"Magandang umaga. Ako si Madam Quinto at ako ang magiging adviser niyo sa buong taon blah blah blah~"
Kylie's POV
Tss. Si Mam Quinto pala adviser ng Diamond.. Strikto sila e. Anu ba yan.
"Mam Quinto.. Nakakatakot. Haha." sabi ni Kevin
"Enjoy parin to. Pramis. Di siya kastrikto tulad ng inaakala niyo." paliwanag ni Nancy
Mabuti naman at kahit papano may kakilala ako dito sa section na to.
Remember sila Nancy at Kevin? Si Nancy yung secretary ng Jade noon tapos si Kevin naman yung president namin dati.
"Ano sa tingin mo Kylie?" tanong ni Nancy
"Ahh... Sana naman tama yang sinasabi mo. Na hindi siya ganun kastrikto."
"Oo yan. Mabait naman si Mam eh."
Tuwing first days, ginagawa yung mga gawain dati.
Magsusulat ka sa 1/4 sheet of paper tapos ilalagay mo dun yung name, address, age, birthday, expectationss... chuchu. Basta yung mga yun. XD
Morning classes ganun lang ginagawa.
-____- Sana lunch na..
"Di ka kakain?" tanong ni Kevin.
Katabi ko nga kasi sila diba? Usually kasi wala pang seating arrangements tuwing first days.
"Hindi na muna siguro... Di ako gutom." reccess na kasi.
"Ayaw mo bang bisitahin sila Jess at Gab?" tanong niya ulit
"Mamaya na lang~ Baka makadistorbo pa ako. At nahiya naman akong pumunta sa mga classrooms nila.."
"Ahhhh.." sabi niya sabay sandal sa upuan niya.
"Eh ikaw ba? Di ka bababa?" tanong ko sa kanya.
[AN. Nasa baba po kasi yung canteen nila~ ^^]
"Di na. Samahan na lang kita :)"
"Ah? Baka gutom ka? Gusto mo samahan kita?" pagyayaya ko.
Nakakahiya naman kasing di kakain yung tao dahil lang sasamahan ka niya. Diba?
"Ok na. :) Di naman ako gutom eh"
"Ahhh. Basta ha! Sabihin mo lang. Baka kasi gutom ka."
"Hindi nga. Kulit mo din noh?"
"Sorry. T^T"
"Haha. Dito na lang tayo. Upo upo lang. Kaysa naman lalakad ka ng lalakad. Mapagod ka pa." sabi niya
"Ayaw mong mapagod?" tanong ko
"Di naman sa ganun.. Nakakatamad lang."
"Ahhhhhh... -___-"
Okay din pala tong Kevin na to ah. Tamad pala...
Napasandal narin ako sa upuan ko. So bale... Nakasandal kaming dalawa sa mga upuan namin XD
"May mga tranfer students sa kabila.." sabi niya. nakasandal parin.
"Ah talaga? Saang section?" tanong ko.
"Isa sa Carnelian. Dalawa naman sa Emerald."
"Ahhh... Tara ba? Magpakilala ba tayo?" tanong ko
"Pshh. Wag na. Upo na lang tayo dito."
Ahhh. Tamad nga pala tong kasama ko -___-
...
"Maki."
"Huh?"
"Yung name nung girl sa Carnelian... Maki. Nakita ko sa listahan kanina.."
"Kilala mo ba? Nakita mo na?" tanong ko
"Kilala, hindi. Nakita? Oo."
"Paano?" nacurious naman ako sa Maki na yan.
"Si Jess..."
O.O
"Bakit si Jess?" takot kong tinanong..
"Kausap niya kanina si Jess bago pa ako umupo dito. Nasa hallway sila.. Nag-uusap.. Tapos mukha namang malungkot silang dalawa. Di ko na masyadong binasa yung moment pero basta ganun.."
Napa-upo ako ng diretso at napalo ko ng malakas yung arm-chair niya.
"BAKET NGAYON MO LANG SINABE?!" 0.o
Napaupo nadin siya ng diretso tapos takang taka.
"Akala ko kasi hindi importante.. Hehe. Sorry?"
Napayuko ako at nag-isip...
Sino nga ba si Maki? At paano niya nakilala si Jess?
Maki's POV
Transferee? Tsk. I don't want this!
Kung nagtop place lang sana ako sa dati kong school, hinding hindi mangyayari eto!
At bakit dito pa?! Ang mortal enemy ng school namin sa syudad. At WOW lang ha. infairness, lamang sila sa facilities.
At okay naman tong uniform nila. Hindi nakakasuyang suotin.
Maybe i'll come to like it here. It's not bad as they say.
"Maaga pa naman.. Maybe i'll walk pa here~"
Enjoy ko naman yung place. Puro green! Nature lover kasi ako. :)
Di kalayuan, may nakita akong ibang students at mukhang ka-year ko sila dahil same colors ang neckties namin. Mmm. They seem nice. Pakilala nga ako.
Papalapit na sana ako pero may nakita akong familiar face..
"Ah. Yah? Now fix your hair." sabi niya don sa kakarating lang na gurl na mukhang pagod na pagod at di pa nakakasuklay -__-
Pero sino kaya yun? Kilala ko yun eh..
"YEP. And I happened to be there."
Si Jess... So dito pala siya nag-aaral?
Ang tagal narin since nung nagkita kami...
>:) Nice... NICE... Makakabawi na ako.
Di ako mean. May kailangan lang akong bawiin para sa sarili ko.
At eto yung isa sa mga yun.
"T-tara ba?" nagyaya nang umalis nung kakarating lang na girl.
Tumayo na sila. Ops! Id better hide.
Sinundan ko sila.. Tapos mukhang di sila magkakasamang tatlo >:) Sana makasama ko sa isang section si Jess. >:D
Nung hinintay kong matapos ang drama nilang lahat...
Tinignan ko yung section ko. Di mahirap hanapin kasi may *transferees* na nakasulat..
Maria Kinsella... Mariaa~ Ah! Carnelian! :D
Tapos si Jeesss. Si JESSS...
=____= Emerald? TSK.
Lahat ng plano ko nasira...
.... -__- Pano na to?
Pumasok ako sa room ko at umupo sa pinakamalapit na bakanteng upuan.
"HAY!" sabi ko habang paupo.
-____- Tulala laaang~ At nakaupooo~~ [AN. Katono niya yung Porque. XD]
"Maria?"
"HUH?"
"Ah. Sorry. Mukhang bago ka lang dito kaya alam ko na agad na ikaw yung transferee."
*0* hotta-hotta! kay gwapong nilalang na nahulog sa langit!
GOOD GIRL MODE ON! >:)
"Ah. Oo.. :)" *insert gentle voice here~" >:)
"Ahh. Welcome! :D Ano na nga bang full name mo?" tanong ni wafung guuuuy
"Maria Kinsella Uy. ^///^ ikaw? :)"
"Ahh. Hehe. Ako naman si Vinz. Vinz Kael Cuison. :) Nice meeting you."
"I do. E-este. Me too." 0////0
"HOY TOL. SAMA KA RAW DITO!" yaya nung matabang guy
"OO! WAIT! Sige ha? :)" tapos umalis na siya.
Not bad. NOT BAAAAAD! 0////0
Vinz pala ha...
>:)
~ reccess
This may be the right time to talk to Jess.
Papakapalin ko na lang mukha ko at activate... SAD FRIEND MODE
lumabas ako sa room ko at inabangang lumabas si Jess.
"Yeah~ I'll go to Kylie's room now~"
THERE SHE IS >:)
Bago pa siya makalapit sa room nung kung sino mang kay-kay na yan.
"Jess..." sabi ko. sabay ng aking napakagaling na watery eyes.
"Maki.. How... What?"
tapos hinug niya ako ng mahigpit.
"I missed you so much! Im so happy you're here~"
Me too Jess. ME TOO >:)
"What section are you in?" tanong niya
"Carnelian. You?"
"Emerald. I wished that you were an Emerald too. :("
"I know right? :( Marami akong ikkwento sayo."
"But- I thought you hated me?"
Wooops. I did remember na inignore ko siya nun. Now... What will be my excuse...
"Sorry... :( I just got mad at you that time.. But I DO MISS YOU."
PEEERFEEECT MAKI :D
then she hugged me again.... i really do miss her.... so i hugged her back.
"I KNOW! I'll introduce you to Kylie! She'll be thrilled to meet you!"
HUH? YUNG KAY-KAY??
"Huh?"
"C'mon.. Her room's just this--"
*KRIIIIIIIIING~~!!!!! [AN. School bell. Kakatapos ng reccess]
"Oh.. Its time already? :(" sabi niya
AND IM SAVED BY THE BELL!
"Later na lang? See you?" sabi ko. of course. i shall dig deeper para alam ko kung anong isset-up na plaaans >:))
"M'kay." then she hugged me again.
=___=
pabalik na ako sa room.
*0*
and to my wonderful seat!
"Hi Vinz!" excited kong sinabi pero may kausap siya.. Yung girl kanina.
"Thanks Gab.." sabi niya tapos napasandal sa upuan niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Ah wala. Ineexpect ko lang na sana andito si Kai."
"Who's Kai?"
"Oops. Hehe. Kylie. Her name's Kylie. Seatmate ko kasi siya last year at masayang kasama. Pero nasa Diamond siya. Kung pwede lang siyang lumipat dito..."
"Girlfriend mo?" tanong ko..
"AH? Hindi! XD Seatmates. Friend. :) Iniisip ko lang na sana-" napatigil siya.
"Nope. Never mind."
-____-
WHO IS THIS KAY-KAY GIRL ANYWAY?!