Just married

By Sierra_Louise

7.2K 199 63

At dahil love ninyo sila. They are back!!!! Ang love story ng chubby at ng nerdy ay magpapatuloy. Ipagdiwang... More

Just married
Ch.1
Ch. 2

CHAPTER 3

1.5K 66 38
By Sierra_Louise

################

A.N: Tan-ta-ra-ran!!!! Ito na ang pagsisimula ng pagbabalik ng Monster-in-law, este, mother-in-law ni Peachy. This is War na talaga. So happy reading guys…

 (~~,) S.L

                                                                                    ####################

Chapter 3

MY MONSTER-IN-LAW

"Date?" Nakangiting tanong ko sa misis ko habang nagkakape kami sa terrace ng bahay namin.

"Tumawag si Toni and she's asking for help."

Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko ang asawa ko. "You mean aayain na ni Toni ng date si Stephen? Babae na ba sya?"

Natatawang hinampas ako sa balikat ni Peachy. "Girl naman talaga sya, and no, hindi siya ang makikipag date kundi si Lily. So sweetie, paano mo ba na pull yung mga stunt na ginawa mo nung magpropose ka sa akin?"

Bigla akong napangiti ng maalala ang pag-kidnap ko kay Peachy at pagdala sa Tagaytay. "So kidnap-in din natin si Jigger at ikulong sila ni Lily for a week?"

“That won't do, baby, dapat iyong for starter pa lang, yung tipong pang MU stage pa lang."

"E, 'di ba ikakasal na iyong dalawa?"

Lukot ang mukhang humarap sa akin si Peachy. "Your so dense, my amigo..." Napapailing pa siya. "One sided love iyong kay Lily and Jigger. It is so obvious. But I swear mai-in love din si Jigger kay Lily. All we need to do is to make him see her in a different light."

Natigilan ako at nag-isip din. Maybe we could help them after all. At may naisip ako...

"Alam ko na," natutuwang sabi ko kay Peachy. " Bakit hindi mo isama sa pole dancing lesson mo si Lily? Para naman maging mas sensual siya. You know, yung tipong she can seduce Jigger."

"Good idea, dapat talaga matangal iyong pagiging manang ni Lily. I'll talk to her about it. Thank you, sweetie, the best ka talaga," and she gave me a smack on the lips.

"Ikaw kailan naman kita makikitang magpo-pole dance sa akin?" Malambing

na tanong ko kay Peachy.

"Malapit na sweetheart." She said in a seductive voice. "You'll surely enjoy it."

"Can't wait," pagpatol ko sa pagte-tease niya.

"Promise, paghahandaan ko 'yan..."

###############                                                                            ###############

"Pole dancing?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Lily ng kausapin ko siya ng pumunta ako sa condo ni Jigger one time.

"Oo, nagte-take kasi ako ng pole dancing lessons ngayon. I think it'll help you."

"Gusto mong sayawan ko si Jigger?" Namumula ang mukhang tanong niya sa akin.

"Yes, I mean no, ganito 'yan. If you really want to make Jigger fall inlove with you, kailangan mong talikuran ang pagiging manang mo. Alam naman natin na chick boy 'yang si Jigger and kung 'di ka makikipag sabayan sa mga naging ex niya at sa mga babaeng umaaligid sa kanya mapag-iiwanan ka. If I were you, dapat maipa-realize mo kay Jigger na you are the best option na mapapangasawa. But first, you have to make him see that you are actually an option." Mahaba kong paliwanag sa kanya.

She stopped for a while. Maybe thinking of the things I just said.

"You can do it Lily. Ayaw kong isuko mo si Jigger ng basta na lang. Give it a try and promise you'd be suprised of what might be the outcome."

Magsasalita na sana si Lily ng marinig ko ang pag-ring ng phone ko. "Russell's calling," agad kong sinagot ang tawag. "Yes, boss," bungad ko agad.

"Mommy's coming. Gusto niyang mag dinner with us."

Nabingi ata ako sa narinig ko. Sinabi ba ng asawa ko na magdi-dinner kami ng monster-in-law ko? I mean, mother-in law?

"Sweetie, narinig mo ba ako?" sabi ni Russell.

Utang na loob, sweetie, sabihin mo bangungot lang ito.

"Yes, narinig kita," mahina kong sabi.

"Good. Ipagluto mo kaya si Mommy. Surely namiss na niya iyong luto mo." Napangiwi ako ng marinig ang sinabi ni Russell. Noong huling nakasalo ko ang mommy niya nadieta ako ng wala sa oras dahil sa maraming komento ng mommy niya tungkol sa luto ko. Nabusog ako sa destructive comments kaya 'di ako nakakain ng maayos.

"Wait lang, sweetie, may dumating na client. I'll call you later. I love you. Bye."

This time ako naman ang natulala. Sana binabangungot lang ako. Sana masiraan ang sinasakyan ng biyenan ko o kaya ay magbago ang isip niya at 'wag ng pumunta sa bahay.

"Okay ka lang Peachy?" Tanong sa akin ni Lily.

Bahagyang tumango lang ako. Paano ko ba malulusutan 'to? "Nga pala, Lily, 'di ba you are good at cooking? Paano gumawa ng pochero na puwedeng magpabait sa biyenan?"

Naguguluhang tinignan na lang ako ni Lily.

#############                                                                         ################

"Sweetie, relax ka lang..." Hinila ako ni Russell paupo sa gilid ng kama ng mapansin na hindi ako mapakali dahil sa sobrang tensyon na nararamdaman ko.

"Paano kung ayaw pala ng Mommy ng Pochero? Sa tingin mo ba okay lang yung Shrimp Dampa na niluto ko? 'Di ba masyadong maanghang? Tapos iyong carrot cake okay lang ba yung lasa ng icing?"

"Sweetie," awat ng asawa ko sa akin. "The food was great. No doubt about it. 'Wag kang masyadong tense."

Umiling ako sa kanya. "You don't understand, baby. I am worried na baka ayaw ng Mommy ng hinanda ko." At baka mapuno na naman ang eardrums ko ng mga do's and don'ts ng Mommy mo. Gusto ko sanang idagdag.

Russell gave me a smack on the lips. "You’re the best wife. You are actually doing good as a wife. So stop worrying Mrs. Ricafort."

Napabuntong hininga na lang ako. Kung 'di ko lang talaga love itong si Russell malamang na isinuko ko na sya sa nanay niya.

Yumakap na lang ako sa kanya para makalma ko ang sarili ko. "Power hug," bulong ko sa kanya.

"With power kiss," sabi pa niya and gave me a long sweet kiss.

While I am enjoying the way Russell nibbled my lips, we suddenly hear the doorbell ringing.

"My gosh, sweetie, nandito na sila," natetense kong sabi.

"Ang kulit mo talaga. 'Wag ka ng matense sweetie, dahil pareho na kayo ni Mommy ng apelyido dapat lang na mahalin ka na rin niya bilang misis ko." Hinawakan pa ni Russell ng mahigpit ang kamay ko. Hinila na niya ako palabas ng kwarto namin.

##############                                                                                          ################

Naging madiin ang paghawak ko sa tinidor habang kumakain kami sa harap ng hapag. Pasimple ko din na pinagmamasdan ang babae nasa harap ko.

Georgina?! At sino naman kaya sya?

Oo, may bitbit na kasama ang biyenan ko ng magpunta sya dito sa bahay.

Isang seksing babae na... Ayaw ko mang sabihin pero maganda. Sobra.  Pakiramdam ko gusto kong magwala dahil may dyosang kasama ang biyenan ko. Ano 'to? Pain para mabawi si Russell? At ang walanghiya kong asawa ngiting-ngiti pa sa bisita namin. Tusukin ko kaya sya ng tinidor?

"Ang sarap ng Pochero mo," sabi ng dyosang si Georgina.

Shit! Pati ngiti niya perfect.

Jusme! Bakit ba sinalo ng babaeng ito ang lahat ng magagandang katangian?

"Thank you," nakangiti kong sabi. May lason yan, gusto ko sanang idugtong.

"I think it’s too salty. The vegetables are over-cooked," mataray na sabi ni Mommy.

Now, my nightmare just started.

"Mas masarap ang pochero mo, George," dagdag pa ng bruha, este ni Mommy pala. "I remember you cooked for Russell noong nasa ibang bansa pa sya."

Mabilis na tinignan ko ang mister ko. I gave him a humanda-ka-sa-akin-mamaya look. Itinaas lang niya ang kilay nya as if saying na mag-eexplain sya.

"Naku tita, matagal na po akong hindi nagluto. Simula po ng iwan ako ni Russell 'di na ako nagluto."

Iniwan?! Anong meron sa kanila ng asawa ko?

Anooooooo!!!

Pasimpleng sinapa ko si Russell na katabi ko.

"Ouch!"

Nagtatakang tinignan siya ng mommy niya at ni Georgina.

"Bakit sweetie?" Tanong ko kay Russell. Hinawakan ko pa siya sa braso at nagkunwaring nag-aalala.

"Sweetie..." sabi lang ni Russell. Pera alam kong nababasa niya ang nasa isip ko.

"Kain ka na," sabi ko sabay pasimpleng kurot sa braso.

Humanda ka sa akin mamaya!!!

"Well, I really thought na kayo ni Russell ang magkakatuluyan," pagpapatuloy ni Mommy. And I think nagsisimula na siya ng giyera.

"Mom, stop that. I am happily married with my lovely wife. And Georgina and I are good friends," saway ng asawa ko.

 Mabuti naman at ginawa niya 'yon. Nagpaliwanag din. Mukha akong tanga dito at walang kaalam-alam sa naging relationship niya kay Georgina na dyosa.

"And besides tita. I think Peachy was just perfect for Russell." Segunda pa ni Georgina. I must say, she really looks sincere ng sabihin niya iyon.

Pero 'di pa rin kami friends. Hmff!!!

"I don't think Russell would come back here and leave everything if he doesn't love Peachy so much. I think Russell is so much in love with her, insn't he?"

"I am, George. I love my wife so much," nakangiting sagot ng asawa ko. Kinindatan pa ko ng loko.

At dahil kinilig naman ako ng konti. Konti lang. Napangiti ako sa asawa ko. Pero promise nagpigil ako dahil galit ako sa kanya.

"That was sweet..." Tila kinikilig na sabi pa ni George ng mapansin ang kindat ni Russell at ang pag-ngiti ko.

Ngumiti lang ako kay Georgina. Ayaw ko pa rin magpaka kampante.

She was way too beautiful para hindi mawindang ang ganda at tiwala ko kay Russell.

##############                                                                                          ###############

"Lumayo ka sa akin kung hindi talagang sasamain ka sa akin."

"Sweetie naman..." Reklamo ko at lalo pang hinigpitan ang yakap mula sa likuran ng misis ko na kasalukuyang naghuhugas ng plato.

Kasalanan 'to ni Mommy,e. Kung bakit ba naman kasi binitbit pa si Georgina ng hindi ko alam. Georgina was just a friend. Nothing more.

"At may diosa ka pa lang naging friend. Sana man lang sinabi mo," mataray na sabi ni Peachy. Nagpilit din siyang kumawala sa yakap ko. "Lumayo ka! 'Di ako makapaghugas ng maayos."

“Ayaw ko nga, galit ka pa din,e.”

“Isa!”

“Sweetheart, 'wag ka ng magselos kay George, friends lang talaga kami,” sabi ko habang hindi pa din bumibitiw kay Peachy. “Inaasar ka lang ni Mommy kaya dinala niya dito si George.”

“Isa pa yang Mommy mo. Ang hirap na nga niyang i-please tapos magdadala pa siya ng magandang babae dito. Ayaw talaga sa akin ng Mommy mo,e.”

“'Wag ka ng mag-paapekto, baby, basta para sa akin ikaw lang ang pinaka magandang babae.”

“Tse!” Siniko pa niya ako. “Bakit ba kasi hindi mo nai-kwento sa akin yang si Geogre? Naging kayo ba?”

“Hindi. At yun ang totoo. Naging friends kami while nasa abroad ako. Kaibigan ni Mommy ang parents niya at gusto sana nila na kami ang magkatuluyan. Pero sorry na lang sila dahil wala akong balak na sumunod sa kanila dahil nandito na sa Pilipinas naiwan ang puso ko.”

Huminto si Peachy sa paghuhugas at humarap sa akin. Teary-eyed siya.  Biglang sumama ang pakiramdam ko ng makita na naiiyak siya.

“Tama na ang pag-iyak, misis,” mabilis kong hinawakan ng dalawang kamay ko ang mukha niya. “Wala ka bang tiwala sa akin? Alam mo naman na I will never let Mommy ruin our marriage, 'di ba? Ikaw ang mahal ko and that will never change, okay?”

“Nakaka-insecure kasi si George. Tapos mukhang approve na approve pa ang Mommy mo sa kanya.” Parang batang nagsusumbong si Peachy. “ May tiwala naman ako sa’yo pero sa ibang tao wala. Paano kung may babaeng katulad ni George na umagaw sa iyo sa akin? Ayaw kong mawala ka Russell…”

Nakangiting pinag dikit ko ang mga noo namin. “ Hinding-hindi ako mawawala sa'yo, sweetie. “We will be together, forever…”

“Promise?”

“Promise.” And I sealed my promise with a kiss.

Continue Reading