The Littlest Things

By BeetleCat

235K 7.9K 1.6K

A collection of stories about the beauty and the bassist. More

The Littlest Things
Eden
Magic Box
Before Sunset
Footsies
Before Midnight
Space
Before Sunrise
Back to Eden
Now Showing
Sunday Morning
Misibis
2 AM
Dapit-hapon
Star
Dear Daniel John
Kwarto
Starman
Elesi
Umaga
Universe
Miracle
SWBL
Luna
Hands
Random
Home
Jupiter

Dear Kath

5.8K 296 65
By BeetleCat

Hawak-hawak ko ang kamay mo. Naglakad tayo pauwi kahit pwede kitang ihatid gamit ang sasakyan ko. Sabi mo, gusto mo lang ng kahit ilang minuto ng normal, ng kahit ilang minuto ng "ako at ikaw." Sa isip ko, ayaw ko ng ilang minuto. Ginusto ko ng habambuhay na tayo.

Natatandaan mo ba? Humarap ka sa'kin pagdating natin sa may street lamp sa tapat ng bahay mo. Ngumiti ka't tinitigan ako. Nakataas ang magkabilang dulo ng labi mo tulad ng ngiti mo sa'kin noong unang araw na kinausap mo 'ko. Katulad na katulad, pero iba pa rin. Mas intimate na ngiti. Mas para sa akin. Ngumiti ako pabalik sa'yo. Tapos, sabi mo, "I want to do this forever." Mahaba at kulay itim pa noon ang buhok mo. Natatandaan mo ba? Nahiya ka yata kaya't ibinaba mo na lang ang tingin mo. Natunaw ako't hindi nakasagot sa'yo. Pero hawak-hawak mo pa rin ang kamay ko.

Noon, mahal kita pero chill lang. Mahal kita pero steady lang. Mahal kita at i-eenjoy ko lang ang kaya mong ibigay sa akin at kaya kong ibigay sa'yo. Mahal kita pero ayaw kong masyadong umasa na, di tulad ng mga magulang ko, baka may happy ending para sa'kin. Noon, mahal kita at ang mahalaga ay ang ngayon.

Pero wala e. Mas masarap talagang magmahal nang nag-uumapaw. Na hindi lang sapat. Na "no chill" at hindi lang basta steady. Na kaya kong ibigay ang lahat. Kaya ngayon, na kulay brown na ang buhok mo at mas madalas mo nang halikan ang labi ko, sinasabi kong mahal kita. Mahal pa rin kita. Pero ito yung tipong gusto kong mas lalo pang umasa. Yung tipong kaya kong planuhin ang bukas. Na sa bawat tingin ko sa plano ng bahay na ipapagawa ko, iniisip ko kung saang parte ng sala ilalagay ang paboritong bangko mo. Na baka posible ang happy ending. Na baka kaya nating hindi magsawa na ipaglaban ang isa't isa.

Na baka pwedeng hawakan ko ang kamay mo hanggang sa wakas. Na sana wala nang wakas.

Ang dami ko na bang sinabi? Paka-corny ba? Natatawa ka na ba? Okay lang kung natatawa ka. O nangingiti ka. Gusto kong lagi kang masaya. Pero, sige, eto. Last three ka-cornyhan na lang para sa'yo:

Una, hindi mabibigay ng kahit sino ang binibigay mo sa akin, Kathryn.

Pangalawa, sa mundong 'to, may mga tao na magpapalipad sa'yo. Pero ikaw, at ikaw lang, ang nagpapalipad sa akin.

At pangatlo, hindi ako nag-aalinlangan tuwing sinasabi kong gusto kitang pakasalan. Dahil baba, bali, bal, mahal ko, ito ang tandaan mo: sa'yo lang ako. Sana sa huli, sa akin ka rin.



AUTHOR'S NOTE: Baka pwedeng pa #VoteKathrynFPP #KCA naman diyan, oh. :)

Continue Reading

You'll Also Like

43K 1.3K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine
105K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
1.1M 27.4K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyone😇
40.5K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"