My 3 Days Boyfriends (M3DB)...

Galing kay MizBiz

2K 17 3

Dahil sa super duper na experience ng mom at ate niya sa relationship sa mga lalake,, Ayaw na ni Anya magkaro... Higit pa

My 3 Days Boyfriends (M3DB)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day1: part1)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day1: part2)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day1: part3)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day1: part4)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day2: part2)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day2: part3)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day3: part1)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day3: part2)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day3: part3) - end of episode 1

EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day2: part1)

103 1 0
Galing kay MizBiz

<start of Day 2>

Nakatingin sakin si Peter,,

Then tiningnan niya ule yung ginawa kong Essay,,

Grabe daig ko pa ang sinesentensyahan,, kakaiba pala feeling pag ang nagchecheck ng essay mo eh taong top sa buong campus. Pero syempre wala na siya masasabi dyan eh lahat naman yan eh galing sa internet,,, kaya tiyak wala siya malalait o mamamali dyan..

"Umm Anya,, Maayos naman,,,"

Tumingin ako kay Peter at nagsmile,,, alam kong akin ang huling halakhak,,, sasabihin niyang,, wow nagawa mo tong lahat ng to? pupurihin niya ako at syempre baka sambahin pa niya ako tapos ipapagawa ako ng rebulto sa sobrang henyo ko.. (oo na.. exag na masyado ako..)

Nagdito kame sa may Library,, di ko alam bakit pero dito gusto makipagkita ni Peter,, eh feel ko nga sa tagal na tagal ko dito sa campus eh ngayon lang ako nakatapak sa library namen, at wow.. may library pala kame,, sabe niya,, ito daw ang favorite place iya,,, relaxing daw at matahimik,, at sure daw siya na magugustuhan ko dito kasi daw madaming book at madami daw akong choice na pagaaralan if ever may gusto ako pagaralan, ( ahem clear ko lang,, 'IF EVER MAY GUSTO AKONG PAGARALAN' meron ba ditong book kung saan tuturuan ka pano makipagdeal sa manliligaw na sobrang talino) , ika nga sa kanya,, ito daw ang best place in worlds kasi puno daw ng learning,, damn? ano maganda dito? di ka nga ata nasisikatan ng araw dito tsaka walang ibang pwedeng makita,, napakatahimik at super nakakatamad ng environment. sa madaling salita,,, nakakabaliw dito..

"kaso.. may mga bagay kang di nabanggit na importante,, pero dont worry aayusin ko to"

Nawala yung smile ko sa muka,, DI pa pala yun ayos sa knaya,, pinagkahirapan ko kaya yun,, well actually di masyado kasi copy paste lang naman yan lahat sa Computer,, pero nakakabaliw kaya ang maghanap ng maghanap sa internet ng icocopy..

NIlagay ni Peter yung essay ko sa bag niya at tumingin sakin ule,,

"So Mayang lunch pwede bang sabay tayo? dont worry treat ko.."

"Lunch,, okay...  ayos lang"

"Nabasa mo ba yung binigay ko.ano masasabi mo?."

Aww.. konti lang binasa ko dun,, Ano ba naman yun,,, gagawa ng loveletter eh daig pa ang pang maalala mo kaya sa sobrang haba,, ano sasabihin ko,, na di ko binasa kasi sobrang nakakatamad? haaaist.. baka naman magtampo to.. o sige sa mga ganitong pagkataon eh ayos lang siguro ang maglie, ayoko naman na masaktan siya kasi di ko binasa,, nageffort din naman kasi siya...

"Ahh yung loveletter mo? umm ayos naman siya,,"

Ano ba naman yun.. makatarungan ba naman na ang isagot ko ay  "ayos lang" ? nakakahiya man eh ano ba ang magandang isagot pag tinanong ka about sa isang bagay na pinagkaefffort effort ng isang tao...

Kala ko eh magtatanong pa si Peter about sa kanyang loveletter pero buti nalang at indi na,, di ko alam kung alam niyang di ko binasa o pinalampas nalang niya,

"Umm,, Anya,, may ibibigay ako sayo.. alam kong magugustuhan mo to"

Ito na naman siya,, ano naman kaya yun? hmm ano ba binibigay ng isang manliligaw? hmm chocolates? teddy bears? flowers? wow...  ano kaya ibibigay niya.... O_O

Nilabas niya yung isang libro na may pinamagatan na 'THE LAST CONCUBINE" at binigay niya sakin..

"Nagustuhan mo ba? maganda yang librong yan,, sayo nalang.. Love novel yan about Sachi isang japanese na naging kerida.... ang favorite phrase ko nga dyan ‘From long ago, Though I had heard to meet, Could only mean to part, Yet I gave myself to you, Forgetful of the coming dawn.’ maganda yan sana basahin mo"

napasmile ako, then tiningnan ko yung libro,, then tumingin ako sa kanya then nagsmile ule

T_T

makapal yung libro,, nakakahiya naman kung tumanggi ako,,, pero sa totoo eh di naman ako mahilig magbasa,, yung harry potter books nga namen eh ilang taon na inaalikabukan sa bahay.. tapos magbibigay pa tong lalakeng to ng isa pang libro na tiyak pamamahayan ng amag dahil sa di nababasa,,, haist gusto ko sabihin kay Peter na,, 'ayoko tanggapi mukang boring,,, xaka di ako nagbabasa ng libro' pero baka naman maoffend siya,, kung sabihin ko nalang na,, "Ui peter baka naman may movie version yan,, panoorin ko nalang.." dyusme,, sa huli tiyak ang mangyayare dito sa librong ibibigay niya eh patungan ng mga papel, o kaya tatambay nalang to sa taas ng cabinet namen,,

"Salamat ha,, pero,, baka nakakahiya naman sayo.. sayo to eh... wag mo na ibigay.."

Please peter tanggapin mo na.. wag mo na ibigay sakin,,, nakikita ko palng yung kapal niya eh baka di na ako makakain..

"Indi.. dont worry,,, ayos lang,, nabasa ko na naman to... isa to sa mga favorite ko,, gusto ko talaga ibigay sayo to.. kung gusto mo eh bigyan pa kita ng mga libro ko sa bahay"

O_O

Halah,, nagkalokoloko na,, di ba maalam makaramdam tong si Peter... dyusko balak pa ata magtayo ng library sa bahay ko..

"Nako.. Baka naman magmukang uod naman ako nan, ahahaha " joke ko kay Peter..

"ha? baket? anong uod?" tanong sakin ni Peter?

"Ahaha.. kasi Book worm,, eh baka maging uod na ko nan"

Tumawa ako ng malakas,, then tumingin ako sa kanya.. di siya natawa, di ko alam kung mababa ang sense of humor nito oh ano, corny ba yung joke ko??

" Indi ka naman magiging Uod pagnagbasa ka ah"

"Ano ka ba, joke lang yun.. to naman.."

"AKo kasi, Di ko ginagamit ang term na book worm,, i mean how come na book worm diba? libro tapos inuuod? i mean napaka ironic diba? inuuod lang ang isang bagay pagdi ginagamit tulad ng food inuuod yun pag matagal na di kinakain,, then why book worm sa taong mahilig magbasa ng book? gets mo yung point ko? parang mali kasi.. mas prefer ko ang bibliophile para sa mga taong mahilig magbasa ng libro,, Why book worm diba? uod ba maituturing ang taong mahilig magbasa ng libro?"

Napatigil at napatulala lang ako sa kanya,, an dami niyang sinabe,, eh nagjojoke lang naman ako... hello? sense of humor? sa sobrang talino ba nitong si peter eh pati yung sense of humor niya eh napatungan na ng mga learnings niya?

Dahil napatulala ako at dahil wala akong masabi eh nag end up nalang na pinapasok ko na yung book na bigay niya sa bag ko.

Nagvibrate yung cp ni Peter na nasa mesa kaya kinuha niya ito at binasa niya yung text,,

"Naku,, Anya,, Kailangan ko na pala umalis,, kailangan ko pa pala imeet yung mga members ng science club,, were planing to invent something na makakatunaw sa plastic na indi makakasira sa global warmng,,"

"Ahh.. okay.. sure.."

"O sige,, basta mayang lunch,, treat kita.."

NAgmamadaling umalis si Peter? at naiwan akong magisa,, akalain nyo yun? kinuha ko yung gamit at nilagay ko sa bag,,, di ko na sinabayan paglabas si Peter kasi nagmamadali siya, kaya magisa nalang ako umalis at nagdaretso sa room namen..

Ang galing naman nun.. dinala dala ako sa Library tapos ganun ganun nalang yun.. iiwan ako? Pero kung tutuusin ako naman yung pumayag.. hala di ko alam bahala na.

Nakita ko si Graziella at si Nadine na nagkwekwentuhan..

"Ano girl,, kamusta naman, makasama si Mr Peter Hanz Jimenez,," Paunang bati ni Nadine

" Well,, Grabe... Feel ko tumalino ako,, feel ko tumaas ang iq level ko.. oh my god... " palokong sagot ko

"Di nga? Sumanib sayo ang ispirito ng kantalinuhan,,?" sabat naman ni Ziella

"Nope Graziella,, feel ko mababaliw ako.."

Nilabas ko yung book na binigay ni Peter at inabot ko kay Nadine,,

"Oh,, favor naman,,, " sabe ko kay nadine, habang nagpapacute na nakangiti

"Oh ano naman gagawin ko dito?"

"Mahilig ka sa lovestory diba,, basahin mo to.. romance daw yan tapos pakwento sakin.. ok ba yun"

sabi ko kay Nadine habang nagpapacute pa din

"Poop ka ba?!! tingnan mo naman tong librong to,, katumbas na nito eh 20 pocket book eh,, tsaka girl english yan,, ang binabasa ko lang eh mga tagalog,, baka naman makita nyo nalang ako one day eh nakatulala at kinakausap ang hangin pag pinabasa niyo sakin yan.."

"O.a MO naman.. kaw graziela? gusto mong basahin?"

"Gusto mo ipasugod kita sa mga kilala kong espirito?"

Binalik ko yung lbro sa bag ko,, mga walang silbing kaibigan,,!! hmmp

"Haaist ngayon lang humingi ng pabor..!!" sabe ko

"Girl,,, pabor ba tawag diyan,, eh muka ngang parusa eh,,, " sagot ni Nadine sakin "San mo ba kasi napulot yang librong yan?" dagdag ni Nadine,,

"Bigay ni PEter"

O_O <---NADINE

O_O<-- Ziella

" Buti nalang noong unag panahon eh,, ang mga libro eh gawa sa bakal ang bawat pahina,, kaya ang nakakapagbasa lang noon eh yung mga malalakas kasi sila lang yung may kayang buksan ang libro"  dagdag naman ni Ziella

"Haaay,, sana nga Graziella hanggang ngayon"

Grabe naman kasi,, ipapabasa sakin lahat ng to? teka,, sino ba may sabeng basahin ko,, malalaman ba naman niya kung nabasa ko o hindi diba,, as if naman na magkaroon kame ng recitation about sa libro.. tama di ko babasahin to,, sasabihin ko nalang na nabasa ko... ahaha sa ganun eh di siya maooffend..

Naalala ko pala bigla na kahapon pa ako binubugaw nitong dalawang to.. di pa palaa ko nakakaganti,,

"HOI oo nga pala,, mga maldita kayo.. kahapon niyo pa ako pinamimigay kay Peter ah.."

"an sma niyo parang di mga kaibigan.."

"Poop ka talaga,, di p ba kaibigan yu eh tinutulak ka na nga namin sa daang pagibig,, ahahahaa"

Haais, minsan talaga diko alam kung may pagkaalien tong mga kaibigan ko,,, di ko din alam kung sadyang suportive sila sakin o pagtataboy tawag dun??

"Daang pagibig your face" sabe ko habang kinukutusan yung dalawa..

DI ko alam kung sumpa o blessing ang pagkakaroon ng isang matalinong manliligaw,, syempre nasa stage siya kung saan nagpapaimpress siya,, well.. di ko naman masasabeng naiiimpress ako... yun kasi ang problema ng ilang kalalakihan dito,, i mean dito sa buong mundo,, tuwing manliligaw sila,,, the only thing na tumatakbo sa isip nila eh magpaimpress,,, magpadagdag ng pogi points,,, o ano ano pa,,, pero ang di nila alam ehh kung naiimpress nga ba yung girl na pinapaimpressan nila,, kasi minsan,, pagsobra kang nagpapaimpress eh nauuweng nakakainis na,,

ang bad thing nga lang about Peter eh,, feel ko (ahem feel lang ha.. feelingera kasi ako) feel ko eh he wants me to be someone na indi ako,, i mean,, maalam naman ako magaral di lang ganun ka obssessed sa study tulad niya,,, di naman ako ang pinakabobo sa lahat ng mga bobo,,,  matalino kaya ako.. pero sa tuwing kasama ko si PEter,, di ko alam, pero mukang nafefeel ko na pinamumuka niya akong tanga,, tipong walang alam,, ni miski mga jokes ko eh ginagamitan niya ng mga genius thing niya,, lahat ng bagay may explanation siya,,, lahat ng mali tinatama niya,,, Kanina nga lang nilabas ko lang yung ipod ko eh bigla na siyang nagkwento about sa ipod,, kay Steve Jobs (sino ba yun),, apple inc,, at kung ano ano pa,,, pag kasama mo si Peter,, feel ko lage ako sinesentensyahan,, feel ko lage ako nasa isang debate room,,, kung saan sa huli eh nageend up na umaaggree nalang ako, tulala at walang masabe..

Di ko din namang masasabeng mali ang pagkakaroon ko ng isang top a+ na manliligaw, feel ko din naman eh ang swerte ko,, mabait si PEter,, he always in the go na tulungan ako,, lage siya nagdyan,, lalo na, pagdi ko kaya ng mga lesson,, lage may sagot sa mga tanong ko.. ready lage siya para tulungan at turuan ako sa mga subject ko..

Kung ganun lang din naman?

Siguro dapat maghire nalang ako ng Tutor,, SIguro nga,, TUTOR ANG KAILANGAN KO AT INDI BOYFRIEND...

<to be continue>

Ipagpatuloy ang Pagbabasa