My 3 Days Boyfriends (M3DB)...

By MizBiz

2K 17 3

Dahil sa super duper na experience ng mom at ate niya sa relationship sa mga lalake,, Ayaw na ni Anya magkaro... More

My 3 Days Boyfriends (M3DB)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day1: part1)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day1: part2)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day1: part3)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day1: part4)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day2: part1)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day2: part2)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day3: part1)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day3: part2)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day3: part3) - end of episode 1

EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day2: part3)

134 1 0
By MizBiz

<Continuation>

"Date yun"

"Indi nga.. Dinner nga diba?"

"Edi DInner Date.. date padin yun.."

"Indi nga dinner lang yun.."

"Sus,, ganun kaya sa mga pocketbook na binabasa ko,, nagdidinner date... "

Kanina pa ako kinukulet ni Nadine na Date daw yung Dinner namin ni PEter mamaya,,,

"Kung umasta si Peter parang may trabaho na,, may padinner dinner pa nalalaman" banat naman ni Ziella

"Syempre paimpress uli yun kay bestfriend anya"

"Ang poop niyo,,, dinner lang yun,, pambawi sa di niya pagsipot kanina sa lunch"

"Aminin mo nga ANya,, nahuhulog ka na kay Peter?" panggulat na tanong ni Nadine sakin

Nahuhulog? Anong ibig sabihin nun,, to na ba yung falling inlove na sinasabe nila? ano ba? nahuhulog na nga ba ako kay Peter? nye? indi naman siguro, hala ewan ko.. sabihin natin,, di ko maintindihan si Peter,, parang,, bagay na di mo maintindihan,, (kaya nga di mo maintindihan eh) tipong di ko masabe,, di ko madescribe,, di ko maespel,, kung hulog lang din yung paguusapan,,, pwede kong sabihin,, Pwede kasi mabait siya,,, tipong napakagetle man,, at hindi naman kasi may mga imperfection din siya sa likod ng kanyang almost perfect na pagkatao.

"HA? Hulog? Di noh.. ineentertain ko lang yung tao?"

"Poop ka talga kung ako sayo kung wala ka namang nararamdaman sa kanya eh tumigil ka na baka magexpect yung tao..."

Wow.. so kasalanan ko pa ngayon,,, kasalanan ko bang sablay siya? kasalanan ko ba na gusto niya manligaw? kasalanan ko ba at ako ang natypan niya (wow yabang) kasalanan ko bang maganda ako? kasalanan ko ba bakit blue ang langit? kasalanan ko ba ang corruption sa bansa natin? kasalanan ko ba ang global warming?

Duh? siya ang nanligaw? eh di ko din naman alam na ganun pala siyang klaseng tao,,, parang abstract hirap ipaliwanag,,,

"Teka teka,,, ililinaw ko lang,, nagtanong siya kung pwede manligaw? umaggree lang ako kasi natural,, babae din ako pwede akong ligawan,, dapat ba kung may taong nanliligaw sayo eh dapat may nararamdaman ka na sa kanya? kung ganun lang din yun eh para san pa ang ligaw ligaw,, "

Totoo naman diba? Ano kaya yun,, para saan ba ang ligaw? ang courtship? sinearch ko sa net yan meaning nun eh seeking the affections of a woman.. kasalanan ko bang wala pang bahid na affection akong nararamdaman kay Peter,, kung nanligaw ba ang isang lalake dapat mutual na yung feelings? kung mutual na din naman eh wala ng ligaw ligaw,, wala ng paligoy ligoy,, kung sa huli eh alam mo na din namang sasagutin mo siya, kasi gusto mo din siya,, kaya nga nanliligaw para may mapatunayan...

"Alam nyo ba kung baket ligaw ang tawag sa ligaw? kasi noon,, nililigaw ng mga magulang nila yung lalake sa malayo tapos dapat mahanap nung lalake yung daang pauwe para masabing meant for each other sila.." banat ni Ziella

"tama ka Ziella kung iligaw ko nalang si Peter?"

"Di naman sa ganun Anya,, dami mo agad sinabe,, ang sakin lang,, ang wala namang pagasa sayo si Peter eh ipatigil mo na" Sabi ni NAdine

"Nadine di ko alam eh,, sabihin nating mabait si Peter,, agree naman tayong lahat dun,, tska,, balita ko yung physics natin A+ tayo dun,, mabait si Peter lage nagdyan for me,, if may gusto akong malaman o kailangan,, lage siya nagdyan to correct my mistakes,, at the same time eh yun din yung panget sa kanya,, lahat ata sa kanya eh lageng may mali,, lage siya maghahanap ng maling itatama"

NIlabas ko yung loveletter ni Peter,, at binigay ko sa kanila,,

"Alam niyo bang binigyan niya ako ng loveletter? na 2 pages na back to back na super puno.. honestly di ko pa natatapos basahin to,, grabe naman kasi,,, pero kung iisipin mo,, walang guy ang mageeffort ng sobra sobra para lang makagawa ng ganyang kahabang loveletter,, dun palang eh alam kong sincere si Peter,, "

Kinuha nung dalawa yung loveletter ni Peter at nagsiksikan na basahin yun,, tiningnan,, tiningnan,, at tiningnan..

"Grabe,, Anya,, most of the words ata dito eh kakailanganin mo ng dictionary" sabi ni NAdine,

"Asteg nga eh,,, la ako maintindihan,, kakasakit ng ulo,, pagbinasa mo to tiyak madami ka matutunan,, from lit to physics,, dami h oh.. dameng subjects" sabi naman ni Ziella

"pagbinasa? alam niyo bang binasa ko na yan pero yet wala akong maintindihan, siguro some of it naintindihan ko, pero kakasabog ng utak..." sagot ko

"Pero girl puno ng effort niya ginawa to ha.."

"Yun nga eh,,, konti lang sa mga lalaki ngayon ang nageeffort pa gumawa ng loveletter for a girl,,"

"KAso NAsobrahan ata si Peter sa Effort.." sabe ni Ziella

Tumunog yung cellphone ko,,, tumatawag si Peter,,

"Hello?"

"Anya? san ka? kakaawas lang namen,, Hatid na kita pauwe after natin magdinner,,"

"Ahh.. ok sure,, umm san ka ba?"

"Pababa na,, sunduin nalang kita,, san ka ba?"

"Inde.. pababa na din ako kita nalang tayo sa may gate"

"Okay.... see you later"

binaba ko yung cp ko,, tumingin ako sa dalawa kong kaibigan at huminga ng malalim..

"So tingin niyo dapat ko ng sabihin wala siyang pagasa? kahit miski ako eh naguguluhan kung may pagasa siya o hindi,"

"Ganito nalng girl,,, give him a chance,, kung sablay padin siya mamaya then the end na yun."

Bumaba kameng tatlo at nakita ko na si Peter na nagaabang sa may gate,, nagpaalam na ako kani Nadine at Ziella, at tuluyan na ako nahigod ng blackhole ni Peter,,,

"Hi Anya,, kamusta ang klase" tanong ni PEter sakin

"Ginulat mo naman ako sa pagsubstitute mo kay SIr BErmudez"

"Ui,, pasensya talaga at di ko na nasabe.. bawi nalng ako."

"Sus ayos lang yun..."

"O siya tara na..."

Naglakad kame paalis dahil padilim nadin naman eh nagkapnta kame sa Jimmy Docks Restaurant,, isa sa mga restaurant dito sa lugar namen,,

Magalang naman si Peter, binukasan niya yung pintuan for me,, inupo niya ako ng maayos.. yung para pang tipong typical na manliligaw,,,

Umupo na kame at tinawag na niya yung waiter..

"Anya,,, pili ka,, dont worry treat ko lahat.."

Yabang,, lakas nito.. kung umorder kaya ako ng sobrang dame tingnn natin kung mabayaran niya,, tapos magtake out pa ko noh.. haaay,,, paimpress again..

Kinuha ko yung Menu at pumili ng food na tipong normal lang,, ayoko naman kawawain tong si Peter,, baka isang linggo siya mamalubi hmm binigay na ule namin yung Menu at umalis na yung waiter..

"Umm ANya,,, Salamat at pumayag ka sa dinner na to.."

"ahh.. ano ka ba.. bakit dapat ba indi ako pumayag?"

"Indi naman,, kaw talaga,,, Xenxa nga pala,,, kanina,,, nung iniwan kita sa library naisip ko,, indi maganda yung ginawa kong pagiwan sayo."

"Kow,, nagpaalam ka naman kaya wag kang magalala, di nama ako nagalit"

"BUti naman at nauunawaan mo,, sobrang busy kasi minsan,, tulad kanina,, nagdiscuss yung science team about sa ozone layer at pano natin mapreprevent to... alam mo bang madameng ways baket nasisira ang ozone layer.. kasi ang ozone layer ay nagccooncentrated sa  height na 20 to 25 Kms, ang ang matinding kalaban nito ang chloroflurocarbons, sample nito eh mga  aerosol sprays,refrigerators,cleaning agents, insulants, at kung ano ano pa.. ang ozone molecule ay nagssplit pag natamaan ng ultra violet radiation,, kung saan yung energy ng harmful UV radiation ay nagiging harmless heat.. edi yun pagssplit nila eh nagproproduce ng free oxygen atom at ng oxygen molecule, so sa cycle yung dalawang yun eg nagbubuo ng isang bagong ozone molecule...

O_O...

okay.. wala akong nagets... mukang sira si Peter na tuwang tuwa na nagkwekwento about sa science project nila habang ako eh nakasmile na parang timang na as if naman na may naiintindihn sa mga snasabi niya.. di ba niya alam na as if na may alam ako sa sinasabi niya?

".. then yung natitirang free oxgen atoms hinihila nila yung oxygen atoms mula sa chlorine monoxide na nakakapagfree sa chlorine atom para magrestart yung cycle,,, tsaka nga palamm yung mga ozone molecules ay progreessively decomposed.. kaya estimatedly na ang sang chlorine atom eh kayang kumain ng 100000 oh mahigit pang molecules,, kaya yun nasisira yung ozone layer natin."

Kahit isa sa mga sinabe niya eh wala akong maintindihan,, sobrang talino niya na tipong di ako makasakay sa mga trip niya,, buti nalang at duamting na yung waiter at napatigil sa pagkwekwento si Peter..

Kumakain kame ng nagtanong si Peter,,

"Kaw Anya? ano ba hilig mo?"

"Umm ako? madame eh,,, mahilig ako sa sport, alam ko di halata sakin pero mahilig ako sa sports,,,"

"Really,, ayos yun,, nakakatulong yun sa katawan natin magcirculate ng immune cell sa lahat ng part ng katawan natin.."

"Ahh.. okay.. eh kaw ba mahilig ka sa sport?"

"Ako.. OO,, chess,,, table tennis,, mahilig din naman ako.. kaso wala lang time kasi,, masyado ko tinutuon sarili ko sa study,, ang saya kaya magaral..

Masyadong tinutuon?? baka sobra? anong masaya sa magaral? ang weird? eh nasa huling list ko nga yan sa aking daily routine ang magaral,, and minsan nga nakakalimutan ko na magaral,, siya alng ata ang taong super sayang saya sa pagaaral..

"Naumpisahan mo na yung the last concubine?" tanong ni PEter sakin..

"Ahh.. nako.. indi pa...wala pa akong nasisimulan,, pasensya ha..  baket kailangan mo gustp mo sauli ko na"

"ANo ka ba,, nakakatawa ka talaga,, bigay ko nga yun sayo eh..."

Haayss kung kelan naman ako siryoso eh tska siya tatawa,, kung kelan naman nagjojoke ako tska naman siya di tatawa,, magulo din utak nito eh.. walang kahumor humor..

"ANya may favorite ka bang author?"  tanong ule ni Peter

"Author? Umm,, Si Stephen Spielbergs?"

Author ba yun? Ano ba yun? panic attack,, di ko alam ang isasagot ko,, ano ba favorite book ko.. nako..wala naman ata... pwede bang bible? eh sino naman author nun? teka? si JEsus Christ?

"Director Si Stephen Spielberg..isa siyang American film director, screenwriter, film producer, video game designer at studio executive" correct ni Peter sakin

"Ahh,,, ganun ba,, pasensya...di ko alam.."

Ang Poop napahiya pa nga ng wala sa oras,, kainis naman,, di ko naman kasi magets tong si Peter.. ano to interview? 

Nagkwento ng nagkwento siya about politics,, sa ating environment, ang astronomy, the scientist,,, grabe.. tipong topic ng mga matatalinong tao,, wala bang Latest Movie?? GAmes ng Pc? o kaya Artist? Paramore? grabe...

Nagsisikwento si Peter habang ako eh panay subo ko sa pagkain,, di ko naman kasi siya magets... parang gusto ko kainin lahat ng makikita ko,, at ituon ang sarili ko sa pagkain ng pagkain..

"yup,, about sa tear Gas,,, sobra talaga,,, sinubukan kong gumawa nun date pero mapanganid,,, kasi pwede yun makairritate ng ating mucous membrain sa ating mata, ilonng at lungs,,, yung irritation eh gawa ng chemical reaction ng sulfhydryl groups ng enzymes..."

sinubo ko nalang yung natitirang meat sa plato ko,, inom ng tubig,,, inom ng wine,,, wine pa ule,,, kain pa ule... sige lang anya,,, timpi lang.. timpi lang

"ahh,,, ANya... may nakalimutan pala ako ibigay sayo..."

napatingin ako kay PEter,,

Kinuha niya yung bag niya at may hinanap sa loob nun,, ano naman kaya yun? libro? novel? nako,, puputok na mga ugat sa utak ko if libro ule yun dyusko..

Nilabas niya ang essay ko,,

"Ito na pala yung essay mo revise na yan,,, dont worry binasa ko yung gawa mo,,, di ako nahirapan sa kakaayos.. konti lang naman dinagdag ko.."

Wow,, bait naman ni Peter akalin niyo yun,, busy na nga siya pero naisipan pa din niya isingit ang pagaayos ng aking essay,,, nakakahiya man eh.. super thankful ako,, pinaghirapan ko kaya to.. and sigurado ako na tataas ang grade ko nito,,

"Nako, salamat,, kakahiya.. busy ka na nga... tapos inayos mo pa yung essay ko..."

"Indi ayos lang yun.."

Binuklat ko yung Essay ko,,, teka... binasa ko ng konti,, nilipat yung page,, nagbasa ng konti... scan the whole pages,, teka... anong konti lang binago... eh muka ngang indi na to yung essay ko,, walang wala na yung mga pinaghirapan kong isearch na net..

"teka,, peter sigurado kang akin to?"

"OO,, inayos ko lang.."

"Inayos mo eh mukang pinaltan mo nga ata yung buong essay.."

"Indi,,, tingnan mo yung intro at yung end part.. yan yung sinulat mo oh.."

Binasa ko yung intro,, pati yung end part.. oo nga ito nga yung sinulat kong panimula at pangwakas pero ang whole content nito eh walang wala na sa kinuha ko sa net,, lahat nagbago na..

"Tsaka Anya,, mas inelabborate ko yung mga info at binigyan kong pansin yung mga ibang important na nanyare at saying sa the art of war, yung mga ilagay mo kasi puro description,, eh ang essay eh isang point of view ng nakabasa including literary criticism, political manifestos, arguments observation ng kung anono, recollections, reflections ng author kung ano ano pa.. paliwanag sakin ni PEter

NIlagay ko yung essay ko sa Bag ko at tumayo at nagwalk out,,,

"Teka,, Anya,, may nasabi ba kong masama,,"

Iniwan ni Peter yung bayad niya sa mesa at hinabol ako..

"MAy sinabe ba akong masama,,?" ulit na tanong ni PEter

"Sinabeng masama? wala peter... pero magulo eh.. di ko maintindihan lahat... simula nung nagkakilala tayo.. wala na akong naintindihan sayo..di ko alm kung ano gusto mo ipalabas o ano.. Pero peter,, di ako bobo tulad ng inaasahan mo."

"Wala naman akong sinabing ganun ah.."

"wala nga... pero sa tuwing kasama kita,, feel ko ang tanga tanga ko.. lahat ng bagay binibigyan mo ng depisnisyon.. eh di ko na nga alam kung nanliligaw ka nga ba o isa kang tutor na kahit saan ako mangpunta eh ready to teach ka, ready manermon,, ready magpuna,, ready maghanap ng kamalian sa lahat ng bagay? o baka naman isa kang encyclopedia na tinubuan ng muka at paa at kamay.."

"Anya naman,, pasensya na.. masyado lang ako nasabik sayo.."

"Bilang ano? bilang isang makikinig sa mga sinasabi mo? Peter di ako tulad ng mga kasama mo sa Science Team niyo,, o isa sa mga debate team mo.. DI kita masakyan,, wala akong magets sayo!! di ko alam ang sasabihin ko,, di ko alam ang lahat ng sinasabi mo..

OO na peter,, ikaw na yung matalino,,, di ko nga alam kung ano talaga gusto mo iparating,,, nanliligaw ka ba o pinamumuka mo lang sa muka kong genius ka,, kasi kung yun ang way mo ng pagpapaimpress well,, di yun nagana sakin,, kasi kating kati ako sa mga sinasabi mo,, lam mo yun? yung tipong wala ka namang idea sa sinasabi ng kasama mo,, at wala kang ibang pwedeng gawin kundi umagree kahit wla kang maintindihan,, Peter,, top ako nung bata ako,,,, kasama ako sa mga top nung elem ako bago ako naggraduate.. may alam din ako,, di lang katulad ng level ng i.q mo.. pero madame din akong alam,, di ako tanga..!!""

TUluyan na akong nagwalk out..

"Anya naman,,,"  sigaw ni PEter..

Wala ng Anya Anya pa... ahala siya,,

Di ko alam..kung tama ang ginawa kong pangiwan kay Peter eh di o nga din alam kung tama nga din ba ang pagpayag ko sa dinner na to.. Overall di ko talaga alam kung tama ang naging desisyon kong payagan si Peter na manligaw sakin..

Naawa naman ako ng konti kay Peter, Pero ayokong pahabain pa tong pageexpect niya,, nahuhulog na ba ako? nope.. siguro naaawa lang ako.. pero kung ganun lang din naman yun,, edi dapat itigil ko na ang pageentertain sa kanya,,, kung nararamdaman ko na din namang wala na tong patutungunan,,,

<end of Day2>

Continue Reading