After 4 years
Tzuyu's POV
After 3 years, okay lang ang pamumuhay naming tatlo. Luckily, I have two angels here by my side; Tiffany Jess Jeon at si Jeffrey Tom Jeon. May Korean names rin sila, but they prefer their English names, kaysa sa Korean.
"Mommy, nasaan po si daddy?" Tanong ni Jeff sa akin.
"Oo nga, mommy. Nasaan po si daddy?" Sumali naman si Tiff sa usapan.
"Nagwowork kasi si daddy para sa atin, kaya wala siya dito. Don't worry, makikita niyo din ang daddy niyo." Ayoko mang magsinungaling sa mga anak ko, pero kailangan talaga, eh.
Though, ang masama dito, kamukhang-kamukha ni Tiffany at Jeffrey si Jungkook. Nakuha nila lahat ng features ni Jungkook, ang nakiha lang nila sa akin ay ang dimples ko. Yun lang. Saklap diba?
"Pero bakit ang tagal niya pong matapos mag-work?" Shoot. Wala akong maisasagot dito.
Hinarap ko silang dalawa, "Because he needs to do so." Sagot ko sabay ngiti.
"Mommy, pahiram po ng phone. Sasayaw po ako ng Like Ooh-Ahh, hehehe." Addicted to our song. Na-LSS siya dito, eh. Samantalang si Jeff na-adik dun sa kanta ng BTS na Run.
Inabot ko sa kanya yung phone ko, at dumiretso dun sa kusina. Nagluluto ako ng pasta para kainin nila mamaya. Matatakaw kasi ang mga angels ko, eh.
Habang busy ako sa pagluluto, hindi ko maiwasang mapangiti sa ginagawa ng mga anak ko. Matatalino rin 'to sila eh, kasi nagsuot talaga sila ng earphones para walang problema sa pagkakamix ng kanta, kahit na mali-mali yung ibang stepping cute pa rin silang tingnan. Si Tiffany sa iPhone, samantalang si Jeffrey sa iPad.
*kring kring kring*
Sa isang cellphone ko po 'yan. Yung Samsung. Tiningnan ko kung sino yung caller, si Tiffany sunbae lang pala.
"Yeoboseyo?"
[Hi, Tzu! Kumusta kayo diyan sa States?]
"Uhm, okay lang naman kami dito, sunbae. Thanks nga pala sa pinadala niyo ng SNSD sunbaes dito ng album niyo ah. Hehehe, halos walang araw na hindi sinasayaw ni Tiffany yung kanta niyo eh."
[No probs, basta sa mga inaanak ko! Anyways, just called to say 'hi'. Pakisabi na lang din na 'hello' sa kanila ah? Babye, Tzu! Lovelots!]
And sunbae ended our call. Shocked kayo, ano? Close na close ako sa SNSD, kaya nga pagmay albums sila na nirerelease, pinapadala sa amin for FREE.
*kring kring kring*
Owws, sino naman 'to? Tiningnan ko kung sino yung caller. Asus. Siya lang naman pala.
[Chooey choco, nasaan ka na?]
"Yah! Hindi ako pagkain!"
[Oo na po. Hahaha, hindi ka ba talaga uuwi dito?]
"Wala pa sa isip ko 'yan, oppa. Hehehe. Tsaka, okay lang naman kaming tatlo rito. Perfectly fine. Kakakuha lang namin ng album ng TaeTiSeo kahapon, lol."
[Aba~ may supplier pala kayo ah! Lemme guess, si Tiffany sunbae?]
"Yup! Hahaha, kumusta pala kayo diyan?"
[Okay lang naman kami dito, pero siya para ng bangag. Wasted palagi, ghad~]
"Serves that person right."
[Pero Tzuyu, let me remind you, susundan ka niya diyan. Alam na niya matagal na nasa States ka. Luckily, hindi niya alam ang address niyo] What?! Susundan niya kami rito?!
"Nagjojoke ka ba?"
[Nope. Hindi ako nagjojoke. Sige, kailangan ko ng umalis. Annyeong, Tzu!]
"Thanks for the warning, oppa! Annyeong, Taehyung oppa!"
Oh yep. Si V oppa yung kausap ko, and yes alam niyang nasa States kami. Ang BTS except kay Jungkook at yung lahat ng taga-JYP ang alam na nasa States ako.
"Mommy, who you talking to?" Tanong sa akin ni Jeff na kasalukuyang pawis na pawis.
"Oh wala lang yun." At nilagay sa bulsa yung cellphone ko. "Anyway, tara dun sa taas. Pawis na pawis kayo ni Tiff oh." Sabay gabay sa kanila dun sa stairs.
The eff. Kahit na may karapatan si Jungkook sa kanila, I won't let him see them.
*****
Kakatapos lang namin na kumain ng pasta, pero parang kulang pa sa kanila. Naku naman, ang tatakaw talaga!
"Mommy, gusto ko uminom sa Starbucks!" Isa pa, my angels are so fond with Starbucks' drinks.
"Oo nga po, mommy! Pweash~ gusto namin ni kuya, eh." Haist, how could I resist this two?
I sighed in defeat, "Oo na, oo na. Pupunta tayong Starbucks ngayon. Just let mommy get her purse okay? Hintay lang kayo dito."
Umakyat ako sa taas, atsaka pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko yung shoulder bag na nakasabit sa rack, at nilagay dun ang dalawang towel, dalawang t-shirt, pulbo at syempre yung wallet ko.
Bumaba ulit ako sa baba, at nilapitan na silang dalawa. "Let's go!"
*****
Pagdating namin dito sa Starbucks, umupo agad kami dun sa isang bakanteng table na malapit sa glass wall. They love watching cars. Hahaha.
"Mommy, we want strawberry cake and chocolate drink!" Pinaglihian ko kasi sa sweets, kaya hindi na kayo magtataka.
Napa-giggle naman ako, "Of course."
May lumapit sa amin na waitress na mukhang friendly, and she seems a half Chinese gal.
"Hello, ma'am. What would you order?" She smiled.
"2 strawberry cakes, 2 chocolate drinks and 1 frappé." I answered back.
"Okay, ma'am. Will be served for after 10 minutes." Then, umalis na siya.
Tiningnan ko ulit sina Tiff at Jeff na busy na busy sa paglalaro. Temple Run 2 ata ang nilalaro ni Tiff at Subway Surf kay Jeff. Kambal talaga, eh ano.
"Kids, wanna go to the park after this?" I asked while wiggling my eyebrows.
"YES!" I know they can't resist parks. Hahaha.
After 10 minutes dumating na ang order namin, kaya nagsimula na kaming kumain. Habang iniinom ko ang frappé ko, hindi ko maiwasang isipin na paano kung lumaki 'to sila? Paano kung palaki na palaki na sila, hahanap sila ng mahal galing sa kanilang ama? Dang.
"Mommy~ yoohoo~" Oh.
Bumalik ako sa realidad nung tinawag ako ni Jeff. "Sorry, babies. What did you say?"
"I said, we're finished eating." O.O Bilis naman!
"Okay." Kinuha ko yung wallet ko, at iniwan na lang dun yung bill. Regular customers kami, kaya alam na namin ang presyo ng mga drinks at pagkain dito. Lol.
Kinuha ko yung mga gadgets, at nilagay dun sa bag ko. Masama na at baka manakaw, hahaha.
Lumabas na kami ng Starbucks, at pumara ng taxi. Pupunta nga kami ng park.
Pumasok kami sa taxi, at sinabi kung saan kami pupunta.
"Sir, at the park please." Sabi ko.
<><><><><><><><><><>
Here's chapter 34, guys! Malapit na talaga 'tong magapos, as in! Hahaha.
Vote || Comment
-; cutiebaechu