El Filibusterismo (Buod/Pahiw...

Galing kay parsafall

2.3M 5.9K 275

TULONG SA PAG-AARAL: -José Rizal -Kasaysayan -Mga tauhan -Buod ng mga kabanata -Pahiwatig ng bawat kabanata ... Higit pa

NOTE:
JOSÈ RIZAL
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
MGA TAUHAN
Kabanata 1: Sa Kubyerta
Kabanata 2: Sa ilalim ng Kubyerta
Kabanata 3: Ang mga Alamat
Kabanata 4: Kabesang Tales
Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Kabanata 6: Si Basilio
Kabanata 7: Si Simoun
Kabanata 8: Maligayang Pasko
Kabanata 9: Ang mga Pilato
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
Kabanata 11: Los Baños
Kabanata 12: Placido Penitente
Kabanata 13: Ang klase sa Pisika
Kabanata 14: Sa bahay ng mga Mag-aaral
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta
Kabanata 16: Ang kasawian ng isang Intsik
Kabanata 17: Ang perya sa Quiapo
Kabanata 18: Ang mga Kadayaan
Kabanata 19: Ang Mitsa
Kabanata 20: Ang Nagpapalagay
Kabanata 21: Mga Anyo ng Taga-Maynila
Kabanata 22: Ang Palabas
Kabanata 23: Isang Bangkay
Kabanata 24: Mga Pangarap
Kabanata 26: Mga Paskin
Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 28: Pagkatakot
Kabanata 29: Ang huling Pati-ukol kay Kapitan Tiago
Kabanata 30: Si Huli
Kabanata 31: Ang mataas na Kawani
Kabanata 32: Ang Ibinunga ng mga Paskin
Kabanata 33: Ang huling Matuwid
Kabanata 34: Ang kasal
Kabanata 35: Ang Pista
Kabanata 36: Mga Kagipitan ni Ben Zayb
Kabanata 37: Ang Hiwaga
Kabanata 38: Kasawian
Kabanata 39: Katapusan
MAGANDANG MAIDUDULOT NITO:
•Pagkakaiba ng NOLI sa EL FILI•
Mga babae sa mga obra ni Rizal
BUOD (Mula unang kabanata hanggang wakas)

Kabanata 25: Tawanan at Iyakan

49.7K 117 9
Galing kay parsafall


Kabanata XXV
Tawanan at Iyakan

(Buod)




Idinaos ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing–apat sila, kasama si Sandoval. Pinakyaw nilang lahat ang mesa. Ani ng isang paskin: “Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at Pansit sa lupa sa mga Binatang may Magagandang Kalooban!” 

Matatlim ang mga salita ng mga estudyante. Naghalakhakan sila’y pilit at may tunog ng paghihinakit.

Dumating si Isagani. Si Pelaez na lang ang kulang. Ani Tadeo sana’y si Basilio na ang inanyayahan nila sa halip ng impormal na si Juanito. At malala-sing pa raw sana nila si Basilio upang mapagtapat ng mga lihim ukol daw sa nawawalang bata at sa isang mongha.

Nagkainan. Inihandog nila ang pansit-langlang klay Don Custodio. Ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala;lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene ; ang torta’y inukol sa prayle (torta de Frailes). Tumutol si Isagani. May isa raw prayleng di dapat isama sa panunumpa. Tumutol din si Tadeo. Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle; ang pansit gisado ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Ayon kay Makaraig, ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May ibig mag-alay ng pansitkay Quiroga na isa raw sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas. Anang isa naman ay sa Eminencia Negra (Simoun) raw dapat ialay ang pansit.

Pinapagtalumpati si Tadeo. Di ito nakahanda. Nagsimula ito kahit papaano. Sinigawan siya ng mga kasamahan . Gaya daw ang binigkas ni Tadeo. Naghingian ng pagkain. Nahilingan ng talumpati si Pecson. Inatake ni Pecson ang mga prayle. Mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle ang kasama natin.

May nakakita sa utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni Simoun. Nagtiktik ito sa mga estudyante. Ani Makaraig: “Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng panginoon ng Heneral!”

•••

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nagdaos ng piging ang mga estudyante?

Sagot

Patuyang pagsang-ayon sa mungkahi ni Don Custodio, ayon kay Padre Irene, upang ipagdiwang ang pagkakasang-ayon ng Don sa mungkahing paaralan. Maging ang paskin ukol sa kaluwalhatian para kay Don Custodio ay tigib ng panunuya at pagdaramdam.

2. Ilang lahat ang nagdiwang na mga estudyante? Sinu-sinoang mga kilala ninyo?

Sagot

Una’y labintatlo ang mga Pilipino at isa ang Kastila, si Sandoval. Dumating si Isagani, kaya naging labinlima. Labing-anim sana sila nguni’t di dumating si Basilio. Naroon sina Makaraig, Tadeo, at Pecson.

3. Ano ang ibig sabihinni Pecson sa bahagi ng kanyang talumpati na: “...ang langit ay ipinipinid sa mayayaman, kaya’t sila (ang mga prayle), mga bagong sasagip at mga tunay na alaga ng Manunubos ay gumagawa ng iba’t ibang uri ng mga lalang upang gampanan ang inyong mga kasalanan...” Paano pinagagaan ang kasalanan ng mayayaman?

Sagot

Karaniwang itinuturo ng mga pare noon na ang mayayaman ay di nakapapasok sa pinto ng langit at mga prayle lamang ang makapagbubukas niyon para sa mayaman. Paano? Pamisa, panobena, abuloy, at higit sa lahat, pagpapamana ng mga ari-arian ng isang prayle o sa simbahan.


•••

Pahiwatig ng kabanata:

Ang kapasiyahang ginawa ni Don Custodio tungkol sa akademya ay isang katunayang ang kabataan ay hindi binibigyang laya upang gumawa ng mga bagay na ikauunlad ng sarili at ng bayan.

-Makapangyarihan ang mga prayle dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng relihiyon, ng pananampalataya, ay nangyayaring mapasunod at masakop tayo ng lubusan.

---

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

68.1K 376 31
Ito po ang buod ng el filibusterismo sana makatulong sa inyo
M Galing kay Maxine Lat

Historical Fiction

6.6M 294K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...