Sa Isang Sulyap

By BangtansWife

128K 2.3K 76

Summer Song, isang boring at pag-aaral-lang-ang-buhay na babae. Isang babaeng naranasang masaktan sa kauna-un... More

IMPORTANT NOTICE!
Panimula
Unang Sulyap
Ikalawang Sulyap
Ikatlong Sulyap
Ika-apat na Sulyap
Ika-limang Sulyap
Ika-anim na Sulyap
Ika-pitong Sulyap
Ika-walong Sulyap
Ika-sampung Sulyap
Ika-labing Isang Sulyap
Ika-labing Dalawang Sulyap
Ika-labing Tatlong Sulyap
Ika-labing Apat na Sulyap
Ika-labing Limang Sulyap
Ika-labing Anim na Sulyap
Ika-labing Pitong Sulyap
Ika-labing Walong Sulyap
Ika-labing Siyam na Sulyap
Ika-dalawampung Sulyap
Ika-dalawampu't Isang Sulyap
Ika-dalawampu't Dalawang Sulyap
Ika-dalawampu't Tatlong Sulyap
Ika-dalawampu't Apat na Sulyap
Ika-dalawampu't Limang Sulyap
Ika-dalawampu't Anim na Sulyap
Ika-dalawampu't Pitong Sulyap
Ika-dalawampu't Walong Sulyap
Ika-dalawampu't Siyam na Sulyap
Ika-tatlongpung Sulyap
Ika-tatlongpu't Isang Sulyap
Ika-tatlongpu't Dalawang Sulyap
Ika-tatlongpu't Tatlong Sulyap
Ika-tatlongpu't Apat na Sulyap
Ika-tatlongpu't Limang Sulyap
Ika-tatlongpu't Anim na Sulyap
Ika-tatlongpu't Pitong Sulyap
Ika-tatlongpu't Walong Sulyap
Ika-tatlongpu't Siyam na Sulyap
Ika-apatnapung Sulyap
Ika-apatnapu't Isang Sulyap
Ika-apatnapu't Dalawang Sulyap
Ika-apatnapu't Tatlong Sulyap
Ika-apatnapu't Apat na Sulyap
Huling Sulyap
Wakas

Ika-siyam na Sulyap

2.9K 56 2
By BangtansWife

Ika-siyam na Sulyap

"Oh gosh! Bukas na yung CEE? Paano pa ko makakatulog nito? Kailangan kong makapasa." Bungad ni Paulo sa'min. May hawak siyang food tray saka niya iyon nilapag sa lamesa. Nasa cafeteria kami at wala yata akong balak kumain. Hindi ko alam. Tulog yata yung mga bulate sa tiyan ko. Kaya wala akong gana.

"Ipikit mo yung mata mo. Makakatulog ka non. For sure." Sabi pa ni Jennifer. Tss. Korni. Halos dalawang linggo na rin kaming nagre-review. Matapos kasi yung last overnight nila, yung time na napagalitan si Kuya Cabi dahil ipinahamak ko siya. Hindi na kami nag-stop mag-review non. Kahit naman papano tinotoo ko yung sinabi kong I'll help them. Pasalamat sila nasa mood ako pagdating sa ganitong mga bagay.

"Katawa naman 'yon sistaret. Try mong magpaka-korni minsan." Sabi pa ni Paulo saka niya inirapan si Jennifer at sumubo ng chips na binuksan niya.

"Siya nga pala. Your stalker's searching for you. May plano ka bang magpakita?" umirap ako. Wala. Ni hindi ko nga siya pinapasin eh. Last week pa. Matapos niya kong puyatin gabi-gabi dahil lang sa kaiisip ko sa sinabi niya noon. Sa tingin niya ba papansinin ko siya. Ang nakakainis lang. Why am I acting like an angry girlfriend? I must show him na wala lang sa akin 'yon. Pahalata ako masyado e. Kainis minsan!

"Technically. Nagkita na kami kanina sa room. Ano pa bang gusto niya?" sabi ko saka ako pumangalumbaba.

"I want you." Pansin ko namang natahimik yung dalawa. Nagkatinginan pa nga sila. Bago ako tinitigan. Sarap nilang murahin! Hindi ba nila ako pwedeng ilayo. Gamitin naman nila yung pagiging overprotective nila sa pagkakataon na to. Mukhang nawalan na sila ng dila nakita lang nila si Nico.

Naramdaman ko namang umupo sa tabi ko si Nico. Hinilot ko pa yung sintido ko saka ko siya binalingan. "Bakit na naman ba?" tanong ko na nakasimangot.

"Namiss lang kita. Masama ba?" Jusko! Wag kang bibigay sa ngiti at titig na 'yan Summer. Eh ano ngayon kung sincere siya? You promised yourself you won't fall. Panindigan mo 'yan. Magtira ka naman kahit pride sa sarili mo Summer! Nakakahiya ka!

"Bakit?" ngumiti ako sa kanya.

"Bakit ano?" balik tanong niya. Hinawakan ko naman yung balikat niya saka bahagyang minasahe 'yon.

"Bakit ayaw mo kong tigilan?"

"Pabebe kasi 'yang si Mister Suave kaya wala talagang makapipigil diyan." Natatawang sabi ni Jennifer saka niya kinagatan yung chicken lollipop niya.

"I told you I won't stop. I told you I want to fall closer. Is that hard to understand?" bwisit ka talaga Nico! Bwisit! Tumayo ako inirapan ko naman siya saka ako lumabas na ng cafeteria. Desidido na sana akong bumalik sa classroom kaya lang natigilan ako sa nakita ko.

I saw Jhustine crying.

Ano na naman bang nangyari? Bakit ba naiinis ako kapag nakikita kong umiiyak yung babaeng 'yan! Dapat nga lang sa kanya 'yan eh! Pero hindi ako kasing sama niya.

Kusang gumalaw yung mga paa ko papunta sa kanya. Ewan ko ba sa paa ko. Remote controlled yata.

"Jhustine.." tawag ko sa kanya pero nagpatuloy lang siya sa pag-iyak niya. What the hell. Hindi niya ba alam na ang pangit tignan nang ginagawa niya. She's sitting in the middle of the pathway and the middle of the crowd. Talaga bang trabaho niyang maghakot ng manunuod? Hindi siya pulitiko para maghakot pa ng supporters!

"It's your fault Summer! You ruined everything! You ruined my life.." humina pa ng bahagya yung huli niyang sinabi. I rolled my eyes heavenwards. Eto na naman ba tayo? She'll accuse me that I ruined everything. Kahit hindi ko naman ginawa, sa akin niya isisisi. Baka pati naman yung pagkamatay ng kuko niya isisi niya sa akin o kaya man may kuto siya ngayon. Baka isisi pa sa'kin at sabihin ako yung nanghawa sa kanya. She keeps on blaming me.

Diyan naman siya magaling.

"I never ruined someone's life. Hindi ako marunong. Ang alam ko lang gawin. Maging concern sa mga taong tanga. And that's you Jhustine. How many times do I have to tell you na tigilan mo na yang pagiging desperada mo?" gusto niya pa talagang nakakatikim ng ganitong word sa'kin?

"Erick fell out. Accept it. Mahirap ba 'yon—"

"It's hard for me dahil ang tagal ko siyang pinangarap—"

"Na ano? Na agawin sa'kin? You already did Jhustine. Naging masaya ka na. Ang hirap kasi sa'yo inisip mong habang buhay 'yon. Inisip mong hangga't mahal mo siya sa'yo pa rin siya. Hindi mo man lang inisip na mafa-fall out siya sa'yo. Kaya tignan mo. Sinong talo sa huli?" sinamaan niya ko ng tingin. Nilapitan niya ko bago siya nagbanta.

"You think lahat ng sinasabi mo nakakatulong? Hindi Summer. Nang dahil sa mga sinasabi mong 'yan you're just increasing my hatred on you. I hate you Summer! Galit na galit ako sa'yo! Gusto kitang patayin ngayon na. Pero hindi ko dudungisan yung mga kamay ko ng dugo mo." Okay! She's creeping me out now.

"I'm going to ruin you, Summer. Everything in you! I'm pretty sure that you have no idea na sinisimulan ko na 'yon." 'yun lang saka niya ko tinulak dahilan para ma-out of balance ako. Mabuti na lang may nakasalo sa'kin.

Si Erick.

Bakit ganito yung pakiramdam ko? Disappointed? Akala ko kasi sumunod si Nico sa'kin. Hindi naman pala.

"Are you okay?" umalis ako sa pagkakahawak niya saka ko siya inirapan.

"Pinagbantaan yung buhay ko ng ex-girlfriend mo. Sa tingin mo I'm feeling okay? She creeps me out, Erick. Diyan ka na nga!" sigaw ko sa kanya saka ako tumuloy na sa paglalakad.

She's going to ruin me and she's starting it. Nasaan na? wala pa namang dumadating na delubyo sa buhay ko kundi si Erick lang at si Nico. Isama na rin si Kuya Cabi na hanggang ngayon kinakawawa ako rito sa school dahil gumaganti sa ginawa ko sa kanya.

Mabuti pa 'wag ko na lang pansinin. May sapak naman na sa utak yang si Jhustine. Malamang naka-drugs kaya hindi na alam yung sinasabi.

"Oy! May death threat ka raw galing kay Jhustine ah." As usual kumalat na naman yung napakabilis na balita. To think na ilang minuto pa lang yung nakalilipas matapos mangyari iyon.

"O ngayon? Should I hire a bodyguard?" sarcastic kong tanong sa kanya. Saka umiling-iling. Kasalukuyan ko nang sinosolve yung math problems na binigay sa'min ng teacher namin ngayon-ngayon lang. Alam kong matalino akong tao but I really hate math especially trigonometry. Walang magandang naidudulot sa'kin.

"Hindi ka ba nababahala? I mean her parents' influence were no joke. Halos lahat ng company dito sa bansa may investment sila." Sabi pa ni Jennifer habang nagkakandaluwa yung mata sa kakokopya sa sagot ko.

"So? I didn't take that as a threat. Kaya pwede ba? Magsagot kayo?" sabi ko na lang saka ko tinakpan yung papel ko.

"Teka Summer! Hindi ko pa nakopya yung sagot sa number 4!" inirapan ko naman siya saka ko sinulat yung huling sagot ko. Tumayo ako para ipasa na sa teacher namin 'yon at bumalik sa upuan ko. Pareho namang bigo yung dalawa kaya pinagtsa-tsamba na lang nila yung sagot.

Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Jhustine. She's going to ruin my life. Pagak kong tinawanan yung sarili ko saka ako umiling.

She already did ruin it. Bumabangon na lang ako ngayon.

Matapos kaming ma-dismiss. Dumiretso agad ako sa library para mag-review ulit. This is going to be my last review for the day. Pagkatapos nito. Pahinga na. Para naman magkaron ako ng concentration bukas sa exam.

"Mind if I join you?" now what? Sumimangot ako. Hindi ko siya sinagot saka ako bumaling ulit sa libro ko. Kung kinakailangan kong isubsob yung mukha ko sa libro gagawin ko tigilan niya lang muna ako. Quotang-quota na ko sa mga pinagsasasabi niya at pinaggagagawa niya sa'kin ah. Lulungad na ko. Konti na lang. Please naman Lord. Ma-turn off na sana 'tong lalaki na 'to sa'kin.

Ang hirap niyang iwasan sa totoo lang.

"You're obviously avoiding me. Why? Are you scared?" scared of what? Kung may kinatatakutan man ako yun ay yung malaman niyang laging nagpa-palpitate yung puso ko kapag malapit na siya. I don't want him to know that. Malay ko bang mapanamantala ang isang ito. I just don't want to trust guys these days.

Why? I have trust issues.

"Scared? To whom? To you? Nah nah. Stop hallucinating." Sabi ko matapos kong ibaba yung book na hawak ko.

"Tss." 'yun lang saka siya tumayo na. Hala! Nagalit pa yata sa sinabi ko. May nasabi ba kong masama? Eh totoo namang nagha-hallucinate na siya eh. Hindi ako basta-bastang babae. I know ang pabebe tignan. Pero hello! I was betrayed by my first love. First love was a big issue for me until now.

Akala ko ba wala siyang limitations? Bakit mukhang susuko na siya sa inaasta niya. Hay ewan! Ano bang pakialam ko? Bahala siya kung magmamaktol siya. This is a good sign. Malamang titigilan niya na ko.

Nakatapos akong mag-review pero wala ng Nico na bumalik. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Matutuwa because wala nang manggugulo sa'kin at sa isip ko. Malulungkot dahil ewan!

Nangimi pa kong lumabas pero ginawa ko na rin. Paglabas na paglabas ko naman hindi ko expected na nandon siya. Nakatayo at mukhang hinintay pa talaga ako ah.

"I thought you—"

"I would never do that." Ngumisi siya sa'kin saka siya lumapit at inipit yung buhok ko sa likod ng tenga ko. "I told you I have no limitations. So if I want you to be mine I'll get you by hook or by crook."

Nanlaki naman yung mata ko sa sumunod niyang ginawa. He leaned forward. Until my lips met his.

He is kissing me and I'm not doing anything to stop it!

Oh no! Bakit feeling ko parang first kiss ko lang 'yon? To think na si Erick yung first kiss ko!

Bakit ni hindi ko magawang umangal sa ginagawa niya. Naramdaman ko pang hinawakan niya yung pulso ko at mukhang pinakiramdaman niya 'yon. Hindi ko maipikit yung mata ko dahil nakatulala lang ako sa walangyang bibig niya na humalik sa nananahimik kong bibig.

"That's the art of falling in love. Your heart's beating fast. Check it." Nanlalaki yung mata ko na lumayo sa kanya at hinawakan yung wrist kong hawak niya kanina. Oh gah! Why did I let him do that?! Nawawala na ba ko sa katinuan kaya ako pumapayag na lapastanganin niya?!

"How dare you!" sigaw ko sa kanya. He smirked. Pagkatapos pa non hinaplos niya pa yung labi kong hinalikan niya. I can't think of anything. My mind is empty! Bakit ba ganito?!

"One more kiss. And you'll fall hard."

Continue Reading

You'll Also Like

13.4M 304K 62
The hidden daughter of the Parkers, Devi, longs for acceptance and happiness from her family. When her father sends her to the Devil's Hell Universit...
3.9M 135K 27
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakama...
4.1M 156K 46
Kingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangara...
4.1M 114K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...