El Filibusterismo (Buod/Pahiw...

By parsafall

2.3M 5.9K 275

TULONG SA PAG-AARAL: -José Rizal -Kasaysayan -Mga tauhan -Buod ng mga kabanata -Pahiwatig ng bawat kabanata ... More

NOTE:
JOSÈ RIZAL
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
MGA TAUHAN
Kabanata 1: Sa Kubyerta
Kabanata 2: Sa ilalim ng Kubyerta
Kabanata 3: Ang mga Alamat
Kabanata 4: Kabesang Tales
Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Kabanata 6: Si Basilio
Kabanata 7: Si Simoun
Kabanata 8: Maligayang Pasko
Kabanata 9: Ang mga Pilato
Kabanata 11: Los Baños
Kabanata 12: Placido Penitente
Kabanata 13: Ang klase sa Pisika
Kabanata 14: Sa bahay ng mga Mag-aaral
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta
Kabanata 16: Ang kasawian ng isang Intsik
Kabanata 17: Ang perya sa Quiapo
Kabanata 18: Ang mga Kadayaan
Kabanata 19: Ang Mitsa
Kabanata 20: Ang Nagpapalagay
Kabanata 21: Mga Anyo ng Taga-Maynila
Kabanata 22: Ang Palabas
Kabanata 23: Isang Bangkay
Kabanata 24: Mga Pangarap
Kabanata 25: Tawanan at Iyakan
Kabanata 26: Mga Paskin
Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino
Kabanata 28: Pagkatakot
Kabanata 29: Ang huling Pati-ukol kay Kapitan Tiago
Kabanata 30: Si Huli
Kabanata 31: Ang mataas na Kawani
Kabanata 32: Ang Ibinunga ng mga Paskin
Kabanata 33: Ang huling Matuwid
Kabanata 34: Ang kasal
Kabanata 35: Ang Pista
Kabanata 36: Mga Kagipitan ni Ben Zayb
Kabanata 37: Ang Hiwaga
Kabanata 38: Kasawian
Kabanata 39: Katapusan
MAGANDANG MAIDUDULOT NITO:
•Pagkakaiba ng NOLI sa EL FILI•
Mga babae sa mga obra ni Rizal
BUOD (Mula unang kabanata hanggang wakas)

Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan

71.8K 172 10
By parsafall

Kabanata X
Kayamanan at Karalitaan

(Buod)



Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ito’y nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas. 

Ipingmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at asawa nito, Si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan.

Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisisp niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun, nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa bisperas pa naman ng araw ng kanyang pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon ay sapat nang pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na niyang ama. Wala namimili isa man sa mga nagsitawad sa mga luma ang makasaysayang alahas ni Simoun.

Inilibas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina Sinang at iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas, ani si Simoun. Tinanong si Kabesang Tales kung may may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang nagmongha. Limandaang piso. O ipagpalit ng Kabesa sa alin mang hiyas na maibigan niya. Nag-isip si Kabesang Tales. Ani Hermana Penchang ay di dapat ipagbili iyon dahil minabitu pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isinangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango si Simoun. 

Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang bagong gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang kanyang asawa na kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at nangagtatatwanang inaglahi ang kanyang pagkalalaki. Bumalik ng bahay si kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na di niya nakausap ang anak.

Kinabukasan, wala si Kabesang Tales. Gayundin ang rebolber ng mag-aalahas-wala sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakahuha ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mgas tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito. Ani Simoun-sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan: Pangahas ngunit mabuti nga ito-marunong tumupad sa mga pangko.

Dinakip ng mg a guwardiya sibil si Tandang Selo. Natutuwa si Simoun. Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon. Ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay nagkaroon ng madugong pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.

•••

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit kina Kabesang Tales nanuluyan si Simoun? 

Tugon

Ayon sa sabi ng mag-aalahas, iyon ang pinakamaliki at pinakamasinop na bahay sa pook na iyon. Ang tunay na layunin ni Simoun ay makilala nang lubusan si Kabesang Tales na sa balita niya sa mga nangyari rito ay maaaring isang taong akma para sa balak niyang maghiganting paghihimagsik. 

2. Bakit natuwa si Simoun sa ginawa ni Kabesang Tales ng pagkuha ng kanyang baril?

Tugon 

Nakilala niya ang pagkalalaki ang pagkamaginoo ni Kabesang Tales. Ipinalit pa sa rebolber ang agnos na ayaw sanang pakialaman dahil walang pahintulot ang anak. Nakita niya sa kabesa ang isang taong hinog ang dibdib sa init ng kanyang paghihiganti. Ito ang kailangan niyang makasama sa kanyang paghihimagsik.

3. Bakit natuwa pa si Simoun ng dakpin ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo?

Tugon 

Lalong maglalatang ang galit ni Kabesang Tales at lalong mapapadali ang paghimok niya rito upang maghimagsik.


•••

Pahiwatig ng kabanata:

-Ang isinasama ng mga mamamayan ay nasa mga taong namamahala.

-Ang mga Pilipino’y handang magbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang karapatan.

---

Continue Reading

You'll Also Like

906K 3.3K 20
Itong script na ito ay hindi sakop yung buong kabanata, bale 20 chapters lang ito. Ang original kasi na kabanata ng Noli Me Tangere na gawa ni Dr. Jo...
31.9M 814K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
239K 847 27
Highest rank #1 in classic For study purpose so guys hope you enjoy.
1M 1.6K 38
This book was made 2015 as a project for Sagad High School, Pasig City. I did not write this, my classmate Arnie Celeste did and I only serve as it's...