Iced

Von erinedipity

52.4K 2.2K 1.1K

Iced [n.] - another word for semi; an offspring of a pure blooded Haeglic and a mortal. "Queen Genima the fir... Mehr

« prologue »
one - icy escape
two - convertible
three - inventory
four - mock race
five - plateau
six - mourning
seven - meeting
eight - pierced
nine - clyde
ten - kings and queen
eleven - peaches and pearls
twelve - distraction
thirteen - beautiful dream
fifteen - golden boy
sixteen - carnation
seventeen - council
eighteen - one bottle
nineteen - regal
twenty - inverted crown
twenty-one - queen's job

fourteen - market place

1.5K 70 33
Von erinedipity

          Simula kagabi eye to eye pa rin kami ng digital clock ko. Pasado alas syete na ng umaga pero hindi pa rin ako bumabangon. May klase pa ako ng Leadership mamayang alas otso.

          Buong gabi akong hindi nakatulog. Paano ko ba naman maaatim ipikit man lang kahit saglit 'yung mga mata ko matapos nung nangyari kagabi. Sabi nila kapag iniiyak mo kusa ka na lang makakatulog tapos kahit sandali makakalimutan mo 'yung sakit. Pero wala eh. Lahat ng nararamdaman kong sakit at takot sabay-sabay na dumalaw sa'kin kagabi. 'Yung kay Ark, 'yung pagkawala ng nanay ko, 'yung bigat ng responsibilidad ko sa Haegl, 'yung mga banished Haeglics na gustong angkinin 'yung lupa namin, si Tita Elvir... lahat 'yun parang nag-domino effect sa utak ko.

          Kasabay ng pagpapalit ng minuto ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko. Kung kumatok man 'yung pumasok malamang hindi ko napansin dahil sa pagzo-zone out ko. Narinig ko ang footsteps niya papalapit sa kama ko pero hindi ko pa rin maalis ang mga mata ko sa orasan. Siguro kung may balak sa'king masama 'yung tao madali niya na 'yung maisasakatuparan dahil sa pagwawalang bahala ko.

          "Anak," tawag sa'kin ni Daddy. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama ko kasabay ng pag-upo niya sa gilid 'nun. "May pasok ka pa. Hindi ka pa ba babangon?"

          Hindi rin naman babangon 'yung magtuturo sa'kin. Kilala kasing antukin si Mr. Berges Fell. Eighty years old na siya kaya hindi ko rin siya masisisi kung palagi na lang siyang nakakatulog sa kung saan-saan.

          Ibinaba ko na 'yung digital clock at humarap kay Daddy. Mas lalong umigting 'yung pag-aalala niya sa'kin nung makita niya ang mga luha ko. Agad niya 'yung pinahid gamit ang kamay niya at dinama ang noo ko kung may lagnat ako.

          "Anong problema?" Tanong niya.

          Pinilit kong umupo at isinandal ang ulo ko sa pader. Alam kong hindi siya maniniwala kapag sinabi kong wala kaya mas pinili ko na lang mag-open up.

          "Ngayon lang nag-sink in sa'kin na wala na talaga ang reyna. Noon akala ko ayos lang kasi hindi naman talaga kami naging close pero pagkatapos kong maging busy, kapag oras na ng pahinga, nararamdaman kong may kulang dito," saad ko sabay turo sa puso ko.

          Hindi ganon ka-grabe sa pagdadamdam ni Daddy 'yung ginawa ko nung nawala ang queen. Nakokonsensya ako kasi 'di ba dapat sobra akong malungkot pero hindi ko rin naman masisisi 'yung sarili ko kasi hindi naman talaga kami nag-bonding sa buong buhay ko. Kung matatawag na bonding 'yung mga paunti-unting lessons na binibigay niya sa'kin tuwing magkasabay kaming mag-dinner, 'yun na 'yun. Pero kahit anong ilap niya sa'kin noon, sa huli't huli nanay ko pa rin siya. May maiiwan at maiiwan pa rin siyang napakalaking crater sa buhay ko.

          "Kung nasaan man siya ngayon sigurado akong ipinagmamalaki ka niya. Hinaharap mo na 'yung mga responsibilidad mo at ipinagpapatuloy mo na 'yung mga nasimulan niya," pahayag ni Daddy.

          "I don't think so, Dad. Hindi pa nga ako nakakaupo sa dati niyang upuan may problema na kaagad. Pilit ko ngang iniisip kung ako si Queen Genima ano bang gagawin ko kung may mga banished Haeglics na nagbabantang kunin 'yung nasasakupan ko pero wala. Kailangan ko na talagang tanggapin na kahit kailan hindi ako magiging kasing galing niya," pagvi-vent out ko ng frustrations ko.

          "Hayaan mo munang si Sir Audun ang mag-alala sa mga rebeldeng 'yun. Tapusin mo muna 'yung training mo. Sigurado akong magiging magaling ka ring reyna katulad ni Gen."

          Kahit anong sabihin ni Daddy hindi pa rin maalis 'yung mga pangamba ko. Nandito na naman ako sa stage na gusto kong maglayas na umalis na lang at iwanan ang lahat-lahat. Gusto kong tumakas. Gusto kong tumalon ng dagat para mawala na lahat-lahat. Alam ko, alam kong mali pero sobra-sobrang pressure at sobra-sobrang lungkot na 'yung nararamdaman ko pakiramdam ko sasabog na ako.

          "Ibigay ko na lang kaya 'yung korona kay Tita Elvir?"

          Nakita ko ang galit sa mga mata ni Daddy pagkatapos nung sinabi ko. Tinignan niya ako na parang nainsulto ko siya. Hindi ko inaasahang makikita ko ulit 'yun sa kanya pero siguro sumobra na talaga ako. Siguro nakita na niyang binabaliwala ko 'yung effort niyang pagaanin ang loob ko.

          "Kapag umalis ka baka maintindihan ka pa ni Gen pero sa oras na ibigay mo ang korona sa kapatid niya siguradong hinding-hindi ka niya mapapatawad. Sisirain niya ang Haegl. Kahit sino na lang huwag lang siya," pakiusap niya. Bumalik na rin ulit 'yung kalmado niyang aura.

          "Kukunin din naman niya sa'kin 'di ba? Hindi ko alam kung paano pero—"

          "Hanggang salita lang siya. Kung hindi mo siya hahayaang kunin 'yun sa'yo, wala siyang magagawa. Cari, the crown is your birthright. Haegl is yours. I want to hear you say it."

          Huminga ako ng malalim at ginawa ang gusto ni Daddy habang nakatingin sa mga mata niya. "Haegl is mine."

          But then words are just words. Sinabi ko man 'yun, hindi ko naman naramdaman.

          Nakakainis. Kung alam ko lang na ganito 'yung magiging epekto ng pagdalaw ko kay Ark eh 'di sana hindi ko na lang ginawa.

          Ark...

          Naalala ko ulit tuloy 'yung nangyari kagabi. Naisip ko, paano kaya kung, paano kaya kung hinalikan ko siya pabalik? Paano kung hinayaan ko 'yung sarili kong sundin kung ano talaga 'yung gusto ko? Mas maayos kaya? Mas masaya? Hindi ko ba mararamdaman 'tong ganitong lungkot?

          On the lighter side, napatunayan kong hindi na ako ganun ka-selfish. Kasi kung ako pa rin 'yung Cari noon na mas piniling umalis ng Haegl kesa mag-training, siguro sinunod ko na 'yung sinasabi ng puso ko. Pero hindi. Nagiiba na ako kahit kaunti. Maganda naman 'yun 'di ba?

          "May iba pa bang gumugulo sa'yo?"

          Umiling na lamang ako habang tinitignan ang mga kuko ko.

           "Bumisita ako rito kagabi. Sabi ng mga knightguards mo pumunta kang Knights' Base," sabi ni Daddy.

          Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Pilit kong niyuyuko ang ulo ko para hindi makita ni Daddy. Pinupunasan ko rin agad bago pa tuluyang pumatak. Kahit hindi ako tumingin sa tatay ko nararamdaman ko 'yung tingin niya. Nararamdaman kong naaawa siya sa'kin.

          "I'm sorry. Kung hindi sana ako ang naging ama mo pwedeng-pwede kayo—"

          "Daddy," pagsaway ko sa kanya. "Kahit kailan hindi kita sinising naging Iced ako. At kung papipiliin ako ng ibang tatay hindi ko gagawin kung wala ka run sa choices."

          Alam kong hindi patas ang mundo sa lahat. Pwedeng magmahal ng kahit ano ang mga pure Haeglics, kami naman immuned sa Liarde's touch. May kanya-kanya kaming hindi pwedeng gawin. Kailangan lang naming tanggapin 'yun at gamitin sa sarili naming advantage.

          Nginitian lang ako ni Daddy pero nandun pa rin 'yung awa sa mga mata niya. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko atyaka na tumayo at hinalikan ako sa noo.

          "Magbihis ka na. Late ka na sa training mo," saad niya bago tuluyang lumabas ng pinto.

          Kahit hindi ako emotionally okay, kailangan kong um-attend sa lesson ko. Wala eh. Ito na 'yung pinili ko. Kahit ang totoo gustong-gusto kong tumakbo papuntang Knights' Base. Papunta kay Ark.



          Sa daan ko papuntang Academy, may isang taong nakaagaw ng atensyon ko. Papunta siyang Knights' Base sakay-sakay ng isang wheelchair na itinutulak ng asawa niya. Tandang-tanda ko pang ipinagawa ko kay Halvar 'yung wheelchair na 'yun para ibigay sa kanya. Tinawag kasi niya ako noong 'she-devil' kasi inilalayo ko ang anak niya sa totoong pangarap niya. Orion Uriel, tatay ni Ark.

         Ang sabi ni Ark sa'kin noon, nung nagti-training pa lang ang tatay niya para maging knight, aksidente siyang nahulog sa hagdan ng Watch Tower kung saan siya na-assign. Nang dahil 'dun parehong nalumpo ang mga paa niya. Hindi na siya naging knight kaya binigyan siya ng trabaho bilang taga-linis ng mga armor at armas dahil 'yun na lang ang kaya niyang gawin gawa nga ng palagi na lang siyang nakaupo.

          Dahil sa hindi natupad na pangarap ng ama niya, si Ark 'yung pinilit niyang magtuloy 'nun. Ark wanted to be a soldier. But he wanted a family. He wanted me. Kaya nga kami naging mas close noon eh kasi pareho kaming pinipilit gawin 'yung mga ayaw namin. Naalala ko pa noon, sabi niya pagkatapos ng high school, hindi niya susundin 'yung ipinipilit ng tatay niya. Itatakas niya raw ako. It's either tumira kami sa Ashwood o magtago sa White Woods. Bata pa kami noon. Hindi pa namin gaanong nararamdaman na mas malakas 'yung realidad sa mundong ginagalawan namin kesa sa mga pangarap namin.

          Nakakatawang isipin na gustong-gusto ako ng mga magulang ni Clyde samantalang tingin naman sa'kin nung nanay at tatay ni Ark eh demonyita. Napailing at natawa na lang ako sa ideyang 'yun.

          


          Nagsisisi akong bumangon pa ako para sa lesson na 'to. Ano bang balak ituro sa'kin ni Mr. Berges? Kung paano matulog sa classroom? Pagkabukas ko pa lang kasi ng pinto nadatnan ko na siyang tulog sa mesa. Wala rin siyang dalang libro o kahit ano. Talaga nga atang inaasahan niyang matutulog lang siya.

          Nilapitan ko ang teacher ko sa Leadership at mahinang niyugyog. Naaawa ako sa kanya kasi mukhang antok na antok talaga siya pero mas naaawa ako sa sarili ko dahil kapag hindi niya ako tinuruan magmumukha akong unggoy na nakaupo sa trono dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

          Matapos ang ilang ulit kong pangi-istorbo sa kanya, iminulat niya rin ang mga namumuti niyang mga mata at tumingin sa'kin.

          "Klase na po natin. Turuan niyo na po ako," mahinahon kong sabi sa matanda.

          "Hindi mo na kailangan. Nasa dugo mo na ang pagiging leader," grumpy niyang sagot atyaka ulit bumalik sa pagtulog.

          Wala akong nagawa kundi ngumanga. Grabe. Bakit ba siya ang pinili ng reyna noon na magturo sa'kin? Wala pa nga akong natututunan sa kanya simula pa noon kaya nagaalala na talaga ako.

          Bago ko pa siya gisingin ulit eh nakarinig ako ng katok sa bintana ng classroom. Napatingin ako run at nakita ang ngiting-ngiting si Clyde. Kumaway pa siya sa'kin nung makita niya ako. Sinenyasan niya akong lumapit sa bintana kaya 'yun ang ginawa ko.

         "Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko pagkatapos kong mabuksan 'yung bintana.

          "I'm here to save you, princess."

          "Baliw. May klase ako."

          "Tinuturuan ka na niyan sa panaginip kaya halika na," sabi niya sabay hila sa kamay ko.

          Tinignan ko ulit si Sir Berges. Mukhang sarap na sarap naman siya sa pagtulog at naghihilik pa. Hindi ko rin naman inaasahang magigising siya kaagad kasi alam kong buong araw na naman siyang matutulog. Atyaka para namang pagagalitan niya ako kapag nalaman niyang wala ako sa klase. Baka nga pasalamatan pa niya ako kasi hinayaan ko lang siyang matulog.

          Tinulungan ako ni Clyde makaalis sa classroom gamit nung bintana. Nasa unang palapag kami kaya hindi ganun kataas 'yung kinailangan kong talunin.

          "Saan mo ba ako gustong dalhin at tinakas-takas mo pa 'ko?" Naiirita kong tanong.

          To be honest, nagpapasalamat akong ginawa 'to ni Clyde kasi baka maiyak na lang din ako run sa classroom. Syempre iisipin ko na naman 'yung nangyari kagabi tapos 'yung mga iba ko pang problema. Kailangan ko ng distraction. Kaya Clyde, go live up with your reputation.

          "Actually, ikaw sana dapat ang magpapasyal sa'kin," saad niya sabay pakita ulit nung pang-toothpaste commercial niyang ngiti. Nakatanga lang akong nakatingin sa kanya kasi hindi ko gets 'yung ibig niyang sabihin. "Gusto kong pumunta ng Market Place."

          "Gaano ka na ba katagal sa Ashwood para makalimutan mo ang mga pasikot-sikot dito sa Haegl?" Tanong ko.

          "Well, matagal-tagal na rin. Actually, that same week when you returned here because of your mother..." napahinto siya dahil alam niyang sensitibong topic ang pagkamatay ng reyna pero tinanguan ko lang siya para ituloy niya na 'yung sasabihin niya. "I went here that week. You know, I was running out cash so I have to get some jewelries from my mom."

          Sabi ko na nga ba nakita ko siya rito noon eh. Nung muntik na akong mamatay dahil dun sa ice choker ni Tita Elvir. Akala ko nagha-hallucinate lang ako pero totoo pala.

          Hindi ko na binanggit sa kanya ang pangyayaring iyon. Gusto ko na rin kasing kalimutan.

          "So nagnanakaw ka?" Tanong ko. Sinimulan na naming maglakad papuntang Market.

          "Yep. It's okay. Mom has a lot of golds and diamonds. She won't notice. Besides I need to live so she'll understand," kwento niya. 

           "'Yun ba ang dahilan kaya maayos pa rin ang pamumuhay mo sa ibaba?"

          Dumaan kami sa short cut kaya napadali ang pagpunta namin sa Market. Nakarating din kami run matapos ang ilan pang malalaking hakbang.

          "Nung nagdesisyon akong dun na tumira, kinuha ko 'yung tatlong pinakamahal na alahas ni Mommy. Sa tatlong 'yun nakabili na ako ng isang maliit na bahay, 'yung secondhand kong sasakyan, at nakapagbayad ng buong tuition. Ayoko ng bumalik dito kasi baka mahuli na nila ako kaya naisipan kong sumali sa mga drag racing para ma-suportahan ang sarili ko."

          "Paano ka natutong magmaneho?" Tanong ko.

          Wala naman kasing sasakyan sa Haegl. Lahat walking distance. Maliban na lang sa White Forrest na kailangan mong lakarin ng ilang oras para mapuntahan.

          "I had this babysitter before. She was a mortal but her husband was a pureblood. Kinukulit ko siya dating isama ako kapag bumababa siya. Siya ang nagturo sa'kin ng lahat ng alam ko sa mortal world," sagot niya. Habang kinikwento niya 'yun sa'kin nakangiti siya na parang nakikita niya ulit sa harapan niya 'yung babysitter niya.

          "Nasaan na siya?"

          "Dead," napakaikli niyang sagot atyaka na mas binilisan ang paglalakad kaya nahuli ako.

          Nakonsensya akong ipinaalala ko pa sa kanya 'yun kaya tumakbo ako para maabutan siya at hinila siya papunta sa stall ni Van.

          Kailangan kong huminto sa tapat ng stall para tumawa. Doon ko lang kasi napansin 'yung sinasabi ni Jules noon na tumaba na si Van. Halata kasi 'yung pag-umbok ng tyan niya lalo na run sa suot niyang puting apron. Sinamaan agad ako ng tingin ng panadero nung nakita niya ako. Lumapit ako sa kanya para makita ng malapitan 'yung tyan niya.

          "Ayos talaga, Van. Palusot mo lang ata 'yung walang bumibili sa inyo kaya ikaw ang kumakain nung paninda niyo eh. Baka kasi kaya walang bumibili kasi kinakain mo lahat at wala kang tinitira," pangangantyaw ko.

          "Sige lang, Cari. Tawa pa. Hindi naman ako 'yung mawawalan ng croissant eh," sabi niya sabay kagat ng pagkalaki-laki sa isang croissant.

          Syempre bilang isang masugid na tagahanga ng katakam-takam na croissant ng mga Royce (pamilya ni Van), hindi ko naiwasang maglaway.

          "Teka nga punasan mo muna 'yang laway mo. Sino ba 'yang dinala mo rito? Kasama mo ba 'yan?" Tanong ni Van.

          Nang dahil sa croissant nakalimutan kong nasa likuran ko pala si Clyde. Agad ko siyang ipinakilala kay Van. Nagtanguan naman silang dalawa. Sinabi ko ring Noe siya kaya medyo umayos ng tindig si Van. Mayaman ang mga Noe kaya kahit sino sa Haegl ayaw silang i-offend.

          "Ito libre na para sa'yo," wika ni Van sabay abot ng isang croissant kay Clyde. Agad naman akong napanganga dahil hindi ako makapaniwalang binigyan siya ni Van samantalang ako na gutom na gutom na sarili niyang kaibigan hindi niya man lang mahatian.

          "Hindi. Babayaran ko na lang. Magkano ba?" Tanong ni Clyde.

          Wala kahit sino sa Market Place ang tumatanggi sa pera. Kaya kung binigay sa'yo ng libre pero gusto mong bayaran, masaya 'yung tatanggapin nung nagbibenta.

          "Sampung ulo ng makasalanang hari," sagot ni Van.

          In other words (na hindi baryotik gaya nag pagkakasabi ng bilugang si Van), ten pieces of bronze coin na may naka-stamp na ulo ni King Alric.

          Pinanuod ko silang magbayaran. Hinihintay ko pa rin kung bibigyan ako ni Van pero nagaasikaso na siya ng ibang customer.

          "Nasaan 'yung akin?" Tanong ko sa kaibigan ko.

          "Isigaw mo munang may abs ako," sabi ni Van sabay ngisi.

          Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Van. Feeling ko pinaglalaruan niya lang ako pero walanghiya siya. Wala akong hindi gagawin para sa croissant.

          "May abs si Van!" Sigaw ko. Halos lahat ng tao at nagtitinda sa Market napatingin sa'kin. Tinignan nila ako na parang may sira ako sa ulo. Nice, wala na akong dignidad. Paano pa ako gagalangin ng mga 'to 'pag queen na ako?

          "Narinig niyo 'yun? Galing na mismo sa future queen ng Haegl!" Sigaw naman ni Van atyaka tumawa at kinindatan pa ako. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at inirapan.

          Sa wakas eh ibinigay niya na rin 'yung tanging dahilan kung bakit pa rin kami magkaibigan pagkatapos ng kahihiyang idinulot niya sa'kin. Croissant.

          Hinila ko na si Clyde na hanggang ngayon ay tawang-tawa pa rin sa ginawa ko. Inilibot ko siya sa Market Place na parang turista. Kung ano-anong mga pagkain ang binili niya pero hindi naman ako nag-complain kasi nililibre niya rin ako.

          Kung ano-ano pang katarantaduhan ang ginawa ni Clyde. Hindi ko alam kung ngayon lang ulit siya nakalabas ng kwadra niya kaya para siyang batang sabik na sabik subukan ang iba't ibang bagay.

          Habang nagsasaya si Clyde, ako naman pilit na itinatago ang lungkot ko. Kung saan-saan nga ako tumitingin kasi umaasa akong biglang lilitaw si Ark tapos pagagalitan na naman ako dahil sa pagsama-sama ko kay Clyde. Pero kahit halos mapigtas na ang ulo ko sa kakalingon, ni anino niya hindi ko pa rin makita. Nag-aalala tuloy ako na baka kahit kailan hindi ko na siya makita. Baka habang buhay niya na akong iwasan.

         "Kanina pa nakatingin sa'yo 'yun o," biglang sabi ni Clyde.

          Agad akong nabuhayan ng loob. Napatalon pa nga ata 'yung puso ko dahil sa excitement.

          "Saan? Sino?" Energetic kong tanong habang tumitingin-tingin kung saan.

          "Ayun o," sabi ni Clyde sabay turo sa kung saan. Nung tinignan ko eh si Jules lang pala na nagbabantay sa stall nila.

          Biglang bumagsak 'yung energy ko. No offense kay Jules pero akala ko talaga si Ark na 'yung tinutukoy ni Clyde.

          Lumapit kami sa stall ni Jules. Puro bulaklak 'yung binibenta nila at hindi ko alam kung bakit pero mabentang-mabenta 'yun sa mga Haeglics. Importante ata talaga sa kanilang magmukhang maganda 'yung mga bahay nila.

          "Uy Carita! Sino 'yang kasama mo? Bago mong body guard?" Kantyaw ni Jules.

          Nung tumawa si Jules hindi ko na rin napigilang matawa. Hindi dahil sa sinabi niyang mukhang body guard si Clyde kundi ininsulto niya lang naman 'yung kapatid ng babaeng gusto niyang pormahan. Nice one, J.

          Tumingin ako sa gawi ni Clyde. Hindi na ako nagulat nung makita ko siyang masama ang tingin kay Jules. Syempre ang pogi-pogi at ang yaman-yaman mo tapos masasabihan ka lang na body guard? Atyaka naangasan din siguro siya sa ugali ni Jules. Ramdam kita, Clyde. Don't worry.

          "Ipakilala mo nga sarili mo," payo ko kay Clyde.

          "Clyde Noe," seryosong sabi ni Clyde.

          Pinanood kong magbago ang expression ng mukha ni Jules. Para akong nanunood ng comedy show dahil sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya, napanganga, at ito pa, namula. Palagay ko nagi-imagine na siya ng mga kung ano-anong hindi naman mangyayari. Tulad ng baka ikwento siya ni Clyde sa ate niya. Kilalang-kilala ko na sina Jules at Van na kahit imaginations nila kabisado ko na.

          Sumaglit ng tingin sa'kin si Jules. Para kaming nagusap mata sa mata. Para kong sinabing kapatid siya ni Laurice at para na rin niyang sinabing holy shit.

          "N-Noe?" Nauutal na pagkakasabi ni Jules.

          "Future brother-in-law no more," bulong ko. Palagay ko naman eh hindi narinig ni Clyde kasi masama pa rin ang tingin niya kay Jules.

           "Jules nga pala, pare. Sorry. Kumusta? Kumusta kapatid mo?" Sunod-sunod na wika ni Jules.

          Agad namang napakunot ng noo si Clyde dahil sa pagkabanggit sa ate niya. Bago pa mas lalong palalain ni Jules ang sitwasyon, inilayo ko na ang future brother-in-law niya sana mula sa stall nila.

         Nung matapos naming puntahan 'yung mga stalls, nagtuloy-tuloy kaming naglakad papunta sa open ground. Malayo sa mga tao. Nagtaka ako kasi ang tahimik niya. Pati kanina nung pinapakilala ko siya sa dalawang ulupong na tinatawag kong kaibigan. Akala ko nga makikipaglokohan din siya sa kanila kasi medyo may pagkakapareha ang ugali nilang tatlo pero ayun nga, mukha atang may dinaramdam din siya.

          "Okay ka lang?" Tanong ko.

          "You know, I have to tell you this. I asked you to come with me so that we could spend some time together... before I go away, again."

          "Ano?"

          "I'm going back, Cari, to Ashwood."

          Sandali kong nakita ang sarili ko kay Clyde. Ganyang-ganyan din ako nung unang beses akong tumakas sa Haegl. 'Yung desperation na nasa mata niya nasa akin din nung mga panahong 'yun.

          Akala maiintindihan ko 'yung pinaghuhugutan niya kasi nanggaling na rin ako sa posisyong 'yun pero hindi eh. Imbes na suportahan ko siya nainis lang ako. Hindi niya alam kung ano 'yung iiwan niya rito.

          "Pero nandito ang pamilya mo," pagrarason ko.

          "Kaya nga ako aalis eh," sabi ni Clyde atyaka natawa ng mapait.

          "Bakit? Mabait naman sila ah. Atyaka mahal ka nila."

          "You don't know them like I do."

          Inalala ko 'yung araw na nakisalo ako sa mga Noe. Maayos naman silang kasama. Maayos naman 'yung pakikitungo nila kay Clyde. Wala akong nakikitang dahilan para umalis siya. Ang ganda-ganda ng buhay niya rito pero hindi ko alam kung bakit kaya niya 'yung iwanan lahat.

          "There's a world out there for me. I want to see all of it. I want to explore it. I don't want to be stuck here in this frozen hellhole. Sigurado akong naiintindihan mo rin ako kasi 'yun naman ang dahilan kung bakit ka naglayas noon 'di ba?"

          Pilit kong ibinabalik 'yung dating Cari. 'Yung handang gawin ang lahat maka-alis lang ng Haegl. 'Yung mas pipiliing tumalon na lang sa dagat kesa harapin 'yung mga responsibilidad niya. Pero hindi ko alam kung ano ng nangyari sa kanya kaya hindi ko na siya mapabalik. Siguro kasi natuto na ako. Siguro kasi ang bigat-bigat pa rin ng konsensya ko dahil sa nangyari sa nanay ko.

          Kaibigan ko si Clyde. Ayokong mangyari sa kanya 'yung nangyari sa'kin. Ayokong maramdaman niya 'yung naramdaman ko noon nung nalaman kong wala na 'yung isa sa mga taong mahalaga sa'kin. Ayokong pagsisihan niya 'yung gagawin niya. Ayokong sisihin at parusahan niya rin 'yung sarili niya gaya ng ginagawa ko sa sarili ko ngayon.

          "Naglayas ako noon kasi natatakot ako sa responsibilidad ko. Pero ikaw? Anong tinatakasan mo? Nandito ang pamilya mo, Clyde. Mahal ka nila. Paano kapag nangyari sa kanila 'yung nangyari sa nanay ko? Paano kapag habang naglalakad ka sa ibaba may bigla na lang tumapik sa'yo at sabihing patay na ang mga magulang mo? Hindi mo alam kung anong iniiwan mo rito—"

          "Fuck, Cari! You don't understand! If you don't wanna support me, then fine! But don't tell me I don't know what I'm doing because I do!" Katulad ng inaasahan ko, nag-walk out din siya. Bakit ba ang hilig mag-walk out ng mga tao sa'kin?

          Naiinis ako sa sarili ko kasi alam kong may iba pang dahilan kung bakit ayokong umalis si Clyde. Ayaw ko siyang umalis kasi naiinggit ako. Kasi siya pwedeng umalis kahit kailan niya gustuhin. Wala siyang mabigat na responsibilidad gaya ng meron ako. Katulad niya, gusto ko ring i-explore 'yung buong mundo. Hindi lang Haegl.

          See? This is why I will never be a good queen. I am selfish and sadly, there's no cure for this kind of curse.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

2.4M 185K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
51K 2.1K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
4.5M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...