Out of Bounds (Ugly Past Seri...

By Crizababe

16.2K 350 59

UGLY PAST SERIES #2 If your heart gets broken, who will save you? And if you fall again but it's out of bound... More

Out of Bounds
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Chapter 5

888 22 2
By Crizababe

Chapter 5

Sophie


 

"Saan mo na naman gustong pumunta?" tanong sa akin ni Derrick habang hila hila ko siya papunta sa parking lot ng hotel.

It's already my fourth day in Davao at marami rami na rin akong nabisitang lugar. These past following days, naging masaya ako dahil lagi akong sinasamahan ni Derrick. Kahit alam kong minsan napipikon na siya, hindi rin naman niya tuluyang ipiniapakita ang emosyon niya. I don't know with him. I am just waiting for him to blow up pero hindi talaga siya nagagalit.

"Kahit saan... Sige na please. Alam mo naman na hindi ko kabisado ang mga lugar dito." Hawak ko pa rin siya sa braso. Nasa parking lot na kami at hinihintay ko na lang ang pagsagot niya ng oo. Kahit naman na sumagot siya ng hindi ay pipilitin ko pa rin siya.

Ginulo niya ang buhok niya ng ilang beses. Natawa na lang ako sa pinaggagawa niya. He looked at me with his frustrated eyes. If looks could kill, I swear I'm already a dead meat now. "Alright! You are really good at dragging people with you."

"What can I do? I'm irresistible." I winked at him at naglakad na patungo sa kotse niya,

Naiwan ko naman siya na nakatunganga. Oh ano ka ngayon Derrick? Natatamaan ka na bas a charms ko?

Pumunta kami sa Outland Adventure. Ang daming rope courses or activities na narito and I'm proud to say that we did all of the activities successfully except the Xcelerator. Enjoy na enjoy kaming dalawa ni Derrick kahit kaming dalawa lang ang magkasama.

It's just been 3 days pero napaka komportable na naming sa isa't-isa kahit na minsan ay nagsusungit siya. I know it's just his façade para tantanan ko siya. Pero hindi ako madaling nakukumbinsi sa mga pagtataray niya.

"C'mon Sophie! Ang bagal mo. Pagod ka na ba?" tawag niya sa akin habang inaayos niya ang balsa para makatawid kami sa ilog. May ilog pa kasi kaming dapat tawirin para makapunta sa kabilang parte ng Outland. Pag nakatawid na kami, aakyat pa kami sa bundok para makarating sa booth at jump-off platform ng Xcelerator. Oo, pahirapan lahat ng activities dito kaya kung hindi ka sanay sa mga gawaing pang boy scout, umuwi ka na lang.

"Sandali lang naman! Kita mo na ngang hinihingal pa ako." Nakaupo lang ako ngayon sa isang bato habang tinitingnan ang agos ng ilog.

Nilingon niya ako at pagkatapos ay itinali sa isang kahoy ang lubid ng balsa. Lumapit siya at umupo sa tabi ko.

Dinig na dinig ko ang mahina niyang hingal. The place is so serene so it's not possible to hear any small noises.

Bumaling siya sa akin habang ako naman ay deretso lang ang tingin sa ilog. I know he's looking at me at ayaw kong lumingon baka ma awkward lang ako.

"Ano ba ang dahilan?" wika ni Derrick.

"Dahilan?"

Nag kibit balikat siya. "Dahilan kung bakit kayo nag break ng ex-boyfriend mo."

Mabilis akong napalingon sa kanya. This is the first time he asked me something personal. At paano niya naman nalaman na galing ako sa isang break-up?

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Nakalimutan mo na ba? I saw you writing your bucket list while we were on the plane. I even wrote you an advice."

Oo nga pala. He wouldn't leave a note with an advice on it if he didn't know anything. This time, mukha na siyang seryoso. Walang Derrick na masungit o mataray sa harap ko ngayon. All I can see is the concerned look in his eyes now.

I swallowed the lump in my throat. Ayoko sanang pag-usapan ang dahilan ng pag alis ko sa Manila pero hindi ko naman pwede ipagkait ang istoryang iyon kay Derrick. He saved me a lot of times and he's been nice to me. Maybe he deserved to know at least a little.

"He cheated on me." Utas ko sa malamig na tono.

"Why?"

"I don't know. I didn't ask."

Nabalot kami ng katahimikan. Unti unti ko na naman nararamdaman ang sakit na ilang araw ko ng tinatakasan. Bakit nga ba ako patuloy na nasasaktan? I already left. I already gave myself a space. Pero kahit man maiwasan ko ang sakit, panandalian lang iyon at babalik pa rin ito.

"Bakit hindi mo tinanong? I think you deserve to know." Muli siyang nagsalita.

"Nasaktan na ako...ng sobra. Hindi ako martyr para hayaan lang na mas masaktan ang sarili ko pag nalaman ko ang rason ng pag-iwan sa akin ng bwisit kong ex. I've had enough pain and I cannot let my heart break more into thin pieces."

"Sometimes, you need to break your own heart to understand some things." Mas naging seryoso ang tono ng pananalita niya. "Para makawala ka sa nakaraan, kailangan mong maintindihan kung bakit nangyari iyon sa iyo. Oo, masakit talaga sa una. Pero mawawala rin ito pag natanggap mo na ang lahat." Ani Derrick.

This is the most meaningful and serious talk that we ever had. Hindi ko alam na ganito rin pala kalalim magsalita ang lalaking ito.

Pero tama siya. I guess I really have to face the pain rather than running away from it. Wala kaming closure ni Daryl kaya siguro nasasaktan ako ng sobra hanggang ngayon.

Tumayo siya at inilahad niya ang kamay niya sa akin. I looked up to him and a charming smile crippled on his face. Ilang beses ko lang ba nakitang ngumiti si Derrick? Bihira lang kasi siyang ngumingiti sa akin. Nakakamangha ang perpekto niyang ngipin at ang mga mapupula niyang labi ay nakakalaway talaga. Why is he attractive? He should be banned for being a natural charmer.

Tinanggap ko ang kamay niya at pinasakay niya ako sa balsa. His hands are really warm and it made me calm my mind somehow. Kinalas niya ang lubid sa kahoy at sumakay na rin siya sa balsa.

Tinawid na namin ang ilog at inakyat ang bundok para maka punta sa jump-off platform. The walk up to the Xcelerator area was so exhausting. I actually felt knackered when we arrived. But one thing that made me forget all those things is Derrick's hand. It's still clasped on mine for heaven's sake! Hindi ko alam kung bakit hawak hawak niya ang kamay ko. Hindi ako umalma dahil ayoko rin naman na bumitaw siya. I like the feeling of his hand on my skin, nawawala kasi ang lahat ng iniisip ko at napupunta ang atensyon ko sa magkahawak naming kamay.

Pumunta na kami sa jump-off platform at kinabitan kami ng safety gears ng mga staff. Doon lang binitawan ni Derrick ang kamay ko para maayusan kami ng mga staff. The Xcelerator is a long zip line here in Outland at dinadayo talaga ito ng mga turista.

Actually, my legs are already shaking when I saw how high we are from the ground. Nakakalula at feeling ko masusuka ako.

Derrick patted my shoulder. "Hey, are you scared?"

"Hindi ah. Hindi naman mataas eh. Tapos hindi naman masyadong malayo ang distansiya ng zip line." Depensa ko.

Tinawanan ako ng kumag. Aba, hindi ba convincing yung sinabi ko?

"Tumigil ka na. Hindi ka na nakakatuwa." Humalukipkip ako habang pinupukol ko siya ng masamang tingin.

He raised his hands as if in surrender. "Okay fine. But you have to do one thing so I'll totally stop."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Spill it."

"Hold on to my hand...tightly. Don't let go." HInawakan niya ang kamay ko at deretso kaming itinulak ng mga staff.

What the fuck?! Hindi ako na inform na tapos na pala sila sa pagkakabit ng mga safety gears. Di ko man lang na ready ang sarili ko. Langya!

Yumuko ako at nakita ko kung gaano kataas ng pagbabaksakan namin if ever mahulog kami. Hinigpitan ko ang kapit ko Derrick. Shit! Please, ayoko na.

"Hold on Sophie!" Sigaw ni Derrick sa akin.

"Shut up! Oh my god, I swear I'm going to pound your face after this!"

Tumawa lang siya habang ang isang kamay niya ay nakasuntok sa harapan na para siyang si Superman. He looks so carefree and adorable at the same time. How he could manage to do that? Leche talaga. Natatakot na ako dito tapos nakuha ko pang obserbahan ang lalaking katabi ko ngayon.

After how many light years... yes, light years talaga ang gagamitin kong term dahil feeling ko ang tagal tagal namin nakalambitin sa ere. Narating namin ang kabilang side ng zip line at tinanggal na ang mga gears na suot namin.

At ang kumag hindi pa rin tapos sa pagtawa. Ay grabe siya oh! Sunod sunod ang pag-irap na ginawa ko. Nauna na akong maglakad paalis sa Xcelerator area at bumaba na sa burol habang siya naman ay nakasunod lang sa likod ko.

"Hey hey hey! Easy. Baka madulas ka diyan. Maputik pa naman." Sigaw niya sa likuran ko.

"I don't care! Huwag mo nga akong kausapin."

Mabilis ang paglakad na ginawa ko. Eh kasi naman, pababa kami ng burol. There is a tendency na mapapabilis talaga ang pace ng galaw mo because you're trying to hike down a hill. As I try to jump to one rock to another, nadulas ang isang paa ko kaya nahulog ako.

"SOPHIE!" sigaw ni Derrick.

"Ouch! Aaaagh!"

Una pa talagang bumagsak ang pwet ko at pagkatapos iyong isang paa ko ay naipit sa mga sanga na nagkumpulan sa lupa.

Halos umiyak na ako sa sakit ng katawan ko. Dinaluhan agad ako ni Derrick. "Sabi ko naman sayo mag-ingat ka eh. Alam mo namang maputik ang daan."

"Tse! Nagdahan dahan naman ako ah." Namumuo na ang luha sa mga mata ko.

TInanggal ni Derrick ang mga sanga sa paanan ko. Tumayo siya at lumapit sa akin. And what caught me off guard is the next thing that he did. Binuhat niya ako in bridal style. Para kaming bagong kasal sa posisyon namin. Yung isang kamay niya ay nasa likod ko habang yung isa naman ay nakasuporta sa legs ko.

"Ibaba mo na lang ako Derrick." Protesta ko. Eh kasi naman nakakailang kaya.

"No. Huwag kang malikot diyan. Kumapit ka sa balikat o sa leeg ko. Uuwi na tayo." Aniya sa ma awtoridad na boses.

Sige na nga. As if I have a choice. Masakit talaga ang pwet at balakang ko.

Pumunta kami sa parking lot at inilagay niya ako sa backseat ng kotse niya para maipatong ko ng maayos sa upuan ang mga paa ko. Mabilis niyang pinatakbo paalis sa Outland ang sasakyan. Ilang minuto siyang nagmaneho pero may nahahalata ako. Para yatang mas napalayo kami doon sa daan papunta sa Marco Polo. Saan ba ako balak dalhin ng kumag na ito?

"Derrick, where are you taking me?" Tanong ko.

"To my house. Walang first aid kit sa hotel kaya sa bahay na lang tayo dumeretso." Ano raw? Di na lang ako nagsalita at nagpahinga na lang.


 

Nakarating kami sa isang subdivision makalipas ang ilang sandali. Napanganga ako sa mga bahay na nadadaanan namin. Ang lalaki kasi ng mga bahay, parang hindi na nga bahay eh. They are more of a mansion.

Huminto kami sa isang malaking bahay na may mataas na walling ng bakod. Biglang bumukas ang gate kahit walang taong nagbukas nito sa likod. Siguro naka remote control. Ang taray naman! Malaki naman yung bahay namin but this house is 5 times bigger than it.

Ipinasok ni Derrick ang sasakyan sa loob and what makes this house more amazing is the wide lawn. OMG! Nasa paraiso ba ako? Ang ganda ng garden at may fountain pa talaga sa loob. Ang ganda ng architectural design.

Lumabas na si Derrick sa kotse at binuksan ang pinto sa gilid ko. Kinuha niya ako at kinarga na naman through bridal style.

May isang matandang babae naman na lumabas sa pinto. Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya. Mukha siyang nakakita ng patay na muling nabuhay. "Manang, paki kuha po ako ng first aid kit. Bring it to my room." Tawag ni Derrick sa matanda kaya nalipat sa kanya ang atensyon nito.

"Opo sir." Naunang pumasok ang matandang babae para maghanap ng first aid kit at sumunod naman kami.

Wow! Ang ganda sa loob. Parang nag-aagaw ang tema ng classic at modern sa mga furnitures at disenyo ng bahay. Umakyat kami sa second floor. I looked at Derrick to see his face. Mukhang hindi naman siya nahihirapan sa pag-akyat sa hagdan kahit buhat buhat niya ako. Feeling prinsesa tuloy ako sa ginagawa niya.

Pumasok kami sa isang kwarto and wow...ang laki ng kwarto. Nahiya yung kwarto ko sa kwarto niya. Bumungad agad sa akin ang panlalaking amoy ng kwarto.

"Is this your room?" napatingin ako sa kanya.

"Yep." Inilagay niya ako sa king size bed niya. "Stay here. Don't move, okay." Napatango agad ako sa utos niya.

Umalis muna siya at pumasok sa isang kwarto. I think it's his walk in closet. Ang sosyal talaga! Rich kid pala talaga itong si Derrick. Ano kayang trabaho ng mga magulang nito para maging ganito kayaman?

I roamed my eyes around the room. He really likes black and white. Ganito rin kasi ang theme ng kwarto niya doon sa condo niya sa Manila. I looked at his bedside table at napako ang mga tingin ko roon.

May picture frame doon. Sa picture makikita mo ang mag-asawang may hawak hawak na batang lalaki sa pagitan nila. The kid looks so happy and so are his parents. I think si Derrick iyong batang lalaki sa picture. Mukhang luma na ang picture, wala ba siyang recent family picture?

Sakto naman na lumabas si Derrick na nakabihis na. He's wearing a grey v-neck shirt and a khaki city shorts. May dala siyang t-shirt at boxers sa kamay niya.

Inilapag niya ang mga damit sa kama. "Magbihis ka muna. Isoot mo yan."

"Seriously? Pasusuotin mo ako ng boxers?"

Hindi siya sumagot at lumuhod sa harap ko. Ay anong kadramahan ito? He took my feet and removed the shoes and socks off. Ahh..yun pala. Akala ko anong gagawin niya.

"Wala kang gamit dito kaya magtiis ka. Sige na, bilisan mo na diyan. Lalabas muna ako para makapagbihis ka." At ayun, tumayo siya at umalis nga siya sa kwarto.

Hindi naman ako makatayo kasi nararamdaman ko pa rin ang sakit sa balakang at pwet ko. Napatingin ako sa paa ko at narealize kong may mga maliliit na sugat pala ako. Kaya pala mahapdi. Tsk, masisira ang legs ko nito. Note to self: Do not wear shorts when doing rope courses.

Dahan dahan akong nagbihis. Ang laki ng t-shirt sa akin. Feeling ko above the knee ito kung tatayo ako.

When Derrick came back, may dala na siyang first aid kit. Umupo siya sa paanan ng kama at nilagyan ng betadine ang cotton na nasa kit. Mas lumapit siya sa akin at marahan na dinampian ng cotton ang mga sugat ko sa paa.

Buong atensyon ko, nasa mukha niya. Habang siya naman ay tutok na tutok sa paggagamot ng sugat ko.

Jusko, ba't ang gwapo ng nilalang na ito? Gwapo rin naman si Daryl eh, pero mas masculine at firm si Derrick. And why the hell am I comparing them? What's happening to you Sophie?



 

Continue Reading

You'll Also Like

260K 8.8K 24
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
24.4K 2.4K 13
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
236K 3.5K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...