His Indecent Proposal: Lander...

By JFstories

24.5M 715K 290K

She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her lif... More

Prologue
HIS INDECENT PROPOSAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
The Final Chapter
EPILOGUE

Chapter 10

668K 21.4K 6.9K
By JFstories

"LOVE AT FIRST SIGHT?" tanong ni Morta Galsim nang bumalik kinabukasan kasama ang step-daughter na pamangkin din. 


Love? To hell with that word. This is purely business and nothing more.


Kasalukuyan akong nakatitig kay Apple na nakatayo sa aking harapan. I was sitting on my executive chair here in my study room. Pinagsalikop ko ang aking mga daliri habang ang aking mga mata ay nananatili kay Apple.


Apple is really a beauty. Not bad to have her as my wife. But how about Aviona?


Bakit sumisingit sa isipan ko na baka malungkot ang babaeng iyon kapag nalaman niyang hindi na siya ang papakasalan ko? I don't care kahit ano pang maramdaman niya.


I've seriously lost myself these past few days. But I am back now. I don't need romance in my life, it's just a useless distraction.


I don't need Aviona now. Sa ngayon ay wala pa siyang kapakinabangan sa akin. Mas kailangan ko ngayon si Rechelle or Apple. Si Aviona ay reserba ko para sa mga susunod kong plano.


At si Apple. Wala akong pakialam kahit napipilitan lang siya. Marahil ay wala syang ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa utos ng kanyang tiyahin. Pero wala na siyang magagawa. Mangyayari pa rin ang kasal namin whether she likes it or not.


Nakaplano na ang lahat sa isipan ko.


"So, Lander?" boses muli ni Morta. Nakikita ko ang pagkikislapan ng mga alahas nito sa aking peripheral vision.


"Do we have a date for the wedding?" I asked.


"This month is good," aktibong sagot nito. "Kahit sa judge lang ay puwede na. Ako ang isang witness at magsama ka na lang ng isa sa mga tauhan mo. For formality lang naman kaya hindi kailangan ng bonggang kasalan."


"And the papers?" I'm talking about the business.


"Papers are after the wedding."


"Then let's make it next week." Tumingin ako sa kanya. "The wedding."


Namilog ang mga mata ni Morta. "But– "


Bakit kailangan pang patagalin? I need her company right away para maisagawa ko na ang mga dapat gawin. I have to make sure na wala silang ibang patutunguhan kundi sa akin.


Napalitan ng pag-aalala ang mga mata ni Apple na kanina'y walang buhay. "Tiya Morta—" tawag nito sa tiyahin ngunit hindi man lang siya pinansin ng tiyahin.


"Y-yes, I fully agree." Pilit na napangiti si Morta nang lingunin nya ang pamangkin. "Right, hija?"


Bumuka ang mga labi ni Apple pero wala nang lumabas na salita mula roon. Naipon na lamang sa mga mata ang pagtutol.


Tumayo ako at inayos ang aking kurbata. "Good." Lumapit ako kay Apple hanggang sa mapayuko siya.


Hanggang balikat ko siya. Sa tancha ko ay halos magkasing-taas lang sila ni Aviona. Pinakatitigan ko muna siya bago ako nagsalita. "Leave us."


Napatikhim ang biyuda. "O-okay, I'll be right out side." Halos matalisod pa sa pagmamadali.


Nang mawala si Morta ay saka lang ako tiningala ni Apple. "You're doing a big mistake. Tita Morta will just going to use you. You have to—"


"Do you even know who I am?" I snapped.


She swallowed as her gaze dipped down to the carpet of my study room.


Hinawakan ko ang dulo ng kanyang buhok at nilaro sa aking mga daliri. Napausod siya palayo na tila napapaso.


Tumungo ako para ilapit ang aking bibig sa kanyang tainga. "If you dare to talk to me like that again, I will break your neck. Do you understand me?"


Bumilis ang kanyang paghinga. Mabilis siyang tumango at hindi na muling tumingin sa akin.


"You'll be living here until we get married." Tinalikuran ko na siya. "Now, get out of my sight."


I heard the clench of her teeth before she head out. 


My kind was ruthless. And Apple should understand that. She's just a tool to me and that is her only importance.


...


SLOWLY, I opened the door of Aviona's room. I saw her curled up on her bed.


"Jack, gising ka pa ba?"


She looked sleeping but I couldn't see her face. It was covered by her hair.


Pinuntahan ko siya para sabihing hindi na muna siya ang aking papakasalan. Although mukha namang wala syang pakialam ay sasabihin ko pa rin. Hindi ko rin alam kung bakit nga ba ako nag-abala pa. Baka lang kasi umaasa siya. Maybe I will try and pretend that I am still human with conscience.


I touched her shoulder to wake her up. Napatingin tuloy ako sa kanyang dibdib. Her dress was tight around her bust.


Nagulat ako nang bigla syang tumayo kaya napaatras ako.


"Charan!" Inilapit niya ang mukha sa akin.


Napanganga ako sa itsura niya. Sinadya niya palang magtulog-tulugan dahil may balak siyang gulatin ako.


May make up ang mukha niya. Pulang-pula ang mga labi, mas lumantik ang mga pilik-mata at mas namula ang kanyang magkabilang pisngi.


"Maganda ba ako?" she asked.


She was smiling at me and I'm not expecting her to be like this.


Napakaganda niya.


Lumapit sya sa akin at kinapitan ako sa braso. "Si Lola Peach ang may gawa nito." Pagkuwan ay tiningala nya ako.


I could smell the scent of her hair. I was speechless as I was staring at her lovely face.


Napalabi sya. "Hindi mo gusto?"


I quickly looked away. Hindi ang paghanga sa kanya ang sadya ko rito. "May sasabihin ako sa'yo."


Humugot sya nang malalim na paghinga. Naramdaman kong bigla syang kinabahan. "Ano yun, Just Lander?"


I heaved a sigh. "Makinig ka." Namulsa ako at muling tumingin sa kanya. "Iyong tungkol sa kasal na sinabi ko sa'yo."


She broke our eye contact. "Mahirap ba magpaandar ng kotse?"


"What?"


"Bata ka pa lang ba ay marunong ka na magmaneho ng kotse?"


My brows wrinkled. What the hell is she talking about?


"Naituturo rin ba yon?"


Damn! I have to end her questioning. "Jack, mag-usap tayo. Iyong tungkol sa kasal na sinabi ko sa'yo noon. May pagbabago kasi at– "


"Pwede mo ba akong turuan magmaneho ng kotse?" Putol niya sa sinasabi ko.


"Jack– "


Niyakap nya ako. "Sige na, please? Turuan mo ako!"


Grabe, ang lambot ng kanyang dibdib!


"Please... please?!"


"Hindi," matigas kong sagot. 


Napakamot sya sa pisngi. "Bakit?"


"Busy ako."


"Sige na! Turuan mo na ako!" Ayaw niya pa ring tumigil.


I'm losing my patience kaya hinawakan ko sya sa magkabila nyang balikat. "Makinig ka nga sa akin. Iyong tungkol sa kasal– "


Yumakap sya ulit sa katawan ko sanhi para matigilan ako. 


I ended up sighing.


...


PANG-ILAN na ba itong kotse ko na ibinangga nya? Pang-anim? Pangpito? I couldn't remember. Basta sa buong maghapon ay marami ng naibanggang kotse itong si Aviona. Hindi ko nga alam kung nakikinig ba sya sa mga itinuturo ko.


Dumungaw sya sa bintana ng kotse matapos nyang bumangga sa isang puno. "Ang galing, Just Lander! Malapit na akong matuto! Biruin mo, sa puno na ako bumabangga at hindi na sa pader!"


Oh, crap!


Bumaba sya ng kotse at tuwang-tuwang lumapit sa akin. "Ano, isa pa?"


"Tama na siguro ngayon. Malapit mo ng ubusin ang kotse sa garahe."


Pumaling ang kanyang ulo. "Nauubos ba ang kotse mo?"


I'm tired of answering her question but I have to. "Oo."


"Eh, di bumili ka na lang ulit."


"Hindi ako bumibili ng kotse dito sa bansa natin. Sa ibang bansa ko pa binili ang lahat ng sasakyang ibinangga mo."


"Ha? Saan iyon? Malayo ba iyon?"


Hinuli ko ang kanyang kamay. "Pumasok na tayo sa loob. Nagdidilim na."


Tiningala naman nya ang madilim na kaulapan. "Bakit madilim eh hindi pa naman gabi?"


"Basta halika na." Hinila ko na sya.


Nagpatianod naman sya sa akin.


This might be the right time. I have to tell her about Apple. "Sya nga pala, iyong tungkol sa kasal– "


Bigla syang huminto.


"Bakit?"


"Parang may pumatak."


Napatingala ako para lang makita ang unti-unting pagpatak ng ulan sa kalangitan.


"Hala! Saan nanggaling iyon?!"


"Ulan," I answered her.


"Hala, talaga ulan?! Kinukuwento lang ni Lola Peach sa akin iyon dati! Nakikita ko lang din noon kapag pilit kong tinitingala sa kuwarto ko ang mataas na bintana! Pero saan ba nanggagaling ang ulan?!"


I closed my eyes. Mukhang ipapaliwanag ko pa yata sa kanya ang science.


Ilang sandali pa ay bumuhos na nga ang malakas na ulan.


Hinila ko lalo si Aviona patakbo. "Bilisan natin."


Subalit pumreno ang mga paa nya. "Sandali lang, Just Lander."


"Mababasa tayo!"


"Gusto ko munang malaman kung saan nagmumula ang tubig na ito."


Napaigting ang panga ko. "Doon sa ulap."


Tumingala muli sya. "Sa ulap? Ibig sabihin, iyong ihi ay sa ulap din nanggaling?"


I started to smile which turned to laughter. I laughed heartily like I had never done before.


"Bakit ka natatawa?"


Lumapit ako sa kanya at pinisil ko sya sa pisngi. "Bakit ba kasi ang dami mong tanong?"


"Kasi ang dami kong hindi alam."


She had a point. Napamulsa ako. Hindi ko na alintana na basang-basa na ako. "Tingnan mo ang kaulapan. Wala ang araw."


Ginawa naman nya ang sinabi ko. Tumingala siya.


"Nawawala ang araw dahil tinatakpan ng ulap. Iyong ulap na may tubig. Kapag bumagsak iyon ay magiging ulan."


"Bakit bumabagsak?"


Napaisip ako. "Dahil nabibigatan na iyong ulap."


"Para palang mga mata."


Nangunot ang noo ko. "Mga mata?"


Pinagmasdan nya ang ulan. "Kapag nabibigatan... lumuluha..."


"Jack..."


Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Hindi mo na ako pakakasalan, di ba?"


"Huh?" I was caught off guard.


Dahan-dahan syang napayuko. "Iyong babae kanina, sya ba iyong pakakasalanan mo?"


How did she know that?


"Kapag ba nagpakasal kayo, sya na iyong mapapangasawa mo?"


She was smiling but I could sense that she was hurting. Or maybe I was just imagining. Anong alam nya sa kasal?


I cleared my throat to answer her question. "Oo, sya ang mapapangasawa ko. Sa susunod na linggo na ang kasal namin."


"P-paano ako?"


Natigilan ako ng marinig ko ang pagaralgal ng boses niya.


Shit! Bakit ganito?


Bakit iniintindi ko pa kung ano ang mararamdaman niya?


I steady my tone. "Dadalhin kita sa ibang bansa."


"D-doon sa binibilhan mo ng kotse?"


"Yes. Dadalhin kita roon. Mag-aaral ka roon, kahit anong gusto mong bilhin, mabibili mo. Ibibigay ko sa 'yo. Puwede mo nang gawin ang kahit anong gusto mo. Magiging maayos ang buhay mo."


"Maayos?" Napakahinga ng basag na boses niya. 


I nodded as I look at her. Darn! Is she crying?


"D-dadalawin mo ba ako doon kahit may asawa ka na?"


Hindi ako nakasagot.


Tumungo si Aviona at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng bahagyang umalog ang balikat niya.


Tinitigan ko sya. "Umiiyak ka ba?"


Napahikbi na sya. "Oo..."


"Bakit?"


"K-kasi... nabibigatan na ang mga mata ko..."


Lumapit ako sa kanya ang hinawakan sya sa magkabilang balikat. "Anong ibig mong sabihin?"


"H-hindi ko alam... basta nasasaktan ako..."


Nawala ako sa sarili at nayakap ko sya. Hindi ko rin alam ang ginagawa ko pero natagpuan ko na lang ang aking sarili na kayakap sya – nang mahigpit.


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
9M 184K 42
si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ayaw nyang...
206K 1.6K 11
Perfect boys only exist in books. Akala ko din eh. Hanggang isang araw dumating na lang si Nicolo Sandivan Monreal, the future first presidential son...