Sa Isang Sulyap

By BangtansWife

128K 2.3K 76

Summer Song, isang boring at pag-aaral-lang-ang-buhay na babae. Isang babaeng naranasang masaktan sa kauna-un... More

IMPORTANT NOTICE!
Panimula
Unang Sulyap
Ikalawang Sulyap
Ikatlong Sulyap
Ika-apat na Sulyap
Ika-limang Sulyap
Ika-anim na Sulyap
Ika-pitong Sulyap
Ika-walong Sulyap
Ika-siyam na Sulyap
Ika-sampung Sulyap
Ika-labing Isang Sulyap
Ika-labing Dalawang Sulyap
Ika-labing Tatlong Sulyap
Ika-labing Apat na Sulyap
Ika-labing Anim na Sulyap
Ika-labing Pitong Sulyap
Ika-labing Walong Sulyap
Ika-labing Siyam na Sulyap
Ika-dalawampung Sulyap
Ika-dalawampu't Isang Sulyap
Ika-dalawampu't Dalawang Sulyap
Ika-dalawampu't Tatlong Sulyap
Ika-dalawampu't Apat na Sulyap
Ika-dalawampu't Limang Sulyap
Ika-dalawampu't Anim na Sulyap
Ika-dalawampu't Pitong Sulyap
Ika-dalawampu't Walong Sulyap
Ika-dalawampu't Siyam na Sulyap
Ika-tatlongpung Sulyap
Ika-tatlongpu't Isang Sulyap
Ika-tatlongpu't Dalawang Sulyap
Ika-tatlongpu't Tatlong Sulyap
Ika-tatlongpu't Apat na Sulyap
Ika-tatlongpu't Limang Sulyap
Ika-tatlongpu't Anim na Sulyap
Ika-tatlongpu't Pitong Sulyap
Ika-tatlongpu't Walong Sulyap
Ika-tatlongpu't Siyam na Sulyap
Ika-apatnapung Sulyap
Ika-apatnapu't Isang Sulyap
Ika-apatnapu't Dalawang Sulyap
Ika-apatnapu't Tatlong Sulyap
Ika-apatnapu't Apat na Sulyap
Huling Sulyap
Wakas

Ika-labing Limang Sulyap

2.1K 40 2
By BangtansWife

Ika-labing Limang Sulyap

"What the hell do you want?!" rinig kong sigaw ni Kuya Cabi sa baba. Naalimpungatan ako dala na rin ng ingay. Tumingin ako sa alarm clock na nasa bedside table ko. It's almost seven in the morning. And yeah, mukhang male-late pa ko sa klase.

"I told you not to come near her!" isa pang dumadagundong na pagsigaw yung narinig ko mula sa baba. Umupo ako sa kama ko dahilan ng paglilis ng kumot ko. Ibiniling-biling ko pa yung leeg ko para lang tumunog 'yon saka ako uminat.

What's happening now? I mean, now what? Sino na namang kaaway niya at ang aga-aga nagwawala siya na parang dragon? Kulang na lang siguro magbuga siya ng apoy sa taong kausap niya. Tumayo ako saka ako dumiretso sa baba. Naabutan kong may kausap sa telepono ang magaling kong kapatid.

"Do you even know what time it is?" tanong ko pa sa kanya. He suddenly stopped. Matagal niya kong tinitigan na akala mo kriminal na nahuli sa akto.

"Hello? What are you looking at? Para kang timang. It's too early for you to be a monster. Pati ba naman umaga hindi mo kayang palagpasin? Oh God." Sabi ko sabay irap at iiling-iling na naglakad na paalis. If I stayed baka wala rin akong mapapala.

"Good morning, 'nang!" bati ko sa maid namin na siyang nagsisilibi ring cook namin dito sa bahay. Nginitian niya naman ako't pinagsalin agad ng gatas sa baso nang makaupo ako.

"What's with Kuya Cabi? Kanina pa ba siya ganyan?" unang tanong ko sa kanya while I'm putting the bacon on my plate.

"Hay nako Young Mistress. Halos kabibigay ko lang kasi ng telepono sa kanya. Ipinasa ko sa kanya kasi bigla niyang kinuha sa akin. Ang sabi ko hinahanap ka nung taong 'yon at hindi siya. Pero nagpumilit talaga siyang siya na yung kakausap." Nagsalubong yung mga kilay ko. Who could be looking for me? At bakit ang aga yata? Si Paulo? Well, hindi naman siguro magre-react ng ganon si Kuya Cabi if that's Paulo.

Maybe Jennifer? And I think hindi rin siya because ang rare nila mag-usap like nagu-usap lang yata sila when I'm not around. Kasi alam kong doon nangunguha ng timing si Jennifer para magsumbong kay Kuya Cabi.

"E sino raw po ba 'nang?"

"Hindi ko alam hindi naman sinabi sa'kin yung pangalan. Lalaki yung boses." Sabi pa niya nang nakakunot ang noo at mukha napapaisip. Saka na lang siya bumaling sa akin nang magpatuloy siya sa sasabihin niya.

"Osiya sige, babalik na ko sa kusina at ang dami ko pang kailangang ihanda." Tumangu-tango pa ko sa kanya bago nagpasalamat. Saglit ko lang na tinapos yung pagkain ko. Dahil sa hindi na ko makapagpigil na puntahan si Kuya Cabi, dinala ko na lang yung gatas na iniinom ko hanggang sa makarating ako ulit sa living room.

Prente naman na siyang nakaupo ngayon. Pero hindi nawawala sa mukha niya yung simangot habang nakatingin siya sa Rubik's cube na nasa kamay niya.

"Kuya." Tawag ko sa kanya sabay inom sa gatas ko. Tinitigan niya naman ako na salubong ang kilay. Halatang walang manners ang isang 'to talaga. He can't even smile at this very morning. Kaya nga nagtataka ako kung bakit gwapo pa rin siya kahit na always na lang nakasimangot sa umaga.

"O?" sagot niya pa sa'kin.

"Ah, May tumawag ba sa'kin? May hinihintay kasi akong tawag." Sabi ko sabay ngiti. It's just my excuse. Kapag kasi direkta akong nagtanong he'll hundred percent sure doubt it. O kaya man direkta niyang hindi ako sasagutin ng totoo. Hindi niya 'yon sasagutin dahil na rin sa nararamdaman niyang pakay ko.

"None that I could think of. I received a call only for me." 'yun lang saka niya binalik sa Rubik's yung atensiyon niya. Nagikom naman yung bibig ko saka ko siya inambaan ng suntok. Hindi naman niya makikita so it doesn't matter.

"Are you sure?" tanong ko pa. Naghintay pa kong sagutin niya pero wala, bigo akong marinig ang sagot niya. Bigo rin akong malaman kung sino 'yon. Saglit kong inubos yung gatas na laman ng baso ko saka ako bumwelong sipain yung likod ng sofa na inuupuan niya.

"Liar!" sigaw ko saka ko nilapag sa console table na nasa likod ng couch yung basong hawak ko at pumanik na sa taas.

"Kakainis!" sabi ko sa sarili ko bago ako naligo na. Papasok na ko nang makita kong paalis na yung sasakyan ni Kuya Cabi. Plinano ko sanang sumabay kaya lang wala ako sa mood makipag-argumento at isa pa baka ipagpilitan niya lang ako sa Erick na 'yon.

"Mang Gilbert!" tawag ko sa family driver namin habang kasalukuyan siyang nagpupunas ng kotse. Agad naman siyang ngumiti nang makita ako saka niya tinigil yung ginagawa niya.

"Good morning, Young Mistress. Papasok ka na ba?" tanong niya pa nang makalapit ako. Tumango naman ako saka ko inayos yung bag ko sa balikat ko.

"Opo. Halika na ho baka ma-late pa ko. Ang hirap po kasi. Na-experience ko na one time." Natawa naman siya ng bahagya. Iginiya niya na ko papasok sa kotse at saka siya sumakay bago niya pinaandar iyon.

Panay ang tingin ko naman sa orasan ko. Kinakabahan ako. Baka maging disappointment na naman yung tingin sa'kin ng teacher ko. Ang hirap kayang ma-late. Baka mamaya mawala pa ko sa lining ng achievers. Ngayon pang ako na naman yung nangunguna.

"Ah..Young Mistress, pwede ba kong magtanong?" sinalubong ko yung tingin niya sa rear mirror ng kotse. Kunot noo naman akong sumagot.

"Ano po 'yon?"

"Hindi naman sa nanghihimasok ako sa pribadong buhay niyo kaya lang. Napansin kong laging problemado si Master. Hindi ko naman maitanong baka sabihin niya'y nangingialam pa ko. May problema ho ba kayo? Sa pamilya niyo? Napapadalas kasi yung pananakit ng dibdib niya kaya lagi kaming napupunta sa ospital."

Ospital?

Saglit akong natahimik. Si tatay? May problema? Wala naman siyang nababanggit. Ni hindi niya kami kinakausap about sa anumang problema niya. Kaya ba lagi siyang tulala at panay kulong siya sa kwarto? Ni hindi na nga namin siya nakakasabay ni Kuya Cabi sa breakfast. Sometimes sa dinner din dahil laging masama yung pakiramdam niya.

"Hindi ko po alam, Mang Gilbert e. Ang alam ko po sabi niya sa'kin masyadong maraming investments lang ang pumapasok sa company. Sometimes big offers come to. Ang pagkakasabi niya nga po kasi he can't handle it on his own dahil sa dami rin ng perang pumapasok." Narinig kong pumalatak lang siya saka iiling-iling. Ipinasok niya na yung sasakyan sa loob ng school para makababa na ko.

"Salamat po Mang Gilbert." Sabi ko habang nakadungaw ako sa driver's window. Tumango naman siya. Tumalikod na ko para sana magtuloy na kaya lang natigilan ako bigla kaya mabilis ko siyang tinawag.

"Mang Gilbert, wait lang po." Nag-break naman siya saka siya tumungo sa'kin.

"Ano 'yon Young Mistress?"

"Ah..pwede po bang kung may mangyayari pang iba kay tatay. Pwede pong sabihin niyo sa'kin?" saglit pa siyang nagisip bago tumango.

"Makakaasa ka Young Mistress." 'yun lang saka siya umalis na. Naglakad naman ako papunta sa building at aminado akong hindi ko maialis sa isip ko yung sinabi ni Mang Gilbert.

Siguro nga may mga bagay kaming hindi alam tungkol kay tatay. Pero yung pagpasok niya sa ospital. At pamomroblema niya? How could he keep it hidden from us? Ngayon namang alam ko na. kailangan ko talagang malaman kung bakit siya nagkakaganon. I want to know everything. Siguro natatakot lang ako.

Natatakot lang ako na pati siya mawala. I already lost my mom and I could say that I even lost Kuya Cabi too. Ayokong pati si Tatay mapahamak pa.

"Hey Summer!" bati sa'kin ng isa sa mga kaibigan ni Kuya. Sinabayan niya pa talaga ako sa paglalakad ah. Ano? Feeling close na siya ngayon? Maninira na naman ng umaga e. Kakainis na!

"How's Nico?" sunod na tanong niya pa. Hindi ko siya sinasagot. Pakialam ko kung magmukha siyang stupid diyan. Sino bang pagtatawanan? Ako ba? Ngayon pa lang pinagtatawanan na siya ng kaluluwa ko at tinitilad na siya ng isip ko.

"You know. We're really sorry. Inamin niya namang siya yung nagsimula, Summer. Maiba tayo, akala ko ba patatalsikin mo kami ng school? Naghanap na kasi kami ng ibang mapapasukan. In case, you'll really do what you said." Huminto ako. Hindi dahil sa naaalibadbaran ako o naiirita ako sa kanya.

Nakita ko si Nico. Hila-hila siya ni Jhustine.

"Ooh. Looks like he finally listen to Cabi." Saglit akong nabigla sa sinabi niya pero agad din akong nakabawi saka ako tumingin sa kanya.

"Tell me. Ano ba talagang ginawa ni Kuya sa kanya? Kayo, bakit niyo ginawa kay Nico 'yon?" seryoso kong tanong. I crossed my arms saka ko tinignan kung naron pa sina Nico at Jhustine. Wala na sila. Hindi na ko mapakali kaya paulit-ulit kong tinapik-tapik yung tinatayuan ko gamit yung paa ko.

"Answer me now!" natataranta na rin kasi ako at gusto ko nang puntahan si Jhustine at Nico. Gusto kong ipatikim na kay Jhustine kung anong hinahanap niya. Ano? After Erick, si Nico naman?

I hate that bitch!

"Chill. You really wanna know the truth?" Ano pa nga bang itatayo ko at iaaksaya ko ng oras dito? Alangan namang siya?

"Hindi. Magsinungaling ka na lang. Tutal dun naman kayo magagaling na magkakaibigan. You're all good at telling lies." Ngumisi siya saka niya sinuklay yung buhok niya gamit yung kamay niya. Nagpamaywang pa siya saka siya tumitig sa'kin.

His type. Playboy talaga. Unang tingin pa lang. Chinito, pinkish lips, good smile and an attractive hazel brown eyes. Isama pa yung kaputian ng balat niya at mapagkakamalan mong hindi siya Pilipino.

"You're beautiful Summer, but I'm giving you my apologies now since I am too strong to resist you." See? Sobrang presko pa. As if namang maaapektuhan ako sa sinabi niyang 'yon.

"Kailangan ko ng katotohanan. Hindi kasinungalingan at lalong hindi kapreskuhan." Sabi ko sabay irap paitaas. Mahina pa siyang humalakhak saka siya nagsalita na.

"The truth is, Erick told us to beat Nico up. Ayaw ka niyang layuan. Anong magagawa naming mga kaibigan ng ex mo? Sa ganong paraan lang namin siya matutulungan?" mariin akong napapikit. Itinaas ko na yung kamay ko para sana dampian ng kahit isang sampal o hampas man lang yung mukha niya. Kaya lang may pumigil don. Marahas niya pa kong iniharap sa kanya.

He's so serious at ngayon ko lang nakita na nagseryoso siya ng ganito.

"I told you to stop this nonsense, Summer. Take my hand now and stay with me. I can still make things work between us. Trust me, please." Iritado akong napangiti saglit ko pang iniiwas yung tingin ko saka ko 'yon binalik ulit sa kanya.

"Trust you?" Iritado akong napatawa saka ko siya tinitigan ulit.

"You want me, to trust you, Erick?"

"Summer, alam kong hindi kayo ni Nico-"

"So ano ngayon? Kung hindi talaga kami anong magagawa mo? You can't do anything Erick. Kasi kahit kailan hindi mo na maibabalik pa yung tiwala ko sa'yo. Now, please? Get out of my way." 'yun lang saka ko siya hinawi na para lang makapunta na ko sa building. Agad namang hinanap ng mata ko si Nico at Jhustine. Pero hindi ko sila makita. Pumasok na ko sa room. Nagtaka pa nga ako kung bakit wala pa ring tao.

"Hey." Napaigtad ako. Lalabas na sana ako para hanapin sila Jennifer kaya lang siya yung bumungad sa'kin. Hindi ko alam kung ngingitian ko siya o sisimangot ako. Okay! Nabwisit ako nang makita kong hinihila siya ni Jhustine. Mukha namang hindi niya gusto 'yon dahil nakasimangot siya habang hinihila siya ni Jhustine kanina.

"O?" natatawa pa siyang lumapit ng lumapit sa'kin. I am once again, cornered. Hindi ba siya pwedeng magpaalam bago gawin itong ganitong mga bagay sa akin? Hindi naman ako na-inform, and I do mind actually.

"You saw us, didn't you?" Ang alin?

"Jhustine and me. Nakita mo kami. Tama?" ngumiti ako. Bahagya ko pa siyang tinulak saka ako kumawala sa pagkakakulong mula sa kanya.

"Ano ngayo-"

"And you're, right now, jealous? Tama?" napairap ako saka ako umiling. Balak ko na sanang umupo sa upuan ko dahil nagpasukan na rin naman yung mga kaklase namin kaya lang pinigilan niya ko. Hinawakan niya yung magkabilang balikat ko saka siya nagsalita ulit.

"Tell the truth." Hindi ako sumasagot. Nakatingin lang ako sa iba lalo na sa mga kaklase kong nakikiusiyoso. At yung dalawang magaling kong best friend namataan ko na. Ni hindi man lang ako nakuhang lapitan dito!

"Summer.." what the hell! Ano bang klaseng haplos 'yon? Haplusin ka kaya sa mukha ng taong gusto mo. Jusko! Naiihi ako sa kilig.

"Oo na! Oo na! Ano namang pakialam mo kung nagseselos ako?!" mariin 'yon na pagkakasabi ko. Sapat na para hindi marinig ng iba naming kaklase. Eto na naman yung mga ngiti niya. Pinadaan niya pa yung hinlalaki niya sa bibig niya. Napapikit pa ko ng mariin nang ilapit niya yung bibig niya sa bibig ko. Rinig ko pang nagsigawan yung mga kaklase ko. Naghintay ako pero mabilis akong dumilat. At dun ko nakitang hindi pa niya idinadampi 'yon.

"Stay with me Summer. Be my girlfriend."

Continue Reading

You'll Also Like

15.7K 387 33
My relationship begins with a crush An Epistolary story Start: 5/6/22 End: 5/26/22
19.9K 195 27
TABLE OF CONTENTS. Pwede bang mabuo ang love through revenge? Si Riley Andrea Mendoza Ang taong walang pakialam sa iba. Unless you are a part of her...
137K 2.5K 6
Friend Zone short stories. Pag kaybigan kaybigan lang para walang masaktan I Hope na maka pulot kayo ng aral dito sa story na to.
52.1K 834 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: