The Relationship Code

By iDangs

15.8M 503K 163K

(Completed) Book 2 of The Trouble with the Rule: Every relationship has its ups. It's all about flowers, butt... More

The Relationship Code
Prologue
Chapter 1: Make her happy
Chapter 2: Mars and Venus
Chapter 3: Okay
Chapter 4: Say You Like Me
Chapter 5: More than enough
Chapter 6: Trouble
Chapter 7: Harana
Chapter 8: Monthsary
Chapter 9: White lies
Chapter 10: Surprise
Chapter 12: Birthday
Chapter 13: Emergency
Chapter 14: Charity
Chapter 15: Pride
Chapter 16: Stress reliever
Chapter 17: Guess who
Chapter 18: Playing the field
Chapter 19: By chance
Chapter 20: GNO
Chapter 21: 5
Chapter 22: Focus
Chapter 23: Christmas Gift
Chapter 24: Untitled
Chapter 25: Taken...
Chapter 26: Talk with the kids
Chapter 27: Triple kill
Chapter 28: Out of love or out of guilt
Chapter 29: Varsity team
Chapter 30: Drinking session
Chapter 31: Confrontation
Chapter 32: Girl talk
Chapter 33: Two reasons
Chapter 34: Confrontation
Chapter 35: Raffle
Chapter 36: Ex and present
Chapter 37: Mess I made
Chapter 38: Just like the old days
Chapter 39: Heart to heart talk
Chapter 40: Calm before the storm
Chapter 41: Post-graduate plans
Chapter 42: Decision
Chapter 43: Jealous
Chapter 44: ...
Chapter 45: Love letter
Chapter 46: Déjà vu
Chapter 47: Wonderwall
Chapter 48: For keeps
Chapter 49: Hello real life
Chapter 50: Reunion
Chapter 51: Group hug
Epilogue
Third Generation and Other Stories

Chapter 11: Charm

263K 9.4K 2.5K
By iDangs


Nate's Point of View


Nakatambay kami ni Pipes sa location ng pictorial ng isa sa mga model. Ako kasi ang kumuha ng photos niya dahil ako ang nirequest. Si Pipes naman sumama lang dahil free naman daw siya. Wala kasi silang pasok.


"Alam mo, Pipes, hindi ko alam kung nagagalingan lang ba talaga sa akin 'tong model na 'to o sadyang type lang niya ako kaya ako ang gusto niyang kumuha ng photos niya," bulong ko kay Pipes.


Siniko niya ako dahil sa sinabi ko at inirapan. Double kill, ha. May galit ata 'to sa akin.


"Feelingero ka. Just so you know, the models aren't capable of choosing who they want to take their pictures. We're amateurs kasi. Get your facts straight bago ka mag-assume."

"Harsh mo naman. Masama na mag-biro ngayon?"


Piningot niya ako sa tenga. Kaligayahan talaga niya sa buhay ang sinasaktan ako.


"I know you too well, Nate. Sadyang nagfi-feeling ka lang. Biro biro ka diyan."

"E 'di sige. Kung sino na lang namili sa akin ang may crush sa akin."

"What if lalaki?"


Oo nga, ano. Paano kung lalaki? Get your facts straight, Nate, sabi nga ni Pipes.


"Seriously though, you're the best amateur photographer here. Konti na lang pang-professional na ang galing mo. O, huwag lalaki ang ulo."


Nginitian ko na lang siya kasi baka kapag nagyabang ako bawiin pa niya ang sinabi niya. Pero totoo naman ang statement niyang 'yon. Tingin ko nga rin ako ang best dito.

Okay... joke lang. Be humble dapat.

Nagkwekwentuhan kami ni Pipes nang lapitan kami ng isa sa mga make up artist.


"Nathan, Piper!"

"Yo, wassup?" bati ko sa kaniya.


Inabot niya sa amin ang ilang vouchers. Discount coupon ata 'to sa isang resort na medyo malayo sa lugar namin.


"Gusto niyo ba? Sa inyo na lang. 10 'yung ganyan ko kaya lang 3 lang naman ang magagamit ko. Sayang ang discount."

"Wow. This is a pretty good offer. 30% off for more than five people."

"Binigay lang kasi sa akin 'yan ng friend kong nagtratrabaho sa resort na 'yon. Matatapos na ang promo kaya sayang kung hindi magagamit. E naalala ko kayo ng mga ka-barkada niyo. Ano, kunin niyo ba?"


Not bad...


"Libre mo bang binibigay sa amin 'to? Kung libre, kunin namin. Kung may bayad, pass."


At sa siniko na naman ako ni Pipes sa tagiliran. Kailangan ko na atang magpa-x-ray pag-uwi ko para sure na buo pa ang tagiliran ko. Lagi na lang ako sinisiko nito.


"Sa inyo na 'yan."

"Thanks, girl. We'll definitely use this. Kailangan din namin ng break from everything."


Nang makaalis na 'yung makeup artists, pinatawagan agad sa akin ni Pipes 'yung iba para maaya. Kaya lang syempre mas mahal ang call kaya text na lang.


Free ba kayo this weekend? Say yes! Kahit no sagot niyo kailangan niyo maging free. Sagot na namin ni Pipes 30% ng gastos nating lahat.


"Hey! This isn't my treat. Kung gusto mo ikaw na lang. Makapag-aya 'to."

"Chill, Pipes. Napagplanuhan ko na 'to. Hindi naman kasi nila alam na may discount na talaga tayo. Kailangan lang natin sabihin 'yon para sumama sila. Basta may discount mas malaki ang chance na sumama sila."


Tiningnan niya ako at umiling. Kahit naman gawin niya 'yon alam kong bilib pa rin sa akin 'tong bestfriend ko eh.


"Idol mo na naman ako," sabi ko sa kaniya.

"You wish."

"Deny pa. Umamin ka na lang. Isipin mo, sinong tao ang makakaisip ng naisip ko? Wala na bukod sa akin."

"Exactly. Hindi ka kasi tao."


Mana talaga 'tong si Pipes mag-joke sa ex niya. Laging fail.


"And, Nate, fooling them isn't something to be proud of."


Sabi ko nga makokonsensya na ko.


***

Maaga pa lang ay nakahanda na ako. Hindi dahil sa excited ako. Ayaw ko lang na apurahin nila ako mamaya. At least ngayon chill na lang ako. Kapag tinawag nila ako kukunin ko lang 'yung bag ko tapos lalabas na at ayon na. Para cool paglabas. Hindi nagmamadali o nagpapanic.

Napakamadiskarte ko talaga. I'm so proud of myself.


Nanunood ako sa may sala nang bigla na lang pumasok si Pipes.


"Aalis na ba?" tanong ko sa kaniya.

"Tamara isn't coming."

"Weh?"


Ayos din mag-joke 'tong si Pipes eh. Napag-usapan na kaya namin ni Tammy 'to. Sasama siya sa amin at kung wala siyang pera, sagot ko na.

Kaya lang nang tingnan ko si Pipes, nakakunot ang noo niya. At kapag ganiyan ang reaksyon niya sa naging reaksyon ko, hindi nga siya nagsisinungaling. Kapag kasi nagsisinungaling 'yan hindi 'yan makakatingin sa akin at bigla na lang tatawa.

Ilang segundo na hindi pa rin siya tumatawa.


"This is our trip. She must come with us. You told me yesterday okay na ang lahat. What happened?"


Akala ko nga okay na rin ang lahat. Kaya lang...

Hindi niya ako sinagot ng oo nang sabihin ko na ako ang magbabayad. Hay nako naman si Tammy. Kahit kailan ayaw talaga sumagot ng oo sa akin.


"Nate! Are you listening? Ano na? Are we going to leave her na lang?"

"Ako bahala. May Plan B ako."

"Okay, whatever. Ikaw bahala. Mag-aayos lang ako."


Nang makalabas na kaming apat at mailagay ang mga gamit sa likod, sakto naman ang pagdating ni Hunter. Pinaiwan na lang namin ang motor niya sa garahe nila Pipes. Nakapag-paalam na rin naman sila kila Tito Ken kaya ayos na. Nagprisinta na rin akong mag-drive ng sasakyan ni Warren at sa halip na dumiretsyo sa destination ay kila Tamara ako nagpunta.


"Pipes at Hails, sama na kayo sa akin," aya ko sa dalawa pagtapat sa daan papasok kila Tammy.


Kailangan may kasama akong babae para kapag sumama na si Tammy, may katulong siya sa pag-ayos ng gamit niya.

Habang naglalakad ay bigla na lang akong siniko ni Pipes at sumenyas kay Hails. At alam ko na kung bakit.


"Hails, magkaaway kayo ni Warren?" diretsyahan kong tanong.


Inirapan niya ako at hindi sinagot.


"Alam niyo dapat magbati kayo kasi makakabawas sa pag-eenjoy niyo 'yan kapag hindi kayo okay. Kailangan pa naman natin mag-enjoy in advance kasi malapit na ang finals."

"Lagi naman siyang nag-eenjoy kaya ayos lang 'yon."

"Are you still angry at him because he lied? Why can't you forgive him?" tanong ni Pipes.

"Nag-sorry ba siya?"

"Ewan ko. Kayo madalas magkasama eh," sagot ko sa kaniya kaya nasiko na naman ako ni Pipes.

"Let's talk about it later. For now, pasamahin muna natin si Tamara."

"Tama!"


Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila ay nakatambay sa labas ang mga kapatid niya at nagwawalis naman ng bakuran ang nanay niya.


"Hi, tita!" sigaw ko at kumaway. Agad namang tumakbo papalapit sa akin ang dalawa niyang kapatid.

"Kuya Nate! Bakit ka nandito? Nandito ka ba para dalawin ako?" tanong ni Tracy.


Nang makita ko ang mukha ni Pipes at Hails, nagpogi sign ako, "Kita niyo charms ko. Pati bata hindi umubra."


"Oh, yeah?" sarkastikong sabi ni Pipes.

"Tutal umeepekto naman 'yang 'charms' mo sa kapatid ni Tamara... bakit hindi mo na lang siya hintaying tumanda at siya na lang ang ligawan mo?"

"I agree with Hailey. Since mukhang wala ka namang chance kay Tamara."

"Oo nga, Kuya Nate! Hintayin mo na lang ako. Payag ka ba Tristan?" tanong niya pa sa nakakabata niyang kapatid.


Nagkibit balikat si Tristan, "Kahit naman sino sa inyo ni Ate Tamara okay lang. Magiging kuya ko pa rin naman siya kapag gano'n."

Natawa si Hails at Pipes dahil nakisakay naman 'tong dalawang kapatid ni Tammy sa biruan. Pero oo nga, ano. Parang si Tammy lang ang immune sa charms ko sa pamilya nila. O sadyang nagdedeny lang siya kasi shy type siya?


"Si Tamara ang sadya niyo 'di ba? Nako, nandoon sa likod at nagbabasa," sabi sa amin ng nanay niya.


Nagmano naman ako sa kaniya para dagdag pogi points. Pero joke lang. Turo lang talaga sa akin nila Papa at Mama na magmano. Sumunod din naman sila Hails at Pipes sa ginawa ko.


"Tita, ipapaalam lang po sana namin si Tamara na sumama. Pupunta po kasi kaming resort. If it's okay lang po sa inyo," paalam ni Pipes.

"Kailan ba?"

"Ngayon po hanggang bukas."


Bago pa makasagot ang nanay niya ay sumingit na ako, "Promise po, tita, kung papayag kayo babantayan po namin si Tammy. Iuuwi din po namin siya bukas."

"Kayo naman ang kasama niya kaya sige. Puntahan niyo na lang sa likod."

"Salamat po!" sabay na sagot naming tatlo.

"Ang lakas mo talaga sa pamilya ni Tamara," bulong ni Hails.


Well, in-law eh.

Nagdahan-dahan kaming tatlo sa paglalakad habang papunta sa likod. Ginulat ko si Tammy at mukhang umepekto naman kasi nalaglag niya ang librong binabasa niya at bigla na lang akong sinugod at pinagpapalo ng libro.


"Ang sweet mo naman," biro ko sa kaniya.

"Akala ko ba – " Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya nang mapailing na lang siya. "Huwag na – "

"Sumama ka na sabi Tammy. Ikaw lang ang hindi kasama sa ating anim," pilit ko sa kaniya.

"Mas masaya kapag nandoon ka. Kaya please, sama ka na," sabi naman ni Hails.

"And we have a mission para pagbatiin si Hails at Warren. We can't do that if you're not going," singit naman ni Pipes.

"Kaya kasalanan mo kapag hindi sila nagbati."

"Ako pa?" Natatawang tanong niya. "Pero seryoso, ayokong gastusin ang pera ko para – "


Tinuro naman ako agad ng dalawa, "Libre niya."


"Oo nga, Tammy. Libre ko."


Umiling siya, "Ayokong abusuhin ka, Nate."


"Sagutin mo na lang ako bilang kabayaran," sagot ko sa kaniya dahilan para makatanggap ako ng palo ng libro sa braso mula sa kaniya, kurot sa tagiliran kay Pipes at tapak sa paa kay Hails. "Mga amazona 'to! Joke lang naman! Hindi pwede mag-joke?!"

"Hindi!" sabay na sigaw nilang tatlo. Mga ayaw kumalma.

"Pero seryoso na. Tammy, sama ka na. Ganito na lang gawin natin, utang 'to. Bayaran mo na lang ako kapag may stable na trabaho ka na."

"Ilang taon pa 'yon. Ano – "

"Okay lang. Magkasama pa rin naman tayo sa mga araw na 'yon."


Natahimik silang tatlo kaya nginitian ko si Tammy. Naiiling siya pero nangingiti din.


"Ayon lang," basag trip ni Hails. "Tara na sa kwarto ni Tamara, Pipes. Hayaan na natin sila. Ayusin na lang natin gamit niya."

"Right. Let's give them some time alone para magbatuhan ng mga gano'ng lines. Come on."


Wala na! Panira ng mood 'tong dalawang 'to. Bakit ba sila pa ang sinama ko?

*** 

Next update: Feb. 15, 2016

Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 29.5K 2
Voiceless is now a published book. Where to buy it? Go to this link: bit.ly/hystgbook A story of a superfan and her favorite band. Until when can she...
37.4M 1M 70
Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand...
1.2M 28.3K 12
(COMPLETED) Bago mo bitawan ang isang bagay, siguraduhin mo munang kaya mong makitang hawak hawak yun ng iba. ~Bob Ong
2M 76.5K 164
Sml? An epistolary.