The Relationship Code

By iDangs

15.9M 503K 163K

(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butt... More

The Relationship Code
Prologue
Chapter 1: Make her happy
Chapter 2: Mars and Venus
Chapter 3: Okay
Chapter 4: Say You Like Me
Chapter 5: More than enough
Chapter 6: Trouble
Chapter 7: Harana
Chapter 8: Monthsary
Chapter 9: White lies
Chapter 10: Surprise
Chapter 11: Charm
Chapter 12: Birthday
Chapter 13: Emergency
Chapter 15: Pride
Chapter 16: Stress reliever
Chapter 17: Guess who
Chapter 18: Playing the field
Chapter 19: By chance
Chapter 20: GNO
Chapter 21: 5
Chapter 22: Focus
Chapter 23: Christmas Gift
Chapter 24: Untitled
Chapter 25: Taken...
Chapter 26: Talk with the kids
Chapter 27: Triple kill
Chapter 28: Out of love or out of guilt
Chapter 29: Varsity team
Chapter 30: Drinking session
Chapter 31: Confrontation
Chapter 32: Girl talk
Chapter 33: Two reasons
Chapter 34: Confrontation
Chapter 35: Raffle
Chapter 36: Ex and present
Chapter 37: Mess I made
Chapter 38: Just like the old days
Chapter 39: Heart to heart talk
Chapter 40: Calm before the storm
Chapter 41: Post-graduate plans
Chapter 42: Decision
Chapter 43: Jealous
Chapter 44: ...
Chapter 45: Love letter
Chapter 46: Déjà vu
Chapter 47: Wonderwall
Chapter 48: For keeps
Chapter 49: Hello real life
Chapter 50: Reunion
Chapter 51: Group hug
Epilogue
Third Generation and Other Stories

Chapter 14: Charity

228K 8.4K 910
By iDangs


Tamara's Point of View


Kanina pa nagsasalita si Nate pero wala akong naririnig. Maski ang dalawa kong kapatid ay kinakalabit ako pero walang pumapasok sa tenga ko. Isa lang ang nasa utak ko ngayon.


Anong nangyari?


Hindi pa man din tuluyang namamatay ang engine ng kotse ni Nate ay bumaba na ako. Naramdaman ko rin naman ang pagsunod niya kasama ang dalawang kapatid ko.

Nang makapasok ako sa ospital ay hindi ko alam kung ano ang kasunod na gagawin ko. Nagmamadali ako kanina pero ano na ang kasunod. Nasa loob na ako... pagkatapos?


"Tammy, dito. Tara!"


Hindi ko alam ang nangyari basta ang alam ko lang ay hawak hawak na ni Nate ang braso ko at nakahawak sa kamay ko si Tracy.


"Tatay!" sigaw ni Tristan at tumakbo.


Napatingin ako sa direksyon na pinupuntahan niya. Papunta sa magulang ko. Nakahawak si nanay kay tatay. May benda sa braso si tatay pero bukod doon, mukhang ayos naman siya.

Sumunod ako kay Tristan at tumakbo palapit sa kanila, "Ano pong nangyari, 'tay?"

Napakamot siya sa ulo niya at nangingiti, "Katangahan, anak. Ayan, nabalian."


"Grabe ang kaba ko. Akala ko kung ano na po ang nangyari sa inyo."

"Kaya pala hindi na kita makausap kanina. Kung hindi mo pa kasama si Nate baka nag-alala pa ako sa lagay mo, anak," sabi naman ni nanay.

"Ay nako, tita sinabi mo pa. Kanina ko pa nga rin sinasabi kay Tammy na ayos lang si tito kaya lang parang walang naririnig. Maski sila Tristan at Tracy kinakausap siya pero hindi niya pinapansin."


Siniko ko si Nate dahil sa sinabi niya na naging dahilan para matawa sila.

Blangko talaga ako kanina. Wala akong naririnig. Wala akong alam sa nangyayari sa paligid. Basta ang nasa utak ko lang ay sana ayos si tatay.


Hinatid kami ni Nate pauwi. Sobrang pagod na siguro niya kasi pabalik balik siya sa amin. Kaya lang dahil na rin sa lagay ni tatay, mas okay nga na ihatid na lang niya kami. Hindi na ako tumanggi.

Pero bago ko nga pala makalimutan... "Nay, paano ang hospital bills?"


"Nagamit namin ang huling sweldo ng tatay mo para doon."

"Huling sweldo po?"

"Oo, anak. Nagkatanggalan sa trabaho eh. Sa kasamaang palad kasama ako sa nawalan ng trabaho. Pasensya na, anak, ha? Sa halip na magamit natin ang huling sweldo ko sa mga bayarin sa bahay ginamit pa namin siya sa paggamot ko."

"Mas mahalaga naman po ang kalagayan niyo, 'tay. Nakatanggap naman na po ako ng sweldo at may napanaluhan naman po akong contest kaya ayos lang tayo ngayong buwan."

"Hindi naman pwedeng iasa lahat sa 'yo. Nag-aaral ka pa, Tamara. Huwag kang mag-alala, bukas maghahanap na ako ng trabaho."

"Tatanggap na rin ulit ako ng labada," sabi naman ni nanay.

"Mawalang galang lang po at makikisingit sa usapan niyo," sabi ni Nate na ngayon ay nagdradrive. "Kung gusto niyo po, pwede ko kayong pahiramin ng – "


Hindi pa man din natatapos sa pagsasalita si Nate ay sabay sabay na kaming nagpatahimik sa kaniya. Alam na namin ang sasabihin niya. Mag-aalok siya at magpapahiram ng pera sa amin. Ayoko namang lubusin ang kabaitan niya kaya tumanggi na lang kami. Tama na na nandito siya para sa pamilya ko. Naappreciate ko rin na gusto niyang tumulong kaya lang ayoko na umasa kami sa kaniya.

Problemang pamilya 'to. Kaya na namin 'to.


***

Nagbibilang ako ng pera sa kwarto. Nakapagbayad na kami ng kuryente at tubig. May groceries na kami ng isang linggo. May kakaunti pang natira sa pera ko.

Buti na lang at hindi pa kailangan bayaran ang tuition ng mga kapatid ko. Kung sakaling sumabay 'yon baka mabaliw na ako.

Sa ngayon, baon sa eskwelahan, tuition fee ko at mga panggastos sa isang buwan na lang ang problema ko.

Pahiga na sana ako nang may marinig akong nabasag.


"Tracy? Anong ginagawa mo?"


Nakaupo siya sa may sahig at nakatalikod sa akin. Nang humarap siya ay may hawak na siyang mga barya at ilang bente pesos. "Ate, ito ang ipon ko. Sa inyo na lang."


"Tracy..."

"Mag-iipon na lang ulit ako. Wala naman akong panggagamitan niyan."


Hindi ko napigilan ang mapayakap sa kapatid ko dahil sa ginawa niya.

Kaya namin 'to. Kayang kaya namin 'to.


***

"Accept our offer, Tamara," sabi ni Piper at inaabutan ako ng pera.


Nakatambay kami sa fastfood (libre na naman nila).


"Huwag na, Pipes. Kaya pa naman."

"But – "

"Kapag sobrang kinulang na kami lalapit ako sa inyo at kakapalan ko ang mukha ko. Pero sa ngayon huwag na lang muna."


Napabuntong hininga siya at itinago ulit ang perang inaalok niya.


"Hindi ko 'to iaalis sa pagkakaenvelope just in case you change your mind. Anyway, nakahanap na ba ng work ang tatay mo?"

"Hindi pa."


Ang kulit nga ni tatay eh. Sinabi kong magpahinga muna habang may pilay pa siya pero ayaw magpaawat. Naghahanap agad ng trabaho. Sa kalagayan niyang 'yon mas maliit ang chance na matanggap siya.


"Do you want me to – "

"Hindi na. Okay lang, Pipes. Ang dami niyo ng tulong sa pamilya ko. Nakakahiya na."

"Nakakahiya? You don't have to be shy, Tamara. We're friends. Of course we'll be here for you."


Alam ko naman 'yon kaya lang minsan pakiramdam ko ang pabigat ko. Hindi nila pinaparamdam sa akin 'yon kaya lang lagi na lang ako ang tinutulungan nila. Lagi na lang ako ang binibigyan nila. Hindi na ako nakatulong. Hindi na ako nakapagbigay.


"Naappreciate ko. Salamat."

"You'll get through it, Tamara. You have a very wonderful and loving family. Kaya niyo 'yan. Basta we're here lang kung kailangan mo na talaga. We're always here for you."


Talo man talaga pagdating sa pera, bawing bawi naman sa mga taong nakapaligid sa akin. Darating din ang panahon na makakabawi ako sa kabaitan nilang lahat. I can't wait for that day to come.


Umuwi na ako matapos namin kumain at magkwentuhan ni Pipes.

Inabutan ko si nanay na naglalaba habang si tatay naman ay nagbabasa ng dyaryo. Malamang naniningin na naman siya ng mga pwedeng mapasukan na trabaho.

Ako naman ay dumiretsyo sa kwarto at kinuha ang laptop ko. Pinag-ipunan ko ang laptop na 'to galing sa part-time job ko dati sa restaurant ng tita nila Nate. Malaking tulong kung ibebenta ko 'to kaya lang dahil sa trabaho ko ay hindi ko magawang ibenta 'to.


Inupdate ko na lang ang resume ko at nagpaprint sa malapit na computer shop. Kailangan ko nang maghanap ng isa pang part-time job para makatulong sa gastusin sa bahay. Kaya pa naman ng oras ko.

Nang makarating ako sa bahay ay nahalata ko agad na masaya ang magulang ko. Anong nangyari?

Magtatanong pa lang sana ako nang lumapit si nanay at hinawakan ang dalawang kamay ko.


"May nag-alok na ng trabaho sa tatay mo, Tamara!"

"Talaga po?! Saan po?!" Excited na tanong ko.


Nang sabihin nila ang pangalan ng pagtratrabahuhan niya ay nawala ang excitement na nararadaman ko.


"Kila Nate?"

"Oo. Nanghingi kasi ng resume ko si Nate. Sinubukan niyang – "

"Pero 'tay, ang unfair naman kung naipasok lang kayo dahil sa tulong ni Nate."


Naiinis ako. Hindi ko na mapigilan ang inis ko. Noong una nahihiya lang ako kasi ang dami na niyang tulong sa amin pero ngayon nakakainis na. Hindi naman kami charity case. Hindi naman niya kami obligasyon. Kapag ba may problema kami lagi na lang siya tutulong? Lagi na lang siya gagawa ng paraan?

Naaawa ba siya sa amin kaya ginagawa niya 'to?


Itetext ko pa lang sana si Nate para makipagkita pagkatapos ng klase niya pero tinawag na ako ni nanay dahil nandito raw siya.


"Hi, Ta – "

"Mag-usap tayo," sabi ko sa kaniya at sumenyas na sumunod sa akin sa likod ng bahay.

"May problema ba?" tanong niya nang makarating kami sa likod.


Humarap ako sa kaniya at tumango, "Oo. Oo may problema. Hindi ba sabi ko naman sa 'yo na ayos lang kami. Na kaya na namin 'to. Bakit ipinasok mo si tatay sa inyo? Ano na lang iisipin ng mga magiging katrabaho niya? Palakasan? Kaya nakapasok si tatay kasi kilala ka niya? Kasi ipinasok mo siya? Paano kung mapagkaisahan siya doon dahil diyan?"


"Tammy, hindi ko naman kagagawan kaya napasok ang tatay mo."

"So sinong may gawa? Ako? Sila Hailey? Sila Piper? Nate naman. Ang dami mo ng tulong. Pero problema na naming pamilya 'to."


Natahimik si Nate dahil sa sinabi ko. Hindi ko rin naman gustong sabihin 'yon kaya lang naiinis na ako. Hindi ko na rin magawang pigilan ang bibig ko.


"Sorry, Tammy."


Sa halip na sagutin ang sinabi niya ay tumalikod na lang ako. Narinig ko naman ang paglabas ni nanay at sinabihan si Nate na umuwi na lang muna.


"Tamara, hindi maganda ang ginawa mo."

"Alam ko 'nay kaya lang naiinis ako kaya hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko."

"Naiintindihan ko na nahihiya ka kay Nate. Maski kami ay ganoon din naman. Kaya lang ipinasa lang naman ni Nate ang resume ng tatay mo. Wala na siyang ginawa pagkatapos no'n."

"Meron 'nay. Malamang sinabi niya na kakilala niya si tatay kaya natanggap sa trabaho si tatay."


Napabuntong hininga si nanay sa sinabi ko at umiling, "Wala ka bang tiwala sa tatay mo? Wala ka bang tiwala sa kakayahan niya kaya iniisip mo 'yan?" sabi niya at pumasok na ng bahay.

Napaupo na lang ako at napayuko.

Bakit ba mas gumugulo na? Ang gulo gulo na.


***

Sorry, guys, hindi ako nakapag-update kahapon. Hindi lang maganda pakiramdam ko kahapon tapos nasa bahay ako ng lolo ko kanina. Kaya ayan late na. Thanks sa mga nakaintindi. :) Next update is on 23rd. After that wala ng sched kaya hindi na ako makakapagpromise ng mabilisang update. I'll try na lang. No promises. Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

167K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
19.4M 628K 78
What is the happiest and saddest part of my life? Happiest was the moment he opened his beautiful eyes on me. His eyes that captured my heart, those...
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
Sweet Dreams By Ai

Short Story

236K 3.6K 2
What if dream and reality collides? (Completed and Two Shots)