The Four Bad Boys And Me (Pub...

Od blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... Viac

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

57: Engagement

3.4M 81K 52.2K
Od blue_maiden

CANDICE

Sa lahat talaga ng araw, pinaka-ayoko ang Monday. Gigising ka na nga nang maaga para sa flag ceremony, ang dami pang assignment na ipapasa. Kaso sa lahat ng Monday, iyon yata ang pinaka-hindi ko gusto.

"Anong oras ba 'yong party?"

"May isusuot ka na ba?"

"Ano kayang isusuot ni Stacey mamaya?"

"Excited na ako sa engagement nila!"

STFU. Argh! Puro na lang engagement nina Jeydon at Stacey ang narinig ko. Nainis na ako, ah. Kailangan paulit-ulit? Hindi ko masabi kung bakit hindi ako mapakali, dahil ba sa selos 'yon? Hindi pa naman kami ni Jeydon, e. Ewan ko ba! Gusto ko na lang matapos 'yong araw na 'yon. 'Yong engagement nilang dalawa.

Pumunta na lang ako ng library. Wala kasi 'yong mapanlait na teacher namin kaya vacant period 'yong buong Section One. Bawat estudyanteng makita ko, walang ibang bukambibig kundi 'yong engagement nina Stacey at Jeydon. Rinding-rindi na ako. Mabuti pa sa library, tahimik.

Nagbasa na lang ako ng libro ni Nicholas Sparks, para naman ma-distract ako.

"Wala ka yata sa sarili mo?" Nagulat ako noong may nagsalita sa gilid ko. Si Marky lang pala.

"Paano mo nasabi?" Parang matagal-tagal ko na ring hindi nakita si Marky, mukhang masaya siya.

"Madali kasing basahin kung ano 'yong nasa isip mo. Thinking about the engagement?" Madali raw basahin 'yong iniisip ko. Weh, baka naman kasi may mala-psychic siyang powers.

"Lahat kasi sila, 'yan 'yong pinag-uusapan." Talo pa yata nina Jeydon at Stacey 'yong mga artista kung pag-usapan sila.

"So, you're jealous?"

Pinatong ko 'yong ulo ko sa librong binabasa ko. Simula pa kaninang umaga, 'yon na ang nasa isip ko. Selos lang naman talaga ang pwedeng maging dahilan kung bakit ako hindi mapakali, e. Kaso unti-unti na ring nag-sink in sa 'kin na hindi lang 'yon ang dahilan.

"O baka natatakot ka?"

Afraid. Tama, takot ako. Takot akong matuloy 'yong engagement nilang dalawa. Hindi ko naman kasi pwedeng ipilit kay Jeydon na umatras na lang siya basta sa engagement na 'yon. Sino ba ako sa kanya? Oo, gusto niya ako at nililigawan niya ako pero 'yong engagagement, utos 'yon ng daddy niya. Tulad nga ng sabi niya, never pa niyang sinuway 'yong daddy niya.

"Oo, tama ka, Marky, takot ako."

Takot ako na hindi pigilan ni Jeydon 'yong engagement na 'yon kahit na sinabi niya sa 'kin noon na kaya niyang itigil 'yon para sa 'kin. Kasi kung balak niya talagang pigilan 'yon, dapat noon pa lang, ginawa na niya. Kaso gusto lang naman kasi niya ako, e. Hindi pa naman niya ako mahal para suwayin niya 'yong daddy niya nang gano'n. Aish! Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Magtiwala ka lang sa kanya." Ngumiti siya sa 'kin. Tama nga siguro si Marky, magtiwala lang ako kay Jeydon. Hindi naman ako liligawan ng pusang 'yon kung hindi niya pipigilan 'yong engagement na 'yon.

Nagulat kaming dalawa ni Marky noong biglang bumukas nang malakas 'yong pintuan ng library.

"YAH!"

Nanlaki 'yong mga mata ko noong nakita ko si Jeydon. Lahat ng tao sa library, nakatingin sa kanya pati 'yong librarian. Anong problema niya? Alam ba niyang nasa library siya?

"Bakit magkasama kayong dalawa?!"

Ang lakas pa rin ng boses niya, hindi ba niya alam na bawal mag-ingay roon? Abnormal talaga siya. Nagkatinginan pa kami ni Marky. Bigla namang natawa si Marky tapos inakbayan niya ako. Waaaa!

"Bulag ka ba? Nagde-date kami rito sa library."

Amp! Inasar pa ni Marky si Pusa, kita na ngang umuusok na 'yong tenga sa galit.

"Marky Lim!" Para siyang pusang nag-transform sa isang leon.

"Kayong tatlo riyan! Out!" Galit na galit 'yong librarian sa 'min. E, sino bang hindi? Sobrang ingay ni Jeydon, e. Nakakahiya tuloy sa mga estudyante roon.

Noong palabas na kami, kinuha ni Jeydon 'yong kamay ko tapos hinila niya ako palabas. Noong nasa labas na kami, ang sama ng titig ni Jeydon kay Marky. Hala, lagot ka, Marky! Huhu, bubugahan ka niyan ng apoy.

"Hoy, Kie! Umayos ka."

"Haha! Ang sarap mo talagang asarin, Jaydee. Nag-uusap lang naman kami ni Candice."

"Nag-uusap? Kayong dalawa lang?" Napatingin na naman kami ni Marky sa isa't isa.

"Selos ka ba?" sabay pa kami ni Marky.

Hindi makatingin sa 'min si Jeydon. Seryoso siyang nagseselos siya? E, best friend niya kaya si Marky.

"Hindi, ah! Nagtatanong lang ako."

'Sus, kunwari pa siya, e. Natawa tuloy si Marky. Gusto ko ring matawa kaso baka makita ako ni Pusa, e.

"Ewan ko sa 'yo! Candice, kita na lang ulit tayo, ah." Kinindatan pa ako ni Marky bago siya umalis. Loko talaga 'yon, gustong-gusto niyang inaasar si Jeydon.

Napatingin ako kay Jeydon, ang sama ng tingin sa 'kin. Hala? Ano kayang ginawa ko?

"Bakit magkasama kayo?"

"Ano namang masama kung magkasama kami?"

"Masama kasi ayoko."

Hindi raw nagseselos, ha? "Kung nagseselos ka, umamin ka na lang. Hindi 'yong ang dami mo pang dahilan."

"Oo na! Nagseselos na ako." Hindi pa rin siya nakatingin sa 'kin. Para siyang batang nahihiya, gano'n pala siya magselos, haha.

"Wala ka naman dapat ipagselos, e! Magkaibigan lang kami tsaka ano ka ba? Best friend mo si Marky!"

"May gusto kaya siya sa 'yo!" Nagulat ako sa sinabi niya. Si Marky?! E, pakana lang naman niya 'yon, e.

"Wala siyang gusto sa 'kin at gano'n din ako kaya tumigil ka na nga riyan!"

"Basta, ayokong makikita kayong magkasama na kayong dalawa lang! Nagseselos ako, e!"

Hindi ko na napigilang matawa. Seloso pala siya? Wahaha. Sumama tuloy ang tingin sa 'kin ni Pusa.

"Lahat na lang ba pagseselosan mo, ha? Una, 'yong kapatid mo tapos ngayon, 'yong best friend mo?"

"Selfish ako, e! Gusto ko, sa 'kin ka lang." Namula siya tapos hindi na naman siya makatingin sa 'kin. Napangiti tuloy ako.

"Gusto mo, sa 'yo lang ako? Boyfriend na ba kita?"

Tinitigan niya ako. "Bakit, bu-busted-in mo ba ako?" Nakatitig pa rin siya sa 'kin, napalunok tuloy ako.

"Paano kita sasagutin kung may... may fiancée ka na?"

Bigla siyang napangisi sa sinabi ko. Hala! Ano ba kasi 'yong sinabi ko? Bakit ko ba 'yon sinabi?

"Sabihin mo kung nagseselos ka." Natawa siya. Aba, loko 'yong pusang 'yon. Siya kaya 'yong nagseselos, hindi ako. Sige, sabihin na nating nagseselos ako pero kaunti lang naman.

"Haha! Hindi kaya!"

Hinawakan niya 'yong kamay ko. Nakatingin ulit siya sa 'kin. Gusto niya ba akong tunawin sa mga tingin niya? Ang ganda pa naman ng mga mata niya.

"Hindi mo kailangang magselos sa iba, kasi ikaw lang naman 'yong gusto ko. Ikaw lang, wala nang iba."

Say what? Huhu, kinilig naman ako sa sinabi niya with matching titig pa 'yon. Jeydon naman, e! Bakit ang sweet mo, ha? Kinilig tuloy ako. Feeling ko tuloy, namula na naman 'yong pisngi ko.

"Pumunta ka mamaya sa party. Hihintayin kita."

"Ha? Bakit pa ako pupunta? Huwag na, ayoko!"

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Basta pumunta ka."

Bakit pa ako pupunta roon? Huhu, gusto ko ngang matapos na 'yon, e. Nag-pout na lang ako. Pagka-pout ko, bigla niyang inilapit 'yong mukha niya sa mukha ko.

"Hoy, Pusa! Ano na naman 'yan?"

"Iki-kiss sana kita, e." Sobrang nag-init 'yong pisngi ko sa sinabi niya.

"Bakit ba gustung-gusto mo akong halikan? Ang bad boy mo talaga!"

Tumawa siya tapos pinisil niya 'yong pisngi ko.

"Ang sarap mo kasing halikan, e." Lumapit siya sa mukha ko tapos hinalikan niya ako sa cheek. Ngumiti siya sa 'kin. Ewan ko ba, kinilig na naman ako. Haha! Abnormal na rin ako, e.

Binigay niya sa 'kin 'yong invitation ng engagement nila ni Stacey. Parang gusto ko 'yong punitin, e.

"Pumunta ka mamaya. Aasahan kita." Tumalikod siya sa 'kin tapos naglakad na siya palayo.

Ano kayang binabalak ng pusang 'yon? Sabi nga ni Marky, magtiwala lang daw ako sa kanya. Jeydon, kung ano man 'yong nasa isip mo, may tiwala ako sa 'yo.

***

"Baby, bakit 'yan ang suot mo? Ang pangit!" Naghalungkat na naman si Mama ng damit sa closet.

Maayos naman ang suot ko, ah. "Mama tama na 'to."

May hawak-hawak siyang pulang dress, 'yong sexy dress na bigay pa sa 'kin ni Stacey.

"Kailangan bongga 'yong suot mo. Ito ang isuot mo, baby."

Kung alam lang niyang kay Stacey galing 'yon. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Stacey kapag nakita niya ako ro'n mamaya? Tapos suot ko pa 'yong dress na bigay niya.

"Dali na! Anong oras na, o?" Hinila ako ni Mama papuntang banyo.

Sinuot ko na lang 'yon para tumigil na si Mama sa pangungulit sa' kin. Hindi ko kasi talaga alam kung bakit kailangan nandoon pa ako. 'Di ba, parang insulto 'yon kay Stacey? Baka mamaya, kalbuhin pa ako no'n nang buhay do'n, e. Huhu!

Pagkabihis ko, lumabas ako ng banyo. Parang may spark-spark pa 'yong mga mata ni Mama noong nakita niya ako.

"Ang ganda-ganda mo, baby!"

"You're so gorgeous in that dress." Napatingin ako sa nagsalita.

Waaa! Si Marky nasa pintuan. Anong ginagawa niya rito?

"Hi, Marky! Susunduin mo ba si Candice? Teka lang, titingnan ko si Charles kung ready na siya." Pagkaalis ni Mama, lumapit sa 'kin si Marky.

"Pinasundo ka sa 'kin ni Jaydee, baka raw kasi hindi ka pumunta."

"Akala ko ba ayaw niyang magkasama tayo na tayong dalawa lang tapos ipapasundo pa niya ako sa 'yo? Abnormal talaga 'yon." Natawa tuloy si Marky.

"Kaya mo nga siya nagustuhan, 'di ba, kasi abnormal siya? Haha!"

Sabagay, tama naman siya. "Abnormal na pusang robot."

"Haha! Alam mo, bagay talaga kayo." Biglang nag-ring 'yong phone niya. "Oo na! Papunta na kami." Ang lakas ng boses no'ng kausap niya. Halatang si Doraemon 'yon.

"Mabuti pa, pumunta na tayo ro'n."

Kinuha ko 'yong bag ko tapos bumaba na kami ni Marky. Nasa baba na rin si Kuya Charles. Bago kami umalis ng bahay, kinausap muna ako ni Mama.

"Anak, magtiwala ka lang kay Jeydon. Alam kong pipigilan niya 'yong engagement na 'to para sa 'yo."

Hanggang sa makasakay ako sa kotse, naisip ko pa rin 'yong sinabi ni Mama—magtiwala lang ako kay Jeydon. Oo, may tiwala naman ako sa kanya. Kaso hindi ko talaga alam kung pipigilan ba niya 'yong engagement nila ni Stacey o hindi. Hinanda ko na nga rin 'yong sarili ko kung matuloy man 'yon.

Papasok pa lang kami sa hotel nina Jeydon, kinabahan na ako. Ang daming bodyguards tapos ang daming tao. Pagkabigay namin ng invitation, dumiretso kami ng elevator. Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko. Ano kayang nasa isip ng pusang 'yon? Ano kayang gagawin niya at kailangang nandoon pa ako? Bahala na nga si Batman.

Pagpasok namin sa venue, napanganga na lang ako. Ang ganda kasi, e, halatang pinaghandaan. Huhu! Lalo lang tuloy akong kinabahan. Dumiretso agad kami nina Kuya ro'n sa isang table. Nando'n na sina Tiffany at Troy. Wow, mukhang may something sa dalawang 'yon, ah.

"Hi, Candice!" Lumapit agad sa 'kin si Tiffany. As usual, ang sexy na naman niya. Buti sa kanya, bagay 'yong mga sexy na damit, e, sa 'kin? Huhu, bigla tuloy akong nahiya sa suot ko.

"Candice, ang sexy mo sa damit mo. Haha! Kapag nakita ka ni Jaydee, magagalit 'yon." Hindi na ako nagtanong kay Troy kung bakit siya magagalit. Napakaseloso ng lalaking 'yon, e.

Ang ingay roon sa dami ng tao. Karamihan, mga taga-school namin. Bigla kong nakita si Stacey, parents niya siguro 'yong kasama niya. Bigla siyang napatingin sa table namin. Nagtago naman ako bigla kay Tiffany. Huhu, sana hindi niya ako nakita.

"So nandito ka pala." Kung mamalasin ka nga naman, nakita pa niya ako.

"Hoy, evil sister, huwag kang gumawa ng gulo rito. In-invite siya ni Jeydon dito."

Natawa siya nang malakas. Ang sama ng tingin niya sa 'kin, parang gusto niya akong patayin sa tingin niya.

"Oh, well. Siguro gusto niya lang ipamukha sa 'yo na pinaglalaruan ka lang niya. Gusto niyang ipamukha sa 'yo na kami 'yong nararapat sa isa't isa!"

Hindi ko na lang siya pinatulan, ayoko ng gulo.

"Stacey, tama na nga! Bumalik ka na ro'n kina Daddy!"

"Gusto ko munang ipamukha sa malanding Candice na 'to na hindi niya makukuha si Jeydon sa 'kin!"

Tatayo na sana si Tiffany pero naunahan na siya ni Kuya Charles.

"Hoy, Stacey, tawagin mo pa ulit na malandi si Candice, makakatikim ka talaga sa 'kin!" Pinigilan lang siya nina Troy. Mukhang galit talaga si Kuya.

"Haha! Masakit bang marinig 'yong katotohanan, Charles?"

Tumayo na rin si Tiffany tapos inilayo niya si Stacey sa table namin.

"Candice, huwag mo na siyang pansinin. Baliw lang talaga 'yong babaeng 'yon."

Gusto ko na tuloy umalis mula roon. Ayoko na rito, gusto ko nang umuwi.

"Hey! Ano 'yon? Candice, is everything all right?" Pagkatingin ko, si Ate Serina pala. Invited din pala siya?

"Okay lang ako, Ate." Umupo na lang ako. Tumabi sa 'kin si Ate Serina. Mahinahon naman na 'yong hitsura ni Kuya Charles.

"Noong nakita kong galit na galit si Charles, nag-alala agad ako. May ginawa ba sa 'yo si Stacey? Inaway ka ba niya? Sabihin mo, kakalbuhin ko siya!" Ang protective talaga nilang dalawa ni Kuya Charles sa 'kin.

"Wala 'yon, Ate. Okay lang talaga ako. Sino pala ang nag-invite sa 'yo rito?" Ngumiti na lang ako kay Ate Serina at iniba ko na lang din 'yong usapan para hindi na siya mag-alala sa 'kin.

"Ako kasi 'yong nag-organize ng party na 'to. Ako 'yong kinuha ni Mr. Lopez. Isa pa, kaibigan ko rin si Jaycee."

Pagkasabi niya ng pangalan ni Ate Jaycee, sakto namang nakita ko sila roon sa isang table kasama 'yong mommy ni Jeydon tsaka si Jayshin. Nasaan kaya 'yong daddy ni Jeydon? At nasaan 'yong Doraemon na 'yon?

"Alis na muna ako, magsisimula na 'yong party."

Kinabahan na naman ako, buti bumalik na si Tiffany.

Maya-maya, biglang nag-stop 'yong music na pinapatugtog ng DJ. Namatay 'yong ilaw tapos 'yong natirang ilaw, nakatutok sa stage. May lalaking nakatayo roon, daddy ni Jeydon. Sa picture ko pa lang siya nakita. Pareho lang naman siya sa personal kaso mukhang nakakatakot siya.

"Good evening, ladies and gentlemen. Thank you for coming here tonight."

Parang ang bossy ng boses niya. Nagpalakpakan lahat ng tao sa speech niya.

"Huwag na nating patagalin pa ang announcement na 'to. Let me introduce to you, Miss Stacey Chua." Pagkasabi niya no'n, umakyat naman si Stacey sa stage. Nagpalakpakan ulit 'yong mga tao.

"Ang laki ng ngiti ng evil sister ko, akala mo naman, asawa na siya ni Jeydon."

Natawa na lang ako sa comment ni Tiffany. Hindi naman halatang ayaw niya sa kapatid niya.

"And of course, my son, my future successor, Jeydon Lopez."

Umakyat naman si Jeydon. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang gwapo niya sa suot niyang tuxedo. Nagpalakpakan ang lahat ng tao. Tuwang-tuwa naman si Stacey. Lumapit agad siya kay Jeydon tapos hinawakan niya 'yong braso ni Pusa. Inalis naman agad 'yon ni Jeydon. Buti na lang, 'yong spotlight ay nasa daddy ni Jeydon kaya hindi sila gaanong nakita.

"As all of you know, we are here to announce the engagement of these two young individuals whose union will hopefully forge a stronger business relationship between the two families."

Nagpalakpakan naman sila. Silang lahat, maliban sa 'kin. Hays, gusto ko na talagang umuwi, mukha namang walang balak pigilan ni Jeydon 'yong engagement nila. ba si Stacey na gusto lang ipamukha sa 'kin ni Jeydon na pinaglalaruan niya lang ako? Parang naiiyak ako, amp, mukha tuloy akong tanga.

"Any messages for our guests, Stacey and Jeydon?"

Kinuha ni Stacey 'yong mic sa daddy ni Jeydon.

"Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa pagpunta n'yong lahat. I know you're all excited for me and Jeydon's wedding, but we need to wait for me to turn eighteen first. Kaya let's just enjoy na lang muna this party tonight, okay?" Nag-smile siya sa lahat.

Kinuha naman ni Jeydon 'yong mic kay Stacey. "Thank you for coming tonight. I know you're all here for our engagement..."

Iniwas ko na ang tingin ko kay Jeydon. Pipigilan ba talaga niya 'yong engagement na 'yon? Bakit parang hindi naman? E, ano naman kung hindi niya pigilan? E di, huwag. Mabuti pa, makaalis na lang dito.

Pagkatayo ko, may kamay na pumigil sa 'kin. Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako nang makita ko 'yong brown niyang mga mata. Nakatutok sa 'ming dalawa 'yong ilaw. Lahat tuloy ng mga bisita, nakatingin sa 'min. Hawak-hawak pa rin niya 'yong mic, habang ang isang kamay niya, hawak 'yong kamay ko.

"But the engagement is not going to happen anymore because of this girl in front of me. The girl who I like, and the girl I really want to marry someday."

Binaba niya 'yong mic sa table namin. Lahat ng tao ay nagulat, lahat sila, nagbulungan. Kinabahan ako, nakatingin lang ako kay Jeydon.

"Jeydon, what the hell are you doing?!" sigaw ng daddy ni Jeydon.

"Sumama ka sa 'kin."

"Ha? Saan?"

Ngumiti lang siya sa 'kin tapos hinila niya ako palayo roon. Naghiyawan pa sina Troy noong paalis na kami.

Hila-hila lang niya ako hanggang makalabas kami ng hotel nila.

"Hoy, Pusa! Saan ba tayo pupunta, ha? Naka-heels kaya ako. Kanina pa tayo naglalakad!"

Napahinto kami. 'Yong heels ko, hala, sira na pala. Paano pa ako maglalakad niyan? Huhu. Nag-bend naman si Jeydon sa harap ko.

"Sakay ka sa likod ko." Nakatitig lang ako sa likod niya. Sigurado siyang sasakay ako sa likod niya? "Dali na!"

"Oo na!" Sumakay na lang ako sa likod niya. Pagkabuhat niya sa 'kin, naglakad agad siya. Nakakahiya naman! Ang dami tuloy nakatingin sa 'min.

"Ayos ba 'yong ginawa ko?"

"Baliw ka talaga! Ano na lang ang sasabihin ng daddy mo? Ng parents ni Stacey? Ng mga tao roon?"

"Wala akong pakialam sa kanilang lahat. Ang mahalaga sa 'kin, nalaman nilang lahat na gusto kita. Kiligin ka naman diyan!"

Natawa ako sa sinabi niya. Kinilig naman ako sa ginawa niya, e. "Thank you, Jeydon, ah. Hindi ko akalaing pipigilan mo talaga 'yong engagement na 'yon para sa 'kin."

"Ano ako, tanga? Papakasal ako sa taong hindi ko gusto? No way!"

"Pero paano 'yong daddy mo—"

Hind niya ako pinatapos sa sasabihin ko. "Shhh! Huwag mo nga silang isipin! Ako lang ang isipin mo, okay? Haha!"

"Teka nga, saan ba tayo pupunta, ha?"

"Secret!" Tumawa lang siya nang tumawa. Saan kaya ako dadalhin ng pusang 'to? "Atat ka naman, e! Maghintay ka lang diyan."

Nakakapit lang ako sa likod niya. Pinagtinginan kami ng bawat taong makasalubong namin. Saan naman kasi niya ako dadalhin? Parang ang layo na ng nalakad namin.

Bigla kong natanaw 'yong park, 'yong park na pinuntahan namin dati noong bata pa kami ni Jeydon. Nagtaka lang ako kung bakit parang ang daming ilaw? Pasko na ba? Magno-November pa lang, ah.

Noong nandoon na kami, ibinaba niya ako sa upuan. May mga bulaklak sa paligid ng upuan ko. Ang daming Christmas lights. Ang gaganda, iba-iba 'yong kulay.

"Hoy, Pusa, ano 'to, ha?"

"Diyan ka lang, ha?" Umalis siya saglit. Pagkabalik niya, may dala-dala siyang gitara. Hala! Anong gagawin niya?

Nakatayo lang siya sa harap ko. Bigla siyang naggitara. Sa unang tunog pa lang ng gitara, alam ko na 'yong kakantahin niya. "Ako'y Sa 'Yo at Ika'y Akin Lamang" ng First Circle.

kumakanta siya, nakatingin lang siya sa 'kin nang seryoso. Bumilis 'yong tibok ng puso ko. Ang ganda rin pala ng boses ng pusang 'yon. Ang gwapo pa talaga niya sa suot niyang tuxedo.

Pagkatapos ng kanta, hininto niya 'yong pagtugtog ng gitara niya at inilapag 'yon sa sahig, tapos lumapit siya sa 'kin. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Ano na namang gagawin niya?

"Hoy, aso!" Ngumiti siya sa 'kin.

"O, bakit?"

"Ngayong wala na akong fiancée, ngayong malaya na ako... uhmm, ano..." Hindi siya makatingin sa kin at parang kinakabahan pa siya.

"Ano 'yon?"

Hinawakan niya 'yong dalawang kamay ko. "Can you be my girlfriend?"

"Ha? Pero—" Ano bang sinasabi niya? 'Di ba, sabi ni Kuya Charles, hindi pa raw pwede?

"Nagpaalam na ko sa Mama mo pati kay Charles at pumayag na sila. Sagot mo na lang ang hinihintay ko."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Nagpaalam na siya? Kailan 'yon? Wala man lang akong kaalam-alam.

"Nangangawit na ako, ah."

Kahit kailan talaga, napaka-bossy niya. Manang-mana sa daddy niya. Hindi siya makatingin sa 'kin, halatang kinakabahan siya sa isasagot ko. Alam ko namang takot siyang ma-busted ko siya, e. Never pa siyang nanligaw kaya kung ma-busted ko man siya, sigurado akong masasaktan siya.

Inisip ko muna nang mabuti kung ano ba talaga ang isasagot ko. Inisip ko kung worthy ba talaga si Jeydon sa oo ko. Ayokong pagsisihan 'yong desisyon ko, unang boyfriend ko siya kung iisipin. Lahat naman ng tanong, lahat 'yon, sinasabing worthy si Jeydon sa oo ko. Alam ko namang gusto niya talaga ako at seryoso siya sa 'kin. Sa ginawa pa lang niya kanina, lahat 'yon ay pagpapatunay niya sa 'kin. Mismong daddy niya na never niya pang sinuway, sinuway para lang sa 'kin. Tapos lahat pa ng effort sa park, ginawa niya. Ano pa bang mahihiling ko? Tanga na lang ako kung tatanggi pa ako sa kanya.

"Oo, Jeydon, girlfriend mo na ako."

Sobrang laki ng ngiti niya. Sa tuwa nga niya, hinila niya ako patayo. Niyakap niya ako tapos binuhat niya ako. Akala mo kung anong nangyari sa kanya, e! Haha, buti na lang, kami lang 'yong tao roon.

"Yes!"

"Hoy, Pusa! Ibaba mo na nga ako!" Ibinaba naman niya ako. Haha! Good boy.

"Candice..." Hinarap niya ako sa kanya. Hawak-hawak lang niya 'yong bewang ko, nakatingin siya sa 'kin, sa mga mata ko. Bumilis na naman 'yong tibok ng puso ko. "May sasabihin ako, makinig ka, ha?"

"Okay... ano naman 'yon?" Niyakap niya ako, niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit.

"Candice... I love you."


Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

130 41 3
Slow- updates// Daughter of the dark, delivered to the light and chosen by the God and Saints. The prophecy about rising of an evil and his seed that...
53.3K 3K 15
Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute in her mission to locate Ludovic Luciano...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...