Hurt Me To Death

By YawningPotato

164K 2.7K 255

Lahat tayo ay may dahilan para mabuhay. Pero pa'no kung ang dahilan mo para mabuhay ay siya ring dahilan para... More

Hurt Me To Death
1st DROP : THE LIVING HELL
2nd DROP: DEVIL IN THE HELL
3rd DROP: PHOTOGRAPH
4th DROP: HE FORGOT
5th DROP: IT'S TOO LATE
6th DROP: NO, I'M STILL ALIVE!
7th DROP: MY CHANCE
8th DROP: DREAM?!
9th DROP: WELCOME BACK
10th DROP:PRETEND
11th Drop: DEATH BED
12th Drop: MEMORIES
13th Drop: BEGIN AGAIN
14th Drop: PROMISE BREAKER
15th drop- I Forgot AGAIN
16th Drop: Love you
17th Drop: Unconditional Love
18th Drop: Hugs
19th Drop: The Things I've Done
20th Drop: The Story Behind
21st Drop: Flash Back
22nd Drop: Hesitation
23rd Drop: Storm Within Me
24th Drop: The Day that was Forgotten
25th Drop: The Decision

EPILOGUE + BONUS CHAPTER OF MY NEW STORY

5.9K 75 9
By YawningPotato

EPILOGUE

(Please read the author's note at the end. Very Important announcement!! )

ALLIANAH

Masakit. Nakakatanga. Mahirap. Nakakapagod..

Oo, dapat una palang sumuko na ko sa kaniya.. sana una palang nalaman ko na ang tunay na ibig-sabihin ng 'pag-suko'.

Sana unang beses ko palang siyang nakita.. tumutol na ko sa kasal.

Mga bagay na 'sana'.. 'di naman na mababalik ng 'sana' ko ang sakit, hapdi, hirap at lungkot.

Kala ko mag wawakas na ang lahat-lahat noong nabunggo ako ng isang sasakyan.

Kala ko lahat ng sakit na dulot nya ay mawawakasan na ng insidenteng iyon.

Mantakin mo ba namang nagkaroon pa ko ng 'second chance'. Syempre, pumayag na ko sa second chance na iyon kahit noon una'y akala ko ay isang kalokohan lamang.

"Bubuhayin akong muli kung mapapatunayan kong mamahalin nya ko at hindi na muli pang sasaktan,"

Ang yabang ko pa nung una. Alam ko namang umpisa palang talo na ko..

umpisa palang.. patay na ko.

Pero, sumubok parin ako. Di nga talaga ako nag iisip hanggang nang mga oras na iyon.

Bumalik ang sakit.. hapdi at lungkot na dapat ay wala na kung di ko tinaggap ang misyon at sumuko nalang.

Siguro nga, mas pinili kong mamatay sa mahirap na paraan.

Sinubukan ko, ginawa ko ang kaya ko.. Kaso di parin sapat para sa kanya

Umiyak ako, nadapa at muling bumangon.. para sa kanya

Ako kasi si Allianah ang nagsabing.. "Drake, I Love You even if you hurt me to death"

DRAKE

Sa kwento ng buhay ni Alliah, alam kong ako ang bida.. at the same time kontrabida.

Alam kong umpisa palang di ko na sya mamahalin. The Hell with her diba? She's just like a piece of sh*t I treated her like a dump.

I didn't realized her value..

Habang nakaratay sya at mahina ang katawan ako nama'y unti unti nang pinapatay ang katawan ko.

Hindi ko naparamdam sa kanya ang pag mamahal na dapat sa kanya.

Di ko binigay iyon. Sinaktan ko sya ng ilang beses. Nilait ko sya, pinababa ang tingin sa kanya pero heto sya ngayon.. minahal ako sa kabila ng pagtakwil sakin maging ng mga parents ko.

Oo, maging si Mom at Dad ay walang tiwala sakin.. Si Ritz lang ang nagbigay sakin non.

Kaya nainis talaga ako nang ilayo nila ako kay Ritz. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya akong si Drake ang nag sabi din na kay Alliah na "I will make your life a living Hell,"

Pero kahit sinabi ko yun sa kanya.. minahal nya ko. Alam nyang di ko sya mahal at wala syang kwenta sa harap ko pero tintrato nya kong asawa nya.

Minahal nya ko ng buo. She risk herself just for me.

Kahit ganon, di ko parin makita ang pake ko sa kanya.

Until that day come..

Narinig ko ang boses nya.. Ni Ryuzaki.

Di ko alam kung saang lupalop nang galing yun pero alam kong sya iyon.

Kalokohan ngang maituturing dahil matagal na syang wala. Hallucination or imagination pero alam kong sya iyon at ang sinabi nya ang nagpabago ng nararamdaman ko kay Alliah..

Kung anoman iyon ay hindi ko na maalala.. basta alam kong dahil sa sinabi nyang iyon, natauhan ako..

Doon ko napatunayang mahal ako ni Alliah at di ko ginawang mahalin sya dahil kailangan lang kundi dahil natutunan ko na syang mahalin..

Kulang ang buhay ko kung wala sya. Kulang dahil wala yung taong sasalubong sakin tuwing uuwi ako galing sa office at sasabihan kung ano bang nangyari sa buong araw ko.

Wala ang mga ngiti nya. Siguro nga isinara ko lang ang puso ko, Kung hindi siguro sinara ito baka umpisa palang ay minahal ko na sya.

Pilit ko lang talagang nirereserve ang puso ko sa iba kaya hindi ko napapasok agad si Alliah.

...

RYUZAKI

"You made the right choice, Light." Sabi ni Sasha sabay tapik ng balikat ko.

"Yeah, I know." Tipid kong sagot.

Everythings fine now. Wala nang problema. Lahat ay masaya na.

Bumaba ako sa lupa at nagpakita sa panaginip ni Drake.. Sinabi ko ang misyon ni Alliah. Sinabi kong lahat ng iyon ay para sa kanya.

Sinabi kong nag sakripisyo si Alliah para mabuhay at ipag patuloy ang buhay dahil sa kanya.

Nakabalik na sa Alliah sa lupa at kasama nya na ngayon si Drake. Natutong mahalin ni Drake si Alliah.

Binigyan ng pagkakataon ni Alliah si Drake na patunayan ang sarili nito sa kanya.

Wala nang naaalala si Alliah tungkol sa misyon nya. Ganon din si Drake. Hindi nya maalala kung ano ang sinabi ko sa kanya sa panaginip nya basta ang alam nya lang ay iyon ang dahilan kung bakit natuto nyang mahalin si Alliah..

Alam kong kung maaalala pa ni Alliah at Drake yun, makukulong lang sila sa nakaraang dapat ay kinakalimutan na nya.

Lalo na si Alliah..

Hindi nya mapagtutuunan ng pansin ang mga oportunidad sa kasalukuyan dahil sa pag lingon sa nakaraang di na pwedeng balikan.

Hindi sya magiging masaya.

Isang taon na din ang nakalipas sa lupa matapos ang misyon ni Alliah at ngayon ay 3rd anniversary na nila ni Drake.

Buong pag kakaalam ni Alliah ay na tulog lang sya ng 3 weeks. Walang misyon, walang kwintas, walang Light.

Nakikita kong masayang masaya siya ngayon kasama si Drake at alam kong aalagaan at mamahalin sya ni Drake.

2 months na buntis si Alliah ngayon. Kaya't parehas silang masaya. Syempre ako din, masaya. Ganon din si Mom at Dad maging ang parents ni Alliah.

November 17, exact 10:46 am manganganak si Alliah ng isang cute na cute na baby Girl.

Syempre, may ABility akong malaman yun.

"Light.. Pinapatawag ka sa taas." Sambit ni Sasha.

Wala talaga sa timing itong si Sasha sa pag sulpot eh.

Tsk. Tsk. Tsk.

Ang ganda na ng pwesto ko dun habang pinapanood sila Alliah na masaya eh. Tapos sinira ang Moment ko?! PSh.


Sumunod nalang ako sa sinabi nya.

"Ipinatatawag nyo daw po ako." pambungad ko.

Narito ako ngayon sa Itaas dahil pinatatawag daw ako.

"Oo, at may misyon akong ibibigay para sayo." sabi ni Supremo.

Siya ang namamahala sa mga Watcher na tulad namin.

"Ano po iyon?"

"Isang mahalagang Misyon, Light. Pupunta ka sa lupa at doon mo iyon gagawin. Magkakatawang tao ka, Light."

RITZ

Mag saya ka ngayon, Alliah. Maaagaw ko din sya sayo.. akin si Drake. Akin sya!

Narito ako ngayon sa harap ng gate ng bahay nila Drake. Anniversary nila ngayon ng mang aagaw na Alliah na yan.

Hindi ako papayag na maging masaya sila habang buhay habang kami ng batang dinadala ko sa sinapupunan ko ay nag durusa.

Hindi maaari...



--**The End??**--

A/N Hindi po kayo nagkakamali ng pag kakabasa. Epilogue na po ito at The End po ang nakalagay sa itaas.

Yan ah. Inedit ko sya. Kasi naman tinamaan ako ng konsensya ko dahil sa sinabi ng isang kong kaibigang masyado ko daw giniginto yung update ko. Minsan na nga lang daw ako mag update, maikli pa. SOrry na. Kung may dedication nga lang sa mobile sana lahat ng update ko naka dedicate na sayo

Epilogue na ito But dont worry.. balak kong gumawa ng book 2 nito pero iba na ang title nya. Okay lang naman po kung hindi nyo na babasahin ang book 2 kung kontento na kayo sa ending nito.

Hindi ko pa sya ipo-post ngayon.. soon pa kapag natapos ko na yung isa ko pang story na Unexpected You. Tska kaylangan din ng story na to ng malupet na pag eedit.

Hintay lang po.

Thank you sayo, na bumabasa nito. Salamat sa mga reads at sa iyong Vote. Hindi mo alam kung gano ako kasaya kapag nakakakita ako sa notification ko ng vote mo o kaya naman ay reads mo.

Salamat salamat!!! Arigatoooooo!!!

PS. Naalala ninyo pa ba si Sasha na naging kaibigang spirit ni Ryuzaki? Mayro'n siyang sariling story and for you, here's a bonus chapter from her story :)

I MET A GIRL

Nagkaro'n ng gulo sa balanse ng mundo ng tao at mundo ng mga espiritu. Kaya naman isang pasakit ito para sa mga Guardian Spirit na katulad ni Sasha dahil mahirap mag bantay ng isang Ian Shin San Juan kung kulang ang kapangyarihan mo para ipagtanggol siya at mas mahirap siyang bantayan dahil  unconsciously na nakakapag attract siya ng Spirits of Danger, (sana ol attractive).

Walang ibang dulot ang Spirits of Danger kun'di purong kapagamakan. Kaya pa'no poprotektahan ng isang powerless na guardian spirit ang isang binata na wala pa sa panahon ng kamatayan?

May dalawang misyon si Sasha: ang protektahan si Ian at ang malaman kung ano ba'ng ginawa ni Ian at bakit siya hinahabol ng Spirits of Danger.

Ano rin nga kaya ang koneksyon ng nakaraan nilang dalawa? Ano kaya ang responsable sa gulong ito?

Teka.. bakit nga ba isang guardian spirit si Sasha?

INTRODUCTION

××~~°°~~××

Playing: Skyfall
By: Adele

Let the sky fall
When it crumbles
We will stand tall
Face it all together

Let the sky fall
When it crumbles
We will stand tall
Face it all together
At skyfall

So ano nga bang nangyari kanina?

SKYFALL.
Yung literal.

Pinababa lang naman ako dito sa lupa mula sa napakasarap kong buhay mula sa itaas.

Bakit?

Dahil sa isang face-to-face na mission sa binatang binabantayan ko. Sa totoo lang dapat naman talaga mula sa itaas kami nagbabantay. Kaso mukhang may guardian (na kagaya ko) na nangengealam sa buhay ng binabantayan niya.

Dapat kasi hinahayaan lang naming mangyari ang mga bagay ayon sa dapat mangyari at may checklist para do'n na 'yon lang ang dapat sundan at dapat mangyari kung hindi, ang parehong spirit world at earth ay mawawala sa balanse.

Tulad nalang ng nangyari ngayon.

Hindi na kaya ng pwersa sa taas ang pagbabantay sa lupa, kaya pati kaming mga guardians ay dapat mag adjust.

Teka, sino nga ba ang binabantayan ko?

Siya si Ian Shin San Juan.

Ilang buwan ko palang binabantayan ang nilalang na ito pero hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang nailigtas sa kamatayan.

Bakit?

Dahil kakaiba ang attractiveness na meron si Ian kaya naaatract niya ang spirit of danger nang hindi sinasadya.

May specific na oras at araw, pati paraan ang pagkamatay ng mga tao sa lupa. At sa kaso ni Ian, may mahabang oras pa siya para mabuhay iyon nga lang, ang problema ay lapitin siya ng kamatayan at trahedya.

At ang rage ng edad ni Ian ang pinaka mainit sa mata ng nga Danger Spirits. Ang mga Danger Spirits ang responsable sa mga biglaang aksidente na nararanasan ng mga tao.

May mga aksidente kasi na naka-plano at aksidente na hindi. Kapag sinabi kong naka-plano, ito yung nasa checklist at parte talaga ng buhay ng tao. Ang mga hindi naman naka plano ay mga bagay na malamang ay gawa ng mga Spirits na nagdudulot ng conflict sa Human World.

Tulad nga ng sabi ko, ang rage ng edad ni Ian ang pinaka prone sa ganito dahil sila yung mga curious sa mga bagay na tungkol sa adulthood, may mga nadidiskubre silang mga bagay na hindi naman dapat nilang madiskubre sa mura nilang edad.

Tulad ni Ian.

Sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang alam at nadiskubre ni Ian. Kung ano man yon, iyon ang nagdala ng trahedya sa buhay niya.

Ang edad naman na naglalaro sa 11-15 ang mga edad ng mga batang nakakaranas ng mga supernatural phenomena tulad nalang ng pag a-astral travel, pagpunta sa panaginip ng iba, pag lulucid dream, at much worst
ay kakayahang makapag time travel ng conscious mind nila. Bakit ko sinabing worst? Dahil karamihan sa kanila ay hindi na nakakabalik sa katawan nila.

Sa tantya ko tumatagal ng kakayahan ng mga bata na gano'n hanggang sa mag 15 sila, ang pinaka matagal ay 16.

Kapag dating ng 17 kasi ay nakakalimutan na nila ang mga bagay na 'yon. Basta bigla nalang nilang makakalimutan.

Hanggang sa lapitan na nga lang sila ng Spirit of Danger, dahil malamang ay may napakealaman sila sa supernatural stage ng buhay nila.

Magandang bagay dito, matalino siya at nag-iisip.

Sana lahat.

Kaso hindi ko alam kung ano ang pinakealaman ni Ian noon.

Hindi ko rin naman siya matanong dahil malamang, hindi rin naman niya masasagot ang mga tanong ko.

Bilang Guardian, dapat kong isa alang alang ang kaligtasan at buhay niya dahil Pagka nagkamali ako sa pag babantay sa kaniya at bigla siyang namatay.. lalo akong mahihirapan.

Bakit?

Dahil sa hindi pa iyon ang tamang oras para mamatay sya, kailangan niyang kumuha ng misyon para mabuhay muli o mag reincarnate at sa misyon na iyon, syempre sagutin ko parin siya. Ako ang bantay niya.

Hindi ba lalong mahirap iyon?

"Bilang isang taga bantay, dapat na isa alang alang ang kapakanan ng iyong binabantayan."

Pero tulad nga ng sabi ko kanina, matalino si Ian at nag-iisip kaya tingin ko ay hindi naman masyadong mahirap ang magiging twist dito sa pagbabantay ko sa kaniya kahit wala ako sa itaas.

Masyadong organized at consistent si Ian sa oras at routine niya. Hindi rin siya mahirap subaybayan dahil hindi siya mahilig lumabas ng bahay at paulit ulit lang yung mga ginagawa niya.

6:00-6:30 am -- gigising siya

6:30-7:00 am -- magluluto ng almusal nya at kakainin ito

7:00-7:15 am -- maliligo

7:15-7:30 am -- Magbibihis, gagayak

7:30-8:10 am -- Transpo papuntang school

8:10-8:30 am -- hihintayin ang teacher at classmates niya para sa first class nila.

8:30-4:30 pm -- school stuffs. Basta puro tungkol sa school ang ginagawa niya

4:30-5:00 pm-- Transpo pauwi ng bahay

5:00-7:00 pm-- tatapat sa harap ng PC nya or phone para mag LoL, DotA, Elsword, Dragonest, Ragnarok, Grand Chase, Point Blank, Cross Fire, ML, Summoners war. Minsan may ibang appointment pa siya sa Wii, playstation at PS4 niya.

7:00-7:10 pm-- dinner, after dinner maghuhugas ng pinggan

7:10-7:20 pm-- maglilinis ng katawan

7:20-12:00 am -- ipagpapatuloy ang paglalaro ng online/computer games

12:00-2:00 am -- manonood ng anime

at matutulog na sya. UUlitin nya ulit ang ganung routine pagkagising nya.

kung napansin nyo, wala syang kaibigang nakakalaro ng basketball o volleyball kundi puro online friends lang which is wala naman syang pake alam kasi kalaro lang ang turing nya sa kanila.

Kung napansin ninyo rin, siya ang nag luluto ng pagkain nya sa umaga at gabi dahil sya lang naman kasi mag isa sa natinitirahan nya.

Umiikot lang ang buhay nya sa pag lalaro ng online game at panonood ng anime walang nag babawal sa kanya dahil walang magulang na nagbabantay sa kanya.

Hindi siya nag e-engage sa social activities o group work kung 'di naman kailangan.

Isang tanong, isang sagot siya lagi.

'Pag may mga bagay na 'di niya kailangang gawin, kahit anong baligtad ang gawin mo sa kanya, batukan mo, tadyakan mo, balatan mo ng buhay.. hindi niya yun gagawin.

Pero kung kailangang kailangan nya talagang gawin tulad ng pag rereview, pag gawa ng activities at project gagawin niya yun ng mabilis.

Tungkol naman sa'kin..

Binigyan ako ng misyon at itong misyon nga ang napunta sa'kin.

Sabi nga ng kaibigan kong si Light "Alam mo, mas maganda siguro kung magagamit mo sa makabuluhang bagay yang kaingayan mo no? Kumuha ka ng misyon. Nakatulong ka na sa mga mortal, nakatulong ka pa sa tenga ko."

Hindi nakikita ng mga tao ang mga katulad kong taga bantay nila.

Lihim namin silang inililigtas, lihim na tinitignan at lihim na inaalagaan.

Oo, inaalagaan namin sila.

Mahirap alagaan si Ian dahil lagi siyang nagkakasakit dahil sa kakatutok sa computer nya at kakalaro ng ilang oras. Madalas din syang nalilipasan ng gutom. Mahirap na trabaho ito para saming mga taga bantay lalo na kung walang magulang na mag nagaalaga sa mga mortal na binabantayan namin.

Ilang Buwan ko palang syang binabantayan ibig sabihin, may mga nag babantay sa kanya dati bago pa ako.

Oo, ilang buwan ko palang syang nakakasama ngunit sandamakmak na paghihirap na ang inabot ko sa kanya. Nagkakasipon sya, lagnat, ubo, hika at madalas syang napapalapit sa aksidente ngunit dahil sa akin ay nakakaligtas sya at ni isang galos ay wala syang natatamo. Oo, yaya na ako.. nagiging knight in shining halo pa nya ako.

Sabi daw sa amin, bago kami maging taga bantay ng mga tao ay mga tao rin kami sa past life namin.

Lilinawin ko lang ah? Hindi kami anghel kun'di nga guardian spirits lang.

Minsan kasi namamatay ang isang tao nang hindi pa niya oras kaya naman tulad ng sabi ko kanina, kailangan nyang kumuha ng misyon.

May dalawang dahilan:

Una ay Para ma-reincarnate. Ang mga narereincarnate kasi ay mga taong patay na talaga at pinagpipilian kung paparusahan o bibigyan ng isa pang buhay sa lupa. Kung sakali na mapatunayan niyang karapat dapat pa siyang mabigyan ng buhay sa lupa, napupunta ang spirit nila sa ibang species tulad ng halaman, insekto, hayop, uod mga gano'n.
Again, bakit gano'n? Dahil nga patay na ang original na katawan nila.

Pangalawa ay para mabuhay pa ulit sa katauhan na naiwan nila. Sila yung mga hindi pa naman dapat mamatay pero naaksidente o nag papakamatay. Kaya kumukuha sila ng misyon. Iyon ang mag dedesisyon kung babalik pa sila sa lupa o hindi na.

Sa mga kumukuha ng misyon, minsan tinatrabaho rin nila ang magbantay ng mga mortal o kaya naman ay patunayan na worthy pa sila sa kanilang buhay sa lupa.

Minsan may mga kumukuha ng misyon ngunit hindi na bumabalik sa dati nilang buhay sa lupa.

Katulad ko.. ang sabi nila sa akin ay tao ako noong past life ko at kumukuha ako ng misyon.

Ito ang misyon ko.

Kaso may twist. Tinatanggal nila ang alaala ng isang spirit na mula sa lupa upang makapag focus ang mga ito sa kanilang misyon.

Kaya nga hindi ko alam kung anong pangalan ko noong nasa lupa pa ako.

Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ako biglaang namatay sa oras na hindi pa naman dapat.

Naaksidente ba ako,
O nagpakamatay?

Lahat lang ng inpormasyon na yan ay sinabi lang sa'kin ni Light.

Si Light nga pala ay isa ring taga bantay gaya ko. Masayahin sya at mabait. Mahaba ang pasensya niya sa kadaldalan at kaingayan ko pero simula nang makuha niya ang bago niyang misyon ay lagi na siyang malungkot at malalim ang iniisip. Kaya minsan ko nalang sya nakakausap at minsan ay binabara niya ako.

Pero hindi tungkol sa kaniya itong kuwento kun'di tungkol sa'kin.

So ayon na nga, dahil wala akong pangalan, binigyan na lang niya ako ng bagong pangalan.

Ako si Sasha.

At may 100 days ako para kumpletuhin ang misyon ko kay Ian. Sa loob ng 100 days na 'yon dapat ay hindi siya mapahamak.

Continue Reading

You'll Also Like

133K 2.9K 43
Isang araw nagising si Deh Mil galing sa isang bangungot. Hinahabol siya ng isang katerbang media. Hinahabol siya para sagutin ang kanilang mga tanon...
167K 4.6K 80
[ AVAILABLE ON DREAME ] Kareene Adriel Sabramonte is an ordinary and happy-go-lucky secretary of Wallace "Wave" Everette Cortez. The President of Co...
119K 2.3K 32
"Destiny is not a matter of chance; It is a matter of choice. It is not a thing to be waited for; it is a thing to be achieved..." -Bunnyflower055 ...
2.8M 24.2K 85
[UNEDITED] Arranged Marriage. Not everyone is pleased with this agreement but there's this one girl who experienced the true meaning of HAPPINESS an...