Di Na Mababawi

By WhoEverItIs

1.4K 32 39

She's everything he wants. She is special for him. She is the one he really loved. But, why is that? She neve... More

Di Na Mababawi

1.4K 32 39
By WhoEverItIs

A/N: This story is highly protected by the Author. Plagiarism is a crime.

~

Di Na Mababawi

"Hindi na kita mahal. Patawarin mo ko, hanggang dito nalang tayo."

Ang mga salitang nagpabago sa buhay ko.

Ang mga salitang hinding-hindi malilimutan ng puso ko.

At higit sa lahat,

Ang mga salitang nagbigay tuldok sa aking mga "baka sakali" at "sana".

"Bakit ko ba yun inaalala?" Umiling-iling nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Ako nga pala si Eugene Uy. Isang lalaking patuloy na binabangungot ng nakaraan. Ang nakaraan na kung saan may mga bagay na nangyari na hindi ko pa din matanggap-tanggap hanggang ngayon at patuloy pa din bumabagabag sa puso't-isipan ko. Lalaking abno ako. Oo, abno. Sabi nila yun eh, Ang manhid ko daw kasi. Pero hindi ko pa rin talaga alam kung paano nagkaroon ng konekta ang pagiging manhid sa pagiging abno.

Gabi na at sobrang lamig na ng hangin na nanggaling sa terasa ng aking kwarto pero ito pa din ako ngayon, nagkukulong, nakaupo at nagsusulat. Napatingin ako sa gilid ng papel na sinusulatan ko.

July 24, 2012. May petsa kasi eh, bigla lang din napukaw yung mga mata ko. Akalain mo nga naman mag-iisang taon na din pala. Di ko man lang napapansin. Tanda lang na hindi pa rin talaga ako nakakausad kahit napaka-daming oras, araw, lingo at mga buwan na ang lumipas.

Hindi ko alam, kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin siya magawang makalimutan at ang mga salitang binitawan niya na labis nalang talaga akong nasaktan. Sabi nila, 'It's always better to accept the fact that you are not appreciated, than to insist yourself to someone who never sees your worth.' Ewan ko ba. Bakit hanggang ngayon, ikaw pa din. Pwede na akong mag-alyas ng 'Mister Dakila'─ dakila sa ka-bobohan at ka-tangahan.

"Hoy Eugene!"

"Ay, mahal pa din kita Rain!" Automatic na napatakip ako sa bunganga ko. At para ba akong binuhusan ng mainit na tubig dahil bigla na lamang ako nakapagbanggit ng di kaaya-aya na mga salita.

"Wow naman, pare! May effects ka pang 'Ay, mahal pa din kita Rain'?" Sabay gaya nitong lalaki na 'to sa boses ko. Kinutusan ko nga ng malakas sa ulo.

"May pagka-luwag talaga yang tornilyo ng utak mo, Andrei 'no? Sino kayang halimaw na bigla-bigla nalang susulpot at manggugulat? Kitang may ginagawa yung tao eh." Pa-bagot na sabi ko habang nakakunot ang noo ko. Inikot ko ang upuan ko at humarap ulit sa munting kwaderno na sinusulatan ko.

"Sus, iniisip mo na naman si Rain eh! Kunwari ka pa!" Pang-aasar sa akin ng mokong na 'to habang umupo siya sa kama kong puno ng kinusot na papel. Nanahimik nalang ako baka sakaling hindi na rin magsalita 'to. Atsaka, medyo totoo naman. Hindi pala medyo, totoo naman talaga.

"Tsktsk. Pare, talaga. Isang taon na, ay isang taon na ba?" Pagtatanong niya na akala mo naman talaga ay may pakealam sa akin. Di hamak na wala naman 'tong ginawa kundi sabihan ako ng mga ka-gaguhan eh.

"Bukas pa." Pag-sagot ko naman sa tanong niya. Di kasi talaga 'to titigil kung di niya nasisira araw ko.

"Aba! Iba 'to! Alam na alam!" Pang-aasar na sabi sa akin ni Andrei. Napa-buntong hininga nalang ako at napakamot sa ulo. Paano ko ba naman kasi makakalimutan 'yon? Wala eh. Yun yung araw na pinagbagsakan ako ng langit at lupa, siguro pwede na rin isama yung purgatoryo. Hindi ko talaga lubusang maisip kung bakit nagawa niya sa akin yon.

"Alam mo pare, ngayon lang kita papayuhan ah. At sana naman, tumagos na yan sa kukute mo." Sabay dutdot niya sa nuo ko. "Nang matauhan ka na."

"Every mistake has its own correction, every sadness has its own reason, and every tear has its own explanation. Every heartbreak has its own history, but whatever it is, always remember that you will end up learning." Pagmamalaking sabi sa akin nitong tukmol na 'to.

"Ginalingan! Umii-english!" Sabi ko sa nakakalokong paraan at bahagyang tinawanan siya. Napahilamos nalang ng kamay sa mukha si Andrei. Potek, nakakatawa talaga 'tong hayop na 'to. Bigla-bigla nalang magsasabi ng kung ano-ano di ko talaga alam kung bakit ko 'to naging kaibigan eh.

"Leche, Pare! Panira ka! Hinukay ko pa yan sa mga quotes sa inbox ko. Tas, minemorize ko pa para sayo. Tapos ganyan lang reaksyon mo? Walang kwenta ka talaga." Tumayo siya sa kama ko at kunwariang nagdadabog-dabog gamit ang mga unan ko na hinahampas-hampas niya sa sahig.

Napatawa naman ako bigla. Para kasi siyang may sira talaga sa ulo at kung may kaibigan kang ganito parang gusto mo nalang sipain talaga eh. Bigla naman siyang tumigil sa pinag-gagagawa niya at tumingin ng nagtataka sa akin.

"Baliw lang?" Sabi niya na para bang iba ang naging dating sa akin. Hindi dahil sa tono o kung paano niya 'to sinabi pero ang mismo salitang 'baliw' parang biglang naging iba ang pakiramdam ko. Napatigil ako sa pagtawa. Oo tama naman siya. Tama, sobrang tama.

"Oo na, alam ko naman. Naintindihan ko naman yung English mo, Pare." Malumanay na sabi ko habang nagpapatuloy sa pagsulat. Para saan pa na naging composer ako kung simpleng English hindi ko maintindihan.

"Oh, yun naman pala eh. Dibdibin mo! Kasi wala ka nang likod!" Galit na sabi ni Andrei sabay bitaw sa magkabilaang unan na hawak niya sa sahig at lumapit sa akin tapos yung mukha niya para bang mananapak. Hindi pala mananapak─ manghahampas pala!

"Aray! May balak ka bang baliin ang backbone ko, Andrei? Ano bang problema mo?" Hinimas-himas ko ang likod ko dahil sobrang sakit talaga ng pagkakahampas ng tukmol na 'to. Hindi ko maintindihan kung anong problema nito eh, porket biniro ko lang siya sa pa-quotes quotes niya kanina ganito na ginagawa sa akin.

"Hindi backbone mo. Yang katangahan at kabobohan mo ang gusto kong baliin." Sabi niya sa akin sa sobrang seryosong tono at mukha. Nanlaki naman ang mata ko at tumalikwas na lamang ng tingin sa kanya. Nahihiya ako.

Kalalaki kong tao di pa ako makausad-usad. Totoo naman talaga eh na tanga at bobo ako. Sana nga may gamot dito para mawakasan na 'to. Napahawak nalang ang kanang kamay ko sa ulo ko at madiin kong hinimas-himas ang buhok ko.

"This is a serious matter, Pare." Sabi sa akin ni Andrei sa seryoso pa din na tono.

"Anong klaseng matter? Solid, Liquid─ Aray!" Bigla akong kinutusan sa ulo at sinapak sa balikat nitong tukmol na 'to!

"Ang sakit potek na yan! Nagbibiro lang naman ako. Sobrang seryoso naman kasi di ako sanay." Sabi ko sa tonong paiyak na. Oo, paiyak na talaga kasi naman dadagdagan pa nito yung sakit na nararamdaman ko. Sugat na sugat na nga yung puso ko pa din ba naman yung pisikal na parte ng katawan ko.

"Isa pa, makakatikim ka na talaga sa akin ng tadyak." Sabi niya sa akin na seryoso pa din talaga. Nakatingin ako sa kanya ngayon na para bang nagtataka. Gusto ko sanang tanungin kung may nakain ba siyang kakaiba ngayong araw pero potek baka sapakin na naman ako nito.

Tumungo nalang ako at sinara ko na yung kwadernong sinusulatan ko. Pagkatapos, tumayo ako at sumalampak sa kama kong malambot. Bale nakahiga akong patalikod para di ko na makita yung nakakakilabot na seryosong mukha ni Andrei.

Naririnig ko ang yapak ng mga paa niya na para bang papalapit sa akin. Binato niya sa akin yung dalawang unan na hawak niya kanina. Nasa kanan ko siya nakatayo kaya inilipat ko ng pwesto ang ulo ko sa kaliwa.

"Goodluck bukas. Sana magbalik na yung Eugene Uy na kilala ko. Yung hindi buong araw naka-lugmok lang dito sa apat na kanto ng kwarto niya. Sige na, alis na ako." Umupo siya sa gilid ng kama ko at dahil dito napatingin ako sa kanya. Naka-nguso siya na para bang balak akong halikan. Napaupo naman ako bigla at napakunot ng noo.

"Pare! Ang laswa mo!" Sabi ko sa nandidiring tono. Binato ko nga ng unan at siya naman ay tumawa lang.

"Sige na! Labas na ako. Mangchichiks pa ako! Sama ka na sa susunod!" Tumayo na siya at inayos ang buhok at damit niya. Tumungo siya sa akin bilang senyas na aalis na siya. Lumabas na nga si Andrei.

Hays, salamat. Tahimik na ulit ang munting silid ko. Napahiga ako ulit at nakatulala lang sa terasa ng kwarto ko. Sobrang kalmado ng madilim na langit. Ako kaya, kailan kaya magiging kalmado ulit ang puso ko? Oo ang korni pakinggan pero ganito talaga ang mga nagmahal, nasaktan, di makapag-move on.

Yung ginagawa kong kanta kanina ay para kay Rain.

Si Rain.

Ang nagiisang babae na nagpadama sa akin ng pagmamahal. Mali─ ako lang ata ang nagmahal at ako lang din ang nasaktan.

Napa-buntong hininga nalang ako at tumingin sa orasan sa gilid ng kama ko. Alas onse na pala. Di ko man lang namalayan ang oras. Buong araw akong gumawa ng kanta para sa kanya. Kahit na kumakain ako, nagawa pa din ako. Wala akong ibang ginawa kundi inisip siya ngayong araw. Hindi. Di nga pala siya natatanggal sa isipan ko.

Nakaramdam na din ako ng antok kaya kinuha ko muna ang cellphone ko't binuksan. Napangiti naman ako ng bahagya sa nakita kong larawan. Kasama ko dito si Rain. Ito yung nagiisang larawan na meron kami nung nakaraang kaarawan niya. May photo booth kasi non tapos hinila niya ako ng pa-sikreto.

Apat na larawan 'to. Naka-collage kasi. Yung unang larawan magkadikit lang kami tapos simpleng naka-ngiti. Yung pangalawang larawan, nakangiti pa din ako habang siya naman ay naka-kindat at naka-dila. Yung pangatlong larawan, naka-akbay at naka-tingin ako sa kanya samantalang siya naman ay para bang nagulat sa nagawa ko. Yung pang-apat na larawan, hinalikan ko siya sa labi.

Di ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa tuwing nakikita ko 'tong larawan na 'to. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o malungkot. Pero siguro, nananaig ang pagka-lungkot dahil alam kong wala na 'to─ hanggang larawan nalang ang mga ngiti niya para sa akin.

Kinabukasan...

[June 25, 2013]

"Pare! Lintikan! Bumangon ka na dyan! Hoy!" Naramdaman ko na parang may nagbato sa akin ng kung ano pero di ko 'to pinansin at pinikit ko ulit ang mga mata ko.

"Pare! Kadiri ka! Tulo-laway ka pa kung matulog! Uhugin ka pala!" Napa-dilat ako ng kaunti para tignan ko sino ang nanggugulo sa akin ng napaka-aga. Si Andrei lang pala. Inaalog-alog na niya ako ngayon pero di ko pa din talaga pinapansin.

"W-wag kang magulo. Inaantok pa ako." Sabi ko sa malumanay na tono at tinakpan ko ang tainga ko ng unan.

"Nakalimutan mo ba? Debut ni Rain ngayon!"

Ano daw kamo? Debut? Debut...

"Ano!" Bigla akong na napabangon sa pagkakahimlay nung napagtanto ko yung sinigaw sa akin ni Andrei at napatingin ako kaagad sa orasan.

Time check: 11:00 AM

Nanlaki ang mata ko nung nakita kong meron nalang akong isang oras para kumilos at makapunta sa kaarawan ni Rain.

Agad-agad na akong kumilos dahil hindi ako pwedeng mahuli sa Debut niya. Kahit alam kong hindi na ako parte ng buhay niya, gusto ko pa din siyang masulyapan sa isa sa mga importanteng araw niya.

Makalipas bente minuto, natapos na ako sa pagaayos. Simple lang naman ang sinuot ko. Naka-itim akong t-shirt, ito yung suot ko nung unang nakita ko si Rain tapos simpleng jeans at kulay itim din na Converse. Tinutulungan naman ako ni Andrei na mapabiilis sa pamamagitan ng nilagay niya na yung gitara sa likod ng kotse ko. Kumaway nalang ako sa kanya bilang senyas ng pagpapaalam at umalis na ako.

Papunta na ako ngayon sa Tagaytay. Dun kasi gaganapin yung kaarawan niya. Imbitado ako, pero hindi si Rain ang nang-imbita sa akin. Binigay ito nung kaibigan niya, si Alyssa. Inimbita niya ako para kumanta ng isang kanta na inaalay ko para kay Rain. Nangako naman siya sa akin na hindi niya sasabihin kay Rain na pupunta ako sa kaarawan niya.

Makalipas trenta minuto...

"Bakit ang traffic?!" Napahampas ako bigla sa manibela ng sasakyan ko ng wala sa oras. Kanina pa ako dito sa SLEX! Kung kailan naman nagmamadali ako tsaka sasabay 'tong traffic na 'to eh!

Napatingin ako sa relo ko na nakakunot pa din ang noo ko.

Time Check: 11:50 AM

Nanlaki ang mata ko nung nakita ko kung anong oras na. Potek na talaga! Di ko man lang napansin yung oras sa sobrang pagka-bagot ko dito sa traffic na 'to. Sampung minuto na lang ang natitira! Ano bang pwede kong gawin?

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang data para makapag-GPS ako. Napalunok ako bigla ng naalala ko na wala pala akong data.

Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko na talaga alam kung ano bang pwede kong gawin para makalusot sa traffic na 'to.

Makalipas bente minuto...

Time check: 12:10PM

Busina na ako ng busina, pero wala pa din talagang paguusad ang mga sasakyan na nasa harapan ko. Gusto ko ng magwala dito sa loob, gusto ko nang ihagis ang mga sasakyan na nasa harapan ko ngayon, dahil sa totoo lang.

Bwisit na bwisit na ako!

Wala na huli na talaga ako... palagi nalang akong nahuhuli. Kahit kailan hindi naman ako ang naging una─ ako nalang palagi ang naiiwan.

Dahil sa hindi na ako mapakali kung bakit parang langgam kung umusad ang traffic dito. Lumabas na ako ng sasakyan at kumatok-katok sa mga salamin ng mga sasakyan na nasa harapan ko. Binubuksan naman nila ako ng bintana at nagtatanong ako kung anong meron bakit di umuusad ang mga sasakyan. Ang lagi lang nila ginagawa ay, tinuturo nila yung mga sasakyan na nasa harapan nila.

Di ko alam kung nakakatulong ba talaga yung mga sagot nila pero wala akong magawa kundi kumatok nalang ng kumatok hanggang siguro umabot na ako sa unahan ng traffic na 'to eh. Iniwan ko na yung kotse ko pero kung wala talaga akong magagawa, bahala na.

Kumatok ako sa sunod na kotse at pinagbuksan naman niya ako.

Hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman ko nung nakita ko kung sino yung nasa loob.

Bakit sa lahat-lahat ng pagkakataon, bakit dito pa talaga kami magtutuos?

"Oh, ikaw si—"

"Eugene." Sabi ko sa sobrang seryosong tono. Hindi na maipinta ang mukha ko ngayon sa sobrang pagka-inis. Si Ray Allen.

"Ikaw yung lalaking di tinitigilan yung girlfriend ko?" Pangaasar na sabi nitong tukmol na 'to. Napakagat ako ng labi ng di oras dahil parang makakasapak ata ako ng tao ngayon.

"Bakit ka natameme, 'Tol?" Tumawa pa siya ng bahagya na para bang iniinsulto talaga ako.

"Kaya naman pala traffic dito. May di pala kaaya-aya na tao dito." Pabulong kong sinabi at tumalikod nalang ako para bumalik na sa kotse ko.

"Eugene, wag ka ng umasa." Seryosong sabi ni Ray Allen sa akin. Napahinto ako sa paglalakad at di ko nalang namalayan na umuusad na ang mga sasakyan.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na wala siyang karapatan sabihin sa akin ang mga salitang yon dahil siya naman ang puno't-dulo kung bakit nangyari 'to. Napapikit nalang ako at nagising sa maiingay na busina ng mga sasakyan na nasa likod ng kotse ko. Kaya napatakbo ako kaagad pabalik sa kotse at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Makalipas ng trenta minuto...

Time Check: 12:40 PM

Andito na ako ngayon sa lugar kung saan ginaganap na ang ika-labing walong kaarawan ni Rain. Huli na talaga ako dahil pagkapasok ko nagsisimula na ang programa kung saan nagbibigay na ng mga rosas ang mga lalaking napili para maisayaw si Rain. Hindi ko masyadong nakita si Rain dahil ang daming taong nakapaligid sa kanila at kumukuha ng mga litrato.

Nagliliwanag ang lugar sa kulay ng puti at lila. Di na ako magtataka kung bakit ganito dahil paborito ni Rain ang ganitong mga kulay. Ang mga bisita ay nakasuot ng maskara siguro ito ang tema ng kaarawan niya. May tumutugtog na banda sa harapan at ang kanta ay 'Isn't She Lovely' ni Stevie Wonder.

Sobrang ganda at sobrang pinaghandaan talaga. Nararapat lang 'to para sa isang magandang babaeng minamahal ko.

Dumiretso na ako sa backstage at pumunta sa audio-recording room. Kaya hindi na ako nag-ayos at nag-abala pang magsuot ng maskara dahil sa isang madilim na silid lang naman ako uupo at hanggang tanaw lang din naman ako kay Rain.

"Eugene! Buti dumating ka! Kanina pa kita inaantay dito." Si Alyssa ang sumalubong sa akin at bakas sa mga ngiti niya na parang nagalala siya na baka hindi ako makakarating. Lumapit siya sa akin at nakipag-beso sa akin.

"Pasensya na kung nahuli ako, Aly. Sobrang traffic lang talaga sa SLEX kanina." Ngumiti ako ng bahagya at napatawa naman si Alyssa.

"Ano ka ba, ayos lang! Ang mahalaga nandito ka." Sabi niya at tinapik ako sa balikat. Tumungo nalang ako at pinakilala niya ako sa isang lalaking magaalalay sa akin.

"Sir, upo po kayo dito. Maya-maya pagkatapos ng 18 Roses, 18 Gifts na po. Kasama po kayo dun, Sir." Sabi sa akin ni Lukas. Tumingin naman akong nagtataka kay Alyssa at ngumiti lang siya.

"Sige na ha, maiwan ka na namin." Sabi niya sa akin at hinila niya na si Lukas palabas. Pipigilan ko pa sana pero naisara na niya ang pintuan kaya ito ako ngayon mag-isa sa isang malamig na kwarto.

Akala ko kakanta lang ako, kasama pala ako sa 18 Gifts. Kahit papaano medyo nakakasaya na din kasi magiging parte pala ako ng kaarawan ni Rain ngayon.

Buti nalang at mayroong maliit na monitor dito at nakikita ko kung anong nangyayari sa labas. Sobrang dami pala talagang imbitado.

Pero... May isang babaeng nakapukaw ng mga mata ko.

Yung babaeng ito nakasuot ng napaka-gandang barò. Kulay krema at may disenyong kumikinang na lalo pang nakakapang-agaw ng atensyon. Naka-pusod ang kanyang buhok sa napaka-pormal na paraan at sobrang saya niya habang siya ay sinasayaw ni Ray Allen sa tugtog na 'She Will Be Loved' ng Maroon 5.

Walang iba, kundi si Rain.

Napa-ngiti ako ng bahagya ng makita ko ang ngiti niya. "Matagal-tagal ko ding hindi nakita yan." Mahina kong sabi sa sarili ko. Masakit na makita kong masaya na siya sa piling ng iba. Pero kapag mahal mo talaga ang isang tao, wala kang magagawa kung hindi maging masaya nalang din kung saan siya sumasaya.

Masakit na hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti niya ngayon... Hindi na ako ang laman ng puso niya. Hindi na ako ang lalaking minamahal niya. Wala na talaga, wala na.

Si Ray Allen pala ang huling sumayaw sa kanya dahil nagsalita na ang Emcee. Umupo na si Rain sa kanyang mala pang-reyna na upuan habang inaalalayan siya ni Ray Allen.

Siya na ang humahawak sa mga kamay ni Rain ngayon. Isang taon na ang lumipas, pero tanda ko pa din ang unang beses na hinawakan ko ang kamay niya. Naglaho ang ngiti sa aking mga labi at napalitan ng panghihinayang.

Sunod na ang 18 Gifts. Kinabahan ako bigla dahil hindi ko alam kung pang-ilan ako. Ni wala man lang sinabi si Alyssa sa akin. Nagsimula na ang pamimigay ng mga regalo at mga mensahe. Ilan sa mga kaklase namin dati ay parte din nito. Mabilis na lumilipas ang mga pangyayari─ kasing bilis ng paglaho ng pagmamahal niya sa akin.

Nakita ko nalang na lumapit si Alyssa sa stage. Siya pala ang pang-labing walo na magbibigay ng regalo. Pinaasa na naman ako akala ko talaga kasama ako. Aalis na sana ako ng biglang nagsalita si Alyssa. Napabalik ako sa pag-upo at pinanuod ang nangyayari.

"Good afternoon, guys! Itong regalo ko kay Rain ay sobrang espesyal!" Biglang tumingin si Alyssa sa kinauupuan ni Rain at sinabing, "Para sayo 'to, Bestie! Happy birthday!"

Nagtaka naman ako sa mga sinabi ni Alyssa. Wala naman siyang hawak na regalo o kung ano. Anong espesyal ang itinutukoy nito?

Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya't kinuha ko agad ito sa bulsa ng aking jeans. Nagtext si Alyssa at ang nakalagay, "Kanta ka na."

Nanlaki bigla ang mata ko at napatingin sa monitor. Naka-tingin si Alyssa sa camera at parang sinisenyasan na talaga ako. Seryoso ba talaga 'to? Pagisip-isip ko. Pero nakita kong tumungo si Alyssa at ngumiti.

Napuno ng katahimikan ang kaarawan ni Rain. Miski siya ay nagtataka sa regalo ni Alyssa. Wala nga talaga siyang kaalam-alam sa balak ng kanyang kaibigan. Hindi ko rin talaga alam kung anong naisipan ni Alyssa kung bakit ako pa talaga ang pakakantahin niya.

Pero kinuha ko na ang aking gitara sa lalagyan nito at tinapat sa aking labi ang malitt na mic. Sinumulan ko na ang pagtugtog at bakas sa mukha ng mga bisita ni Rain ang pagtataka.

Inilayo ko na ang tingin ko sa monitor at patuloy kong tinutugtog ang gitara ko.

Para sayo 'to, Rain. Mahal na mahal kita.

"Di mo na Mababawi"

"Ngayo'y aking inuunawang pilit

Mga pagkukulang kong iyong ginigiit

Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang

Ang aking iniintindi."

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba ang nagawa ko. Saan ba ako nagkulang? Saan ba ako nagkamali? Kahit na patuloy mong iginigiit na wala akong nagawang pagkakamali o kulang pero bakit mo ko iniwan? Bakit mo ko hinayaang magisa? Bakit ganon-ganon nalang para sayo ang lahat? Bakit parang wala lang sayo yung pinagsamahan natin? Bakit, Rain? Bakit?

"Nakatanim pa sa'king ala-ala

Pangako mong mananatili ka

Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito

Na ngayo'y bitin na bitin"

Tanda ko pa yung araw na nangako ka na hindi mo ko iiwan.

October 5, 2011.

Pero, June 25, 2012.

Hanggang tingin nalang ako sayo kasama ng mga pangakong naglaho sa abot tanaw.

"'Di mo na mababawi iniwang sakit

Sa mga salitang binitiwan mo

Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda

At siyang unang umiwas

Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?"

Alam mo kung ano ang di ko matanggap? Tinapos mo ang lahat sa iilang salita lamang. Lahat ng alaala, lahat ng ngiti, lahat ng pinagdaanan, lahat ng pinaghirapan natin... Lahat. Iniwanan mo. Binitawan mo. Pero ako, ito pa din. Hanggang ngayon patuloy pa rin na humahawak sa lahat na yon.

Umangal man ako, alam ko pa din na walang magbabago. Lumapit man ako, ikaw pa rin ang lalayo. Magalit man ako, wala na rin namang maibabalik. Ang masakit lang, bakit mo ba ako pinaasa?

"Nasa aking guniguni malamig mong tinig

Kasabay ng hanging na dumarampi

Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid

Tahimik na nagmamasid"

Oo, lagi nalang. Yung boses mo, ewan ko ba. Lagi-laging naaalala ng utak ko. Lalo na nung unang beses mong sinabi na mahal mo din ako, hinding-hindi ko makakalimutan yon. Pero ikaw, limot mo na siguro ang lahat. Wala ng natira pa. Wala ng natirang Eugene, sa buhay mo.

"Di mo na mababawi iniwang sakit

Sa mga salitang binitiwan mo

Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda

At siyang unang umiwas.

Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Nahulog na'ng mga ulap, buwan at araw, mga bituwin

Ang ginugol na panaho'y na saan?

'Di ba't sayang naman?

Giliw yeah yeah yeah yeah"

Sa totoo lang. Minsan, naiisip ko na sana di nalang kita nakita sa plaza ng eskwelahan ko nung kolehiyolo pa ako, sana hindi nalang kita nakilala para hindi na kita nagustuhan at minahal. Minsan, nagsisisi ako kung bakit pa kita minahal, sinayang mo lang kasi ang lahat. At nakaka-gago yon.

Pero, mahal kita eh.

Wala pa ring kwenta lahat ng pagsisisi. Dahil sadyang mahal kita. Mahal kita, kahit na sinaktan mo ako. Oo, alam ko para akong tanga, di pa din makausad. Pero, wala eh. Kahit anong gawin ko, walang kwenta.

Sa bawat sulok ng lugar na nakikita ko, ikaw ang naalala ko. Ikaw lang at wala ng iba.

Ginawa ko na yung sinabi sa akin ni Andrei.

"Para makalimutan mo ang nakaraan, putulin mo ang komunikasyon, itapon mo ang lahat ng alaala, burahin mo yung mga wala ng kwentang larawan kasama na dito ang mga palitan niyo ng mensahe. Baka sakaling makalimutan mo, baka sakaling mawala na."

Pero, wala namang nangyari. Hindi ganun kadali ang paglimot sa taong malaki ang naging parte sa buhay mo. Hindi ganun kadali ang pagbitaw sa taong mahal mo. Pero, bakit siya kinaya niya?

"Ngunit di mo na mababawi iniwang sakit

Sa mga salitang binitiwan mo

Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda

At siyang unang umiwas

Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?"

Narinig ko ang palakpakan ng mga tao. Pero ako, hindi na ako sumulyap pa ulit sa monitor. Kundi, ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko napigilang mapaluha. Napaluha, dahil ang minsang masasayang mga pangyayari ay naging mapait ng alaala ngayon.

Pero hindi naman nila dapat ako palakpakan dahil hindi naman pang-kaarawan ang kinanta ko. Dapat masaya ang kantang inialay ko para kay Rain. Pero anong magagawa ko, kung mismong sarili ko ay hindi naman masaya?

Di ko na kaya. Umiiyak ako dahil ito lamang ang paraan kung pano magsalita ang mga mata ko pag di na kaya bumuka ng bibig ko dahil sa sobrang sakit na nadarama ko.

Sinasabi ng puso ko, tumingin ako sa monitor at tignan kung anong reaksyon ni Rain. Pero ang isip ko, sinasabing tama na. Tama na, dahil di mo na kaya. Tama na, dahil wala ng patutunguhan pa. Tama na, kasi wala naman na talaga. Tama na, kasi matagal ng tapos. Tama na at tanggapin mo na hindi ka na niya mahal at hindi na ikaw ang hinahanap-hanap niya.

Idinilat ko ang aking mga mata na patuloy na lumuluha. Tila bang wala na akong ibang naririnig sa oras na ito. Kundi, ang pag-hikbi na lamang ng puso ko sa katotohanan na sumuko na ang utak ko.

Siguro nga, hanggang dito nalang tayo. Hanggang dito nalang din ako.

Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ng aking mga kamay na minsan mo ng hinawakan at inalalayan. Inilagay ko na sa lalagyan ang gitarang hawak ko na minsan ko na ding ginamit para kantahan ka sa mga panahon na gusto mo pang mapakinggan ang boses ko. Kinuha ko ang cellphone ko kung saan nandoon pa ang larawan na nagpapaalala ng ikaw at ako, na dumating ang panahon na nagkaroon ng "Tayo". Ibinalik ko ito sa aking bulsa, kasabay ng pagtago ko sa aking nararamdaman na binalewala mo lang na parang walang kwenta ang lahat. At tumayo na ako at lilisan na, sa madilim na kwarto na ito. Kung saan ako ay nagiisa at hanggang tanaw na lamang sayo. Kung saan iiwan ko na ang lahat, katulad ng ginawa mong pag-bitaw sa ating dalawa.

Mahal kita, pero hindi pa din pala sapat ang pagmamahal ko.

Minamahal kita, pero hanggang dito nalang.

Mamahalin kita, pero hanggang alaala nalang.

Paalam, Rain.

L8N5V8

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...