sa repleksyon ng dagat.

"We have to jump.." walang alinlahmgan sagot niya.

Nanlaking mata ko siyanh binalingan ng tingin. Kung makapagsabi ng we have to jump parang nang hihingi lang ng scratch paper sa katabi nitong kaklase. Baliw na talaga siya!! Kailanga ko na talaga syang i-recommend sa mental.

Napatingin ulit ako sa sirang glass wall at ulit kay Drexel. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa bintana at sa kanya. "Baliw ka na nga!!" Sabay turo sa kanya.

Tinitigan lang niya ako nag pagkabagot. "Kung hindi ko ito gagawin ay mamamatay tayo rito" sabi niya sabay hablot sa akin papalapit sa malaking bintana. Napakalakas ng hangin at ang lamig pa dahil sa basa ang sout ko.

Tinitigan ko ang tatalunan namin parang nalulula ako sa taas nito. Parang gusto kong masuka. Napalunok tuloy ako ng laway.

"In a count of 3...."

"Three agad? Hindi one muna bago two at three??" Singhal ko sa kanya.

"Idiot" saby batok sa akin.

"Aww! Sakit nun ha?! Kung ikaw kaya batukan ko!" Sabi ko sa kanya at pinakita ko ang kamao ko rito.

Umirap lang ito. Aba't---

"In a---"

"Teka!!" Pigil ko rito. Pinukulan naman niya ako ng masamang tingin. "Hindi ako marunong lumangoy!"

"What?!?"

"Sabi ko...hindi ako marunong lumangoy!! Gusto mo batukan kita para maintindihan mo? Paulit-ulit?" Iritado kong sabi rito.

"Tsk!" Napahilamos ito ng mukha. "Ako ang bahala sayo..." sagot niya.

"Dapat lang!! Paano kung may pating dyan tapos kakainin tayo?! Mas maganda kung ikaw lang ang lalapain nila at hindi ako...at kung mangyare man yun ikaw ang uunahin nila"

Iling lang sagot niya sa akin. "Okay...ready na ako" sabi ko habang nakatingin sa ibaba habang hinahampas ng malakas na hangin ang nakalugay ko ng buhok. "God! Ready! Ready!" Nakapikit kong sabi. Naghihintay na tumalon kami pero ilang segundo na ang lumipas pero wala pa rin ang inaasahan ko. Baka umuna na siyang tumalon at teni-testing kung may pating ba talaga?

Idinilat ko ang mata ko at makitang nakatitig lang sa akin ang matabi ko. Siningkitan ko siya. Ginagawa nito?

"Hoy! Tatalon ba tayo o nganga?" Sarkastiko kong tanong dito.

"Okay..." sabi niya "In my signal...one..."

Hindi ko na siya pinatapos ako na ang tumapos ng pagbibilang at tumalon "three!!" Humiyaw ako sa kaba na nararamdaman ko at maramdamang may yumakap sa akin ng mahigpit.

At kasabay nun ang malakas na pagsabog.

Nang bumagsak sa tubig agad kong naramdaman ang lamig at ang lalim nito. Dumilat ako dahil sa panic. Hindi ko makapa ang lupa at nawawalan na ako ng hangin. Hindi ako makahaon. Fuck! Fuck! Hindi alam kung anu ang gagawin ko.

Pero nakaramdam agad ako ng braso sa bewang ko bago ako mawalan ng malay. Nang makahaon kami sa tubig ay bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit habang naghahabol parin ako ng hangin at paubo-ubo dahil nakainom ako ng tubig alat.

"God...Rose..." ani niya habang nakayakap parin sa akin.

"Drex!" Napalingon ako sa sumigaw at makitang si Jayson iyon na nakasakay sa isang malaking yacht na may simbolong nakita ko kina hilaw ang magkadikit na A at malaking V. I assume na sa kanila ito. Lumapit ito ng konti sa amin at inabot ko ang kamay ko para ihaon sa tubig kasunod si hilaw. Agad kaming inabutan tuwalya ni Kevin at Nanami.

"Glad your safe..." sabi ni Kevin habang nakatingin sa gawi ko. Hindi ko alam kung sino ang sinabihan niya kaya hindi na ako nag-abala na sagutin ito.

Napabaling ang tingin ko kay hilaw na ngayon ay ginagamot na ni Jun ang sugat nito sa balikat at sa cruise ship na ngayon ay natutupok na ng malaking apoy.

Hindi pa lang ito ang huling mangyayari. Nararamdaman kong marami pang susunod nito at mas malaki at malala pa kesa rito.

#IamDyosa

Continue Reading

You'll Also Like

287K 17.7K 39
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
264K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
2.8M 73.7K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
172K 3.1K 42
Story about to a girl who wants to meet her fiancé using her disguise. According to her research, her fiancé is cold, bad boy, snob, and a very worka...